Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 02

CHAPTER 02


Pagkatapos naming kumain sa mamahalin restaurant ni Novale ay kaagad n'ya akong hinatid sa tinitirhan ko. Larzon bought it for me. Ang laki nga ng utang ko sa lalaking iyon, but still thankful pa rin.

“I have a gift for you, Ven,” bigla na lang sabi ni Larzon habang abala ako sa pag-arrange ng mga gamit n'ya rito sa bago n'yang opisina.

Kunot-noo ko s'yang inangatan ng tingin. “Tell me that this is just an ordinary gift, Zon. You're spending too much money already.”

Mahina s'yang natawa at lumapit sa akin. Para bang na-e-excite s'ya sa magiging reaction ko pagkatapos. Ginulo n'ya ang buhok ko kaya inalis ko ang kamay n'ya rito. Kakasuklay ko nga lang ng buhok, eh.

“Kung tutuusin mas sobra ang taon na ginugol mo para maalalayan ako sa tarbaho. I should be the one to  thank you,” aniya, nagda-drama ulit.

Napabuntong hininga ako. “You know that you also helped me, right? Quits na tayo. Ano pala ang regalo mo?”

Medyo kumalma na ang loob ko dahil alam kong pinaghirapan ni Larzon kung ano man ang magiging regalo n'ya sa akin. I will accept it pero babayaran ko na rin.

“It's a coffee shop. Pansin ko kasi na mahilig ka sa pabago-bagong kape, kaya naisipan kong pagawan ka ng coffee shop,” mahinahon n'yang sabi na ikinalaki ng mata ko.

Hinampas ko s'ya sa balikat dahil ito na yata ang malaking regalo na binigay n'ya sa akin. Mga regalo n'ya kasi kadalasan mg alahas at mga beauty products na mamahalin.

“Last na talaga ito, Larzon. Please, tama na sa kakabigay, ah?” ani ko rito, nagmamakaawa. “Hindi ako mapapanatag kapag sobra-sobra ang binigay mo. I'm already contented and happy, Zon. I still thank you for giving me this.”

Tumango s'ya at ngitian ako.“Okay na, baka hindi ka na makatulog mamaya sa kakaisip tungkol dito. Please, accept my gift. Palaguin mo ito.”

Tumango-tango naman ako at nakipag-fist bump sa kan'ya. Kung hindi ko s'ya yayakapin para magpasalamat, this is my other way of thanking him.

“You can now start to manage your small business, Ven. May katulong na ako rito sa company. But you can still visit me here everytime you want,” dagdag pa n'ya na mas lalo kong ikinangiti.

Dati kasi sa USA may bookstore s'yang pina-manage sa akin at do'n ako nakatutok bukod sa kompanya n'ya. Hindi ko tinanggap ang tatlong branch na bookstore n'ya no'ng napalago ko. Hindi pa kasi ako tiwala no'n sa sarili.

Now that he's giving me a chance para maging successful. Gagawin ko ang lahat para mapalago ulit ito. I'm still afraid, pero gaya nga sa sinabi ko, I'll face my fears.

Binigay n'ya sa akin ang address kung saan ang location ng bagong coffee shop. May mga taga alalay rin ako ro'n at nakaarang week lamang sila nagsimula ng tarbaho. Hindi ko alam na plano na pala ito ni Larzon sa akin. Gusto ko tuloy maiyak sa tuwa.

Bumaba ako sa kotseng sinasakyan ko nang makita ang coffee shop na sinabi ni Larzon. Venny Cafe ang nakalagay na pangalan sa itaas. Hanggang second floor ito kaya 'di ko masabing small ito.

Gust ko sanang magreklamo kung bakit hanggang second floor ito pero ayaw ko naman na maging choosy pa. Bigay na ito sa akin kaya dapat tanggapin ko.

“Good evening, Ma'am! ”

Medyo nagulat ako nang pagkapasok ko ay lahat ng staff bumati sa akin. Nakalinya silang lahat mismo sa harapan ng pinto at naka-bow ang heads. Ngiting tumayo ako nang maayos.

“I was surprised to see you all here. Good evening din sa inyong lahat,” ngiting ani ko.

Tinaas na nila ang ulo at nakatayo na nang matuwid sa aking harapan. Tudo papuri sila sa kagandahan ko raw at sana maging mabait akong Amo. Hindi naman ako mahigpit sa tarbaho basta nagagawa nila ng tama. I assure them na itatrato ko sila ng tama.

Hanggang alas-otso pala ang duty nila rito, bali hindi pare-pareho ang time nila ng pasok. Nagkataon na alam nilang dadating ang may-ari nila which is ako ay nandito silang lahat. Si Larzon siguro nagpasabi dahil mas una pa nila naging amo ito.

“P'wede na po kayong makauwi sa inyong pamilya. Salamat sa efforts, ah,” masaya kong sabi sa mga staff habang nililigpit namin ang mga kalat namin.

May kaunting kasiyahan kasi kami rito. Nagpahanda pala si Larzon para sa amin. Pagnakita ko talaga bukas iyon ay kukurutin ko s'ya sa dami na n'yang naitulong. Porke wala pang pamilya na inaalagaan bukod sa magulang at kapatid n'ya, nagwawaldas na ng pera.

“Thank you po ulit, Ma'am! See you po tomorrow! ”

Kumaway-kaway silang lahat sa akin at gano'n din naman ang ginawa ko. Ang gaan ng pakiramdam ko dahil lahat talaga sila nagtutulungan at hindi ko makita na malayo sila sa isa't isa. They are so close to each other. Na-miss ko tuloy ang barkada ko noon.

Ni-lock ko muna ang shop ko bago pumanhik sa aking kotse. Nang makapasok ay agad kong pinikit ang mga mata ko. I was thinking kung saan p'wede mamasyal ngayon. Gusto kong sulitin kahit may bukas pa naman since gabi na ngayon.

Inimulat ko ang mga mata ko at nagsimula nang mag-drive. Gusto kong puntahan ang bahay ng magulang ko. Siguro hindi na lang ako magpapakita at sisilipin lamang sila... Sapat na iyon.

Tanda ko pa ang lugar kung saan ako lumaki kaya hindi na ako naligaw ng daan hanggang sa tanaw ko na ang bahay namin— nila. Huminto ako sa gilid at pinagmasdan ang bahay.

Mukhang nand'yan pa rin sila. Wala na akong balita tungkol sa kanila, lalo na sa aking kakambal. Ayaw ko kasing alamin ang nangyari sa kanila at sinubukan na lamang kalimutan. Pero ito nandito ako ngayon, sa harapan ng bahay na minsan naging tahanan ko.

Nakalulungkot lang dahil panandalian na kasiyahan lamang ang naramdaman ko sa piling nila. Mas lamang ang sakit na dinulot nila sa akin.

Lumabas ako sa aking kotse. Agad na tumama ang malakas na pag-ihip ng hangin sa akin kaya nagkagulo ang buhok ko. Sinikop ko ito at simple lamang na itinali.

Maglalakad na sana ako papunta sa bahay na iyon nang biglang may nagsalita sa likuran ko na aking ikinahinto. I can feel my heart beating so fast because of nervousness. Bakit ngayon pa?!

“Venny? Is that you?” a baritone asked me.

Hindi ako humarap. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Hindi pa ako handang harapin sila o s'ya.

Pero natigilan na lamang ako nang s'ya mismo ang tumungo sa harapan ko para kumpirmahin kung tama ba ang hinala n'ya. Kita ko ang bahagyang pagkalaki ng mga mata n'ya. May hawak s'yang mga blue prints sa kamay at muntik na itong mahulog nang makita ako. Na nasa harapan n'ya ako.

“Marv,” bulalas ko sa mahinang boses ngunit batid kong narinig n'ya iyon.

His eyes is screaming of longing and happiness to see me right now. Pero iba naman ang kinikilos n'ya. Kita kong napahigpit ang hawak n'ya sa kan'yang blue prints at pagngitngit ng kan'yang ngipin.

“Why did you came back?” tanong n'ya, bigla na lang nawala ang kasiyahan sa kan'yang mga mata. Na tila nakalimutan n'yang galit pala s'ya sa akin.

Napalunok ako sa sariling laway at pinakiramdaman ang tibok ng aking puso. Wala na akong nararamdaman sa kan'ya, ngunit nang makita s'ya ngayon ay tila bumalik ako sa una. I think na miss ko lang s'ya. Yes, that's right.

“Dito ako nakatira kaya babalik at babalik talaga ako,” sagot ko na ikinatagis nang bagang n'ya.

“Sa pagkakaalam ko sa ibang bansa kana nakatira. Sinabi mo noon sa akin na sinundan mo ang lalaking mahal mo.”

Ramdam ko talaga ang diin sa kan'yang boses. I can't blame him kung galit s'ya sa akin. Kasalanan ko kung bakit ganito na lang ang trato n'ya sa akin.

Pero hindi totoong may asawa ako. May bagay talaga akong naitago sa kan'ya na alam kong masasaktan s'ya, kaya mas pinili kong lumayo na lang dahil hindi n'ya ako deserve.

“Wala akong asawa,” nakangiti kong sabi, sa loob-loob ko ay kinakapos na ako ng hininga. “I just came here to start a new life. Dito na ako nagtatarbaho.”

“Pagkatapos mo akong lokohin ganito ang trato mo sa akin?” Napahakbang s'ya papalapit sa akin at nilapit ang mukha sa akin. “Nagsisi ka ba talaga sa ginawa mo sa akin? O baka naman wala kang konsensya?”

Napabuga ako nang hininga at umiwas ng tingin dito. Medyo kinakabahan lang akoo na baka itulak n'ya ako since galit s'ya. Marami na ang nagbago kaya baka pati ang pananakit ay kaya na n'yang gawin. Sa laki ng kasalanan ko sa kan'ya ba naman.

Once na nasaktan ang isang tao ay mag-iiba talaga ito. Kahit s'ya nga na pinakamabait na taong nakilala ko, galit na galit na sa akin ngayon.

“Tell me, Ven. Do you really loved me that time?” tanong n'ya, tinutukoy n'ya 'yong mga panahon na kami pa. “Look at me.”

Dahil sa maotoridad n'yang boses ay napatingin ako sa kan'ya. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa. 'Yong mga mata n'ya ay pinagmasdan ang kabuohan ng mukha ko, until his eyes looked at my pleading eyes.

Mas lalo s'yang naging guwapo at maskulado ngayon. Dati habulan ng nga babae pero sa dami nila, ako ang napili n'ya. I thought he was just challenge to make me his girlfriend pero sabi n'ya talaga no'ng una na gusto na n'ya talaga ako. He don't know how much happy I am those days with him.

“When I say I love you, I mean it, Marv. Sa tingin mo mag-aaksaya ko ng dalawang taon sa 'yo kung hindi kita mahal?” mapait kong sabi.

Mukhang napahinto s'ya ro'n. Pero kumunot ulit ang noo n'ya. “But you kissed some other guy the time that I caught you in the bar. Kitang-kita ko na masaya kang kasama s'ya, Ven.”

Hindi ako iyon. Gusto kong sabihin ngunit pinapangunahan ako ng takot. Ayaw kong malaman n'yang may kakambal ako. I think hanggang ngayon wala pa rin s'yang alam tungkol do'n. Ayaw kong makarating sa magulang ko na may iba 'pang nakakaalam na may anak pa silang isa at kakambal ko pa si Valery.

Napayuko ako at wala nang iba 'pang idadahilan pa. “Isipin mo na kung ano dapat mong isipin. But I'm telling you na minahal kita noon. I... I have to go.”

Hindi na dapat ako magtagal dito. He's a Mayor at alam kong malalaman at malalaman n'yang may kakambal ako. Hindi iyon malabong mangyari lalo pa't nandito ako.

Tumalikod na ako sa kan'ya at akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nang maramdaman ang mabilis n'yang pagyakap sa aking likuran. Nanigas ako at napatayo nang maayos dahil do'n.

“Gusto kong tawanin ang sarili ko... Dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita,” bulalas n'ya na ikinanigas ko. “You cheated on me. I should be mad, pero bakit mahal pa rin kita kahit niloko mo ako?”

Nanginginig na ang katawan ko, gustong kumawala ang hikbi sa aking bibig pero pinipigilan ko lamang. Pilit kong ikinalas ang kan'yang kamay na nakapulupot sa aking tiyan, at nagtagumpay naman ako.


Lumayo ako rito pero tila s'ya'y nagulat din sa aking biglang paglayo. Umiling ako rito.

“Dapat magalit ka lang sa akin. I deserve it. Please, h'wag mo nang gagawin iyon. What happened between us years ago should be forgotten,” ani ko, binuksan ko ang pinto at umiwas ng tingin. “Minahal man kita noon, pero hindi ibig sabihin na mahal kita ngayon. Hindi ibig sabihin na makikipagbalikan ako sa 'yo.”

Hindi na ako nagpaalam sa kan'ya at pumasok sa aking kotse. Iniwan ko s'ya ro'n na nakatulala at hindi inaasahan ang pangyayari.

Napailing ako nang maisip ulit ang kan'yang sinabi. He still love me... Masaya ako ro'n pero dapat na n'ya akong kalimutan. Hindi ko pa nga napapatawad ang aking sarili sa nangyari sa akin nakaraang ilang taon.

I can't love him kapag sira pa ang sarili ko. And besides, wala na akong planong makipagbalikan sa kan'ya. Kahit may asawa man s'ya o wala, hindi ko na ulit s'ya babalikan.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro