Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 03

CHAPTER 03

Starting a new life is not easy kung dala-dala mo pa rin ang nakasanayan mong buhay. No'ng tumungo ako sa USA, hindi pa ako makasabay sa taong nakasasalamuha ko. Para akong walang kamuwang-muwang sa mundo.

Palagi kong hinahanap ang pamilya ko. Nasanay akong nasa tabi ko sila kahit pinaparamdam nila na wala lang ako sa kanila. Na hangin lamang ako sa paligid nila.

'Yong akala ko na mismo ang kakambal ko ang tatanggol sa akin pero s'ya rin pala ang sisira sa akin. Pagdating sa kamalian, ako palagi ang nakikita. Pagdating kay Valery, lahat na lang tama sa kan'ya. Unfair, right? Gano'n talaga mga tao. Life is not unfair nga raw sabi nila, but people are.

Now that I can stand for myself, hindi ko na sila guguluhin pa. Besides, may bago na akong pamilya. They are nice just like Larzon. Tinuring anak ako ng magulang ni Larzon. Kaya gusto kong bumawi sa kanila, pati kay Larzon dahil pamilya ko na sila.

Ano pa ba ang kulang sa akin bukod sa may kaya na ako at pamilya na inaasam ko noon? Right, dadating ang araw na magkakaroon ako ng asawa. Tapos na ako sa pag-aaral at lahat naman nagagawa ko. Pag-ibig na lang ang kulang sa akin.

I'm still waiting for the right man for me. Kung sino man s'ya, sana ingatan n'ya ako at kaya n'ya sanang tanggapin ang aking nakaraan.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng shop ko. I really love the theme and color of this shop. Cream and brown ang color. Gold and yellow naman ang mga kagamitan.

Ang mas paborito ko pa rito ay marami ritong cups na may kan'ya-kan'yang pangalan. Kung sakali man na bumalik ang customer ay may sarili na kaagad s'yang cup.

“Wala po 'yong isa naming kasama, Ma'am. Walang magbabantay sa cashier,” kinakabahan na sabi sa akin ng empleyado ko na babae.

Napatigil naman ako sa pagsusulat dito sa aking table at taka s'yang tinignan.

“What happened to her?” tanong ko at binitiwan ang ballpen para bigyan s'ya ng atensyon.

Nilagay n'ya ang kamay sa likuran. “May lagnat po s'ya, Ma'am. Marami pong customer at kulang tayo ng waiter. Kaya... Walang cashier.”

Napayuko ako saglit dahil sa pangangalay ng batok ko. Agad ko namang tinaas at tumayo sa pagkakaupo.

“Ako na ang magbabantay ng cashier. Mag-h-hire na lang siguro ng ilang empleyado bukas,” ani ko na ikinatuwa n'ya.

Agad na kaming pumanhik sa ibaba ng floor kung saan nakapuwesto ang cashier. Medyo naiilang ang iba na makita ako rito. Sa office dapat ako ngayon pero since wala naman akong masyadong ginagawa ay ako na ang aako ng tarbaho. Hindi naman mabigat ito.

“Naku, Ma'am. Thank you po sa pagtulong!” ngiting sabi ng waitress nang salubungin n'ya ako rito sa cashier.

“No problem, ” nakangiti ko ring turan at bumalik sa pagtatarbaho. Marami nga'ng customers at mostly mg estudyante ang iba. It's early in the morning kaya madami.

While I'm calculating the amounts of money, bigla na lang may sumulpot sa harapan ko. Binalik ko ang pera at ngingitian sana ang customer. Ngunit gano'n na lang ang pagkawala ng ngiti ko nang makita ang kahawig kong mukha.

“I-Ikaw na ba iyan, Venny?” tanong n'ya sa mahinang boses. Even her voice magkapareho kami kung ganito s'ya kakalmado.

I was still shocked, pero kaagad din nawala iyon at napalitan ng pagkakunot ng noo. Napansin ko na balot na balot s'ya sa suot n'yang jacket. Hindi naman gano'n kalamig ang panahon para magsuot s'ya ng makapal na jacket. Parang may tinataguan s'yang tao.

“Thank goodness! You're really here!” matinis n'yang sabi at mabilis na lumukob ng daan para yakapin ako.

Naestatwa lamang ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang pakikitungo ko sa kan'ya after all she did to me years ago. I'm still mad, but I'm not taking a revenge. I'm here to do my job and to start to be happy.

Mukhang nahiya naman s'ya nang 'di man lang ako tumugon sa kan'yang yakap. Agad s'yang humiwalay at ngitian ako. 'Yong mga ngiti n'ya na gusto kong makita noon pa man. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa halo-halong emosyon ko ngayon.

“What are you doing here?” mahinahon kong tanong. I can't take my eyes off to her. Magkamukha talaga kami, except sa buhok namin ngayon. May tattoo rin ako sa likuran ko at wala s'ya no'n. She hates tattoo.

While me? Hindi ko alam kung saan ko ito galing pero may kutob ako na galing ito sa estranghero na lalaki nakaraang ilang taon. Hindi ko na pinabura dahil maganda naman. Ngunit minsan natatakot ako kapag naiisip ko na galing ito sa hindi ko kilalang tao. Bakit nga ba n'ya ako nilagyan ng tattoo?

Hinawakan n'ya bigla ang kamay ko kaya napatingin ako ro'n. Bigla na lang nanginig bigla ang kamay n'ya kaya taka ko s'yang tinignan. Takot ang nakikita ko rito.

“H-Hndi ko inaasahan na makikita kita rito. I thought nasa ibang bansa ka pa.” Napakunok s'ya sa sariling laway at mas hinigpitan pa ang hawak sa akin. “I-I'm so glad to see you here. Ikaw lang ang tanging makakatulong sa akin ngayon.”

Inalis ko ang kamay n'ya at lumayo rito. “Makapal ba ang mukha mo para humingi ng tulong sa akin? Do you even remember kung anong ginawa mo sa akin?” hindi ko napigilan na mainis sa kan'ya.

Ito ang kinagagalit ko sa kanila. Aabusuhin nila ang kahinaan ko dahil sa mabait ako. Hihingi sila ng pabor at tulong sa akin, then what happen next? Babaliwalain na ako dahil wala na akong saysay.

Ang mga mata n'yang balisa ay palingon-lingon na tumingin sa labas ng shop at sa akin. She desperately held my hand at hinila ako.

“Saan mo ako dadalhin?” matigas kong sabi pero hinayaan ko naman s'yang hilahin ako. Mukhang importante ang sasabihin n'ya. Hindi ko alam kung bakit takot na takot s'ya ngayon.

“Kaunting oras lang kailangan ko sa ngayon, Ven. P-Please, may sasabihin ako,”mahina n'yang sabi, nagmamakaawa ang boses n'ya.

Pumasok kami sa comfort room at ni-lock n'ya iyon. Magsasalita na sana ako nang sinimulan na n'yang hubarin ang kan'yang makapal na black jacket. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at halos hindi na bumuka ang bibig ko sa aking nakita.

Napapikit ang mga mata n'ya at dumilat din. Mukhang nahihiya pa s'ya sa kalagayan n'ya ngayon. Kagat-labing umikot s'ya sa kan'yang kinatatayuan para ipakita pa sa akin ang iba pa n'yang tinatago. Halos mahigit ko ang aking hininga nang makitang halos tadtad ng pasa at sugat ang kan'yang katawan.

“W-What happened to you?” sa wakas natanong ko na rin.

Hindi ko mapigilan na suriin ang kan'yang mga sugat at pasa na mukhang matagal na ito at may mga bago rin s'yang sugat. Nagiging violet yong ibang parte sa balat n'ya, lalo na ang sa bibig n'ya. Akala ko lipstick lang n'ya na kumalat.

Hinawakan n'ya ulit ako sa balikat. “M-My husband is hurting me. S-Simula nang ikasal ako sa kan'ya ay walang araw na 'di n'ya ako sinasaktan.”

Napaawang ang labi ko. Wala akong balita na may asawa na pala s'ya. Marami rin palang nangyari simula nang mawala ako. Kung ano man ang mayro'n s'ya ngayon ay hindi ko ikinatutuwa. Hindi ko naman na ikinatutuwa na makita s'yang ganito kahit sinaktan n'ya ako noon.

“Bakit hindi mo hiwalayan, Val? Alam ba ito ni Mom at Dad? Ano ang pinaggagawa mo sa sarili mo?” mariin kong bulalas, parang tutulo na ang luha ko sa aking nakikita.

Umiling s'ya ng ilang beses at naiyak na rin sa aking harapan. “I-I love him. Hindi ko s'ya kayang hiwalayan. A-Alam kong magbabago s'ya.”

Napahilamos na lamang ang palad ko sa aking mukha at inis s'yang tinignan. “Alam ba ito ng magulang mo? Akala ko ba ayaw ng magulang mo na sinasaktan ka?”

“H-Hindi sila makalapit sa akin, Ven. Hindi ko rin alam kung nasa'n sila dahil sa gawa ng asawa ko. Makapangyarihan ang asawa ko at hindi madaling kontrahin. Mapapahamak lamang si Mom and Dad kapag sinubukan nilang tulungan ako.” Huminga s'ya nang malalim. “S-Sana matulungan mo ako rito, Ven. Please... Nagmamakaawa ako.”

Frustrated na nilagay ko ang dalawang kamay sa aking beywang at tinignan s'ya. Base sa sinabi n'ya, mayaman ang lalaki at makapangyarihan.

Akala ko wala na ring paki ang magulang namin sa kan'ya. At saka hindi hahayaan ni Valery na madawit ang magulang namin dito kaya ako ang pinuntahan n'ya.

Napangiti na lang ako nang mapait. “Kaya ba ako ang nilapitan mo dahil ayaw mong masaktan sila Mom and Dad? Ano naman ang maitutulong ko sa 'yo gayong 'di ka nga matulungan ng magulang natin.”

“Magpanggap ka na ako. I-Ikaw muna ang papalit sa akin habang hinahanap ko si Mom and Dad,” bigla na lang n'yang sagot na ikinasinghal ko.

“Ano?! Nag-iisip ka ba, Val? Gusto mong ako ang sasalo sa suntok ng asawa mo?!” hindi ko mapigilan na sumabog, napailing ako. “Hindi. Ako na lang ang hahanap sa kanila kung iyon ang kinatatakutan mo. Sinabi na nga'ng hiwalayan mo ang asawa mo.”

Mangiyak-ngiyak s'yang umiling. “Iyan ang hindi n'ya hahayaan. Please, Ven. Alam kong magbabago s'ya kapag pinakita mong mabait ka sa kan'ya. A-Alam mo naman na hindi ko makontrol ang lumalabas sa bibig ko kaya siguro nasasaktan n'ya ako.”

I tried to calm myself, but I just can't. Bigla ba naman akong sinabihan na ako ang papalit sa kan'ya. Kung makapangyarihan nga ang asawa n'ya, baka mabuko kami dahil malayong-malayo ang pag-uugali namin.

“Paano kung saktan n'ya ako? Paano kung patayin n'ya ako, huh?” anas kong tanong.

“Hindi n'ya iyan magagawa. Trust me, asawa pa rin n'ya ako kaya hindi n'ya iyon kaya,” sagot n'ya. “Hindi mo rin mahahanap sila Dad at Mom dahil sa pinakatagong lugar sila dinala, at ako lang ang nakakaalam kung nasa'n sila. K-Kaya gusto kong ikaw muna ang magpanggap para sa akin hangga't hindi ko pa nakukuha sila.”

Inalis ko ang kamay sa beywang ko at nilapitan s'ya. “Do you think this gonna work? Paano kung mabuko ako?”

“I'll send you a document na naglalaman tungkol sa aking asawa. And I want you also to act like me. Alam mo rin naman ang ugali ko kaya madali lang siguro sa 'yo iyon.” Napatingin s'ya sa pinto ng CR. “Hindi ako p'wedeng magtagal, Ven. Hahanapin na n'ya ako. May nagbabantay sa akin sa labas.

Napabuntong hininga ako. “Kailan mo gustong magsimula ako?” seryoso kong tanong.

Wala sana akong planong mangialam sa kanila pero nag-alala rin naman ako sa kalagayan ng magulang ko. After this, hindi na ako magpapakita sa kanila. I'll just try to be nice to her husband at sundin ito para iwas na masaktan ako.

“Babalik ako rito pagkatapos ng tatlong araw.” Sinuot n'ya ang kan'yang jacket at binalot ulit ang katawan n'ya. “At do'n na tayo magpapalit ng anyo. P-Payag ka na ba?”

Napangitngit ang ngipin ko at umiwas ng tingin sa kan'yang mukha. Sa totoo lang kasi naaawa na ako, kaya ito wala nang atrasan.

“Pumapayag ako. Basta bayaran mo ako. Hindi ako tumatanggap ng utos kung walang bayad,” pahayag ko na ikinatango n'ya.

Kahit naman marami akong pera ay kailangan ko ng kapalit kapag humingi s'ya ng ganitong favor. Paano na lang kung nabugbug ako? Edi wala akong pera pambayad sa hospital kapag kailangan na.

Tipid s'yang ngumiti. Hindi n'ya iyon maunat dahil sa namamaga n'yang bibig.

“Alright. I'll pay you after this.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro