Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

MHELANIE drove her car fast, wala siyang pakialam kung lumagpas na siya sa limit. She's so mad right now. Bakit ganoon si Mama G? Purkit malaki ang perang kikitain kailangang maging ganito? Kailangang pumayag agad? Hindi naman porque gusto niyang makatrabaho si KSH coz she's a big fan e, papayayag na ang kga big bosses niya sa ganoon! Goodness!? Matagal na niyang sinabi na kahit na kailan ay hindi siya papayag na sumabak sa proyektong may kinalaman sa medisina.

It reminds her so much of her painful past.

Lumagok siyang muli sa beer in can na hawak niya, she's still driving. She wiped her lips using the back of her palms. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel.

“Kuya! I'm in! I'm in! Magiging intern na ako sa TEZM with you! I'm so happy! Thank you Kuya Myst! The best ka talaga.” Masayang aniya nang makatanggap siya ng magandang balita.

Matagal na niyang pangarap maging Doctor, at ngayong naka-graduate na siya sa kursong nursing, after ng magiging experience niya gusto niyang ipersue ang pag aaral sa medisina.

“I'm glad you did it, Mhel!” Ginulo nito ang kanyang buhok.

“It's all because of you Kuya! Ikaw, magpa-practice maging Doctor, ako naman Nurse. Thank you Kuya at pinersue mo rin ang Medicine tulad ko, kahit na alam kong mas gusto mong maging Architech! Gusto ko kasi lagi kitang kasama.”

Ikaw talaga, of course! You're my one and only sister. Gusto ko masaya ka.” Anito. “Nasabi mo na ba kina Mommy at Daddy ang magandang balita?”

Tumango siya. “Alam na ni Dad pero natatakot akong sabihin kay Mommy. Alam mo namang medyo galit siya sa akin kasi pinupush kitang mag Doctor against your will.”

Ngumiti ito sa kanya. “It's my choice Mhelanie, you don't need to feel guilty.”

“Pero Kuya hindi ka ba nanghihinayang na hindi mo kinuha ang Architecture because of my whims?” Tanong niya pa. “Baka kasi hindi ka masaya.”

Mhelanie, I'm happy with this. Nakakagamot ako ng mga taong nangangailangan. Being a Doctor is not bad choice at all. Nakuha kong mahalin ang bagay na gusto mo para sa akin. At least, kahit sa work hindi na tayo magkakahiwalay tulad ng gusto mo.” Ginulo nitong muli ang buhok niya. “You're such a sweet sister, Mhelanie, I'm happy that you are my sister.”

The short flashback of her past pains her a lot. She's a selfish brat before! Gusto niya lahat ng gusto niya nakukuha niya. She even stopped her own brother to pursue his dream to become a famous Architect. Ang gusto niya maging Doctor din ito para kapag dumating ang panahong magdo-Doctor na rin siya, may aagapay sa kanya. She's a selfish brat! Sinamatala niya ang pagmamahal sa kanya ng pamilya niya. Kaya nauwi ang lahat sa madili ma trahedya.

She wipe her tears, ang hirap balikan ng nakaraan niya pero ang tadhana na mismo ang nagbabalik sa kanya.

Binilisan niya pa ang takbo ng sasakyan, wala siyang pakialam sa paligid niya. Gusto niya lang ilayo ang sarili habang hinahabol ng nakaraan.

Nagulat si Mhel nang may makitang kasalubong na sasakyan, she tried to step the break pero nataranta na siya, wrong way pala siya! Fuck! Sa sobrang taranta niya at dahil na rin siguro sa mahinang epekto ng beer sa kanya'y wala siyang nagawa kundi iliko ang sasakayan para hindi siua bumangga sa isa pang sasakyan. Hindi niya an nakita ang sumunod na nangyari, dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Babangga si Mhel sa barandilya at sa baba niyon at tubig! Siguradong mahuhulog ang sasakyan niya kung sakaling madurong ang barandilya sa lakas ng impact ng pagkakabangga! Pumikit siya ng mariin, she wasn't ready to die but...

Nagulat siya nang may bumunggong kung ano sa harapan ng sasakyan niya. She's not wearing her seatbelt kaya tumaa ang mukha niya sa steering wheel, nadurog ang harapan at ang salamin ng sasakyan niya sa lakas ng impact.

Nanghihinang sumadal siya sa backrest ng upoan, naaninag niya ang kaparehong sasakyan na mababangga niya sana kanina ang nasa harapan niya, wasak ang gilid nito. Naainag niya pa ang dugoang noo ng driver bago siya tuloyang nawalan ng malay.

NAGISING siya nang mabigat ang katawan, maging ang kanyang ulo sobrang sakit. Parang binugbog siya ng mga tambay sa kanto dahil sa sakit ng buo niyang katawan. Unti unting luminaw ang kanyang paningin, alam niyang nasa loob siya ng Hospital dahil sa amoy pa lang. Maingat si Mhelanie sa sarili niya dahil ayaw niyang napapadpad sa lugat tulad nito unless sa skin care clinic na pinagkakatiwalaan niya.

Ayaw niya sa Hospital kaya sobrang ingat niya sa sarili. Ayaw niyang bumalik sa lugar na tulad nito, at the end maa-aksidente pala siya kahit na anong ingat niya, dito pa rin ang bagsak niya.

“Miss Mhelanie! Okay ka lang po ba? Naku, nag aalala po kami nina Mama G at Kuya Ted sayo.” Lumapit kaagad sa kanya si Prada nang mapagtantong may malay na siya. “Actually, galit na galit po si Mama G kasi nalaman niyang nakainom ka, mabuti na lang at napakiusapan pa iyong Doctor na huwag ikalat sa media kundi malaking kasiraan mo iyon, Miss Mhel. Baka bumaba ang rating ng upcoming drama mo.”

Sumasakit ang ulo niya sa mga sinasabi ni Prada.

“Naka-log in ba ang mga accounts ko?” Liko niya sa topic.

Tumango si Prada at inabot sa kanya ang iPad. She scanned her twitter, trending iyong accident na kinasangkutan niya, may mga tweets din ang kasamahan niya sa industriya para sa kanya, they hoped for her recovery soonest. Pati iyong mga nakatrabaho niya outside the country, pati nga iyong hindi niya pa nakakatrabaho nagtweet din para sa kanya.

Sa facebook naman may ilang mga articles na nagdidiin sa kanya, bakit daw dumadaan siya sa one way road and so on, maybe she's drunk which is true. Clinick niya ang iba pang article but cannot open na iyong link, siguro'y nagawan na ng paraan ni Mama G ang mga iyon.

Binalik niya ang iPad kay Prada. Pinaayos niya pa ang kama para makasandal siya ng maayos. God! Sana makalabas siya kaagad.

Mabilis siyang napaupo nang may maalala, ngumiwi pa nga siya nang maramdaman ang pagkirot ng braso niya. “I-iyong nakabangga ko? Kumusta? He's hurt too, right?”

“Ahh, si Doc po? Mas marami siyang injury kesa sa inyo pero nakatawag pa po siya rito sa Hospital. Siya rin po ang gumamot sa inyo, kapatid po pala siya ng may-ari. Nasa kabilang room po siya, Miss Mhel.”

Really? Goodness! “Padalhan mo siya ng flowers under my name, Prada.” She felt bad for what happened, alam niyang sinadya nitong ibangga ang sasakyan para pigilan ang pagbulusok ng sasakyan niya sa river, it was a dangerous move but he risked it to save her. “Alam mo ba kung ano iyong sasakyan niyang nasira? Papalitan ko iyon, Prada. And nasaang Hospital ba tayo?”

“Sa TEZM po.” Sagot nito.

Bigla siyang namutla. Sa tuwing naririnig niya talaga ang pangalan ng naturang Hospital parang bumabalik si Mhel sa nakaraan. Iniisip niya nga kung makakapagtrabaho ba siya ng maayos dito once na magstart na ang shooting.

Hindi naman natapos doon ang araw niya. Pinuntahan siya ni Mama G para sermunan pa. Hindi naman siya sunagot dahil alam niyang may pagkakamali siya, muntik na siyang mamatay! Mabuti na lang at may mabuting loob na na tumulong sa kanua at inilagay ang sarili sa alanganin, kundi baka lumulutang na at pinaghahanap pa ang bangkay niya sa Pasig river hanggang ngayon.

Natapos lang ang sermon nito nang kailangan na nitong bumalik sa station, hindi naman siya iniwan ni Prada sa Hospital room niya. Wala naman siyang pamilya na dadalaw sa kanya, sina Prada at Kuya Ted pati si Mama G na lang ang mga taong malalapit sa kanya at maituturing niyang pamilya.

Bandang hapon ng dalawin siya ni Liyah, which is inaasahan niya namang may dadalaw sa kanyang mga showbiz personality, inaasahan niya nga lang si Kris Aquino at hindi si Liyah Samaniego.

Hilaw itong ngumiti sa kanya at inabot kay Prada ang dala nitong prutas. Umupo pa ito sa katabing upoan ng kama niya kahit na hindi niya naman inaalok, ang kapal ng mukha.

“Kumusta ka? For the first time in the history, pumayag kang magpa-hospital?” Tanong nito. “But looking at your bruises, talagang hindi ka makakatanggi, right?”

“What are you doing here Liyah? Di ka pa rin makagawa ng paraan para umangat sa larangan natin that's why your wasting your time here just to steal attention? I forgot! Attention seeker ka nga pala.” Nang iinsultong aniya. Wala siyang panahong makipagplastikan dito.

“Don't assume too much? Nandito lang naman ako dahil inutusan ako mg manager ko to calm the issues between us. Kung ako lang e, nasusuka akong dalawin ka.” Humalukipkip ito.

Tila naramdaman ni Prada ang tensyon sa pagitan nila. “Miss Liyah... K-kailangan pong magpahinga ni Miss Mhelanie.”

“Shut up! Hindi kita kinakausap. Peasant!”

“Wala kang karapatang pagtaasan ng boses ang taphan ko!” Singhal niya. “Umalis ka na nga! Gumawa ka mg sarili mong pangalan nang hindi nangagamit ng ibang tao. Hindi na ako nagtataka kung bakit hiniwalayan ka ni Jian.”

“Goodness! Inagaw mo siya sa akin!” Napatayo na ito sa galit. “Hindi ka na nakuntento sa kasikatang timatamasa mo, pati lalaking mahal ko inagaw mo!”

“Wala akong inaagaw sayo in the first place, Liyah.”

“Hah!” She scoffed. “Sana namatay ka na lang sa aksidente o kaya hindi ka na nagising! Soon, makakahanap din ako ng paraan para mahila ka pababa, Mhelanie.”

“What's the commotion here?” Isang baritonong tinig ng lalaking kapapasok lang sa silid.

Sabay sabay silang napalingon, natigilan si Liyah sa lalaking kakapasok lang. He's wearing a Doctor's gown, may bandage ang kaliwang bahagi ng noo nito. May hawak itong folder, probably her chart.

Pero nang iangat niyang muli ang tingin sa binata, hindi niya mapigilang mapakunot ang noo. She knows this jerk! Ito iyong sumipa sa kanya palabas ng sasakyan noong huli! Goodness! Doctor itong gagong ito rito?!

“My patient need to rest, you may leave.” May diin ang pagkakasabi nito.

Parang tuta naman na sumunod si Liyah sa naturang Doctor. Si Prada naman ay bahagyang napapalakpak samantalang seryo pa rin ang pagkakakunot ng noo ng hinayupak na Doctor sa harapan niya.

“Doc!? Okay na po kayo?” Tanong pa ni Prada.

Tumango naman ang Doctor. “I'm here to check the patient if you don't mind.” Malamig na anito.

“Ay! Sige po, Doc!” Si Prada.

Lumapit sa kanya ang walang modong Doctor, tiningnan nito ang dextrose niya at may sinulat sa chart niya. Nahuli siya nitong masama ang tingin sa kanya kaya nailing pa ito.

“What? Lumayas ka na pagkatapos mo sa mga ginagawa mo. I don't wanna see you here.” Masungit na aniya. “Akala mo siguro nakalimutan mo na iyong ginawa mo sa aking pagtulak noon?” She murmured.

Napasinghap si Prada sa inasal niya, bumalik ang tingin nito sa walang modong Doctor bago sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay.

“Ungrateful woman.” He murmured.

“What?! Kilala mo ba kung sino ang kausap mo?! Wala ka pa ring modo!” She hissed.

“Miss Mhelanie...” Prada tried to stopped her. Hindi niya iyon pinansin.

Ngumisi lang at umiling ang lalaki. Mas lalo siyang nainsulto, sisigawan niya sana ito nang may kumatok sa pinto niya at pumasok ang isa pang Doctor.

“Good morning, I'm here to fetch my brother.” Nakangiting anito sa kanya bago binalingan ang Doctor na walang modo. “Sutil ka talaga Danz! I told you ako ng bahala sa pasyente! You're also my patient here. Tsk.” Lumingon ito sa kanya at bahagyang ngumiti. “Pasensya na, my brother is just concerned about you after he save your life, dapat ay nagpapahinga lang din siya ngayon.” Paliwanag nito.

Wait... What?!

“I'm Dr. Trion Edzel, this is my brother, Dr. Danz Etherious, your saviour.”

He's her what?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro