Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26

CHAPTER 26


Sobra ang hiya at namumula ang pisngi ko nang humiwalay na sa halik si Sparrel. Mariin ang pagkadampi ng labi n'ya ngunit libo-libong bultahe ang sumanib sa akin. Hinawakan ko ang bahagyang nakaawang kong labi habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa kan'ya.

He's deadly staring at Lotto, which is shocked of the sudden action of his boss. Napalunok ito at umiwas ng tingin, lumayo rin s'ya nang kaunti nang makitang hindi inaalis ni Sparrel ang tingin sa kan'ya hangga't hindi ito lumalayo sa amin.

I can't utter a word because even me don't know why he's being just like this. Tauhan n'ya si Lotto kaya bakit kung makatingin s'ya rito ay parang sisirain ang tiwala nito? Sana naman hindi ito masiraan ng tarbaho dahil lang sa sinamahan ako sa restaurant.

“Go get back to your work, I'll talk to you later,” seryosong sabi ni Sparrel kay Lotto, commanding like a real boss.

Tinignan pa ako saglit ni Lotto ngunit kaagad din naman hinarangan ni Sparrel ang kan'yang katawan sa harapan kaya natatakpan ako. Ramdam ko pa ang tensyon na nakaharang sa kanilang dalawa.

Dahan-dahang humarap sa akin ni Sparrel nang umalis na si Lotto at tumungo sa kasama n'ya na nakatayo sa tabi ng coconut tree. Agad ko ring tinignan si Sparrel na halos pigilan na ang hininga sa mariing titig nito sa akin. Napakurap ako sa kan'yang inakto.

“What?”

“What?!” inis n'yang ulit sa sinabi ko.

Napasimangot ako. “Bakit ka ba nagagalit?”

“Kailan pa kayo naging close ng lalaking iyon?” tanong n'ya imbes na sagutin ang tanong ko.

Napasimangot pa ako lalo sa biglang pag-usbong ng iritasyon n'ya. “Nagkataon lang na magkasama kami. Tauhan mo s'ya kaya malamang magagalit ka kapag hindi n'ya ako binantayan.”

May ideya naman ako kung bakit s'ya nagkakaganito. Pero ayoko namang mag-assume. I almost forgot that I'm not Valery. Now I know why he's acting just like this.

Mariing nakalapat ang labi n'ya at pinaninkitan ako ng mga mata. “Can't you see that I'm jealous? Nakikita kong magaan ang loob mo sa kan'ya. Nakikipag-usap ka na parang matagal na kayong magkakilala.”

Napabuga ako nang hininga. Hindi ko na inisip ang binitiwan n'yang salita. Parang pinipiga ang dibdib ko ngayon, nawala na ako sa usapan namin.

Bigla na lamang bumagsak ang puso ko sa isipang hindi ako si Valery. Kailan pa ako naging ganito? Kailan man hindi ko hiniling na maging si Valery kahit gaano kasakit ang nakaraan ko habang nagpapakasaya s'ya. Hindi ako naiinggit sa aking kakambal.

Wala sa sariling tinalikuran ko si Sparrel. Tila hindi ko nakayanan na harapin s'ya sa ideyang clout lamang ako rito. I'm not Valery! I'm Venny! Gusto ko iyon isigaw pero hindi maaari.

“Hey.”

Bigla akong pinigilan ni Sparrel nang maabutan n'ya ako. Hinawakan n'ya ang pisngi ko at tinitigan ako nang mabuti. Bahid sa kan'yang mukha ang pag-alala.

Bumaba ang tingin ko at nakitang magkahawak ang kamay namin, ginamit n'ya ang libreng kamay habang hawak ng kabila n'ya ang aking pisngi.

“Baby, I'm sorry. Galit ka ba sa akin?” tanong n'ya at pilit na hinahabol ang tingin ko.

Sa huli ay hinayaan kong iangat n'ya ang aking baba para magpantay ang aming tingin. I know that he can see in my eyes that I am sad right now.

“Did I raise my voice too much? Tell me what's wrong, baby.” Tinulak n'ya ang batok ko at isinubsob ang aking mukha sa kan'yang dibdib.

Napapikit ang mga mata ko at sininghot ang kan'yang amoy. His smell is like aloe vera. Gusto ko palaging naaamoy s'ya. Pinulupot ko ang aking braso sa kan'yang beywang at niyakap s'ya nang mahigpit. Naramdaman ko na lang ang mainit na halik n'ya sa aking noo.

“May naisip lang ako. H'wag ka nang mag-alala, Spar,” mahina kong sabi. Umangat ang tingin ko sa kan'ya at ngitian s'ya nang tipid. Sobrang nag-aalala talaga s'ya na baka may mali s'yang nagawa sa akin. He doesn't want me to hate him or leave him like that.

Kahit hindi kumbinsido na ayos lamang ako ay tumango pa rin s'ya. Bumaba ang mukha n'ya habang nakatingin sa aking labi. Alam ko na ang sunod n'yang gagawin kaya kusang pumikit ang mga mata ko. At naramdaman na ang kan'yang namamasang labing nakalapat sa aking bibig.

Gently pushing my body into his hard body. He kissed me passionately and softly biting by lower lip so he could enter his tongue inside of my mouth. I wholeheartedly invited his sensual tongue and lips.

“Mommy! Daddy! Let's eat na po!”

“Mom! Dad!”

Agad akong napahiwalay kay Sparrel nang marinig ang boses ng triplets sa malaking cottage namin. Hinabol pa ni Sparrel ang labi ko ngunit kaagad ko s'yang pinigilan. Nakaawang ang medyo namamaga n'yang labi dahil sa halikan namin at malambing akong tinignan.

“Baby, let's kiss please,” his baritone voice is pleading. Akmang huhuluhin ulit ang labi ko nang umatras kaagad ako at hinampas ito.

“Tinatawag na tayo ng mga anak natin, Sparrel!” singhap kong sabi. Inikutan ko ito ng mga mata para pagtakpan ang aking hiya nang makitang may nakatingin sa amin.

Tinalikuran ko s'ya at nakailang hakbang pa lamang ako nang pumulupot ang braso n'ya sa aking beywang. Sinabayan n'ya ako sa paglalakad hanggang sa nadatnan namin na nakahanda ang nagdadamihang putahe sa lamesa.

“Daddy bought our foods, Mommy,” wika ni Soren at nakaupo na ito sa gilid ko.

“I want to eat all of these!” Nagniningning na tinuro ni Solo ang lahat ng mga pagkain sa lamesa.

Si Silas naman ay tahimik na nakatingin sa amin. Mukhang naghihintay lang na pakainin.

Nasapok ko ang aking noo nang makalimutan na bibili pala dapat ako ng makakain ng mga bata kanina. Napatingin ako kay Sparrel nang igaya n'ya ako para umupo sa upuang katabi n'ya.

“My man told me that you went to the nearest restaurant. Gutom ka na pala. Bumili lamang ako ng makakain natin kaya medyo natagalan ako,” pahayag n'ya at mas inilapit pa ako sa kan'yang upuan na halos ikandong na ako.

“That's why I found you there with that guy...” Ang mariin n'yang titig ay napatingin sa akin. Mukhang hindi pa rin makalimutan na magkasama kami kanina ni Lotto.

“Nagmamagandang loob ang tauhan mo sa akin, Spar.” Hinimas ko ang kan'yang braso, naapektuhan naman ito nang sandaling kumurap ang mga mata n'ya.

Suplado lamang n'ya ako tinignan at binaon ang mukha sa aking buhok. Kung ano-ano na ang binubulong nito na hindi ko marinig. Hinayaan ko na lamang at inasikaso ang triplets.

Maya-maya ay tinulungan din n'ya akong asikasuhin ang mga bata. Mukhang pilit n'yang kinakalimutan ang nadatnan kanina. Tila big deal sa kan'ya na may kinakausap akong lalaki. Siguro hindi pa n'ya ako nakikitang nakikipag-usap sa tauhan n'ya tulad sa ginawa namin ni Lotto kanina.

Sobra akong ma-enjoy habang kasama ang triplets at saka si Sparrel. Masaya ako na napapalapit na ako sa triplets kahit na medyo natatakot pa rin sila sa akin. I cannot blame them. Mahirap na ngayon magtiwala kapag sinaktan ka ng isang tao, lalo na kung malapit ito sa 'yo.

Hindi mawala sa isip ko kung paano ako tignan kanina ni Sparrel. Kahit walang bahid na reaksyon sa kan'yang ekspresyon ay nakikita ko naman sa mga mata n'ya na nasisiyahan s'ya.

Ini-express n'ya ang nararamdaman through action than words. Napapansin ko naman na ginagawa n'ya ang best n'ya para ipaalam sa akin kung gaano n'ya ako kamahal. At na-a-appreciate ko iyon. At least he tried.

“I'm sorry, baby. May problema sa kompanya and this is so sudden. We need to go back right now.”

Napatigil ako sa pagtutupi ng damit at tinignan s'ya. Umupo ito sa aking tabi at kinuha ang aking kamay. Bumaba ang tingin ko sa magkasiklop naming kamay. Malaki at maugat ang mga kamay n'ya. Kaunting puwersa lang nang pagpiga n'ya ay baka mabali ang buto ko. It's perfectly fit to my smaller palm.

“It's okay, Sparrel. May next time pa naman,” ngiting sabi ko para pagaanin ang loob n'ya.

Seryoso kasi ang mukha n'ya at mukhang inis dahil imbes na bakasyon pa namin ngayon ay nagkaproblema pa. Gusto pa n'yang mag-bonding kami rito pero ayaw ko naman na hayaan n'ya ang tarbaho kung emergency.

Binagsak n'ya ang noo sa aking balikat. Nakabaluktot tuloy ang likuran n'ya dahil sa taas n'ya. Hanggang dibdib n'ya lang ako. He's wearing his usual business suit.

“You're coming with me,” aniya at tinaas na ang noo. Dinala n'ya ang likuran ng palad ko sa kan'yang labi. Bigla tuloy akong na-conscious sa mariin n'yang titig.

“S-Sa kompanya mo?” I asked him while staring on how he planted a kisses on the back of my palm. I gasped.

Nandilim ang mga mata n'ya nang makita ang pag-iiba sa aking ekpresyon. I know he can see through my eyes how much affected I am whenever he doing this.

“Yeah,” he huskily answered. “I'll bring our triplets too. You can roam around my building if you want so you would not be bored,” he also suggested.

Agad akong ngumiti sa isipang makakapasyal ulit ako at sa mismong kompanya pa n'ya.

“Sige, ilalagay ko na mga damit natin sa bag para makaalis kaagad tayo,” ani ko at binitiwan ang kamay n'ya para ipagpatuloy ang aking ginagawa.

Nagulat naman ako nang kinuha n'ya ulit ang aking kamay at niyakap ako sa aking gilid. Nagtataka ko s'yang tinignan at gano'n din s'ya. Napataas ang kilay ko.

“Magtutupi pa ako, Spar. Ikaw muna mag-asikaso sa mga bata.” Mahina ko s'yang tinulak na ikinareklamo n'ya. Ginulo n'ya ang kan'yang buhok at nadagdagan lamang ang kakisigan n'ya dahil do'n.

Tumayo s'ya sa aking harapan. Akala ko aalis na s'ya ngunit bumaba ang mukha n'ya at nilapit sa aking taenga.

“I want you to get ready for tonight, baby. Let's enjoy in our room tonight shall we?” he whispered in a sexy voice.

Napaawang ang labi ko at namumula s'yang tinignan. Gosh, this man!

Hinalikan n'ya nang mabilis ang aking labi. Nang-aakit n'ya akong tinignan at nilapitan na ang mga bata na naglalaro sa kama. Binuhat n'ya si Silas at nakipaglaro rito.

Iniwas ko kaagad ang tingin dito at pinilig ang ulo. Saglit naging blangko ang utak ko dahil naalala ko ulit ang nangyari sa amin kahapon. He shamelessly told me to get ready tonight because he want us to do it again!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro