Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

CHAPTER 13


Sandali s'yang natigilan dahil do'n. Napakagat s'ya sa sariling labi na parang may pinipigilan s'ya. Napayuko na lamang s'ya bigla at bumuga ng hininga. Hinawakan n'ya ang likuran ng upuan ko at tinapat ulit ang cookie sa bibig ko.

“Look, I won't do it kung iyon ang iniisip mo. I just want you to eat your breakfast so you can regain your energy,” he said softly. “Marami pang pagkain dito na mapagpipilian mo.”

“Ayaw ko nga ng luto ng kusinera mo!” Pabalang akong tumayo. “Dapat matuwa ka nga na hindi ako nakakain! Sinasaktan mo naman ako kaya h'wag mo na akong pakainin pa!”

“Sayang ang pagkain na pinaluto ko sa 'yo, Valery,” mahinahon n'yang sambit at mariin akong tinignan.

Umiling ako rito. “Ipakain mo nga sa kanila. Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa ng babaeng iyan?!” Tinuro ko si Linda at nakayuko pa rin ito. “Hindi ako kakain ng niluto n'ya!”

Galit na tumayo din tuloy s'ya sa kan'yang kinauupuan at hinablot ako. Muntik na akong mapatili no'n at inakalang sasaktan ako ngunit hindi n'ya ginawa. Hinila lamang n'ya ulit ako pabalik sa kusina.

“You're giving me an headache, woman.”

Napasinghap ako at agad na napakapit sa kan'yang balikat nang buhatin n'ya ako at nilapag sa high chair. Gumagalaw-galaw ang panga n'ya nang tignan ang mukha ko.

“Ako na ang magluluto. Kakain ka naman siguro, 'di ba?” umaasa n'yang tanong, hinihintay na sumagot ako.

Napakurap ako dahil do'n. Gusto kong tumawa sa kan'yang sinabi. Bakit s'ya mag-e-effort na paglutuan ako gayong galit naman s'ya sa akin? Hindi naman s'ya ganito nakaraang araw sa akin.

Umiwas ako ng tingin dito. “Tapos na ako kumain kanina pa. Busog na ako kaya h'wag mo na akong paglutuan pa.”

He's so close to me that I can't breath properly. I was so confused, why he's acting like this way? Hindi ako sanay na ganito s'ya kamahinahon.

“At sino naman nagpakain sa 'yo kanina?” tanong n'ya, tumayo s'ya nang matuwid. “Himala at ayaw mong paglutuan kita. Dati gustong-gusto mong lutuan kita tapos ngayon ayaw mo?”

Tumambol ang dibdib ko at napatingin sa kan'ya. Masyado ba akong halata na nag-iba ako?

Umiwas din ako ng tingin kaagad. Baka kasi malaman n'ya ang iniisip ko.

“People change. 'Di ba ayaw mo sa akin? Why don't you just throw me outside of this house, and I'll just leave you?” hamon ko, hindi sinagot kung sino ang naghatid ng pagkain sa akin.

Siguro naman papayagan n'ya ako dahil ayaw naman n'ya sa akin? O maybe not, kaya nga hindi makatakas si Valery dahil bantay sarado s'ya sa lalaking ito. Nagsisi tuloy akong tinanong ko iyon nang makitang tagos ang galit n'yang mga tingin sa akin.

“Oh, you want to runaway now, huh?” Nilapit n'ya ang mukha sa akin, napaatras tuloy ang ulo ko at gulat s'yang tinignan. “I won't let you. You are going to say here with me.”

Tinulak ko ang dibdib n'ya pero masyado s'yang malakas. Parang pader lang din ang tinutulak ko dahil hindi man lang s'ya napaatras at mas lalo lamang inilapit ang katawan sa akin. I cursed in my mind.

“You don't love me so why are you caging me here,” mahina kong tanong, pilit na nilalabanan ang panginginig. “Y-You even hurt me, yet you're acting like a concern husband.”

I flinched when he tilted up my chin that's why I can clearly see his chestnut brown eyes. I was stunned and hypnotized by the gentleness of the way he looked at me.

Tinignan n'ya ang mga mata ko pababa sa aking labi. Hindi ko napigilan na kagatin ang ibabang labi ko. I can feel my heart racing. I don't know why I feel safe when he was caressing my arms like his calming me.

“You looked so beautiful, baby,” bigla na lang n'yang sabi at tinignan ako sa mga mata.

Ako naman ay nagulat sa kan'yang sinabi. Iba pa rin pala kapag harap-harapan n'ya akong tinawag sa endearment na iyon. What was happening? Why he's acting like he loves me now? May sakit ba s'ya at ngayon lang napagtanto na mahal naman n'ya si Valery?

Those questions will never be answered unless I stayed here for a while and investigate more about him.

Napasinghap ako nang pinagdikit n'ya ang aming noo habang s'ya ay hindi inaalis ang tingin sa aking mga mata. Gusto kong umatras pero hawak na n'ya ngayon ang batok at beywang ko na hindi ko man lang namalayan.

“S-Sparrel.”

“Stay with me, baby. I promise that I will never hurt you,” aniya.

Napatigil lamang ako nang ilapit n'ya ang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi. Napahigpit ang hawak ko sa kan'yang balikat nang mas lalo n'yang nilapit ang katawan sa akin. Pinaghiwalay pa n'ya ang binti ko at tumayo sa aking pagitan.

Mas lumakas ang pagkabog ng dibdib ko nang maramdaman ang kalambutan ng kan'yang labi na humahalik sa akin. He was sucking it like a he want to kiss my whole lips. Why did he kissed me?

He was about to put his tongue inside my mouth when I pushed his hard chest. Habol ko tuloy ang hininga nang humiwalay ang labi namin. Nanlalaki ang mga mata kong hawak ang labi habang s'ya ay parang bitin pa.

“Baby,” it's more like his begging for me.

Napailing ako nang ilang beses. This is so wrong! My sister love this guy, and all I know is this is my sister's husband. Kung mag-asawa man sila, then I shouldn't kiss my sister's husband.

He kissed me again without my permission. Muntik na akong mapaatras sa pag-atake n'ya ng halik. I pushed him again at humiwalay naman s'ya kahit kayang-kaya n'ya akong puwersahin.

“M-Mali ito. A-Akala ko ba ayaw mo sa akin?” naisatinig ko at umiling-iling pa sa kan'ya.

His thumb touched my lower lip. “I can kiss you whatever I want, baby. Anong mali sa ginagawa natin? You're my wife, and we had a kids now.”

Mag-asawa nga siguro sila. Sabi n'ya nakaraan wala lang ako sa kan'ya at hindi n'ya ako gagalawin dahil nandidiri s'ya sa akin. What happened now? Parang nag-ibang tao tuloy s'ya.

Napapikit ako nang maramdaman ulit ang pag-atake n'ya ng halik. He hugged me so tight and torridly kissing me in a slow motion. Hindi ko tuloy maiwasang madala sa kan'yang halik at ginaya rin ang ginawa n'ya.

Napasinghap at napabuka ang bibig ko nang mahina n'yang pinisil ang beywang ko. Nakuha n'ya ang pagkakataon na iyon na ipasok ang dila sa 'king loob. Tumabingi ang ulo n'ya para mas mahalikan pa ako lalo.

He was a good kisser and I can't help but to kiss him back. Ramdam kong napangiti s'ya habang inangkin n'ya ang labi ko. Minsan paunti-unting dadampian ako ng halik at saka naman sipsipin ang dila ko sa loob.

It's been years simula nang may makahalikan ako. Naalala ko tuloy bigla si Marvelus. Agad ko s'yang natulak nang maaalala ang kauna-unahang lalaking minahal ko.

I was panting, catching my breathe. Nagtataka n'ya akong tinignan at dinilaan ang ibabang labi. Napaiwas ako rito ng tingin nang haplusin n'ya ang pisngi ko. He's getting weird and I don't know how to react of his sudden change.

“Let's go to our triplets rooms,” yaya n'ya at hinalikan pa ako sa noo.

Tumango ako at hinayaan s'yang ibaba ako sa high chair. Hinawakan n'ya ang palad ko at hinila paalis ng kusina. Nakalimutan nang pilitin akong kumain. Mas mabuti nga kung gano'n dahil hindi ko kayang kumain ulit.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Sobrang liit ng kamay ko sa malaki at malapad n'yang palad. Kaya n'ya itong durugin kung gugustuhin n'ya.

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya habang naglalakad kami. Whenever his face is serious, aakalain ko talagang palagi itong galit. Lalo na kung magsasalita s'ya ay naninigas ang panga n'ya. Isa s'yang delikadong tao kung titignan. Pero nagulat talaga ako sa bigla s'yang huminahon.

We just kissed a while ago. Dapat ko 'bang sabihin kay Valery ito? S'ya ang dahilan kung bakit ako nandito at malamang alam n'yang mangyari itong halikan kapag nagpalit kami ng puwesto. Why she let me be here? Hindi ba s'ya natatakot na baka may mangyari sa amin ng asawa n'ya?

Napailing ako. Sana nga hindi ako mahulog sa bitag na ito. I was just pretending as a wife of this dangerous man. Wala dapat akong asahan sa halik na binigay dahil para iyon kay Valery.

“Mommy, can I sleep to your room?” mahinang tanong ni Soren sa gilid ko.

Binitiwan ko naman ang kutsara at hinarap s'ya. Nakanguso ito habang nagpapa-cute sa akin. Hindi ko maiwasang pugpugin ng halik ang kan'yang pisngi na ikinapikit at ngiti n'ya.

“Yes you can. Si Kuya Solo at Kuya Silas ba kasama rin?” tanong ko at hinimas ang kan'yang buhok.

Nakangusong napabaling s'ya sa tapat kung nasa kumakain si Silas katabi ni Sparrel. Medyo nagulat lamang ako nang makitang nakatingin sa akin si Sparrel habang umiinom ng tubig. Napalunok ako sa klaseng tingin na binibigay n'ya.

“I'll tell them na lang later po, Mommy.” Bumaling ulit si Soren sa akin.

Tumango-tango ako at inasikaso s'ya sa kan'yang kinakain. Marunong naman silang kumain mag-isa pero mukhang gusto nilang dalawa ni Solo na magpasubo.

Para namang dinudurog ang puso ko nang makitang sabik na sabik sila sa bawat pagsubo ko sa kanila ng pagkain. Nakangiti pa pareho at halos hindi na ako lubayan.

Tapos na ang dalawang kumain at nag-aya na manood kami ng pelikula sa living room. Tinignan ko si Sparrel na sinusubuan si Silas. Para namang lumambot ang puso ko dahil do'n.

Sa isang linggo na nandito ako, nakikita ko naman ang pagiging maalaga n'ya sa mga anak kahit busy s'ya. Hindi ko rin narinig na sinisigawan n'ya ito. Maybe he's not that dangerous.

Napatingin s'ya bigla sa akin at hindi ko kaagad naiwas ang tingin kaya nahuli n'ya akong nakatingin sa kan'ya. He smirked at me. It is not a dangerous smirk, it was a playful smirk.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro