Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 06


Muntik na akong maigtad sa sarili habang abala ako't nagmamadali sa paglalakad. Pilit na nakikisingit sa alon na mga nagkakaguluhang tao nang makababa ako upang lumabas muna sa bar—at para na rin kalmahin ang sarili sa nangyari—siya namang naramdaman ko ang dagling pag-vibrate ng bagay sa may bulsa ko.

Iritado pa rin, saglit akong natigil para tingnan ang tumutunog na phone nang mahugot ko iyon mula sa bulsa ko.

Dagling nag-iba ang ekpresyon ko. Malalim akong napasinghap nang makita ito.

"Shit..." napapikit ako saglit ng mariin.

Kakapatay lang ng vibrate nang makita ko ang Papa kong kanina pa pala tumatawag at may dalawa ng missed calls at tatlong mensahe.

Agad ko rin namang binasa iyon.


Papa:

anak, kamusta kayo d'yan?

nak, niloadan nga pla kitang pang-text at data kung sakaling wlng load k

bkt d k nasagot sa tawag ko? ano bang ginagawa niyo?


Napabuntonghininga ako ng malalim sa nabasa.

Mabilis akong nakalabas habang nakatuon ang mata ko sa phone ko, nag-iisip na rin ang maaari't kailangan kong sabihin, natatakot rin na bigla na lang mag-vibrate ulit at baka maaksidente kong tanggapin ang tawag. Dahil sa oras na mapindot ko iyon ay alam kong magdududa agad ang Papa ko, at pihadong maririnig niya sa kabilang linya ang kalabog ng tugtog dito.

Knowing my Papa, he has been telling me for a long time that he doesn't want me to go to such a chaotic place... like this. Hindi niya gusto ang pagpunta ko sa mga party, lalo na ang maraming alak at pakikipag-inuman sa kung kani-kanino na hindi naman kilala at kahit kakilala pa. Ayaw na ayaw niya iyon—pero ako, gustung-gusto ko. Pinakagusto ko ang bagay na 'to.

Lumabas na ako sa entradang pinto. Sumalubong naman agad sa akin ang madilim na gabi, may mga ilang tao rin akong nakikitang mga nagyo-yosi, mga sasakayang nakaparada at ilang mga tao na papasok pa lamang. Nakaraan pa nga ako sa ilang tambay at tinawag pa ako gayong hindi ko naman mga kilala.

Luminga ako sa paligid, naghahanap sa matahimik na lugar upang masiguro kong hindi maririnig ang kaguluhang tunog ng Papa ko. Naglakad-lakad lamang ako sa malayo kung saan alam kong tahimik at hindi madadaanan ng sasakyan at ilang mga tao. Hanggang sa hindi na maririnig ang kalabog ng tugtog na kanina pa nag-e-echo sa pandinig ko.

Agad naman akong nagtipa para reply-an ang aking Papa.

Kailangan ko talagang mag-reply dahil sa oras na 'di ko tugunin ang mensahe ng Papa ko, paniguradong hahanapin at susunduin ako no'n kahit na nasaan man ako. Knowing my Papa, ganun talaga siya kung mag-alala, kaya dapat hindi ako makalimot at magkamaling sabihin na ayos lang naman ang lagay ko.

Kahit na ang totoo, marami ng kabalustugang nangyayari sa buhay ko nang hindi nila nalalaman!

Katulad sa nangyari ngayon!


Ako:

Yes, pa?

Tawag po ulit ikaw pa


Mensahe ko agad kay Papa. Para naman mapanatag siya na ang anak niya ay maayos na maayos pa. Mabuti na nga't kahit na naka walo na akong tagay hindi pa naman ako lasing, kaya makakapag-isip pa ako ng mabuti at maayos kong masasagot ang Papa ko sa oras na kausapin niya ako.

At wala pa ngang isang saglit ay agad na nag-vibrate ang phone ko.

Saglit muna ako tumingin sa aking paligid, napakatahimik. Nang masiguradong maayos ang pinagpwestuhan ko, at walang magsasanhi ng ingay dito ay marahas muna ako bumuntonghininga ng malalim, at agad na rin sinagot ang tawag ng Papa ko.

Tumikhim ako saglit.

"Oh, Pa?" normal agad na bungad ko sa tawag.

Kahit sa loob-loob ay hindi ko maiwasang kabahan na baka biglang umingay ang paligid ko.

"Oh, anak? Kamusta ikaw 'diyan?" ang palagi niyang tanong sa tuwing nasa kalagitnaan ako ng pinuntahan ko.

Minsan talaga, kakabahan na lang ako sa tuwing biglang tatawag ng ganito ang Papa ko, at sa tuwing may mga pinupuntahan ako. Kaya nga kapag kasama ko sila Mickey, alam na nila ang gagawin. Magkakasabwat kami para lang pagtakpan ako sa kasinungalingan ko at para na rin hindi magduda pa ang Papa ko.

"O-Okay naman ako, Pa." sagot ko.

Dinig ko ang buntonghininga ng malalim ni Papa sa kabilang linya.

"Mabuti naman kung gan'n. Kumain ka na ba? Baka nagpapalipas ka,"

Saglit akong natawa sa tanong ni Papa. "Pa naman! Syempre, birthday ang pinunta ko. Kaya syempre, busog din ako." panatag kong sagot sa kanya.

"Mabuti naman. Aba, teka, baka kung saan pa kayo maglagi, ha? Ayaw kong wala akong alam anak sa mga balak mo." ang palaging striktong boses na naririnig ko.

Lihim ako napairap sa palagi kong naririnig.

"Okay na okay lang ako dito, Pa... Wag kayong mag-alala. Nag-e-enjoy nga po ako dito, 'e." hindi naman halata sayo Tintina, 'no?

"Sige. Mag-iingat ka palagi, anak. At dapat, alamin ng maayos kung anong mga kinakain, iniinom, at pinupuntahan. Mahirap na ang panahon ngayon," aniya pa.

Wala sa sarilihing napakagat ako sa ibabang labi.

Ang pagkakaalam pa naman ng magulang ko, ni minsan at kahit kailan, hindi pa ako nakakaranas ng uminom ng alak. Wala silang alam na since first year college, dun lamang ako sumubok hanggang sa natuto. Hindi rin nila alam na nakakailan at nakakaya kong tumagay ng ilang beses sa dalas ng pag-iinom ko. Hindi nila alam na sa pag-iinom ko ay inuumaga ako ng tapos kahit na group study, project, o thesis lang ang idinadahilan ko. Hindi nila alam kung saan-saang parteng malalayong lugar na rin ako nakakapunta. Ilang bahay na natulugan. Ilang tao na nakilala. At lalong hindi rin nila alam na kung ilang beses na rin akong lasing na umuuwi, palihim na sumusuka sa bahay, gigising ng may hang-over nang hindi nila namamalayan.

Ang alam talaga nila, na kaya ako minsan nale-late na nagigising ay dahil sa pagpupuyat ko sa acads ko, na sobrang good girl ako, at na inosente, hindi gumigimik, at hindi umiinom ng alak at puro pag-aaral lang ang inaatupag ko. Simula't sapul, noon pa man—hindi talaga nila alam.

"At wag ka na rin masyadong magpupuyat. Matulog ka ng maaga. Hindi mo kailangan makipagsabayan sa mga kaibigan mo." pagpapatuloy pa ni Papa.

"Opo, Pa. Matulog na rin po kayo, malalim na ang gabi at siguradong pagod po kayo galing trabaho. Tatawagan ko na lang po kayo bukas ni Mama kapag pauwi na ako."

"Osige anak..."

At maya-maya'y pagtapos ng ilang saglit at mga paulit-ulit na naging bilin niya bago magpaalam ay agad na rin pinatay ni Papa ang tawag. Kusa akong napadantay saglit sa gilid at napabuntonghininga ng malalim. Nagmuni-muni muna ako saglit habang nag-s-scroll sa phone ko at minessage ko na rin ang Mama ko tulad ng bilin sa'kin ng Papa ko para hindi sila mag-alala.

Tumingin ako sa paligid nang maramdaman kong parang may taong dumaan sa gilid ko. Dinig ko pa ang yabag na umalingawngaw saglit sa tainga ko.

Mukhang may taong napadaan...

Luminga ako sa gilid at natantong tahimik pa rin at wala talagang tao.

After ng ilang saglit ay nagdesisyon na rin akong bumalik sa loob. Sa totoo lang, sa nangyari, ayaw ko mang bumalik pero no choice dahil hindi ko magagawang umuwing mag-isa. Kailangan kong balikan sila Becca at Mickey para mamaya ay maaya ko na rin sila makauwi. Hindi ko kayang magtagal roon kung sila lang naman ulit ang sasamahan ko. At t'saka si Dylan pa naman ang magda-drive! At pihadong ang dalawang kaibigan ko ay baka mga lasing na. Iisa lang naman kasi ang sasakyan na dala dahil napagdesisyunan ni Mickey na sumabay na lang kami kila Dylan dahil mukhang may balak yatang maglasing-lasingan ang babaeng 'yon ngayon!

Minsan kasi, hindi ako panatag sa malakas na tolerance ni Mickey sa alak. Nakakatakot siyang mag-drive kapag nakainom dahil tumataas ang speed ng pagpapatakbo niya. Mabuti nga't hanggan ngayon ay buhay pa rin kami at walang aksidenteng nangyayari. Hindi katulad ni Dylan, malakas naman ang tolerance pero hindi siya yung tipo na pipilitin pa rin ang sarili na uminom kapag nalalasing na, lalo na't inaalalayan niya rin at inaalagaan ang girlfriend niya. Ganun siya ka-effort, ka-sweet, at caring sa kaibigan namin—kay Becca.

Kung meron man akong kilalang lalaki na alam kong matino, yun ay yung boyfriend ng kaibigan namin.

Hindi ko tuloy maiwasang ma bad-trip! Gusto ko pa sanang uminom pero dahil sa nangyari... sa ginawa ng David na 'yon! Nawalan tuloy ako ng gana! Parang hindi ko tuloy maiwasang mahiya kapag humarap sa kanila!

Sa totoo lang, sa tagal ko na rin at paulit-ulit na nagpupunta rito, 'di na naman talaga bago sa'kin 'to, minsan nga... ang nangyaring tagpong 'yon sa'kin ay nakikita ko na rin mismo sa mga mata ko, nasasaksihan ko na sa harapan ko, sa malapitan kaya... sa part ko, hindi talaga maiiwasang may ilan na may nagbalak, o nag-ayang... gustong makipag make-out sa'kin.

Hindi katulad na umabot sa puntong ito... na may humalik sa akin... at marami pang nakasaksi!

Bukod sa single naman yung iba, ang masaklap pa, babaero na nga, may girlfriend pa! Feeling faithful, gano'n! Kaya nga dumadami ang dahilan ko para maging pihikan ako sa pagpili ng lalaking gugustuhin ko!

At hindi ako makapaniwala na magagawa sakin ng David na 'yon!

Ang yabang, ang kapal, at ang lakas ng loob niyang gawin sakin ang bagay na 'yon!

S'ya lang talaga nangahas na gawin ang bagay na 'yon!

I will never forget that! Lalo na ang sulsulerong mga kaibigan niya!

Dito ko natanto na kahit kailan talaga ay hindi ko magugustuhan si Daniel para sa kaibigan ko at sa mga lalaking kasamahan niya. Hinding-hindi hangga't wala akong nakikitang pagtitino at pagbabago. Pare-parehas lang rin ang nakikita ko sa kanya—sa kanila. They're all assholes.

At sa puntong ito, hindi ko tuloy maiwasang kabahan o mahiya na lang para sa ginawa nila. Hindi ko sila magagawang harapin ng husto, nababastusan ako.

Sa pagbalik, halos makipagsiksikan muli ako sa alon ng mga tao when I accidentally bumped into someone.

"I'm sorry—" naputol ang pag-umanhin ko nang mapatingala at matanto kung sino iyon.

"Hey, Celestina..." nakangisi siya sa akin, nakataas ang kilay habang namumungay ang matang pinagmamasdan ako.

Halata na rin sa itsura niya na parang nalalango na rin ito dahil sa alak. Namumula ang gilid ng mata pati ang leeg habang malalim na bumubuntonghininga. Lalo naman tuloy kumurba ang kanyang ngisi nang makita niya ako at nasa kalagitnaan kami ng mga nagsasayawang tao, kaya lalo akong napadikit sa katawan niya.

Anong ginagawa niya? Bakit bigla siyang nandito sa harapan ko?

Nagngitngit ang bagang ko.

D-David..." malalim akong napalunok. Agad akong nakabawi sa pagkagulat at pinanatiling kinalma ang sarili kahit na halos magharumentado ang loob-loob ko.

Parang kanina lang hinalikan niya ako! How is he able to act normally as if nothing had happened!?

"Saan ka ba nagpupupunta? Hindi pa tayo tapos dalawa," mapaglarong bulong niya na ikinakunot ng noo ko.

Hindi agad ako sumagot. Kinilabutan rin ako nang maramdaman ko ang unti-unti niyang pagsakop at pagpulupot ng mga braso niya sa baywang ko. Hindi ko na namalayan na napapa-usod na ako dahil sa mga sumasayaw sa likod ko. Sa hindi sinasadyang, walang magawa kundi ay agad naman dumantay ang parehas na palad ko sa dibdib niya para itulak at malayo sa kanya.

Hindi na rin nagugustuhan ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

"You slapped me..." aniya pa. Para bang sa tinig nito ay sinusumbatan ako nito.

"L-Let me go,"

"Pinahiya mo ako sa mga kaibigan ko. What kind of fucking behavior is that, Celestina? Tama ba 'yon para sa isang halik lamang—"

Saglit akong marahas na suminghap at binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. Ilang beses ako napapakurap habang nilulubayan siya, kahit na hinuhuli ng mga kamay niya ang baywang ko para lalong mapalapit sa kanya. Gusto ko siyang talikuran na lang ngunit hindi ko matanggap-tanggap ang pinagsasabi niya.

Bakit parang kasalanan ko pa?

I'm expecting him at least to say sorry. For being rude. Na kesyo, sinasadya man niya 'yon o hindi, at para na rin sa nagawa ng mga kaibigan niya. Kahit siya na lang. Pero ni wala akong narinig nito mula sa kanya at ito pa ang ibubungad niya? Dahil lang sa napahiya siya!? Wow!

Bakit parang bumaliktad naman yata?

"Halik? What? Are you expecting me to stay calm and let your stupidity, David? Ikaw ang namahiya sa'kin! Sa harap ng mga kaibigan mo! You deserve my slap anyway kasi bastos ka!" singhal ko sa kanya.

"Why is it so big deal to you—"

"Yea, it's so big deal for me coz you're not my fucking boyfriend! Hindi rin tayo close! At lalong wala kang karapatan gawin ang bagay na 'yon sa'kin! Seriously? Are you out of your mind!?"

Ilang segundo siyang nakatitig at nakatungo sa akin habang hingal na hingal ako sa sama ng nararamdaman ko sa kanya. Yes, masama ang loob ko. Maayos kami nagkakausap kanina tapos bigla niya akong paaandarin ng gano'n.

Gago ba siya? Hindi! Gago pala talaga siya!

"I asked you first before-"

"Yea, but I haven't answered your question yet you just did!" I paused for a while. "At kahit na sagutin ko pa, hindi pa rin ang magiging sagot ko, naiintindihan mo!?"

"Oh, fuck..."

He was breathing heavily. Malalim akong napalunok sa pagbabago ng ekspresyon niya.

"You're so beautiful... shit..." he muttered a curse. "I like you even more..."

I secretly gasped. Mahigpit akong umiling at kumunot lalo sa nilitanya niya. Hindi magawang makapag salita, at wala rin maapuhap na tamang salita para sa isang lango na sa alak na tulad n'ya.

"You're overreacting. Come on, bakit hindi natin pag-usapan 'to sa banyo para magkaunawaan tayo?" bulong niya na parang may kahulugang sa sinabi at nagawa pang ngumisi sa'kin.

Come on, hindi naman ako tanga kung ano ang ipinupunto niya.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang paglapat ng mata niya sa bandang dibdib ko dahil naka tank-top ako. Hindi pa siya nakuntento na wala sabi-sabing dinapuan niya muli ako ng halik sa aking pisngi naman!

"Come on... baka magbago pa ang isip mo. Baka sakaling kumalma ka ng wala sa oras..." then he chuckled.

Namilog ang mata ko sa ginawa niya at malalim akong suminghap.

"What the fuck—!?" kasabay ng singhal ay malakas kong natampal ang dibdib niya dahilan para siya ay maitulak, mapaatras, at tuluyang mapalayo sa akin.

I am now breathing heavily. Natulala pa ako saglit sa ekpresyon niya, makikita na hindi nagustuhan ang ginawa ko at para bang sumosobra na ako.

Pero hindi ba't parang sya na yata ang sumosobra?

"This is a second time, Celestina. And I'm also telling you that we're not close enough for you to do this. Napakadali lang sayo ang sampalin ako." I saw how his jaw protruded. "One more slap, I'll take you to the restroom right now, right then," pagbabanta niya.

Bakit? Anong gagawin niya kapag gano'n!?

Kita ko ang pag-igting lalo ng panga niya nang umirap ako habang malalim na ang tingin sa akin. Kanina lang ay napaka okay niya sa'kin, tapos ngayon ang itsura niya ay anytime ay hawakan mo lang ng kaunti, pwede na siyang manuntok.

Hindi ko alam na nasa loob naman pala ang kulo ng lalaking 'to!

"Fuck off," tanging sinabi ko sa kanya.

Inirapan ko na lang ulit ang mga walang kwentang sinasabi niya, hindi na pinag-aksayahan ang oras ay wala sabi-sabing tinalikuran ko na lang siya para hanapin na ang mga kaibigan ko at yayain na silang umuwi. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang ako ay naramdaman ko na naman ang paghabol at marahas na kamay na paghigit para ako'y mapabalik.

"David, ano ba!?" nauubusang pasensya na singhal ko sa kanya.

Seriously, mukhang mas malala pa ang behavior niya kaysa dun sa dalawang lalaki kina Theo at James! Mas okay na yung papansin kaysa sa ganito!

Now he's chuckling. Mukhang lasing na lasing na talaga ito kaya kung anu-ano na rin ang ginagalaw at pinagsasabi niya.

"What the fuck? Leave me the fuck alone!" I was creepy around him as I watched him for a long time. I can't help but feel totally anxious.

Nagpatuloy ako sa pagmartsa nang mabilis nang maramdaman kong sumusunod pa rin siya sa'kin. Hindi ako halos napapansin ng mga tao dahil may sari-sarili na rin silang mundo. Sobrang hype nila dahil sa lakas ng tugtog. Wala na rin sa tamang pag-iisip ay wala akong ibang naiisip kundi ay ang malubayan at makalayo sa kanya.

"Get away from me!" ani ko na para bang naririnig niya ako.

Dumadagundong na rin sa kaba ang puso ko. Hindi na rin maaninagan ang mga kaibigan ko na baka naririto sila, ngunit sa tingin ko ay bumalik na sila sa taas kanina pa. Liminga-linga ako sa paligid, at nang mahagip nang mata ko ang makipot at may kadilimang daan, agad akong nagmadaling pumasok roon para magkulong sa cubicle.

Nagmadali akong luminga sa banyo dahil alam kong namataan niya ako kanina papasok rito kahit na malayo siya.

"Shit," otomatikong napamura ako sa laki ng bulto at bawat hakbang at panay linga niya.

Kailangan kong magkulong sa cubicle at tawagan ang mga kaibigan ko! Kaya sa unang subok ko pa lang sa pinto ay natanto kong sarado pa ito.

Great! Just great! What a great timing!

Sinubukan ko ulit sa pangalawa, ngunit wala pa rin! Sarado pa rin!

Humugot ako ng malalim na hininga. Gusto ko sanang bumalik palabas pero baka kung ano na namang kabastusan ang gawin niya sa'kin. Napakalaki pa naman niyang tao kung tutuusin at inaamin kong, sakali, ay baka hindi ko siya kayanin sa anumang gagawin niya!

"Somebody, help me! What the fuck? Anybody here?" impit ko.

Ngunit wala yatang nakakarinig dahil mas umaalingawngaw pa rin dito sa banyo ang kabog ng tugtog.

Sa kawalan ng pag-asa, magdedesisyon na sana akong bumalik ngunit ganun na lang ang pagtahip ng dibdib ko nang may isang kamay ang humila sa akin. Gusto kong mapasigaw sa gulat, medyo mahigpit ang hawak niya balikat ko at sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ko pa man nalilingunan ang may gumawa no'n sa'kin nang bigla na lang niya ako ipinasok sa loob ng huling cubicle, mabilis niyang naisarado ang pinto habang nanatili siyang nasa labas.

"Hey!" padabog kong hinampas ang pintong sinarado.

Who is he? And what is he doing? Bakit niya ako kinulong bigla?

"Don't shout. Stay still," a cold and baritone voice I heard, mula sa tapat na saradong pinto ng cubicle na napasukan ko.

"Wait! W-Who are? Bakit mo 'ko kinukulong—" naputol ang salita ko sa narinig.

"Celestina!"

I immediately bit the side of my cheeks to restrain myself from speaking. Halos suminghap ako ng malalim at hindi na huminga para lang manahimik at 'di ako marinig. Napapikit ako ng mariin nang marinig ang boses ni David, nararamdaman kong malapit lang ang presensya niya, nakapasok, dahil sa naririnig ko rin ang bawat yabag na hakbang niya.

"Looking for someone, man?" paniguradong hindi si David ang nagtanong nito.

Abala na ako sa pagtawag sa mga kaibigan ko pero tila yata ay abala pa rin sila sa kanilang mundo para hindi nila masagot-sagot ang tawag ko! Walang boses akong nagmumura sa inis habang inabala ang sarili na patuloy sa nagtitipa sa phone ko.

Inakala kong umalis na si David, ngunit makaraan ng ilang segundo ay sumagot ito sa isang lalaki.

"Wala naman... Ikaw? Di ba pang babaeng banyo 'to? Bakit ikaw nandito?" napakunot ako sa tanong niya.

Fucking seriously, David? Asshole!

Masyado siyang kaduda-duda at napaghahalataan.

"Do I even need to answer that question?" the man chuckled a bit. Parang mahihimigan sa boses nito para intindihin ang pinapahiwatig nito. "Come on, you're also a man. You probably understand what I'm saying, don't you?"

"I'm waiting for someone—" naputol ang sinasabi ni David.

Malalim akong napapalunok. Kinakabahan sa maaaring sagutin ng lalaki at baka ituro pa ako! Nanatili lang akong tuod at halos hindi na humihinga habang nakasandal sa pinto, pinapakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Who?"

Hindi na nasundan ng sasabihin si David sa naging pang-usisa pa ng lalaki.

"As you said, this restroom is for only women. Then why are you here? Mukhang parehas lang rin tayo ng dahilan. Pero nakita mo ba hinahanap mo?" he paused for a while. "Ako, meron. Yung akin, nandito lang siya. Hinihintay ko na lang papasukin ako." rinig ko pa ang pasimpleng pagpitik niya sa tapat ng pinto ko, ako yata ang tinutukoy niya na papasukin siya!

Anong sinasabi niya?

Wait... did he mean to say that—

Npakunot ako ngunit naputol rin ang maruming iniisip ko at kalaunan ay nagbago rin ang ekspresyon dahil pakiramdam ko ay mukhang isinasalba niya ako sa gagong 'yon. At sa boses pa lang niya, kahit na hindi siya tumatawa pakiramdam ko, nakangisi siya habang nagsasalita kay David.

"You can leave, man. Makakaistorbo ka lang sa gagawin namin, e." pagpapatuloy at nanunudyong sambit pa ng lalaki.

Hindi ko na rin narinig pa ang boses ni David. Wala na sigurong maapuhap na tamang sasabihin at kung meron man, taliwas at maling-mali!

"I'm also waiting her here. Unless you wanna join us? What?" aniya'y nag-uuyam pa na boses na narinig ko sa lalaki. "Threesome?"

Kusa kong naikagat ang pang-ibabang labi ko, mahihimigan ang pang-asar sa boses nito.

Ano raw?

Parang gusto kong masuka!

I bit my lower lip again firmly. Then I also heard David sigh irritably for a little while. Mukhang tuluyan ng nairita sa lalaki.

Parang gusto ko na lang bumaon sa kubeta!

"Screw you, man. Fuck, no thanks!" iritado at dinig kong sarkastikong tugon ni David.

Pikit ang aking matang lalo ko naidantay ang ulo ko sa pinto at bumuntonghininga ng malalim. Halos mahugot ko naman ang aking hininga ng magsalita ang lalaki, inakala kong umalis na ito.

"You can come out. He's gone." ako yata ang tinutukoy niya dahil sa saglit pa n'yang marahang katok sa mismong pinto ko.

I bit my lower lip. Napapalunok man pero kalaunan ay nawala na rin ang pagdamba sa puso ko sa sinabi niya. Dahan-dahan ko pang hinawakan ang lock bago ito unti-unting buksan. Ramdam ko pa rin ang presensya ng lalaki sa pagitan ng naka-awang na pinto dahil naririnig ko rin ang buntonghininga niyang umaalingawngaw sa buong banyo.

"T-Thank you—" naputol ang pasasalamat ko nang tuluyan kong mabuksan ang pinto at wala nang taong bumungad sa akin.

Agad akong napakunot ako at napalinga sa may kadiliman na paligid at baka maabutan at mahagip ko pa siya ng mata ko, pero wala. Mabilis na kaagad siyang nakaalis sa pwesto ko na parang isang hangin nang hindi ko pa man lang siya nahaharap.

Natulala ako saglit at naisip dahil sa ginawa niya. Wala akong naramdaman kundi ay ang pasasalamat at panghihinayang...

Ni hindi ko man lang siya napasalamatan sa ginawa niya! Kung sinuman siya, nagpapasalamat pa rin ako at napakabuti niya. Kahit papaano ay nailigtas niya ako. Hindi ko tuloy alam ang mangyayari sa'kin kung sakaling... hindi ko nakasalubong ang lalaking 'yon. Malamang ay nasa panganib na ako kapag gano'n.

Napapanguso't napapapikit ay napabuntonghininga ako ng malalim, sabay sandal saglit sa pinto.

Napakunot sa sarili ay dagling naiwaksi ko sa isip ko ang isang alaalang ngayon ko lamang biglang naalala. Medyo malabo... mainit sa pakiramdam... ang tawa't mababa at malamig na boses... at ang pamilyar na amoy na naiwan at bumakat sa kinapupwestuhan ko.

Aside from the voice... it was as if it had once become a whisper and was close to my ear. The touch, the smell... the smell is so familiar. Every time I sniffed, something vaguely crossed my mind—still not clear. It remained vague, and a large bulk of a man.

Tanging pakiramdam. Pakiramdam na... bigla kong nararamdaman ngayon. At hindi alam kung naramdaman ko na nga ba iyon noon?

Para bang pakiramdam ko ay dati ko na rin narinig ang boses na 'yon, dati na rin nasinghot ang pamilyar na pabangong 'yon, hindi ko lang malaman kung ano, kanino, saan, at kailan.

This feels like déjà vu to me.

And everything I feel right now is familiar...

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro