CHAPTER 33
CHAPTER 33
Isang linggo ang nagdaan ay nakarating ulit ako sa kompanya ni Sparrel. Sumama ako sa kan'ya kaagad nang papaalis pa lang ang kotse n'ya. Nasa magulang ni Sparrel ang mga anak namin kaya gusto kong sumama sa kan'ya. Nababagot na rin ako sa mansyon n'ya.
Nakaupo ako sa malapad na sofa habang nags-scroll sa newsfeed ng Facebook. Thank God, p'wede na akong humawak ng cellphone ngayon na hindi na ako nagpapanggap. I can freely expressed my true self. Hindi na ako mag-aalangan sa kinikilos ko.
Sinilip ko saglit si Sparrel na abala sa kan'yang laptop. May kinakalikot ito at mukhang inaayos ang problema ng kan'yang kompanya, o baka 'yong organization nila. I haven't mentioned about it yet. Natatakot ako na baka magalit s'ya dahil pribadong usapan iyon.
Pagod ang mga mata n'ya dahil naging sunod-sunod ang pag-over time n'ya. Hindi ko tinanong kung saan s'ya pumupunta tuwing gabi dahil alam kong nakikipag-usap s'ya sa mga kasama n'ya sa organization. Lotto also mentioned that to me. Sabi n'ya delikadong tao ang mga nakakasama ni Sparrel.
Sinusubukan ko naman na hindi matakot kay Sparrel, lalo na sa mga kasa-kasama n'ya. Until now nag-aalala ako sa aming pamilya. Ngayon lang kami nagkasama kaya ayaw ko nang magkaproblema kami. Ayaw kong mawalay sa kan'ya kahit alam kong gusto namin ang isa't isa, at s'ya agad hindi papayag na maghiwalay kami.
Lumambot ang ekpresyon ko nang makitang hinihilot n'ya ang kan'yang sentido na talagang malaki nga ang problema n'ya. Napayukom din ang kan'yang kamao sa lamesa habang nakapikit ang mga mata.
Tumayo ako sa pagkakaupo at puwesto sa kan'yang likuran. Lilingunin pa lang n'ya ako ay agad kong hinawakan ang balikat n'ya at minasahe ito.
“Gutom ka na ba?” tanong ko at mas pinag-igihan pa ang paghilot sa kan'yang balikat. Napatingala s'ya at napapikit ulit ng mga mata na dinama ang aking pagmasahe sa kan'ya.
“Hmm.” Sumandig s'ya sa kan'yang swivel chair kaya kita ko ang pagtaas-baba ng lalamunan n'ya. Mukhang naka-relax naman s'ya sa ginawa ko.
Mukhang tama naman ang ginagawa ko. Umupo ako sa kan'yang kandungan at minasahe ang kan'yang noo at sa gilid nito. Napamulat nang kaunti ang mga mata n'ya na mukhang hindi rin inaasahan na umupo ako sa kan'yang kandungan. Ngayon lang kasi ako nagkusang umupo at palagi s'ya 'yong nag-aayang maupo sa kan'ya.
“Ako na ang mag-o-order ng pagkain sa labas. Mukhang gutom ka na,” ani ko at tumigil na sa pagmasahe.
Humawak ako sa kan'yang dalawang balikat nang damhin ng kan'yang mga palad ang aking tagiliran. He want me to stay just like this, he like me sitting on him.
“I'll let someone to deliver a food,” his voice was a bit hoarse, and because he was tired.
Umiling ako. “Ako na. Gusto ko ring bumili at pumili ng pagkain sa labas.”
He stared at me for a couple of minutes. “Are you sure? I can order my man to come with you.”
“Hindi na kailangan, Spar. Hindi rin ako magtatagal at babalik ako,” I said, I tried to smile at him so he won't be worried.
Sa huli ay napabuntong hininga na ito. He slowly nodded his head that make me smiled wider.
“Wait for me, babe.” I happily kissed his lips, just a smack as I get up from sitting on his lap. Natigilan s'ya sa ginawa ko at tuluyan napabitaw sa akin kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon na umalis.
Kumaway-kaway pa sa ako sa kan'ya habang patagilid na naglalakad papunta sa pinto. He only stared at me like he want to do more than that. Sinenyasan n'ya tuloy akong lumapit sa kan'ya at alam ko ang gusto n'yang mangyari.
Umiling ako rito na ikinadaing n'ya na parang nagrereklamo. His eyes was pleading and want me to kiss him more. Nakangiting iniwan ko s'ya sa loob at mabilis nang pumanhik palabas ng kompanya n'ya.
Kaunti lamang ang mga tao sa Bistro nang pumasok ako. May kung ano galak sa dibdib ko nang makita ang menu sa itaas ng counter. Nakaraan ko pa gustong bumili rito pero hindi ko naman maiwan ang mga anak ko lalo na si Sparrel. Nahihiya rin akong mag-request na bumili rito.
O-Order na sana ako nang may biglang humawak sa aking palapulsuhan. Kasabay nang paglingon ko ay ang paghawi ng kamay n'ya sa akin. Halos dumagundong ang dibdib ko sa gulat.
“W-What was that?” nakakunot noo kong tanong kay Marvelus. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko s'ya ngayon.
I don't know if this is just a coincidence. Malayo ang lugar n'ya para pumunta rito. Pero basi sa mga tauhan n'ya na nakabantay sa labas at parang may hinaharangang tao ay ro'n na ako kinabahan. Imposibleng sadya n'ya ako rito.
“Sumama ka sa akin, Venny. You're not safe here,” bakas ang pag-alala sa boses n'ya. Mukhang nagmamadali rin na sumama ako sa kan'ya.
Mas lalo lamang nagsalubong ang kilay ko. I already ended our communication or whatever between us. Sinabi ko na rin sa kan'ya na h'wag akong guluhin, tapos makikita ko s'ya rito?
Natandaan kong nagsinungaling din s'ya sa akin noon. Sinabi iyon sa akin ni Sparrel, even Larzon. Kinuha n'ya noon ang pagkakataon na maging kan'ya no'ng nawala ang alaala ko. He knows my relationship with Sparrel years ago when we're still high school, yet he take an advantages to get me, to fully own me.
“At bakit naman ako sasama sa 'yo? Ano na naman ito, Marvelus?” hindi ko mapigilang mainis. I know there's something wrong, but I'm trying to calm myself. Sana nga mali ang iniisip ko ngayon sa kan'ya.
Bigla n'yang hinawakan ang palapulsuhan ko at pilit na hinihigit ako.
“Dahil delikadong tao si Sparrel Sullivan, Venny! Bakit ka ba napunta sa kan'ya, huh? Kung hindi ko pa nalaman na nagkikita kayo ay talagang mabibilog ang ulo mo sa kan'ya,” he was annoyed. “Sumama ka sa akin. You're safe with me.”
Mariin akong napailing-iling at sinubukang bawiin ang kamay ko, nagtagumpay naman ako. Litong-lito na ako sa pinaggagawa n'ya. Kakikita pa lang namin pero ito kaagad ang ibubungad n'ya sa akin? Parang takot at naiinis s'ya na nandito ako sa lugar na ito.
“Stop this! Hindi ko alam kung bakit gusto mong sumama ako sa 'yo. He's my fiance, Marv,” irita kong sambit na ikinatigil n'ya.
His eyes screaming anger and shocked. Hindi n'ya alam na fiancee ko na si Sparrel dahil hindi pa ito nakumpirma ni Sparrel sa media. And besides, gusto kong walang umaaligid na gano'n kung ikakasal kami. They will throw us a never ending questions bago pa kami ikasal.
“Fiancé? How come that he's your fiancé, Venny?!” hindi n'ya nakontrol ang kan'yang emosyon, he burst his frustration.
Napatingin tuloy ang mga tao sa amin. Some of them looked like they know Marvelus since he's a Mayor. This is not good. Baka masira lang ang image n'ya dahil sa pinaggagawa n'ya sa akin ngayon.
Hindi ko mapigilan na mainis. Naghalo-halo na ang galit ko sa kan'ya simula sa pag-take advantage n'ya sa akin noon at ngayon ay gumagawa na s'ya ng eskandalo.
“Ako ang long time boyfriend mo, Venny, tapos magpapakasal ka sa lalaking iyon?” hindi makapaniwalang tanong n'ya sa akin. Na para bang nasisiraan ako ng ulo at sinayang ko ang taon naming relasyon.
Napasinghap ako. “Why are you bringing our past now, huh? What the f*ck lang, Marv. We're already broke up three years ago! Wala kang pakialam kung magpakasal ako sa kan'ya! ”
Mukhang nagalit ko lang s'ya. His jaw was clenching, trying to brain washed me again.
“Of course may pakialam ako, Venny.That guy is a criminal. He's just playing with your feelings. Ilang buwan lang kayo nagkakilala tapos magpapakasal ka sa criminal? Kilala mo ako, Venny.”
Napatikom ang bibig ko at nawalan na ng salita. Kahit akong baliktad ng utak ko ay hindi ko pa rin makuha ang dahilan n'ya kung bakit gusto n'yang sumama sa kan'ya at sinisiraan pa rin si Sparrel sa akin.
“You don't know him, Marv. You don't,” iling-iling kong sambit at tinalikuran s'ya. I am fuming mad. Ngunit mas lalo lamang akong nagalit nang hawakan ako ng dalawang tauhan n'ya sa magkabilang palapulsuhan ko.
“The hell!” nagsimula na akong mag-panic at pilit na kumakawala sa kanilang hawak pero mas lalo nilang hinihigpitan at kinaladkad ako palabas. “Bitiwan n'yo ako!”
Sinubukan kong humingi ng tulong pero lahat sila ay takot din nakatingin sa mga tauhan ni Marvelus. They have their guns and that makes me frustrated even more, wala akong laban. Halong-halo ang takot at galit ko. I never expected to be in this kind of situation.
Kita ko ang pagsenyas ni Marv sa kan'yang tauhan na dalhin ako sa kan'yang kotse. Namamaos na ako sa kasisigaw ngunit wala ring saysay. Agad nila akong pinasok sa kotse. Mabilis ang kan'yang galaw kaya agad sila nakasakay at pinaharurot ang sinasakyan namin.
“This is kidnapping, Marv! Ihinto mo ang kotseng ito!” sigaw ko sa kan'ya na ngayon katabi ko sa backseat. Buong lakas kong pinaghahampas s'ya, hindi alintana kung saan s'ya tinatamaan.
“Stop it! Sasama ka sa akin!” mariin at malakas n'yang pagkakasabi. Hinuli n'ya ang dalawa kong kamay at mahigpit akong hinawakan para pigilan ako.
“Pagnalaman ito ni Sparrel, baka mapahamak ka lang kaya bitiwan mo ako!”
“I don't care. Ang importante mailayo kita rito,” nahihibang n'yang sambit.
Marahas akong napabuga nang hininga at sininghalan s'ya. Seryoso lamang itong nakatingin sa harapan na tila gusto na n'yang makaalis na kami rito at dalhin ako sa lugar kung saan malayo kay Sparrel.
Pinakalma ko muna ang sarili ko at iniisip na lamang na maaabutan ako ni Sparrel. Marami s'yang associates at ibang miyembro ng organization nila. He's a powerful man so I know that he will get me out of here. Mahahanap n'ya ako.
Hindi talaga binitiwan ni Marv ang kamay ko. Hawak ng isang kamay n'ya ang dalawa kong palapulsuhan at nakapulupot naman ang isa n'yang kamay sa aking katawan.
Kahit gusto kong lumayo sa kan'ya ay mas lalo lamang n'yang hinihigpitan ang hawak n'ya sa akin. Tingin ko nga namumula na ang palapulsuhan ko dahil sa gawa n'ya.
Napatili ako nang biglang may humarang na sasakyan sa harapan ng sinasakyan naming kotse. Kasunod no'n ang pagpa-ulan ng mga bala sa ilalim na parte ng sasakyan na parang iniiwasang matamaan kami at gusto lang ay hindi kami makaalis.
“F*cking sh*t,” malutong na mura ni Marv at tulad ng mga tauhan n'ya ay natataranta na rin. Nagsilabasan sila ng mga baril habang nananatili pa rin kami rito.
Hindi ko magawang tignan ang mga hawak nilang baril. Natataranta ako at natatakot din sa maaaring mangyari. Nandito na ba si Sparrel? Sila ba iyon sa ilabas?
Napatili ulit ako at halos kumawala ako sa hawak ni Marv nang biglang nabasag ang salamin sa harapan mismo ng mga nagmamaneho. Hindi ako hinayaan ni Marv na kumawala at mas lalong naging alerto sila. Tulad ko'y kinakabahan din ito.
Napatakip at napausog ako papalapit kay Marv dahil binasag din ang bintanang nasa gilid ko. Napapikit ako ng mga mata at kasabay no'n ang mabilis na pagbukas ng pinto ng sasakyan.
“Sige! Lumapit ka at ipuputok ko ang baril na ito sa iyong pagmumukha!” sigaw ni Marv at mas lalo akong hinapit sa kan'ya.
“Give her to me,” madiing sambit ng pamilyar na boses, dahilan para imulat ko ang aking mga mata.
Tumulo ang isang butil na luha sa aking mata habang nakatingin sa kan'ya.
Dumating s'ya.
“Sino ka para sundin ko? Akin s'ya kaya hindi ko s'ya ibibigay sa 'yo!” Marv screamed at the top of his lungs. Hinila n'ya ako at dumaan kami sa kabilang pinto.
Napasinghap ako nang makitang nakapalibot ang mga tauhan ni Sparrel sa kotse namin. Napatigil din si Marv at mukhang nagulat din sa dami ng tauhan ni Sparrel. Akala ko nag-iisa lang si Sparrel. I didn't know that he will bring his other made men.
They're pointing their guns to Marv, that until now he's holding my hands tightly. Afraid that I might slipt away from him. Nanginginig ang kamay n'ya kung saan hawak n'ya ang baril.
“M-Marv, put the gun down, please,” pakiusap ko sa kan'ya. Alam kong wala na s'yang kawala. Hawak na ang kan'yang tauhan na nakaluhod na ngayon sa kalsada na wala masyadong may dumadaan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro