Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 08


The next day was a normal day. Like, usual.

Medyo wala kaming ganap ngayong linggo dahil simula noong matapos ako sa midterms ko sa loob ng dalawang araw, ay naging busy naman ang dalawang kaibigan ko sa paparating na midterms nila. Sa totoo lang ay panghuling araw na nila 'yon ngayon, mas nauna lang ako natapos dahil mas nauna kami ng araw nagsimula. But, aside from the fact that we have a different schedule, I'm not sure if Mickey has anything else to say about what we'll be doing this week.

Mabuti na rin 'yon dahil kahit papano ay makakapagpahinga naman kami, pati na rin ang mga bituka namin ngayong linggo para sa alak. At para naman hindi 'din makapag-isip ng kung ano ang magulang ko sa dalas na pag-alis ko sa bahay dahil sa mga nagiging lakad ko.

And since the last incident they witnessed... my friends and I haven't properly discussed the issue. They still don't understand because I haven't told them until now. Hindi na rin naman sila nangulit muli dahil ayaw ko nga munang pag-usapan pa iyon. Siguro, saka ko na lamang isasalaysay kapag malakas na ang loob ko at wala na lamang sa akin 'yon.

Like I said, it was a normal morning day.

That's what I thought...

I was wrong...

Hindi ko rin alam na dadating ako sa ganitong punto.

Na para bang sa kalagitnaan ng maaliwalas na kalangitan, ay biglang kang kikidlatan para magimbal ang araw mo sa inaakala mong maayos at normal na panahon.

At hindi ko rin inaasahan na ang palagi kong inaalala't, iniingat-ingatan, at iniisip ay darating at darating talaga ang pinaka kinakatakutan ko. Na inakala kong malabong mangyayari.

It feels like echoing. Para bang kahit anong gawin nilang bulong ay nahahagip at nahahagip ng pandinig ko habang binabaybay ko ang daan sa loob ng eskwelahan, walang kamalay-malay, habang nanunusok ang lahat ng kanilang tingin sa akin—ako'y nalilito.

It's as if I'm just an outcast to a lot of people, and I'll suddenly become a star.

Like, they were amused, mocked, and disgusted.

That was the only thing that washed over their faces as they looked at me. Like, everyone is full of shit and a fucking asshole.


"Hindi ba siya 'yung nasa scandal?"

"Fucking slut!"

"So, siya talaga yung girl sa Business Department na nakahalikan ni David mula sa Engineering Department?"

"Really? Si David Alvarez? Yung basketball player? So, totoo pala talaga 'yon?"

"Hindi ba't may girlfriend si David? Nakita ko sa post na may nag-tweet na ibang babae na nahuli yung boyfriend na nambababae. And she's pertaining to a star player, and then boom, she dropped his name. I didn't know na taken pala si David at may long-time girlfriend! Ano yung isa? Kabit?"

"Ewan. Baka siya nga yung kabit. Balita ko rin kasi pinagpustahan lang rin yata siya for only ten thousand pesos para lang sa halik no'n."

"Paano mo nalaman?"

"Edi nakita ko sa comment section! Ang daming issue, 'te! Basahin mo, hinay-hinay lang at baka malito ka!"

"Mukhang need ko ng popcorn, ah? Ang daming issue!"

"Pwe! Ang cheap naman! Tang ina! Hindi ba't kaibigan 'yan nung Mickey mula sa Tourism?"

"Ah, yung mukhang malandi? Now I know! Kaya naman pala, hindi na 'ko magtataka. Nasa loob ang kulo."

"Oh, God! She even captioning about how she found out her boyfriend cheated on her, kasama na dun yung pag-share post ng video."

"Oh, God! She even captioned about how she found out her boyfriend cheated on her, including sharing the video post!"

"Talaga? Patingin!"


Huminga ako ng malalim.

My mouth run dry at halos maumid ang dila ko sa narinig na habang sinasabi nila ito ay nakatuon at halos habol ang tingin ng ilan sa akin.

No. This can't be.

Are they fucking talking about me?

No! People are really chattering about me, literally!

All I can think about is how...

Paano nangyari ito?

Paano nila...

Ang lahat ng nakikita ko sa bawat gilid ko, kahit saan ko tanawin ay para bang dagling naka zoom ang mukha nila sa paningin ko. Na kahit anong bilis ng lakad ko ay para bang bigla na lang bumabagal ang ginagalawan ko. Ang bawat detalye, mga reaksyon nila ay hindi nakalampas sa paningin ko habang wala sa sariling naglalakad at patuloy na naririnig sila. Pakiramdam ko unti-unting lumulubog ang puso ko hanggang sa nawala, hindi makapa, at tuluyan nang walang maramdaman sa balisang nararamdaman.

I feel numb already. Suddenly stunned by what was I heard and happening. Hindi na rin alam kung saan papunta.

Papasok lang naman ako sa klase ko ngunit 'di ko naman inaasahang may sasalubong sa'kin na ganito. Na inakala kong normal na araw lamang para sa'kin ay 'di ko inaasahang ito na yata ang huling araw na magiging normal ang araw ko.

At nang matanaw ko ang restroom ng pang babae ay saka ako nakahinga masyado ng maluwag nang magkulong agad ako mula sa pinakadulo't panghuling cubicle. Muntik ko na rin makalimutang huminga nang maramdaman kong hinapo ako pagka-upo ko sa may toilet.

Halos mamanhid ako sa mabilis na pangyayari na patuloy naman ang pagtunog at pagsabog agad ng notification sa phone ko. Nababasa ko rin ang pagpapaulan ng mensahe sa'kin nila Mickey at Becca. Natutuliro't hindi na alam ang alin ang mas uunahin.


Mickey Mouse:

Tintina, totoo bang ikaw 'yun nasa video?

Anong nangyari?

Bakit hindi ka nagsasabi sa'min?

Where are you? Please tell me.

Becca:

People are saying that it's you, Tin.

Nasaan ka? Pupuntahan ka namin ni Mickey

We're on the rooftop. Hihintayin ka namin, nag-aalala na kami.


Napapikit ako ng mariin kasabay ng pangingilid ng luhang dagling namuo sa mata ko. Hindi ko na sila magawang reply-an dahil sa patuloy nang pagsabog ng notification ko. And when I triggered, I looked at that and decided to press the bombardment mentions to me. Malalim akong suminghap at lalong nanlabo ang paningin ko sa nagbabadyang luha kasabay nang pagdamba ng pangamba ko sa mga nakikita ko.

Para akong pinalunok ng bomba sa nakita ko para lalong magimbal ang buong sistema ko.

I'm not sure. I suppose it felt like they all knew. In my mind, the question of how they found out was suddenly answered, and I became the talk of the town.

Fuck... fuck! Fuck! Fuck!

I know that, that's the shit thing about the internet.

It was me. It was really me.

Namugto ang hininga't dumiin ang hawak ko sa phone ko habang pinapanood ang clip na nakita. My stomach churned a bit, nanginginig ang mga kamay ko, at umabot sa batok ang init sa tindi ng kaba at hiyang nararamdaman ko.

Inaamin ko, ako nga talaga iyon sa video, hinalikan ni David at inakala ng lahat ng mga tao ay gusto ko ding hinahalikan siya. It was all clear, rinig na rinig din ang mga tawanan, sipol, sulsol at mga kabastusang salita na binibitawan ng mga kaibigan ni David na hindi naging malinaw noon sa pandinig ko, na naririnig ko na ng malinaw ngayon.

Maganda ang pagkakakuha, at sa anggulo pa lang ay aakalain mong nagugustuhan ko nga ang nangyari sa aming dalawa ni David.

Pero ang totoo, hindi. Alam ko sa sarili ko na hindi. Alam ng humalik sa akin na hindi. At lalung-lalo na sa mga nakasaksi roon na hinding-hindi ko talaga nagustuhan 'yon.

Sa nagngingitngit at panlulumong nararamdaman ay parang gusto kong matawa sa nag-upload na may cut na video. Kukuha na lamang ay bakit hindi nilubos pa?

Yea, it was just a short clip, wala doon ang kabuuang pangyayari kung paano ko siya tinulak, sininghalan, at sampalin sa huli—pero hindi lang dun yung issue, 'e. Mas lumala pa at mas lalo lang akong nagmukhang may kasalanan at masama. Hindi lingid sa kaalaman ko na si David pala ay may girlfriend, kaya nauunawaan kong na-misinterpret ng mga tao na isa ako sa mga lumalandi at kumakabit kay David kahit hindi naman totoo!

Pero hindi ba't parang siya pa yung lumandi!? Bakit naman bumaligtad pagdating sa'kin?

I tried to remove a tag so that I wouldn't be able to join whoever fucking posted it, or report the account that posted or just deactivate mine. But I just can't do it, and I can't think straight anymore because of the anxiety I'm experiencing as my hands begin to tremble and my entire system.

Like... everything my life is slowly starting to fuck up because of those damned leaked videos that have spread online!

I even fucking notice the comments from men drooling over me like I'm a real slut.

Para bang uminit ang batok ko papunta sa ulo ko nang isa-isa kong mabasa ang mga ito. Katulad nga ng inaasahan ko, may ibang nakakilala, nagulat, nadismaya, hindi rin makapaniwala, pinipilit na ayaw maniwala dahil hindi 'yan ang pagkakakilala ng ilan sa akin, at ang malala pa ay ginawang kabastusan at nagawa pang pagkatuwaan sa huli.


'Yo, dude, have you seen her slut video, though? Yung Celestina Madrigal from Business Ad Department?'

'You can't even tell that it's her, man.'

'Your crush, it's her, bro. It's definitely her.'

'I had no idea that a girl with an innocent face had hidden wild in her body.'

'I still can't believe it. I always thought that she wasn't even that type of a girl, but... I don't know what to say. Sayang at okay lang pala sa kanya ang maging kabit.'

'Fuck, I envy that man.'

'Sarap na sarap si Ate, oh. Sana ako na lang ang hinahalikan niya.'

'I wonder if she's still a virgin? Ang hot, pare. Mukhang ang sarap ikama. Ganda ng katawan. Damn.'

'Bro, you gotta see this shit. She's a fucking hot, through and through.'


At hindi pa nakuntento na nagawa pang i-tagged ang video sa magulang ko!

"Fuck," walang boses na mariing naibulalas ko mula sa bibig ko.

Halos impit na sumaklolo ako sa lahat ng santo para hilingin na sana hindi totoo itong nakikita ko! Para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig at nataranta kung paano ko aalisin agad iyon.

The number of reactions, comments, and views is almost increasing. The shares continue to spread, which makes me even more worried. I'm even more afraid that so many people know and keep fucking dragging my name!

Nangangamba, at hindi na rin makatagal ay halos maigtad ako sa pagmamadali na ring umalis. Sa kasamaang palad pa ay biglang nag-ring ang phone ko nang sunud-sunod na pagtawag mula sa Papa ko na hindi ko naman agad masagot-sagot. Halos paulanan ako ng mensahe ni Papa kaya nakutuban na agad ako. Hindi na rin alam kung paano nangyari't nagawa kong makalabas ng tuluyan ng buo sa eskwelahan gayong kapapasok ko pa lamang.


Papa:

Anak, nasa'n ka?

Ano itong nababalitaan ko?

Totoo bang ikaw itong nakikita namin?

Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko!?

Celestina!

Sumagot ka!

Huwag ka ng pumasok. Mag-usap tayo at umuwi ka sa bahay ngayon din!


Hindi ko pa man nakikita ang mga magulang ko ay halos maiyak naman agad ako sa sunud-sunod na natanggap kong mensahe mula sa Papa ko. Mensahe lamang iyon ngunit ramdam ko na ang galit siya. Pinaghalong kaba naman at panlulumo ang nararamdaman ko ngayon.

It was spread by an anonymous person who owns an account, and I had no idea there was a copy of what happened! Halu-halo na rin ang nararamdaman ko. Lito, kaba, at takot. Hindi alam kung gugustuhin ko pa bang umuwi sa magiging salubong sa akin.

Because honestly, I still can't... I still can't admit it, even if it's true and no one can ever prove it. They were all aware that it was me; I can't, but still—I must.

And I'm not sure how to tell my friends or family. To everyone and each one of them. I'm terrified.

Natatakot ako sa maaari ko pang marinig at mangyari sa'kin. Hindi alam kung paano haharapin, magsisimula, at ipapaliwanag dahil alam ko, inaasahan ko ng unti-unti akong papaaminin ng mga magulang ko sa lahat ng mga naging kasinungalingan ko. Ang dami ko na agad naiisip sa posible't negatibong mangyayari, maaari ring... maungkat ang lahat!

I can't get it out of my head. Maybe it's all my fault. As everyone has said. Kasi ako, hindi rin nag-ingat. Nagsinungaling ako, at ito siguro ang napala ko sa patuloy na pagsisinungaling ko.

Is this worth taking all the blame? To embrace these consequences? Tama ba ang nangyari sa'king 'to? Ito ba yung totoong karma? Doble ang naging balik, mas malala pa? O may iba pa?

"Anong ginawa mo? Hindi ka na nahiya!" salubong agad sa'kin ng ama ko habang nanlilisik at gilaiting-gilaiti ang ipinupukol sa akin.

Hindi pa man ako nakakalapit, nararamdaman ko na ang magiging hagupit sa maaaring gawin sa'kin ng Papa ko. Ang galit niya ay para bang isang masamang panahon na hindi mo inaasahan, hindi pa man kumukulog, umaambon, at bumubuhos umuulan, agad ka na niyang makikidlatan para maigtad ka at manginig sa takot.

Parang hindi si Papa ito. Si Papa man, kahit strikto ay kalmado lagi kapag kinakausap ako. Ramdam ko ang pag-aalala pero ngayon... tanging galit ang nahahagip ko mula sa kanya. Na sa ipinupukol niyang tingin, kaunting galaw mo lang ay dapat na maging alerto ka.

"P-Papa..."

"Ano na naman ba 'to, Celestina!?"

"P-Pa, teka lang. Pakinggan n-niyo po muna ako, mali po kasi yung akala niyo—"

"Anong mali!? Kitang-kita ang mukha mo rito na nakikipaghalikan ka!"

Halos mapapikit ako mula sa pagkaigtad nang sigawan niya lalo ako, hawak ang kanyang cellphone habang patuloy ko nakikita ang sarili sa video.

"Hindi mo na binigyan ng kahihiyan ang sarili mo! Hindi mo na rin kami binigyan ng kahihiyan bilang magulang mo, Celestina! Hindi mo na kami nirespeto!" my father still shouted at me.

Nasa pinto pa lamang ako, nanginginig sa takot ay bigla na lamang niya ako kinaladkad papasok para harapin sa kanya.

"P-Pa, hindi po naman kasi ganun 'yon, e! H-Hindi niyo po naiintindihan—"

Gusto kong sabihin ang buong pangyayari ngunit parang nabulag ang Papa ko sa galit para hindi niya man lang ako mabigyan ng kaunting oras na pakinggan.

"Anong hindi ko naiintindihan!? Ang hindi ko maintindihan ay bakit mo ginagawa ang mga bagay na 'to! E, kitang-kita at malinaw sa video ang napanood namin ng Mama mo! Itatanggi mo pa? Ha!?"

His voice was like thunder. Lukot na lukot, galit, at dismayado ang nababasa ko sa kabuuan ng mukha ng Papa ko. Na sa bawat sigaw at bitaw ng salita niya ay para bang tuluyan na 'kong tinamaan ng kidlat at saktong tumama sa puso ko para unti-unting maramdaman ang pagkabitak nito.

"Hindi ko alam na may ganyan akong anak na kalandi!" pagpapatuloy ni Papa.

"P-Papa..." my knees started to wobble.

He words cut really deep. Parang tumagos lalo sa bawat himaymay ng katawan ko pabaon na nanuot lalo sa kaluluwa ko. Na kulang na lang ay malasahan ko ang sariling dugo sa bawat pait kada lumulunok ako ng malalim sa nanunuyot at nananakit kong lalamunan. I was biting my lips so hard to keep from crying.

Keeping defending myself, it still goes on and on. Palagi na lang ako napuputol. Palagi na lang ako nakokontrol. Kaya natatahimik na lang ako, wala na ring tamang maapuhap na sasabihin, barado na ang utak, wala ng magagawang pagpapalusot, wala nang kawala. Nanatiling tahimik na lamang, miserable't nagsisisi at impit na umiiyak, iniinda ang mga naririnig habang patuloy pa rin ang pagsasalita ng masasakit ang Papa ko sa'kin.

"You disappoint me! Hindi ako nagkulang ng paalala sayo pero patuloy ka palang nagsisinungaling sa harapan namin! Na hindi namin alam na habang nakatalikod pala kami ng Mama mo, puro katarantaduhan pala ang ginagawa mo! We trusted you! Tapos magagawa mo pang lumandi!? Yan ba ang natututunan mo sa mga kaibigan mo, ha, Celestina!?"

Malalim akong lumunok. At halos manginig na lamang ako sa takot sa patuloy na paninigaw sa'kin ng Papa ko. Na baka kapag sinubukan kong hawakin siya sa kamay para pakalmahin ay saktan lamang ako. Ito ang unang pagkakataon na makita kong magalit ng matindi ang Papa ko sa'kin.

"Ano!? Ano pa ba mga kasinungalingan mo? Ha? May hindi pa ba kami alam sayo? Hindi ko inaasahan na madalas ka din uminom, maglakwatsa, at kung sinu-sino na lang rin lalaking nakakasama mo! Ano? Nagdo-droga ka na rin ba? Ibinigay mo na rin ba ang sarili mo sa iba't-ibang lalaki nang hindi namin nalalaman ng Mama mo, ha!?"

Lalong kumurot ang puso ko don.

"Noel..." dinig kong awat sa kanya ni Mama.

"Kung sinu-sino na lang pinapatulan mo! Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi ka nag-iisip? Ano bang pangarap mo? Maging maruming na lang babae!? Paano kung mabuntis ka, ha!? Hindi ka ba natatakot sa mga ginagawa mo?" aniya'y halos malakas na hinampas pa ni Papa ang mesa nang sunud-sunod na tanungin niya ako. "Ano, Celestina? Ano pa ba? Ano bang mga karumihang tinatago mo sa katawan mo na hindi namin nakikita ng Mama mo?"

Ang aking impit na iyak ay unti-unting naging hagulhol habang naririnig ko ang labis na paratang sa'kin ng Papa ko. Hindi ko maiwasang mapapikit ng mariin habang umiiyak at sapuin ang nangingirot kong dibdib sa banda kong puso, habang naririnig ko rin ang minsang pagpigil at pagpapakalma sa kanya ni Mama.

Really? Of all people. Why? Bakit ganito rin agad ang maririnig ko mula sa mga magulang ko?

Hindi ko sila masisisi. Literal na magagalit sila sa'kin dahil sa ginawang kasinungalingan ko dahil kasalanan ko rin naman. Pero bakit sobrang sakit?

Everything my Papa told me was like a CD player playing over and over in my head. And every time I responded, he seemed to lose faith in me.

"Celestina... saan kami nagkulang ng Papa mo sa pagpapalaki sa'yo?" malamuunay na sambit ni Mama, ngunit may bahid sa kanya ang dismayado at pagmamakaawa. Halos hindi ko na rin siya magawang salubungin ng tingin sa labis na hiyang nararamdaman. "Dahil ba hindi ka namin madalas paburan sa lahat ng bagay, d-dun ba? Mali ba 'yung sobrang pag-aalala namin sa'yo anak, h-hm? B-Bakit mo nagawa iyon? M-Minahal ka namin ng lubos... iniingatan, araw-araw namin 'yon pinaparamdam sa'yo, p-pero..."

At kahit na malumanay lamang ang kanyang tinig ay himig na himig ko pa rin ang patuloy na pasakit at pagkadismaya niya sa akin.

"Alam mo bang sa ginawa mo, sinira mo lang rin ang pangalan mo? Ang sarili mo, ang tiwala namin ng Papa mo sa'yo. A-At unti-unti mo na rin nasisira ang imahe ng pangalan ng pamilya na'tin sa paningin ng maraming tao na..." she paused for a while.

Hindi na nakatakas sa pandinig ko ang pagkapaos at piyok ng Mama ko sa nagbabadyang emosyon na nahimigan ko mula sa boses niya. Napasapo siya sagit sa kanyang bibig habang mahigpit siyang umiiling sa'kin.

"D-Diyos ko, anak... alam mo bang masakit marinig sa iba na nagkulang at hindi naging maganda ang pagpapalaki namin sa'yo ng Papa mo? Napakasakit marinig iyon mula sa iba't maraming tao. N-Nagkulang ba talaga kami anak, h-ha?"

Isa-isang namatak ang maiinit na luha ko sa pisngi ko habang umiiling. Ma, hindi kayo nagkulang sa'kin ni Papa. Sobra-sobra pa po. Na sa sobrang iyon ay minsan... nasakal rin ako. Patawarin niyo sana ako.

"I-I'm sorry, Ma..." was the only thing I said as my lips trembled.

I tried to compose my appearance properly even though my tears were starting to form in the corner of my eyes again.

"At masakit rin sa'kin anak... na marinig ang masasamang binabato nila sa'yo..."

I thought about myself as I looked at my Mama's teary eyes. Hindi ko maiwasan lalong masaktan sa paghihinagpis ng Mama ko sa harapan ko. Even though she wasn't crying out loud, I could feel the heaviness of Mama's heart as she quietly burst into tears in front of me. Kahit na may pagkakataong naririnig ko pa rin ang kanyang mahinang hikbi na nanuot sa tainga ko.

I want to be strong because I know what happened between me and my parents, I still included them in my embarrassment, my selfishness and compulsive decisions. And I don't think I can be strong all of the time. Gustung-gusto kong idepensa ang sarili sa pangangatwiran ko pero makikinig pa rin kaya sila?

Maniniwala pa rin kaya?

Yes, I let them down. However, I am also struggling because I have failed myself. I completely ruined myself. I also broke their intense trust in me. I ruined my name. I ruined my family name. My friends... I don't know, maybe they are also disappointed in me. And for some people who know me and my parents, maybe they think and feel the same way— it's either disappointed, mad, and disgusted.

Magsisimula na lang sila maniwala sa kung ano lang ang kanilang nakikita at patuloy ka pa rin nilang ikukutya.

That I have some disgusting video. The scandalous daughter. It became an issue when I was mistaken na ako raw ay isang kabit, mang-aagaw ng boyfriend at maninira ng relasyon, leading everyone to believe that I'm useless, na sinayang ang talino at kung kani-kanino na lang pumapatol kahit may relasyon ng ang iba. With two faces and nothing but pretentiousness.

Kasalanan ko nga ba talaga ito lahat? Bakit hindi ko matanggap. Pakiramdam ko hindi ko kayang yakapin na lang lahat ng paratang nilang alam kong hindi ko naman ginawa at kasalanan lahat.

Alam ko namang kasalanan ko rin... hindi naman ako naging masamang anak. Alam kong mali yung pagsisinungaling ko... pero bakit grabe naman itong karmang bumalik sa'kin?

It's easy to think it's my fault. That maybe, I deserve everything they're throwing at me.

"Simula ngayon ay lalo na kitang paghihigpitan." mahigpit na sabi sa akin ni Papa habang malamig ang ipinupukol niya sa akin. Ni wala akong makitang ibang emosyon at pakiramdam ko ay nawalan na sa'kin ng amor ang Papa ko.

Umaasang baka maghingi ng tawad sa naging masasakit na salitang binitawan sa'kin ng Papa ko, na hindi niya iyon sinasadya, makikinig siya sa akin, na aaluin niya ako, hahalikan sa noo't yayakapin, lalambingin katulad ng madalas niyang ginagawa noon sa akin lalo na noong bata pa ako sa tuwinang nagkakaroon ako ng pagtatampo. Na kahit ako ang may kasalanan ay si Papa pa ang hindi makakatiis. Hindi ako matitiis ng Papa ko pero...

"P-Papa—"

"Aalis ka ng bahay para pumasok sa klase. Uuwi ka rin sa bahay pagkatapos ng klase. Dalawang bagay lang ang gagawin mo at tanging dalawang lugar lang ang paglalapatan ng mga paa mo't makikita mo. Hatid-sundo kita hangga't maaari. At hangga't maaari ay magtiis ka muna sa unibersidad na pinapasukan mo hangga't hindi pa kita naihahanap ng bagong mapapasukan—"

My eyes automatically widened as my lips parted. Napasinghap ako sa nalaman. Para bang dagling sumibol ang puso kong kaninang nakabaon na inakala ko'y hindi ko na mararamdaman pa.

Naguguluhan man; "P-Pero, Papa! Hindi niyo naman po kailangan pang ilipat ako ng bagong eskwelahan—"

Lalong bumakat ang pagkakakunot ng ama ko sa dagling pagprotesta ko.

"Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo? Sa tingin mo may maimumukha ka pa at masisikmura mo pang pumasok araw-araw habang usap-usapan ka tungkol dun sa eskandalo mo? Ako hindi! Ako ang mas nahihiya para sa'yo! Kaya lilipat kita sa eskwelahan sa ayaw at sa gusto mo!"

Mariin kong kinagat ang labi ko habang masakit na lumulunok sa pagbabara ng lalamunan ko.

Mapait na ngumiti sa'kin ang Papa ko habang mataman niyang tinitingnan ako.

"Did you not realize you were a disgrace to the school you were attending?" natahimik na lamang ako sa sinabi ni Papa. "And for god sake, Celestina! Magkaroon ka naman ng kahihiyan sa sarili mo na sa isang magandang institusyon at catholic school kita pinapasok! Nakilala ka noon sa pagiging maayos na estudyante't matalino! Ngayon, mas nakilala ka dahil sa eskandlo mo! Sana naisip mo 'yan bago mo ginawa!" singhal pa niya.

I didn't want to cry seriously, but the tears automatically filled my eyes again. Sobrang pait sa pakiramdam ng matanto kong kinakahiya ako ng Papa ko sa nangyari. Alam niyang kinakahiya na ako ng lahat, na iba na ang tingin ng karamihan sa akin pero hindi ko inaasahan na isa na si Papa don.

Totoo bang naniniwala si Papa na ginusto ko ang pangyayaring 'yon?

Naniniwala ba siya sa sinasabi ng mga tao kaysa ako na anak niya?

Ganito na ba talaga ang tingin sa'kin ng Papa ko?

Matatanggap ko sana na kahit isang sinungaling na lang ang iparatang niya sa akin. Malulunok ko pa iyon pero ang pagiging malandi...

Anong magagawa ko? Sinungaling na ang tingin ni Papa sa'kin. At alam kong mahihirapan na siyang paniwalaan pa ako kaya maaaring madala ko na ito habang buhay na hindi na ako magagawa pang pagkatiwalaan at paniwalaan pa muli ng magulang ko.

Sobrang pait sa pakiramdam na nagawa pang maniwala at makinig ni Papa sa ibang mga tao, pero ako na mismong sarili niyang anak, sa tuwinang magpapaliwanag ako... umiiling lang ito. Tumatalikod. Hindi tumitingin. Sarado ang isip at tainga niya sa akin, hindi na magawa maniwala [a.

"Pero Pa... May ilang sem pa akong k-kailangang—"

"Wala akong pakialam, Celestina! Kaunting pagkakamali pa, huwag mo ako papuntahin sa puntong unti-unti kong tanggalin ang lahat ng bagay na pinaburan ko noon sa'yo, naiintindihan mo!? You're grounded, and that's the end of it!"

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro