CHAPTER 5
CHAPTER 5
NAKASUOT ng sweatpants at crop top, nag-jogging si Amethyst paikot sa Park na malapit lang sa bahay niya. She has earphone stuck on her ear and a bottle of water in her hand as she jogs. Gustong niyang mawala sa isip niya ang isang tao kagabi pa inuukupa ang isipan niya pagtapos nitong umalis sa bahay niya. Gusto niyang makalimutan si Luther at ang paghalik nito sa kaniya na hindi mawala sa isip niya. Kahit sa pagtulog niya, napapanaginipan niya ang binata at sa hindi malamang kadahilanan, bumibilis ang tibok ng puso niya.
She should have feel disgusted of his kiss because he just finished having sadistic sex with someone then he kissed her afterwards but she lied last night, about not liking his kiss. Her heart was thumping loudly last night, it was thumping fast.
At hindi iyon makakabuti sa kaniya. Hindi maganda para sa kaniya ang mabilis na pagtibok ng puso niya kapag naaalala si Luther.
This is because of that kiss. Sana pumalag siya. Sana umiwas siya. Pero ng maramdaman niya ang mga labi ni Luther sa mga labi niya, natigilan siya at nawalan siya ng lakas na itulak ito. Feeling his lips against hers after so many years, parang bumalik lahat ng masasayang ala-ala nila noon ng binata. Parang bumalik ulit ang kagustuhan niyang makasama ito.
She keeps on telling herself that she already moved on, but it only took one kiss for her to confirm that she still has feelings for him.
Marahas siyang umiling saka nag-focus sa pagja-jogging.
Nakakailang ikot na siya sa park ng maramdaman niyang may katabi siyang tumatakbo. Bumaling siya sa kaniyang kanan at bahagyang bumagal ang takbo niya ng makita niya si Luther.
Anong ginagawa nito rito?
Mabilis niyang ibinalik ang atensiyon sa harapan niya at mas binilisan ang pagtakbo. Pero kahit anong bilis ng takbo niya, hindi siya makalayo kay Luther na walang imik na humahabol sa tabi niya. Kaya ang ginawa niya, bigla siyang tumigil sa pagtakbo at umikot saka nag-umpisang tumakbo pabalik sa pinanggalingan niya.
Ilang segundo lang ang binilang niya, nasa tabi na naman niya si Luther at walang imik na tumatakbo.
Bumuga siya ng marahas na hangin. "Bakit mo ba ako sinusundan?" Inis niyang tanong habang nagja-jogging pa rin.
"I'm not." Tugon nito na parang hindi man lang hinihingal sa pagtakbo.
Tumigil siya sa pagtakbo at humarap kay Luther na ngayong ay tumigil na rin sa pagtakbo at nakaharap na sa kaniya.
"Tumakbo ka patungo ro'n." Tinungo niya ang kanang bahagi ng park. "At ako naman ay tatakbo patungo ro'n." Tinuro niya ang kaliwang bahagi ng park. "Okay?"
Luther didn't acknowledge what she said. Nakatingin lang ito sa kanya na para may hinahanap sa mukha niya.
"What do you want?" Nakakunot ang nuong tanung niya.
Umangat ang kamay nito para hawakan ang baba niya. "Medyo namamaga. Ayos ka lang ba?"
Tinabig niya ang kamay nito at matalim ang matang pinukol ito ng masamang tingin. "It was your doing so don't act like you care."
"I do care."
Malamig siyang natawa. "Yeah, and cows can fly."
Napailing si Luther kapagkuwan ay pinansin ang damit na suot niya. "You know hindi ganyan ang damit kapag nagja-jogging ka." Hinagod siya nito ng nakakunot-nuong tingin. "Crop top? Really?"
Inirapan niya ito at nag-jogging siya ulit. Hindi nalang niya pinansin si Luther ng maramdamang nasa tabi na naman niya ito. Nagpanggap siyang wala ito sa tabi niya. Nagpanggap siyang walang epekto sa katawan niya ang paminsang-minsang pagdidikit ng mga siko nila.
Luther is a villain. He is bad person and a sin personified. He sells illegal stuff and destroys many young lives. At misyon niya ito. Misyon niyang alamin ang lahat ng tungkol dito para mabigyan ito ng kaukulang parusa. Kaya hindi siya puwedeng magpaapekto sa nararamdaman ng katawan at puso niya kapag magkalapit sila.
Hindi puwede.
Hinihingal na tumigil siya sa pagtakbo at uminon ng tubig mula sa bottled water na dala niya. Akmang tatakpan niya ang bote ng bottled water nang bigla iyong inagaw sa kaniya.
Mabilis niyang sinundan ng tingin ang mineral water na kinuha sa kanya. Napakunot ang nuo niya ng makita si Luther na umiinom ng tubig sa mismong mineral water niya.
Nagpakawala siya ng iritadong buntong-hininga. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Tinapos ni Luther ang pag-inom saka ibinalik sa kanya ang water bottle niya. "Nakikiinom lang naman ako, masama ba?"
Bumaba ang tingin niya sa cargo shorts na suot nito. Tumaas ang kilay niya ng makitang may mineral water na nakapaloob sa isa sa mga bulsa ng cargo shorts nito.
"Ano naman yan?" Tinuro niya ang mineral water sa bulsa nito. "May tubig ka naman, nakikiinom ka pa sa iba?"
"This?" Kinuha nito sa bulsa ang mineral water at parang basketball player na i-shi-not ang bottled water na malapit na basurahan. "There. Wala na akong tubig."
Inirapan niya ang binata. Gusto niyang makita nitong naiinis siya. Gusto niya makita nito ang disgusto sa mga mata niya para maitago niya ang kakaibang nararamdaman ng puso at katawan niya para rito sa mga sandaling 'yon.
Luther had change. Really change. The young Luther was always happy when he was with her. He spoiled her and treats her so well. Pero itong may-edad na Luther, ibang-iba ito sa naging kasintahan niya noon. He's bad, sarcastic and downright cocky.
Huminga siya ng malalim at akmang magsasalita ng humakbang palapit sa kaniya si Luther ay masuyong humaplos ang likod ng mga daliri nito sa gilid ng baba niya.
She saw guilt in his eyes as he looked at her swollen jaw.
"I'm sorry." He whispered.
She rolled her tongue over her dry lips, "kagagawan mo 'yan. You shouldn't feel guilty, you should be proud of it—"
Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng bigla nalang dumukwang palapit sa kaniya si Luther at masuyong lumapat ang mga labi nito sa bahagyan niyang namamagang baba.
Amethyst froze as her heart pounded eratically. Her breathing even stopped.
"A-ano bang ginagawa mo?" Gulat na tanong niya kay Luther.
He didn't answer, he just pressed his lips on the swollen area of her chin. Then slowly, she felt her arms encircling her waist as he pulled her closer.
"L-Luther—"
His lips slowly drops down to length of her neck.
Amethyst sucked a breath. "L-Let me go." There's no conviction in her voice anymore.
Parang tinupok na nang apoy ang tapang sa boses niya habang hinahalik-halikan ni Luther ang leeg niya pabalik sa baba niya.
All she could do was suck her breath everytime his lips touches her skin. She coudnt even push him away! She like what he was doing to her too much to move.
Yumapos ang kamay ni Luther sa pang-upo niya at bumalik na naman 'yon sa beywang niya at paakyat na sa dibdib niya dahilan para lumalim ang paghinga niya.
Wala sa sariling napahawak siya sa balikat ni Luther. "L-Luther, w-we're outside..."
Tumigil naman si Luther sa ginagawang paghalik sa kaniya pero lumapat ulit ang mga labi nito sa namamaga niyang panga.
"I'm sorry." He whispered, "was I too rough on you?"
She gulped. Bakit parang iba ang pumapasok sa isip niya sa tanong nito? "You grip my chin tightly, Luther, yes, you were rough on me."
Natigilan siya pero walang tigil ang mabilis na pagtibok ng puso niya ng yumakap ang mga braso ng binata sa beywang niya at hinapit siya palapit dito.
Now he's hugging her, in the park, while his face was buried on her neck.
Ganun ang posisyon nila hanggang sa may humaharurot na sasakyan na biglang tumigil sa harapan nila ni Luther. Kapagkuwan lumabas mula sa sasakyan ang lalaking may tattoo sa leeg at gilid ng mukha.
"X, kararating lang ng mga cargo. Kailangan ka sa HQ." Wika ng lalaki na kung tama ang memorya niya ay Blaze ang pangalan nito.
Napabuntong-hininga naman si Luther saka pinakawalan siya sa pagkakayakap saka may kinuha sa bulsa nito, kapagkuwan ay kinuha nito ang kamay niya at sapilitang inilagay sa palad niya ang isang tube na maliit.
"Ano 'to?" Naguguluhang tanong niya rito.
"That's an ointment to heal your swollen jaw." Wika ni Luther saka mabilis na hinalikan ang mga labi niya, "I'll see you again." Pagkatapos nitong sabihin 'yon ay pumasok sa sasakyan na nakaparada sa harapn niya.
Nakaalis na ang sasakyan pero nakatitig pa rin si Amethyst sa ointment na nasa palad niya na bigay ni Luther kapagkuwan ay napahawak siya sa mga labi niyang hinalikan nito.
Napailing-iling siya. Hindi niya alam kung anong iisipin kay Luther—mas lalong hindi niya alam kung anong iisipin niya sa sarili niya at nakakaramdam siya ng ganit. Kung bakit hindi niya ito pinigilan sa ginagawa kanina.
Luther is cold and bad, yet, he apologize for what he did then gave her an ointment to health the swell on her chin that he casued?
She can't help asking herself if Luther is joking or what. Minsan mabait ito, minsan naman hindi. Tulad nalang kagabi. Ni hindi nga niya alam kung bakit pumunta ito sa bahay niya at inakyat ang bintana sa kuwarto niya.
Pero biro man 'yon ng binata o anu man, hindi niya maikakaila na na-appreciate niya ang bigay nitong ointment sa kaniya.
PAGPASOK ni Luther sa Headquarters na pinagawa niya para sa mga trabahante niya, napatiim-bagang siya ng makita ang sampong truck na naglalaman ng droga. Ilang milyon ang halaga no'n at triple ang bumabalik sa kaniya.
In short, it's a dirty money.
"Buksan niyo." Utos niya sa kaniyang mga tauhan na agad namang tumalima.
Mas nagtagis ang bagang niya ng makita ang malalaking karton na puno ng druga. Walang bawas, lahat kompleto.
Ilang buhay na naman kaya ang masisira ng kargamento na 'to? Tanong niya sa sarili kapaguwan ay marahas na pinilig ang ulo. He signed up for this. Ginusto niya ito. Walang pumilit sa kaniya. Desisyon niya kung nasaan man siya ngayon. Nandito naman lang siya, dapat na niya itong panindigan.
"Boss, hindi kami nahirapan sa pagdadala niyan rito." Sabi ng driver ng truck na si Istong. "Walang mga parak na humarang sa daan kaya hayahay ang buhay."
Pinilit niyang ngumiti. "Kung may Pulis man, alam niyo na ang gagawin niyo."
"Yes, boss." Nakangiting sagot ni Goryo, isa sa mga driver ng truck. "Yang mga Parak, bigyan mo lang ng ilang libo, magbubulagbulagan na ang mga 'yan."
Tumango siya. "Good." Tinapik niya ang balikat ng dalawa niyang driver saka humarap kay Blaze. "Ilabas lahat ng kahon. Ang mga druga ilagay sa stock room, ang mga baril naman ay ilagay sa basement. Kakausapin ko ang mga buyer natin."
Tumango si Blaze. "Copy that, X. Anyway, how about Mr. Tsui?"
Ngumiti siya ng makahulugan. "Ako na ang bahala sa kaniya. We've been trying to draw him out for years now and our plan is working like a charm."
Blaze matched his smile. "Okay."
Sinunod ni Blaze ang utos niya at siya naman ay nagtungo sa pinagawa niyang opisina sa headquarters. Doon niya balak tumawag at makipag-usap sa mga buyer nila.
Pero bago pa niya matawagan ang Buyer niya, tumunog ang cellphone niya. Si Blake ang tumatawag.
"What?" Aniya ng sagutin ang tawag.
Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. "You sent me to be the woman's secret stalker slash bodyguard." Ang tinutukoy nitong babae ay si Amethyst. "And here is my update, X. The woman meets a quiet handsome gentleman on her way home. At inaya ni lalaki si babae na magkape at pumayag naman kaagad si babae. So, now, here i am, outside the coffee shop, hiding inside my car. Anong gusto mong gawin ko?"
Tumalim ang mga mata niya sa narinig at nagtagis ang bagang niya. Thinking of Amethyst with another man really angered him. "Kapag lumabas ang lalaki sa coffee shop, sagasaan mo. Siguraduhin mong malulumpo siya para hindi na siya makalakad pa at hindi na sila magkita ni Amethys."
Blake sighed. "That's not nice."
"Just do it. Bye."
Tinapos niya ang tawag saka tinawagan ang mga buyers nila ng illegal na druga at smuggled na mga baril na sana ay maging rason para mauumpisahan na ang matagal na nilang plinaplano. Ang rason kung bakit pinasok niya ang magulang buhay na 'to.
"SALAMAT at pinaunlakan mo ang imbitasyon kung magkape." Sabi ni Troy kay Amethyst habang naglalakad sila ng binata palabas ng Starbucks.
Troy's undercut black hair complements his brown eyes. Matangos ang ilong nito at natural na mapula ang mga labi. Mas matangkad ito sa kaniya ng ilang pulgada at maganda ang tindig ng katawan.
Amethyst meet Tyron on her way home from the park. They actually bumped into each other. Nagpakilala ito sa kaniya. Pagkatapos ng ilang minuto nilang pag-uusap, inaya siya nitong magkape na pinaunlakan naman niya.
She needed this. She needed a distraction. Gusto niyang mawala sa isip niya si Luther kaya naman pumayag siya sa imbitasyon ni Troy. Kailangan niya ito para bumalik ang isip niya sa katinuan. Gusto niyang isaksak sa isip niya na may iba pang lalaki maliban kay Luther—na hindi lang ito ang lalaking puwede niyang papasukin sa buhay niya.
Ang lalaki na dapat nagpapatibok ng puso niya ay ang mga lalaking katulad ni Troy, hindi katulad ni Luther na may masamang gawain.
"Salamat sa libreng kape." Nakangiting sabi niya.
Mahina itong tumawa. "Thanks for the company."
Mas lumapad pa ang ngiti niya. "Don't mention it."
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sila sa isat-isa ni Troy.
"Salamat ulit."
"Welcome." Napakamot ito sa batok. "Sorry pala, nabunggo kita kanina."
Nanatili ang ngiti sa mga labi niya. "Okay lang 'yon."
Nginitian siya ng binata bago nagpaalam sa kaniya. "Sige, mauna na ako. Hoping to see you again tomorrow."
Mahinang natawa si Amethyst sa pagpapalipad hangin nito sa kaniya. "Palagi akong nagja-jogging sa park."
"Noted." Natatawang sabi nito saka nagpapaalam itong kumaway bago naglakad patungo sa nakaparada nitong sasakyan.
Hindi pa nakakarating si Troy sa sasakyan ng biglang umusad ang kotse na nasa likod ng sasakyan ni Troy at walang habas na sinagasaan ang lalaki. Nanlamig ang buo niyang katawan ng tumilapon ang katawan ni Troy.
Ilang segundo siyang natulos sa kinatatayuan dahil sa sobrang gulat bago siya nagkaroon ng isip na lapitan ang binata. Malalaki ang hakbang niya na lumapit kay Troy na nakahandusay sa semento.
"Troy!" Tinampal niya ang mukha nito bago hinanap ng mga mata niya ang sasakyang bumunbol dito pero hindi na niya iyon nakita.
It was a hit and run, damn it!
Ibinalik niya ang atensiyon sa binata saka mabilis na tinawagan ang numero ng Hospital na malapit sa bahay niya. She has their number in case of emergency.
Nagkukumpulan na ang mga tao sa paligid at nakatingin sa kanila ni Troy.
"Hello? Kailangan ko ng ambulansiya." Ibinigay niya kaagad ang address ng kinaruruonan nila ng sumagot ang nasa kabilang linya. "Nasagasaan ang pasyente. Please. Dalian niyo." Kalmado niyang sabi.
"We will send the ambulance right away." Kaagad na tugon ng nasa kabilang linya at tinapos ang tawag.
Habang wala pa ang ambulance, tiningnan niya kung may gasgas ang binata o may sugat sa ulo. Napuno siya ng takot at pag-aalala. May sugat ito sa gilid ng ulo at dumudugo iyon, saka ang binti at braso nito ay may sugat din.
Tumayo siya at inilibot ang tingin sa buong paligid. Nakahinga siya ng maluwang ng makitang may nakaharap na CCTV sa kanila. Huli kang gago ka.
"THE DRUGS are ready for shipment to Hong Kong and China." Wika ni Blaze habang nagmamaneho ito at siya naman ay nakaupo sa passenger seat. Pauwi na sila sa bahay niya at napagusapan nila ang mga epektus na nasa HQ.
"Magkakaroon ng bidding sa mga baril." Aniya. "Syndicate from Middle East and Mr. Tsui wants to buy our guns."
"That's great. Mukhang paunti-unti, pinagkakatiwalaan na tayo ni Tsui pagdating sa mga baril. Hindi ba 'yon naman ang plano?"
Sumandal siya sa likod ng backseat. "We've been in this kind of business for six years now. Oras na para mapansin tayo ni Tsui. Siguro naman sapat na ang mga nagawa natin para mapatunayan nilang seryoso tayo sa mga ginagawa natin."
"Yeah. It's about damn time." Sang-ayon ni Blaze. "Napapagod na rin ako sa ganitong buhay natin. Pero kailangan natin ng hustisya."
Luther blew a loud breath. "Me too."
Ipinarada ni Blaze ang sasakyan sa labas ng mansiyon at sabay silang pumasok sa loob. Naabutan nila si Blake na kumakain na cookies habang nanunuod ng TV.
Blake has a satisfied smile on his face. "Look." Tinuro nito ang TV na nasa harapan. "Akala siguro nila mauutakan nila ako." Tumawa ito saka napailing.
Itinuon ni Luther ang atensiyon sa sinasabi ng Anchorman sa TV.
"Troy Ladesma, isang negosyante, ay nabiktima ng hit and run. May mga CCTV malapit na pinangyarihan pero wala namang plate number ang nasabing sasakyan na siyang bumundol sa lalaki. Ngayon ay nasa Hospital na si Troy Ladesma at nagpapahinga. Maliban sa gasgas sa braso at ilang baling buto, ayos naman ang nabiktima ng hit and run."
Binalingan ni Luther si Blake na nakangiti pa rin. "Iyan ba ang lalaking sinasabi mo sakin?"
Tumango ito saka napailing. "Sayang, hindi napuruhan."
Lihim siyang napangiti. "Nah. That's okay. You send him to a Hospital, sapat na 'yon sakin."
Napailing-iling ang magkambal sa sinabi niya.
"Inatake ka na naman ng kaabnormalan mo." Sabi ni Blaze.
Ngumiti lang si Luther at pasipol-sipol na umakyat ng hagdan at nagtungo sa kuwarto niya. He feels happy all of the sudden. Why is that?
AMETHYST was frustrated at the Police's investigation. Walang nakuhang impormasyon ang mga ito tungkol sa sumagasa kay Troy. Maliban sa CCTV na wala namang kuwenta, wala nang maibigay na impormasyon sa kanya ang mga Pulis. Nakakairita na magpabalik-balik sa Police Station, lalo na at nasa Hospital siya at binabantayan si Troy.
Nalaman niyang nasa ibang bansa ang mga magulang ni Troy kaya walang mag-aalaga rito. Kaya naman nag volounter siya na alagaan ito habang nasa Hospital.
"Hindi mo naman 'to kailangang gawin." Sabi ni Troy habang sinusubuan niya ito ng pagkain.
"At sino ang magpapakain sayo kung hindi ako?" Tiningnan niya ang naka cast nitong mga braso at binti.
Napabuntong-hininga ito at napangiti. "Thank you for being here even when you don't have too."
Nginitian niya ito. "Don't mention it." Sinubuan niya ito ng sopas na binili niya sa Restaurant. "Magpagaling ka, okay?"
Tumango ito saka parang batang sumagot. "Opo."
Patuloy niyang sinubuan ang binata hanggang sa maubos nito ang sopas.
"Ikaw, kumain ka na ba?" Tanong ni Troy.
Umiling siya. "Bibili palang ako sa Canteen tapos dito ako kakain."
"Sige. Bumili ka na." Ani Troy. "Balik ka kaagad, ha?"
Nakangiting tumango siya sa binata bago lumabas ng Hospital room para bumili ng makakain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro