Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 06

CHAPTER 06

Matapos kong magbihis ay agad na akong umalis sa aking kuwarto. Ngayon ko lang napagtanto na maganda pala ang mansyon na ito. Kung titignan suwerte ang napangasawa ni Valery dahil mayaman at hindi s'ya maghihirap.

Ngunit hindi, Valery's life in here was miserable. Mas gugustuhin ko na lang na simpleng pamumuhay at mabait na asawa kaysa naman sa impyernong bahay na ito.

Bago pa man ako makababa sa hagdan ay bigla na lang may maliit na kamay na pumulupot sa aking binti. Napababa ang tingin ko at nagtaka kung kaninong anak ito.

"M-Mommy?" mahinhin na sambit ng batang babae na ikinanganga ko. Ano kamo? May anak si Valery?

Sh*t. Bakit walang binanggit na anak si Valery sa akin? Serioualy?! Hindi ko alam ang gagawin ko!

Nabigla ako nang bumitaw ito sa pagkayakap sa aking binti at lumuhod bigla sa aking harapan.

"S-Sorry, Mommy. I-I just missed you po. Don't hurt me p-po," mangiyak-ngiyak n'yang wika na ikinataranta ko.

Agad akong lumuhod sa kan'yang harapan. Nag-alala ako bigla sa batang ito. Anong ginawa ni Valery at ganito na lang ang takot ng bata sa akin?

"Don't cry na, baby. Come here." Binuka ko ang mga braso ko para humingi ng yakap sa kan'ya.

Napaangat s'ya ng tingin sa akin. Ngitian ko s'ya nang matamis para 'di s'ya matakot.

"Y-You will hurt me naman po, eh..."

Agad akong umiling at napakagat sa sariling labi. Gosh, kahinaan ko pa naman ang mga umiiyak na bata.

"No, baby. Mommy will never hurt you. Come on, give your Mommy a big hug," pagpapagaan ko ng loob dito.

Bahagyang nilalaro n'ya ang kan'yang daliri sa unahan habang nagniningning ang mga matang nakatingin sa akin. Magkamukha talaga sila ni Sparrel, ang Ama n'ya. She was also cute pretty girl.

Dahan-dahan s'yang tumayo at lumapit sa akin at mukhang nag-aalangan pa kung lalapit ba sa akin. Ngitian ko ulit s'ya kaya mabilis n'ya akong inambahan ng yakap. Hinagkan ko tuloy s'ya na parang importante s'ya sa aking buhay.

"M-Mommy," aniya na parang gusto n'yang niyayakap ko s'ya.

Hinimas ko ang kan'yang likuran at binuhat ito. Bahagya ko s'yang hinihili para tumigil na ito sa iyak at nagawa ko naman. Mas sinubsob n'ya ang mukha sa aking leeg kaya napangiti na lamang ako.

"Let's eat breakfast, baby?" malumanay kong tanong at sinilip ang kan'yang mukha.

Inalis naman n'ya ang mukha sa aking leeg at tumatangong pinunasan ang kan'yang mukha. Tinulungan ko naman s'ya bago bumaba sa hagdan.

Malaking katanungan sa akin ang batang ito. Kung anak talaga ito ni Valery, bakit takot na takot sa akin? Sinasaktan ba n'ya ang kan'yang anak?

Sa isipang iyon ay nagpabukal sa aking dugo. I know Valery hates kids ever since then. Hindi ko akalain na kaya n'yang saktan ang anak n'ya. Kung alam ko lang na ganito pala ang ginagawa n'ya sa anak n'ya ay sana sinampal ko na ito. Nakakaawa ang batang ito.

"M-Mommy?"

"Hmm?" Bigla akong napatingin sa kan'ya mula sa malalim na iniisip. Nakatingin ito sa akin at mukhang naninibago. Ni minsan ba hindi inaalagaan ni Valery ang anak n'ya? I don't know, and I need to find out.

Umiling ito at ngumiti sa akin. Tila nakuntento na s'ya sa kan'yang nakikita. Sinuklay ko ang kan'yang buhok at bigla na lang napatigil nang makita ang sugat sa kan'yang balikat.

Malapit na sana kami sa hapag-kainan nang tumigil ako. Hinawi ko ang kabila n'yang buhok. Napasinghap ako nang makitang may mga sugat din s'ya na maliliit.

"Baby, where did you get this bruises?" nag-alala kong tanong. Kahit naman na ngayon ko lang nakilala ang batang ito at nakagugulat na pamangkin ko pala, eh, talagang mag-aalala ako.

Hindi s'ya sumagot at tinignan lamang ako. Napatigil ang hininga ko dahil may ideya na ako kung sino. Gosh, what you have done to your daughter, Valery?!

Bigla na lang may humampas-hampas sa aking binti at nagsisigaw kaya napababa ang tingin ko. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita ang batang lalaki na kasing edad lang ng batang babaeng ito.

"Bad, Mommy! Bad! Bad! Bad!" Ang maliliit n'yang kamay at pinagsusuntok ang aking tiyan. "Put down my sister! Don't hurt her! I hate you!"

Gulat akong napatingin sa kanilang dalawa. Ngayon ko lang napagtanto na magkapareho sila ng mukha pero magkaiba ang kasarian. Ibig sabihin ba nito, kambal ang anak ni Valery?

"Don't our mommy, Kuya!" matinis na sambit ng batang babae at mas niyakap pa ako. Tila gusto n'yang protektahan ako.

Galit na galit ang makinis na mukha ng batang lalaki sa akin. Nakayukom ang kamao n'ya. Ganito na ba talaga ang galit n'ya sa kan'yang Ina?

"She will hurt you, Soren!" sigaw n'ya sa kapatid na babae.

Gustong bumaba ang babaeng nangangalang Soren kaya pinagbigyan ko s'ya. Hinawakan n'ya ang kamay ng kakambal n'ya na ngayon ay masama ang tingin sa akin.

I didn't know kung gaano kalala ang ginawa ni Valery sa kan'yang anak kaya ganito na lang ang galit n'ya. Naaawa ako. I want to take care of them because of that.

"No, Kuya Solo. Mommy didn't hurt me." Napabaling sa akin si Soren at ngitian ako. "Right, Mommy? Mommy hugged me while ago."

Salubong ang kilay na tinitigan ako ng batang lalaki na si Solo. Mukhang hindi s'ya naniniwala pero hinayaan n'ya lang ang kapatid n'ya nang lumapit ito sa akin.

"Mommy? C-Can you hug Kuya Solo? Hindi n'yo naman po i-h-hurt si Kuya, 'di ba po?" inosente n'yang tanong.

Ngiting lumuhod ang isa kong tuhod sa kan'yang harapan at sinuklay ang medyo kulot n'yang buhok. Her eyes, kakulay din sa kan'yang Ama. Malakas yata ang lahi ng lalaki.

"Of course naman, Mommy loves you," malambing kong sambit at niyakap ang kalahati n'yang katawan. Tinignan ko ang batang si Solo. "Come here, baby boy. Give your mommy a big hug."

"Sige na, Kuya!" masayang ani Soren at nilahad ang kamay sa kan'yang Kuya na parang inaaya ito.

Ang pagkakunot ng noo ni Solo ay bigla na lang nawala. Napalitan iyon ng pangulila. Gusto ko tuloy maiyak nang makitang nanginginig ang kanyang balikat na lumapit sa akin. I can see his longing eyes and the forming tears on it.


Tulad ni Soren kanina ay nagdadalawang isip din ito na lumapit sa akin pero nagawa naman n'ya. Nakatitig lang s'ya sa akin pero wala na itong galit n'ya. Mukhang umamo na dahil malambing ako ngayon.

Ako na mismo ang yumakap sa kan'ya kasama ang kakambal n'ya. Mabilis itong yumakap sa aking leeg at do'n tahimik na umiyak. Nangingilid ang luha kong hinalikan ang kan'yang noo at gano'n din si Soren.

"M-Mommy ko..."

Tumango-tango ako habang hinihimas ang kan'yang likuran. Gosh. This scene is too much painful for me. I need to do my best to tame them at nang makuha ang kanilang tiwala. They're still kids, and they need a mother to love them unconditionally.

Masasabi ko 'bang nagsisi ako na pumayag ako sa set up na ito? Maybe not. Baka ano pa ang nangyari sa mga batang ito kung hindi ko sila nakita. Pero galit ako kay Valery. Tinulungan ko s'ya at ito pala ang mga kalokohan n'yang ginagawa.

Kahit medyo mabigat silang buhatin ay nakaya ko naman hanggang sa nakarating kami sa hapag-kainan. Rinig ko ang singhapan ng mga katulong na nakahilira pala sa tabi ng mahabang lamesa.

Hindi na sila maalis sa aking bisig kaya mahina akong natawa. "Babies? You should eat na. Papasok ba kayo sa paaralan ngayon?"

Sabay silang napatingin sa akin habang buhat ko sila. Hindi man nakangiti si Solo ay ramdam kong nangungulila s'ya sa akin... Sa pagmamahal ng kan'yang Ina. Samantalang malapad ang ngiti ni Soren.

"Saturday po ngayon, Mommy, wala kaming pasok," sagot ni Soren.

"Oh, is that so?" medyo gulat kong sabi, ang bilis nga ng araw. "Then after we eat our breakfast, we can play toys then. Do you like the idea, my babies?"

Sabay silang nagkatinginan. Mabilis silang tumango na ikinatawa ko. Ang cute nila pareho.

"M-Ma'am..."

Pagkababa ko sa mga bata sa kanilang upuan ay sumulpot ang tatlong katulong na mukhang nag-aalangan pang lapitan ako. Nababahala silang nakatingin sa aking kamay kaya nagtaka ako.

"Bakit po? Kumain na kayong lahat?" magalang kong tanong, mukha kasing mas matanda pa sila sa akin.

Nanlaki ang mata nila at nagkatinginan. 'Yong isa ang sumabat. Mukhang hindi makaniwala sa aking tinuran.

"B-Baka mapagalitan po kami ni Sir na hawak n'yo po ang mga bata, Ma'am," nag-aalangan n'yang sambit at yumuko, hindi pinansin ang aking pangalawang tanong.

Napaisip naman ako. Malamang hindi talaga ipapahawak ng lalaking iyon ang mga anak n'ya kay Valery. Now I know the other reason kung bakit gano'n na lang ang galit ng lalaking iyon kay Valery.

Ngitian ko sila pareho. "Gusto kasi ng mga anak ko na ako magpakain sa kanila."

Magsasalita na sana sila pero inunahan kaagad sila ng mga bata.

"It's okay lang po, mga ate. I want my mommy to feed me," humagikgik pa si Soren.

Tumango-tango naman si Solo at hinawakan ang aking kamay. Sinuklay ko tuloy ang noo n'ya na may pawis. Sarap alagaan ng mga batang ito. Buti na lang may libangan ako rito habang naghihintay sa kanilang Ina.

"Sige na po, kakain muna mga anak ko," mahinahon kong litanya at umupo sa gitnang upuan. Nakaupo sila pareho sa magkabila kong side habang nag-aabang sa aking gagawin.


Hindi ko na pinansin ang mga tinginan ng kasam-bahay at kumuha ng ng isang plato. Kumuha na rin ako ng rice at dalawang sunny side up na itlog.

Tahimik naman nilang tinanggap ang bawat subo ko sa kanila ng kutsara na may kanin at ulam. Medyo napapasayaw pa si Soren sa kan'yang upuan habang ngumunguya ng pagkain. Si Solo naman ay nakaupo sa aking kandungan habang sinusubuan s'ya.

Mukhang nahihiya pa nga sa akin, hindi s'ya sanay pero gusto n'ya na inaalagaan ko s'ya. Hindi na s'ya kumibo at tinanggap ang bawat subo ko sa kan'ya.

Mukhang nahimasmasan naman ang mga kasam-bahay dahil sa kanilang nakikita. Ang iba ay nakangiting nakatingin sa amin. Inaya ko nga'ng kumain pero tumanggi sila.

"Nag-bath na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang pinapainom isa-isa ng glass of water, tapos na kasi silang kumain at mukhang busog na rin.

"Hindi pa po, Mommy," sagot ni Soren at ngitian ako. "Paliguan n'yo po kami, Mommy?"

"Sure, si Mommy n'yo na ang magpapaligo sa inyo," masaya kong sabi at pinunasan ang kanilang mukha na may basa.

"Yehey! Let's take a bath together, Kuya Solo!"ani Soren sa kan'yang kapatid.

Tumango lamang si Solo at umiwas ng tingin. Hinalikan ko tuloy s'ya sa pisngi na gulat na ikinatingin n'ya sa akin. Ngitian ko lang s'ya at niyakap. They really need a hug. Bigla ko tuloy naalala sa kanila ang nakaraang nangyari sa akin noon.


Hindi sana papayag ang katulong na ako mismo ang magpapaligo sa bata. Mukhang nag-aalangan pa rin at naguguluhan na rin sa aking kinikilos. Napapayag ko s'ya dahil sa mga bata. Nagwawala nga sila kung hindi ako ang magpapaligo rito.

"Becareful, babies. Madulas ang sahig, ah," paalala ko sa kanila.

Masaya lamang silang nagkukuskos ng sabon sa kanilang katawan. Napag-alaman kong tatlong taon na sila. Akala ko mga five years old na ito dahil sa galing magsalita. Maybe they are smart just like their Father.

Tapos na si Soren maligo kaya si Solo naman ang pinapaliguan ko. Mukhang nag-e-enjoy naman at minsan napapatingin pa sa aking mga mata na tila kinakabisado ito.

"Kunin ko po si barbie doll sa kuwarto, Mommy," biglang paalam ni Soren at mabilis na umalis sa pagsh-shower.

Huli na para pagsabihan s'ya na mag-ingat nang bigla s'yang madulas. Mabilis tuloy akong tumungo sa kan'ya at tinignan ang kan'yang mukha. Napatakip ako sa bibig nang makitang dumudugo ang ilong n'ya.

"Oh my gosh, don't cry, baby," suyo ko rito, natataranta na rin ako sa dugong tumutulo sa kan'yang ilong.

Umiyak ito bigla kaya dali-dali ko namang niyakap at pinunasan ang dugo n'ya sa ilong. Si Solo naman ay mabilis na lumapit sa amin at binigay ang towel sa akin. Agad ko namang pinulupot ang towel kay Soren at pinapatahan ito.

"I-It's okay, Soren. Tatawag si Mommy ng katulong, okay?" Tinignan ko si Solo. "Ikaw muna bahala kay Soren, okay? Tatawag lang ako ng katulong."

Tumango-tango naman si Solo kaya mabilis akong lumabas ng banyo at hinanap ang mga katulong. Nabuhayan ang loob ko nang makitang papunta sa akin ang kasam-bahay na magpapaligo sana sa mga bata.

Mabilis akong tumungo sa kan'ya at hinawakan ito sa kamay na ikinagulat n'ya.

"Please, help me! Nadulas si Soren at dinudugo ang ilong n'ya," natataranta kong saad na ikinalaki masyado ng mata n'ya.

"Jusko po! Magagalit si Sir Sullivan nito, Ma'am," nababahala n'yang ani at mabilis na tumungo sa banyo.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa isipang magagalit si Sparrel. Wala akong ginawang masama pero paniguradong sa akin ibubuntong ang galit dahil ako lang naman ang kasama ni Soren sa banyo kanina.

What should I do? Baka kung anong gawin sa akin ni Sparrel mamaya kapag nalaman n'ya ito. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro