Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 01

CHAPTER 01


“Are you going to come with me in the Philippines?” umaasang tanong ni Larzon. Pormal s'yang nakaupo sa kan'yang swivel chair habang nag-aabang sa aking magiging sagot.

Umiwas ako ng tingin sa kan'ya saglit bago binalik din nang makapag-isip. “Yeah, I miss my country anyway.”

Ang totoo n'yan, hindi ko alam. Tatlong taon na ako rito sa USA at sa tatlong taon na iyon, kahit isang beses hindi ako nakauwi sa Pilipinas. Sino ang uuwian ko kung mismo magulang ko ayaw na sa akin?

Kaya hanggang ngayon nanatili pa rin ako sa nakaraan... Na dapat sanang kalimutan na. Napakasakit para sa akin na mismo pamilya mo ay tinatago ka sa isang masikip at madilim na kuwarto.

They are popular and known as one of the rich people in our province, even in the city. Ang alam ng nga tao ro'n ay nag-iisa lamang ang anak nila, but it wasn't. Nakalimutan nila na nandito ako at kakambal ko lamang ang pinakilala sa mga tao.

“You're still thinking that they can control you kapag bumalik ka?” mahinang tanong ng kaibigan kong si Larzon.

He's the one who helped me when I almost lost myself. That's why I'm so very thankful that until now, he never left me. Kaya gusto kong magtarbaho sa kan'yang kompanya sa Pilipinas dahil do'n na s'ya mamahala since ibibigay n'ya ang kompanyang ito sa kan'yang kapatid.

“Yes, hahanap at hahanap sila ng paraan para kontrolin ako. I know them well.” Napasandig ako sa sofa na inuupuan ko nang makaramdam nang pangangalay. “Susundin nila ang gusto ng kakambal ko dahil iyon naman mahal nila at wala lang ako sa pamilya nila. Kinakahiya nga ako.”

Ayaw ko talagang pinag-uusapan ang tungkol sa kanila pero nasimulan ko na kaya tatapusin ko na. Kapag kasi pinag-uusapan namin ang isang bagay, hindi ko maawat ang sarili na putulin ito. Gusto kong ilabas ang nararamdaman at aking hinaing.

Pikit-matang napailing s'ya. Alam n'yang hahaba ang usapan na ito kapag hindi pa s'ya umalis. Tama nga ang iniisip ko dahil napatayo na ito sa pagkakaupo.

“H'wag kang mag-alala. I won't let them control you again. You can make your own name just by yourself, I assure you that,” seryoso n'yang sambit at hinawakan ang tuktok ng ulo ko na tila pinapahiwatig na nand'yan lang s'ya. “Kahit anong mangyari tutulungan pa rin kita. You can start your job when we go back in the Philippines. ”

Pagkatapos no'n ay iniwan na n'ya akong mag-isa sa opisina n'ya. Napagpasyahan ko na lamang na ligpitin ang mga gamit n'ya at gano'n din akin na dadalhin namin sa Pilipinas. Bukas maaari nang magsimula ang kapatid ni Larzon sa pamamahal sa kompanyang ito.

Habang naglilipit ng gamit ay hindi ko maiwasang tignan ang repleksyon ko sa malaking salamin na kaharap ng table ng CEO.

I can clearly see my body changes, naging matured na tignan. Mas humubog ang katawan ko at humaba rin ang aking buhok. Dati kasi hanggang ilalim ng balikat ko lang. Hindi na rin pang manang ang pananakit ko at kahit papaano natuto akong mag-ayos sa aking sarili.

'Yong natural kong katawan ang isa sa pinagmamalaki ko. Sabi ng mga naging kaibigan ko rito sexy raw ako kahit hindi gano'n kalaki ang hinaharap at puwetan. Kapag naririnig ko iyon ay natatawa na lamang ako. Mas maganda nga yo'n.

Napangiti ako nang mapait. Magkamukhang-magkamukha talaga kami ng kakambal ko. Kaya noon nasasaktan ako kapag nalilito ang magulang ko kung sino sa amin si Varley, which is my twin. Palagi na lang pangalan ng kakambal ko ang sinasambit sa kanilang mga amigo.

Hindi na ako nagtagal pa sa opisinang iyon at umuwi na sa aking condo. Naunang umuwi pala si Larzon sa Pilipinas dahil sa emergency kanina nang tawagan ako. Sumunod na lang daw ako. Wala namang problema.

“For real, babe?! Uuwi ka na bukas?!” 'di makapaniwalang bulalas ni Novale mula sa kabilang linya nang tawagan ko s'ya.

Tumango ako kahit hindi n'ya nakikita. “Yeah, it's been three years... Kumusta ka na?”

“Oh my gosh! I'm so excited na makita ka na sa personal!” she loudly exclaimed kaya natawa ako. “I'm extremely fine, babe. Kahit pagod sa modeling ito energetic pa rin.”

“Palagi naman, ” natatawa kong litanya na ikinahagikgik n'ya. “I'll hang up muna, babe. Bukas na lang tayo magkita sa airport, okay?”

“Sure! Sure! Good night, babe! Mag-sl-sleep na ako!”


Noon ayaw kong tinatawag n'ya akong babe, pero unti-unti na akong nasanay kaya hinayaan ko na lang. Kagaya na lang ngayon, tinatawag ko na rin s'yang babe. We're friends since college at hanggang ngayon may komunikasyon pa rin kami.

Pinatay ko na ang tawagan namin at nahiga sa aking kama. I closed my eyes and trying to calm myself nang maisip ulit ang nangyari noon sa Pilipinas.

Until now the wound inside my heart is not totally healed. Scars are still visible, and I don't know how can I cover it. Makikita pa rin ang sakit sa mga mata ko na dulot ng nakaraan ko. That's why I want to face my fear in order me to start a new life.

Madaling araw pa lang ay nakaalis nakasakay na ako sa eroplano. Umabot ng ilang oras bago nag-landing sa Pilipinas ang sinasakyan kong eroplano.

I carried all my things bago lumabas. Nalanghap ko ang pamilyar na hangin. Nasa Pilipinas na talaga ako at hindi ko talaga noon naisip pang bumalik dito. Kontento na ako sa USA, but I need to dahil nandito ang boss ko.

I wore my white sando and covered by my black leather jacket. My ripped jeans are tightly covered my lower body. Nakalugay din ang mahaba kong buhok na straight.

“Venny! Oh my gosh!”

Agad akong napatingin sa 'di kalayuan nang makita ang pamilyar na pigura. Agad nalumawak ang ngiti ko nang makita si Novale. She was running towards me, and suddenly hugged me so tight that I almost lost my breathe.

“H-Hey,” natatawa at nahihirapan kong ani. Tudo s'ya tili at humiwalay na nga sa yakap. Hindi naman n'ya inalis ang mahigpit n'yang kamay sa braso ko na tila gusto nang durugin sa sobrang higpit.

“You're so gorgeous, babe! Grabe, dinaig mo pa ako, ah! You can be a model na!” Hinampas n'ya ako sa balikat pagkasunod na ikinangiwi ko lamang, di sang-ayon sa inisip n'ya. “I miss you so much, you know that, right?!”

Napatango-tango ako. “Masyadong halata, babe. Mag-celebrate na lang kaya tayo sa pag-uwi ko at nang tigilan mo ako sa pagkurot sa aking braso.”

“Oh, right! Sorry na, babe.” Ikinawit na lamang n'ya ang kamay sa aking braso bago ako hinila paalis ng airport.

While we're heading to the nearest restaurant, dada lang s'ya ng dada. Hindi n'ya mapigilan lalo pa't ngayon lang kami nagkita matapos ang tatlong taon. Malamang marami nang kaaway ito sa model agency n'ya. I know her well.

Madaming inggit sa kan'ya dahil maganda talaga s'ya sa totoo lang. With or without make up. Mapula kaagad ang labi at hindi s'ya gumagamit ng mamahalin na product para mapaganda pa ang kutis at hubog ng katawan n'ya. Kumbaga natural beauty na n'ya talaga.

“Anong chika, babe? May nabingwit ka bang foreigner? Care to share what happened to you in USA?” matinis n'yang tanong habang naghihiwa ng kan'yang karne sa plato.

“Wala akong planong mag-asawa ng foreigner,” I stated na ikinangiti n'ya.

“Pero Filipino guy, gusto mo? Kung sabagay, mas guwapo ang mga lalaki rito. Nakakasawa na kasi ang American,” aniya.

“Malamanh magsasawa ka dahil palagi ka ba naman nakakita ng mga American guys sa model agency mo.” Napaikot ang mata ko rito. “Ilan na ba ex-boyfriends ka na ba?”

Napaisip naman s'ya sa aking sinabi. Nagbilang pa talaga sa kamay n'ya. Akala ko marami na ang nabingwit n'ya. Napa-poker face na lamang ako nang ipakita n'ya ang tatlong daliri.

“Tatlo pa lang 'no. I'm not into serious relationship ngayon kasi, you know,” natatawa pa n'yang sabi at sinimulan nang kumain para iwasan ang tungkol do'n.

Alam kong hindi pa rin s'ya maka-move on sa pangalawang ex-boyfriend n'ya. Nakilala ko na iyon no'ng college pa kami. I don't know kung bakit sila naghiwalay. Ayaw kasi ikuwento pa ni Novale at naiintindihan ko. Ako rin naman kasi wala akong na-ikuwento tungkol sa nakaraan ko, bukod sa sinasaktan ako ng magulang ko.

“Ano ba ang feeling na ma-in love, Nov? Base on your experience, ” random na tanong ko. I don't know kung bakit ko iyon natanong.

Napatigil naman s'ya sa pagnguya. Inubos muna n'ya ang pagkain bago ako hinarap ng tuluyan.

“Well, sa una masaya syempre you know that you both love each other. Pakiramdam mo nasa kan'ya na ang kapayapaan mo. Kapag pakiramdam mo delikado ang nasa paligid mo, s'ya ang una mong lalapitan dahil alam mong ligtas ka sa kan'ya.” Ngumiti s'ya, ramdam ko ang pait sa boses n'ya.

Iniba ko na lamang ang usapan nang makitang parang iiyak na s'ya. Ayaw kong magdrama kami ngayon lalo pa't nasa public kami. At saka kakauwi ko lang. Gusto kong magsaya kami dahil alam kong magiging busy na naman kami sa aming tarbaho.

Naisip ko tuloy ang dati kong naging nobyo. Ang huling balita ko tumakbo ito sa pagka-mayor. College pa lang kami noong naging kami. I'm a business administration student while he's an architect. We broke up three years ago because of unexpected happened... Na pilit ko na lang binabaon sa limot.

Iniwan ko s'ya at nakipaghiwalay kahit mahal ko s'ya. I know na nagalit s'ya dahil do'n pero wala na akong paraan pa para lumayo na s'ya sa akin. He was a nice man I know, and I were given a chance to meet him, gusto ko.


Hindi ko masabi na mahal ko pa rin s'ya. Maybe pinahalagahaan ko ang pinagsamahan namin dahil naging dalawang taon ang relasyon namin. Everything change, people change, and also love change. Iyon yata ang permanente sa mundo.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro