Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 04

CHAPTER 04



“Are you out of your mind, Venna?! Delikado ang ginagawa mong iyan!”

“Please, Larzon. Kailangan kong iligtas si Valery pansamantala at 'yong magulang n'ya,” pakiusap ko na mas lalong ikinailing n'ya.

Inis n'yang sinuklay ang kan'yang buhok saka ako tinignan na may inis sa mukha.

“Si Sparrel Sullivan ang pinag-uusapan dito, Ven. That guy is dangerous, so better stay away from him,” madiin n'yang sambit ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

I know na delikado ang gagawin ko since makapangyarihang tao ang lolokohin namin— ko. Kaya hindi nga magawang makatakas si Valery dahil bantay sarado s'ya ng asawa n'ya. Hindi ko alam kung bakit s'ya sinasaktan nito gayong asawa naman pala n'ya ang kapatid ko.

Para malaman kung ano ang dahilan ng lalaking iyon ay kailangan kong magpanggap bilang Valery, ang kan'yang asawa.

Hinawakan ko ang kamay ni Larzon at nagmamakaawa itong tinignan. Napaiwas tuloy s'ya ng tingin at tila nagtatampo na talaga sa akin. He wants me safe, pero ito ako gumagawa ng isang bagay na makakapagpahamak sa akin.

“This will be the last time na tutulungan ang kakambal ko, Zon. Hindi ako mapapanatag kung nasa masamang kalagayan ngayon si Mom and Dad.”

Mapupungay ang mga mata n'yang tinignan ako. “Pero mag-aalala rin sa 'yo si Mom at Dad, Ven. Kami na ang bago mong pamilya, right?”

Tumango-tango ako. “You're still my family, Larzon. Uuwi at uuwi ako sa inyo. I promise that. Tatawagan kita paminsan-minsan para ma-monitor mo ako.”

“I'll send someone to watch over you, Ven,” suhestiyon n'ya na ikinatango ko na lamang. Basta payagan lamang n'ya ako.

“Thank you, ” ngiti kong pasasalamat at niyakap s'ya. Gumanti naman s'ya at tila ayaw na akong pakawalan.

I don't know kung gaano kayaman ang napangasawa ni Valery. Ang alam ko lang ay businessman ito. Hindi ko inaasahan na may asawa na pala s'ya at hindi na rin magtataka ang tao n'yan since galing din sa mayaman si Valery.

At saka, hindi papayag ang magulang ko na hindi mayamang lalaki ang mapapangasawa ni Valery. Hindi ba lubusang kilala ng kakambal ko na ito ang lalaking ito tapos bigla-bigla na lang n'yang pinakasalan? Hindi biro ang kasal.

Napailing na lamang ako at binasa ang ini-email ni Valery sa akin ngayon lang din. It's all about her husband identity. Para hindi ako mabuko at may alam sa lalaking ito. Baka kasi kapag tinanong ako nito tapos iba sinagot ko, eh, mabuko na ako. Goodbye to me na.

“Sparrel Sullivan,” ulit kong basa, pangalan ng asawa ng kapatid ko.

His name are familiar, pero 'di ko matandaan kung saan ko ito narinig. Binasa ko pa ang nilalaman ng file. I'm sure ngayon ko lang nakilala ang businessman na ito kaya nagtataka ako kung nakilala ko na ba ito noon.

Twenty-seven years of age na s'ya. Basi sa personality na nabasa ko, delikado nga ang taong ito. Hindi siguro mabiro at palaging seryoso sa buhay. Iyon ang pagka-describe ni Valery sa file at pagkatingin ko sa picture ng lalaki.

Napalunok ako sa sariling laway nang titigan ang picture ng lalaki. Mukhang mabagsik ang anyo n'ya. He's handsome also. Hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw ang kapatid ko rito.

Kilala kong mapaglaro si Valery. Mahilig sa party at mamahaling gamit. Kumabaga spoiled s'ya ng magulang namin habang ako mga simple outfits lamang.

Maybe opposite sila na ugali at hindi nagustuhan ng asawa n'ya ang pinaggagawa nito kaya s'ya sinasaktan. I don't know kung ano ang dahilan. Hindi dapat ako nagj-judge hangga't hindi ko pa nalalaman ang katotohanan.

Tatlong araw na simula nang makita ko si Valery at ngayon na mismo kami magpapalit. Palagi akong ni-re-remind ni Larzon na mag-ingat at s'ya na bahala sa magbabantay sa akin. Hindi ko alam kung sino ang taong ipapabantay n'ya sa akin.

Napag-usapan namin na sa mall na lang kami magkikita. Kinakabahan talaga ako sa gagawin namin dahil kasama pala n'ya ang asawa n'ya ngayon. Ang plano namin ay sa comfort room kami magkikita.

While waiting for her, I called Novale that I'll be gone in two months. Two months lang talaga dahil ayaw kong umabot pa ng tatlo. May plano ako sa buhay ko at marami akong tarbaho. Bibisitahin ko pa ang grand parents ko sa San Flores.

“Busy, ah. I hope na maging maayos ka na,” masaya n'yang sabi.

She thought na mag-tr-travel ako sa iba't ibang lugar. Ayaw kong sabihin sa kan'ya ang gagawin ko ngayon dahil magiging mas mahaba lang ang conversation namin.

“Thank you, babe. I'll hang up na,” ani ko.

“Okay, bye-bye, babe!”

I smiled, and immediately ended the call at pinatay na rin ang cellphone ko. Kinuha ko ang sim ng cellphone ko at itinago sa maliit na bulsa ng aking bra. Hindi ko p'wedeng dalhin ang cellphone ko at baka makita pa. Nilagay ko na lang sa tagong lalagyan ito at baka sakaling mabalikan ko pa.

I waited for almost ten minutes bago bumukas ang pinto ng comfort room. Agad akong napatayo nang matuwid nang makita si Valery. She's wearing a white empire waist dress na may bulaklaking desenyo. Nakalugay ang medyo kulot n'yang buhok na kulay dark brown na umabot hanggang sa dibdib.

“Did you change the color of your hair?” tanong n'ya at tinuro ang ulo ko na may suot na sumbrero, kung saan nando'n nakasikop ang aking buhok.

Tumango ako at kinuha ang aking sumbrero. Pinabuhaghag ko ang aking buhok. 'Yong kulay itim kong buhok ay naging kulay dark brown na katulad n'ya. Pinaiksi ko rin ang buhok ko hanggang sa umabot ng dibdib ko. Ang straight kong buhok ay naging makulot na ang dulo.

Napangiti s'ya nang makita ang aking buhok. “You're exactly just like me, kakambal nga kita,” aniya at pinaharap ako sa salamin dito sa lababo.

Medyo namangha lang ako sa itsura namin ngayon. Talagang malilito ang tao sa amin. 'Yon ng lang may pagka-fierce ang itsura n'ya habang ang akin ay seryoso at mahinhin tignan. May isa talagang bagay na wala kaming pinagpareho kahit kambal kami.

“We need to change immediately. Hinilom ko na ang ilang sugat ko at tinakpan ang aking mga pasa para kapag nakita ka n'ya, hindi s'ya magtataka na wala kang pasa o sugat,” aniya na ikinatango ko.

“Nasa'n ba s'ya?” tanong ko, pinagpalit namin ang aming suot.

“Nasa boutique shop s'ya. Akala n'ya nando'n ako sa comfort room pero 'di n'ya alam na lumusot ako hanggang sa nakarating dito,” mabilis n'yang sagot at tuluyan na nga'ng naisuot ang kanina kong damit.

Inayos ko ang aking buhok at hinarap s'ya. “Okay na ba? Magkamukha na ba tayo?” taas kilay kong tanong, umakto naman ako na nagtataray ako.

Mahina s'yang natawa at hinampas ako nang mahina sa balikat. Ako, malakas akong manghampas tapos s'ya mahina lang.

“Parang nakatingin lang ako sa salamin, sis.” Napabuga s'ya nang hininga at hinawakan ako sa kamay. “Hindi p'wedeng magtagal tayo rito. Baka mahalata n'ya tayo kapag nagtagal tayo rito.”

Tumango ako at lumabas na ng comfort room. Namamawis ang kamay ko habang naglalakad papunta sa boutique shop na sinasabi ni Valery. Dumaan ako sa exit at nakalusot nga ako sa comfort room ng shop. Parang sinadya nga, eh.

Tinignan ko muna ang sarili sa salamin at huminga nang malalim. I was about to wash my hands nang biglang bumukas nang napakalakas ang pinto ng comfort room. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib sa sobrang gulat ko.

Nagsimula nang tumambol ang dibdib ko nang biglang pumasok ang lalaking sa picture ko lamang nakikita. It was Valery's husband...

Dumapo ang tingin n'ya sa akin. Ang kunot-noo n'ya ay bigla na lang nawala, pero nando'n pa rin ang galit. Mabilis n'ya akong nilapitan.

“What taking you so long? Akala ko ba gusto mong bumili ng maraming dresses?” inis n'yang tanong.

“Wait lang,” mahina kong turan at mabilis na hinugasan ang aking kamay. Muntik pa nga ako mautal, buti na lang agad kong kinalma ang aking sarili.


“H'wag pabagal-bagal. Let's eat in the nearest restaurant after this,” magaspang n'yang sambit na ikinatango ko.

Mahigpit n'yang hinawakan ang braso ko at hinigit palabas ng comfort room. May sales lady pa nga na humarang sa amin na mukhang nabahala sa biglang pagpasok ni Sparrel sa loob ng lady's room.

Tinapunan s'ya nang nakakasindak na tingin ni Sparrel kaya hindi na n'ya nagawang magsalita pa at yumukod lamang. Rinig ko ang pagsinghal ni Sparrel at hinigit ulit ang braso ko papunta. Sa iba't ibang klaseng dresses na nakahilira sa harapan namin.

“Make it fast. Choose what ever you want,” he seriously uttured.

Napalunok ako sa nakatatakot n'yang presensya. Gusto ko sanang tignan s'ya nang matagal para mabasa ang kan'yang iniisip ngunit baka ma-weirduhan s'ya sa akin.

Dahan-dahan kong binalingan ang mga mamahaling dresses sa harapan ko. Napakagat ako sa sariling labi nang makita na halos lahat mga dollars ang prices. Naglakad ako sa pinakadulo at nanatili lamang s'ya sa kan'yang puwesto.

Ang totoo n'yan wala akong napili. Gusto ko sanang mumurahin kaso hindi ko pa magawang sabihin sa kan'ya na sa iba na lang kami bibili.

I'm still not used to this kind of set up. I don't even know him. Yes, may kaunti akong nalalaman tungkol sa kan'ya dahil sa tulong ni Valery, pero 'yong tinutukoy ko ay hindi ko naman s'ya nakilala in personal at ngayon lang kami nagkita.

Kinuha ko ang simpleng dress na kulay itim at nilagay sa aking harapan para tignan kung hanggang saan aabot ang haba nito. Hanggang itaas ng tuhod ko. Ayos na rin ito.


Binalingan ko s'ya ng tingin at hilaw na ngumiti, tinaas ko ang dress. “Ito na lang.”

Medyo nailang lang ako nang makitang nakatitig s'ya sa akin. He was just staring at me seriously while his two hands are in the pocket of his slacks.

“I thought you want ten dresses,” aniya at nilapitan ako.

Gusto kong umatras pero hindi ko magawa sa ngayon. Umiwas lamang ako ng tingin sa kan'ya dahil pakiramdam ko nagkasala ako. Asawa ba naman ni Valery.

“I-I change my mind, ito na lang,” agap kong saad at napakagat sa ibabang labi.

Kita ko naman sa gilid ko na tumango s'ya nang dalawang beses. Napasinghap ako nang hawakan ulit n'ya ako sa braso at hinigit palapit sa kan'ya.

Napataas tuloy ang tingin ko sa sobrang tangkad n'ya. Pinaglihi yata ito sa sana ng loob dahil hanggang ngayon masama pa rin tingin n'ya sa akin.

“Don't ever try to escape me. You know what I can do when you disobey me, ” he seriously said that makes me want to run.

Hindi pa man ako nakatugon ay kaagad na n'ya akong hinila papuntang cashier. Binayaran n'ya ang dress na binili ko bago kami lumabas. Nagulat ako sa dami n'yang body guards na nakaabang lamang sa labas. I think ang ilan sa kanila ay mga army. Gaano ba kayaman ang lalaking ito?

Inalis n'ya ang kamay sa braso ko at nilipat sa aking balikat. Habang naglalakad kami kasunod ang mga body guards n'ya ay bumulong s'ya sa aking taenga na ikinanindig ng balahibo ko. His voice was harsh, and plain like he don't want to talk to me, but he needed to.

“I don't want to be a gentleman like you always wanted. Don't expect me to treat you nice, and hold your waist even in the public place. Know your limits, woman.”



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro