CHAPTER 21
CHAPTER 21
MALALAKI ang hakbang ni Amethyst habang bumababa siya sa hagdan, patungo sa pintuan ng mansiyon ni Luther. The doorbell was persistently ringing and she assumed that it wasn't Luther. He wouldn't push the doorbell like that.
Inihanda ni Amethyst ang sarili bago binuksan ang pinto.
Amethyst came face to face with a man— a handsome man.
"S-sino ka?" Matalim ang mga mata niya at handang lumaban kung may gawin sa kaniyang masama ang lalaking nasa harapan.
Huminga ng malalim ang lalaki at sinubukang ngumiti pero parang naging ngiwi ang ngiti nito.
"Hi." Anang lalaki. "You're Amethyst, right?"
Tumango siya habang magkasalubong ang nuo. "Oo, bakit?"
Bumuntong-hininga ang lalaki saka nagsalita. "I'm here to fetch you. I'm Minrod. I'm Luther's friend."
Umatras siya. "Friend? Paano kayo naging magkaibigan?" Natigilan siya ng pumasok sa isip niya si Luther. "Teka, nasaan si Luther?" Luminga-linga siya, hinahanap ang binata. "Nasaan siya? Anong nangyari sa kaniya? Okay lang ba siya?"
"That's why I'm here." He sighed heavily like what he's about to say is going to end her life. "He's dead."
D-Dead? H-He's d-dead? L-Luther... is... dead? No... it can't be...
Marahas siyang umiling at hindi matanggap ang sinabi nito. "No... no! Nagsisinungalinga ka!" Sigaw niya habang tumutulo isa-isa ang kaniyang mga luha. "Hindi... nagsisinungaling ka! Buhay siya!" Pinagsusuntok niya ang dibdib ng lalaki na hindi lumaban sa kanya. "Buhay siya! Sabi niya hintayin ko siya. That's why I'm here. I'm waiting for him... no. You're lying!"
Umiling ang lalaki. "I'm sorry but he's dead. Look, stop crying. Wala namang mangyayari at walang magbabago. Patay na siya. Kasama siya sa mga namatay ng sumabog ang eroplanong sinasakyan ni Mr. Tan. Sumakay sila sa eroplanong iyon para patayin si Mr. Tan dahil sa pag-rape nito sa ina ni Luther. He wanted revenge so much and now he has it and it cost him his life. That bastard! He was a very good agent who dedicated his six years of life. Very efficient and just plain awesome."
Natigilan siya at malalaki ang matang napatitig sa lalaki na nasa harapan niya. Luther was an Agent? A good guy? Oh God! He's an Agent all along and she nearly blows his cover for six years.
Tears fall from her eyes, her lips trembling. "H-Hindi. H-Hindi niya ako iiwan. Nagpapahintay siya sakin. Please, tell me, he didn't leave me. Baka nawawala lang siya o kaya naman may tama lang ng bala o kaya nahulog at hindi pa nakikita. No... Hindi siya puwedeng mamatay! Hindi puwedeng mamatay ang Luther ko! Hindi!"
Amethyst was hysterically crying when the guy handed her a ziplock.
"Nariyan ang cellphone at passport mo. Kunuha 'yan ni Luther, pinapabigay niya sayo." The man tried to smile. "You'll be good. Hindi naman siguro mawawala ang buhay mo kasabay ng pagkawala ng kay Luther."
Sunod-sunod na naming pumatak ang luha niya. He's wrong. Luther was her life. Handa siyang talikuran lahat para sa lalaking mahal na mahal!
"Take it." Anang lalaki na winawagayway sa harap ng mukha niya ang ziplock.
Humihikbing tinanggap niya ang ziplock na inaabot nito sa kaniya saka wala sa sariling nag-umpisang maglakad palabas ng mansiyon habang mahigpit iyong hawal.
She felt wrecked.
These tears of her won't stop as she walked without destination... God... Luther...
Nanginginig ang buong katawan niya habang naglalakad ng walang destinasyon. Para siyang isang dahon ng isang puno na nalaglag at tinatangay ng hangin na walang paruruonan.
Kumuyom ang kamao niya habang paminsan-minsan ang may kumakawalang hikbi sa bibig niya. Kausap lang niya si Luther. Naririnig pa niya ang boses nito sa taenga niya. Nararamdaman pa rin niya ang mga halik na iginawad nito sa mga labi niya. She can still remember his love confessions and his loving caress and the way he owned her.
She felt so bad. So empty. So alone.
Napasandal siya sa pinakamalapit na pader saka sinapo ang puso niya na nararamdaman niyang dahan-dahang nabibiyak, nagdudurog at nagluluksa.
Luther is dead ... she has to accept that— wait! The body! Where's the body! Hanggat walang katawan na naipapakita ang lalaking 'yon, hindi siya maniniwala!
Umikot siya at akmang babalik sa mansiyon ng mabunggo niya ang isang bulto. Napaatras siya.
"What the—"
"Hey! I'm taking you with me." Anang matigas na boses ng lalaki na nagpakilalang Minrod. "Nangako ako kay Luther. At isa pa, dadalhin kita sa Morgue kung nasaan ang katawan ni Luther kaya dapat kang sumama."
Nanlamig ang buong katawan niya. Luther's dead body? Her heart was tearing into tiny pieces. Makikita na niya ang katawan ni Luther? Matutuldukan na ang pagiging in-denial niya na hindi pa patay ang lalaking mahal niya. Mawawalan na siya ng pag-asa na makikita pa niyang ngumiti at tumawa si Luther.
He was a good man, he was never dangerous. He just acted like one but he's very sweet. Luther was evil by choice, because it's his job. Tulad niya, trabaho niyang kumuha ng impormasyon kay Luther at ginawa niya. Katulad din ni Luther, ginagawa lang nito ang trabaho nito.
Luther is not evil nor dangerous ... he was just a man who's doing his mission.
"Nasaan ang katawan niya?" Naluluhang tanong niya kay Minrod.
"He's in the Morgue in Romero's Hospital. After twenty-four hours, ililipat ang katawan niya sa isang punerarya. Nakausap ko na ang ama niya at kasalukuyang inihahanda na ang burol niya. Two days from now, ililibing na siya. Sana naroon ka para saksihan ang pamamaalam ni Luther."
Hilam ng luha ang mga mata niya habang nakikinig sa lalaki. Pamamaalam? Hours ago, kausap pa niya si Luther. At paulit-ulit nitong sinasabi na mahal siya nito. Good God. Sana naman naniwala itong mahal din niya ito para sana kahit papaano, may maganda itong ala-ala na dadalhin sa kabilang buhay.
Pilit siyang ngumiti. Luther wouldn't want to see her crying. He would tell her to stop crying and smile.
"Sa bahay ko mo nalang ako ihatid." Sabi niya. "I can manage on my own."
Kumunot ang nuo nito. "Are you sure?"
Tumango siya. "Yeah..." she sniffed and dry her tears. "Sigurado ako."
May pagdududa ang kislap ng mga mata nito. "You're not going to see him, aren't you? You'll just pretend that he's not dead and wait for him 'till your fantasy ends and reality slaps you hard."
Humikbi siya. "I'll see him but not today. Hindi ko pa kaya. Hindi ko kakayanin na makita siya na walang buhay. That would kill me."
He breathes out. "Okay. Whatever you say."
Ayaw niyang makita ang katawan ni Luther. She wanted to stay in her in denial world. Kapag nakita niya ang katawan ni Luther na wala nang buhay, mawawala na ang pag-asa niya na babalik pa sa kaniya ang binata. Alam niyang hindi na kailanman niya makikita ang lalaking minamahal, pero kahit man lang sa sa pag-asa niya, babalik pa si Luther tulad ng sinabi nito sa kaniya.
Amethyst wished that God would give her even just a minute to talk to Luther, to tell him that she loves him so much and that she will have no other man but him and only him. Pero suntok sa buwan ang hiling niyang iyon. Alam niyang malabong mangyari 'yon.
Minutes passed ... hours maybe ... Minrod drove her home. Hindi siya nagpasalamat. Walang imik na lumabas siya ng sasakyan nito bago naglakad papasok sa bahay niya. Before she can open the gate to her house, she heard Minrod's voice.
"He loves you." Minrod said.
Nilingon niya ang lalaki at malungkot na ngumiti. "I know and it hurts that i can't say i love him too. So much."
Minrod gave her a tight smile. "You'll be okay soon."
Pilit siyang ngumiti. "I doubt that. I feel like I'm dying too."
Minrod sighed. "I sent an audio to your e-mail. Don't ask where I got your e-mail. The audio is from Luther." Minrod tried to smile at her. "Good bye, Amethyst."
"Bye, Minrod."
Binuksan ni Amethyst ang gate saka walang buhay ang mga hakbang na pumasok sa bahay niya.
GALIT na pinatay ni Amethyst ang TV dahil sa balita na napapanuod. Tungkol iyon sa apat na drug dealers na nasunog ang katawan dahil sa pagsabog ng eroplano habang nasusunog. Ang isa sa apat ay isang kilalang Businessman na isa palang Drug Dealer at Gun smuggler at hindi lang iyon, isa sa mga kaso nito na isinampa ng Gobyerno ay Human trafficking at Rape.
Para sa ibang tao, ang tatlong lalaki na kasama na negosyante ay mga kriminal pero alam ni Amethyst ang katutuhanan. Luther was never a criminal. He's an Agent. A good one.
And he gave his life for his mission.
Halos araw-araw ay 'yon nalang palagi ang balikat. Mas makabubuting umalis na siya sa bansang ito.
Wala sa sariling napatingin si Amethyst sa round table na nasa harapan niya. Napatitig siya sa cell phone niya na isa sa mga ibinalik ni Minrod sa kaniya ng araw na nalaman niyang wala na si Luther.
Amethyst picks up the phone and opens her e-mail. Nanginginig ang kamay niya habang nakatingin sa isang audio file na pinadala sa kaniya ni Minrod.
Napakalakas ng tibok ng puso niya at halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. It's been three days since Minrod drove her to her house, pero wala pa siyang lakas ng loob na pakinggan ang audio file na galing kay Luther.
Inilapag niyang muli ang cell phone sa round table saka huminga ng malalim ng ilang ulit. Calm down, Amethyst. Calm down. Luther wouldn't like to see you break down like a pathetic woman.
Tumayo siya saka naglakad patungo sa kuwarto niya. She needs to get ready. She has a funeral to attend ... the funeral of the man she ever loved. She has to say goodbye to him. She has to see him for the last time and tell him she loves him before she left the country.
Kailan niyang masabi rito na mahal niya ito at ito lang ang lalaking mamahalin niya.
She may not have forever with Luther ... but her heart would be forever his.
NANG dumating si Amethyst sa sementeryo, nag-uumpisa na ang seremonya ng libing. Umupo siya sa bakanteng upuan, sa tabi ni Minrod.
Minrod gave her a small smile. "MIA for three days. What have you been doing?"
"Mourning..." a tear fall from her eyes, "grieving and crying in my room."
"May nagawa bang mabuti sayo ang pagluluksa mo?"
Umiling siya. "Wala, pero kahit papaano, naging magaan ang pakiramdam ko. Pero 'yong sakit nandito pa rin."
Tumango-tango si Minrod. "Mabuti rin na narito ka. You're going to give your eulogy. Luther Sr. requested you to speak. Kahit hindi mahaba, basta magsalita ka lang sa harapan."
Napalunok siya, kinakabahan. "Bakit ako? I'll just cry there."
"I trust you not to. Say good bye to him, Amethyst, properly. At least, he deserves that from you."
Hindi na nagsalita pa si Amethyst hanggang sa tawagin ang pangalan niya at nagsalita siya sa harapan ng mga kapamilya ni Luther na kilala niya mula pa nuong bata siya. The San Diego Family has been a good friend to their family.
Ramm San Diego, one of San Diego's handsome twins, Luther cousins, give her a reassuring smile. His twin, Rann, waved at her like an old friend saying Hi. Kasama nga mga ito ang kaniya-kaniyang asawa. Luther's other cousins are present as well.
Inilapit niya ang bibig sa microphone at nagsalita. "I, ahm," tumikhim siya, "before he passed away, he told me to wait for him, because he said he'll be back ..." tumikhim ulit siya para matanggal ang bara sa lalamunan niya. Nag-uumpisa nang manubig ang mga mata niya. "Luther was a good man ..." humikbi siya at gumaralgal ang boses niya, "Luther, was the man that i love. He shouldn't have died like this... he shouldn't have died... he shouldn't have ... Iniisip ko nalang ngayon na nasa mabuti siyang kalagayan sa kabilang buhay. Kahit pa wala na siya, patuloy siyang mananatili sa ating ala-ala. And as for me, I may not have forever with him, but my heart will be forever his and his only."
Bumaba siya sa platform saka naglakad pabalik sa upuan niya kanina.
"Kung maririnig ni Luther ang sinabi mo, matutuwa 'yon." Makahulogang sabi ni Minrod.
Pilit siyang ngumiti. "Sana nga marinig niya. Because God knows i wanted Luther to hear that."
"Yeah." Ibinalik nito ang atensiyon sa pari na nagsasalita. "Pinakinggan mo na ba ang sinend ko sayong audio file na galing kay Luther?"
"Hindi pa." Sagot niya. "I'm not planning to."
"You should listen to that audio file. Malay mo, magdulot sayo 'yon ng kasiyahan."
Mapait siyang ngumiti. "Hearing Luther's voice again would be the happiest time of my life, pero kapalit no'n ay ang sakit na kaakibat ng kasayahang mararamdaman ko dahil alam kong recording lang 'yon."
Huminga ng malalim si Amethyst at nanatiling tahimik hanggang sa hinintay na mailibing si Luther. Bumaha ng luha at napuno ng hagulhol ang paglilibing sa binata.
After this, I'm leaving this country. I can't take it anymore...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro