Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 03


"Ano ba 'yang mga pinagsusulat mo?"

"Gumagawa ako ng assignment wag kang magulo,"

Habang abala ako sa pagsusulat sa binder ko, mabuti na lang ay nabasa ko ang chat ng isa naming prof sa isa naming Major na subject at may iniwan pala siyang gawain kagabi!

Hindi naman siya marami, sakto lang.

Sakto lang para sumakit ang ulo 'ko.

Pero dahil ako naman ay matalino, sinulit ko ang oras habang hindi pa nagsisimula ang klase. Ganito talaga ako, madalas ay last minute nang gumagawa, ako yung tipong gusto pa maaligaga para lang sipagin, pero nagagawa ko pa rin makapagpasa on time.

Ganun talaga. Mga bagay na hindi niyo kayang gawin.

"Pabibo talaga amputa," dinig ko ang anas niya.

Kita ko ang pag-irap at buntonghininga niya ng malalim habang sumisipsip sa kanyang frappe na dala-dala habang pasimpleng nagsasalamin para ayusin ang kapit ng kanyang falls eye lashes. Umagang-umaga ang babaeng 'to, puro pagpapaganda lang agad ang unang inaatupag! Hmp.

Rinig ko naman ang pasimpleng irit niya na parang naipit ang singit sa zipper. Namataan ko siyang parang kinikilig habang nagtitipa sa kanyang iphone 13 pro max 512gb na pinadala pa raw ng kanyang Tita galing sa Amerika.

May bago na naman sigurong jowa ang babaeng 'to!

Nandito kami sa hallway, may upuan naman at mesa rito, ito ang madalas namin pagtambayan nila Becca at Mickey lalo na kapag walang klase or breaktime namin. At dahil nga maaga ang gaga, hindi pa rin ako makapaniwala, talagang nagulat pa rin ako at pumasok nga talaga siya ng maaga!

Wow na lang talaga! Gusto ko siyang regaluhan ng ostia na may pa-blessed na agad ni Father dahil sa ginawa niyang himala.

Sana magtuluy-tuloy na.

Bihira lang naman kasi siyang maging ganito kaya nakakapanibago talaga. At sa tingin ko, mukhang importante ang pag-uusapan nga naming dalawa, dahil kanina pa niya 'ko pinapaulanan ng mga text niya habang nasa byahe ako—na hindi ko din naman binasa.

"Ang aga mo, Mickey. Anong oras ka nakarating?" ngayon ko lang naitanong sa kanya.

Mukhang ngayon pa lang kasi mapaparami ang mga estudyante.

Talagang mas nauna pa siya sa'kin! Dahil magmula nung makarating ako at nakita ko siyang tanging guard lang ang kinakausap niya kanina, hindi ko muna siya kinausap dahil naaligaga't lumipad agad ang utak ko sa mga dapat na gagawin ko.

Ganito talaga. Sakripisyo. Mga taong mahilig sa gimik na tulad ko, kailangan magawan at maisingit mo talaga ng paraan para sa mga activities ng mga prof na pinapagawa sa inyo. Sa madali't salita, consistently time management lang ang kailangan, lalo na sa isang kolehiyalang tulad ko na mahilig magwalwal pero 'di papatiwakal kahit nakaka-stress ang mga ginagawa.

"Saktong six, nandito na ako, sis." mahihimigan na proud pa na sagot niya habang nakatutok lang ang mata nito sa phone, mukhang nanonood sa tiktok dahil sa mga familiar na tugtog na paulit-ulit na naririnig ko.

"Wews. Anong nakain mo?"

"Etits."

"Mickey—ano ba naman 'yan umagang-umaga!"

Bumuntonghininga siya ng malalim. "Hoy putang ina nga pala! May kasalanan ka pa nga sa'king gaga ka!" aniyay inirapan bigla ako.

Natigil ako sa pagsusulat at umangat lalo nang tingin sa kanya. Pasimple ko naman kinuha ang frappe sa kamay niya at nakisipsip roon, ramdam ko pa rin kasi ang hang-over ko kahit na nakaligo na ako.

"Sorry na lang Mickey kung anuman 'yon," sabay nag peace sign ako, mukhang irita nga siya.

Ano ba kasing nangyari bago kami makauwi? At paano ako nakauwi ng maayos? Nakayanan talaga ako ni Mickey? Kasi seryoso, halos 'di ko na matandaan ng maayos kung nakaakyat ba ako ng matiwasay sa bintana ng kwarto ko nang magising ako.

Yes! Bintana! Akyat bahay talaga ang peg ko kapag ginagabi ako! Kahit naman alam ng magulang ko na may spare key ako para sa bahay namin. Talagang ayaw ko lang bulabugin sila sa pagtulog, 'di rin naman sila nagdududa kapag alam nilang sila Becca at Mickey ang kasama ko, palibhasa kasi kilala na nila, madalas rin talaga kasi bisitahin ako ng mga kaibigan ko sa bahay kaya nakapalagayan na sila ng loob ng mga magulang ko.

Nginiwian niya ako. "Geez! Dami mo talagang atraso sa'kin! At hindi lang dapat ikaw mag-sorry sa'kin, Tintina! Hindi lang ako!"

"Ha?" napakunot ako. Hindi naunawaan ang mga sinasabi niya.

"May kasalanan ka pa sa iba! Nakakahiya ka talaga! Nakakadiri! Muntik na nga kitang kalimutang maging kaibigan dahil sa ginawa mo!" singhal niya pa sa akin habang napapangiwi, tila may nakakadiri siyang naiisip habang sumusulyap sa akin.

"Bakit ano bang ginawa ko? Nagsuka na naman ba 'ko?" ang alam ko naman kapag ganitong itsura niya, saulado 'ko na.

Alam na alam ko na ang dahilan. Ang mahilig na pagtawag ng uwak ni Celestina, tsk tsk...

Sarkastiko siyang natawa sa'kin. "You really don't remember, sis? Oo, nagsuka ka, pero bago! Bago ang suka reveal version mo ngayon, sis!"

"Ha? Sinasabi mo?" version? May ganun pala?

"Grabe talaga 'pag nalasing ka, 'no? Kung anu-ano mga nagagawa,"

"Ha?"

"May nasukahan ka lang naman pong ibang tao!" pagbibida niya't inirapan pa ako.

My eyes automatically widened. Laglag ang pangang natigilan ako sa kanya.

"Putang ina—!" humina ang mura ko nang may dalawang prof na dumaan sa harapan namin.

Mabuti na lamang ay hindi nila gaano narinig, nakakahiya iyon! Nang makalampas sila ay agad ko mabilis na niligpit ang aking gamit at lalong lumapit sa kanya. Naintriga sa narinig dahil sa kahihiyang nalaman 'ko!

"Mickey! 'Di nga?" hindi makapaniwalang tanong 'ko. Baka pinaprank lang niya 'ko.

"Totoo, Tin. Nakakahiya ka talaga. Pasalamat ka ako na lang ang naghingi ng pasensya ron. Muntik na nga rin ako mapaluhod sa kanya sa kahihiyan, 'e!"

Nagparte ang labi ko. "Hala, huy, legit ba? Baka naman niloloko mo lang ako, Mickey?" naninigurado kong tugon, kung anu-ano na rin ang pumapasok na senaryo sa utak 'ko. "Promise, babawasan ko na pag-iinom ko. Hindi na kita papahirapan kaya itigil mo na ang prank na 'to—"

"Tanga, hindi! Totoo sinasabi ko, Tin." tumaas ang kilay niya at pinakatitigan ako. Maya-maya'y napatingala siya at may naalala. Her lips formed into smirked, tila'y nakakatuwa itong naalala. "Actually... fifty-fifty na yung nararamdaman ko sayo, kalahating natutuwa at kalahating naiinis sa sayo."

Mukhang totoo nga sinasabi niya.

Suminghap ako ng malalim.

"Anong nakakatuwa dun sa nasukahan ko ang ibang tao!? My god, Mickey! Nakakahiya! Bakit ngayon mo lang ito sinabi!?" napahilamos tuloy ako ng palad sa aking mukha ng wala sa oras.

Kahit naman mahilig ako magtawag ng uwak, never naman ako nagsuka sa tao, 'no! Kaya ganito ang reaksyon ko, kasi first time 'to!

"Para saan pa? Eh, nangyari na!"

"Kahit na!" I bit my lower lip. Hindi na mapakali sa kakaisip ang nangyari kung ano ba ako nung gabing 'yon. "A-Ano... kilala 'ko ba 'yon? Taga dito ba siya sa campus na 'to?" lalo akong kinabahan sa naisip. "K-Kilala mo ba kung sino nasukahan 'ko? Madalas ba natin siya makita 'dun sa bar? Marami bang nakakita sa nangyari? Fuck! Ayoko na mag-inom!"

"Ulol!" utas niya sa huling linyang sinabi 'ko.

"Bakit kasi hindi mo 'ko inalalayan!"

Umawang ang labi niyang napahawak siya sa kanyang dibdib.

"Wow! Putang inang 'to, bakit parang kasalanan 'ko? Ako ba ang nagsuka, ha!? Ako ba ang nagsuka!?" she blurted out.

"E, kasi..." I bit my lower lip.

"Tang inang 'to..."

"Sigurado ka? Hindi natin kakilala?" paninigurado kong tanong muli sa kanya. Baka mamaya, yung nasukahan ko, dito lang pala talaga pumapasok.

Parang 'di ko yata kakayanin na may maharap ako dito, nang wala akong kamalay-malay na 'siya' pala iyon ang tinutukoy ni Mickey!

Baka mamaya, nakasalubong ko na pala at pinandidirihan at pinagtatawanan ako! Baka mamaya pinag-uusapan ako!

Isipin ko pa lang ay nakakahiya na! Sino naman iyon? Kung sino man iyon ay humihingi na agad ako ng tawad! Wag siyang mag-alala dahil lagi ko na siya isasabay sa dasal bago ako matulog. Pangako iyan, kung sino ka man.

"Sis, hindi ko kilala. Ngayon ko lang siya napansin sa bar. He's not familiar to me at mukhang bagong salta. At kung paano nangyari?" marahas siyang bumuntonghininga ng malalim at sunud-sunod na napailing. "My g! Huwag mo nang alalahanin. "

"Pero—"

"Don't na sis. This is for your own good." then she tapped my shoulder and winked at me.

Lalo tuloy akong hindi mapalagay.

My lips formed to grim line, napakamot tuloy ako sa ulo ko kahit wala naman akong kuto. Pero ang isiping hindi naman niya kakilala at mukhang bagong salta or dayo lang, ay kahit papaano'y gumaan ang loob ko. Dayo lang pala, e. Edi malabo ko na makita iyon kung sino man 'yon?

Ang mahalaga... hindi siya taga dito sa campus na 'to.

Kalaunan ay napansin ko naman na napalitan ng ngisi ang kanyang labi. "Pero in fairness... grabe, sis." saglit siya umimpit na para bang lalong kinilig. "Ang Daks nung nasukahan mo! Kung hindi ka lang lasing ay talagang magpapaiwan na sana ako!"

Aba't—talaga nga namang!

"Seriously? Daks talaga? Nakita mo? Nakita mo?" sarkastiko 'ko pang tanong sa kanya.

Akala ko naman kung ano na! Akala ko kung anong importante, mukhang inagahan niya lang yata pumasok para lang chumika, e!

"Hindi! Pero ang hot at gwapo!" umirap siya, suminghap siya ng malalim at tila pinapakalma ang sarili. "Ah, basta! Pero nakakadiring pangyayari pa rin talaga. Like... ew!" nakangiwing dismayado pa siyang napapailing sa akin. "Kung bakit ba naman kasi lasing ka, jackpot ka pa tuloy! Baka nagka-jowa ka na!"

Talagang isinisingit niya pa ang kalandian dun sa nangyari, 'no?

"Oh, bakit hindi na lang ikaw? Tutal mukhang type mo naman ata yung..." napapalunok at napangiwi ako. Napairap sa sarili at napabuntonghininga ng malalim. "...nasukahan ko."

Nakakahiya talaga! Nakakahiya!

Ayoko na mag-inom! Ayoko na! Ayoko na! Hindi na talaga!

Charot lang.

Napailing na lang siya. "Alam mo, sis. Kahit na malandi ako, syempre may Daniel pa ako."

I just smirked at her.

"Hindi ko kailangan maging bulldozer sa mga lalaki. Chill lang dapat. Kailangan nating kumalma," pagpapatuloy niya pa.

"Oo kalma kahit may lima," pambabara ko sa kanya.

Inirapan niya ako. "Sis, you don't understand naman kasi."

"Sige, ipaliwanag mo sa'kin para maintindihan ko."

"Sis, ang una, nanliligaw pa lang sa'kin 'yon. Yung pangalawa naman, naalala mo yung cutie guy kinukuwento ko sa'yo dati na taga Electrical Engineering? Naka-talking stage 'ko lang? Ayun, ganun pa rin, hindi na lumevel-up... hanggang chit-chat lang, mahina! Hindi man lang ako magawang lapitan kapag nagkakasalubong kami sa hallway pero lakas naman lumandi kapag chinachat ako, galing 'di ba!? Yung pangatlo, nakakiss ko lang dun sa bar last week na pinuntahan natin, taga ibang univ naman siya pumapasok... I forgot nga kung saan, madalas niya rin akong dayuhin sa bar, hindi na agad ko tinantanan. Yung pang-apat, nireto lang sa'kin ng classmate ko na friend niya—"

"At yung panglima?" tumaas ang kilay ko.

Napakatakaw talaga ng babaeng 'to!

"Yung pinareto 'ko."

"What!?" so, ibig sabihin magkaiba pa yung nireto sa kanya sa pinapareto niya!?

Ibang klase!

"Pambihira ka, Mickey. Lakas mo talaga! Chill lang ba talaga ang tawag mo 'dyan? Baka naman may pang-anim ka pa, ha! Nahiya ka lang magsabi!"

She bit her lower lip. Para bang lumiwanag ang aura nito habang sa iba na nakatingin ang mata nito—sa likod ko.

At nang lingunan ko kung sino ang tinitingnan niya, bumagsak ang balikat ko nang mamataan kong dadaan si Daniel sa amin kasama ang mga kaibigan at ka-team niya, wearing their usual uniform. Napabuntonghininga ako ng malalim. May dadaang malakas na hangin.

Kita ko na agad ang paglapat pa lang ng sulyap ni Daniel sa direksyon namin.

"Hi, girls!" pasimpleng bati niya sa amin at nakangiting tinanguan kami. Kita ko pa ang pagkindat niya saglit kay Mickey habang nakakagat ang pang-ibabang labi't nilalaro ang hawak na bola.

Yan, kitang-kita na d'yan siya magaling. Ang mambola at kung paano niya mabilis paikut-ikutin ang bola sa mga kamay nito ay siyang ganun niya din ginagawa sa mga nagiging babae niya.

"H-Hi, Daniel..."

Lumingon ako sa kaibigan ko habang nahahalinang pagmasdan ang lalaki. Lihim kong gusto umirap sa reaksyon niya. May gusto pa sana akong isatinig ngunit 'di ko na lang tinuloy.

"Night out ulit tayo minsan, ha?"

Umayos agad ng upo ang kaibigan ko. Lumawak ang ngiti at agad siyang tumango.

"Sige ba."

"Paano? Mauna na kami. See you around, Mic..." paalam agad niya sa kaibigan ko. Hindi pa rin maalis ang lagkit ng tingin nito sa tabi 'ko.

Hindi na rin sila nagtagal, saglit lang sila dumaan at mukhang papunta na sila sa klase. Nang makalagpas ay hindi na ako nagtaka nang mausisaan kong nakalaglag pa rin ang panga ni Mickey habang habol ang tingin sa mga kalalakihang dumaan sa harapan namin.

"Anim." wala sa sariling bulalas niya.

"Huh?"

"Si Daniel, sis! Tang ina ang gwapo niya talaga!" sabay pisil niya pa sa braso ko kasabay naman ng pagtampal ko sa malikot na kamay niya. "Aray!" reklamo niya.

"Talagang type mo yung lalaking 'yun, no? Bagay nga talaga kayo."

"I know right?" at nag-flipped pa siya ng blonde, straight, at bagong Brazilian Rebond pa niyang buhok. "Syempre, lalayo pa ba ko? My god! Syempre dun na ako sa mas malapit at mas madali, 'no! Dito lang rin napasok si Baby Daniel ko. Mas accessible at mas abot-kamay ko, 'di ko kailangan mag-effort ng husto, at pwede rin ako laging taga punas ng pawis niya kapag may training sila ng basketball team niya. Hmp!" aniya'y impit pa siyang napairit sa kilig.

Kirindot talaga. Parang wala pa siyang lima, ah?

Nahiya naman si Daniel, ginawa pa niyang pang-anim samantalang ang nakikita ko, parang yun pa ang mas type niya.

Napapailing na lang akong napatingin sa kanya.

"Grabe, sarap siguro niyang maging jowa, no? Siguro kung magseseryoso ako, s'ya ang unang boyfriend na gusto ko. Hmm... ang yummy!"

Halos mabilaukan naman ako sa sariling laway. "Luh, seryoso ka ba sa gagong 'yon?" hindi ko na tuloy napigilan.

Argh. Muntik ko na kalimutan na Daniel is a famous guy. Captain ng basketball team nila at isa na si Mickey ang nanghihina ang matres don sa lalaking 'yon. Ewan ko ba dito sa babaeng 'to na kahit Second Year na kami, at maraming nakakalandian ang babaeng 'to, hindi niya sinubukan noon pa man si Daniel. Like syempre, maganda naman ang kaibigan 'ko, kaya nga ang lakas niya rin sa mga Seniors, 'e. Hindi kasi sya aloof katulad 'ko. Kapag everytime na nagkakagusto siya, nagugustuhan rin siya agad. At kapag may nagugustuhan agad siya, madalas ay gugustuhin na rin niya! Ganun siya mabilis gumanti! Ganun kadali! Pero kadalasan, ganun din naman kabilis mawala! Kaya 'di na ako nagtataka na marami talaga nagtatangkang manligaw at nakaka-fling sa kanya.

Mapa-new or past pa man 'yan.

'Di na bago sa'kin 'yon. Ewan ko lang kung bakit kahit mas ahead sa amin ng isang taon yung Daniel, noon pa man, ay sapat na lang sa kanya ang pamasid-masid lang sa lalaking 'yon sa tuwing makakasalubong namin.

At talaga bang seryoso ang pinagsasabi ng babaeng 'to?

Gusto niya maging seryosong boyfriend ang playboy na Daniel na 'yon?

Nag-iisip ba siya? Sinong matino na seseryosohing jowain ang playboy na 'yon? Playboy! Alam niyang paglalaruan lang siya!

"Aga niyo mga hitad!" naputol ang pag-iisip ko nang sabay kami napalingon ni Mickey sa bagong dating.

"Becca," tawag ko sa kaibigan naming Educ Major in English.

"Bakit mag-isa ka? Nasaan na yung syota mong kalbo?" bungad din sa kanya ni Mickey sa pinaka lover girl na kaibigan namin na may boyfriend na taga Criminology.

Aba! Kung ilalaban naman sa patagalan na relasyon, ay talaga namang panalo na sila. Halos since high school kasi mag-jowa na sila, e! Ganun katibay ang kanilang relasyon. Sana talaga sila na lang hanggang huli, dahil kung magkakahiwalay pa din naman pala sila, ewan ko na lang talaga.

Hindi na ako maniniwala na may seryoso at matino pa akong makakakilalang lalaki.

Sa aming tatlo na magkakaibigan, si Becca lang talaga ang may healthy relationship. Si Mickey na maraming ka-fling, habang ako pa-crush-crush lang sa gilid. Hindi kailanman ulit nag boyfriend. Dahilan? Alam niyo na 'yon.

Strict ang parents ko.

"Magkasabay kami ni Babe pumasok. Dumiretso na siya ng training, takot na lang na ma-punishment ulit," aniya at natawa at tumabi nang upo sa amin.

Tama siya. Mahirap ang Criminology. Sobrang nakakapagod ang mga trainings. Kaya nga 'di na kami nagtaka nung bawat sem ay pabawas na ng pabawas mga estudyante don, mga nagshi-shift agad ng ibang course.

Madalas, nakikita namin sila sa umaga at kahit sa hapon hanggang gabi sa field kapag nag te-training. Madalas kasi ay mahilig magpasama samin si Becca para puntahan ang boyfriend niya. Balita ko pa nga ay mas matatakot ka ma-late kapag nag-Criminology ka. Saksi kami ron kapag nanonood kami ng training nila minsan sa field kahit kainitan. At pano 'ko alam? Syempre si Mickey rin, magaling talagang mang-hunting ng lalaki ang babaeng 'yan!

Palibhasa, maraming mga nagta-topless at poging mga Criminology student! Papalampasin pa ba niya iyon? Syempre kasama na rin ako, simpleng landi lang rin! Pampabuo na rin ng araw ko para ganahan rin naman ako mag-attend ng klase araw-araw!

"Anong ganap niyo mga sis?" lingon niya sa amin at bumagsak pa rin ang tingin ni Becca kay Mickey. "Wow, Mickey, ah? Anong nakain mo?" pang-asar agad na tanong ni Becca.

Umangat ang labi ko sa pagngisi. Mukhang pati rin siya ay hindi pa rin makapaniwala sa kaibigan namin.

Kita ko agad ang pag-irap ni Mickey sa aming dalawa ni Becca. "Alam niyo? Ang sasama niyo! Masama bang pumasok ng maaga!? Wala na ba akong karapatan!?"

"Hindi naman. Mickey, ano ka ba? Maglolokohan pa ba tayo rito?" natatawang sambit ko sa kanya.

"Nakakagulat naman kasi," natatawang segunda naman ni Becca.

"Tigilan mo 'ko, Tintina! Inis pa rin ako sayo mula pa kagabi! Argh!"

"Hoy, anong nangyari? Sayang pala 'di ako nakasama kagabi!" usyosa naman agad samin si Becca.

"Sis, yung kaibigan talaga natin nakakahiya." pambibida agad ni Mickey. "Mauumay ka na lang talaga isama sa inuman! Katakot ang babaeng 'to!"

Ipagkalat ba naman ang nangyari sa'kin nung gabing 'yon!

Magaling talaga 'tong kaibigan 'ko at sa harap ko pa talaga, huh! Hindi ko alam na ako pala ang magiging laman ng kanilang chika!

At habang pinapakinggan si Mickey ay para bang hindi makayanan ng sistema ko. Hindi ko na kayang pakinggan ang mga naririnig ko mula sa kanya. Napabuntonghininga na lamang ako ng malalim. Sinipat ko ang relo ko at ilang minuto na lamang ay malapit na kami mag-time, kaya inubos ko ang minutong 'to habang hawak ang binder ko, dino-double check ko rin ang ginawa ko kanina para makapagpasa na.

Halos mag-echo sa hallway at nanunuot sa tainga ko ang panay hagalpak ng tawa si Becca habang nakikinig, halos kapusin sila ng hiningang dalawa kung paano pa i-demo ni Mickey kung paano raw ako magsusuka!

"Wow! Effort, Mickey! Itigil mo 'yan! Para kang tanga!" naiinis kong turan nang mamataan siyang tatawa-tawa habang may inaakto.

Nasa kalagitnaan siya ng tawa na napalingon siya sa'kin. "Oo, Celestina. Para ka ngang tanga," aniya dahil ako naman ang kanyang ginagaya.

Inirapan ko siya. Dinig ko rin si Becca na nanghihinayang dahil hindi niya nasaksihan kasi hindi siya nakasama. Pano kasi ay may promise date sila ng jowa niya nung time na 'yan. Oo, promise date! Sa dalas ba naman kasing busy lahat, humahanap talaga sila ng time sa isa't-isa.

"Grabe sis, dapat vinideohan mo para nakita ko ang kasalaulaan ng babaeng 'yan," natatawang sambit ni Becca habang sumusulyap sa'kin.

Napapairap na lamang ako habang pinapakinggan sila.

"Nako 'te, oo nga, e! Pero kasi nanghihina na rin ako nung oras na 'yon. Nataranta na rin sa nangyari. Hindi ko naman alam na bigla na lang naging laughtrip kapag naalala ko." aniya'y nasunod muli ng hagalpak ni Mickey ng tawa. "Yawa ka, Celestina! You made my day!"

Sinimangutan ko sila habang ngising-ngising nakatingin na sila sa'kin.

"Tang ina niyo, tantanan niyo nga 'ko." mura ko sa kanila na ikinatawa na lang nila.

"Ano? Sarap ba uminom?" si Becca.

"Inom pa, girl!" si Mickey.

Bigla na lamang tumunog ang bell hudyat na kailangan na namin magkanya-kanya.

"Mga sis, una na ako." paalam ko. Dahil magkakaiba kami ng course at building, iba ang daanan namin.

Si Mickey kasi sa Tourism kaya malapit siya mismo sa building ng mga Engineering kung saan napakaswerte niya, at kaya lagi siyang excited dahil magkatabi lang ang room ng Engineering sa building nila.

"Kita-kita na lang mamaya mga sis!" paalam na rin ni Becca.

"'Ge! Magchachat na lang rin ako sa GC natin," aniya'y iwinasiwas pa ni Mickey ang phone niya at bumagsak ang tingin niya sa'kin. "Hoy babae, G ka rin, kung sakali, ah?" tanong niya, kasi ako naman ang laging alanganin sa aming tatlo sa tuwing may mga gimikan kami.

Bumuntonghininga ako ng malalim. "Bahala na! Kung 'di ako busy!"

Ngumiwi siya sa'kin.

"Come on, Mickey. Gustuhin ko man pero kailangan kong ipahinga ang atay ko. Malapit na rin ang midterms kaya kailangan kong humabol." paliwanag ko.

Oo, mahilig ako makipag-party at gumimik, pero katulad nga ng sinasabi ko, may limit ang lahat para sa'kin. I know my limits. Kaya hindi ko pa rin dapat pinapabayaan ang acads ko katulad ng ipinapangako ko lagi sa mga magulang ko. Hindi ko dapat sila biguin kahit na medyo may pagkapasaway ako.

Napapangusong tumango na lamang siya sa'kin. "Sige na nga. Pero next time, sumama ka ulit, ha?"

"Gaga, oo na lang, bahala na!"

Nakangiti siyang tumango at kumaway sa'kin bago kami magkatalikurang tatlo para pumunta sa sari-sarili naming klase. 

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro