Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

CHARTER 12


Kahit papaano naging magaan ang pakiramdam ko. Hindi physically kundi emotionally lang. Nakakain ako ng maraming pagkain at hindi na ako gutom. Thanks to Lotto. Baka nga hindi na talaga ako papakainin ni Sparrel na iyon, bahala na s'ya.

Napilit ko si Lotto na h'wag n'yang gamutin ang pasa ko at sugat. Gusto kong ipagmukha kay Sparrel na iyon kung ano ang naging resulta ng pananakit n'ya sa akin. 'Yon ay kung may konsensya s'ya.

Nakatulog naman ako nang mahimbing hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Awtomatikong nagising ang diwa ko dahil na rin siguro sa trauma ko, kahit kaunting kaluskos ay nagigising kaagad ako at kung ano-ano na ang iniisip ko.

Hindi ako gumalaw at nanatiling nakahiga lamang sa kama. I pretended that I was still asleep.

Nakadapa ako sa aking kama at ang nakatabon ang malaking kumot sa aking katawan hanggang beywang. Nakasuot ako ng fitted na sports bra para maiwasang masaktan ang sugat ko sa likuran at naka-short din ako.

Sobrang tahimik ng kwarto kaya narinig ko ang yabag ng isang tao, na alam ko kung sino. The smell of perfume telling me that he's a man, the man I loath for.

Napahigpit ang hawak ko sa aking unan nang maramdamang umupo s'ya sa gilid ng aking kama. I waited for almost a minute. I stiffened when I felt the rough hand of Sparrel, tied up my curly hair, and putted to the other side of my shoulder.

“B-Baby,”he whispered in a hoarse voice that made my heart throbbed. Bakit n'ya ako tinawag sa gano'ng endearment?

Muntik ako akong mapausog nang hawakan n'ya ang likuran ko, kung saan kitang-kita ang pasa at sugat ko na ginawa n'ya. Magaspang ang kamay n'ya na halos tumindig ang balahibo ko sa bawat haplos n'ya. He gently fondled my skin. I don't know why I felt relaxed gayong ayaw ko sa kan'ya.


I was waiting for his reaction, tila napaatras ang dila ko nang marinig ang kan'yang sinabi.

“I'm sorry, baby. Oh, f*ck,” nahihirapan n'yang sabi. Bigla na lang akong tinabihan sa kama at niyakap na parang takot ito na mawala ako at masaktan ulit.

Napakagat ako sa sariling labi nang maramdaman ang kan'yang kamay na nasa beywang ko. He was caressing it like he wants me to relaxed so that I will not be afraid on him.

Gusto kong pumalag pero natatakot ako na baka pag-alam n'yang gising ako ay saktan ulit ako. I was hoping that he won't do such a bad thing to me. 

“B-Baby, why didn't you tell me?” nahihirapan n'yang tanong, tila sobrang hirap s'yang magsalita dahil panay ang mura n'ya at hihigpitan ang yakap sa akin na nagpagulo sa utak ko. “I didn't know... I'm so sorry.”

And the next thing he did made me shocked. He kissed my back where the I got my bruises. Tila nakuryente ang katawan ko nang maramdaman ang kan'yang malambot at mainit na labi na lumalat sa aking balat. Napaawang ang labi ko... Nahihirapang makahinga.

Mas binaon ko ang aking mukha sa unan nang maramdamang humiwalay na s'ya. Gumalaw ang kama hudyat na umalis s'ya sa pagkakahiga sa aking tabi. But for the last time, he sweetly kissed my shoulder.

Namalayan ko na lang na nagsara ang pinto. Napabuga ako nang mabigat na hininga at napaupo mula sa pagkakahiga. Hawak ko ang tumatambol kong dibdib. Hindi ko alam kung kaba ba ito o dahil naapektuhan ako sa kan'yang ginawa.

Naguguluhan ako sa kan'yang inakto. May paki ba talaga s'ya kay Valery? Why did he kissed and hugged me like he was very sorry to what he did. O baka naman nagsisi na s'ya at napag-alaman na mahal n'ya ang kapatid ko?

Hindi na ako nag-isip ng malalim pa kung bakit gano'n ang inakto ni Sparrel at naligo na lamang. Kahit masakit ang sugat ko ay kailangan ko pa ring maligo. 'Yon nga lang titiisin ko ang sakit sa aking likuran kapag magsusuot ako ng damit.

Hindi na ako nagtagal sa banyo at agad na nagbihis ng over size na white t-shirt at black short. Wala akong mahanap na mahaba-habang pants sa closet ni Valery. Oo nga pala, mahilig iyon sa short at dresses.

Tumayo ako sa tapat ng malaking salamin na nakadikit sa malaking pader. Namumula ang balat ko kung saan ako hinampas ni Sparrel. Gano'n din sa aking pisngi kung saan n'ya ako sinampal. Parang maiiyak ako sa kalagayan ko ngayon.

Humanda talaga ang babaeng iyon na naging dahilan kung bakit ako nagkaroon ng ganito. Wala akong pakialam kung saktan ako ni Sparrel. Hindi ako mapapanatag na hindi man lang pagsabihan ang babaeng iyon.

Habang tinitignan ang itsura at katawan ko ngayon ay bigla kong nakita mula sa salamin ang pagbukas ng pinto. Medyo natigilan lang ako nang makitang bumalik si Sparrel. And he's carrying a medicine kit.

Sinara n'ya ang pinto. Akmang tutungo s'ya sa kama nang makitang gising na ako. Mukha pa s'yang gulat na makita ako. Napatayo s'ya nang maayos at dahan-dahang lumapit sa akin.

Inalis ko ang tingin sa kan'ya. At kumuha ng foundation at nilagyan ang pisngi ko. Mahapdi kaya napangiwi ako dahil do'n.

“Gagamutin ko ang sugat mo,” bigla na lang suhestiyon ni Sparrel nang nasa likuran ko na s'ya.

Tinignan ko lang s'ya saglit mula sa salamin at inalis ang tingin. I'm still afraid and at the same time mad at him right now. At ano raw? Gagamutin n'ya sugat ko?

Hindi ko maiwasang mapailing na parang hindi makapaniwala na gagawin n'ya iyon. May gano'n pala 'no? Sasaktan muna ako tapos gagamutin din. Galing.

Hindi pa man n'ya ako nahahawakan ay agad na akong umalis sa pwestong iyon at tumungo sa drawer ko. Napasunod s'ya kaya inis ko na itong nilingon.

“Stay away from me. Why are you even here anyway?” bahid ang inis sa boses ko nang tanungin ko s'ya. Sinamaan ko pa s'ya ng tingin bago tumungo sa kabilang gilid ng kama.

“Bab— Valery, gagamutin ko nga sugat mo,” pikit matang sambit n'ya, muntik na n'yang sabihin ang endearment na kanina n'ya tinawag sa akin.

“Ayaw ko,” matigas kong sabi.

Nilapag n'ya ang medical kit sa kama. Napansin ko tuloy ang muscle n'ya sa braso na naninigas. Bakat ang abs n'ya sa manipis n'yang sando.

“Namamaga ang likuran mo. Come on, gagamutin ko na.”

Naningkit ang mga mata ko. I can't believe this guy. Bakit naman n'ya ako gagamutin kung s'ya nga ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng ganito. His hopeful eyes telling me that he was guilty to what he just did to me.

“What the f*ck are you trying to do with me? Stop this bullsh*t. Stop acting like you really are guilty.” mariin kong sabi at mabilis na umalis sa kwartong iyon kahit hindi ko alam kung p'wede na ba akong lumabas.

Well, mukha namang mahinahon s'ya. Pero kahit gano'n hindi ako naniniwala. Mahirap magtiwala sa ahas.

Ramdam kong sinusundan n'ya ako hanggang sa makababa sa ground floor. Hinintay ko s'yang bulyawan ako pero hindi nangyari. Inis ko tuloy s'yang nilingon dahil do'n.

Why he's acting calm right now? And he's staring at me, never leaving his eyes off to me. Napangiwi ako ro'n at tumungo sa dining hall.

Pagkapasok ko sa dining hall, agad akong napatigil nang makitang marami ang mga iba't ibang pagkain na nakahain sa mahabang lamesa. I cringed my forehead. May birthday ba o ano?

Hindi ko iyon pinansin at naglakad papunta sa kusina. Pero hindi pa man ako nakalimamg hakbang nang hablutin ni Sparrel ang siko ko. Agad akong napalayo at winaksi ang kan'yang kamay. Napataas ang balahibo ko dahil do'n.

Mukhang hindi n'ya iyon inaasahan at sandali pa s'yang napatigil. He gulped.

“I asked a maid to cooked a different dishes for you. Gutom ka na ba? You haven't eaten for almost twenty hours—”

“Hindi ako kakain,” matigas kong sabat at hindi na s'ya pinatapos. Nakakatamad na pakinggan s'ya. “At mas lalong hindi ko kakainin ang mga niluto ng kusinera mo. Pakainin mo sila kung gusto mo.”

Alam ko naman kung sino ang taga luto rito. Malay ko bang lasunin ako no'n. That Linda. She's getting into my nerves.

Bumuka ang bibig n'ya pero hindi ko na s'ya pinagsalita at agad na tinalikuran. Hindi naman ako gutom, nauuhaw lang. May natira pa namang pagkain kaninang madaling araw kaya kinain ko na kanina.

“Valery!” suddenly his voice became bossy.

Patay malisya lamang ako. Mas lalo lamang nadagdagan ang sama ng loob ko nang makita ang babaeng kanina ko pa hinahanap dito sa kusina.

Walang ekspresyon ko lamang s'ya tignan. Napayuko s'ya, hindi ko alam kung guilty ba s'ya o ano. Dapat lang, sinungaling ba naman at ako napahamak.

“You are going to eat, woman,” madiin na sambit ni Sparrel sa gilid ko habang kumukuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator.

Tinignan ko ito. Nakakunot na ang noo n'ya pero hindi kagaya nakaraan na halos pinapatay na n'ya sa isip n'ya. Lumayo ako rito at iniiwasan na makita ang pagmumukha n'ya. Napadighay pa ako nang matapos kong uminom.

Akmang lalampasan ko na sana s'ya nang harangan n'ya ako at ikinulong sa pagitan ng refrigerator. Napatingala tuloy ako sa sobrang taas n'ya. Nakababa ang tingin n'ya dahil hanggang dibdib ko s'ya. He gritted his teeth.

“Don't you ever turn your back at me woman. Eat your breakfast now!” maotoridad n'yang bulalas.

Mahina kong tinulak ang dibdib n'ya pero mabilis lamang n'ya itong hinawakan at tinapat sa tumataas-baba n'yang dibdib. I can feel his heartbeat, it was beating so fast... Just like mine.

Mabilis kong inalis din iyon. “Sabi nga ayaw ko. Bakit ang kulit-kulit mo, ah? Busog ako.”

Tinitigan n'ya ang mga mata ko na parang binabantaan na n'ya ako. Umiwas ako ng tingin dito nang makaramdam kang kakaibang pakiramdam. I can't still believe that he actually said sorry a while ago. Well, I'm not going to tell him that.

“A-Ano ba, Sparrel!” taranta kong reklamo nang hilahin n'ya ako palabas ng kusina.

“Kakain ka o ako mismo ang susubo sa 'yo? H'wag mo akong galitin.”

Nadatnan ko na lang na nakahilira ang mga maids sa dining hall. Nakayuko silang lahat at walang balak na tumingin sa amin. Nainis lamang ako nang makitang nando'n na si Linda.

Nagpumiglas ako sa hawak ni Sparrel ngunit napatili ako nang bigla n'ya akong binuhat na parang bagong kasal. Napasinghap ako nang bahagyang kinagat n'ya ang balikat ko. Gusto ko s'yang sampalin pero napaatras ang dila ko nang makita ang seryoso n'yang mukha nang ilapag ako sa upuan.

Tinukod n'ya ang palad sa lamesa na nasa gilid ko at dinungaw ang aking mukha. Salubong ang kilay ko tuloy s'yang tinignan. Takot ako pero ayaw ko naman ipakitang gano'n.

“Busog nga ako, Sparrel! Ayaw kong kumain!”

“Nakakabusog ba ang tubig, huh? For f*cking sake twenty hours kang hindi nakakain, babae,” madiin n'yang sabi at mabilis na kumuha ng cookie sa gilid at nilapag sa harapan ko. “Kain na.”

Hindi ko s'ya pinansin at pinagkrus lamang ang braso sa harapan ng dibdib ko. Salubong pa rin ang kilay kong nakatingin sa harapan. Nawawalan na tuloy s'ya ng pasensya.

“F*ck this,” malutong n'yang mura at umupo sa tabi ko. Kumuha s'ya ng isang pirasong cookie at tinapat sa bibig ko. “Kailangan mong kumain, babae. Alam kong gutom ka.”

“Tapos ano? Pagkatapos mo akong pakainin ay ikukulong mo na naman ako sa kwarto at isang araw ulit na hindi pakainin? Is that it?” Marahas akong napatingin sa kan'ya. “Tapos sasaktan mo ako, huh? Sana hinayaan mo na lang akong makulong sa kwarto. I don't wanna see your face naman.”

I can't help to be sarcastic while saying that to him. Gano'n naman talaga ang mga taong mahilig manakit, 'di ba? Sa una aalagaan ka tapos pagbubuhatan ka na ng kamay sa susunod. Nangyari na sa akin ito mula sa kamay ng pamilya ko.

Hanggang ngayon masakit pa rin at nakatatak na sa puso ko na sila 'yong taong nanakit sa akin. Mahirap talagang magpatawad lalo pa't malaking epekto ang ginawa nila sa akin.

That's why I don't like for being rich. Kadalasan kasi kapag nasa tuktok ka na, nakalilimutan mo nang tumingin sa ibaba. You are blinded by the temporary spotlight. You choose the temporary happiness than genuine love and joy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro