PHASE 02
"Celestina!"
"Celestina! Ano ba! Sasabog na itong alarm clock mo! Tumayo ka na!"
Naalipungatan ako nang maramdaman ko ang pasimpleng hampas ng Mama ko sa bandang pang-upo 'ko.
"Mama!" reklamo ko.
"Tumayo ka na d'yan at male-late ka na," sabi niya, kinuha niya pa ang nakatabon na kumot sa akin at sinumulan na niyang itiklop ang mga ito habang patuloy siya sa panenermon sa akin.
Umunat ako, saglit na gumulong hanggang sa dumapa ng higa at tumihaya muli. Walang talab ang patuloy na kakak sa'kin ng Nanay ko sa labis na kaantukan na nararamdaman. Kulang na kulang pa ang tulog ko.
Bumuntonghininga ako at humikab. Nanlalambot pa'y saglit akong tumulala sa kisame, ramdam pa rin ang sakit ng aking ulo. Inaantok pa rin talaga. Halos malasahan ko pa nga ang alak na nainom ko na hanggang ngayon ay nanunundot pa rin sa sikmura 'ko.
Kaya bago pa muli ako makapikit sa tindi ng antok na nararamdaman ay narinig ko na naman ang bulyaw sa akin ng Nanay ko.
"Diyos kong bata ka! Tintina, wala ka bang pasok?" tanong niya, habang patuloy siya sa pagliligpit ng mga nakakalat kong gamit dito sa kwarto 'ko, hindi ko man nakikita ay naririnig ko.
Araw-araw niya kasing ginagawa ito kaya alam ko na.
Kakamot-kamot ako sa ulong tuluyan nang nagmulat ako.
Sinipat ko ang orasan na nakalagay sa side table ko, five-thirty pa lang ng umaga. Kung tutuusin ay sobrang aga pa, pero dahil babae ako, mahabang oras rin ang pag-aasikaso ko sa sarili 'ko. Ang pinaka time pa naman sa first period namin ay seven-thirty. Siguro mga sampung minuto lang ang magiging byahe 'ko kapag nagtryc ako since 'di na naman ako magdyi-jeep dahil mahaba-mahabang pila pa ang mangyayari sa dami ng pasahero.
"Tintina, may pasok ka ba?" tanong ulit ni Nanay nang mabalik ako sa reyalidad at tuluyan na nagising ang aking diwa.
"Meron po..." namamaos na tugon 'ko.
"Eh, bakit tutulog-tulog ka pa rin? Masama ba ang pakiramdam mo?" dinig ko ang buntonghininga niya ng malalim saka niya inilapat ang palad niya sa noo ko. "Wala ka namang sa'kit. Puyat ka na naman ba? Ano bang pinaggagawa niyo ng kaklase niyo, anak? Para kang laging nanlalatang magising magmula nung magkolehiyo ka, 'e. Kumakain ka pa ba sa tamang oras? Ang hilig mo pa naman magpuyat."
I heavily sighed. Hinihilot ko ang sentido ko nang bumangon ako, agad naman hinanap ng mata ko ang phone ko nang saglit na tumunog ito. Kusa kong hinagilap iyon sa ilalim ng unan ko.
"Mama, I told you. Nag group study lang kami." saglit ako napatigil nang mabasa ko agad ang text ni Mickey.
Meron pa siyang mga naunang message kaninang alas-tres ng madaling araw. Hindi ko na maisa-isa kung ano mga 'yon, masyadong madami at masyado pa akong tinatamad para basahin ang mga ito lahat. Ang huling nabasa ko pa ay 'Last night was a blast, sis!'
Tapos ito pang bago;
'Hey, sis! Mapangit na umaga! :) Maaga akong papasok ngayon. Gumising ka na dahil marami akong chika sa'yo.'
I bit my lower lip.
"T'saka 'di naman ako nagpapalipas ng kain, Ma..." dugtong ko pa.
'Ano yun?' I replied.
'Marami, sis! Nyeta ka! Yari ka sa'kin 'pag nagkita tayo!' may pa-insert pa siyang demonic smile na emoji sa'kin.
Para bang naririnig ko na ang boses niya sa reply pa lang niya. Nagtataka, kumunot lang ang noo 'ko.
So, what actually happened last night?
"At marami lang talaga kaming sadyang ginagawa. Ganun talaga 'yon, Ma..." wala sa sariling pahabol ko pang sabi habang nakapokus naman ang mata ko sa phone ko matapos makapagtipa ng reply kay Mickey.
Umangat nang tingin sa'kin si Mama habang abala pa rin siya sa pag-aalis ng kalat sa kwarto 'ko. May hawak siyang basket sa wari ko ay parang kukunin niya ang mga nasuot 'ko para siguro maglaba. Kinuha ko ang charger dahil malolobat na ang phone ko kaya sinaksak ko muna ito.
"Hay, ewan ko sayong bata ka. Tumayo ka na at nakapaghain na ako don. Sabay-sabay na tayong kumain. Bilisan mong maligo,"
"Mga ten minutes—"
"Basta anak bilisan mong maligo. Kanina pa tawag ng tawag ang Papa mong laging high blood na,"
"Try niyo kasing lagyan ng yelo ang kape niya,"
"Baliw kang bata ka." natatawang suway niya sa'kin. "Marinig ka ng ama mo, sige ka. Bilisan mo na nga! Alam mo naman ang Papa mo, gusto niya laging sabay-sabay at kumpleto tayong kumain sa hapag. Maligo ka na, ako na ang bahalang magplantsa ng uniporme mo."
"Opo, Ma. Thank you," ngumiti ako sa kanya na ikingiwi lang niya nang saglit akong napalapit para iabot niya sa'kin ang tuwalya.
Nagdire-diretso na lang akong pumasok sa aking banyo. I could still hear my Mama's voice from the outside. Sinisigawan niya si Papa sa baba dahil tinatawagan siya nito mula sa kusina. The sound of the shower muffled their voices.
After ko maligo, nakita ko na agad ang maayos na kwarto 'ko. Malinis na at maayos na rin nakahanda ang uniform na susuotin ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit makakak ang aking ina ay lubos pa rin ang pag-aasikaso niya para sa akin.
So, I dressed in my uniform. A white long sleeve, necktie and skirt. Just the usual uniform for a college student. Then I did my routine on my face, skin care, and a light make-up.
Matapos kong maasikaso ang sarili at ang mga kakailanganin ko, I went down. Nabungaran ko agad na nakaupo na si Papa doon sa mesa, habang si Mama naman, abala sa pagtitimpla ng kape para sa kanilang dalawa.
"Good morning!" pambati ko agad.
Isang kunot na noo agad ang inangat sa akin ni Papa nang tingnan niya ako.
"Anak, maupo ka na rito. Bilisan mo,"
"Opo, Pa."
Agad naman ako dumalo para maupo, dahil abala pa naman si Mama maglagay ng mga naluto niyang pagkain sa mesa, inayos ko muna ang necktie ko at pinasadahan saglit ng aking daliri ang namamasa pang buhok ko. Hindi na ako nakapag blower saglit dahil nagmamadali na rin ako, mabilis ang oras at baka wala na akong masakyan na tryc papunta sa medyo kalayuang unibersidad na tatahakin 'ko.
"Nakahanda na ang lahat. Magsimula na tayo," ani Mama saka na siya naupo.
Nilapag ko saglit ang phone ko sa tabi ng pinggan ko. Nagsimula na kami ng pagdasal sa pangunguna ni Mama bago kumain.
"Bless it to our bodies, Lord... We thank you for all of the gifts you've give to those around this table..."
Nasa kalagitnaan kami ng pagdadasal nila Mama at Papa nang biglang mag-vibrate ng malakas ang cellphone ko, napaigtad naman ako sa inuupan ako at napamulat, kahit na nakakrus ang aming mga kamay ay rinig ko ang pagsinghap ni Mama at saglit na pagkatigil, at paglukot ng noo ni Papa habang tinititigan ang phone ko sa pagtunog na nakapatong sa mesa katabi ng pinggan ko.
Then I heard Mama cleared her throat a bit and still continued to pray. At sinundan na lang namin ni Papa ang nililitanya ni Mama.
"Help each member of our family use these gifts to your glory, guide our meal time conversations and steer our hearts to your purpose of our lives..."
Palipat-lipat ang kanyang tingin sa akin habang nakikita ang iritang bumabalatay sa kanyang mukhang nakapukol sa akin.
Peke akong napangiti sa kanila, lalo na kay Papa. Kinagat ko ang labi ko, hindi ko alam kung kukunin ko ba muna o tatapusin muna ang pagdadasal.
"In Jesus name, Amen..."
Ngunit mabuti na lamang ay nakaramdam si Mama kaya't medyo binilisan na lang niya ang magdasal para makapagsimula na kami ng kain at para na rin tuluyang mapatay ko na ang phone ko.
"Amen!"
Sabay-sabay naming huling sinambit bago magsimula magsandok ng sariling pagkain sa pinggan ang mga magulang ko.
Hula ko na si Mickey na naman 'to tumatawag!
Mapapatay ko talaga siya sa kakulitan niya! Alam naman niya sobrang strikto ang magulang ko sa lahat ng bagay, saka pa siya makakatiyempo ng oras ng ganito!
Pasimple ko naman kinuha ang phone ko habang abala ang kanilang mata sa ibang bagay. Kita ko ang two missed calls ni Mickey at isang text. Palihim kong binasa iyon mula sa ilalim ng mesa.
'Sis, nasa school na ako. Hurry up! I'll be waiting for you at our tambayan.'
Napataas ang kilay ko sa nabasa. Ang aga niya talaga, huh?
'Mamaya mo muna ako kulitin, kumakain kami nina Mama at Papa!' I replied.
Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at gets na niya 'yon.
"Kumain na tayo," ani Mama, lumapat ang tingin niya sa akin. "Celestina, kumain ka ng marami nang manaba ka. Lalo kang namamayat sa paningin ko. Nagda-diet ka pa ba?"
'Talk to you later. See you!' send ko pa ulit bago pinatong ang phone sa aking hita.
Napabuntonghininga na lamang ako ng malalim.
Umiling ako sa tanong niya. "Ma, tanggapin mo na lang talaga na mana ako sa inyo. Makurba ang katawan at hindi tumataba,"
"Ewan ko sayong bata ka. Iba naman kapayatan mo, medyo namumutla ka na. Iniinom mo ba ang vitamins na binibili ko para sayo?"
"Oo naman. Marami lang po talagang ginagawa. Saka lang yata ako mananaba kapag nabuntis ako, e!" ani ko na nasundan ng tawa ko sa biro ko.
"Diyos kong bata ka!" napangiwi sa'kin Mama ko.
"Hindi magandang biro 'yan Tintina, ha. Umayos ka," masungit na sambit ni Papa.
"Joke lang naman, Pa." hilaw ang ngising napakibit-balikat na lamang ako.
Napailing na lang siya sa akin. Sa totoo lang, kumakain naman ako, sadyang hindi lang talaga makisama ang katawan ko na tumaba agad. Imbes na tumaba, napupunta naman sa tangkad.
"Napapadalas na 'yang puyat mo, Tintina. Sigurado ka bang wala kang ibang ginagawa kundi mag-aral lang?" mustra naman ni Papa habang sumusulyap sa akin sabay inom sa tasa ng kanyang kape.
Napalunok naman ako ng malalim. "Anong ibig niyong sabihin, Pa?"
"Ka 'ko..." tumikhim siya saglit. "Baka kasi may iba ka pang ginagawa na hindi namin nalalaman ng Mama mo." naningkit pa ang mata niya sa akin.
"Pa naman..." natigilan ako at napabuntonghininga ng malalim.
Alam ko na naman kung saan papunta ito. E, halos araw-araw ganito ang bukambibig nila sa akin sa tuwing aalis ako. Kahit na papasok lang naman ako.
"Baka naman lakwatsa ka ng lakwatsa, ha?"
"Ano ka ba, Noel. Tigilan mo nga 'yang anak mo," suway naman ni Mama nang mapansin niya ang reaksyon ko.
Maski siguro siya rin ay medyo naririndi na. Strikto naman si Mama pero mas malala nga lang si Papa. Para siyang bakod na ginawang tao sa sobrang over-protective at strict na parents 'ko.
Umismid ang Papa ko. Napapangusong ngumunguya na lang ako.
"Kaya namimihasa ang anak mo, e. Masyado mo sinusulsulan, Loida." ani pa niya kay Mama.
"Pa naman. Paano naman ako lalakwatsa? E, halos nga ang mga pinapupuntahan ko lagi ko pang ipinapaalam sa inyo,"
Totoo. Ganito ka strict ang magulang ko sa tuwing umaalis ako.
"Aba ay dapat lang," agad na sagot ni Papa.
Gusto kong mapairap pero hindi ko naman magawa.
"T'saka hindi niyo naman ako madalas payagan sa mga bagay na gusto ko, e. Kahit pa nga magpaalam ako, madalas... lagi pa kayong himihindi," napanguso ako.
"Ganun talaga, Tintina. Hindi naman dapat lagi ay papaburan ka namin lalo na kung malayo at magulo ang pupuntahan mo. Kaya nga mag-iingat ka sa mga pinupuntahan mo. Lalo na rin sa mga kinakaibigan mo. Iba na ang takbo ng mga kabataan ngayon. Mapusok at mahahalang ang mga bituka ng mga 'yan," pangangaral pa ni Papa.
Kahit na gusto kong umangal, para saan pa ang iaangal 'ko? Tutal, lahat naman ng sinasabi nila, tama at may punto. Pero minsan, may pagkakataon lang talaga na kahit na anong gawin mo, ang pagsunod sa mga utos at bilin nila, minsan, hindi mo na lang talaga maiwasang mainis at masakal sa sobrang pagbabawal nila.
Para bang nawawalan na lang ako ng karapatan na gawin ang mga bagay na lubos na nakapagpapasaya sa akin. Na madalas ay palagi silang hadlang sa kagustuhan ko. Minsan lang kung paburan.
Napalingon ako kay Mama. Tumango na lang siya at sinensyasan pa akong makinig na lang kay Papa. E, kulang na nga lang mag second voice ako sa susunod pa na sasabihin niya. Sauladong-saulado ko na talaga magulang ko. Syempre, lalung-lalo na ang mga sinasabi sa'kin lagi ng Papa 'ko.
"T'saka, 'di ka ba natatakot? Marami akong nababalitaan na mga kabataang nadudukot ngayon. Sa sobrang pasaway at mahilig pumunta kung san, ang iba ay hindi na nakakabalik sa kanilang pamilya. Mga hindi na mahanap at bigla na lang nawawala," pagpapatuloy pa ni Papa.
Nilingon ko siya.
Umangat pa ang kilay niya. "Totoo anak," aniya na parang nakita niyang hindi ako naniniwala sa kanya. "hindi ka ba nanonood ng balita? Maraming ganyang kaso ang nababalita niyan ngayon. Halos ang mga nawawala, kababaihan pa. Kaya labis ang pag-aalala ko kasi babae ka,"
"Pa, hindi naman ako maglalayas, no."
"Oo nga. Kawawa pa naman yung mga pamilyang naghahanap sa mga anak nilang nawawala." mahihimigang awa na narinig ko mula kay Mama saka niya ako nilingunan. "Kaya ikaw, Celestina. Maintindihan mo sana kung bakit ganito kami ng Papa mo sayo. Nag-aalala lang kami ng Papa mo. Hindi namin kakayanin na ganun 'din ang mangyari sa'min. Mag-ingat ka lagi sa mga ginagawa mo. Babae ka pa naman. Kaisa-isa naming anak at unica hija."
"Ma..."
"Kaya hindi ka dapat basta na lang sumasama kung kani-kanino,"
Yun na nga, kung bakit ba naman kasi hindi pa ako nagkaroon ng kapatid? Pero sa totoo lang, hirap talaga magbuntis ang Mama ko. Sinabi niya na sa'kin noon, na simula nung magbuntis siya sa'kin, himala na raw ang tawag 'don dahil mababa nga lang daw ang tyansa na mabuntis talaga siya.
Kaya nga kahit nung bata pa ako, talagang buhus na buhos nila sa'kin ang pag-aaruga at pagmamahal. Punung-puno ng pag-iingat at pag-aalaga, ramdam ko 'yon. Sa ganitong sinasabi nila at paghihigpit nila, talagang ramdam ko kahit na lumaki na ako.
Kaya nga kahit na lumaki ako, ganito ako na 'ko e, para bang sabik sa maraming bagay, hindi ko rin maiwasang masabik na makisalamuha at makakita ng maraming ibang tao. Lalo na sa tuwing nakakalabas ako.
Tulad ni Mickey na hindi na rin nalalayo ang loob 'ko.
"Ma, Pa, alam ko naman po ang ginagawa ko. Hindi na ako bata... kayang-kaya ko rin po ang sarili ko. Wag po kayong mag-alala." pagpapanatag ko lagi ng loob nila.
"'Ke mapabata man yan o matanda, mag-iingat ka pa rin. Anak, walang pinipiling edad ang peligro. Sa dalas nang gabing pag-uwi mo, nag-aalala lamang kami ng Mama mo, lalung-lalo na ako."
Strikto. Mahigpit. Pero kahit na ganoon, ito ang parte na pinaka gusto ko sa pamilya ko kahit papano.
"We don't expect you to do the bad things, anak. Because I know you. We know you, you don't do that. And I don't want those bad-influence people to change you, Celestina. I don't want you to disappoint your mother and me. " seryoso pang aniya ni Papa.
"I-I know... papa."
"We have sacrificed a lot for you. Don't make us feel we made a mistake, okay?"
Dahan-dahan na lamang ako napatango sa kanila habang matiim nila akong pinagmamasdan.
"I'm sure Celestina won't do anything na alam niyang makasasama sa kanya. All we have to do is to trust our daughter, Noel." banayad naman sa'kin ngumiti si Mama nang sabihin niya iyon. "We trust you."
Para bang saglit na tumigil ang pagtibok ng puso ko nang sinabi niya ang katagang iyon.
"Sige na anak, ihahatid na kita sa eskwela," malumanay na sambit sa'kin ni Papa at marahang ngumiti sa'kin.
Ang magulang na hindi mawala-wala ang sobrang pag-aalala sayo. And two of the most important people in my life that I know will never leave me or forsake me. And I can say, I have the best parents after all.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro