Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 09

CHAPTER 09

Hindi na ulit ako binangungot at naging maganda naman kahit papaano ang gising ko. 'Yon nga lang hindi pa nakaalis ang lalaking iyon. Akala ko pumunta na s'ya sa kan'yang tarbaho.

Pagkababa at punta ko sa kusina ay nadatnan ko ang dalawa n'yang anak. Nakangiting nilapitan ko sila at do'n ko lang napansin na may kasama pa pala silang bata.

Umupo ako sa tabi ni Soren at do'n pa lang ako napansin ng mga bata. Agad akong niyakap ni Soren pagkakita sa akin.

“Mommy!” Mahigpit n'ya akong niyakap na parang mawawala ako.

“Good morning sa 'yo, baby.” Napatingin ako kay Solo na nakayakap na rin sa aking beywang. Mangiyak-ngiyak n'ya akong tinignan kaya binitiwan ko saglit si Soren at hindi naman nagreklamo.

“M-Mommy,” garalgal n'yang sabi at yumuko sa aking harapan.

Napangiti naman ako ngunit hindi ko maiwasang mag-alala. Para kasing iiyak s'ya ngayon.

“Solo, baby ko.” Marahan ko s'yang binuhat at pinakandong sa aking hita. “Bakit malungkot si baby Solo ko? Hmm?”

Mahina kong pinisil ang kan'yang ilong. Sobrang cute talaga ng batang ito. Mamula-mula ang labi at maputi. Halatang may dugong amerikano dahil sa kan'yang Ama.

Niyakap n'ya ako kaya naman tumugon ako rito. Mahina kong tinapik ang kan'yang puwet na parang pinapatulog ko s'ya. Kay aga-aga nagpapa-baby.

Tinignan ko ang isa pang batang lalaki. Natigilan ako at muntik na akong mapanganga nang makita ang kan'yang klarong mukha, kamukha ng kambal. Anak na naman ni Sparrel? Triplets?!

Nakatitig na rin s'ya ngayon sa akin na parang kinikilatis ako. Mukhang seryoso na klaseng bata ito at inoobserbahan ako.

Umalis sa pagkakayakap si Solo at inaya ang batang lalaki na kasing mukha ni Solo.

“Come on, Kuya Silas. Mommy won't hurt us,” masayang ani Solo sa kan'yang kakambal na panganay yata sa kanila. Silas was his name.

Tinignan lamang s'ya sna walang ekspresyon ni Solo. Bumaba na lamang si Solo mula sa aking hita at hinila ang kan'yang Kuya. Nagpahila naman ito hanggang sa makarating sa aking harapan. Tiningala n'ya ako.

“Mommy, gusto rin po ni Kuya Silas ng hug,” wika ni Solo at mahinang tinulak ang likuran ni Silas para lumapit pa ito sa akin.

Tinitigan ko si Silas. May pagkahawig na nga sila sa mukha, pati ba naman sa ekpresyon ng mukha gano'n din? Parang hinahalungkat nito ang buo kong pagkatao. Mahahalata kaya n'yang hindi ako ang kan'yang Ina?

Isinawalang bahala ko muna iyon at hinawakan ang kan'yang makinis na kamay. Bahagyang napatalon pa s'ya sa kan'yang kinatatayuan. Dahan-dahan n'yang binalingan ng tingin ang maliit n'yang kamay na hinihimas ko ngayon. Sobrang gaan at ang kinis.

“Good morning, big boy.” 
Nakangiting ginulo ko ang buhok n'ya na ikinanigas n'ya sa kan'yang kinatatayuan habang nakatingin sa akin. Mas lalo tuloy akong napangiti.

“Hindi kita nakita kahapon, anak. Saan ka pala galing kahapon?” malambing kong dugtong. Baka kasi ayawan n'ya ako at baklasin ang aking kamay.

Gusto kong maging komportable s'ya sa akin. Kanina kasi nagdadalawang isip s'ya at mukhang hindi pa naniniwala na mahinahon ako ngayong kausap. Malaking trauma sa bata kapag sinasaktan ng magulang, kaya gano'n na lang ang galit ko kay Valery ngayon.

Napangiti ako nang kusa s'yang lumapit at nakatingala na ngayon sa akin. Tila kinakabisado n'ya ang mukha ko ngayon gayong nasa malapitan na n'ya ako.

“Kumusta ang anak ko?” Malambing ko s'yang hinila at niyakap ang ulo n'yang nakasubsob sa aking tiyan.

Hindi ito sumagot pero ayos na rin na hindi n'ya ako iniwasan. Bagkus mas sinubsob pa n'ya ang mukha sa aking tiyan. Inaya ko si Soren at Solo na lumapit sa akin at nakuha naman nila ang gusto ko. Nakayakap na silang tatlo sa akin ngayon na ikinatawa pareho ni Solo at Soren.

“M-Ma'am, nand'yan na po si Sir,” bigla na lang sambit ng katulong kaya napatingin ako sa pintuan banda.

Napalunok na lamang ako sa sariling laway nang makitang papalapit s'ya sa kinaroroonan namin. As usual, nakakunot na naman ang noo n'ya. He's wearing a simple white t-shirt and loose pants that suits him well. I can't stop myself from complimenting his muskily figure.


“Why are you hugging them? ” tanong n'ya nang huminto s'ya sa harapan ko. Napaangat tuloy ang tingin ko sa kan'ya sa sobrang taas n'ya.

“Uhmm.” Napaiwas ako ng tingin. Nakaka-intimidate kasi ang titig n'ya at hindi ko nakayanan. Napatingin tuloy ako sa mga anak n'ya na ngayon ay mas mahigpit na akong yakap lalo na si Soren.

“I'm asking you,” ulit na tanong ni Sparrel ngunit sinundan iyon ni Soren.

“Please, daddy, don't hurt our mommy.” Sumubsob ang mukha ni Soren sa aking leeg habang nakatayo sa upuang nasa gilid ko.

“I want my mommy to feed me,” ani Solo at sinubsob ang mukha sa gilid ng beywang ko habang tahimik pa rin si Silas na nakasubsob sa aking tiyan.

Alinlangan na tinignan ko si Sparrel. Napabuga lamang s'ya ng hininga at umupo sa upuan na kaharap ko lamang. Pinagigitnaan kami ng lamesa.

Tumikhim ako at hinimas ang mga buhok nilang lahat. “Kain na tayo, babies. Maupo na kayo.”

Agad naman silang sumunod. Hindi pa sana aalis si Silas sa pagkakayakap sa akin ngunit pinagsabihan s'ya ni Sparrel na kumain na. Masama ang tingin n'yang tumungo sa tabi ng kan'yang Ama habang nasa makabilang ko naman si Soren at Solo. Pasalit-salit tuloy ang subo ko sa kanila ng pagkain.

“Hatid n'yo po ako sa school sa Monday, mommy?”tanong ni Soren at bahagyang dinuduyan ang mga paa sa ilalim.

“Ano kasi ana—”

“Your mommy gonna stay here, princess.” Walang ekpresyon akong sinulyapan ni Sparrel bago dinuntungan ang sasabihin. “Your personal maid will accompany you. Do you understand, Soren?”

Napayuko si Soren at mukhang nalungkot sa sinabi ni Sparrel. Tumango lamang ito at s'ya na mismo ang kumain mag-isa. Tila gusto n'yang pilitin ang Ama pero nakita naman n'yang seryoso itong kumakain.

Napakagat ako sa sariling labi at pinipigilan na sumabog. Ano naman kung ihahatid ko ang mga bata? Ayaw n'ya bang nagiging malapit ako ngayon sa mga anak n'ya? Palagi na lang bawal at s'ya ang masusunod.

Wala na nagtangkang magsalita habang kumain kami sa hapag-kainan. Pinunasan ko ng tissue ang kanilang mga bibig nang maubos na nila ang pagkain.

“Wash muna ako ng plate, ah. Laro na kayo pagkatapos n'yong uminom ng tubig,” sabi ko sa kanila na ikinatango nito.

“Okay, mommy.” Hinalikan ako ni Soren sa pisngi at gano'n din si Silas bago sila kumaripas ng takbo kung saan man sila pupunta.

Napakamot na lamang ako sa ulo at hindi kaagad sila napigilan. Baka masuka sila sa kakatakbo nila.

“Is that really you, Valery?” bigla na lang tanong ni Sparrel na ikinatingin ko sa kan'ya, medyo nanlaki lang ang mata ko.

“H-Huh?” Sh*t. Kinakabahan ako sa kan'yang titig. Alam ba n'ya? Masyado pang maaga para malaman n'ya!

Naningkit ang mga mata n'ya at sinuri ang mukha ko. Kapag ganito na s'ya ay may malalim itong iniisip. Gano'n ang sabi sa akin ni Valery kaya mas mabuti raw na umiwas na ako.

Pero paano ako iiwas kung na-stuck ako sa kan'yang nakakahalinang titig? Kung hindi lang masama ugali nito ay baka nagkagusto ako rito o makakasundo pa.

“Sa tagal ng taon na naninirahan ka rito, ni minsan hindi mo sila pinahalagahan... Why suddenly change, Valery?” tanong n'ya at napasandig pa sa upuan habang hinihintay ang sagot ko.

“Hindi ba p'wedeng bumabawi ako sa kanila?” taas-kilay kong tanong at niligpit ang mga pinagkainan namin.

Kailangan ko nang iwasan s'ya at baka mapansin n'ya ang tumatakbo sa aking isipan. Mukha pa namang mabilis s'yang makabasa ng utak. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang iniisip n'ya ngayon.

Hindi naman n'ya maiisip na may kakambal si Valery dahil batid kong hindi iyon sasagi sa kan'yang isip lalo pa't bata pa lang ako, ni minsan hindi ako pinakilala ng mga magulang ko sa iba.

Iniwan ko s'ya sa hapag-kainan at tumungo sa kusina. Nagulat pa ang ilang mga katulong pagkapasok ko.

“A-Ako na ang maghuhugas, Ma'am.” Nilapitan ako ng isang katulong at nag-aalinlangan na bawiin ang hawak kong plato.

Tinapik ko lamang ang kan'yang balikat at ngitian s'ya. “Okay lang, isang plato lang naman ito, Ate.”

“P-Pero...”

Hindi ko na at pinansin at mabilis na tinapos ang paghuhugas ko. Kaso may nakita akong baso kaya hinugasan ko na rin ito hanggang sa wala nang huhugasin. Mukhang 'di pa makapaniwala ang ilang tao rito sa kusina dahil sa aking ginawa.

Malamang hindi naghuhugas si Valery o nagtatarbaho man lang. Ayon pa.

Babalik na sana ako sa kuwarto ko nang sumulpot si Sparrel. Napatigil ako at taka s'yang tinignan nang harangin ako.

“Why?” taka kong tanong. Namalayan ko na lang nakatingin na din ako sa kasama n'yang bodyguard. This time it was a different guy.

Hindi ko pa nakita ang mukha ng guard nang agad na sumabat si Sparrel.

“I know you are planning to escape here, so I let my body guard to watch over you,” seryoso n'yang sabi na ikinakunot ng noo ko. Gawin pa akong bata.

“Hindi ko kailangan ng body guard.” Akmang lalampasan ko sana s'ya pero mabilis n'ya akong hinawakan sa braso. Mahigpit n'ya itong hawak na tila pinipiga.

“Ano ba!” singhal ko at pilit na binabaklas ang kamay ko sa kan'ya. Agad naman n'ya itong binitiwan nang pabalang at masama akong tinginan.

“I don't trust you so whether you like it or not, my body guard will watch over you. May gawin ka lang na hindi tama ay hindi ako magdadalawang isip na saktan ka,” madiin at galit n'yang sabi bago ako iniwan do'n.

Nakangiwing hawak ko pa rin ang aking braso. Hindi pa rin umaalis ang body guard kaya napaangat ang tingin ko para tignan ang mukha nito.

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat nang makita ang pamilyar na mukha ng taong nasa harapan ko ngayon.

Seryoso itong nakatayo nang matuwid sa harapan ko. Tinignan n'ya pa ang paligid bago ako nilapitan. Tumapat ang bibig n'ya sa aking taenga nang dumukwang s'ya para makabulong.

“It was nice seeing you here, Ven. I will guide you and help you out if possible, ” mahina n'yang bulong sa taenga ko.

Gulat ko pa rin s'yang tinignan. Paanong hindi ko makakalimutan ang lalaking? S'ya lang naman naging kaklase ko sa college.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro