CHAPTER 30
CHAPTER 30
Pagkasabi ni Valery na buhay ang anak ko ay kaagad na lumandog ang puso ko. Kaba at pagkasabik ang namutawi sa dibdib ko. I almost forgot how to breathe kung hindi lang ako tinawag ulit ni Valery. Puno nang pagsisisi ang mukha n'ya.
Bukod sa buhay ang mga anak ko, isang bagay na nagpatigil ng mundo ko ay nang sabihin n'yang hindi kambal ang anak ko, kundi triplets.
Unang pumasok sa isip ko ang triplets na mismo ang Ama ay ang lalaking mahal ko, si Sparrel. Maya-maya nanlaki ang mga mata ko nang may napagtanto at nakita iyon ni Valery. Tumango s'ya at ngitian ako ng tipid.
“Si Sparrel ang naka-one night stand mo no'ng gabing iyon. At ikaw nga ang tunay na Ina ng triplets.”
Pumatak ang luha sa mga mata ko, sunod-sunod iyon. Halong-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako na mismo si Sparrel pala ang naka-one night stand ko at ako ang Ina ng mga anak n'ya. O kung nawala na ang pagkapiga ng bagay sa aking dibdib dahil buhay ang mga anak ko.
Si Sparrel, s'ya 'yong dahilan kung bakit maaga akong nabuntis noon. Dati galit ako sa kan'ya dahil ni hindi man lang s'ya nagpakita. Napagtanto ko na hindi n'ya alam ang pagbubuntis ko.
Ngayon, tila nawala na ang galit ko sa lalaking nakasiping ko noon. Siguro dahil si Sparrel iyon. Siguro dahil mahal ko s'ya at mukhang masaya naman ako sa kinahinatnat ng lahat. Ang importante ligtas ang mga anak ko. Naisip ko rin na baka hindi sila safe sa akin lalo pa't kasasabi lang ni Valery na plano nila itong patayin. For what? Valery don't know either.
“T-Thank you for telling me this,” maluha-luhang sambit ko at niyakap s'ya. Ramdam kong natigilan s'ya sa biglang pagyakap ko. Alam n'yang galit ako sa kan'ya kaya hindi s'ya makapaniwalang nagpapasalamat pa ako sa kan'ya.
Kalaunan ay gumanti rin s'ya. Ilang taon ko na ba itong hinintay? Ilang taon na ba ako nangulila sa aking nag-iisang kapatid?
“I'm sorry and thank you dahil inintindi mo ako. K-Kahit malaki ang kasalanan ko,” garalgal n'yang wika na ikinailing ko.
“Ang importante alam ko na ang lahat. Kahit wala akong maalalang ibang senaryo sa nangyaring aksidente, sapat na sa akin ito.”
Magaan sa pakiramdam na nagawa kong patawarin s'ya. Siguro handa naman talaga akong patawarin s'ya. S'ya lang ang hinihintay kong humarap sa akin at ipaliwanag ang lahat. Iyon lang naman ang kulang namin, ang mag-usap ng harap-harapan. Listening both sides.
Valery already left me since I'm going to attend Larzon's wedding now. Tama nga ang hinala ko na hinahanap ako ngayon ni Larzon. Palinga-linga s'ya sa paligid hanggang sa nakita ako sa entrance ng garden kung saan dito gaganapin ang kasal n'ya.
Thankfully, nakaabot ako. Nagsimula na akong maglakad sa gitna ng mga naggagandahang halaman na nakapalibot sa akin. Sumunod ako sa mga babae na tingin ko'y mga abay. Suwerte ang mapapangasawa ni Larzon. Ma-effort pa naman ito pagdating sa mga okasyon, lalo pa kaya na ikakasal ito.
Kasalukuyang naglalakad na ako sa gitnang parte nang bigla kaming nakarinig ng dalawang putok na baril. Takip ko ang aking taenga at napasinghap. Gano'n din ang mga bisita at hindi na rin mapakali sa kanilang upuan.
May grupo na babae na akmang tatakbo nang bigla silang hinarangan ng armadong lalaki. They are all wearing this black suite while holding their guns, as if ready to fight.
Hindi lang basta limang lalaki ang nakaharang, halos nakapalibot ang higit twenty na armadong lalaki sa buong garden. Taka at takot ang makikita sa mukha ko habang tinitignan sila. Sino ba sila?
“Stop this f*cking wedding!”
Napasinghap ulit ako nang marinig ang pamilyar n'yang boses. Mabilis akong lumingon sa entrance at hindi nga ako nagkamali. Just like his made mans, he's also holding a gun in his right firm hand. Nakaangat ito sa ere kaya ro'n ko nalaman na s'ya ang nagpaputok ng baril kanina.
“Sparrel,” I slowly whispered, mahina lang iyon pero awtomatikong napabaling ang tingin n'ya sa akin.
He clenched his jaw when he roamed his darkening eyes to my long white dress that I am wearing right now. He was fuming mad, I can see it. Mabilis s'yang naglakad papalapit sa akin, hindi ako umalis sa aking kinatatayuan.
Hindi tama ang iniisip n'ya ngayon. I know what he is thinking right now.
Inalis n'ya sa ere ang kamay na hawak-hawak ang baril at ang kaliwang kamay n'ya'y hinapit ang beywang ko. Nakatitig ako sa kan'ya at hindi ko magawang makapagsalita dahil sa gulat at galak sa aking puso. Gulat dahil natunton n'ya ako rito at saya dahil s'ya ang Ama ng mga anak ko.
“What. Is. F*cking. Happening?” mabagal at madiin n'yang tanong. Galit nga s'ya, na ano mang oras ay sasabog na.
Nakita ko ang dalawang emosyon na dumaan sa kan'yang mga mata. Fear and confused. Bakit naman s'ya takot?
“What is happening, baby? Ano 'to?” pagmamakaawa at desperado n'yang tanong nang makitang nakatitig lamang ako sa kan'ya. Mas lalong humigpit ang pagkapulupot ng kamay n'ya sa aking beywang. “Bakit ka ikakasal, huh? I am your fiancée, so why are you marrying that guy?!”
Napahawak ako sa kan'yang braso at hinimas ito. Nanlalaki ang singkit n'yang mga mata habang nakatingin ng diretso sa akin. Para bang atat na malaman ang kasagutan at nasasaktan s'ya na makita akong nandito sa kasal ni Larzon.
Mga tao ay nakasubaybay lamang sa susunod na gagawin ng mga tauhan ni Sparrel. Kahit sila hindi makaalis sa kanilang upuan. Napakagat ako sa sariling labi. Nakahihiyang nag-eskandalo rito mismo si Sparrel.
“Sabihin mo sa mga tauhan mo na h'wag nilang takutin ang bisita, Sparrel,” mahina kong sambit dito.
Napasinghal s'ya. “You're not answering my question woman. Tell me why are you here in the wedding? You told me you love me, tapos magpapakasal ka?”
“Sparrel, calm down, please.”
Nagtatagis ang bagang n'yang nilibot ang tingin sa garden. “Who is that f*cking guy, huh? I'm going to punch him.”
Agad naman akong kinabahan sa maaaring gawin n'ya. Agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi n'ya at sapilitang pinaharap sa akin. Naningkit ang mga mata n'ya na halos tumagos ang masamang titig sa aking kaluluwa. Napalunok ako.
“Stop this, Sparrel. Nakahihiya sa bride, oh.” Tinignan ko pa sa gilid ko ang bride na mukhang lumabas na dahil sa kaguluhan. Lumapit tuloy si Larzon sa kan'ya at niyakap ito.
“What?” Nagsalubong ang kilay n'ya at tinignan din ang tinititigan ko. Napaawang ang bibig n'ya. Napabaling s'ya sa akin at sa kanila ulit.
“Puwede bang h'wag mong takutin ang bisita lalo na ang asawa ko? You ruined our peaceful wedding, Mr. Sullivan,” seryoso at mahinahon pa ring sambit ni Larzon. Tinignan n'ya ako. Alam ko na ang gusto n'yang iparating kaya tumango ako.
Hinila ko si Sparrel at lumabas.
“Mga kuya, baka naman p'wedeng ibaba n'yo baril n'yo,” ani ko sa mga armadong lalaki. Nagkatinginan pa sila bago sinunod ang aking sinabi.
Napabuga ako nang hininga at hinila ulit si Sparrel na hanggang ngayon hindi makapaniwala. He thought I'm the bride of the wedding, he got it wrong. Plus gumawa s'ya ng gulo sa kasal. Nakahihiya talaga.
Nakarating kami sa tent. Hinarap ko s'ya at pinameywangan.
“Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko sa kan'ya.
Nagsalubong ang kilay n'ya. “I asked my made man, Lotto, that you are at the wedding when I found out you're not in our house. I located his GPS and I immediately went here.”
“At bakit naman nag-eskandalo ka?” I asked even I have an idea why he do that.
Napakagat s'ya sa sariling labi at bumalik na naman ang nandidilim n'yang mga mata. Pikit matang sinuklay n'ya ang buhok sa unahan papuntang likuran. Umiwas s'ya ng tingin sa akin.
“I-I thought you're marrying other guy. Hindi ka naman nagpaalam sa akin na pupunta ka rito. Kaagad na iniwan ko ang tarbaho ko para itigil ang kasal,” he uttured.
Napailing-iling ako at hindi maiwasang lumitaw ang ngiti sa labi ko. “Bride's maid ako. At saka hindi ako magpapakasal kung hindi ikaw ang groom ko.”
Agad s'yang napatingin sa akin. Sandaling nagkatitigan kami. Napayuko s'ya at hindi nakatakas sa akin ang malapad n'yang ngiti. Niyakap n'ya ako at kasabay ang pagbaon ng mukha n'ya sa leeg ko. He planted a soft kisses to my sweet spot that I almost jumped at the sudden action.
“Honestly, seeing you a while walking to the middle of crowd made me scared. I don't want you to marry other guy. I won't let that happen.”
“Ikaw lang naman nag-iisip n'yan,” asik ko na ikinatawa n'ya nang mahina. Parang walang ginawang kasalanan, ah.
Tutal nandito naman si Sparrel ay sumama na rin s'ya sa akin para saksihan ang pag-iisang dibdib ni Larzon at ni Lara, ang kan'yang magiging asawa ngayon mismo.
Pinabalik na rin ni Sparrel ang mga tauhan n'ya dahil pinakiusapan ko s'ya. Buti na lang sinunod n'ya. Nagtataka pa rin nga ako kung bakit hindi man lang nagtataka si Sparrel kung kaano-ano ko si Larzon. Hindi ko na muna iniisip iyon at nakangiting tinignan ang bride. Gusto ko talaga ang wedding gown n'ya.
Magkahawak kamay kaming dalawa ni Sparrel. Ramdam ko pang nilalaro-laro pa n'ya ang nga daliri ko at minsan dinadala n'ya sa kan'yang labi para patakan ng halik. Titignan ko tuloy s'ya para gawaran ng ngiti. Huhulihin lamang n'ya ang labi ko ng halik at titigan ako ng matagal.
“Tumingin ka nga sa harapan, Sparrel,” saway ko rito nang mapansin ulit ang titig n'ya sa akin. He licked his upper lip and pulled me closer to his side. Inamoy n'ya ang buhok ko at napabuga mismo sa aking taenga.
“You're so gorgeous that I cannot take my eyes off on you,” ngumisi s'ya. “I'm so excited to marry you to the biggest church. You, wearing a white wedding gown, is one of my dream. While you're walking to the aisle, and heading way to me.”
Napaawang ang labi ko at pinamulahan ng pisngi. His eyes never leave mine while his lips pressed at the back of my palm. He never failed me to fluttered my heart. For almost years, I found myself falling again to him. I didn't regret because being in love with him is something magically. I felt I was living in the fairytale.
Hindi naman masyadong nasira ang kasal, tuloy pa rin kahit kita ko ang pag-alinlangan sa mga tao. Nangangamba pa siguro sila. Nagtataka rin mga ito kung bakit bigla na lang sumulpot ang lalaking ito. Pinagsabihan ko nga kanina at ngisian lamang ako.
Buti na lang pinayagan s'ya ni Larzon na isama sa reception na mismo sa beach resort gagawin. At kung hindi ay baka gumawa na namang kalokohan ang lalaking ito.
Sa ilang taon, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng saya. Being with Sparrel makes me happy. Lalo pa ngayon na natunghayan ko ang kasal ni Larzon, na parang kuya ko na rin. Tarbaho at bahay ako noon, kung hindi naman ay uma-attend lang ng event sa America at hindi naman ako nakaramdam ng ganito kasaya.
Napatingin ako kay Sparrel nang pumulupot ang braso n'ya sa beywang ko, hanggang sa nahawakan ng mga palad n'ya ang aking tiyan. Ramdam ko pa rin ang init ng mga palad n'yang humihimas dito kahit may suot akong tela.
After knowing that his a guy who took me years ago. Napag-isipan ko rin na sabihin sa kan'ya ang totoo. Ayaw ko nang magpanggap, ayaw ko nang magsinungaling sa kan'ya. Kung magagalit s'ya na hindi pala ako si Valery... Maybe I can still accept it.
“Sparrel.”
Agad s'yang lumingon sa akin at inilapit ang mukha sa akin. Malakas ang tugtog kaya siguro lumapit s'ya para marinig ko. Naghihiyawan din kasi mga tao sa palaro ngayon.
“Yes, baby? Are you still hungry?” medyo malakas n'yang tanong at inayos ang strap ng dress ko. Hinawakan ko tuloy ang kamay n'ya at pinatili sa balikat ko.
“May sasabihin sana ako sa 'yo,” kagat-labing sabi ko na ikinatingin n'ya rito, tinignan n'ya mga mata ko.
“Ano iyon?”
“Sa kotse mo na lang tayo mag-usap.”
Tumagal ang titig n'ya sa akin at hindi na nagtanong kung ano iyon. Basta na lamang n'ya ako inalalayang tumayo at sabay na tumungo sa kotse n'ya na nasa labas lamang nakaparada.
“May problema ba?” tanong n'ya nang makapasok kami sa kotse. Nasa driver seat s'ya habang nasa passenger seat naman ako.
Napabuga ako nang hininga at pinakalma ang sarili. Natatakot ako sa maaaring sabihin n'ya kapag nalaman n'yang hindi ako si Valery. But he still deserve to know me.
Hawak ko ang kamay n'ya at iyon ang pinatitigan ko. I love the feeling of touching him just like this. Parang natatakot ako na bitiwan ang mga kamay n'ya pagkatapos kong sabihin sa kan'ya ang lahat.
“Will you still love me if I did something wrong?” I asked him, still not looking at him. I'm afraid that he might leave me after this.
“Of course, I will forgive you.” Inangat n'ya ang baba ko kaya nagpantay ang mukha namin. “You know how much I love you. Just don't leave me, it will break me surely.”
“Mamahalin mo pa rin ba ako kapag sinabi kong hindi ako si Valery?” sunod ko ulit na tanong na ikinatigil n'ya at pinatitigan ako. Halos kurutin ko na ang aking balat sa kaba. “I'm not Valery.”
Ni hindi man lang n'ya inaalis ang tingin kaya mas lalo lamang akong kinakabahan. I don't know what he's thinking and it made me crazy.
“I know because you're my baby, my Venny.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro