PHASE 05
"This party's shit... wish we could dip... Go anywhere but here... Don't take a hit, don't kiss my lips... And please don't drink my beer..."
Alam kong unang hakbang ko pa lang pagpasok sa entradang pinto, agad na ako napalinga sa kapaligiran para hanapin ang nagmamay-ari ng magandang boses na narinig.
I was really captivated by the baritone, husky, and sexy voice na nanunuot at naglalaro na agad sa tainga ko.
"I'ma crawl out the window... 'Cause I don't like anyone around... Kinda hope you followin' me out... But this is definitely not my crowd..."
Para bang umaangat ang bawat ugat sa puso ko, it's as if I can't breathe properly because of the beauty of his voice. And every time he plays the rhythm of his cold baritone voice soothed the crowd, I take a deep breath on the spur of the moment. Kada sumisinghap ay abot-tahip mula hanggang sikmura ko. Ang bawat tama't kabog ng hampas ng drum ay sumasabay rin sa kalabog ng kalmado kong puso.
Naglilinga pa ako, desperadang kung sinumang kumakanta ngunit kahit na anong tingin ko kung saan ay natatabunan ng dilim, hindi masyadong maaninagan ng malikot na ilaw at para bang pinatugtog lamang iyon mula sa malakas na speaker at hindi sa isang live band.
Live band? Parang ngayon ko lang nalaman na may nag-lalive band dito, ah? O siguro matagal na, kasi kada dumadating kami nila Mickey noon, ay laging nagkakataong sunud-sunod na lang ang tugtog ng DJ ang sumasalubong sa amin.
"Trade drinks, but you don't even know her... Save me 'til the party is over... Kiss me in the seat of your Rover... Real sweet, but I wish you were sober..."
Kinilabutan ako sa boses na 'yon. Tapos narinig ko pa ang saglit niyang mahinang halakhak na tila kahit yata hindi ko siya nakikita ay nakangiti siya mula sa dilim. Hindi siguro sinasadyang mahagip ng mikropono ang tawa niyang saglit habang nasa kalagitnaan siya ng pagkanta.
I bet he seems to enjoy singing in the midst of the crowd.
And his voice is so... argh. Talagang pinagpala ni Lord. Ang gwapong pakinggan. I wonder kung gwapo rin kaya ang may ari ng boses nito? Coz really, his voice is out of the universe.
Halos ang madaanan namin, puro mga babae ay mga impit na nagtitilian dahil sa lamig ng kanyang boses na kumakanta ng isang sensuwal na kanta. And most of the girls sighed at his singing, and some are now starting to film and take pictures of him.
Tumpukan lalo ang mga tao habang nakatingala at natutuwang makinig, kaya naman sa stage pa lang, kita roon ang isang live band na tila anino na sa paningin ko dahil malayo ang distansya ko at tanging electric guitar, drums, at boses lang niya ang naririnig ko. Ang dami nang tao kaya 'di ko na iyon maaninagan ng maayos pa at malikot pa ang mga ilaw.
Kuryuso masipat ang live band, papunta na sana ako ay bigla naman ako hinigit ni Mickey, dahilan na mawala ang atensyon ko ron.
"I'm so excited to see Daniel, sis. Kinikilig na agad ako—hurry up, guys! Nasa may taas raw sila!" dinig kong pagmamadali ni Mickey.
I glanced at Mickey. Mula nang pagsundo niya sa'kin ay kanina pang hindi mapuknat ang kanyang nakangising labi sa labis na eksahisasyong nararamdaman.
Nangunguna siya sa pag lalakad habang nasa likod niya ako, at habang ang nasa likod ko naman ay ang mag-jowa na si Dylan at Becca. Magkaakbay ang dalawa habang naglalakad. Hindi ko maiwasang mapangiwi habang naiinip, at pakiramdam ko magiging third wheel na naman ako sa mga kaibigan ko at magkakaroon na naman kami ng sari-sarili naming mundo.
Si Dylan at si Becca na kanina pa nagtutukaan sa kotse pa lang, at si Mickey na maaaring kakalungin niya na mga lalaki mamaya, or maybe si Daniel! Dahil halata namang yun ang sadya niya! Habang ako tamang masid lang, susulitin ang pag-iinom, sasayaw hanggang sa malasing ulit.
"Papansin talaga si Celestina! May dala pang reviewer!" dinig kong sabi ni Becca na sinundan naman ng tawa ni Dylan nang mapatuon ang tingin nila sa hawak ko.
Inirapan ko silang dalawa habang naglalakad kami.
"Oo nga. Putang ina talaga 'yan..." natatawang lingon ni Mickey sa'kin. "Sis, baka maluka ka naman kakaaral, ha?"
Sinimangutan ko siya. Nag peace sign naman agad siya sa'kin na ikinairap ko sa huli.
Syempre, 'no! Sayang naman ang effort na pagpupuyat ko na mag-list at pagdadala ko ng reviewer kung sa ibang bagay lang mauubos ang oras at may lalandiin lang ako! Syempre, kailangan ko mag-review kahit gusto kong mag-inom, kasi kulang ang two days para sa magiging exam ko sa Monday. Time Management talaga.
At kahit maingay, medyo comfortable naman ako. Mas nagigising kasi ang diwa ko kapag nagre-review ako. Ewan ko. Siguro ako lang talaga. Mas madali kasi ako makasaulo. Ilang beses ko na rin naman 'to nagawa, e. Effective naman.
"Malapit na tayo guys! At nakikiusap ako, utang na loob! Kapag nandun tayo wag niyo naman sisirain ang image ko, ha!? Nakakahiya kay Daniel! Kailangan naming magkatuluyang dalawa!" 'di pa nga kami nakakalapit ay pinagsasabihan na agad niya kami, akala mo'y may gagawin kaming masama.
"Langya ka, sasabihin kong tamad kang maligo para ma-turn off sya sayo!" buwelta't pang-aasar agad sa kanya ni Becca.
Agad naman hindi maipinta ang mukha ni Mickey.
"Sis, wag naman gano'n. Walang laglagan."
"Cheret leng. Basta be yourself lang, sis. Sige na, support na lang kami sa katalandian mo. We all know naman na walanghiya ka, e."
"Gagu." she mouthed as she put out her tongue and just reciprocated with the middle finger.
Napapailing na natawa na lang ako sa reaksyon niya.
Sinenyasan naman niya agad kami na sumunod lang sa kanya habang nagtitipa siya sa phone niya. Mukhang haling na haling na talaga ang hitad na makita ang birthday boy. Mula kanina, pandi-irit pa habang ka-chat niya yung Daniel na 'yon. At kanina pa nga kami na-inform ni Mickey na naroroon na nga raw sila kanina pa, kasama ang mga ka-team at mga ilang kaibigan niya, na hihintayin na nga daw talaga niya kami.
Hindi ko naman maiwasang mahiya dahil mukhang sinabit pa kami ng babaeng 'to sa kakirehan niya! Syempre, kahit ano namang lantud niya, kaming mga kaibigan niya, support na lang kami as long as wala kaming nakikitang pangit na epekto sa kanya. Ni hindi naman kami nawawalan ng pagpayo sa kanya. Sa katunayan, s'ya pa nga yata madalas nagbibigay ng masamang epekto sa mga nali-link sa kanya, minsan kasi naaabot na sa gulo dahil marami na siyang napapaasa!
Hays. At paniguradong bago na namang hindi pamilyar at mukha ang makikita ko sa gabing 'to.
Ewan ko ba kasi sa babaeng 'to kung bakit gusto pabagalin ang takbo kanina ang kotse habang nagda-drive si Dylan. Sabi niya kasi, para daw kami ang huling umarangkada at maging agaw pansin sa pagdadating namin. Yung tipong dapat center of attention kami. Gano'n.
Mga galawan talaga ng babaeng 'to! Talagang planado na, e!
"Gagi sis, effort, ah? May pa gift ang hitad!" sabi ko sa kanya.
Ngising-ngising namang nagkatinginan kaming dalawa. Hindi niya sinasabi samin 'to ni Becca! Hmm, naglilihim na siya! Mukhang bago 'to!
"Syempre, ako, at ito. May pa-doble kasi special siya."
Special, hmp.
Nakakagat ito sa pang-ibabang labi habang pinipigilan ang makilig habang napapataas na ang kilay ko sa kanya.
"Ano namang regalo mo?" usisera ako. Bakit ba?
Yung Daniel niya kasi, hindi lang gwapo at sikat, kundi mayaman pa. Paano ko alam? Halata naman kasi, sa mamahaling kotse pa nga lang na araw-araw na pina-park niya sa school namin, marami nang mapapatingin. Kaya naman hindi ko masisisi ang mga babaeng humahabol sa kanya, at syempre hindi ko rin naman masisisi ang kayabangan niya kasi may ibinubuga naman talaga.
"Secret!" sagot niya.
"May pasecret-secret ka pang nalalaman! Mamaya lubricant pala 'yan—"
Napaungol siya sa inis at iritang lumingon sa akin. "Sis, I know naman na madalas bastos ako. Marami nang nagawang kabalastugan sa life, pero hindi ko naman magagawang balastugin ang magiging gift ko sa kanya para sa special day ni baby D ko." paliwanag niya.
Seryoso na ba talaga ang babaeng 'to sa babaerong 'yon?
I just sighed. Lagot na. Mukhang natamaan na nga yata talaga.
Si Mickey kasi yung tipong hindi basta nagbibigay ng regalo sa mga lalaking nali-link sa kanya. At kahit mayaman siya, hindi siya basta nagwawaldas ng pera pagdating sa mga lalaki! Sa katunayan nga, siya pa yung madalas mabigyan ng mga luho kahit na hindi naman niya hinihingi.
"Hulaan ko kung ano regalo mo? Siguro condom no—"
"Oh my gosh, oh my gosh. Nakikita ko na si baby D! Ayan na talaga sila!" bulong at suway niya sa'kin.
Napalingon naman ako.
"Aray!" sinamaan ko siya ng tingin nang maramdaman ko ang pasimple niyang hila sa buhok ko para magkunwari daw kaming hindi namin sila nakikita dahil napapatingin na sila sa'min.
Babaeng 'to! Dinadamay pa 'ko sa kalokahan niya!
"Sorry... Oh my gosh! Kunwari hindi pa natin sila nakikita! Fuck! I'm so nervous, sis! Ano na!?" hindi niya mapakaling sambit.
"Well, that's new, huh?" I smirked. "Oa mo. Anong gusto mo paglapit natin? Unahan ba muna natin ng opening prayer bago siya batiin?"
"Gaga—"
"Ayaw mo 'yun? Good image agad! Para lalong ma-turn on sayo si Baby D mo—Ah! Alam ko na! Kantahan mo na lang siya ng happy birthday—" natigil ako nang samualin ng palad niya ang bibig ko para matigil ako sa pagsasalita ko.
Napakabastos talaga ng babaeng 'to.
"Oh, ayan na pala kayo!" dinig ko boses ni Daniel dahilan ng pagkalingon namin.
Hindi ko na tuloy matuloy ang reklamo nang marinig na ang birthday boy.
Nakangiti siya sa amin nang salubungin niya kami kahit papalapit na naman kami mismo sa kanilang mesa. Napapatingala na lang kami kasi ang tangkad niya.
"Zup, guys. Buti naman sumama talaga kayo. Akala ko hindi kayo makakapunta, e." nakangising sambit niya.
"Pwede ba 'yun?" agad na sagot ni Mickey dahilan na lingunin siya at tuunan ng pansin ni Daniel. Then I heard Mickeys slightly chuckled before she speaks again. "I promised, right? So... happy birthday, Daniel."
Then I saw Daniel mouthing her 'thank you'.
Simultaneously I saw my malantud na friend biting her lower lip as if she was still suppressing a smile, kahit na halatang-halata na naman.
"Ahm, here's my friends pala which I'm telling you..." lumingon sa amin si Daniel at ngumisi sa pagturo ni Mickey sa amin.
"This is Celestina..." she chuckled again. "You know her already,"
Ngumiti siya sakin, tipid akong ngumiti't tinanguan at binati rin siya sa kaarawan niya.
"Yup." Aniya't sang-ayon niya, dahil nga naki-table nga siya sa amin ni Mickey nung huling punta namin dito.
I heard Mickey cleared her throat. Hindi ko maiwasang manibago sa dagling panliliit ng boses niya. Halos 'di ko na makilala kapag pipikit ako.
"A-And this is Becca, my friend," senyas naman ni Mickey sa tabi kong mag-jowa. Agad naman sila bumati. "And this is Dylan, her boyfriend."
"Hi, Daniel. Happy Birthday,"
"Happy birthday, Pare."
Nagtanguan at apiran pa yung dalawa, mukhang magka-pamilyar sa isa't-isa. Sabagay, ang alam ko kasi kapag may event, madalas may palaban ng basketball sa amin by course. Isa na si Dylan don na nagre-represent sa Major nila kaya siguro gano'n. Hanggang sa naglalaban na by Majors. Hindi naman kasi halatang suplado sila kaya madali rin sila mapakisamahan.
Kita ko ang pasimpleng pagsipit ni Mickey ng ilang strands niyang buhok sa kaniyang tainga bago niya iabot ang hawak na regalo kay Daniel. "And here's my gift pala..."
Bumaba ang tingin niya at agad na kinuha ang regalo. Natigilan at ilang beses na napakurap bago siya muli mag-angat ng tingin kay Mickey na nakayuko at parang nahihiya—
Oh, what the fuck is this behavior Mickey?
"Wow... is this really for me?" namamanghang sambit ni Daniel kay Mickey nang lingunan niya ito.
Hindi ba obvious Daniel? Parang 'di birthday, a? Ano gulat-gulatan peg? Happy New Year na lang, oh!
"Uhm... yea," Mickey chuckled at dahan-dahang napatango. Pabebe mo naman sis, amp. "Pasensya ka na kung ano... baka 'di mo magustuhan..."
"No." umiling siya habang nakangiti. "It's fine. Thank you, ah?" lihim naman ako napatikhim nang pasimpleng besohan at yapusin ni Daniel si Mickey. At alam kong mukhang sa loob-loob ng babaeng ito ay nagwawala na ito sa kilig. "Nag-abala ka pa. Sabi ko naman sayo... magpunta ka lang, okay na," mahina't parang naging malambing ang tinig niya.
"Ano ka ba?" napabuntonghininga ako nang pasimple pang hampasin ng pabiro ni Mickey ang braso ni Daniel. Ay sus, sumisimple babaeng 'to! "It's your birthday naman. Hindi ko dapat makalimutan ang importanteng bagay..." ani Mickey na para sinasabing maliit na bagay lamang iyon.
Napaamang na lamang ako habang pinapanood ang dalawang 'to sa harapan ko. Matapos ang saglit na titigan nung dalawa ay tiningnan muli kami ni Daniel.
I purposely cleared my throat. Mukhang natauhan naman ang dalawa. Kung hindi ko nagawa 'yon, baka magdamag na silang magkatitigan na parang 'di kami kasama.
"So..." sabay lingon sa'min ni Daniel. "Nice to meet you all, guys. I hope you'll enjoy my party. Don't worry, it's all on me."
"Nice! Unlimited drinks?" mahihimigan ang excitement sa boses ni Dylan.
"Syempre naman, pre!"
"Naku, Dylan... sinasabi ko sa'yo... ikaw ang driver namin..." si Becca.
"Halina kayo! Dun tayo, nandun na rin ang mga kaibigan ko." anyaya kaagad sa amin ni Daniel.
Agad naman kami dumalo at sumunod sa kanya.
At as usual, napag-gitnaan na nga ako tulad nang inaasahan ko. Magkasama ng naglalakad si Mickey at Daniel at talagang 'di magpapatalo at nangunguna. Kita ko pa ang pasimpleng pagpulupot ng isang braso ni Daniel sa baywang ni Mickey habang patuloy silang naglalakad, ni wala man lang ako makitang pagprotesta sa reaksyon ng kaibigan ko.
Talagang bigay na agad! Sanay na ako. Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntonghininga sa tuwing maririnig ko ang pabebeng bungisngis ni Mickey sa tuwing may ibinubulong si Daniel sa kanya.
Nasaan na ba bouncer dito at nang mapatapon ang dalawang maharot na nasa harapan ko!?
'Di ba sila titigil!? Inom na inom na ako! Char.
At ang dalawa pang jowa sa likod ko ay nakaangkla. Maghigpit na lang ako napahawak sa hawak na reviewer ko.
Wag ka ngang ma-bitter, Celestina! Magkakaroon ka rin! Yung mas matindi pa sa kanila! Yung mas sweet pa sa kanila at yun talagang mauulol sayo!
Intayin mo lang maka-graduate at pwede ka ng mag-welga para masabi mong naghahanap ka na ng jowa! Na single ka at pwedeng-pwede ka na!
"Sis. Wag tayong tabi-tabi para naman may partner ka rin mamaya..." saglit na bulong sa akin ni Mickey nang makatalikod siya at sinulyapan ako.
"Boba, inom lang pinunta ko, sis. Hindi mga itlog." dinig ko ang halakhak niya sa sagot ko.
"Concern lang naman ako," natatawang tugon niya pa, kahit nakatalikod na siya at naglalakad, magkaholding-hands na yung dalawa habang hinihila na siya ni Daniel.
Aba! Aba! Ang bilis ang dalawang 'to mag-evolve, ah! Pang-couple goals na ang datingan!
Parang kanina lang mukhang nagkakahiyaan pa! Tapos ngayon—mga putang ina! Full package na! Ang bilis naman wala pang ilang oras, e! Sana all niyakap, kiniss, at hinolding hands agad!
Agad naman namin namataan ang mga makakasama namin. Tumpukan sila sa iisang mesa at mga nakahilera't nakaupo, may ilang mga nakatayo pa habang may sari-sarili ng hawak na kanilang iniinom. Kita ko naman agad ang paglingon na salubong nila sa amin. Tulad nga rin sa inaasahan ko, nandun ang mga ka-team ni Daniel, at ilan pang kaibigan pa niya. Most of them ay mga ka-batch mates namin at same lang rin ng univ na pinapasukan. At puro halos mga grupo ng kalalakihan.
Aba, wala bang mga girlfriend ang mga ito? Bakit parang tatlo lang yata kaming babae nila Mickey rito? Hm, hindi na rin masama pala. Akala ko, ako lang ang iisa na namang walang partner! Oh boy, muntik ko nang makalimutan na bar ito! Maraming kumpulan din na single na katulad ko!
"Come on, guys! Wag kayong mahiya," Daniel chuckled.
Talagang hindi!
Puno na kaagad ng mga nakalagay sa mesa. Mas nangingibabaw ang tower at ilang bote ng alak. At mukhang mga kanina pa sila nagsisimula dahil may isang nakahain na cake pa.
"Umupo na kayo, are you guys hungry? Kumuha na lang kayo d'yan. You guys can eat since we already started," anyaya niya nang makalapit na kami sa mesa at pinapaupo.
Pilit ko naman tiningnan ang mga pagkain at ilang alak kahit na medyo nakakailang... at maraming mga lalaking nakahilerang nakaupo habang napapatingala sa amin. Napakagat ako ng labi nang magtabi na ng upo si Daniel at Mickey habang kinakausap na mga kaibigan niya. Si Dylan at Becca naman, naroon na sa gilid kaya naunahan ako ng space. Ako na lang nakatayo! At hindi alam kung saan uupo dahil may nakatabi na sa mag-jowang kina Dylan na ilang mga lalaki!
Hindi ko na magagawang makisingit, baka sabihin nila, na ano ako? Batas?
Hindi ko sila mabilang lahat kung alin ba talaga kasama ni Daniel dito, lagpas siguro silang pito. May iba kasing napapatigil sa pwesto namin, yun pala ay sa kabilang table pa.
"Uh, Miss. You can sit with me," napalingon at napatungo ako sa isang lalaking nasa kanan ko, nakatingala sa akin at nakangiti.
Kahit na nakaupo ay malaki at matangkad ito. He looks familiar though, nakikita ko rin siya sa Engineering Department at isa rin sa mga ka-team ni Daniel sa basketball team, hindi ko nga lang alam ang kanyang pangalan.
Sumenyas siya at umusog ng kaunti para magkaroon na kaunting espasyo at makaupo ako. So ang set-up, limang lalaki ang makakapiling—este makakatabi ko. Nice.
Pero no choice kundi mapaupo ako sa tabi ng lalaki since sa kaliwang bahagi ko namang isang upuan ay katabi ko pa rin si Becca kahit na medyo malayo distansya ang upuan ko sa inupuan nila.
"Uh, thanks." sabi ko.
"No, prob." ngumiti siya at sabay lagok ulit. Pakiramdam ko ay nanliliit ako.
Ang laki kasi ng mga katabi ko. Siguro basketball player ang mga 'to?
"Wanna get you a drink?" aniya'y sinenyasan niya akong tingnan yung mesa, iba-ibang alak agad ang nakikita ko.
Madaming hard kumpara sa beer. May tower pa.
Makakaya kaya ito ng bituka ko?
"Uh, it's okay. Kaya ko naman," I slightly smiled at him.
He gave me a nod and smiled at me too.
Ramdam ko ang medyo pagdikit ng siko niya sa braso ko nang gumalaw siya. Maya-maya'y nang makakuha ako ng inumin ay kita ko ang pagdantay ng isang braso niya sa likod ko na para bang nakaakbay siya sakin pero hindi naman. Kaya hinayaan ko na lang, siguro nangangalay ang braso niya kaya pinatong niya habang abala siya sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
Kaya hindi dapat ako mailang at lagyan pa iyon ng malisya!
"You look familiar to me. Are you in Business Administration Department?" sabi ng katabi ko na ikinalingon ko.
Medyo napapalapit mukha niya sa pagbulong dahil maingay na nga. Maingay! Kaya hindi ko dapat talaga bigyan iyon ng malisya. Kailangan kong kumalma. Hay. Oa na yata ako.
"Yup," sagot ko at tumango ako. "How did you know?" pano niya nalaman course ko?
His eyes widened a bit, as if he were amused to hear me something. Chinito. May lahi kaya ito?
"Hm, madalas ko kasi ikaw makasalubong kasama ang kaibigan mong si Mickey." sabi niya, he chuckled. "And... madalas rin kita makita rito sa Icon."
"Ah," tumango na lamang ako.
"Yea, hindi mo 'ko dito napapansin?" tumaas ang isang kilay niya.
Napakibit-balikat na lamang ako sa tanong niya at umiling.
Sabagay, marami naman kasi talagang dumarayo na pamilyar na samin ang mukha dito. E, halos nga mga estudyante namin, ito ang laging bar ang dinarayo at tambayan dito.
Napabuntonghininga ako ng malalim.
"Anyway, Engineering Department ka rin, no?" tanong ko kahit alam ko naman na, para naman matabunan ang awkward ng nararamdaman ko at posisyon ko rito.
Kasi sa tuwing magsasalita ako ay napapagawi rin sa'kin ang ilang mga lalaki sa harapan ko sa tuwing nilalapit din ng lalaki ang sarili para marinig ako.
Ilang segundo siya napatitig sa'kin na para bang may naglalaro na sa kanyang mga mata.
He bit his lower lip. "How did you know? Are you... one of my admirers—"
Kumunot ang noo ko. Admirers agad!?
"No. You're Daniels classmate and friend, right? Ka-team mo rin siya sa basketball team. At yun nga, madalas din namin kayo makasalubong ng kaibigan ko. T'saka iisa lang naman tayo ng pinapasukan kaya hindi malabong hindi ako maging pamilyar sa'yo." paliwanag ko rin.
I heard him chuckled. Well, he's cute. Maputi at matangos ang ilong. Pero sya kasi yung tipong datingan tulad din ni Daniel kaya it's a no for me.
"Yea, you're right." sagot niya. "Hindi ko alam kung matatawa ako, nag-uusap na tayo pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo. What's your name by the way?"
"Celestina." nakipagkamay ako pagkatapos magpakilala. "Ikaw?"
"David. So, kamusta naman ang acads?"
Hays. Bakit ba laging nagsisimula sa letter D ang pangalan at mukhang babaerong nakikilala ko?
Nakakalimang baso na 'ko habang nakikipagkwentuhan. Hindi ko na rin masyado napapansin dahil nagiging madaldal na ako pagdating sa usapang acads. Well, hindi na rin masama at may sense din naman ang isang tulad niya kapag kausap. Kahit na hindi halata sa mukha! At habang nagkukwento ako, pansin ko namang napapatuon na rin sa'kin ng tingin ang ilang lalaking katabi ko.
"Kaya ka pala may dalang reviewer," sabi ni David, saglit na tiningnan ang hawak ko, napangisi siya bago siya muli napalagok.
Umiwas ako ng tingin dahil sa dagling hiyang naramdaman.
"M-Malapit na kasi ang midterms namin, sa Monday na 'yon, e. Kaya hindi ko dapat makalimutan." paliwanag ko. "Kayo ba? Kamusta ang acads niyo?"
"Okay lang." natawa siya saglit. "Mahirap din pagsabayin ang training at sa pag-aaral, pero nakakaya naman." chill lang na sagot niya.
Wews. Sana all.
Tumango na lang ako, wala nang masabi. Maya-maya'y akala ko ay matatahimik na ako nang may biglang dalawang lalaking lumapit pa sa'kin.
"Pre, pakilala mo naman kami sa katabi mo. Napakasubang mo naman, e." aniya'y isang lalaki.
Gwapo rin at naka-semi kalbo. But he's not familiar to me. May tribal tats sa braso kaya kitang-kita ko dahil sa hapit na polo shirt na suot, at isang hikaw na nangingislap sa kaliwang tainga niya.
Mukhang lahat yata na nakikita ko ay mga batak sa gym, 'di lang sila mahahaba, kundi malalaki na... ehem, tao.
Dinig ko ang tawa ni David. "Just introduce yourself, fuckers."
Lumingon iyon sa'kin. Agad siyang ngumiti. "Hi, I'm Theo."
"James," napalingon ako sa isa pang nakisama.
Agad silang bumati sa'kin. Mga hindi ko naman kilala. Ni hindi ko rin nakikita ang mga ito sa University.
"Celestina." tipid ko silang nginitian matapos magpakilala. Nagkatinginan at ngisian pa yung dalawa bago muli tumingin sa akin.
"You're friends with Mickey, right? Madalas ba talaga kayo rito?" tanong nung Theo.
Oh, mukhang kilalang-kilala talaga ang kaibigan ko, ah?
"Minsan lang naman."
"Actually, taga rito lang kami, malapit lang bahay namin dito. Kaya... madalas kami talaga dito." hindi ko naman tinatanong. I just heavily sighed. "Ah, hang-out tayo minsan! Pansin ko malakas kang mag-inom, e." turo ni Theo sa basong hawak ko.
"Dude, ang dami mo namang say. Mamaya mahiya na sayo yung tao. Just take it slow, napaghahalataan ka, e." suway naman nung James, hindi naman nakatakas sakin ang saglit na pagkindat niya sa akin habang abala na si David sa pagtipa sa phone niya kaya hindi niya nakita iyon.
"I don't want to take it slow. I like direkta agad, Pare. You know like, hard, fast, and rough," nakangisi pang sambit nung Theo.
"Gago! Iba na yata 'yan, pre!" natatawang sambit pa ni James.
Lihim akong napangiwi habang napapakinggan sila at tumatawa. Ganito ba talaga kadalasan mag-usap ang ibang lalaki?
Ang weird. Madalas pa ay walang sense.
"Ano? Lasing ka na ba?" tanong pa sa'kin nung Theo. Ang kulit! Kulit in nakakainis na way.
"Uh..." tumikhim ako saglit. "Hindi pa naman ako lasing. Pang anim ko pa lang naman 'to," pinilit kong matawa para maalis ang tensyon na dagling naramdaman ko.
Lumingon ako sa kabila at talaga namang may sari-sarili na talaga silang mundo. Mukhang enjoy na enjoy din talaga si Mickey habang kausap si Daniel.
Hm, they seem to be getting pretty touchy with each other as well, huh?
Paniguradong mamaya, anumang oras ay mawawala na rin sila sa paningin ko. Alam na alam ko na yang mga galawang 'yan. Hindi na nakakagulat.
"Ang ganda mo. May boyfriend ka?" ang laging pangunguna nung Theo.
"Wala." sagot ko kasi totoo naman.
Umiwas ako sa kanila nang tingin dahil naiilang na ako sa titig nila.
"Ow! Ikaw pa mawalan? Ang ganda-ganda mo! Bakit pinili mong maging single?" sabi pa ni Theo."Sayang naman..." hindi nakatakas sa'kin ang pagdapo ng tingin niya sa kabuuan ko.
Bigla naman akong na-concious sa paraan ng hagod nang tingin nito. Kahit na naka-high waisted pants and white tank top lang ako, at nakamessy bun lang rin ang may kahabaang buhok ko.
"Study first."
Napangiwi siya sa sagot ko na sinabayan naman ng halakhak ni James at David. Mga hindi siguro maniwala na wala naman talaga akong boyfriend. Tss. Ano bang nakakatawa sa sagot ko kung totoo naman?
Palibhasa ang tulad niya mga hayok na hayok lumandi.
"E, ako? Papasa ba 'ko maging jowa mo? If you want, nood rin tayo minsan ng sine. Mahilig ka bang mag-travel? I have a car naman, kasama na lang kulang. Baka naman..." makahulugang sambit niya, then he chuckled a bit. So, anong gusto niyang palabasin? "By the way, saan ka ba nakatira? Don't worry, every time we go out, ako lagi ang magbabayad."
Ang yabangers naman nito.
Kakasabi ko lang na study first tapos papaandarin niya agad ako nito. Alin ba do'n ang 'di niya maintindihan?
T'saka 'di bale na, 'no! Kaya kong bumili ng tatlong ticket kung gugustuhin kong mag-sine! Kahit paulit-ulit pa panonood ko!
Hindi ko sinagot ang mga tanong pa at mga sinasabi niya, pinigilan ko ang mapairap at tipid na lang akong ngumiti.
Itong Theo na 'to... Hindi ba siya nakokornihan sa sarili niya? Ano ba 'yan? Parang pang mga elementary lang ang tono at galawan, e. Wala na ba siyang ibang masasabi? Walang kadating-dating. Hindi nakakakilig. Mas nakakainis pa. Medyo tunog childish. Lalo na't lapit pa sila ng lapit.
Ngumiti na lang ako at inabala ang sarili sa pagsalin muli ng alak sa aking baso. Pasimple ko namang tiningnan ang reviewer ko para makita nilang ayaw ko na silang kausap pa.
"Negats, pre... arat na," hindi nakatakas sa pandinig ko iyon.
"Sungit... Tara na nga... Mukha rin naman boring..."
Tumaas tuloy ang kilay ko. Nagpanggap na lamang na di ko nadinig.
Mukhang effective naman dahil sa tuwing kinakausap nila ako ay tipid, o kaya tango na lang ginagawa ko habang mas natutuon ang atensyon na hawak ko sa reviewer ko. Halatang napapansin kong nawiwirduhan na siguro at naboboring na sa'kin kaya naman, 'di na ako nagtaka nang tumayo sila at nagdesisyong bumaba para sumayaw sa dance floor.
""Te! Wala tayo sa review center! Nasa bar tayo ha!"
"Wala kayong pakialam. Pinakialaman ko ba kayo?" bwelta ko sa kanila nang pansinin ako ni Becca.
Inaaya kasi nila akong sumayaw pero ayaw ko dahil wala pa ako sa mood. Hindi pa rin ako tinatamaan ng amats. Kaya wala rin sila nagawa dun kundi maiwan muna ako. At tanging ako na lamang ang natirang babae dito. At tulad nga ng inaasahan ko, wala na rin si Mickey at Daniel. Ganun din sila Dylan at Becca.
Pero may mga kaupo akong mga grupo pa rin ng kalalakihan, ngunit 'di na ako nagka interes na pansinin sila dahil mukhang ganun din naman sila sa'kin. Kanya-kanya lang ng trip 'yan. Kailangan kong magtiis. Kung bakit ba naman kasi ang daming lalaki at halos wala ibang sinamang babae? Like me, na single din? Para naman may makakwentuhan ako kahit papa'no na hindi puro landi lang yung maririnig ko.
Si David kasi ay abala na sa mga ito at mga nagtatawanan na, hindi ko na rin maintindihan ang kwentuhan nila.
"I dare you to kiss that good girl!"
"You've got to be kidding me, pare!" dinig ko malakas na tawa ni David, kahit abala pa rin ako sa pagbabasa, pasimple rin naman ako sa paglagok ng alak.
"Ano ba yan, pare! Ikaw lang makakagawa niyan! Bibigay din yan! Sinasabi ko sayo!" panulsol pang dinig ko.
Nagsalin pa ako sa baso ng yelo dahil tumutunaw na ito. Saglit ko sila tiningnan at napaiwas din dahil medyo ako nailang nang lahat nga sila ay napapagawi ang tingin sa akin. Mga apat silang nandun sa tapat ng upuan dahil yung iba ay naki-table pa yata sa iba.
Napalipat lang si David dahil nga tinatawag kanina ng kaibigan kaya comfortable na ako kanina pang nakaupo rito kahit wala na akong katabi.
"At least 5 seconds! No malice, dude! Piatos lang 'yan sayo!" sigaw pa ng isang lalaki. "Bibigay din yan! Maniwala ka sa'kin!"
Awkward na ako dahil nararamdaman ko ang presensyang paglapit ni David sa akin. At hindi ko alam kung bakit. Siguro sasalin ng sariling alak kasi may hawak siyang baso, e. Pinilit ko magbasa ngunit 'di na ako makapagpokus kahit na nakatungo ako. Hanggang sa naramdaman ko ang pagyuko niya at saglit na bumulong sa'kin dahilan ng pagtigil ko sa pagbasa ko.
"Hey, can I kiss you?"
"H-Huh?" humigpit ang hawak ko sa reviewer ko at napaamang sa nadinig.
Naririnig ko na rin ang bungisngisan ng ilan pero nakatingala lang ako kay David.
David is smirking.
"Mabilis lang. Don't worry, no malice." he said as his lips rose for a small smile.
Namumungay na rin ang mata nito habang nakayuko sa akin at ako, nalilito, habang nakatingala't nakaamang, nalilito na sa mga pinagsasabi niya.
"Wala na! Kailangan pa yata idaan muna sa pakiusapan! Mukhang first time lang ni Ate, e!"
"KJ naman ni Ate! Sige na! Para isang halik lang, e!" napakunot lalo ako sa narinig.
Ako ba ang tinutukoy at pinagtatawanan nila?
Hindi pa man ako nakakasagot, at sa paglingon ko ay isang bagay ang nagpatigil sa akin.
Malalim akong napasinghap at natulala. Halos 'di ako makahinga. Humigpit ang kapit ko sa aking reviewer na halos mapunit ko iyon na walang pasabing naramdaman ko na lang ang malaking palad ni David na marahas na sumasakop sa pisngi at panga ko at agad na sinunggaban ng pilit na halik sa labi ko.
Natutula't nanghina ako.
What the fuck?
"Yun, oh! Bibigay rin pala!"
"I told you, dude! Piatos lang 'yan kay David, e!"
"Oops! Pa'no ba 'yan? Akin na ang pusta niyo mga tang ina niyo! Mga 'di pa kayo naniwala, e! Sabi na't bibigay rin! Lumagpas pa nga sa limang segundo! Nakita niyo naman sa timer ko mga, pre!"
Kung hindi ko pa narinig ang boses nang tawanan ay hindi ako mababalik sa reyalidad dahil sa pagkabalisa't at pagkagulat.
Agad ko siyang tinulak at ginawaran ng malakas na sampal na ikinareaksyon niya at ilang kalalakihan.
"What the heck?" sabay sapo niya sa kanyang pisngi.
Malakas talaga, dahil kahit malakas ang tugtog ay dinig na dinig pa rin ang paglapat ng palad ko sa kakapalan ng mukha niya.
Anong karapatan niyang halikan ako!? Hindi pa kami magkakilala ng husto! At lalong hindi ko siya boyfriend para halikan ako! Hindi ko rin siya type! Bastos! Mukhang nagkamali ako ng kausap!
Pare-parehas lang sila! Mga hayok at bastos talaga!
"Damn!"
"That fucking hurts! Rinig niyo yun?"
Halos mamula ang mukha at nakakunot nang lumingon sa akin si David.
"What's your problem?" aniya na parang ako pa yata ang may kasalanan.
Seriously? What's with him?
"Ikaw anong problema mo!? Bakit mo 'ko hinalikan bigla—"
He slightly chuckled cause of my stopping. Binigyan pa ako ng imposibleng tingin na para bang hindi big deal iyon sa kanya. E, ako, halos atakihin ako sa puso dahil sa ginawa niya!
He paused for a while and rolled his eyes. "Oh, come on, Celestina. It was just a dare—aw!" sinampal ko ulit ang mukha niya sa pangalawang pagkakataon. "Tang ina!" reklamo na niya.
"Tang ina mo rin! Gago! Mga manyak!" nanlilisik na singhal ko sa kanya at sa kanila na ikinatigil nilang lahat.
Halos manginig ang kamay at buong katawan ko sa nangyari. Nahihingal na mabilis na nagmartsang umalis sa harapan nila at hindi na pinakinggan ang pagtawag niya.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro