Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

CHAPTER 18


Agad napamulat ang mga mata ko at namalayan na lamang na hinihingal, tila napakalayo ang tinakbo ko. Uupo na sana ako mula sa pagkakahiga nang may pumigil sa aking tiyan.

May maugat at malaking brasong nakapulupot do'n. Memories came back into my mind, but one thing I cannot remember. At iyon ay ang mukha ng lalaking nakatalik ko noon sa hotel.

Napagtanto ko na rito pala natulog si Sparrel. Nang makita ang kan'yang mukha na nakatingin sa aking direksiyon ay ro'n pa lang ako nataranta. Magkatabi lang naman kaming natulog and it is awkward!

Imagine a man who hurt you physically is sleeping next to you. Awkward, right? And also, he's my twin sister's husband! Kung sana ay alam n'yang hindi ako ang tunay n'yang asawa o fiance ay baka katapusan na ng buhay ko. Malamang tatabi s'ya sa akin dahil akala n'ya ako si Valery.

Nang akmang aalis ako ay mabilis n'yang pinatungan ang malaki n'yang paa sa akin. Saglit na napatigil ang paghinga ko dahil do'n.

Kagat-labing tumalikod lamang ako ng higa sa kan'ya at hindi na nagtangkang umalis. Mahigpit kasi ang yakap n'ya at akalain na alam n'yang aalis ako. He's still asleep.

Kahit anong pilit kong alalahanin ang lalaking nakatalik ko ay hindi ko matandaan. Hanggang ngayon bumibisita pa rin sa aking panaginip ang nangyari nakaraang tatlong taon. Dala-dala ko pa rin ang sakit dahil may mga katanungan ako na hindi masagot.

Speaking about Marvelus. I love him years ago, but I'm now that I can finally say that I'm moved on to that. Naging parte s'ya ng buhay ko, pero hindi na s'ya 'yong nakikita kong lalaking mamahalin ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng ma-out of love. Dati iniiyakan ko s'ya dahil hindi ko magawang ipaglaban ang relasyon namin at dahil mahal ko s'ya. Now, ang iniiyakan ko na lamang ay ang namayapa kong kambal na anak.

I was busy talking to my mind when suddenly his large palm went to my flat tummy. Muntik na akong mapaatras dahil do'n. Nakakagulat pa rin na may biglang hahawak ng ganito sa akin. Kailangan ko na sigurong masanay. Pinasok ko ito kaya panindigan ko.

Sunod-sunod ang paglanghap at buga ko ng hininga nang haplusin n'ya ang tiyan ko. Hindi ko alam kung tulog ba s'ya o gising na. Hindi naman kasi s'ya nagsasalita. Tanging paghinga lamang namin maririnig sa sulok ng kwartong ito.

Habang hinahaplos n'ya ang tiyan ko ay tumaas ang mga balahibo ko at nakaramdam ng pag-iinit ng katawan. I shouldn't feel this kind of sensation!

“S-Stop.” Agad kong hinawakan ang kamay n'yang nasa loob ng damit ko upang pigilan s'ya. Akala ko magmamatigas s'ya pero hindi ko inaasahan ang gagawin n'ya.

Kusang tumigil din ang kamay n'yang nakahimas sa aking tiyan at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. 'Yong klaseng paghawak n'ya sa kamay ko ay parang gusto n'ya iyon hawakan nang matagal. Hindi tulad ng inaasahan ko na bigla na lang n'yang babaliin ang kamay ko.

“Sparrel?” tawag ko pero tanging mababa at panlalaking ungol lamang ang tugon n'ya.

Haharapin ko na sana s'ya nang biglang pumaibabaw s'ya sa akin. Humiga s'ya mula sa aking ibabaw at sumubsob sa aking leeg na ikinalaki ng mga mata ko. He also hugged me like his favorite pillow.

“W-What are you doi—”

“Shh, we will not do it, baby,” he uttered,referring to something sensual activity. He was smelling my scent. Kakaiba na ang pinaparamdam n'ya sa akin. I don't know how exactly to feel right now.

Napahawak ako nang mahigpit sa kan'yang likuran nang masuyo at mabagal n'ya akong hinahalikan sa leeg. Hanggang sa mas sinubsob n'ya ang mukha ro'n at sinipsip ang balat ko. His muscle is so strong that I almost forgot that he was like a dangerous giant creature, na kayang manakot ng tao at mapapasunod ka talaga sa utos n'ya.

Ramdam ko tuloy ang nag-react ng katawan ko at pagkakiliti ng aking ibaba. Hindi ko namalayan na pinagdikit ko na pala ang hita ko. He noticed it, and he just chuckled because of it.

Bumangon at nanatiling nakaluhod s'ya sa aking harapan. Sandali akong napatigil at hindi maka-move on dahil do'n. I almost forgot how to breathe.

He was stretching his neck both side. Tinukod n'ya ang kamay sa magkabilang gilid ko at hinalikan noo ko. Masuyong hinila n'ya ang katawan ko para paupuin ako sa kama.

“I think it's already four in the afternoon. I need to work for now,” hindi makapaniwalang nagawa n'yang sabihin iyon sa akin sa masuyong tuno. “I'll be back in ten o'clock.”

Hindi ako makatingin sa kan'yang mukha at sa kan'yang malapad lamang na dibdib na hanggang ngayon wala pa rin s'yang suot na damit. Medyo nad-distract lang ako sa klaseng malambing n'yang pagsuklay sa aking malambot na buhok at aayusin kahit wala naman dapat ayusin. Kahit magaspang ang kamay n'ya at malaki ay nagawa naman n'yang maging maingat sa paghawak sa akin.

“A-Anong tarbaho?” tanong ko na lang na walang maisip na sabihin.

“Selling different kinds of weapon, baby,” he answered bago bumaba sa kama.

Hindi na ako sumagot. Napasunod ang tingin ko sa kan'ya nang kunin n'ya ang sando at pants n'ya na nakapatong sa sofa. Sinuot n'ya iyon bago ako nilapitan ulit.

“I'm going now,” he said while looking at me, tila gusto n'yang malaman ang iniisip ko.

Umiwas ako. “Sige...”

Sandali pa s'yang naghintay sa sasabihin ko. Napabuntong hininga lamang s'ya bago ako niyakap. Hinayaan ko naman s'ya bago s'ya rin mismo ang humiwalay. Medyo galit pa rin kasi ako sa kan'ya. Hindi ko maiwasang isipin ang ginawa n'ya sa akin nakaraan.

“Babalik ako... Tabi sana tayo matulog mamaya.”

“W-Why?” Napatingin na ako sa kan'ya. Mahinahon ang ekpresyon n'ya. “Kailan ka pa tumabi sa akin sa pagtulog?”

Medyo natakot lang ako nang umiba ang ekpresyon n'ya. Naging blangko iyon. Kagat labing umiwas ako ng tingin at lumayo rito. Nahalata n'ya iyon kaya mabilis n'ya akong nahila at niyakap.

“Hey, don't do that. I won't hurt you, I promise. See?” Tinignan pa ang mukha ko, pinapakita na mahinahon pa rin s'ya. Hindi ko alam kung totoo ba iyon.

Tumango na lamang ako para matapos iyon. Bata na ang maniniwala sa promise n'yang sinasabi. Dapat gawin n'ya, hindi 'yong nangangako lamang.

Umalis na rin s'ya pagkatapos akong suyuin. Ayaw n'ya sigurong umalis na galit at takot pa rin ako sa kan'ya. Pinaalis ko na nga at hindi ako makapag-concentrate kapag nandito s'ya.

Sinilip ko ang mga bata sa kanilang kwarto. Napangiti na lamang nang makitang tulog na pala silang tatlo sa iisang kama. They only have one room and three beds. Gusto kasi nilang magkasama sa isang kwarto kaya gano'n.

“N-Naku, Ma'am. Baka magalit si Sir na nagluluto kayo. K-Kami naman dapat nagluluto, eh,” kinakabahan sabi ng katulong. Hindi ko lang alam kung may galit ito sa akin pero mukha namang hindi.

“Naku, Manang. Tulungan n'yo na lang ako sa lulutuin kong pakbet. Sayang naman ang baboy sa refrigerator kung hindi lulutuin, eh,” untag ko rito, napakamot tuloy s'ya sa ulo at sobrang kinakabahan na talaga.

“E-Eh, Ma'am naman, eh. ”

“Sige na, akong bahala kay Sparrel, okay? H'wag kang kabahan,” natatawa kong sabi bago hinanda ang lulutuin ko.

Tinulungan naman n'ya akong magluto. Hindi ako gano'n kagaling sa pagluto pero ayos na rin. Okay na kasi sa akin na may pagkain kaysa sa sarap ng pagkain. Iba kasi ngayon. May titikim na ng lulutuin ko. Hindi ko alam kung kakain ba si Sparrel mamaya, eh, sabi n'ya gabi na s'ya uuwi.

Pinatawag ko ang mga bata na kumain na ng hapunan. Tumatakbo pang pumasok sa dining hall kaya nag-alalang sinaway ko sila na ikinasunod naman nila. Dali-dali sulang umupo sa kani-kanilang upuan at hinintay ako na ilapag ang ulam sa lamesa.

Umupo ako sa kanilang harapan. “Do you eat gulay ba mga anak?” tanong ko sa mga bata habang sinasandukan sila ng ulam at kanin kada isa.

“Hindi po,” sagot ni Soren habang nakangusong umiiling-iling pa.

Tinignan ko tuloy ang dalawang lalaki at gano'n din ginawa. Pero wala naman akong nakikitang reklamo sa kanila nang ilapag ko ang gulay sa harapan nila.

Tumayo ako sa pagkakaupo at pumunta sa kanilang likuran. “But you must eat more vegetables para maging strong kayo. Para hindi kayo sakitin mga anak.”

“We'll eat whatever your cook, Mom. It's really fine,” biglang sabi ni Silas at nagsimula nang sumandok ng ulam na pakbet at sinama na rin ang kanin bago sinubo ito.

Tinignan ko naman si Soren at Silas na ginaya rin ang kanilang Kuya. Napangiti na lamang ako sa aking nasaksihan. Ang ibang bata aangal pa, eh. But they didn't. And I appreciated na kinain nila kung ano ang niluto ko. Aana nga hindi dahil sa takot nila sa akin.

“Sobrang sarap, Mommy!” matinis na sabi ni Soren at sunod-sunod na ang subo. Gano'n din ang dalawang lalaki.

“Very good mga anak ko.” I kissed both of their cheeks, at sinabayan na sila sa pagkain.

Muntik na nga maubos ang ulam kung hindi ko lang sinabi na kakain ang kanilang Ama. They both say sorry. Ayos naman sana na kainin nila pero sila na mismo nagsabi na ipatikim ko sa kanilang Ama.

Pagkatapos naming kumain ay naglaro na lamang kaming apat sa kwarto nila ng mga laruan. Hindi talaga ako mahilig sa bata ngunit kusang nakikipagsabayan ako sa kanila. Sa ikli ng panahon na pinagsamahan namin ay magaan na ang pakiramdam ko, lalo pa't pamangkin ko ang mga ito.

“It's time to sleep na mga babies. It's already eight o'clock na. Kailangan maaga kayo matulog para maaga rin kayo magising. You have your class tomorrow, right?” ani ko at tinignan pa ang orasan sa relo ko.

“P'wede po sleep kayo sa tabi namin, Mommy? I want to hear a bedtime story po,” nakapalakpak na sabi ni Soren na mabilis na ikinatango ni Silas at Solo.

Hindi naman ako tumanggi at sinunod sila. It's kinda exciting anyway.

Malaki ang kama kaya nagkasya kaming apat. It's Soren's queen size bed na kulay pink. King size bed naman sa mga lalaki. Dark blue kay Silas and blue naman kay Solo.

The interior design of their room is awesome. Kapag kasi pinatay ang ilaw, nagiging galaxy and night sky theme 'yong ilaw. It was like I'm in a sky full of brightest stars above. And I actually love it.

“Are you ready? You should sleep once I finished reading the story book, okay?” sabi ko na kanilang ikinatango.

Nakabihis at half bath na rin sila kaya wala nang problema. Sinimulan ko nang magkuwento tungkol sa beauty and the beast. Nasa kalagitnaan pa nga lang ako ng pagkukuwento nang makitang nakapikit na ang mga mata nila. They already fall asleep.

Dahan-dahan kong nilapag ang libro sa tabing lamesa at tinabihan sila ng tulog. Medyo malamig dito dahil bukod sa aircon, nakasuot ako ng night dress na kulay violet. I found this in Valery's room, and I actually like it.

Natulog ako sa kanilang tabi. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog bago nakaramdam ng pagkalutang ko sa ere. Someone is carrying me.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro