PHASE 04
I was busy typing on my laptop and doing my research.
Dalawang araw nang nakalipas at busy ako kaya hindi na kami masyadong nagkikitaan ng mga kaibigan 'ko. Halos nabakante rin ang gimik namin sa gabi sa dami nang naging abalahin namin ngayong linggo. At magmula kaninang alas sinco y media pa lamang ay nasa bahay na agad ako. Hindi na nga kami nagkita nila Becca at Mickey sa hapon dahil magkakaiba ang schedule naming tatlo. Kaya hanggang ngayong alas sais ng gabi, mula nang makauwi ako, abala pa rin ako sa aking ginagawa.
I can also smell the food that Mama is cooking for our dinner later—bukas kasi ang pinto ng kwarto ko kaya pumapasok ang amoy ng nilulutong niyang ulam dito. While si Papa naman, nasa Maynila dahil sa kanyang trabaho.
House wife kasi si Mama, halos si Papa lang ang kumakayod sa amin. Well, maganda naman din ang trabaho niya, sapat na yung natutustos niya sa aming Pamilya. Hindi naman kami sobrang yaman, may kaya lang at kahit papaano ay nagawa pa rin akong papasukan ng magulang ko sa private school mula Elementary hanggang High School, kahit na nitong nagka-College na ako.
Though, today is Friday, nakatambak ang mga modules at bukas ang laptop at iPad ko para gumawa ng reviewers sa darating na midterms next week.
Halos maghati-hati ang utak ko sa gagawin at nagawa 'kong pagsabayin. Katulad ng madalas kong ginagawa kapag alam kong magagahol ako sa oras. Hindi ko na lang maiwasang maloka sa tambak na reviewers na iniwan sa amin ng Prof na kailangan naming aralin! Isama na rin ang mga Minors na mas malala pa yata sa Major kung magpapasa ng mga requirements. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang biglang mag pop-up sa messenger ko ang nickname ng isang bruhilda.
Nang tingnan ko iyon;
Mickey Mouse:
sis, r u G?
Hindi ko muna pinansin iyon at nagpatuloy lang muna ako sa pagsusulat bago matapos. Siniguro kong na-list 'ko ang lahat ng mga keywords para mapadali ako sa pagsasaulo at kaunting definition para maunawaan 'ko. Hindi ko pa man nababasa ang message sakin ni Mickey ay nadinig ko ulit ang pagtunog ng messenger ko at tiningnan ulit 'yon.
Mickey Mouse:
ano 'te, seen?
reply, ASAP!
Bumuntonghininga ako ng malalim at nilapag ang ballpen 'ko sabay kuha ng phone 'ko at sumandal sa aking upuan.
Ako:
Slr. Gumagawa lang akong reviewer. Ano ba 'yon?
I replied. Pagka sent ko, agad ko naman nakita ang pag seen niya, kaya tatlong tuldok pa lang ay gumagalaw na. Alam kong nagtitipa na agad siya.
Mickey Mouse:
naks! sipag-sipagan! malayo pa naman ang midterms!
sis, sat na bukas. tara sama ka
Napakunot ako. Nagtipa ulit ako.
Ako:
saan naman?
Yea, Saturday na nga bukas. Ang pinakamagandang araw para sa'ming tatlo nila Mickey. Meaning, wala kaming pasok! Kaya nga hapon pa lang, nang matapos ang last period namin, nagdesisyon na agad akong kanina gumawa ng reviewer dahil alam kong weekends na. Magyayaya na naman ang mga itong mag-inom!
Tama nga ang hinala ko na gumawa ng reviewer, at least 'di ba, kahit nag-iinom ako, dala ko ang reviewer ko pwede akong mag review kung saan man kami papunta.
Mickey Mouse:
dating gawi. club icon ulit sis!
Napabuntonghininga ako ng malalim.
Ako:
wala akong money!
Ang pagrarason 'ko.
Mickey Mouse:
wag ka ng maarte. libre ko naman lagi transpo, e.
Reply niya, dinig ko tuloy ang maarteng boses niya. Palibhasa may kotse siya!
Tumunog muli ang phone ko.
Mickey Mouse:
aambag ka lang naman.
shuta! napaka kuripot mo talaga! ako na nga bahala sa ambag mo! sagot ko na! Makasama ka lang!
Kusang umangat ang gilid ng labi ko sa pagkakangisi. Parang nabuhayan naman ang loob 'ko. Wala naman agad akong sinabing hindi sasama!
Ako:
sino ako para tumanggi!? wala ng bawian yan ha!
Hindi mapuknat ang labi ko ng mag-send ako. Ang totoo n'yan, hindi naman sa wala akong pera. Binibigyan naman ako ng magulang ko. Kaso mahilig kasi magtanong si Mama, hindi lang sa mga pinupuntahan ko, syempre sa kung anu-ano rin ang mga winawaldas ko. Kahit naman may kaya kami, ayaw niyang magastos at maging maluho ako basta sa mga bagay-bagay.
Alangan namang sabihin ko rin dahil sa kakawalwal ko kaya nauubos agad ang pera 'ko? Edi katapusan ko na, pag gano'n! T'saka para na rin hindi malaki kung sakaling bigyan ulit ako ng allowance ng Mama ko sa susunod na araw if ever na manghingi ulit ako.
Mickey Mouse:
sis, ano na? G? sumama ka na, please! niyaya ko rin sila Becca, for sure sasama na din ang mga 'yon kasi syempre kasama rin ang jowa niya!
tang ina ayoko rin naman maging third wheel sis!
namimiss na rin daw tayo! Nagyaya rin kasi si Baby Daniel e hihi
Sunud-sunod na chat niya. Napangiwi ako. Ah... kaya naman pala taeng-tae ang babaeng 'to na pumunta. Niyaya pala ng crush niya. Hindi pa man ako nakakapag-reply ulit ay nag-message pa ulit siya.
Mickey Mouse:
birthday niya kasi tomorrow, iniinvite ako. :)
i feel so special, sis. ininvite niya pa talaga ako sa special day niya. so, pumayag naman agad si ako! nagpaalam na rin akong isama kayo.
so yun, pumayag na talaga si baby.
he's expecting me talaga kaya gusto ko mas lalong siyang maging happy!
"Tsk..." napahilot naman ako sa sentido ko nang wala sa oras sa mga chat niya.
Hindi pa nga ako nakakapagtipa, pinaulanan niya pa lalo ako ng chat.
Mickey Mouse:
kaya kailangan kumpleto tayo ha?
feeling ko rin kasi ipapakilala na niya ako sa buong mga tropa niya.
Mukhang hindi naman siya excited, 'no?
Ako:
papakilala as ano? wag ka masyadong assuming don sa babaerong 'yon ha.
hanggang saan ka ba dadalhin ng pagiging delulu mo?
At kung umasta ito ay parang hindi sila magkakilala at nagkakausap! E, nung huling inom namin ay nakasama namin sila. But it was just a coincidence, nakita lang nila kami since pare-parehas kami ng univ na pinapasukan, kaya naki-table sila samin ni Mickey since pamilyar naman kami sa bawat isa, hindi nga lang super close.
Nang tingnan ko naman ang mesa ko, nakita ko ang marami ko pang re-review-hin at sasagutin. Napasandal at napaayos ako ng upo habang pinapasadahan ng palad ko ang nagugulo kong buhok kasabay ng pasimpleng paghilot sa sentido ko. Hindi pa man ako natatapos ay nai-stress na agad ako. Ang dami ko pa palang gagawin! Makakaya ko kaya ito lahat ngayon tapusin? Nang ngayong gabi lang? Para wala na rin akong isipin.
Nag-reply ulit si Mickey.
Mickey Mouse:
nakaka-offend ka talaga
aba syempre, malay ko rin ba? malay mo ipakilala niya na rin akong future girlfriend niya hehe
Ako:
napaka assuming mong pokpok ka!
I paused for a while. At nagtipa ulit. Nakita ko pa ang pag HAHA react niya sa huling message ko habang lumilipad sa pag-aalala ang utak ko.
Ako:
Mickey, what if hindi ako payagan? ikaw na kaya magpaalam sa parents ko?
alam mo naman sila Papa
di ako papayagan nun 'pag ako ang nagpapaalam!
Sunud-sunod na send 'ko. Agad din naman siya nakapag seen at reply.
Mickey Mouse:
sis, ano ba? para ka namang nahihinaan sa'kin!
oo sige na. basta ako ang bahala sayo!
don't worry sis
'Pagpapaalam kita kila Tito at Tita, kasi 'pag ako nagpaalam alam ko namang papayagan ka hahahah
Natawa ako sa reply niya. Parang siguradung-sigurado siya, ah? Sabagay tama siya. Ang lakas naman kasi niya sa mga magulang ko. Matatagal na rin naman kaming magkakaibigan kaya mabilis nagtiwala ang magulang ko sa mga kaibigan ko dahil kilala na nila.
Ako:
oo nga lakas mo e. makapal naman ang mukha mo kaysa kay Becca.
Mickey Mouse:
so ano na?
Saglit akong natulala, nag-isip bago makapag tipa ulit.
Ako:
saglit lang
script muna tayo!
Mickey Mouse:
ah yung pinagbabawal na technique? HAHAHAHAHA
Hindi pa kami nagsisimula ay parang natatawa na ako. Wala sa sariling napailing ako.
Ako:
chat mo na si Papa!
Usually kasi, laging si Papa ang huling magdedesisyon. Kaya nga kapag nagpapaalam ako kay Mama, lagi niyang sinasabi na itanong ko muna kay Papa, e. Kailangan, kapag may ipinapaalam ako sa Mama ko, dapat alam rin ng Papa ko. Oo, kahit malayo ang Papa ko, wala pa ring takas ako. Kailangan kong magsabi talaga!
Mickey Mouse:
tang ina ka
Natatawa agad ake
*ako
Hindi ko tuloy naiwasang mag HAHA react sa mga reply niya habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko.
Ako:
Tang ina mo
Wag kang tatawa don baka ma wrong send mo pa si Papa
Masisira ang happy-happy naten 'pag ganun!
Mickey Mouse:
Naririnig ko ang boses mo sis
HAHAHAHA
Atm
Nanonood nga pala akong porn
Napairap at nabuntonghininga ako sa reply niya.
Ako:
bilis na sis, chat mo na si Papa. para 'di mabigla si Papa kung kailan ura-urada.
Bwct ka! natatawa na agad ako!
Mahina't napapagak tuloy ako ng natawa nang wala sa oras. Saglit ko pang tiningnan ang pinto ng kwarto ko at baka mamaya ay sinisilip na pala ako ng Mama ko.
Mickey Mouse:
ako din sis hahahahaha bwct ka
wala pa man naririnig ko na agad ang tawa mo
Mahigpit na kinagat ko ang labi ko. Pigil ang tawang nagtipa ako.
Ako:
HAHAHAHAHA tae ka! umayos ka. ngayon pa nga lang ako makapagpapaalam ng maayos e
effort na natin 'to para matuloy lang
Mickey Mouse:
fine
seryoso na talaga 'to
anong sasabihin ko?
Hindi agad ako nakapagtipa. Natulala muna ako at nag-isip ng mabuti. Talagang kailangan kong mag-isip ng mabuti! Yung hinding-hindi magdududa ang Mama at Papa ko sa pagrarason ko pati sa pamamaalam ng kaibigan ko!
Ako:
goodevening po Tito, ipagpapaalam ko po sana si Celestina. magkakasama po kami sa linggo nila Becca sa birthday-an.
Pigil hiningang sinend ko ito at sinundan ulit.
Ako:
Ayan sabihin mo sis!
KUNWARI BIRTHDAY TAPOS SA CARNAZA ANG VENUE!
Hindi ko tuloy maiwasang ipigil ang aking hininga nang sinend ko yan ng sunud-sunod kay Mickey. Kita ko agad ang pag-seen niya, medyo natagalan nga ako, hindi mapakali dahil hindi agad siya makapag reply!
Ano ba 'yan! Siguro ka-chat na naman niya ang mga ka-talking stage niya! Kay dami kasing mga hinaharot!
Mickey Mouse:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Sa tagal ng paghihintay ko ay yan lang ang tanging ni-reply niya.
Sa hindi ko naman inaasahan ay sumabog din ang tawa ko dahil sa simpleng reply niya. Hindi ko alam! Tawang-tawa talaga ako kasi nai-imagine ko na naman ang mukha ni Mickey kung paano siya humagalpak ng tawa sa pagrarason ko. Ganito lagi ang ganap namin sa tuwing magpaplano kami bago magpaalam. Lalo na kapag out of town. Namumugto ang puso ko sa pamimigil nang tawa ay nagawa ko pa ulit siya reply-an.
Ako:
HAHAHAHAHA PLEASE?
Mickey Mouse:
HAHAHAHA GAGA ANG DAMING LUGAR PERO BAKIT CARNAZA!? MAGDADAGAT BA TAYO HA!?
BEH ALAM MO NAMAN MEDYO TAG ULAN NGAYON
Napailing na lamang ako sa sarili. Hindi ko rin alam kung bakit 'yan pa ang naisip ko. Nabasa ko pa ulit sunod na sinabi niya.
Mickey Mouse:
Send ko na ba 'yung sasabihin kay Tito?
Bumuntonghininga ako ng malalim. Shit talaga. Kailangan kong kumalma para makapag isip ako ng maayos.
Ako:
later sis, kapag nag reply na si Papa
ano na?
huy! ano na balita!?
Mickey Mouse:
'ge send ko na 'yan, na may kasama pang screenshot d2 para makita ni Tito ikaw nagsasabi nito.
Ni HAHA react ko lang ang reply niya kasi alam ko namang nagbibiro lang siya.
Ako:
later mo isend ang mahabang message ko para naman hindi halatang scripted! Hahahaha
basta sabihin mo na lang sa'kin ang reply ni Papa
tas ikaw na bahalang mag-deliver ng sasabihin ko para kunwari ikaw talaga nagsasabi no'n
HOY! COPY PASTE AH! BAKA MAMAYA IFORWARD MO LANG MAS MAHAHALATA 'YON!
Kita ko ang tatlong tuldok na gumalaw muli kasabay pa ulit ng pag HAHA react niya sa akin.
Mickey Mouse:
noted!
practice muna
Good evening po Tito, ipagpapaalam ko lang po si Celestina. Magkakasama po kami sa linggo nila Becca sa Birthday-an.
Inulit niya lang pinapasend ko.
Ako:
Very good.
Mickey Mouse:
luh sis
bakit nga pala Sunday? Haha
Agad ako nagtipa at napamura.
Ako:
ay! sa saturday nga pala fucking inang pakshet na lutang!
Mickey Mouse:
OK. Linggo nga
Ganun din naman 'yun
Ako:
Charot.
Sagot ko na lang. Putang ina, parehas siguro kaming lutang ni Mickey. Pati ako nalito na rin sa pinag-uusapan naming dalawa. Stress at lutang na talaga ako!
Mickey Mouse:
ano ba 'yan Tin! nahahawa na ko sa kalutangan mo! kakaaral mo 'yan!
Okay chat ko na now ha
tama na 'to
Sent ko na talaga 'to sis!
O ano pang sunod?
Kusa kong kinagat ang mga daliri ko habang malalim ang iniisip ko. Pinalagutok ko muna ang mga daliri ko saka ako nagtipa ulit nang malaman kong sinend na nga niya ang sinabi ko. Mukhang kailangan ko ng magandang maidudugtong, ah?
Ako:
Sa sabado po ay sa amin po siya tutulog dahil maaga po kami papuntang Carnaza sa Sunday. Sakay po kami sa kotse ng boyfriend ni Becca then pupunta muna kami sa school para po sa thesis namin. Then, ibibigay ko na lang rin po ang number ko Tito, in case po, para po pwede niyo rin po akong tawagan.
Dalawang beses ko pa binasa ng ayos bago ko pa isinend ulit ito kay Mickey. Pagkasend ko ay siya namang nag-send siya ng picture. Lumilipad sa ibang bagay ang aking isip ay wala sa sariling binasa ko ang screenshot ni Mickey, na convo nila Papa. Unti-unti akong napakunot.
Ako:
HAHAHAHAHAHA HOY ANO 'TONG SINEND MO?
ANO'T SABADO AT LINGGO? BURAHIN MO 'YAN! HAHAHAHAHAHAHAHA
HAY NAKO NABOLBOL NA!
NATATAWA NA AKO
PROMISE
BAHALA NA NGA KUNG ANO ANG IREPLY NI PAPA JAN
Mickey Mouse:
na send ko na
punyeta ang gulo mo!
potangina hahahahaha
tama naman sis, a?! Hahahahaha bwct ka!
Natigilan ako at may natanto.
Ako:
ay, oo nga!
sorry sorry hahahahahaha
Natatawang habang nagtitipa ako. Halos manginig na nga rin ang mga daliri ko kakapigil ng tawa kahit kinakabahan. Mabuti na lang talaga at hindi ako mismo ang nagpaalam sa Papa ko, dahil baka kanina pa ako nabisto malamang nagsisinungaling ako.
Mickey Mouse:
nyeta ka! magpahinga ka na nga!
Ako:
sis, what if lagyan natin ng plot twist?
kung isama kaya kita pauwi sa bahay? Kaso baka naman busy ka.
Imbes na masagot niya ang huling chat ko ay ang reply niya ay na-seen na daw ni Papa ang message niya. Agad naman akong naalarma.
Ako:
Shet Mickey, kinakabahan na ako
Mickey Mouse:
HAHAHAHA
Ako:
tang ina kinakabahan na talaga ako
putang ina sis
Sunud-sunod na pagchat ko at panay pa lang siya seen at HAHA react sa'kin. Siguro abala na talaga at kausap na niya si Papa. Wala naman ako magawa kundi maghintay na lang sa magiging resulta. Pero may last card pa ako! Ang huling resulta ay makausap ako sa huli ng Papa ko!
Mickey Mouse:
sis baka magwala yung Tatay mo yari ka HAHAHAHAHAHAHA
Impit akong napairit sa kabang nararamdaman.
Ako:
AYOKO NA!
Reply ko agad. Baka kasi kung anu-ano pa tanungin ng Papa ko. Napaka mas matanong pa naman niya kaysa kay Mama sa tuwing may pupuntahan ako. Kita ko ang pag react muli ni Mickey sa chats ko.
Ako:
TANG INA
Nai-imagine ko na Papa ko
sis feeling ko magliligalig na 'yon sa'kin
nanlalaki na ang mata
HOY SIS! BAGO KA ULIT MAG REPLY SABIHIN MO MUNA SAKIN ANG REPLY NI PAPA SA'YO HA?
Mickey Mouse:
nag reply na
ang tanong niya 'hija, sa'n 'yan?'
yan ang sabi
ano? sabihin ko ba talaga sa carnaza? Hahahah
ihahatid ka naman namin talaga kasi may sasakyan
Nagtipa kaagad ako.
Ako:
wait. intayin mo 'ko, may sasabihin pa ako.
Mickey Mouse:
Okay.
Ako:
Tito, actually pupunta muna kami ng school ni Celestina. Tapos po, sa amin po muna siya matutulog para po sana maaga kaming makabyahe sa linggo papuntang Carnaza. I hope na pumayag kayo.
Then I sent it. Napabuntonghininga ako ng malalim. Kita ko naman agad ang pagsend ulit ni Mickey nang convo nila ni Papa. Binasa ko iyon.
Noel:
naku hija, sa'n 'yan?
baka kung saan lang 'yan ha. dati akala ko kayo ang kasama ni Celestina noon
Yan ang reply ni Papa kay Mickey.
Napapikit ako at natigilan doon. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang sinabi ni Papa. Paano kasi, muntik na rin ako mahuli! Sa ilang beses na akong kamuntikan ng mahuli sa mga ginagawa ko, masasabi kong dito ako pinaka kinabahan! Yun ba namang dahil sa katalandian ko, nireto ako ni Mickey sa kaklase niya, ang paalam ko sa magulang ko, kila Mickey ako mag-sleep over kasama sila Becca, pero ang totoo, sumama lang talaga ako sa overnight swim na 'yon kasama ang dating manliligaw ko.
Sobra talagang nag-alala at nagalit sakin sila Mama dito dahil nalito sila. Lalo na't out of reach din si Mickey at lasing na nung mga oras na 'yon! At sa kabobahan ko, ni hindi ko rin na inform si Becca na siya ang idinahilan ko kaya nung time na kinausap ni Papa si Becca at tinawagan, nasabi niyang hindi ako kasama! Kaya lalong nalito at nagalit ang Papa ko. Mabuti nga sa huli ay na-contact nila ako, ang Mama ko ang nagsundo sa'kin sa bayan para lang makauwi na agad ako.
At kung paano ko nalampasan ang pagsubok na 'yan?
Sa sobrang kabado at kaaligaga ko, nadaan ko pa rin sila sa pagdadahilan ko.
Mickey Mouse:
ayan sis, nabasa mo?
may trust issue na sayo ang Papa mo! kaloka! hahahaha
Napabuntonghininga ako ng malalim. Feeling ko alanganin pa rin ang Papa ko. Hindi ko naman sila masisisi. Kaya nga kapag overnight ang sinasabi ko, hindi na sila pumapayag magmula na nangyari ang araw na 'yon. Sobra kasi sila nag-alala nang hindi nila ako ma-contact para kamustahin ako. Akala talaga nila ay may nangyari nang masama sa'kin. 'Di nila alam, walang masyadong signal sa resort na pinuntahan ko noon. Kaya yun, hindi na naulit 'yon. Pagabi-gabi na lang ako ng uwi ngayon. Bihira na lang rin ako sumama sa mga overnight. Nito lang ulit.
Ako:
w8. ito ang ireply mo sis
Tito, bigay ko na lang po ang number ko para pwede niyo po akong matawagan. Don't worry po, bantay sarado po samin si Celestina.
yan sis
hoy ayusin mo reply talaga ha. wag mo talaga ipo-forward patay ka sa'kin!
Oplan: ma-convince si strict father.
Mickey Mouse:
Sabi niya sis 'tingnan ko, kausapin ko muna ang anak ko'
Then nag-insert na naman ulit siya ng screenshot ng convo nila ni Papa at yun nga sinabi sa kanya. I heavily sighed. Mukhang mahaba-haba pa talagang pagpupulong 'to. Lalo akong kinakabahan kasi anytime tatawag na ang Papa ko para dito!
Mickey Mouse:
so what's next?
'excited at inom na inom na po kasi si Celestina kaya Tito payagan niyo na po siya!'
"Aba't—!" agad naman ako napakunot at nagtipa.
Ako:
potang ina mo wag!!!
ito ang sabihin mo sa reply niya: 'Oo nga po Tito, magkakasama naman po kami nila Becca pati ang boyfriend niya. T'saka po, libre naman po kami ng pinsan kong may birthday. Uuwi rin po kami after.'
Mickey Mouse:
hoy boba! tang ina mo naman! bakit mo ginawang pinsan ko ang crush ko!?
bakit hindi na lang yung boyfriend ni Becca ang idinahilan mo!?
Natawa ako dahil nai-imagine ko na ang mukha niya. Wala sa oras na napakagat ako sa daliri ko kapag medyo kinakabahan ako.
Ako:
sige na. para payagan talaga ako. alam mo namang mas lalong hindi papayag si Papa kapag puro kalalakihan ang sasabihin mo!
Kasi kapag pa naman alam ni Papa na puro lalaki ang kasamahan namin? Mas lalong hindi papayag 'yon. Kahit pa lumuhod o umiyak at magdabog ka sa harapan niya, hinding-hindi siya papayag na mag-overnight ako na puro mga lalaki ang kasama ko. Kaya nga hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend sa sobrang strict ng Tatay ko pagdating sa mga lalaki. At kapag naman pag-uusapan ang tungkol sa panliligaw, it's either na naiinip sila sa paghihintay nila sa'kin, nabo-boring, at higit sa lahat ay umaayaw dahil sa sobrang pagka strikto ng Papa ko. In short, maraming mga naduduwag.
Mickey Mouse:
ewan ko sayo!
fine! kung 'di lang kita love, ew
send ko na nga 'yan, ah?
tinatanong na rin ng Papa mo yung number ko. binigay ko din naman agad.
Bumuga ako ng hininga at nakutuban. Mukhang mapapayagan na yata ako, a? Pero hindi ako pwedeng makampante dahil hindi pa dito natatapos 'to. Papunta pa lang ako sa exciting part.
At tulad nga ng inaasahan ko, nag pop-up agad ang name ni Papa at agad na tumatawag ang Papa ko sa messenger ko. Mabilis naman ako umayos ng upo. Tumikhim agad ako upang 'di mautal, at bago ko sinagot ang tawag ay umakto akong busy sa pagre-review ko!
"Tintina, anak..." agad na bungad ni Papa nang makita ko siya sa screen.
Mukhang nasa office pa siya.
Ako naman patay-malisya, kunwari ay binabasa ko ang modules ko kahit na baliktad naman ito. Nagsusulat, pero puro guri-guri ang nasa papel na sinusulat.
"O, pa? Napatawag ka?" sagot ko sa kanya at saglit nilingon siya. Nagkunwari akong abala, pero kinakabahan na talaga.
Ngumiti siya sa'kin. "Kumain ka na ba anak? Mukhang busy ka, a?"
"Malapit na po kasi ang midterms namin, Pa. T'saka, nagluluto pa po si Mama. Kailan po pala ang uwi niyo?" tanong ko, kasi alam kong nasa Manila siya at hindi siya makakauwi ngayong araw.
"Bukas pa anak ang uwi ko. Sya ng apala... kinausap ako ng kaibigan mo, si Mickey." ang paninimula ni Papa.
Lihim naman akong napalunok ng malalim. At lihim rin pinakalma ang sarili kahit na nanginginig na ang kamay ko at halos mapunit ang hawak na module ko sa kabang nararamdaman.
"Talaga po? Bakit po kaya?" ang galing mo talaga, best actress, Tintina!
Dinig ko ang malalim niyang buntonghininga ng malalim bago magsalita muli.
"Edi ano pa nga ba? Gusto ka raw isama sa Carnaza bukas, e... ay napakalayo naman n'yon anak." rinig ko ang alangan sa boses niya habang napapakamot sa kanyang ulo.
Napanguso ako sa kanya. "Carnaza Island? Mukhang maganda ro'n, ah. Pa... gusto kong sumama, hehe." sabay lambing ng boses ko.
Kita ko ang pagtaas ng kilay ng ama ko at pag-irap niya sa'kin. Ang lagi niyang reaksyon sa tuwing magpapaalam ako. Saglit siya natulala at nag-isip-isip.
"Stress na kasi ako sa school. Gusto ko rin maranasan makagala. T'saka po... wala namang pasok bukas,'e." pahabol ko pa.
Sana makumbinsi ko siya! Minsan lang naman ako makagala sa malayo kaya sana mapagbigyan niya ako!
"Anak..."
"Papa, please? Sila Mickey naman pala po, e! Sila-sila lang rin kasama ko!"
Bumuntonghininga muna siya ng malalim. Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko na inakala kong madami pa siyang sasabihin sa'kin ngunit otomatikong ngiti ko nang unti-unting tumango si Papa sa'kin.
"Payag na po kayo!?"
"Oo. Maayos naman nagpaalam sa'kin ang mga kaibigan mo," malamang ay ako rin naman ang nagsabi no'n kaya mukhang kagalang-galang talagang pakinggan. "Pero anak, mag-iingat kayo. Lalo ka na," ang laging paalala sa'kin ni Papa.
Suminghap ako ng malalim upang pigilan ang mapairit sa tuwa. Kailangan kong kumalma at hindi magmukhang kahala-halata.
"Teka, lisensyado ba 'yang magiging driver niyo, ha? Pwede naman ako magpa-rent para may masakyan kayo—"
"Pa, don't worry. No need. Lisensyado po yung boyfriend ni Becca. Remember? Siya po yung lalaking sumsundo kay Becca sa tuwing nag-s-sleep over mga kaibigan ko rito?" pagre-recall ko sa kanya.
"Ah, sige. Natatandaan ko na nga..." kumunot naman medyo ang noo niya nang makatingin sa'kin. "Baka pati ikaw ay may boyfriend na rin anak, ha? Naku, baka 'di mo lang sinasabi samin ng Mama mo,"
"Pa naman!" napairap ako sa reaksyon niya. "Hindi, 'no! Study first ako! Takot ko na lang sa inyo."
Seryoso naman tumango Papa ko. Totoo naman study first ako. Kaya nga pagdating sa pagtanggap ng ligaw nagiging pihikan na ako dahil sa mga sinasabi sa'kin ng Papa ko.
"Tama. Wag muna nga hangga't 'di ka pa nakaka-graduate. Sinasabi ko sayo, magiging distraksyon lamang sila sa'yo. Alam ko ang mga lalaki."
"Opo, Pa." tanging nasabi ko na lang.
Dinig kong bumuntonghininga muli siya ng malalim. "Bukas tatawagan na lang ulit kita, anak. Basta mag-iingat kayo sa pupuntahan niyo, ah? Dapat palagi kang mag-update sa'min ng Mama mo."
"Opo, pa! Wag kayong mag-alala, umuuwi akong laging ligtas," pagpapanatag ko ng loob sa kanya.
"Osya, sige na. Kakausapin ko na rin ang Mama mo tungkol dito. Ituloy mo na 'yang ginagawa mo." aniya'y tipid siyang ngumiti sa'kin.
At hindi naman mapuknat ang labi ko sa pagngiti habang tumatango sa kanya.
"Thank you, Pa! I love you!" masayang paalam ko.
"I love you too, anak. Sige na,"
"Bye po," sabay kaway ko sa kanya bago niya patayin ang tawag.
Lihim naman ako umirit at tumayo para magtatalon sa tuwa. Hinihingal sa kabog ng aking puso ay agad akong nahiga sa aking kama kasabay ng pagtipa muli para ipaalam kay Mickey na pinayagan na ako. Sa sobrang excite ay halos manginig ang kamay ko, may kung anong nagwawala mismo na nagmumula sa sikmura ko na kumalat sa buong sistema ko.
Ako:
Shit! Success sis!
Thank you, sis!
Message ko sa kanya. Mabuti ay online pa rin ang gaga.
Agad naman siya nag-seen at kita ko agad ang pag HAHA react niya sa mga chats ko.
Mickey Mouse:
yown
o ayan, natuloy na naman ang maitim mong plano.
congratulations!
Natawa ako. Sa kalagitnaan ng tawa ko ay lihim kong idinadasal na sana patawarin ako ng magulang ko sa madalas na pagiging pasaway ko. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi laging kay Mickey nakasalalay ang kasiyahan ko. S'ya lang kasi madalas ang dahilan kung bakit mas natutuwa akong gumimik, mas nagiging enjoyable at buhay ang walang buhay ko kapag kasama ko siya at ang mga kaibigan ko. Palagi kong hinihintay ang mga balita at bawat aya niya na madalas, siya ang naging dahilan at malaking tulong sa pagiging malaya ko sa ibang bagay.
Ako:
thank you talaga, sis!
see you tom! wavyu! <3
Mickey Mouse:
sabihin ko na lang kila Becca na pinayagan ka.
good night na sis. i need a beauty rest na. see you tom! I'm so excited na sa club icon hihi
dress well, okay? wavyu too <3
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro