Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

CHAPTER 27


Tumungo na kaagad kami sa kan'yang kompanya at kasama nga ang triplets. Mga gamit namin ay hinabilin n'ya sa kan'yang tauhan na dalhin sa mansyon.

“Good morning, Sir!

“Good morning po, Sir Sullivan!”

Sunod-sunod na bati ng mga empleyado n'ya nang makarating kami sa loob ng kan'yang kompanya. Tulad nga sa sinabi sa akin ni Larzon, malaki nga ang kompanya n'ya. Sa labas pa lang makikitang bigatin ang may-ari nito, lalo pa sa loob na halos thick glass ang makikita.

Napatingin ako kay Sparrel nang hawakan n'ya ang aking kamay. Hindi ko rin inaasahan na makitang tumatango s'ya sa bawat empleyado na bumabati sa kan'ya. That's mean kino-consider n'ya ang presensya nila.

Nauuna sa lakad ang triplets at agad na kumaripas ng takbo nang makita ang elevator nasa tingin ko'y private elevator.

“Triplets!” nag-aalalang saway ko nang muntik na silang magkabanggaan. Nakahinga rin nang makitang tahimik na itong nakatayo sa loob ng elevator at hinihintay kami.

“Magpahinga muna kayo sa opisina ko,” ani Sparrel sa aking gilid. He guided my small back when we entered the private elevator, exclusively for him. Sinabi n'ya ito kanina na kami lang p'wedeng gumamit nito.

“I miss my playmate, Daddy. Nandito po ba s'ya?” biglang tanong ni Soren sa umaasang boses habang nakaangat ang tingin sa kanyang Ama.

Ginulo ni Sparrel ang buhok ng kan'yang anak. “What's his name again, princess?”

“Vance!” matinis na sabi ni Soren, humagikgik pagkatapos.

“Ah, do you mean that mute guy, sister? S'ya ang playmate mo?” nakangising tanong ni Solo bilang pangangasar.

“Hindi s'ya mute, Kuya Solo!” mabilis at madiing sabat ni Soren. Mukhang nainis bigla sa pangangasar ng Kuya n'ya.

“Hindi n'ya kasi ako kinakausap, and he was just staring at me like a creepy boy,” ngumuwi pa si Solo sa huling sinabi.

“Because he doesn't want to talk to you kasi! Ako lang ang playmate n'ya!” napataas na ang boses ni Soren at nagpapadyak ang paa sa sahig.

“Shh, stop that kids. Ayaw kong nag-aaway kayo. Magkapatid kayo, 'di ba?” saway bigla ni Sparrel at kinuha na si Soren para buhatin.

Hinila ko naman si Solo at Silas papunta sa aking tabi. Hinawakan ko pareho ang kamay nila.

“Did you heard what daddy told you, Solo? Hindi dapat kayo nag-aaway ni Soren dahil magkapatid kayo,” mahinahon kong sambit at hinimas ang buhok n'yo.

Nakasimangot na itong nakaangat ng tingin sa akin. Inilihis n'ya ang tingin kay Soren.

“I'm sorry, sister. I was just joking around. He isn't mute now, okay?”

“Hmp!” Sumimangot ito sandali bago ngumiti rin naman. “He's my friend so don't you ever say that, okay? Are we clear, Kuya?” parang matanda ito nang tanungin n'ya ang Kuya n'ya.

“Okay, sister,” sumusukong sagot ni Solo at nakipagkamay pa sa kan'yang kapatid.

Napangiti na lamang ako. Nakakatuwa na makitang nagkakasundo sila. Minsan may 'di pagkakaintindihan pero hindi napupunta sa puntong grabe na talaga sila mag-away.

Pagkaangat ko ng tingin ay hindi ko inaasahang makitang nakatitig sa akin si Sparrel. Ngumiti ito ng tipid na aking ikinatigil. Isang totoong ngiti na minsan n'ya lang ilabas.

Hindi ko rin tuloy maiwasang ngitian s'ya nang malapad at agad na umiwas ng tingin. Nanghihina talaga ako sa mga titig n'ya kaya hindi ko minsan kayang tignan ito. Para kasing magkakasala ako kapag pinagpatuloy ko.

Nakarating kami sa pinakatuktok ng building. Pumasok kami sa pinakamalaking office na siguradong CEO office mismo ni Sparrel. My jaw almost dropped on the floor when I saw the entire office. Kitang-kita ang siyudad sa malaking glass wall sa harapan. Siguradong mas maganda rito kapag gabi.

“Triplets, you can stay in your room kung pagod na kayo,” ani Sparrel sa tatlong anak n'ya na nakaupo ngayon sa sofa.

“I'll watch you, Dad, while you're working,” seryosong sabi ni Silas at halos pumikit na ang mga mata sa sobrang bored n'yang makatingin sa kan'yang Ama.

Tumango si Sparrel. “Sure, son.”

“Play po kami ni Vance. Can you call him for me, Daddy?” malambing na tanong ni Soren.

Nilapitan ito ng kan'yang Ama at hinimas ulit ang buhok. Hinalikan pa ito nang mabilis sa pisngi.

“Sure, princess,” seryosong tugon ni Sparrel. “I'll just call my secretary to fetch him. You can play in your room if you want. Nando'n naman si Solo para bantayan kayo.”

“Yes! Thanks, Daddy!” Nanggigigil na niyakap ni Soren ang kan'yang Ama sa leeg na sinundan ng baritong tawa ni Sparrel.

May sinabi pa si Solo sa kan'yang Ama na hindi ko na pinakinggan. Tumungo ako sa malaking glass wall na kung saan makikita ang siyudad. Ilang buwan ko na itong hindi nasisilayan. I miss my work. Na-miss ko rin si Mama at Papa, magulang mismo ni Larzon.

Simula no'ng nag-ibang bansa ako. Nasanay na ako kasama ang pamilya ni Larzon. Mas do'n ko na-fe-feel na parte ako ng pamilya nila. I don't feel alone because they are always there for me. Samantalang hindi ko sila kadugo. But I'm very thankful that they accepted me.

Ngayon ay kailangan kong malaman kung may kinalaman ba ang pamilya na kinakasama namin ni Valery sa aksidenteng nangyari sa totoong pamilya namin. I have this feeling that Larzon was saying the truth. That my real parents are already dead because of an accident happened years ago. Kasama ako ro'n pero thankfully hindi ako namatay.

Napatalon ako nang bahagya nang maramdaman ang brasong pumulupot sa aking tiyan. Haharap sana ako sa kan'ya nang pigilan n'ya ako. I know his touch and smell very well.

“Let's stay just like this,” he whispered in a husky voice behind my ears. Bahagyang tumama pa ang hininga n'ya sa likuran ng taenga ko, sanhi ng pagkataas ng balahibo ko.

Napahawak ako sa matigas n'yang braso na nakapulupot sa aking tiyan at tumingin na lamang sa unahan. Ilang minuto kaming nasa gano'ng posisyon nang magsalita s'ya.

“What are you thinking?”

Napabuga ako nang hininga. Hindi ko maaaring sabihin sa kan'ya na may nalalaman akong impormasyon tungkol sa kan'ya. Na sangkot din s'ya sa illegal na tarbaho. Kaya siguro medyo busy s'ya dahil bigatin ang kan'yang tarbaho. I don't know how to feel after knowing it. Paano ang mga bata? Baka madamay kung sakaling may kaaway s'ya.

“Na-miss ko lang pamilya ko. Hindi ko pa sila nabibisita,” saad ko at napakagat din sa sariling labi.

Hindi ko dapat ipahalatang may ideya ako na nawawala ang magulang ko ngayon. Kahit hindi ko sila tunay na magulang at kapatid lamang ng totoong magulang ko ay hindi ko maiwasang magtaka kung bakit nawawala sila. Ayaw ko kasing paniwalaan na s'ya ang may dahilan kung bakit ito nawawala.

Mas lalong tumalbog ang dibdib ko nang sandaling naging tahimik ang pagitan namin. Siguro nasa kuwarto na ang triplets dahil wala man lang akong narinig na ingay. Mukhang wala rin si Silas sa swivel chair n'ya.

“We can visit them this week if we're free,” sabi n'ya bago ko naramdamang pinaharap n'ya ako sa kan'ya.

Kusang dumapo ang mga palad ko sa kan'yang malapad na dibdib. Kahit nakasuot s'ya ng coat ay ramdam ko ang tigas nito. Patunay rin ang malaki n'yang braso at naka-ulbong muscle sa balikat n'ya.

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. Halos mahigit ko ang aking hininga dahil sa malapitan n'yang mukha. His chestnut brown eyes are looking directly to my eyes. Gumalaw ang mga mata n'ya at napagtantong napatingin ito sa aking labi bago binalik din sa aking mga mata.

“I want you to meet my parents too. They wanted to see you tomorrow,” dugtong n'ya pa. Nawala na tuloy sa isipan ko ang tungkol sa una n'yang sinabi.

“Why?” Dinapuan ako ng kaba. Na-meet na ba ni Valery ang pamilya n'ya? Wala akong alam tungkol sa magulang ni Sparrel. Paano ako aakto na parang magkakilala kami? Ni pangalan hindi ko alam.

Naningkit ang mga mata n'ya. “Because you're my fiance. We will get married if you agree to my proposal.”

Muntik ko nang makalimutan na nabanggit n'ya ang tungkol sa kasal. Totoo nga sigurong fiance pa lang ni Valery si Sparrel, and he is planning to married her this year. Hindi n'ya ako fiance.

Napabalik ako sa reyalidad nang haplusin n'ya ang pisngi ko. Napatitig ulit ako sa nakakahalina n'yang mga mata kung makatitig sa akin. His thumb reached to my lower lips, he brushed it slowly.

“After our dinner tomorrow together with my parents. I also have something to tell you.” Napaangat ang tingin n'ya sa mga mata ko nang sandaling tinitigan n'ya ang ibabang labi ko. “At sana hindi mo ako iiwan kapag sinabi ko na iyon sa iyo. And I hope... Hindi ka aatakihin.”

Dumagundong ang dibdib ko. Hindi ko alam kung kibakabahan ba ako o nasasabik akong malaman kung ano man ang sabihin n'ya. The last sentence he said made my mind clouded by thousands thoughts.

“A-Anong aatakihin ako? May sakit ba ako?” taka kong tanong. I'm also scared to the thought that Valery is sick.

Mula sa natataranta kong mukha ay napatulos lamang sa kinatatayuan nang bigla s'yang tumawa sa mahina at baritong boses. Tumaas-baba ang balikat n'ya sa katatawa at nanggigigil akong niyakap at pinaghahalikan ang aking pisngi.

“No, baby. Tomorrow you'll know,” pagtatama n'ya matapos ang mahaba n'yang tawa na ikinaaliw ko naman.

Napangiti tuloy ako dahil nagawa kong patawanin s'ya. Masyadong seryoso na ang buhay n'ya, na sa tingin ko'y hindi ito tumatawa at bilang lamang sa daliri. I want to make him happy, but I don't think I can stay with him forever. I know after this mess and mystery about us, I'll be back to my normal life.

Naglibot-libot ako sa kompanya ni Sparrel habang may tinatapos itong trabaho sa kan'yang opisina. Wala naman akong problema sa triplets at nasa kwarto lamang mismo sa loob ng opisina ng kanilang Ama. Kalaro nila ang batang nangangalang Vance, na anak pala ng secretary. Lalaki ang secretary ni Sparrel dahil nakita ko kanina.

Pababa na sana ako sa ground flour gamit ang private elevator nang biglang may pumasok. Kasabay no'n ay ang pagsara ng elevator at nanlaki lamang ang mga mata ko nang makita ang taong gusto kong makausap nakaraan pa. Tumambol ang dibdib ko.

She's seriously looking at me. Ang tanging naisip ko sa puntong ito ay baka maaaring makita kami ni Sparrel kapag nandito kaming dalawa mismo sa teritoryo n'ya.

“We need to talk, Venny,” seryosong saad ni Valery nang binaba n'ya ang kan'yang sombrero. Tuluyan ko nang nakita ng buo ang kan'yang mukha.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro