
CHAPTER 17
CHAPTER 17
It's been three weeks since I last saw the guy who took my virginity. Simula no'n hindi na ako pumasok sa eskwelahan at siguro nagtataka na si Novale at ibang kaklase ko kapag gano'n. Nakakahiya ang ginawa ko. Nasira na ang pangarap ko.
Wala akong balak na magpakita sa lalaking iyon. Ayaw ko naman ipaako ang nasa sinapupunan ko dahil alam ko, na tulad din s'ya ng mga lalaki na ayaw sa responsibilidad. Baka nga nag-aaral pa iyon.
Every night and almost every day, I was thinking on how to say this to my parents. Takot ako sa totoo lang pero hindi habang buhay na maitatago ko ito. I can't stand for myself and I'm still relying to my parents.
Kaya grabe ang iyak ko palagi sa tuwing naiisip na malaki ang ginawa kong kasalanan. Hindi lang sa magulang ko kundi kay Marvelus din.
Papasok ako ng bahay nang nakasalubong ko si Valery. Agad namang umusbong ang galit ko rito nang makitang nakangisi s'ya at mukhang s'ya nga ang nagpadala ng litrato kay Marvelus na may kahalikan daw ako.
"Oh? Hulaan ko, break na kayo 'no?" she playfully asked and went closer to me. "Hindi n'ya rin pala alam na may kapatid ka. Buti nga hindi mo sinabi dahil malaking kaguluhan ito sa pamilya natin."
"At mas lalong lalaki ang kaguluhan dahil buntis ako," sabat ko na ikinatigil n'ya, mukhang hindi pa ito makapaniwala. "Ano? Masaya ka na dahil nakaganti ka na? Ito ba ang gusto mong iganti sa akin? Pinainom mo lang naman ako ng ecstasy, gaga ka!" Hindi ko mapigilan na sumabog.
"Y-You're pregnant?" 'di makapaniwala pa n'yang tanong at tinignan ang tiyan ko. "This is not a good joke, Ven." Umiling-iling pa.
Hindi ko tuloy napigilan ang pag-iyak ko sa kan'yang harapan. Bahid sa mukha ko kung gaano ako naapektuhan sa nangyari sa akin. Pagod na pagod ako sa kalokohan n'ya pati na rin ang paghihirap sa pamilya ko. Kailan ba ako makaramdam ng kaginhawaan?
"S-Sana nga nagbibiro lang ako." Mariin kong pinunasan ang mukha ko at huminga nang malim. "Masaya ka na bang siniraan mo ang buhay ko? Masaya bang makipaglaro? Look of what you have done to me, Val. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ako!"
Gusto ko s'yang sabunutan at murahin ngunut hanggang sa isip ko lamang iyon. Hindi ko kayang saktan ang kakambal ko pero s'ya... Kaya n'ya akong saktan ng pinong-pino.
"Ano na naman ang ingay na iyan?" I heard my mother voice na papalapit na sa amin.
Hindi ko ito pinansin at galit na galit kong tinignan si Valery na hanggang ngayon hindi mag-sink sa kan'yang utak ang sinabi ko. As if nakokonsensya s'ya sa kan'yang ginawa. Parang kinakabahan s'ya dahil sa kan'yang ekspresyon.
Nang makita ni Mommy ang mukha ni Valery ay agad itong tumingin sa akin nang masama. Wala akong kasalanan, Mommy...
"Inaaway mo na naman ang kapatid mo, Venny?!" Marahas n'ya akong pinaharap sa kan'ya at niyugyog ang katawan ko. "Wala kang utang na loob! 'Di ba sabi ko h'wag kang pupunta rito kung wala kong pasabi? Get out!" Tinuro n'ya ang labas ng bahay.
"M-Mom, don't, " awat bigla ni Valery kaya napatigil si Mommy at taas kilay na tinignan si Valery, nagtataka.
"Anong ginawa n'ya at nagkakagan'yan ka? H'wag kang natakot na sabihin sa akin kung sinasak-"
"S'ya ang nanakit sa akin, Mom! Bakit ba palagi na lang ako ang may kasalanan!" desperada kong sigaw at napapadyak na ako sa sobrang inis.
"Get out. I don't wanna hear that ever again," madiing sambit ni Mommy at mahina pang tinulak ang balikat ko. "I thought you want your freedom? Bakit ka nandito? Gusto mo naman bang saktan kita ulit dito?"
Napaatras ako s kan'yang sinabi at mangiyak-ngiyak na umiling dito. Palagi naman nila akong binabantaan sa tuwing naiinis na sila sa akin. Hindi lang nila ako masaktan ngayon dahil may kapit bahay kami.
"Y-You want me to leave immediately? N-Nandito ako dahil may sasabihin ako," garalgal kong sabi.
"Sana tinext mo na lang kasi! Ano na lang sasabihin ng tao rito? Magtataka sila kung sino ka!" inis n'yang sabi.
"Buntis ako at kasalanan iyon ni Valery!" nasabi ko na rin sa wakas habang alinlangan naman akong tinignan ni Valery.
"V-Ven, don't... "
Napanganga si Mommy at tinignan ang aking tiyan. "Pinagloloko mo ba ako? Paanong buntis ka, aber? At kasalanan pa ni Valery! My goodness!"
"Pinainom lang naman n'ya ako ng ecstasy, Mom! At ito ang nangyari! I'm serious, right now! Anong gagawin ko rito sa batang ito, huh?!" Tinignan ko si Valery at galit s'yang tinignan. "Anong gagawin ko sa bata, Valery?! Sana ikaw na lang nabuntis at dinamay mo pa ako sa kalokohan ng mga kaibigan mo!"
"V-Ven, I'm sorry," mahina n'yang sabi. I don't know kung sincere ba iyon pero hindi iyon ang gusto kong mangyari.
"G-Gusto mo bang sabihin ko sa mga barkada mo na buntis ako at kasalanan mo? M-Malalaman ito ng mga kasama mo hanggang sa kumalat ito," asik ko at gumaralgal ang boses ko. "Gusto n'yo 'bang mangyari iyon, Mommy? Ang masira ang image n'yo nang dahil sa kagagawan ng anak mo?"
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para sabihin iyon. Parang ako na 'yong nagbabanta sa kanila. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi ako nabuntis ng lalaki. Malay ko 'bang kasabwat iyon ni Valery.
Hindi ko ito palalampasin. Ayaw kong maghirap dahil sa kagagawan nila tapos hindi ko naman sila hihingian ng tulong. Mas mabuting may gawing tama sa ngayon ang pamilya ko. Kasalanan naman nila kung bakit nagkakaganito ang lahat.
Hindi pa rin makapaniwala si Mommy. Tinignan n'ya si Valery habang tinuturo ako.
"T-Totoo ba, Valery? Bakit mo naman ginawa iyon, huh?! Ano na lang sasabihin ng Ama n'yo at ng mga tao, huh?! Nag-iisip ka ba?!"
Medyo nagulat lang ako nang pagtaasan ng boses ni Mommy si Valery gayong alagang-alaga n'ya ito.
Umiling-iling si Valery. "I-I swear, wala sa planong galawin ka, Venny. G-Gusto ko lang lasingin ka at saktan ka pero... Pero hindi 'yong ganito."
Napaasik na lamang ako sa bulok n'yang paliwanag. Kahit anong sabihin n'ya, involve pa rin s'ya sa nangyari sa akin. Dahil sa kan'ya nagkahiwalay kami ni Marvelus at may responsibilidad na kaagad ako sa aking sinapupunan.
Sumisikip ang dibdib ko sa isipang maaga akong nabuntis at wala pang narating. At higit sa lahat, hindi naman sa lalaking mahal ko ang batang dinadala ko ngayon. Pinagsisihan ko ang lahat ng ito. Kung sana lang nakontrol ko ang aking isipan at sarili ay sana hindi ito nangyari.
Sumagi na sa isipan ko kung paano mawala ang sinapupunan ko. Pero hindi ko kayang ipalaglag ang bata dahil kasalanan iyon sa itaas. Gulong-gulo na ako at hindi alam ang gagawin. Kaya ang pamilya ko na lang ang nilapitan ko at pinaako ang responsibilidad na alagaan ako habang buntis ako.
Umabot ng tatlong buwan at sa pangangalaga ako ng pamilya. Galit si Daddy, hindi n'ya lang ako kayang saktan dahil alam n'yang may kinalaman si Valery. Kung walang kinalaman si Valery ay baka nasaktan na n'ya ako.
Tuloy pa rin ang pag-aaral ko, online nga lang. Ngunit nagtataka na si Novale at mga kaklase ko sa biglang pagkawala ko. Hindi ko masabi kung nasa'n ako ngayon. Basta ang sinabi ko lamang ay nasa ibang bansa na ako.
Hindi ko pinaalam kay Novale ang nangyari sa akin dahil sa takot ko. Soon, masasabi ko rin sa kan'ya ito.
Plano ni Mommy at Daddy na ipadala ako sa ibang bansa para maiwasan ang issue na ito. At saka baka makita pa akong naninirahan sa kanilang bahay.
Pagtungtong ng pangatlong buwan ay do'n biglang nagparamdam si Marvelus. I'm still in shocked at hindi ko kaagad nasagot ang tawag n'ya nang tawagin ako sa kalagitnaan ng gabi. Hihiga na sana ako pero nang makita ang pangalan n'ya sa aking cellphone ay kaagad akong napabalikwas.
Hawak ko ang aking dibdib nang i-swipe ko ang answer button. Ni-loud speaker ko at nilagay sa kama. Namutawi ang katahimikan at ilang segundo ako naghintay bago s'ya nagsalita.
"Baby?"
Nagbara naman ang lalamunan ko at napakagat sa sariling labi. Yakap ko ang aking unan habang naghihintay pa sa kan'yang sasabihin. Hanggang ngayon nangungulila pa rin ako sa kan'ya.
Ayos na sana kung s'ya na lang nakabuntis sa akin, ngunit hindi, eh. Hindi ko deserve ang pagmamahal n'ya. Ang gusto lang naman mangyari ay ipaglaban ang relasyon namin. Nagkakalabuan pa sila ng Ama nila nang dahil sa akin at naapektuhan iyon sa kan'yang pag-aaral.
"Are you listening?" sabi pa n'ya sa kabilang linya.
"Marv..."
"Baby," agad s'yang napabuga ng hininga nang marinig ako. "L-Look, I'm sorry kung pinagtaasan kita ng boses nakaraang ilang buwan."
Napatikhim ako para mawala ang pagkabara sa aking lalamunan. "It's okay, Marv. Naiintindihan kita."
"Let's start again, Venny. P-Please, come back to me now. I'll accept the whole you, baby. Kalimutan na lang natin ang problema natin. H'wag mo akong iwan, oh."
Grabe ang pigil ko sa hikbing muntik nang kumawala sa aking bibig. Sinubsob ko ang mukha sa unan at do'n isinigaw ang sakit ng puso ko.
Nasasaktan ako na kaya n'ya akong patawarin sa kabila ng ginawa ko. Paano kaya kapag sinabi kong buntis ako at hindi lang halik ang ginawa ko sa lalaking iyon? Kaya ba n'ya akong patawarin?
He's a good man. He's almost perfect, lahat ng katangian n'ya ay pinapangarap ng babae. Sinayang ko ang lalaking minahal ko at minahal ako. S'ya na hindi kayang magloko bagkus kayang isakripisyo ang sarili para lang hindi mabuwag ang relasyon namin. Anong ginawa ko? Sinayang ko.
"I-I'm sorry, Marv. Sorry talaga," umiiyak kong sabi at alam kong narinig na n'ya ang aking hikbi.
"Shh, don't cry. Mahal kita, Venny. Tatanggapin kita kahit anong kasalanan pa ang ginawa mo. Let's start over again, baby," garalgal ang boses n'yang sambit.
Makailang beses na akong napakurap-kurap bago alisin ang luhang naka-stock sa mga mata ko.
"Hindi na p'wede, Marv. Tatanggapin ko ang kahinatnan na ito. M-Malaki ang kasalanan ko sa 'yo kaya... Itigil na natin ito," nahihirapan kong sabi.
"Venny," awat n'ya, tila hindi n'ya tanggap ang sinabi ko. "Mahal mo naman ako, 'di ba? Aayusin natin ito. H'wag mo naman akong iwan, oh."
Umiling-iling ako kahit hindi n'ya ako nakikita. "Nasa ibang bansa na ako. Hindi na ako magpapakita sa 'yo. K-Kalimutan na lang natin ito, Marv. Sundin mo na lang ang Ama mo. L-Layuan mo na ako."
"Venny!" desperado n'yang tawag. "H'wag naman ganito! Please! Hindi ko kaya ito, baby! U-Umuwi ka na, oh. P-Pasensya ka na kung sinabihan kitang umalis. Nagmamakaawa ako, h-h'wag mo naman sabihin na lalayuan mo ako."
Napabuka ang bibig ko at lumanghap ng hangin. Sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko na kakayanin pang magtagal ng tawag sa kan'ya. Dahil alam kong magdadalawang isip ako na sasama sa kan'ya.
Ngunit hindi p'wede. Mas lalong gugulo. Ayaw ng Ama n'ya sa akin at mas lalong hindi nito tatanggapin na buntis ako at hindi pa si Marv ang Ama. Walang nakakaalam na buntis ako.
"Hindi mo na ako makikita, Marv. L-Let's separate now. Magsimula na lang tayo no'ng hindi pa natin kilala ang isa't isa," pigil ang hininga ko at binuga din. "T-Thank you sa dalawang taon na puno ng pagmamahal. Minahal kita, Marv, a-alam mo iyan. Pero kailangan kong panagutan ang kahinatnan na ginawa ko."
"W-What do you mean, Ven?"
"N-Napamahal na ako sa kan'ya, Marv. Sundin mo na lang ang Ama mo. H'wag mo akong habulin na dahil alam ko... Na makakahanap ka ng babaeng higit pa sa akin. T-Tanggap ko na." Napatakip ang palad ko sa aking bibig at napapikit. "S'ya na lang ang pipiliin ko para wala nang sakitan pa. Good bye, Marv."
Hindi pa man s'ya nakapagsalita ay agad ko na s'yang pinatayan ng tawag. Do'n pa lamang ako napahagulgol ng sobra. Sobrang sakit na hindi ko kayang pigilan. Hindi ko aakalain na aabot kami sa ganito. Hindi ako deserve ni Marv. Mas deserve n'ya ang babaeng hindi gagawa ng bagay na ginawa ko.
Gusto kong makipagbalikan pero masisira lamang ang lahat. Mas mabuting ako na lamang ang masira kaysa s'ya. Matagal na n'yang sinusunod ang kan'yang Ama at ayaw kong magkalabuan ulit sila.
This is the hardest thing na tinanggap at pinakawalan ko. 'Yong mismong kaisa-isang tao na minahal ko, iniwan ko pa. Kaisa-isang tao na tinanggap ako at minahal ng sobra.
Itinulog ko na lamang ang sakit ng dibdib ko. Masama ito sa baby at ayaw ko naman na magkaproblema sa aking kalusugan at sa batang sinapupunan ko.
Ilang beses na n'ya akong tinawagan at tinadtad ng text pero lahat ng iyon ay hindi ko sinagot. Pinakitang ko na rin ang simcard ko at simula no'n, naging tahimik na ang buong paligid ko.
Ang hirap magparaya kung mahal mo ang isang tao. Pero mas mahirap na manatili kung hindi ko man lang mapatawad ang aking sarili. Kailangan kong tanggapin muna ang lahat kung gusto kong manatili sa kan'ya. Siguro hindi na iyon mangyayari pa.
My parents took care of me even I know na labag sa loob nila ito. Si Valery naman ay hindi ko na mabasa kung ano tumatakbo sa kan'yang isipan at palagi na lang nakatingin sa tiyan ko na maumbok. Siguro hanggang ngayon sinisisi n'ya ang sarili sa nangyari sa akin.
When I gave birth, nawalan na ako ng malay at hindi na alam kung anong nangyari sa paligid. But when I woke up, halos hindi ma proseso sa aking utak nang diretsong narinig ko ang sinabi ng Doktor.
"Her twins didn't make it. I'm so sorry for your lost. "
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro