
CHAPTER 08
CHAPTER 08
Gusto ko lang naman ay bumalik ang magulang ko at makalaya na kung sakaling totoo ang sinasabi ni Valery na tinatago ito ni Sparrel. Gusto ko lang tumulong pero hindi ibig sabihin no'n ay nagpapa-impress ako sa magulang ko para matanggap nila ako.
Matagal ko nang tanggap na kahit kailan, hindi nila makikita na anak nila ako. Sana noon pa, 'di ba? I tried my best to make them proud. Have an higher grade just to make them impress. But I had received was a slapped from my mother.
“You should hide everytime the visitor's comes in our house. Got it, Venny?” paalala sa akin ni Mommy na ikinatango ko bilang masunuring bata.
Mother knows best, and that's what I am keeping in my mind. But I was punched by the reality that not all mother knows best for their child. Some of them wants you suffer and keep you hidden like they are disgusted to show you to the whole world.
Hindi lahat ng Ina ipagtatanggol ka dahil sa anak ka nila. Hindi ako naniniwala na lahat ng Ina ay alam ang makakabuti sa anak. Sa daming tao sa mundo, that's mean they all knew what's the best for their child? Malaking kalokohan dahil napatunayan ko na iyan.
Even my Dad. He used to be my hero, but why he just watched me the time that my mother beat me like they want me gone?
I was questioning myself if what did I do wrong to make them mad. What did I do wrong that they want me to suffer in their arms?
When I got in college, nalaman ko na kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit nila iyon ginawa. Maitim ako at hindi marunong manamit ng maayos. Dahil sa aksidenteng nangyari no'ng bata pa lang ako ay nagkaroon ako ng peklat sa mukha, pati na rin sa katawan.
That's why they are disgusted, huh? Kasalanan ko ba na nagkaganito ako dahil sa kagagawan nila?
Our family is not that perfect like people's see. Because of money and fame, they can literally leave me and choose the power over love. That's the reality.
“You want me to be proud of you, right? Magpa-opera ka anak at nang bumalik sa dating maganda ang mukha mo,” pangungumbinsi ni Mommy at sinuklay-suklay pa ang buhok ko.
Lumayo ako sa kan'ya at matigas na umiling dito. Gusto ko ang idea na ipapagamot ko ang aking peklat pero dahil alam ko kung bakit gusto nilang ayusin ito ay agad akong tumanggi.
I don't want to be involve in their world. They are such a cruel for leaving me behind just because I'm ugly, and my twin got a perfect features. I envy her because of that, but the fact that they're going to use me, I refused to do an operation.
I was first year college when I met Marvelus. I thought he was just playing with me when he asked me if he can court me.
“Ano ang nagustuhan mo sa akin?” taka kong tanong at pinagkrus ang braso sa harapan.
I don't want to be rude, but I have to. Baka sabihin n'yang mabait ako kaya n'ya ako nagustuhan. Hindi iyon valid na reason.
He was holding a bonquet of white roses while shyly looking at me. I don't know kung paano n'ya nalamang paborito ko ang puting rosas. Baka nagkataon lang talaga.
“To be honest, you're not my type, ” ngiti n'yang tugon na ikinanganga ng bibig ko.
I was about to turn him down, but he raised his hand, pinapahiwatig na patapusin ko muna s'ya. Pinakalma ko naman ang sarili ko at sinamaan s'ya ng tingin. Iniinis yata ako nito.
Alam kong pangit ako pero once na may nanlait sa akin ay hindi ko inuurungan. Mabait ako pero nakadepende iyon sa pagtrato nila. Even an good person can be a worst person though.
“But there's something about you that makes you special. Hindi nakikita ng mga tao, pero ako? Nakikita ko,” ngiti n'yang dugtong.
Nawala ang pagkakunot ng noo ko. I was stunned on how he smiled at me. He was too perfect. He was a nice guy I ever known that's why alam kong nagsasabi s'ya ng totoo. I just want to know why he likes me. Para naman may alam ko kung ano ang naging dahilan n'ya sa panliligaw n'ya.
“I don't know kung saan nagsimula ang lahat. But I just found myself drowning in you. Palagi ka na lang sumasagi sa isipan ko hanggang sa inaabangan kita palagi rito. Gusto talaga kita, Venny. At ikakasaya ko kung magiging tayo man.”
He don't know kung gaano kalakas ng impact ng sinabi n'ya sa akin. Sabi nga nila magagawa mo rin magkagusto sa isang tao kapag hinayaan mong ligawan ka n'ya.
At first ayaw ko talaga sa kan'ya, same rin kami na hindi namin type ang isa't isa. Nakatutuwa lang na kung sino pa ang hindi mo type ay iyon ang magagawa mong mahalin.
Yes, nagka-develop ang feelings ko sa kan'ya, lumala nga. And the day of heart's day, I confessed and told him that I also love him.
Sobrang saya na balikan ang aming nakaraan. We were so in love to each other, but suddenly tragedy came. Nagkalabuan, biglang nawasak ang dalawang taon naming pagsasama at nakagawa ng pagkakamali na hindi naman sinadya.
“F*cking wake up, Valery!”
Humahangos na napabangon ako sa pagkakahiga. Pawis na pawis ang leeg ko lalo na ang aking noo. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at binabangungot. Mabilis kong pinunasan ang aking luha at pinakalma ang sarili.
“T*ngina talaga. Uminom ka nga ng tubig!”
Napatingin ako kay Sparrel na nakaupo na sa gilid ng aking kama. Gano'n pa rin ang kan'yang ekspresyon, palaging galit sa mundo. Nakasuot ito ng simpleng damit na pambahay.
Nilahad n'ya ang tubig sa aking harapan na kaagad kong tinanggap. Matapos kong iinom ay agad kong binalik sa kan'ya ang baso na tinanggap naman n'ya. Tinitigan tuloy n'ya ako na puno ng pagtataka.
“Bakit ka binabangungot?” tanong n'ya, akala mo concern.
Gusto ko sanang tarayan s'ya pero baka sampalin ako bigla kaya h'wag na.
“I had a nightmare,” sabi ko na lang.
Mukhang naghihintay s'ya na ikuwento sa kan'ya kung anong nightmare na iyon. Tinaasan ko lamang s'ya ng kilay at humiga ulit sa kama. Wala akong balak na makipagkuwentuhan sa taong nanakit sa akin kanina.
Sandali kong nakalimutan na takot pala ako sa lalaking ito. Akala ko wala na akong kinatatakutan dahil nakaranas na ako sa malupit na sinapit ko sa aking magulang, ngayon bumalik ulit ang takot ko.
Pareho lang silang lahat. People nowadays normalizing abusive behaviour towards their partner and love ones.
“Ikukuwento mo ba o ikukuwento mo?” seryoso n'yang ani, nagtitimpi na sa biglang pag-ignore ko sa kan'ya.
Napabuga ako nang hininga. “Kung sasabihin kong pinatay mo ako sa panaginip ko. O ano? Ikukuwento ko pa ba ng buo?” anas ko, I lied para naman tumigil na s'ya at kahit papaako makonsensya.
Gumalaw ang panga n'ya at umiwas ng tingin. Sandaling namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Bigla ko na lang naisip kung bakit nandito s'ya.
“B-Bakit ka nandito?” tanong ko sa kan'ya. Akala ko ba ayaw n'ya sa akin? S'ya naman itong lumalapit sa akin.
Tinignan n'ya ako nang masama. “This is my house, papasok ako rito kung gugustuhin ko.”
Kahit kailan talaga magaspang ang ugali n'ya. Ano naman ang nagustuhan ng kakambal ko rito bukod sa guwapo at mukhang action star? Ang pangit ng ugali at mahilig manakit.
“Change your t-shirt,” aniya bigla na ikinakunot ng noo ko.
“H-Huh?” Nagkamali yata ako ng rinig.
“Sabi ko palitan mo ang damit mo. Namamawis ang likod mo.”
Gulat ko s'yang tinignan. Napaupo ako sa kama at kinapa ang aking likuran. Oo nga naman. Paano n'ya nalaman?
Hindi nakabukas ang aircon kasi rito tapos wala man lang bintana. Gusto kong bumalik sa kuwarto ko pero mukhang hindi iyon mangyayari. Hindi n'ya ako hinayaan kanina na makaalis dito kaya malamang sasaktan n'ya ako kapag hindi ako sumunod.
Tumayo s'ya sa pagkakaupo sa kama at kumuha ng damit sa aparador. Hindi ko maiwasang titigan s'ya nang mabuti. Malaking tao s'ya at mukhang tadtad sa gym. Kaya pala sobrang sakit ng pisngi ko nang sampalin n'ya ako. Hindi pa n'ya iyon tinudo kaya malamang nahimatay ako kapag ginawa n'ya iyon.
Malaking t-shirt ang kinuha n'ya na mukhang sa kan'ya galing. Kuwarto kaya n'ya ito? Kaya ba nandito s'ya?
Singkit ang dulo ng mga mata n'ya kaya nagmukha s'yang masama. Makapal din ang kilay nito at matangos ang ilong. Napag-alaman kong half American s'ya.
Bigla na lang n'yang hinagis sa akin ang damit na agad kong sinalo. Nakapamulsa s'yang tumingin sa akin.
“Change your cloth now, ”maotoridad n'yang utos na ikinasalubong ng kilay ko.
“L-Lumabas ka muna,” hindi ko maiwasang mautal nang sabihin iyon, nakaka-intimidate kasi ang titig n'ya.
“Wala akong pakialam sa katawan mo kaya magbihis ka na! T*ngina!” malakas n'yang sabi at hinampas ang lamesa, nawalan na s'ya ng kontrol.
Napakagat ako sa sariling labi at agad na dinaganan ng pangamba ang dibdib ko. Magtataka s'ya na wala man lang akong pasa o sugat. Pero hindi naman siguro n'ya iyon papansinin, 'di ba? Wala s'yang pakialam sa akin sabi nga n'ya.
Nang makita ang pagkayukom ng kamao n'ya ay agad akong tumalikod mula sa kan'yang kinaroroonan. Mabilis kong hinubad ang aking damit at sinuot ang kan'yang T-shirt. Dahil sa kahihiyan ay agad akong bumalik sa pagkakahiga sa kama.
“Wait,” rinig kong mahina n'yang sambit pero hindi ko na ito pinansin at balak ko nang matulog.
Ewan ko ba kung bakit panatag ako ngayon na wala s'yang gagawin masama sa akin bukod sa saktan ako. Siguro naniniwala kaagad ako na wala s'yang paki kay Valery o sa akin man.
Now I know that he is not Valery's husband, at sinasaktan din ni Valery ang kan'yang mga anak ay hindi ko maiwasang magalit sa kan'ya. Kailangan kong makaalis dito at makausap s'ya. Pakiramdam ko niloloko na naman n'ya ako.
Why did she put me here anyway? Para ako ang buntungan ng galit ng kan'yang asawa? Paano kung nabaril ako nito? I know this man is not just an ordinary businessman. I can feel that there's something about him that makes me tremble in fear. Like he has something hidding for.
Napagpasyahan ko na lang na tapusin ang dalawang buwan. Kanina kasi nagdadalawang isip ako kung mag-ba-back ba ako sa planong ito. Kung sakali man na mag-back out ako, Sparrel will know everything that I was just pretending.
Buti nga lang hindi pa n'ya nahalata ang pagbabago ko. Sinisigurado ko talaga na magkamukha ang make up namin ngayon ni Valery at hair style. 'Yon nga lang hindi ko pa kayang gayahin ang ugali n'ya. Ako kawawa rito.
Hindi pa ako nilalamon ng antok ay ramdam ko ang pagsinghot n'ya ng amoy sa aking buhok.
“Your smell is familiar. This is not your f*cking smell,” he murmured that I can't understand because I was already sleepy.
Hindi ko na alam kung umalis na ba s'ya pero nawala na iyon sa aking isipan. Hindi ko na magawang imulat ang mga mata ko dahil mismo mga mata ko'y sumusuko na. I don't know kung bakit ganito na lang ang antok ko. Gising pa naman diwa ko kanina, eh?
At tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro