Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 07

CHAPTER 07


Hindi ko muna inisip ang magiging kahinatnat ko mamaya pagdating ni Sparrel. Kailangan ko munang pagtuunan ng pansin si Soren.

Mahinang umiiyak s'ya sa aking bisig habang ginagamutan namin pareho ng katulong ang kan'yang ilong na natamaan sa kan'yang pagbagsak.

“I'm so sorry kung 'di kita naagapan, baby. Shh, wala na ang dugo, oh,” malambing kong sabi at hinalikan s'ya sa noo.

Tumango-tango s'ya at suminghot dahil sa kan'yang pag-iyak.

“R-Rest po ako, Mommy,” aniya bigla at inalis ang mukha sa aking dibdib.

Hinaplos ko ang kan'yang ulo. “Sa kuwarto mo ba, anak?” tanong ko na ikinatango n'ya.

Agad ko s'yang binuhat at nakasunod naman si Solo sa akin. Mahigpit n'yang hawak ang laylayan ng t-shirt ko habang naglalakad kami sa pasilyo papunta sa kanilang kuwarto.

“Nand'yan na si Sir, Ma'am!” taranta na sabi ng kasama kong katulong habang nakatingin sa malayo.

Kinabahan naman ako at napatingin kung saan ito banda. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makitang galit itong nakatingin sa akin. Na ano mang oras ay sasaktan n'ya ako.

Mabilis ang kan'yang hakbang hanggang sa agawin n'ya sa akin si Soren. Naiwan sa ere ang kamay ko. Nanginginig ang binti na tiningala s'ya.

Napatagis ang bagang n'ya nang makita ang namumula ng ilong ni Soren. Dahan-dahang napatingin s'ya sa akin, at sa mga oras na ito ay kinamumuhian na n'ya ako.

“What did you do this time, Valery? Sinasaktan mo na naman ba ang anak ko, huh?!” sigaw n'ya sa akin. Halos manginig ako sa takot dahil sa nanliliksik n'yang mga mata.

Hindi ko magawang ma-appreciate ang kan'yang porma ngayon dahil mas nangingibabaw ang kaba ko sa kan'ya.

“M-Mommy didn't hurt me, Daddy. H'wag n'yo pong i-hurt si Mommy po,” nagmamakaawang sabi ni Soren sa kan'yang Ama at hinawakan ang neck tie nito.

Napabaling tuloy ang tingin ni Sparrel sa kan'yang anak. Nando'n pa rin ang kunot-noo n'ya habang hinihimas ang buhok ng anak n'ya.

Gusto kong umalis sa kanilang harapan pero nagdadalawang isip ako. Gusto kong alagaan muna si Soren dahil kahit hindi ko sinasadya ay responsibilidad kong alagaan s'ya dahil sa nangyari sa kan'ya.

Mabibilis ang paghinga ni Sparrel habang sinusuklay ang buhok ng kan'yang anak. Naninigas ang kan'yang panga at mas nag-tense ang kan'yang braso at leeg dahil sa pagpipigil n'ya.

“W-Wala pong kasalanan si Ma'am, Sir,” pagtatanggol ng katulong na lihim kong pinagsasalamatan.

“Dalhin mo sila sa kanilang kuwarto,” baritong anas n'ya at binigay si Soren sa kasam-bahay.

“D-Don't hurt my Mommy, Daddy,” mahinang ani ni Soren pero wala na s'yang magawa nang kuno s'ya ng katulong.

Si Solo naman ay binuhat na lang bigla ng body guard ni Sparrel na 'di ko man lang namalayan na nasa likuran lang pala nakasunod ni Sparrel.

Nagmamakaawa tinignan ko ang babae ngunit ngitian n'ya lamang ako ng tipid at humingi ng pasensya. Bumagsak ang balikat ko at hinayaan na lamang na umalis sila. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Sparrel.

Napakagat ako sa sariling labi. Wala akong ginagawang masama. Bakit ayaw n'yang maniwala sa akin?

“You.”

Napaangat ako ng tingin na sana hindi ko na lang ginawa. Nanliliksik ang chestnut brown n'yang mga mata. Sa oras na ito ay napapikit na lamang ako.

“W-Wala akong ginawang masama, Sparrel. N-Nadulas si Soren sa banyo habang pinapaligua—”

“At kailan ka pa nagkaroon ng paki sa anak ko, huh?! May inutos ba akong paliguan mo sila?!” sigaw n'ya sa pagmumukha ko.


Nawala na ang pagtitimpi n'ya kaya mabilis n'yang hinablot ang wrist ko at tinaas ito. Napangiwi ako nang maramdaman ang kan'yang kuko na bumabaon sa aking balat. Dagdag pa na namumuti na ang kamay ko sa sobrang higpit na pagkakahawak n'ya rito.

“N-Nasasaktan ako, Spar—” Mas lalong napapikit ang mga mata ko nang niyugyog n'ya ang katawan ko, nanggigigil.

“Talagang masasaktan ka sa akin!” sigaw n'ya ulit at pabalibag n'ya akong binitiwan.

Napaatras ako at sumiksik sa dulo nang makitang nakayukom ang kamao n'ya. Mabibigat ang kan'yang pagbuga ng hininga habang nakatitig sa akin.

“Butler Solemon!” tawag n'ya sa kasama n'ya na naghihintay lamang sa 'di kalayuan. Hindi pa rin n'ya inaalis ang galit n'yang nga mata sa akin nang lumapit ang Butler n'ya.

“Yes, Sir?”

“Kaladkarin n'yo ang babaeng iyan papasok sa pinakadulong kuwarto,” matigas n'yang sabi na ikinatango ng Butler.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano gagawin n'ya sa akin. Yakap ko ang sariling katawan habang umiiyak na umiling dito.

“S-Sparrel, please! W-Wala akong ginagawang masama, oh!” desperado kong sabi at napaupo sa sahig.

Tinalikuran ako ni Sparrel kaya tudo ako sigaw pero hindi man lang n'ya ako pinakinggan. Bigla akong hinila ng Butler at may isa pang lalaki na nakahawak sa aking isang kamay habang papunta sa kuwartong sinasabi n'ya.

Kinakapos na ang hininga ko matapos kong manlaban. Ngunit masyadong malakas ang pagkakahatak nila sa akin hanggang sa binitiwan nila ako sa loob ng madalim na silid.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak at tumakbo papuntang pinto ngunit kaagad itong isinara ng butler. Kinalampag ko ito at desperadong sumisigaw na palabasin ako.


“Shut your f*cking mouth, woman!” sigaw ni Sparrel na kasama ko sa iisang kuwarto.

Kita kong may kinuha s'yang latigo sa drawer. Kahit medyo madilim sa kinaroroonan namin ngayon ay kita ko pa rin ang pigura n'ya. Paatras na napaupo ako at sumiksik sa pinakadulong bahagi ng kuwarto.

“H-H'wag mo akong saktan, S-Sparrel, please!” garalgal kong ani at niyakap ang aking tuhod.

Ngunit hindi s'ya nakinig. Marahas n'yang pinatayo ako at isinandig sa pader. Nauntog ang ulo ko dahil sa lakas ng pagkatulak n'ya sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Takot ang mga matang nakatingin ako sa kan'yang habang umiiling-iling.

“Face your punishment, woman. Wala kang kuwenta kahit kailan, ” matigas at malakas n'yang anas sa aking pagmumukha.

Akmang itataas na n'ya ang latigo nang bigla ko na lang akong kumawala sa hawak n'ya. Mangiyak-ngiyak ko syang niyakap nang mahigpit sa kan'yang beywang na ikinatigil n'ya. Ramdam ko ang mabibilis n'yang hininga hudyat na gusto na n'ya akong saktan sa sobrang galit n'ya.

Mas sinubsob ko ang mukha sa kan'yang matigas na tiyan nang pilit n'yang kinakalas ang kamay kong nakapulupot sa kan'ya.

“Get off from me! T*ngina!” sigaw n'ya.

Umiling-iling ako at napaluhod na sa kan'yang harapan, hindi pa rin inaalis ang brasong nasa beywang n'ya.

“I-I swear, Sparrel. Hindi ko sinaktan ang anak mo, please! K-Kahit tanungin mo pa ang mga bata, oh,” desperado kong sabi.

Kung bibitiwan ko s'ya ay baka saktan na talaga n'ya ako ng tuluyan. Kung kinakailangan kong sundin ang kan'yang inuutos ay gagawin ko. Basta 'wag n'ya lang akong sasaktan.

“Hindi ka bibitaw?” delikado n'yang tanong at hinila ang aking buhok kaya napatingala ako rito.

Humagulgol ako sa kan'yang harapan habang umiiling-iling dito. Napatagis ang kan'yang bagang at mabilis akong binuhat na ikinahiyaw ko.

Binagsak n'ya ako bigla sa kama kaya bahagyang tumalbog ang katawan ko. Nanlalabo na ang mga mata kong umiwas sa kan'ya nang gumapang s'ya papunta sa akin.

“H-H'wag, Sparrel. H'wag mong gawin ito sa akin,” mangiyak-ngiyak kong pagmamakaawa habang umiiwas sa kan'ya.

Ayaw kong galawin n'ya ako. Mas mabuting saktan na lang n'ya ako kaysa sa pagsamantalahan ako.

Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang hinila n'ya ang aking binti kaya napabalik ako sa pagkakahiga. Malakas akong napahagulgol at nanginginig na naglulumikot sa kama nang dinaganan n'ya ako.

Mahigpit n'yang hinawakan ang buhok ko at pinaharap sa kan'ya. Ang nanginginig kong kamay ay pilit na kinakalas ang kan'yang kamay na mahigpit na nakahawak sa aking wrist at buhok.

He was fuming mad. At nakakunot din ang noo n'ya dahil sa pamimilit kong makawala sa kan'ya.

“I thought you want me to f*ck you, Valery. What happened now, huh?” nakangisi n'yang tanong, mukhang namamangha sa isang bagay.

Umiling-iling ako rito. Wala naman akong alam kung tama ba ang sinasabi n'ya. Pero ayaw kong magpagalaw sa kan'ya. For pete's sake, he's my twin's husband!

“P-Please, don't do this. K-Kahit saktan mo na lang ako,” garalgal kong pagmamakaawa at napaiwas dito ng ngitin.

I can feel his hot breathing against my collarbone. Nanginginig na ang katawan ko sa takot. Kahit gaano ko pala kasanay na masaktan, pagdating sa puntong ito ay hindi ko maiwasan na matakot.

Napapikit ang mga mata ko at sinubukang itulak ang kan'yang dibdib nang nilapit n'ya ang mukha sa bandang leeg ko. Ngunit masyado s'yang malakas kaya hinintay ko na lang ang maaaring gawin n'ya at handa na sanang saktan s'ya nang bumulong s'ya sa aking taenga.

“I will never f*ck a woman like you. Never in my entire life.” Inalis n'ya ang mukha sa tapat ng taenga ko at seryoso akong dinungaw. “I don't even like nor love you, b*tch. I will never marry a woman like you.”

Ramdam kong nasinghot n'ya ang natural kong amoy. Natigilan pa ito sandali at suminghot ulit s'ya. Pinamulahan ako ng pisngi. Baka naman mabaho ako o ano? Bakit n'ya naman ako aamuyin?


Gulat na napatingin sa ako sa kan'ya nang umalis s'ya sa pagkakadangan sa akin. Pinagpag n'ya ang kan'yang damit na tila ayaw n'yang madapuan ng dumi na galing sa akin. He fixed his neck tie and his suit. Nanigas lamang ako sa aking kinahihigaan.

“You're expecting me to f*ck you, huh?” nakangisi n'yang ani. Na parang nakatutuwang isipin na gagawin n'ya iyon sa akin, ayaw n'ya iyon gawin. “Dream on. I maybe look a ruthless on hurting you, but I will not let you f*ck me. Keep that in your mind.”

Naglakad ito papunta sa pinto ng kuwarto. Puno ng katanungan ang utak ko. Ibig sabihin hindi sila mag-asawa o baka napilitan lang s'ya kay Valery?

Ayaw n'yang may mangyari sa kanila at malaking katanungan iyon sa akin dahil may anak sila. Kung gano'n... Pinagutan lang n'ya si Valery?

“B-Bakit?” sa wakas nagawa kong itanong iyon sa kan'ya nang hindi pa s'ya nakalabas.


Napahinto s'ya bandang pinto at hindi nag-abalang lingunin ako.

“You're asking me why I don't want to touch you? Is that it?” seryoso n'yang tanong.

“Y-Yes,” sagot ko, sana naman sabihin n'ya para naman may ideya ako kung ano ba talaga sila ni Valery.

“Dahil may posibilidad na hindi ikaw ang Ina ng mga bata. At kahit gano'n pa man, ayaw ko sa kagaya mo.” Side-view s'yang lumingon sa akin. “You know that I only have one woman in my heart. Even I don't know her, and we just had a one night stand, I will find her, and I'll make sure na magagawa kong tuklasin ang pinaplano mo.”

Natulala ako sa kan'yang mahabang tinuran. Umalis na s'ya sa kwarto at sinara lamang ang pinto, hindi n'ya ni-lock. Napaupo ako at sapok ang aking ulo na nauntog kanina.

Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ngunit mas sumasakit ang ulo ko sa nalaman ko ngayon. That's mean, nagsinungaling ba sa akin si Valery na kasal sila, and they loved each other before kahit ngayon na sinasaktan s'ya ni Sparrel?



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro