Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: New Dog

PAGTANGGAL ng piring sa mata ni Dante, bumungad sa kanya si Logan na may sigarilyo sa bibig. May ilang segundo siya nitong pinagmasdan bago inilapit ang bibig sa kanya.

"Hindi ko akalaing magiging parte ka pa ng aming tribo. Alam mo, sa lahat ng estudyante rito, ikaw ang pinakakinasusuklaman ko. Tuwing nakikita kita, nangangati ang kamay ko na basagin ang mukha mo. Hindi ko tanggap 'yung ginawa mo sa 'kin sa motorshop pati na rin sa amin ng barkada ko. Pero ngayon, hindi mo na puwedeng gawin lahat iyon dahil isa ako sa magiging master mo."

Muli itong humithit at nagbuga ng mas maraming usok sa mukha niya. Hindi siya nag-react at hindi rin sumagot. Nanatiling diretso lang ang tingin niya rito.

Inilagay nito sa bibig niya ang sigarilyo nito, at inutusan siyang humithit ng isang beses. Ginawa naman niya iyon saka ibinuga ang usok sa bandang ilalim niya. Muling ibinalik ng lalaki ang yosi sa bibig nito.

"Sa loob ng isang buwan, wala kang ibang gagawin kundi sundin ang utos ko. Lahat ng gusto ko, dapat gawin mo. Lahat din ng utos ko, dapat magawa mo nang tama. Hindi ka puwedeng lumaban. Hindi ka puwedeng kumontra. Hindi ka rin puwedeng magreklamo. Ang trabaho mo lang bilang neophyte ay sumunod sa lahat ng gusto namin. May mga ipapagawa ako sa 'yo na ikaw lang mag-isa, at may ipapagawa rin ang iba sa 'yo kung saan makakasama mo ang kapwa mong neophyte. Maliwanag ba 'yon sa 'yo? Nagkakaintindihan ba tayo?"

Inabot ng mahigit sampung segundo bago niya naisipang sumagot. "Opo, Master."

Tumango sa kanya ang lalaki at hinaplos ang pisngi niya sa likod ng palad nito. "Good boy ka ngayon. Gusto ko ganyan lang dapat lagi. Bukas, magsisimula na tayo. Alas-nuebe ng umaga ang pasok ko. Kailangan, 8:40 pa lang nandito ka na dahil may ipapagawa ako sa 'yo. Malinaw na ba 'yun sa 'yo, Dante?"

"Opo, Master," sagot muli niya.

"Anong oras ka papasok bukas?"

"8:40, Master."

"Good. Sige, sa 'yo na 'to. At makakaalis ka na." Hinugot nito ang yosi sa bibig at inilipat sa bibig niya. Saka nito tinapik nang malakas ang balikat niya at nauna itong lumabas ng silid.

MAAGANG pumasok kinabukasan si Dante. Pagkarating niya sa labas ng campus, naabutan na niyang nag-aabang sa kanya si Logan kasama sina Eman, Vinston, at Andrei.

Isa-isa siyang kinamayan at binati ng tatlo. Habang si Logan naman ay may kinuha sa bag nito. Bahagyang nanlaki ang mata niya nang makita ang tali ng aso na hawak nito.

Tinitigan siya ni Logan. "This is your first day, pledgee."

Pagpasok nila sa gate, unti-unting napalingon ang lahat ng estudyante sa kanila. Si Dante, gumagapang sa lupa habang may tali ng aso sa kanyang leeg. Hawak-hawak iyon ni Logan habang masaya nitong tinutungo ang main building.

"Grabe! Ano'ng nangyari kay Papa Dante ko? Bakit ginaganyan siya?" mangiyak-ngiyak na wika ng isang babae sa tabi.

"Balita ko sumali raw siya sa Kappa Delta Upsilon kaya ginagawa ngayon sa kanya 'yan!" sagot naman dito ni Cindy.

Sa lahat ng mga naging neophyte ng Spaterion, kay Dante pa lang ginawa ang humiliation na iyon. Ang itinuturing pinakamalakas at pinakaastig na estudyante sa buong campus ay isang aso na lang ngayon nina Logan.

Naabutan pa sila ni Eunice sa ganoong kalagayan. Tawang-tawa naman ito nang makita siya. "Oy, Master! Hindi mo sinabing may bago ka palang aso ngayon, ah!" sabi nito kay Logan habang nakatingin sa kanya.

Diretso naman ang titig niya sa malayo at iniiwasan itong tingnan. Pero di nagtagal, bumaba ang babae at inilapit ang mukha sa kanya. Wala na siyang nagawa nang magtagpo ang kanilang mga mata.

Lalo itong nagpakawala ng nakaiinsultong titig sa kanya. "Ilang buwan ang itatagal ng pledging nito?" tanong nito kay Logan.

"Isang buwan lang naman. Pasalamat nga siya at may kaunting awa pa ako kaya hindi ko ginawang isang sem!" sagot naman dito ng lalaki.

"Oh, so isang buwan ka palang maggaganyan, ah? Sana, maging aso ka na lang habang buhay!" asik naman sa kanya ni Eunice at muli itong tumayo.

"Puwede ko bang utusan itong bagong aso mo?"

"Sure, Eunice! Feel free to do your own thing."

Dinukot ng babae ang lahat ng basura nito sa bag. "Ipapatapon ko lang sana sa kanya ito."

"Alright! Ipasok mo na lang sa bibig niya. Siya na ang bahala d'yan!"

Muling yumuko si Eunice sa kanya at inutusang ibuka ang bibig niya. Inabot pa siya ng sampung segundo bago iyon tuluyang ibinuka. Saka nito isiniksik doon ang mga basura nito na karamihan ay papel at ticket sa bus.

"Ayan. Gumapang ka papunta sa trash can at itapon mo 'yan!"

Ginawa agad iyon ni Dante kahit marami ang nakatingin sa kanya. Gumapang siya na parang aso patungo sa trash can, saka niya idinura doon ang mga basurang nasa bibig niya. Pagkatapos ay gumapang siya pabalik kay Logan at muli nitong hinawakan ang tali niya.

Sa di kalayuan ay lihim ding nakatingin si Mike Rafael. Awang-awa ang lalaki sa kalagayan niya. Nais man siya nitong tulungan ay wala rin itong magawa. Bugbog ang aabutin nito kapag nakialam sa kanila. Napabuntong-hininga na lang ito at inalis din agad ang paningin sa kanya. Hindi nito kayang makita na binababoy siya nang ganoon.

"Good boy naman pala itong aso mo, eh! Dalhin mo ito sa birthday ni Dino next week, ah?"

"Oo naman. Para sa 'yo!"

Pagkaalis ng babae, ipinagpatuloy nila ang paglalakad hanggang sa marating na nila ang main building.

Tuwing pumapasok si Logan sa school, lagi nitong kasama si Dante na may tali sa leeg at pinapagapang na parang aso. Apat na beses sa isang linggo kung gawin niya iyon. Tuwing Biyernes lang siya nakakapagpahinga sa kahihiyan dahil walang subject si Logan sa araw na iyon.

ISANG malaking salu-salo ang isinagawa ng mga Spaterion sa birthday ni Dino. Ginamit nila ang malaking garden sa mansyon nina Logan para makadagdag sa magandang ambience ng party. Marami kasing mga imported na bulaklak at halaman doon na nagbibigay ng magandang kulay at kakaibang atmospera sa buong paligid ng hardin.

Habang masayang nag-uusap ang mga miyembro at alumni, inutusan namang bumili ng alak at pulutan sa labas ang ilang mga neophyte. Ang iba sa kanila, tumulong sa pag-aayos ng mesa at pagkain sa hardin.

Habang si Dante naman, tinalian muli sa leeg at siya ang inutusan sa pagkuha ng mga baso at pinggan sa loob gamit ang kanyang bibig habang gumagapang.

Lihim siyang tinawanan ng ilang mga babaeng miyembro kabilang si Eunice. "Grabe, ang guwapo ng bagong neophyte na 'yan, ah? Masyadong malakas ang dating niya para maging aso! Kawawa naman," sabi ng isa.

Sinimangutan lang ito ni Eunice. "'Yan ang bagay sa kanya dahil sa ginawa niya kina Master!"

Inabot ng hatinggabi ang inuman. Para labanan ang antok, naisipan nilang maglaro ng dice. Kung anumang numero ang lilitaw, iyon ang magiging bilang ng suntok na pakakawalan nila sa mukha ni Dante. Si Logan at Eunice ang nakaisip ng larong iyon, at unang beses na gagawin nila iyon sa kanya.

Pinalapit siya ni Logan sa lamesa nila. Saka nito unang pinatira ang birthday boy na si Dino. Kinalog nito ang dice sa loob ng kamay nito at ibinagsak sa mesa. Tres ang numerong lumabas doon.

Nagsigawan ang mga ito kasabay ng pagtayo ni Dino. Lumapit ito sa kanya at sinabing tatlong suntok ang gagawin nito. Hindi na siya nag-abalang magreklamo dahil wala rin naman siyang karapatan na gawin iyon.

"Ito ang pambawi ko sa pambubugbog na ginawa mo sa amin!" Hinawakan nito ang likod ng kanyang ulo, saka ito nagpakawala ng tatlong malalakas na suntok sa kanyang mukha.

Nagpalakpakan ang lahat at kumanta pa ng happy birthday para dito. Sunod namang napunta ang dice kay Eunice. Pagkahulog niyon sa mesa, uno lang ang numerong lumabas sa dice. Dismayadong tumayo ang babae. "Suwerte mo, ah! Isang suntok lang ang ibibigay ko sa 'yo!"

Nilapitan siya nito at nagpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha niya. Muling nagsigawan ang mga kasama nito at kumanta ng happy birthday.

Si Logan naman ang sunod na tumira. Kinalog nito nang mabuti sa loob ng kamay ang dice. Pagkatapon ng dice sa mesa, sais ang numerong lumabas doon. Lalong nagsigawan ang lahat.

"Jackpot! Jackpot!" sabay-sabay pang sigaw nina Eman, Vinston, at Andrei.

Tatawa-tawang dinukot ni Logan ang brass knuckles nito sa bulsa at isinuot sa kaliwang kamao nito.

"Nakuuu! Mas malakas 'yan! Patay tayo d'yan!" nababaliw namang sigaw ni Andrei sabay pukpok sa lamesa.

Lumapit sa kanya ang lalaki at hinawakan ang likod ng ulo niya. Hinaplos-haplos pa nito sa brass knuckles ang kabilang pisngi niya. "Paano 'yan, Dante. Anim ang numerong nakuha ko. Mukhang mapaparami ang suntok ko sa 'yo."

Hindi na siya sumagot doon. Para siyang patay na isda na sumabay na lang sa agos. Ilang sandali pa, inangat na ng lalaki ang kamao nito habang nagsisigawan ang mga kasama nito. Siya naman ay napapikit na lang at inihanda ang sarili sa dobleng sakit na dadapo sa kanya.

Pagkaraan ng ilang segundo, anim na magkakasunod na suntok ang dumapo sa mukha niya. Mas malakas ang impact niyon dahil sa brass knuckles na suot nito. Lumikha pa iyon ng tunog na nagpailing sa kanilang lahat.

Tuluyang pumutok ang mga labi niya at nasubsob pa siya sa lupa. Pakiramdam niya ay nawala sa tamang puwesto ang utak niya. Pag-angat naman ni Logan sa ulo niya, may tumutulo na ring dugo sa kanyang ilong.

Umugong ang mas malakas na sigawan at tawanan sa buong hardin. Napayuko na lang si Dante habang tumutulo ang dugo sa kanyang mukha. Hindi rin niya iyon magawang punasan dahil nakagapos ang dalawang kamay niya.

Muli siyang tinitigan ni Logan. "Ano, masakit ba?"

Kahit anong tago ni Dante, pilit pa ring lumalabas sa kanyang anyo ang nagbabagang galit na namumuo sa kanyang dibdib. Sa sobrang tindi ng galit ay nagawa na nitong panginigin ang mga kamay niya.

Napansin naman iyon ni Logan kaya muli itong humawak sa likod ng ulo niya. "Ano, galit ka na? Lalaban ka na n'yan? Gusto mong paddle na ang ihampas ko sa mukha mo para matuluyan ka na?"

Sa huli, naisipan niyang lunukin ang kanyang galit at tinanggap na lang ang kapalaran niya. Doon pa lang siya tinigilan ng lalaki at nagbalik na ito sa puwesto nito.

Sa pagkakataong iyon ay awang-awa siya sa sarili. Lahat na yata ng kahihiyan sa mundo ay nilamon na niya.

Hatinggabi na nakauwi si Dante sa private chamber niya. Dumiretso siya sa banyo at tinapalan ng ice bag ang mga pasa niya sa mukha. Sa tantiya nga niya, mahigit isang-daang suntok ang dumapo sa kanya. Magang-maga talaga iyon at halos lumobo pa ang magkabilang pisngi niya.

Kinabukasan ay nakita iyon ni Don Frido. "Where did you get that?" nag-aalalang usisa nito.

"Napaaway lang ho kagabi, abuelo. Medyo napagtulungan lang po pero wala po ito. Huwag n'yo nang alalahanin 'to," dahilan na lamang niya kahit alam niyang hindi iyon ang totoong nangyari.

Nang sumunod na linggo naman, muli silang isinama sa isang inuman. Sa pagkakataong iyon ay kasama na niya ang iba pang mga neophyte. Nasa dalawampu ang bilang nilang lahat. Isasalang daw sila sa isang drinking game bilang parte ng humiliation sa kanila.

Mga babae ang nakaisip sa larong iyon. Ang sinumang manatiling gising at hindi bumabagsak ang siyang mananalo at makakatanggap ng special prize mula sa mga ito.

Nang magsimula na ang laro, kung anu-anong klase ng alak ang ipinainom sa kanila. Lahat na yata ng matatapang na alak ay pinasubo na sa kanila hanggang sa mamula ang buong katawan nila.

Nagtagal ng mahigit isang oras ang laro bago tuluyang sumuko ang katawan ng mga neophyte dahil sa labis na kalasingan. Ang iba sa kanila, nagsuka na at hindi na makatayo sa lupa. Ang iba naman ay nakatulog na sa kinauupuan.

Tanging si Dante na lang ang natitirang gising at hindi sumusuko. Nagsuka na rin siya kanina pero nagawa pa rin niyang kontrolin ang sarili para hindi bumagsak.

Dahil dito, siya ang nanalo sa kanilang palaro. Sinayawan siya ng mga babaeng miyembro, kabilang na si Eunice. Ngunit di nagtagal ay tuluyan na ring bumigay ang katawan niya sa labis na kalasingan. Nakatulog na rin siya sa kinauupuan habang nagsasayawan ang mga ito.

Iyon ang pagkakataong hinihintay ng mga babae. Pinabuhat siya ng mga ito sa apat na lalaking Spaterion at dinala sa isang silid. Nang maihiga siya sa kama, doon na siya sinimulang hubaran ng mga babae.

Sa mga sandaling iyon ay malalim na ang tulog niya at wala nang kahit anong ingay o kalabit ang makapagpapagising sa kanya. Hindi na niya namalayan kung paano pinunit ang t-shirt na suot niya.

"This is your special prize, Dante!" sabi pa ng isang babae sa kanya habang tinatanggal ang damit niya.

Nagsigawan sina Eunice nang masilayan ang maskulado niyang katawan. Halos maglaway ang mga ito na parang asong hayok na hayok. Kung saan-saan gumala ang mga kamay nila.

Ang isa ay humipo sa mga braso niya. Ang isa ay pinaglaruan ang kanyang pectoral muscles at dinila-dilaan pa ang nipples niya. Ang isa ay binilang pa sa daliri ang six-pack abs niya sabay halik sa mga ito. Hindi rin pinatawad pati ang perpektong hugis ng v-line niya na lalong nagpainit sa babaeng nakatoka sa abs niya.

Ang isa naman ay itinaas pa ang kabilang braso niya at humalik sa kili-kili niya. Sarap na sarap ito sa amoy ng deodorant niya. Dinilaan pa nito ang buhok niya roon. Buong katawan niya ay talagang hindi pinatawad ng mga babaeng Spaterion.

Si Eunice naman ay naisipang pagmasdan ang mukha niya. Kahit may galit ito sa kanya, hindi nito naiwasang mahulog sa napakaguwapong features ng kanyang mukha.

Kahit nakapikit siya, litaw na litaw pa rin ang almond na hugis ng mga mata niya. Hinawakan pa nito ang matangos niyang ilong na perpekto sa pagkakalilok. Hindi rin nito pinatawad ang perpektong hugis ng jawline niya na isa sa mga unique features na hinahanap ni Eunice sa isang lalaki.

Sunod naman nitong pinagmasdan ang maninipis niyang mga labi na parang hindi pa nagagalaw ng kahit na sinong babae. Sinubukan nitong humalik doon. Kakaibang init at sarap ang naramdaman ni Eunice kaya inulit pa nito ang paghalik. Halos lamutakin na nito ang mga labi niya.

Nang magsawa ay ibinalik naman nito ang paningin sa kabuuan ng mukha niya. Sa lakas ng tama nito sa kanya, pati maliliit na detalye sa kanyang mukha ay napansin na rin nito. Tulad na lang ng mga pisngi niya na halos walang kalaman-laman kaya litaw na litaw ang dalawang cheekbones niya na lalong nakadagdag sa guwapong hugis ng kanyang mukha.

Hinaplos-haplos din nito ang gulo-gulong istilo ng kanyang buhok na may mahabang bangs na sumasakop sa buong noo niya. Hinila pa nito pati ang patilya niya. Lahat na lang ng parte ng kanyang mukha ay nilakbay ng maharot nitong mga mata.

Doon lang nito napagtanto kung gaano siya kaguwapo. "To be honest, you are the hottest man in the campus right now. I've never seen a man as handsome as you before. Kakaiba ka sa lahat! Sayang lang talaga at hindi naging maganda ang unang pagtatagpo natin. Kung hindi mo lang sana kami kinalaban, hindi mo sana dadanasin ang humiliation na ito."

Sa pagkakataong iyon ay bumitaw na ito sa ulo niya. Sunod naman itong nagpunta sa ibaba niya at hinubad ang kanyang pantalon. Lalong nagsigawan ang mga babae nang masilayan ang nakaumbok na bagay sa loob ng brief niya. Halatang malaki iyon kahit hindi pa tumitigas.

Halos mapuno na ng lipstick at laway ang balat niya mula ulo hanggang hita. Talagang pinagkaguluhan ng mga ito ang kabuuan ng kanyang katawan at hindi tinantanan hanggang sa pagdating ng madaling araw.

NANG magising si Dante kinabukasan, napansin niyang wala na siyang saplot sa katawan. Agad siyang bumalikwas nang bangon kahit masakit pa ang ulo at pinagmasdan ang sarili niya. Bumungad sa kanya ang bakas ng mga lipstick na kalat na kalat sa buong balat niya.

"Sh*t! F*ck! Ano'ng ginawa nila sa 'kin!" Agad siyang tumayo sa kama at hinanap ang damit niya. Nakita niya iyon sa ilalim ng higaan.

Nalukot ang kanyang mukha nang makitang punit-punit na ang t-shirt niya at hindi na puwedeng isuot. Ang pantalon na lamang niya ang natirang buo at matino kaya ito na lang ang naisalba niya.

Saglit siyang naupo sa kama at hinagod-hagod ang ulo niya. Kahit sumasakit ang buong katawan dulot ng hangover ay pinilit pa rin niyang kumilos para lang makauwi sa kanila.

Mga bandang hapon na iyon nang gumaan ang pakiramdam niya at nakabalik na siya sa trabaho sa opisina. Kasama uli niya si Mike sa mga oras na iyon at abala naman ito sa mga files na kinakalikot sa laptop nito.

"Boss, hanggang kailan ka ba magpapaalipin sa kanila?" mayamaya'y tanong nito sa kanya.

Matagal bago siya nakasagot doon. "Nakita mo na rin ba 'yung ginagawa nila sa 'kin?"

"Oo, eh. Medyo hindi na tama 'yung ginagawa nila. Kung may chance lang ako, hindi rin ako papayag na ganunin ka nila. Kaso wala rin akong magawa, eh. Hindi ako puwedeng makialam sa culture nila."

Napabuntong-hininga naman siya at pinilit na ngumiti. "Huwag mong isipin 'yon, Mike. Parte rin iyon ng mga plano ko. Sinasadya ko talagang magpa-bully ngayon sa kanila. Dahil kapag ako na ang taya, mas higit pa roon ang babalik sa kanila. Kaya mag-abang ka lang. Hindi magtatagal, babaligtad na ang mundo. Sila naman ang magiging mga aso. Promise ko sa 'yo 'yan!" confident naman niyang sagot dito at muling sumandal sa swivel chair saka ipinatong sa table ang mga paa.

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro