Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10


"WHAT happened to her? I heard the nurses that you're carrying her towards this room. Okay lang ba siya?" Ang madaldal na si Edzel na naman ang pumutol sa tahimik niyang pag iisip habang nakatitig sa nagpapahingang dalaga. Lumapit pa si Edzel sa kanya nang hindi siya sumagot. "Why? Is it serious? She's sick?"

"Over fatigue." Sagot niya para magtigil lang ito sa kakatanong.

Umayos naman ng tayo ang kanyang kapatid, tumango tango pa ito habang nakatingin sa dalagang tahimik na nagpapahinga. "She passed out? And you happened to be there and helped her, e?" Iba ang tono ng pananalita nito, halatang tinutudyo siya ng kapatid.

Danz glared at his brother. "Shut up!" He hissed.

Natawa naman ito habang nakapameywang. "Tsk. Even if you hide it, you are attracted to her! The dangerous Doctor is attracted to the National Goddess! What a perfect match."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Do you wanna know how dangerous I am?" He mocked. "You think that I didn't know that you're lying to me about the coffee? I got the wrong one that's why I'm acting strange this past few days."

Edzel tsked. "Hindi natuturuan ang puso, kahit na anong kalkula pa ang ginawa mo sa potion na iyon, kahit kailan hindi natuturuan ang puso, Danz."

Tss. What a waste. Sino may sabing hindi natuturuan ang puso? Kaya niyang gawin ang bagay na iyon kaya nga ilang torturers na ang napahamak dahil sa gawa niya. He's genius and a powerful man!

He's just concerned to her because of his potion. Siya ang nakainom niyon kaya siya nagkakaganito. Ginagawan na naman na ng paraan ni Danz para mawala ang bisa niyon. Hindi niya gusto ng ganito, sakit lang sa ulo.

He looked at the woman again, she's indeed a Goddess while sleeping but then, he shook his head, maybe he was complimenting her like this because of the effect of the potion, it's slowly crawling into his heart. Dammit!

He remember, years ago, he ruined that intern's life that happened to be this woman's brother.

Hindi naman siguro masamang libangin niya muna ang sarili tulad ng dati hangga't wala pa siyang balita sa pagkasira ni Hellion.

Hindi naman siguro masama kung uulitin niya iyon, sa kapatid naman nito.

He looked at her again, love is a poison and Danz didn't want to taste that feelings.

That's why he'll going to get rid of her, as soon as possible.

He will dispatched her, sa paraang mapakikinabangan niya ito, at ang katawan nito sa siyensa.

Late evening, he went to her again, he was wearing his doctor's gown and his face mask including his gloves, inayos ni Danz ang suot niyang eyeglasses, tulog na ang P.A ng dalaga sa may sofa kaya dumiretso na si Danz sa pakay niya ngayong gabi.

Dinukot niya ang syringe mula sa kanyang coat. Iniayos niya iyon para iturok sa pulsohan ng dalaga. Hindi nag aksaya ng oras si Danz at inubos ang lahat ng laman niyon.

Tulad sa pagpasok niya, walang ingay ang kanyang mga yabag na lumabas. Nagawa na niya ang plano niya, actually, patapos pa lang.

Nang makalayo siya sa hospital room ng babaeng iyon, dumiretso siya sa fire exit at inilabas ang cellphone niya. He called for M2.

"Flame," bati niya. "Ipadala mo sa address na binigay ko sayo iyong isang box."

"On it." Sagot nito. "May taohan na rin tayong nakapasok sa media, bukas na bukas, puputok ang balita tungkol dyan."

"Good then." Ibababa niya na sana ang tawag.

"Anong ginawa sayo ng babae at balak mong sirain ang buhay niya?" Puno ng kuryosong tanong nito.

"I'm bored Flame, you know what I do when I got bored. I ruined innocent people's life!" Madilim na sagot niya.

"How about Jade? Pumalpak siya sa unang plano sa Omega? Anong plano mo ngayon sa kanya? It's been so long mula ng may balita sa kanya."

"Jade is fine, don't worry about her, she's a member of an elite group of Sorority. She's working on one of my biggest target in torturers."

Ylyn Alfaro a.k.a Jade will surely ruin Hellion's life. He will make sure of his downfall, pagkatapos ay isusunod na niya si Hari ang asawa ng kaisa isang babaeng nagpatibok ng puso niya. Uumpisahan na niya ang totoong laban.

Sa ngayon, maglalaro muna siya.

MAINGAY sa loob ng kanyang silid nang imulat ni Mhelanie ang kanyang mga mata. Wala pa siya sa sarili nang lingonin niya ang paligid, wala siya sa mansion niya o kahit na sa unit niya, nasa Hospital siya, sigurado iyon dahil sa amoy pa lang.

She remember that she passed out to his arms.

"What the hell is this? Totoo ba ito? Prada? Alam mo ba ang tungkol sa bagay na ito?" Boses iyon ni Mama G at base sa tono ng pananalita nito, halatang may hindi magandang nangyayari.

Nahihilo man ay pinilit niyang maupo. "Miss Mhelanie!!" Si Prada kaagad ang lumapit sa kanya pero hinawi ito ni Mama G.

"You are all over the internet, Mhelanie! Ano 'to?!" Tinapat sa kanya ni Mama G ang iPad na hawak nito.

'THE NATIONAL GODDESS IS ALLEGEDLY A DRUG PUSHER'

Iyon ang malalaking sulat sa itaas ng article. May plinay pang video si Mama G sa kanya. Lumabas doon ang mukha ng isang sikat na newscaster.

"The netizens are seeking for the truth. Is the National Goddess are real a drug pusher? Kanina lamang ay umalingawngaw sa social media news ang package na dineliver sa mismong address ng naturang aktres, nasabad ito ng Pulisya at nakumpirma ngang ang bagong droga na kumakalat iyon sa bansa... Blah... Blah... Blah... Ang tanong ng taong bayan, totoo bang isang pusher ang babaeng matagal ng hinangaan?" Doon natapos ang mahabang video.

"The news is spreading all over the world, Mhelanie! Nai-feature na ito sa CNN at KBS! Your fans are crying for the truth! Kailangan mong magpa-drug test para at least mapatunayan mong set up lang ito para masira ang career mo."

Hindi siya makapaniwala, ilang beses pa siyang nagscroll sa mga social media accounts niya specially sa twitter at nag number one trend siya worldwide, at hindi iyon tungkol sa project niya kundi tungkol sa issue niya.

She's a bitch trying to hide her real identity by her pretty face #MhelDrugGoddess

Oh? That's true! Masama ugali niyan ni Mhelanie, karma niya na 'yan!

Salot sa Pilipinas! Nakakahiya dapat natokhang na.

OMG! She's my idol for years! I didn't know that she's...

Oh it's the end of her career now.

Di na nakuntento, siguro lahat ng pera niyan sa drugs napupunta.

There are so many harsh comments for her, sa bansa man o sa ibang bansa. Sa dami niyon ay nagugulohan na si Mhelanie, naiiyak siya sa mga nababasa niya dahil noon puro papuri iyon at hindi ganito.

"Ano pong gagawin ko Mama G?"

Marahas itong nagpakawala ng hininga. "Perform the drug test! Iyon lang ang tanging paraan para mapatunayang inosente ka. Sino naman sa tingin mo ang gagawa ng ganito para masira ka?"

Bigla siyang napaisip, maraming inggit at galit sa kanya sa Showbiz dahil sa kasikatang tinatamasa. But there is one person na sigurado siyang sagad sa buto ang galit...

Si Liyah!

Nilingon niya si Mama G. "I need to perform the drug test immediately, Mama G! I'm innocent!"

"Huwag kang mag alala, hindi ka huhulihin ng mga pulis unless may matibay na katibayan. Your address was written at the parcel but there is no name, or even the sender's information. There's a big possibility that it's a set up."

Parang pinagbaksakan ng langit ang lupa si Mhelanie, gusto niyang maiyak. Showbiz is her scapegoat from the past pero bakit kailangan niyang ma-inlove sa ganitong klaseng issue? Of all things! Bakit droga pa? Kung saan nagsimula ang lahat ng paghihirap niya.

Tulad nga ng sinabi ni Mama G, sinunod niya iyon. Mabilis siyang nagpa-drug test sa naturang Hospital. Naputol ang shoot ng drama nila ni KSH dahil sa issue, ang balita'y pinabalik muna ito ng Korea para hindi madamay sa issue which is naiintindihan niya naman, tinawagan siya ng binata bago ito nagpa-booked ng flight pabalik ng Korea.

"We will wait for five days para sa result. Sa ngayon, manatili ka muna rito sa Hospital, napakaraming reporters pa ang nag aabang sa labas. Huwag kang magbubukas ng social media accounts mo, mai-stress ka lang." Paalala ni Mama G sa kanya. "I need to go, kakausapin ko pa ang mga Big bosses natin para sa mga projects mo. Prada will stay here for you."

Tumango siya, wala naman siyang lakas ng loob na magsalita dahil nakakapanlumo ang lahat ng nangyayari, parang kahapon lang stable pa ang career niya but looking at Mama G now, mukhang mahihirapan na siya.

Mhelanie was hoping that the drug test result will come out immediately.

SA KAHIT na anong chanel ilipat ni Danz ay iisa lang ang headline sa balita. And that is, Mhelanie Tschauder is a drug user and a smuggler. Tss. Ang bilis talagang mag assume ng tao, kaunting dagdag lang ng media sa balita, naniniwala na kaagad kahit na walang matibay na ibidensya.

Now he knew that it'll be the end of her career. He will slowly dispatched her but he needs her body in science.

"Fuck! Ang daming reporters sa labas. Nagpadagdag na ako ng security! Nakakaabala na sila sa ibang mga pasyente." Si Edzel iyon na kapapasok lang ng opisina, nilingon nito ang pinapanood niya. "Do you think it's true? Wala naman sa itsura niyang drug addict siya."

He tilted his head. "Female torturers are frequent users of drugs, wala rin sa itsura nila iyon. What do you think?"

Tumaas ang kilay ni Edzel sa sinabi niya. "Ano na naman ang ginawa mo, Danz? Are you up to something again?!"

"I told you, I will show you how dangerous I am." He said cockily.

"Danz Etherious!!" He slammed his palms to his table. "Ikaw ang may gawa nito!?"

"Do not interfere Trion Edzel!" He said dangerously.

"Nababaliw ka na ba? Hindi na ko magtataka kung magpositive ang drug test result niya! Ano na naman bang plano mo?!"

"I need to get rid of her because she's a poison to me!"

Edzel's face say it all, he finds it ridiculous. "Is it about Helen Aiszel again? Hanggang kailan ka maninira ng buhay ng mga inosenteng tao para lang mawala iyang bitterness sa puso mo?! Helen Aiszel is not yours! And will never be! Because you're her fucking brother!!"

Sa inis niya'y napatayo siya sa galit. "Don't you fucking dare say that, Trion Edzel! I swear, ikaw ang isusunod ko!"

"Hindi ako natatakot sayo." Pinantayan nito ang hamon niya.

Nag iwas ng tingin si Danz, taas baba ang kanyang dibdib sa sobrang galit. Ayaw na ayaw niyang naririnig ang katotohanang iyon! Ayaw na ayaw niyang binabalikan ang katotohanang nabuo siya dahil sa Siyensa!

He was just a conceived baby! Nabuo siya dahil sa kagagawan ng Siyensa at sa kadesperahan ng kanyang ina! Tangina! Hinding hindi niya nga kayang tanggapin ang bagay na iyon! Science technology can answer almost everything now a days. Ni hindi nga siya nabuo sa loob ng sinapupunan! Nabuo siya sa isang aparato! Putangina!

At mas lalong hindi niya kayang tanggapin na anak siya ni Demon Hades Fame.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro