
CHAPTER 10
CHAPTER 10
Nakagugulat na si Lotto pala ang pinadala rito ni Larzon para mabantayan ako. At higit sa lahat hindi ko akalain na magkakilala pala silang dalawa.
Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Lotto. Hindi kami masyadong close noon no'ng magkaklase kami. Madalas kasi training ang inaatupag n'ya sa ROTC. Palagi ko kasing kasama si Marvelus kaya wala ako masyadong naging kaibigan noon bukod kay Novale.
Hindi na ako nakipagsagutan pa kay Sparrel tungkol sa body guard na magbabantay sa akin since si Lotto lang naman ito. Kahit anong gawin ko ay hindi n'ya naman siguro sasabihin kay Sparrel.
“Do you want to escape now?” tanong ni Lotto sa akin habang naririto kami sa pool side, naliligo kasi mga bata kaya gusto kong bantayan sila.
Napatingin ako sa kan'ya. Unang napansin ko ay ang singkit n'yang nga mata na kasing singkit ng Japanese. Naka-army cut ang buhok n'ya pero kahit gano'n, hindi nawawala ang kaangasan n'ya.
Naalis ang tingin ko sa kan'ya nang makitang nakatingin sa amin si Sparrel sa 'di kalayuan. He was holding a phone, may katawagan habang seryoso akong tinitignan.
Napaiwas ako ng tingin at tinutok ang mata sa mga bata.
“Madali lang naman ang two months. Kakayanin ko pa,” sagot ko kay Lotto habang hindi nakatingin dito. “Kumusta pala. Saan ka nagtatarbaho? ”
“I'm good. I'm already working here for almost one year,” sagot n'ya na ikinakurap ko.
Gusto kong tignan ang mukha n'ya pero may pumipigil sa akin. Alam kong nand'yan pa si Sparrel at sa kaunting galaw ko lang ay baka mahalata n'ya na magkakilala kami.
Napatikhim ako at umayos sa pagkakatayo. “B-Baka masira ang tarbaho mo nang dahil sa akin.”
“Nah, gusto ko na ring umalis dito. This place is dangerous, more than I imagine.”
Hindi ko mapigilan na mapatingin sa kan'ya. Wala na si Sparrel kaya nakahinga ako nang maluwag dahil magagawa kong makipag-usap kay Lotto.
“Alam kong delikado ang bahay na ito. Pero hindi ko alam kung ano iyon,” ani ko. “Mayaman s'ya at bukod do'n, kaya n'yang gawin ang lahat. May hindi pa ba ako nalalaman tungkol dito, Lotto?”
Mukhang nagulat pa s'ya nang tinawag ko s'ya sa kan'yang pangalan. Kaagad s'yang nakabawi. Tumikhim ito.
“Better distance yourself from him. Kahit babae ka pa man ay kaya ka n'yang saktan. Mahahalintulad s'ya sa demonyo kaya... Mag-ingat ka,” paalala n'ya na nagpakunot ng noo ko.
“I don't understand. Sabihin mo sa akin ang nalalaman mo tungkol sa kan'ya. ”
He shook his head, mukhang mahirap na sabihin sa akin kung ano ba talaga ang tunay na kasagutan.
“He got a lot of army and associates, Ven. Kaya talagang mag-ingat ka sa iyong kinikilos. Maraming nakabantay pero pasalamat ka na lang dahil sa ngayon ako ang pinagkatiwala na bantayan ka. Wala naman kasi s'yang pakialam kay Valery,” tugon n'ya.
Dahil sa sinabi n'ya ay bigla akong kinabahan. Tama nga siguro ang iniisip ko noon. Hindi lang s'ya simpleng mayamang tao. I think may connection s'ya sa mga politiko, if I'm not mistaken. Sabi nga ni Lotto marami s'yang army. So that's mean marami s'yang connection, hindi lamang sa politiko.
Tinanong ko pa si Lotto kung sino ba talaga si Sparrel ngunit hindi n'ya masabi sa akin. He just want me to be careful next time kapag nagagalit na si Sparrel. I am aware na kaya n'ya talagang manakit kahit babae.
Hindi na kami nakapag-usap pa ni Lotto dahil biglang may dumating na maid. Medyo nagtaka pa ako nang sinamaan n'ya ako ng tingin bago tinignan si Lotto na nakatingin lamang sa 'di kalayuan.
Pinuntahan ko ang triplets at isa-isang pinunasan ang kanilang basang katawan. Nahagip ng tingin ko si Lotto na umupo sa sun bathing habang nakatingin sa triplets tapos sa akin.
May kung anong emosyon sa kan'yang mga mata na nagbigay katanungan sa akin. Seryoso man ang titig n'ya ay ramdam kong may ibig sabihin iyon.
“Let me help you.” Hindi pa man ako nakaangal ay kinuha n'ya ang towel sa akin at s'ya na mismo ang nagpunas ng buhok kay Solo. Ngiting-ngiti tuloy ang bata.
Dumaan bigla ang maid sa aming harapan at huminto sa tabi ni Lotto. Mukhang nahihiya ito pero nilakasan lamang ang loob na harapin.
“L-Lotto,” wika ng katulong habang nakaabang kay Lotto.
Hindi ko na sila tinignan pa nang kinalabit ako bigla ni Silas. Kapag talaga nakatingin ako sa mga mata n'ya naaalala ko bigla si Sparrel. His hard expression is very similar to his father. Sana sa paglaki ng batang ito hindi s'ya matulad sa kan'yang Ama.
Tinaas n'ya ang dalawang kamay sa aking harapan. Bigla na lang akong natawa at binuhat na s'ya gaya sa gusto n'yang mangyari.
Akala ko matatagalan ko pang makuha ang loob ni Silas. S'ya pa naman ang hindi madaling suyuin at hindi basta-basta naniniwala sa mga tao. Maybe he really love his mother that he almost forgot na nanakit din ito sa kan'ya.
“Ano iyon, Linda?”
“N-Nagluto ako ng makakain mo. Alam kong pagod ka sa tarbaho mo,” wika ng babaeng nangangalang Linda.
Napakunot ang noo ko. Magkaano-ano ba sila nito? Magkasintahan ba? Nakinig pa ako habang pinupunasan din si Soren. Tahimik silang pareho pero nanlalambing namang nakayakap ngayon sa akin. Mukhang pagod na nga.
“Hindi ako nagugutom, kainin mo na lang,” biglang sabi ni Lotto. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kan'ya.
Mukhang may gusto ang babaeng ito kay Lotto pero hindi interesado ang lalaki. Nalulungkot na kaagad ako para sa babae. She was basically showing her affection towards Lotto. Pero hindi kasi mapipilitan ang isang tao na mahalin ka nila.
Naniniwala naman ako na minsan sa una hindi pa nagkakagusto ang isang tao pero eventually mahuhulog din. There's a reason naman. Maybe sa huli na n'ya nakikitang s'ya na pala ang hinahanap n'ya at nade-develop pa lamang ang nararamdaman ng tao para sa isang tao na nagpapakita ng motibo.
Tulad sa nangyari sa amin ni Marvelus. We don't like each other, but one day, Marvelus told me that he likes me. I refused many times, but ended up with him. Sa kan'ya pa rin ako nahulog.
It was so sad to think that we spent our two years for being in relationship, but ended up in tragedy. Hindi ko mapigilan ang sarili na sisihin sa lahat dahil kahit hindi ko sinasadya, kasalanan ko pa rin.
“Pero s-sayang naman ang pagkain na niluto ko para sa 'yo, Lotto, ” nanghihinayang na sambit ni Linda. Mukhang gusto talaga n'yang pakainin si Lotto.
Tinignan tuloy s'ya ni Lotto na parang nawawalan na s'ya ng pasensya.
“Hindi ka ba nahihiya sa Amo natin?” Tukoy n'ya sa akin na ikinalaki ng mata ko. “Binabantayan ko s'ya kaya h'wag mo muna akong istorbuhin sa tarbaho ko.”
I was a bit shocked sa sinabi n'ya. His voice was a bit harsh. I already know that he hates woman, that's why alam ko kung bakit gano'n na lang n'ya tanggihan si Linda.
Parang napipi si Linda sa kan'yang kinatatayuan habang hindi makapaniwalang tinignan si Lotto.Napatingin s'ya bigla sa akin at nagulat lamang sa kan'yang inasta. She just gave me a death glare tapos lakad-takbong pumasok sa bahay.
Napakurap ang mga mata ko at gustong matawa. Nagseselos ba s'ya dahil ako 'yong binibigyan ng atensyon ngayon ni Lotto? Tapos tinarayan at sinamaan pa nya ako ng tingin! I can't believe this.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at baka sumama lamang ang loob ko. She was just jealous kaya kailangan kong intindihin. Mukhang hindi kami magkakasundo ng babaeng iyon. I was planning to make friends with her, but I don't think it's a good idea.
Pinatulog ko na ang mga bata dahil inaantok na raw sila. Tapos na rin naman silang kumain ng tanghalian kanina kaya mas maayos na natutulog sila ng hapon. Si Lotto naman ay nasa labas ng bahay nagbabantay. Wala rin naman kasi dito si Sparrel.
Tumungo ako sa kusina para sana magluto ng magiging desert ng mga bata. Nakasalubong ko bigla si Linda na may hawak na mangkok, mukhang mainit-init pa.
Walang emosyon lang naman n'ya akong tinignan ngunit nagawa n'yang yumukod bilang paggalang sa akin. Nag-aalinlangan ako sa aking itutugon at mas pinili na lamang na lampasan s'ya. Hindi na ako naging komportable sa kan'ya.
Once kasi na hindi ako komportable sa tao ay nilalayuan ko na lamang. Ewan, takot siguro? Kagaya na lang ni Sparrel. Mas gugustuhin kong hindi s'ya nakikita.
Tinignan ko ang refrigerator at kumuha ng mga kasangkapan na p'wedeng magamit sa salad. Pagkatalikod ko mula sa refrigerator ay gano'n na lang ang gulat ko nang may mainit na sabaw na sumabog sa tiyan hanggang sa paa ko. Nabitawan ko ang mga sangkap at napasinghap sa sobrang sakit.
“Sh*t! Sh*t!” hindi ko mapigilang sambitin.
“P-Pasensya na po, Ma'am! ”
Tinignan ko kung sino ang may pakana at gano'n na lang ang galit ko nang makitang s'ya pala ang sumaboy no'n! What the f*ck, right?!
Okay sana kung hindi sinasadya kaso sinadya n'ya, eh! Kitang-kita ko na sinaboy n'ya iyon sa akin! T*ngina lang.
Mabilis kong hinugasan ang aking tiyan at binti hanggang paa. Buti na lang hindi gano'n kainit ang sabaw kundi baka napaso talaga ako nito.
“Sorry po talaga, Ma'am. Hindi ko sinadya.”
Liar! Halatang hindi naman s'ya sincere! Hindi ko ito palalampasin!
Galit ko s'yang tinignan. “Sino ka para gawin sa akin iyon, huh?! Sinadya mo!” akusa ko na alam kong totoo naman.
Bago pa man s'ya makapagsalita ay may boses kaming narinig sa labas ng kusina. Nagulat lamang ako nang bumagsak s'ya sa sahig kung saan nakakalat ang niluto n'yang ulam na may sabaw.
“L-Linda?”
Napanganga na lang ako sa kan'yang inasta ngayon na may nakakita sa amin. Mabilis s'yang nilapitan ng kasama n'ya at s'ya naman ay tudo iyak habang takot na takot akong tinignan. Gosh! May ganito palang tao sa mansyon na ito? Bilib din ako sa babaeng 'to, ah!
Mukhang galit na rin ang kasama n'ya sa akin. Galit na nga, eh.
“Anong ginawa sa 'yo, Linda? ” nag-aalalang tanong ng kasama n'ya.
Tinignan muna n'ya ako bago umiwas. May luha pang tumulo sa mga mata n'ya.
“T-Tinabig n'ya ang sabaw na niluto ko. P-Para sana iyon kay Sir, eh.”
“Bakit n'yo po iyon ginawa kay Linda, Ma'am?” hindi na makapagtimpi ang kasama n'ya at disappointed akong tinignan.
Napasinghal ako. Nice, nandito ang demonyo at malamang ako ang ituturo nila na may kasalanan.
Napabuga ako nang marahas na hininga. “Grabe, ako na nga 'yong sinabuyan ng mainit na sabaw tapos ako pa may kasalanan. Galing din ng acting ng kasama n'yo.”
“Makakarating ito kay Sir Sullivan, Ma'am. Ang ginawa n'yo ay hindi makatarungan. Grabe, sama pa rin ng ugali n'yo,” madiin n'yang sambit na ikinasinghal ko lamang.
“Edi magsumbong kayo!” hindi ko mapigilan na isigaw iyon at mabibilis ang hakbang na tumungo sa aking kuwarto.
Walang maniniwala sa akin. Sino naman, aber? Alam nila kung gaano kasama ang ugali ni Valery, kaya malamang hindi sila maniniwalang nagsasabi ako ng totoo. Magsama sila, eh!
Pabagsak na isinara ko ang pinto at umupo sa aking kama. Ramdam ko na ang tumutulo sa aking nga mata, luha na pumapatak. Gosh. Sinubukan kong magpakatatag pero ang hina ko pa rin.
Kinalma ko muna ang sarili ko at nagawa ko naman. Sanay na ako sa ganito, 'di ba? Kahit nga sa pag-iyak kaya kong pigilan ang hikbi kahit ubos na ubos na ang luha ko sa kakaiyak. Kaya ko ito.
Napakagat ako sa sariling labi nang maalalang isusumbong nila ako kay Sparrel. Ano kaya ang gagawin no'n sa akin? Hindi ko alam kung gagawin n'yang big deal ang nangyari sa katulong na iyon.
Napatalon ako nang bahagya sa aking kinauupuan nang marinig ang marahas na pagkatok ng pinto. Tumambol ang dibdib ko nang sumigaw s'ya sa labas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro