Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 05

CHAPTER 05


Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi sila magkasundo ni Valery. Wala pa nga akong ginagawang bagay na makakapagbigay galit sa kan'ya pero nagawa n'ya akong bantaan kanina.

I was actually scared of what he might do to me kapag nakauwi kami sa bahay n'ya. Sasaktan ba n'ya ako o ano? Sinusubukan ko naman na h'wag nang pumatol sa nakakainis n'yang pananalita. Baka kasi pag-uwi namin ay ako ang kawawa.

Pasimple ko lamang s'yang sinusulyapan ng tingin habang naghihiwa ng karne sa aking plato. Parang galit sa mundo ang lalaking ito habang mahinhin na kumakain. Sa totoo lang hindi ako sanay sa mga taong katulad n'ya, pinipilit ko nga lang na pakisamahan s'ya.

Pag nakauwi talaga kami sa bahay n'ya ay hindi ko na lang hahayaan na magkita kami kahit impossible iyon dahil nasa iisang bahay lang kami.

“What do you need?”

Naupo nang maayos nang magsalita s'ya. Napatingin tuloy s'ya sa akin dahil do'n. Medyo natigilan lang ako nang makita sa malapitan ang kan'yang mga mata. His eyes color was chestnut brown, it's beautiful yet dangerous. I can't deny that he was actually like a handsome model in magazine. Baka artista 'to?

“Ano tingin-tingin mo?” mas lalong naging mabangis ang kan'yang boses, mukhang nairita sa pagtitig ko sa kan'ya. “Do you have something to say to me?”

Agad akong umiling nang ilang beses at hindi na ito pinansin. Sunod-sunod na ang pagsubo ko sa adobong baboy. Mahilig sa pinoy restaurant si Valery kaya rito ko napiling kumain kasama s'ya. Pasalamat na lang ako na hindi s'ya nagreklamo.

Napanguso ako nang maisip ang siomai. Gusto kong bumili no'n tapos iuulam ko sa kanin. Binitiwan ko ang aking kutsara at tinakip ang dalawang palad sa aking mukha.

Gusto ko ng siomai... Gusto ko ng siomai!

Pero paano? Hindi ako makatakas sa lalaking ito. Gusto ko na lang tuloy umuwi kami at magmukmok sa kuwarto para iwasan s'ya.

“Don't you like the food?” tanong n'ya bigla kaya napatigil ako.

Sh*t. Nag-e-emote ako mag-isa tapos nakita pa n'ya! Baka magtaka s'ya!

Inalis ko na lang ang kamay ko sa mukha at umarteng inaantok na lang. Wala akong maisip na dahilan para makaalis dito kaya ito na lang.

“Gusto ko nang umuwi,” mahina kong sambit na ikinataas ng kilay n'ya.

“You want to go home? Akala ko ba ayaw mong nasa bahay ka?” nagtataka n'yang tanong sa akin.

Gusto ko na lang ilubog ang mukha ko sa tubig sa sobrang katangahan ko. Pero kasi hindi ko pa kaya sa ngayon na magpanggap bilang Valery. Hirap kayang baguhin ang sarili mo tapos two months akong aakto na parang spoiled brat? No freaking way!

“Inaantok na kasi ako,” pilit kong pina-casual ang usapan kahit nagrarambulan na ang dibdib ko sa kaba. 'Yong titig n'ya kasi ay parang tagos kaluluwa ko.

Tumango naman s'ya at nagtawag ng waiter na i-take out na lang ang pagkain at mamaya ko na lang kainin sa bahay. Mukha namang hindi s'ya galit. Malay ko ba kung ano ang tumatakbo sa isipan n'ya ngayon.

S'ya na ang nagbayad ng in-order namin. Agad n'ya na naman akong hinila palabas ng restaurant. Kaagad namang sumunod ang mga body guards n'ya. Wala talaga akong kawala rito.

Hinatid n'ya ako sa harapan ng itim na kotse. Tinignan n'ya ako kaya taka ko s'yang tinignan din.

“Get inside the car. H'wag kang mag-isip na pagbubuksan kita,” aniya na ikinanganga ko lamang.

Asawa ba talaga n'ya si Valery? Bakit ganito ang trato ng asawa n'ya sa kan'ya? Naguguluhan tuloy ako, pero kahit gano'n hindi ko muna iyon pinansin at pumasok na sa backseat. Nang tignan ko s'ya sa labas ay tumungo s'ya sa isang kotse banda sa unahan.

Napasandig ako sa aking kinauupuan at nakahinga nang maluwag. Ikatutuwa ko 'bang hindi s'ya ang makakasama ko sa kotse? Tila ayaw n'yang makatabi ako o mahawakan kanina. Wala namang sinabi si Valery na ganito ang trato ng asawa n'ya bukod sa sinasaktan s'ya nito.

Napabuga ako nang hininga at pinikit na lamang ang mga mata. Natatakot man sa maaaring mangyari sa akin dahil hindi biro ang pinasok ko, kailangan kong mag-ingat.

Hindi ako nakaidlip sa byahe dahil na rin hindi pa ako sanay na sa nakapaligid sa akin. 'Yong body guard ni Sparrel ang nagd-drive ng kotseng sinasakyan ko ngayon. Ramdam kong nandito na kami sa bahay n'ya pero hindi ko muna inimulat ang mga mata ko.

Ramdam kong bumukas ang pinto sa gilid ko. Pagkamulat ko nang mga mata ay sumalubong sa akin ang salubong na kilay ni Sparrel.

“Get the f*ck out of here. Kakausapin kita sa bahay,” pagalit n'yang sabi na parang may kasalanan akong nagawa.

Agad naman akong bumaba sa kotse at tinignan ang bahay. No, mansyon ito at hindi bahay. Gusto kong malula sa laki pero nakaabang si Sparrel sa malaking pinto ng mansyon n'ya.

Tumambol ang dibdib ko nang makitang nakayukom ang kamao n'ya. Kinurot ko ang sariling kamay at nanginginig ang binti na lumapit dito.

“A-Aray!” bigla kong daing nang pabalang n'yang hinila ang braso ko papasok sa bahay.

Bagsak na isinara n'ya ang pinto at marahas akong binitiwan. Muntik na kong ma-out of balance dahil sa takong na suot ko. Buti na lang ay naagapan ko.

“Akala mo hindi ko malalaman na sinasagot-sagot mo ang magulang ko?” seryoso at mapanganib n'yang sambit na ikinaatras ko. “Anong karapatan mo para sigawan sila, huh? Sino ka ba sa tingin mo?!”

Himas ko pa rin ang brasong nahigpitan n'ya ng hawak kanina. Gusto kong maiyak dahil sobrang sakit ng pagkahawak n'ya.

“A-Ano ba ang sinasabi m—”

Nagulat ako sa biglang paglapit n'ya na may nagbabagang apoy sa mga mata nang inilapit ang kan'yang mukha sa akin. Hinawakan n'ya ang kamay ko, hindi naman gano'n kasakit ang pagkakahawak n'ya ngunit kinakabahan ako sa maaaring gawin n'ya.

“Magmaang-maangan ka pa! Do you think you can fool me, huh?” Marahas n'yang binitiwan ang kamay ko na para 'bang pinipigilan n'yang saktan ako. “Know your place, woman! H'wag kang umasta na parang asawa mo ako!”

Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. For almost years ngayon ko lang ulit naranasan ang ginawa n'ya sa akin. Lalaki pa talaga at asawa mismo ni Valery.

Hindi ko s'ya maintindihan. Mas lalong wala akong alam sa pinaggagawa ni Valery rito. Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko. Kung ipagtatangol ko ba ang sarili ko o lumaban.

Maluha-luha ko s'yang tinignan na mukhang ikinatigil pa n'ya. Kaagad namang bumalik ang nakatatakot n'yang ekspresyon. Mukhang namalik-mata lang ako sa aking nakita kanina.

“H'wag kang umiyak d'yan na parang ikaw ang biktima rito,” walang emosyon n'yang sabi bago ako tinalikuran at umalis.

Do'n na bumuhos ang marami kong luha. Gusto ko na talagang tumungo sa kuwarto kung saan p'wedeng isigaw ang frustration ko.

Nanghihina na tinanggal ko ang heels ko at pumanhik sa itaas. Saulo ko na ang bahay na ito dahil sa pinakitang litrato ni Valery. Ang mas ikinataka ko lang ay magkaiba sila ng kwarto ng kan'yang asawa.

Mabilis kong ni-lock ang pinto at napaupo sa sahig. Isinandig ko ang likuran sa pinto at humagulgol. Kagat-labing napahikbi ako.

Gusto ko na talagang mag-back out pero magulang ko ang iniisip ko ngayon. Nandito na ako at dalawang buwan lamang ang pamamalagi ko rito. Kaya ko naman sigurong tiisin, 'di ba? Nakaya ko nga noon tapos ngayon pa kaya.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumagos galing sa bintana, at saka may kumakatok sa aking pinto.

Pagod na umalis ako sa pagkakahiga at inayos muna ang buhok at aking mukha bago binuksan ang pinto. Isang kasam-bahay ang nasa harapan ko.

“G-Good morning, ma'am. Pinapatawag po kayo ni Sir sa hapag-kainan,” utal n'yang sabi habang nakayuko sa aking harapan.

Kumunot ang noo ko at mas lalo lamang nainis sa lalaking iyon. Tanda ko pa na nabanggit n'yang hindi n'ya asawa si Valery. Anong ibig sabihin no'n? Punching bag lang n'ya ang kakambal ko?

Kahit gusto kong sumabog ay kailangan kong maging mahinahon muna sa ngayon.

“Nasa'n pala s'ya?” tanong ko.

“P-Pumasok po sa tarbaho, Ma'am.”

Napatango-tango naman ako. Mabuti nga iyon. Ayaw kong makasabay ang lalaking iyon. Umiinit ang ulo ko sa kan'ya.

“Sige po, susunod na lang po ako,” magalang kong turan sa kasam-bahay na mukha yatang ikinagulat n'ya nang itaas ang kan'yang ulo.

“P-Po?” nanlalaki ang mata n'yang tanong.

Ngitian ko s'ya. “Maliligo muna ako at bababa na lang kapag tapos na.”

Hindi ko na hinintay na makapagsalita s'ya at kumaway rito bago sinara ang pinto. Ayaw kong kong sirain ang araw ko dahil sa lalaking iyon.

Hindi na ako nagtagal sa banyo dahil alam kong maiinip s'ya. Iiwasan ko ulit na makagawa ako ng kamalian ngayon para naman hindi n'ya ako saktan. Pero kasi kahapon sinaktan pa rin n'ya ako. Ano kaya ang ginawa ni Valery at ganito na lang ang galit ng kan'yang asawa?

Hindi mawala sa isip ko kung paano ako umiyak sa kan'yang harapan. It was embarrassing na umiyak ako sa kan'yang harapan. Sino ang hindi iiyak sa mala demonyo n'yang mukha? Ganito ba talaga s'ya sa asawa n'ya?

There's something wrong in here. Why do I feel like walang paki si Sparrel sa kan'yang asawa? Basi sa sabi ni Valery. They married because they love each other. Then why he's hurting her like he wants to beat her until she cannot breathe?

Kitang-kita naman sa pasa ni Valery na higit pa sa sampal at sabunot ang matanggap n'ya. Do I have to expect na mangyayari rin ito sa akin sa loob lamang ng two months? Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro