Chapter 2
~
“PRADA!!”
Malakas na tawag niya sa personal assistant niya nang makarating siya sa wakas sa ASP Building. Pakiramdam tuloy ng dalaga ay kinapos na talaga siya ng hininga. Goodness! Nananakit pa ang mga binti niya, take note may sugat ang kanyang mga paa dahil tinanggal niya ang sapatos na suot niya kanina.
“Yes, Miss?” Lapit nito sa kanya na kaagad ring napasinghap ng makita ang kalagayan niya. “A-ano pong nangyari sa inyo?”
Sinamaan niya ito ng tingin. “Give me a goddamned chair first and get some water for me! Hurry!”
“Ah! O-opo Miss.” Takot na takot itong kumuha ng upoan para sa kanya at nagmamadaling bumalik.
Mabuti na lang at nagdala na rin ito ng tubig para sa kanya kundi ay baka nasigawan niya ulit. My God! Sobrang nai-stress siya ngayong araw at dahil iyon sa aroganteng lalaking iniwan siya sa gitna ng kalsada! Shit! Nahabol tuloy siya ng mga reporter, mabuti na lang at pinaangkas siya noong isang delivery boy ng pizza at naitago ang sarili sa mga maiingay na paparazzi na iyon!
Pinapaypayan siya ni Prada habang nagkukuyupos pa rin siya sa galit. She gulped the water before looking at Prada. “Sabihin mo nga kung sino ako Prada. Sabihin mong maiigi.”
Napalunok ito. “K-kayo po si Mhelanie Tschauder and National Goddess po ng bansa. Ang pantasya ng bayan.”
“Paki-isa isa nga kung sino sino ang mga international actors na nakaleading man ko na.” Hinawi niya ang kanyang buhok at sinandal ang likod sa backrest ng upoan.
“Taylor Lautner, Channing Tatum, Henry Cavill, Jamie Campbell Bower, Orlando Bloom and David Franco. You also starred in a movie with Lee Min Ho, Ji Chang Wook and Lee Jong Suk. You also appeared two times in One Direction music video and three times at BTS MV, you're at the top in Most beautiful women Celebrity in the World. You're the highest paid actress and you're also the number one sexiest in FHM Magazines, Miss Mhel.”
“And he fucking don't know me? Ano siya si Matteo Do?!” She was talking about the Korean drama series. “My God! O baka naman tagabundok siya? But he's so hot to be taga-bundok ano. Tsaka his can is pretty expensive! Good God! I'm so mad!” She was really frustrated.
“Miss Mhel, okay ka lang po ba? May photoshoot ka pa po mamaya para sa bagong commercial niyo for Pantene.”
Pumukit siya ng mariin, padabog na tumayo at dumiretso sa dressing room niya, sa kanya talaga ang pinakamalaking dressing room dito sa ASP Station kahit na hindi niya naman masyadong nagagamit dahil panay siyang wala sa bansa. May shooting pa nga siya sa Taipei next week! Dahil kinuha siyang leading lady ni Jackie Chan para sa bago nitong martial arts movie.
Agh! She's so busy! Dapat ay hindi na niya iniintindi ang ibang bagay pero na-bwesit talaga siya ng lalaki kanina! Parang iyong plot lang ng bagong movie na inalok sa kanya, sa ganoon nakilala ang lalaki. It's so corny but since si Li Chen at Zhang Bin Bin ang magiging leading man niya roon, might as well she'll review it carefully.
“Nandyan na ba si Mama G?” Tukoy niya sa manager niya.
“Nauna na po siya sa studio three, Miss Mhel. Kanina may ka-meeting siya online. Inaalok ka yatang mag commercial ng isang alcohol brand with Chris Evans.” Paliwanag nito. “Nire-review niya na rin iyong movie mo this summer with Korean actor Kim So Hyun.”
Oh diba? Sa dami ng project na naka-line up sa kanya, sinong hindi makakakilala sa kanya? Ah! She's so pissed!
Mhelanie can talked six different languages, Tagalog, English, Chinese, Japanese, Korean and Spanish. Actually, Mama G told her to learn those para na rin sa trabaho niya. Noong nag uumpisa pa lang kasi siya as a model, marami na talagang humanga sa kanya kaya hindi na nagtataka ang iba kung bakit napaka-successful na niya ngayon at the age of twenty seven.
May apat na mansyon siya dito sa Pilipinas, may pribadong Isla rin siyang nabili, may labing dalawang sasakyan. May mansion din siya sa L.A kalapit ng mansion ni Manny Pacquiao. May dalawang sasakyan din siya doon. May sarili din siyang bahay sa China at Korea.
Malaki ang kinikita ng ASP sa kanya dahil siya ang superstar ng studio. Ilang beses na rin siyang sinubukang ipirata ng iba't ibang estasyon but they didn't succeed, maganda ang offer sa kanya ng ASP at ito ang mother network niya.
Hindi madali ang mga napagdaanan niya bago siya nakarating sa kinalalagyan niya ngayon. May mga bagay sa buhay niya na hindi alam ng tao kahit na sobrang sikat niya.
Akala kasi ng iba, nasa kanya na ang lahat pero mali silang lahat, pera lang at kasikatan ang nasa kanya... Wala iyong mga bagay o taong importante sa kanya.
“Congratulations sa successful movie mo!” May biglang sumulpot sa harapan niya habang inaayusan siya ng buhok. Nakatakip pa ng isang bouquet ng bulaklak ang mukha nito. “Ta-daaa! Ikaw talaga ang Steffi Cheon ng bansa, Mhel!” Kumento nito.
Kinuha niya ang bulaklak. “What are you doing here, Jian? Diba may shooting ka kasama si Bea Alonzo? Si Bea ba o si Lovi?”
“Dalawa sila. Kakatapos lang ng shooting namin. Dumaan talaga ako rito para i-congratulate ka.” Hinalikan siya nito sa noo.
Jian is her only friend in showbiz. She mean, may mga 'kaibigan' naman siya but alam niyang fake para lang mapansin niya, kumbaga ginagawa siyang hagdan para sumikat. Isa na roon si Liyah, ang malditang iyon. Tss. Napaka fame whore at sobrang plastic.
“Dinner tayo later?” Tanong nito.
Ngumuso siya. “May commercial shoot ako under Pantene, after that may meeting kami ni Mama G. Sa Friday tutulak ako sa Korea para sa MEGA Magazine photoshoot ko with Park Bo Gum.”
“Napaka-busy mo talaga, Mhel. Ang hirap mo ng abotin. Bakit hindi ka magbakasyon?”
“Alam mong malulungkot lang ako kapag nagbakasyon ako. May concert ka sa L.A sa November diba?”
Tumango ito. “Tinanong ko si Mama G kung pwede kitang kuhaning special guest but puno na raw ang sched mo for November. Pinapatay ka na yata ng trabaho mo, Mhel. Nagpapahinga ka pa ba?”
The make up artist was putting her blush on. “I'm the one who asked Mama G na i-full palagi ang sched ko, alam mong ayaw na ayaw kong nasa bahay lang. Don't worry, may twice a week pa naman akong pahinga, Jian.”
“Pahinga ba iyon e panay kang may photoshoot!”
“Nakakapagpahinga ako sa Studio, Jian.” Sagot niya.
“Hay, siguradong magagalit si Myst sa pinaggagawa mo sa sarili mo kung nandito pa siya.” Bumuntong hininga ito.
“Jian.” She's so sensitive at that topic.
May mga bagay talaga sa buhay niya na ayaw na niyang pag-usapan. Ayaw na niyang balikan.
NAKARATING si Danz sa TEZM HOSPITAL ang Hospital na tinayo ng kapatid niya, madalas siya rito para "tumulong" actually. Well, iyon naman talaga ang ginagawa niya kaya nga siya naging Doctor diba, may mga bagay lang talagang kakaiba sa ginagawa niya pero bihira lang iyon dahil ayaw niyang masira ang pangalan ng kapatid niya at ang hospital nito.
He's so far that his brother achieved this so far, may sarili na itong hospital tulad ng pinangarap nila noon. Madalas din dito ang Daddy niya but as usual, hindi naman pinapabayaan ang MMI.
“Danz! Open ka ba for surgery at 3PM? May pasyente kasi sa Pedia na kailangang operahan mamaya.” Iyon kaagad ang salubong ni Edzel sa kanya.
Bagot siyang umupo sa swivel chair niya. “What's the deal?”
“Heart transplant.”
Tumango na lang siya at nagbasa ng mga chart niya. Magkatabi lang naman ang table nilang magkapatid at sa iisang office lang sila.
“Umalis si Mommy kasama si Aunt Robbie, mamaya dito ang diretso nila.”
“I'm leaving by that time, anyway.” Aniya nang hindi man lang ito sinulyapan. Pinapakita niyang hindi siya interesado sa sinasabi nito.
“Aunt Robbie gave me two tickets for a movie, showing 'to ngayon. Wanna watch, Bro?”
“I'm busy.” Sabi na lang niya at kinuha ang isa pang chart para tignan.
“But the woman si Aunt Robbie's idol. Hindi mo ba siya kilala? She's the National Goddess, bro! Lahat ng movies niya blockbuster. Come on, let's watch! Give yourself a break baka pati utak mo puro lason na ang laman and please stop fucking experimenting things to human!”
“I'm not yet done with the love potion for you, brother. Stay still.”
“Shut the fuck up, Danz Etherious!” He hissed.
Natawa naman si Danz. “See? Wala ka bang babae ngayon? I will help you to find your one true love using that potion, Trion Edzel.”
Sinamaan siya nito ng tingin. “Tss. Not interested.”
He cocks a brow. “But you're interested to that national goddess you are talking about.”
“Danz! You don't fucking remember her? Naging intern silang magkapatid rito sa Hospital ko noong si Dad pa ang nagpapatakbo dahil wala pa kong kumpyansa sa sarili! She's under your team sa Emergency.”
Kumunot ang noo niya. Pinakita ni Edzel sa kanya ang babae at ganoon na lang ang pagbusangot ng kanyang mukha nang makita ang pamilyar na mukha ng babaeng sumakay sa sasakyan niya ng walang paalam, iyong sinipa niya palabas.
She's the National Goddess? Tss. There is something wrong with those people's eyes.
Inalis niya ang litratong iyon sa harapan niya dahil nabu-bwiset siya. “There is something wrong in your eyes, Edzel. She's not a Goddess.”
“Whoa! She's gorgeous, Danz! Ikaw yata ang may problema sa mata e.” Anito. “Hindi mo ba talaga siya natatandaan? Kapatid siya 'nong namatay na intern dahil sa drugs.”
Dahil sa huling narinig, naging kuryoso na si Danz. “Drugs?” Isang intern lang ang namatay sa overdose ng drugs dito.
“Yeah, remember na pinaghinalaan pa kita noon na ikaw ang may gawa? But you adored him so much, sabi mo nga magiging kasing galing ko siya? He has a sister and that's her. After mamatay ng kapatid niya, nagpakamatay naman ang Mommy niya tapos namatay sa car accident ang Daddy niya. After that, wala na akong balita dyan, nagulat na lang ako nag-artista na pala. Bata pa siya noon e.”
Pinagmasdan niyang maigi ang larawan. He remembered everything that time. Lahat ng sinabi ni Edzel tungkol sa intern na namatay dahil sa drugs.
Hindi niya alam na may kapatid pala iyon, at sadyang mapaglaro ang tadhana dahil pinagtagpo sila.
He wonder if he can used the woman's body too to experiment things...
Hmm...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro