Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7


DANZ was driving his favorite Subaru. Kagagaling niya lang sa coffee shop bago niya naisipang dumiretso sa Hospital ni Edzel which is wala naman sa plano niya. Usually, twice a week lang naman siya nagpupunta roon but he felt different now. Maybe because of that witch who cast spell to him. Damn! After that kiss last time hindi na nakatulog ng maayos si Danz, hindi niya na nga matapos tapos iyong isang poison na ginagawa niya. That witch! He didn't even know why he's acting like this.

Nilingon niya ang tatlong cups ng coffee na binili niya kanina sa isang sikat na coffee shop. One for him, for his brother and for that witch. Dalawa dyan ang may love potion, ang sa kanya'y wala. Danz needs to get that witch out of his system because she's like a forbidden fruit, poisonous.

Nawala lang siya sa iniisip niya nang magring ang cellphone niya. Tumaas ang isang kilay ni Danz nang makita kung sino iyon.

He answered the call. “Jade.” Panimula niya. “How are you? Are you getting along with Hellion Davis Fame? I assumed he trusts you so much now.”

“Y-yeah...” Paos ang boses nito sa kabilang linya.

Tumango siya. “Good.” Niliko niya ang sasakyan. “Continie using your real identity para hindi siya maghinala. Slowly enter his life hanggang sa makuha mo na ang lahat gaya ng plano. Are you still on that sorority?”

“Yes, M1. C-can I talk to Lotus and Willow? Nasa b-bansa ba sila ngayon?”

He smirked. Alam niyang hindi tatawag ang babaeng ito sa kanya ng walang kailangan. “Ayosin mo muna ang trabaho mo, Jade. Kapag nagawa mo na, papalayain kita gaya ng gusto mo.”

“Danz... Kahit si L-Lotus lang ang makausap ko.”

Binaba na niya ang tawag. Hindi niya talaga maintindihan ang problema ng babaeng iyon, Lotus and Willow are enjoying their stay at his group. Tho, Willow is a pirate chic, kaya na nito ang sarili nito. Lotus too, itong si Jade lang talaga ang madaling sakalin dahil nagpapasakal naman. She valued her friend so much that her own. Tss... Pitiful.

But it's alright, at least may tao siyang nakabantay kay Hellion. Mukhang magagawa naman ni Jade na patayin ito sooner or later.

Pinark ni Danz ang sasakyan niya sa parking. As usual, marami na namang tao sa tapat ng Hospital. Hindi talaga siya makapaniwala na may mga taong nag aaksaya ng oras para makita ang iniidolo nila. Damn where's the logic? Pare-pareho lang naman tayong tao, hindi niya maintindihan kung bakit kailangang may tingalain pa.

Naiiling siyang pumasok sa loob bitbit ang kapeng binili niya. Binati siya ng gwardya at ng mga nurses na nakasalubong niya habang naglalakad siya papuntang office.

“Good morning Doc.” Bati noong isang Dra. sa OB yata ang babaeng iyon.

Tinanguan niya lang at dumiretso na ng lakad. Sumakay siya sa elevator para daanan muna iyong surgery room, doon yata may next scene ang mangkukulam na iyon.

Isn't he the witch here because he made a love potion just to pissed off his brother. But he made it out of science hindi kung ano-anong pekeng damo lang dyan para maloko ang mga tao. He even calculate it perfectly, gumawa siya ng drogang may epekto sa puso at emosyon ng tao. Kung tutuosin, hindi love potion ang ginawa niya, droga.

Bumukas ang elevator, ang mga nurses na nakikiusisa roon ay nagkanya kanya ng makita siya. Tss. Sasabihan niya si Edzel na magbigay ng memo sa mga ito. Ilang pasyente kaya ang napapabayaan dahil sa ginagawa ng mga nurses dito.

“Good morning Doc...” Nahihiyang bati ng isa.

“Good morning po.” Nakayuko naman ang isa.

Ang ilan ay bumalik na sa kanya kanyang station, lumingon si Danz sa loob, nakita niya ang P.A ng mangkukulam. Naalala niya ito dahil nakita na niya ito noong dinalaw niya sa Hospital room ang babaeng mangkukulam.

Sinenyasan niya itong lumapit sa kanya. Tinuro pa nito ang sarili para kumpirmahin iyon, gusto niyang mainis pero tumango na lamang siya. Mabilis naman itong lumapit sa kanya.

“Bakit ho, Doc?”

Kinuha niya ang isang kapeng may potion. “Give it to that witc—I mean, give it to your Miss. Tell her that it's my token of apology for what happened last time.”

Nagtataka man ang itsura nito'y tinanggap pa rin ng babae ang kape. “S-sige po, Doc.”

“Make sure that she will drink it.” Paalala niya.

Hindi na siya nagpaalam na aalis na siya, hindi man lang siya lumingon sa loob dahil baka ma-bwesit lang siya sa kung anong pinaggagawa ng mangkukulam na iyon.

He will make sure that that poison will be out of his system.

NILAPAG ni Danz ang kapeng para sa kanila ni Edzel sa mesa niya, he needs to go to the rest room first. He needs to fucking pee kaya iniwan niya muna iyon doon. While at the rest room, he was thinking of that witch, why would a single kissed turns out to be like this? Like she is in control! Hindi niya ito gusto, kailanman, hindi nagustohan ni Danz ang ganitong bagay, ayaw niya ng may nag uutos kung ano ba ang dapat niyang gawin. He's a human too, no need a ruler because he can rule his own life.

That witch is a poison to his system, ngayon ay pinagsisisihan niya pa kung bakit niya pa ito iniligtas. He was getting pissed whenever he saw her with a guy. Noong nasa confine ito ibang lalaki na naman ang dumalaw, tapos noong nakaraan ibang lalaki ang kahalikan, damn! Is that her kind of her work? She thinks she fit those.

Tsss... It's making him more annoyed.

After he washed his hands carefully, lumabas na siya ng banyo nagulat siya nang madatnan niya si Edzel na iniinom ang kapeng binili niya. Mabilis na lumapit siya sa kapatid. Hindi na nakalagay sa cup holder ang kape, damn! Dapat iyong sa kaliwa ang kanya.

“Which one did you chose? Right or left?”

Binaba nito ang kape. “Does it matter? Pareho lang naman ng flavor. Thanks for this anyway, Danz! You're the best.”

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Right or left, Edzel? Answer me.” Madilim na ang boses niya.

“Whoa! Does it matter?” Ulit na naman nito.

He sighed. “Is it left?”

Kumunot ang noo nito at tinignan ang kape. “Nah, I think it's right, why? May nilagay ka ba sa kape? Don't tell me you're up to something again, Danz Etherious!”

Binitiwan niya ang kapatid. “No. Nagpa-add kasi ako ng sugar sa isang kape, iyon ang sayo.”

Kahit na hindi naman totoo iyon. The potion is tasteless and odorless kaya hindi iyon mapapansin ng kapatid niya. Umupo na siya sa swivel chair niya, balak niya sanang itapon ang kapeng natira nang magsalita ang kapatid.

“You're gonna throw yours? I think I am right, you put something in my coffee, Danz! How could you!?”

“I told you, I didn't.” Magda-drama na naman ito sa kanya.

“Drink yours then.” Hamon nito.

Dammit! Nag iingat lang siya! Paano kung maling kape ang nakuha ng kapatid niya? Edi hindi na talaga siya nakawala sa babaeng iyon? Nag angat siya ng tingin kay Edzel na mukhang hinihintay naman na inomin niya ang kape.

He sighed in defeat, maybe he will work hard para sa antidote ng potion na ito kung sakaling siya man nag tamaan.

Danz Etherious drank the coffee. Dammit!

“G-GALING kanino?” Ulit na tanong niya sa sinabi ni Prada. Baka kasi pinaglalaruan lang siya ng pandinig niya o baka joke lang iyon ni Prada pero bakit naman magjo-joke si Prada sa ganoong kababaw na bagay diba? “K-kanino galing?” Di pa siya nakuntento.

“Kay Doctor Saviour po.” Prada answered dreamingly.

Lumukot ang mukha niya sa inasal nito. Kaagad namang nagseryoso si Prada at pinaypayan siya.

“Ang init po 'no, Miss Mhel? Sobrang hot niyo po kasi.” Uto pa nito sa kanya.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Why would he give me a coffee?” Lingon niya sa kapeng hawak niya.

“Token of apology niya raw po Miss Mhel, di ko alam e. Sabi niya alam niyo na raw po iyon.”

Token of apology? For what? Sa pagtulak nito sa kanya palabas ng sasakyan nito noon o sa...

Umakyat kaagad ang init sa mukha ni Mhelanie ng maalala niya iyong nangyari sa kanila sa elevator. Damn that hot kiss! Nawala na talaga siya sa sarili matapos iyon, kung hindi pa siya nahanap ni Prada baka nasa elevator pa rin siya hanggang ngayon.

Ganoon katindi ang epekto ng halik nito sa kanya. Nakaka... Argh! Never mind.

“Diba dapat kayo po ang naga-apology Miss Mhel? Kasi sinigawan niyo sa dati tapos di pa nagthank you.”

“Shut up Prada!” She hissed. “Sayo na lang yang kape.”

“Ee?!” Reklamo nito. “Sabi ni Doc, siguradohin ko raw na iinomin mo 'yan e.”

Really? Binalingan niya iyon ulit ng tingin. Masyado bang espesyal ang kape na ito? Oh sige na nga, sayang naman kung hindi niya iinomin gayong binili sa kanya ng binata.

Wala sa sariling inubos iyon ni Mhelanie, hmmm, masarap siya kasing sarap ng labi... Fuck! What the hell is happening to her?! Mula ng halikan siya nito parang ang taas na ng standard niya sa halik tho masarap din namang humalik ang ka-leading man niya ngayon. Iba lang talaga ang pakiramdam niya sa Doctor.

“Prada,”

Nilingon siya nito. “Po?”

“I want to say thank you and sorry to him. I'm at fault but I don't know how to...”

Kinikilig na pumalakpak si Prada. “My gosh! Bagay po kayo ni Doc!”

Kumunot ang noo niya, hindi niya alam kung saan ba lumipad ang utak ni Prada at nauwi sa ganoon ang iniisip nito. Gusto niya lang magthank you at magsorry maybe after that hindi na siya makakaramdam ng weird feelings towards him after that freaking kiss.

“Magkakaboyfriend na si Miss Mhel!” Pumalakpak pa ito at parang kiti-kiting hindi mapakali.

“What the heck, Prada! Mas gwapo pa si KSH sa kanya. Don't think to much, he's not my type.”

“Weeeh?” Humaba ang nguso nito. “Nakita niyo na ba iyong muscles ni Doc! Syet! Siguro maugat din iyong braso niya. Mukhang may abs din Miss Mhen! Diba iyon yung mga tipo niyo? Manly, tapos iyong masarap humalik? Siguro masarap kahalikan si Doc.” habang nagsasalita si Prada ay parang nag i-imagine rin ito.

“Prada! Where are you getting those imaginations?! The heck! You have a pervert mind!” Mabuti na lang at may kanya kanyang ginagawa ang mga staff na kasama nila ngayon.

Napakamot ito ng ulo. “E, Miss Mhel, ang hot niya po kasi talaga kahit na ang cold niya tumingin.”

She shook his head. “Tawagan mo na lang si Kuya Ted at sabihin mo sa kanya na dadaan ako sa Sweets Café mamaya. I'm going to buy him cake.” She said. “And stop with your pervert imaginations, Prada! You're freaking me out!”

“Miss Mhel naman, selos kaagad.”

Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero sa huli'y pigil siyang ngumiti. Nilingon niya ang kape at mas lalong lumapad ang kanyang ngiti.

What the hell!?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro