Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One Shot 6.2: Burning Torch

Omg! Saktong-sakto 'yong kanta kay Gusion. Huhu. Pakinggan n'yo please! This is one of my favorite songs!

~~~~~

Napabuntong-hininga si Gusion habang nakapila para sa welcome ceremony nilang freshmen. Unang araw nila ng klase at bored na bored siya.

Iginala niya ang kanyang paningin, marami naman siyang nakitang magandang babae. Hindi na rin siguro masama na dito siya nag-aral.

Kaya lamang ay may nakakuha ng atensyon niya.

Isang babaeng may sobrang habang buhok na abot yata sa tuhod nito at tahimik lang na nagbabasa ng libro.

Ipinilig na lang ni Gusion ang ulo at muling ibinaling ang tingin sa iba pero hindi niya alam kung bakit palaging bumabalik ang tingin niya sa babaeng 'yon.

Feeling niya ay pinapaboran siya ng tadhana dahil naging kaklase niya ito. Inoobserbahan niya ang dalaga na nangngangalang Lesley Vance at tahimik talaga ito noong una. Ngunit nagiging madaldal ito kapag kasama ang mga kaibigan.

Sa ilang linggo pa lang nang magsimula ang klase ay hindi naman sa pagmamayabang, pero talagang pinagkakaguluhan siya ng mga babae. Wala naman siyang girlfriend kaya nirereplyan o kinakausap niya ang mga ito. Tutal ay bored din naman siya.

Sa katunayan ay ayaw niyang mag-aral sa school na 'yon dahil doon din nag-aaral ang mga kuya niya at ayaw niyang mapagkumpara siya sa mga kapatid.

Isang beses ay naging magkagrupo sila ng babaeng nakapukaw ng atensyon niya noong first day pa lang. Dahil doon ay nagkaroon siya ng dahilan para makausap ito.

Agad niyang hinanap ang account nito sa isang chat application, maging sa social media at nag-send ng friend request.

"Hi Lesley. Itatanong ko sana ulit kung ano 'yong part ko sa reporting. Thanks!" Message niya rito.

Inabot ng ilang minuto bago ito nagreply.

"Hello. About sa equilibrium 'yong part mo."

Napasimangot siya sa reply nito. Parang tinapos kasi agad ang usapan nila, wala pa man.

"Noted. Thanks! May maitutulong ba ako?"

"Nothing, I got it. Tinatapos ko lang 'yong powerpoint presentation. Will send to you the slides of your part para alam mo kung ano ang i-explain mo. Better yet, 'yong wala sa slides ang i-report mo mismo. Give me thirty minutes."

Napanganga si Gusion. Oh wow, binigyan pa ako ng tip huh. Enthusiastic kapag about sa school works.

"Thank you. Take your time. Willing to wait naman ako." Aniya.

Teka, parang double meaning ah?

Pero hindi na nagreply ang dalaga kaya napanguso siya. Marahil ay ginagawa na nito ang powerpoint presentation.

Agad namang may nangamusta sa kanyang babaeng higher year kaya nireplyan niya ito. Sa katunayan ay parang wala siya sa mood makihalubilo ngayon kaya kung ano lang ang tanong sa kanya ay 'yon lang ang sagot niya.

"May girlfriend ka ba ngayon?" Chat ng babaeng higher year.

Napakunot ang noo niya, "Wala."

"Pero may nagugustuhan ka ba?" Chat ulit nito.

Wala sa isip na nagreply siya rito, "Meron."

Doon lang nahimasmasan si Gusion at napamura. Tangina, ano 'yon?

Napailing na lang siya at hindi na pinansin pa ang chat nito at ilang babae.

Wala pang thirty minutes ay nag-chat na ulit si Lesley, naisend na nito ang pictures ng slides ng part niya.

"Malinaw ba? I can't send 'yong mismong file pa kasi hindi pa tapos." Chat ni Lesley.

Gusion browsed the pictures before magreply dito, "Yes, nababasa ko naman. Thank you."

Bigla ay napatingin siya sa oras sa cellphone niya. Malapit nang maghatinggabi.

"Hindi ka pa ba matutulog? Malapit na mag-12."

"No, I have to do advance studying pa at tatapusin ko pa itong presentation."

"Hapon pa naman ang science subject natin."

"I hate cramming." Maikling reply nito.

Napangiwi si Gusion. Napaka-studious ng dalaga.

"Mamamatay kang maaga kapag kulang ka lagi sa tulog."

"Only when there are reporting agad kinabukasan. I don't feel sleepy kahit na ilang oras lang ang tulog ko."

Napangiti si Gusion sa reply nito. Mukhang mas madaldal pala ang dalaga kapag sa chat. Unti-unti na siyang nakakakuha ng information dito.

"Kahit na. 'Di ba dapat nagbeabeauty rest ka na?"

"Wala akong beauty and wala akong rest. Stop chatting, Paxley. I need to finish this report. Good night."

Napasimangot na lang si Gusion dahil pinutol agad nito ang usapan nila. Pero naiintindihan naman niya dahil report naman ng grupo nila ang ginagawa nito. Nagreply na lang din siya rito ng good night.

=====

Naging madalas ang pag-uusap nila tuwing gabi. Minsan ay inaabot pa nga ng madaling araw kahit may klase sila kinaumagahan.

Ngunit sa school ay hindi sila ganoon ka-close. Hindi niya alam pero natatameme siya kapag kaharap na ang dalaga. Hanggang ngitian at tanguan lang sila na animo'y hindi sila magkausap tuwing gabi.

Nawalan na rin si Gusion ng interes makipag-usap sa iba simula nang makausap niya si Lesley. Namamangha siya kung paano ito mag-isip. Hindi lang ito maganda sa pisikal na anyo, pero nakakadagdag sa charisma nito ang katalinuhan.

"Bakit gusto mong maging architect?" Tanong ni Gusion dahil naungkat nito ang pagkahilig sa magagandang structures sa mundo.

"I want to build something fascinating. 'Yong hahangaan din ng mga tao. 'Yong tipong kahit papano may maiiwan akong tangible dito sa mundo kahit mawala ako." Sagot nito.

Napakunot ang noo niya sa reply nito. Hindi niya gusto ang sinabi nito, "Huwag kang magsalita na parang namamaalam ka na."

Nagsend ito ng tumatawang emoji, "Sorry. Pero 'yon talaga ang dahilan. I want to create my dream house din. Ikaw ba? May naiisip ka nang gusto mo?"

Ikaw. Gusto sana niyang ireply kaya lang ay baka lalong ma-awkward-an sa kanya ang dalaga.

Aminado naman siya. Nagkakagusto na siya sa dalaga at bago sa kanya ang pakiramdam na 'yon kaya natatakot siya. Alam niyang mabilis siyang ma-bore at hindi niya kakayanin kung masasaktan niya ito dahil sa kanya.

"Engineer, civil or structural para ako ang magtatayo ng mga idedesign mo." Reply niya rito.

"Baliw. Huwag gano'n. Dapat 'yong gusto mo talaga. Future mo ang nakasalalay dyan."

Ganyan ang mga usapan nila, hanggang sa isang araw ay naging minsan na lang sa isang linggo... hanggang sa mawala na nang tuluyan.

Maraming chismis ang kumakalat sa school na nililigawan daw niya ang isang babaeng higher year.

Hindi naman 'yon totoo pero hindi na lang niya pinansin at hinayaan na lang dahil sanay na naman siya sa mga ganoong chismis. Hindi na lang niya pinapansin dahil nawawala rin naman agad ang mga ganoong usapan.

Nakatambay sa terrace at nakatitig si Gusion sa chat nila ni Lesley sa phone niya. Bumalik na naman sila na school works lang ang pinag-uusapan dahil kapag sinusubukan niyang mag-open ng topic ay hindi na nagrereply ang dalaga. Hindi niya alam kung nag-o-offline ito agad o sadyang hindi na pinapansin ang chats niya.

Napabuntong-hininga siya.

"Lalim ah."

Nagulat si Gusion dahil biglang may nagsalita sa likod niya. Kamuntikan pa niyang mabitawan ang phone niya.

Nang bumaling sa nagsalita ay ang Kuya Gusset niya pala.

"You looked like you lost millions of money. May problema ba?" Ani Gusset at tumabi sa kanya.

Muli ay napabuntong-hininga siya at umiling.

"This is my first time seeing you na ganyan kalungkot. What happened?" Pangungulit ng kapatid niya.

Huminga nang malalim si Gusion, "What should I do, Kuya? She stopped talking to me at hindi ko alam ang dahilan kung bakit."

"Then, ask her directly?" Anito na parang sinasabi ang bagay na pinaka-obvious. "I don't know who are you talking about since ang daming babaeng nagkakagusto sa'yo. Even my girl classmates cried because of you since you stopped chatting them."

"I don't care about them."

Napatango si Gusset, "Sana naisip mo 'yan bago mo sila in-entertain." Tinapik nito ang balikat niya, "You're still young, Gusion. Don't rush yourself."

Unti-unting binalik ni Gusion ang pakikipag-usap sa mga babae. Sa kanya ay way na rin 'yon para makalimutan ang nararamdaman niya para kay Lesley. Aminado siyang medyo gago ang paraan niya pero ito naman ang nakasanayan niya bago pa niya makilala si Lesley.

Pero pakiramdam niya laging may kulang.

Hindi siya makaramdam ng contentment sa mga kausap niya hindi gaya kapag si Lesley ang kausap niya.

Hindi na rin siya halos nito pinapansin kahit pa mayroon silang common friends. Kapag magkakasama sila ay hindi niya talagang maiwasang hindi ito tingnan. Tila ba nagkukusa lagi ang mata na na tumutok dito. Kahit na hindi naman siya nito binabalingan.

Ilang beses niyang sinubukang kausapin ito nang harapan, pero ang dalaga talaga ang umiiwas sa kanya.

Nang nasa graduating year na sila nang saka niya maisipan ang isang bagay na makakalapit siya sa dalaga.

Dala ng sobrang pagkadesperado, ginamit niyang dahilan si Guinevere.

Mabait naman si Guin at maganda rin, pero wala siyang gusto rito kahit pilitin niya ang sarili. Iba talaga ang tama niya kay Lesley.

Akala niya ay makakapagpaliwanag na siya rito, pero agad siya nitong sinupalpalan.

"I know I've hurt you—"

"No Paxley. You didn't and you will never hurt me. Hindi ang isang tulad mo ang makakapagpaiyak sa akin. You're not my type." Dire-diretso nitong sabi.

Ang mga salitang 'yon ang tila sumaksak sa puso niya.

Tangina.

Lalo pang nadagdagan ang sakit na nararamdaman niya habang pinapanood ang dalaga na lumalakad papalayo sa kanya.

Kailan ba kita maaabot, Lesley?

Hindi niya alam pero si Guinevere ang unang nagmessage sa kanya. Nagkakausap naman sila dati pero hindi naman madalas at puro about sa school works lang.

Mabuti na rin siguro 'yon para may mapagbalingan siya. Sinusubukan naman niyang maging interesado sa mga usapan nila pero hindi niya magawa.

"Oh? Bakit mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa? Close na kayo ni Guin ah." Puna ni Claude sa kanya.

"Naramdaman mo na rin ba 'yong parang laging may kulang?" Bigla ay naitanong na ikinagulat ni Claude.

Napabuntong-hininga ito, "Oo naman, noong hindi ko pa girlfriend si Irithel. Kahit gaano karami pa ang kausap kong babae, parang hindi ako kontento, laging may kulang. But when I fell for Iri, everything fell into their right place." Tinapik ni Claude ang balikat niya, "Kaya kung ako sa'yo, pursue who you really like."

Doon din napabuntong-hininga si Gusion, "I already lost my chance a long time ago."

"Eh 'di gumawa ka ng paraan, gago ka. Ang talino mo naman pero ang bobo mo sa pag-ibig." Pang-aasar nito.

Sinamaan niya ito ng tingin, "Parang hindi ka rin nabobo kay Iri ah?"

Tinawanan lang siya ng gago.

Inaya ni Gusion si Guin na mag-amusement park. Parang... pakonswelo niya dahil ayaw na niyang magpanggap na may gusto siya rito. Ayaw na niyang paasahin ito.

Habang nakasakay sila sa ferris wheel ay doon siya naglakas ng loob na kausapin ito.

"Guin, may gusto sana akong sabihin." Bungad niya.

"Ano 'yon?"

Huminga siya nang malalim, "Kahit habangbuhay kang magalit, tanggap ko naman dahil ang gago nang ginawa ko. Sa totoo lang, wala talaga akong gusto sa'yo. Pangit ng term, pero I just used you."

Ilang segundo itong natahimik at nakatingin lang sa kanya. At ang naging reaksyon nito ang pinakahindi niya inaasahan.

Tumawa ito nang malakas. At talagang hinampas pa ang braso niya!

"Wow! Iniisip mo bang may gusto ako sa'yo?" Natatawa pa ring sabi ni Guinevere, "Ang kapal mo ha."

Naguguluhan siyang tumingin dito, "Pero—"

"Assumero, sinakyan ko lang 'tong trip mo. Alam ko naman na si Lesley ang gusto mo." Nakangiti nitong sabi.

Nagulat siya, "Paanong—"

"Gusset told me." Putol nito, "At oo, kami ng kuya mo. Sinabihan lang akong maki-ride sa trip mo kasi alam niyang natotorpe ka. Nakita niyang may picture ka ni Lesley sa wallet mo."

Napanganga siya sa gulat. Tangina? Girlfriend siya ni Kuya Gusset?

"Kung ako sa'yo, kausapin mo na agad si Lesley. Ilang buwan na lang at malapit na tayong grumaduate. Baka magsisi ka pa sa huli." Payo ni Guinevere.

Gusto niyang sundin ang plano nito, kaya lamang ay hindi niya mahagilap ang dalaga. Halos hindi na ito pumapasok sa school. Kahit nga noong final examination nila ay pagkatapos ng exam ay agad itong umaalis.

Hindi niya ito makausap.

Hanggang sa isang araw ay nakasalubong niya ito. Nagulat siya nang sobra dahil parang ngayon lang niya ulit nakita ang mukha nito. Lalo itong gumaganda sa paningin niya lalo pa nang ngitian siya nito bago siya lampasan.

Saglit siyang natulala dahil sa pagngiti nito at nang makahuma ay agad niya itong tinawag.

"Lesley."

Huminto ito at bumaling sa kanya, "Bakit?"

"Galit ka ba sa akin?" Gagong tanong niya.

Malamang galit siya sa'kin! Gago mo naman Gusion! Mura niya sa sarili.

Nakita niyang kumunot ang noo nito. Tangina, kahit nakakunot ang noo ang ganda pa rin!

"Ha? Bakit naman ako magagalit sa'yo?" Confused nitong tanong.

"Iniiwasan mo ako. Hindi ka nagrereply sa chats at messages ko. Hindi ka rin sumasagot sa mga tawag ko. Madalang ka na ring sumama sa amin." Himutok niya.

Tangina Gusion, maka-demand ka eh hindi ka naman niya boyfriend! Kastigo niya sa sarili.

Ngumiti ito nang bahagya sa kanya, "Busy lang ako kasi may inaasikaso ako. Hindi ko na rin madalas mahawakan ang phone ko sa sobrang busy. Pero huwag kang mag-alala, hindi ako galit sa'yo. May kailangan ka pa ba?"

Natigilan siya. Alam niyang nagsisinungaling ito. Naririnig niya minsan na kausap ito sa phone nila Irithel. Bumagsak ang balikat niya.

"Nag-away ba kayo ni Guinny?" Dagdag nitong tanong. "Nasa mood ako tumulong ngayon."

Nakatingin lang siya rito nang malungkot.

Mahal kita Lesley.

Mga salitang gusto niyang sabihin, pero hindi niya magawa.

=====

Ilang araw bago ang graduation ay nag-aya si Lesley ng overnight outing.

Abala siya sa pag-iihaw nang biglang iabot ni Lesley sa kanya ang plato na may lamang pagkain tsaka juice.

"Punta ka na do'n." Sabi nito sa kanya.

Naguluhan siya rito at kumunot ang noo niya, "Les—"

"Sige na. Hangga't nasa mood pa akong tumulong. Once in a lifetime lang 'to." Nakangiti nitong sabi.

Sinubukan niyang makipagtalo rito, "Pero hindi naman—"

"Sabi nila Iri hindi na kayo masyadong nag-uusap. Don't waste this opportunity. Huwag mong sabihing wala kang balls? Ano ba 'yan. Sige na." Pangungumbinsi nito at marahan pa siyang tinulak.

Naguguluhan siyang nakatingin dito at ibinuka ang bibig para magsalita.

Pero ikaw ang mahal ko, Lesley. Hindi niya maisatinig ang mga salitang 'yon.

Muli itong ngumiti sa kanya, pero napansin niyang hindi umabot sa mata nito, "Be happy. And always choose your happiness."

Bago pa man siya makapagsalita ay tumalikod na ito sa kanya at nag-umpisang maglakad palayo.

Palayo sa kanya.

Bawat hakbang nito palayo ay siyang pagdurog sa puso niya.

Tanginang buhay 'to.

=====

"Ano Gusion? Puro trabaho ka na lang ba? Sumama ka naman! Hinahanap ka na ng mga kaibigan natin." Bungad ni Claude nang sagutin niya ang tawag nito.

Napahilot siya sa sentido niya at saglit na lumayo sa construction site dahil sa ingay ng mga equipment, "May buhos mamayang gabi."
(A/N: Buhos as in concrete pouring sa construction.)

"Pwede namang safety officer tsaka QA at QC na lang ang magbantay. May site engineer ka rin naman." Pangungulit pa nito.
(A/N: QA - Quality Assurance; QC - Quality Control. Mostly sila nagchecheck kung tama ba ang procedure na ginagawa sa site.)

"Gago, kung gumuho ito pagdating ng araw at saktong dadaan ka sa skyway na 'to eh 'di patay ka. Kasalanan ko pa." Sagot naman niya habang umiiling.

Napatawa naman si Claude, "Magsaya ka naman minsan! Para ka namang tanga." Pang-aasar sa kanya ng kaibigan.

Be happy. And always choose your happiness. Biglang pumasok sa isip niya ang mga salitang 'yon.

Putangina. Mura niya sa isip niya.

Napapikit siya nang mariin nang maalala na naman ang taong hindi niya makalimutan, kahit sampung taon na ang nakakalipas.

Paano naman ako sasaya kung wala ka naman dito, Lesley Vance?

=====

Dahil naalala na naman niya ang dalaga, pumunta na lang siya sa bar na sinasabi ng mga kaibigan niya para sumama sa mga ito mag-inom. Malungkot na nga siya ay mas lalo pa siyang lulungkot kung mag-iinom siya mag-isa.

Kaso maiinggit naman siya dahil halos lahat sa mga kaibigan niya ay nagsettle na sa kanya-kanyang buhay. Ang iba ay kasal na, engaged na— samantalang siya ay heto at naghihintay pa rin sa isang taong sampung taon na niyang hindi nakakausap.

Hindi nakakausap pero nakikita naman niya.

May sarili itong website kung saan nito pinopost ang mga dini-design nitong buildings, bahay, at iba pa.

Ilang beses siyang gumawa ng paraan para magpadesign dito pero hindi nito tinatanggap kahit gaano pa kalaki ang offer. Kahit pa nga sa ibang tao niya ipangalan ang request ay tinatanggihan pa rin nito. Hindi niya alam kung may intel ba ito at nalalaman nito na may koneksyon sa mga taong inuutusan niya.

Pagkapasok niya ay nakita agad niya kung saan nakapwesto ang mga ito. 'Yon naman ang paboritong pwesto ng mga gunggong niyang kaibigan sa bar na ito. At isa pa ay sa dami nito sa mesa, talagang agaw pansin. Kasama nito ang sari-sariling asawa, fiancé o girlfriend na kaibigan din naman nila mula noong high school.

Naghiyawan agad ang mga ito nang makita siya kaya napailing siya. Mga siraulo pa rin hanggang ngayon.

Nang makalapit siya sa mga ito ay agad siyang dinaluhan ng mga kaibigang lalaki. Ilang hampas, batok, at siko sa tiyan din ang pinagdaanan niya sa mga ito bago siya makaupo.

"Buti naman at nakasama si engineer ngayon. Himala ah?" Puna ni Freya sa kanya.

Nginitian lang niya ito nang tipid at agad na kumuha ng alak para uminom.

"Tangina, may hindi pa rin nakakamove on." Pang-aasar ni Alucard na sinamaan niya ng tingin.

"Magmomove on eh kasalanan din naman niya kung bakit miserable siya ngayon?" Batos pa ni Granger.

He just gave them a middle finger at muling uminom ng alak.

Hinayaan na lang siya ng mga ito. Alam naman nila ang dahilan eh.

Maya-maya ay may hinagis na tracing tube si Claude sa kanya.

"Tangina, akala ko ba walang trabaho muna?" Reklamo niya rito.

Napatawa naman si Claude, "Gago, tingnan mo kasi muna. Baka halikan mo pa ako sa sobrang pagpapasalamat eh."

Dahil madilim sa bar, napilitan pa siyang gamitin ang flashlight ng phone niya. Binuksan niya ang tracing tube at binuklat ang blueprint na laman noon.

Design at plano ng isang bahay. May perspective view ito sa unang page.

"Tingnan mo 'yong pangalan sa baba." Ani Irithel sa kanya.

Sinunod naman niya ito at dumako ang tingin niya sa baba kung saan nakalagay ang pangalan ng designer.

Architect Lesley M. Vance

Nanlaki ang mata niya at gulat na napatingin sa mag-asawang Claude at Irithel. Natawa naman ang dalawa sa reaksyon niya.

"Bahay namin 'yan ni Iri. Ikaw sana kukunin naming in-charge structural engineer." Sabi ni Claude, "For approval pa 'yan sa city hall. Sabi ni Lesley sa amin, ipacheck muna ang structural plans sa isang structural engineer dahil hindi siya ganoon kasigurado sa structural code dito."

"At huwag kang mag-alala. Hindi namin sinabi kay Lesley na ikaw ang kinuha namin." Dagdag ni Irithel. "If may concerns ka sa plano, you can contact her on her email para marevise niya."

Tangina. Isip ni Gusion. Salamat at may tunay akong mga kaibigan.

Napangisi siya. Hindi na niya sasayangin ang chance na 'to.

=====

Kasalukuyang nasa opisina si Gusion at tinitingnan ang plano na ibinigay ni Claude. Nagsend din ito sa email ng CAD file kung sakaling kailanganin niya.

Hinayaan na muna niya ang site engineers niya at ibang area manager na mamahala sa construction projects niya.

Nagtapos siya sa kursong Structural Engineering at isang take lang niya ang board exam. Nagtrabaho muna siya sa ibang kompanya para sa experience and at the same time ay nagnegosyo siya ng hardware and other construction supplies. Maliit lang 'yon noong una at nagsa-sideline siyang mangontrata kahit maliit lang. Malaking tipid na rin sa kanya dahil sa sarili niyang hardware siya kumukuha. Walang tapong pera, kumbagaman. Ang inilalabas lang niyang pera ay pampasweldo sa tao.

Mabuti na lang at may tunay siyang kaibigan dahil siya ang kinukuha ng mga ito noong nagpatayo ito ng sari-sariling pwesto sa negosyo. Vet clinic kina Claude, restaurant nina Granger, at iba pa.

Dumami rin ang koneksyon niya kaya nakilala rin siya sa construction field. Naging mabilis ang promotion sa kanya pero mas ginusto niya magresign at palakihin ang sariling negosyo.

Sa loob ng tatlong taon, may na-establish na siyang pangalan sa construction field. Tibay ng loob talaga ang kailangan para makatagal sa industriyang 'to.

Mas piniling buksan ni Gusion ang CAD file na sinend ni Claude para mas mabilis niyang makita ang plano galing kay Lesley.

Napangiwi siya nang makita ang structural plan nito. Kung susunduin ito ay baka ilang araw matapos ibuhos ang konkreto ay baka gumuho agad.

Naiintindihan naman niya na mas focus ang architects sa aesthetics. Marami na siyang nakaaway na architects noon dahil hindi naman construction-wise ang design ng mga ito. Hindi lang naman basta-basta nagpapatong ng bakal at nagbubuhos ng konkreto, may computation ang 'yon para malaman kung magiging stable ba ang structure.

Agad na ni-revise ni Gusion ang structural plan at naglagay na rin siya ng comment mismo doon para mabasa ng dalaga.

Nang matapos ay pumunta siya sa email at doon na nahinto sa ere ang mga daliri.

Tangina, anong sasabihin ko? Isip niya habang nakatitig sa screen.

Napahinga siya nang malalim, "Bahala na nga."

Nagsimula na siyang magtype ng message sa email.

Hello Arch. Lesley Vance,

'Yan pa lang ang nata-type niya ay agad siyang napangiti. Naalala niya ang sinabi nito na gusto nitong maging architect at natupad niya ito ngayon.

Good day! I hope this email finds you well.

This is Engr. Gusion Paxley, the structural engineer that Claude and Irithel seek for consultation regarding the structural plans that you made for their house.

I have attached here the CAD file with revisions and comments.

Should you have any questions, please feel free to contact me. Below are my contact details for faster communication.
Viber - +639*****
Whatsapp - +639*****
Messenger - Gusion Paxley

Thank you and stay safe always.

Best Regards,
Gusion Paxley, SE
Licensed Structural Engineer

He attached the CAD file and clicked the 'send' button.

He was anxious after he sent the email.

Will she read it if she sees it is from me? Will she reply?

Hindi namalayan ni Gusion na sa sobrang pag-iisip niya, inabot na siya ng hapon kahihintay. Naiintindihan naman niya dahil walong oras ang time difference dito at sa UK.

Maya-maya ang napaigtad siya nang makita ang email notification sa sulok ng screen ng laptop niya. Galing 'yon kay Lesley. Napatingin siya sa oras, five o'clock na ng hapon, nine o'clock sa UK.

Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa mouse at binukas ang email ni Lesley.

Hello Engr. Gusion Paxley,

Thank you for the email. I have received the file and checked it. The comments are really helpful.

I will revise them according to your comments and suggestions. However, I do not think if I can finish them today since I have other errands to do. I will try to send the revised plans tomorrow, will that be okay?

Also, thank you for giving your contact details. However, I will be busy today so I think I will not be able to reach you. In that case, below are my contact details so you can reach me if you have other concerns.
Viber and whatsapp - 08****
Messenger - Lesley Vance

Thank you and keep safe.

Best Regards,
Lesley Vance, RIBA, ARB

Nanlaki ang mata niya nang makita ang pangalan nito sa huli. Lumapad ang ngiti niya sa sobrang saya nang mabasa ito.

Registered architect ang dalaga sa Architects Registration Board (ARB) at lalo na sa Royal Institute of British Architects (RIBA) kung saan piling architects lang ang nagiging miyembro nito.

"I'm so proud of you." Bulong niya habang nakatitig sa pangalan nito sa screen.

=====

Mabilis lumipas ang araw, namalayan na lang ni Gusion na nagsisimula na ang construction para sa bahay ni Claude at Irithel. Siya ang general contractor nito.

Paminsan-minsan ay nagkakausap na sila ni Lesley— kaya lang ay tungkol lang sa trabaho dahil kinakamusta nito ang construction ng bahay.

Parang bumalik lang sila sa dati, lamang ay school works ang pinag-uusapan nila pero ngayon ay trabaho na.

At least, kinakausap niya ako. Isip niya. Ituturing na lang niyang achievement 'yon sa nakalipas na sampung taon.

"Pre." Bungad ni Claude sa kanya, "Uuwi si Lesley next week. I think she'll stay for a week or two. Ichecheck niya rin itong bahay." Tinapik nito ang balikat niya, "You have two weeks to fix what you've done ten years ago."

Nanlaki ang mata niya at tila hindi siya mapakali sa nalaman.

Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagmura sa isip niya.

Ilang araw siyang walang tulog dahil sa sobrang excitement na makita ulit ang dalaga. Kahit anong pilit niya na makatulog ay hindi talaga siya makatulog. Ayaw naman niyang magmukhang puyat kapag nakaharap na ang dalaga. Buti na lang at gwapo siya kahit puyat.

Tanginang 'yan, nagbuhat pa nga ng sariling bangko.

Hindi sinabi ni Claude kung ano ang eksaktong araw na dadating si Lesley pero simula nang malaman niya na uuwi ang dalaga ay araw-araw na siya doon sa pinapagawang bahay nila Claude kahit pa nga may mas malaking proyekto siya kaysa doon.

Busy siya sa pagbibigay ng instruction sa foreman niya kaya hindi niya namalayang may dumating na sasakyan.

Saka lang niya napansin na nakatigil ang mga tauhan niya at nakatingin sa parteng likuran niya. Napakunot ang noo niya at sinundan niya ang tinitingnan ng mga ito.

At tila doon tumigil ang mundo niya.

Dahan-dahang naglalakad ang dalaga at isinuot ang hard hat sa ulo, nakasabit sa kanang braso nito ang blazer. Naka-long sleeves na baby blue ito, pantalon, at safety shoes lang ito pero animo ay dyosa ito sa paningin niya. Naka-braid din ang mahaba nitong buhok.

Hindi niya napansin na nakatayo na ito sa harap niya. Tumangkad ito kaysa dati pero mas matangkad pa rin siya. Hanggang leeg lang niya ang height nito.

Kahit ilang pulgada ang layo nila ay naamoy niya ang bango nito— pinaghalong strawberry at lavender.

Same scent ten years ago. Isip ni Gusion.

"Hi." Tipid na bati ng dalaga sa kanya.

He composed himself, "Hi Architect. Claude already told me na darating ka pero not the exact date." Aniya tsaka inalok ang kamay para sa shake hands.

Tila nagulat pa ito nang makita ang nakalahad niyang kamay, "Ah, oo." Tipid nitong sagot at tinanggap ang alok niyang shake hands.

The sense of familiarity crept to him- that warm feeling— the feeling of home.

Ngunit agad na nawala ang magaan niyang pakiramdam nang may naramdaman siya sa kamay nito.

Napatingin siya sa kanang kamay nito na kanina lang ay hawak niya at doon ay nakita niya ang makinang na bagay na nasa daliri nito.

A ring.

A silver ring with small pieces of diamond around a four-leaf clover shape garnet stone. Garnet, her birthstone.
(A/N: For reference.)

Alam niyang Vance pa rin ang apelyido nito, ayaw niyang isipin pero mukhang engaged na ang dalaga.

Putangina naman talaga.

Gustong pagtawanan ni Gusion ang sarili dahil sa awa.

If only I had enough courage before, kasal na siguro kami ngayon. Isip niya. Nalulunod na siya ngayon sa what ifs niya habang nakatingin sa dalagang sampung taon niyang hinintay- sampung taong pinagmamasdan lang niya sa malayo- sampung taon na niyang pilit kinakalimutan pero hanggang ngayon ay mahal niya pa rin.

Tanginang buhay 'to.

"Engr.? Are you okay?" Tanong nito sa kanya nang hindi siya nagsalita.

Hindi niya namalayan na matagal pala siyang nakatitig dito. Agad niya naman itong binigyan ng tipid na ngiti, "Yeah, sorry for that. Come, I'll tour you and will report you the progress."

Agad siyang tumalikod dito at pumikit nang mariin para pigilan ang luhang nagbabadyang lumabas sa mata niya.

Nag-umpisa na siyang maglakad at bahagyang lumingon kung kasunod niya ang dalaga. Nang makitang nasa likod niya ito ay dahan-dahan ang hakbang niya habang ipinapakita rito ang progress ng site.

"Wow, you work fast." Puna ni Lesley nang makitang nasa second floor na ang bahay.

He shrugged, "We used fast curing concrete since medyo minamadali na rin nila Claude na matapos itong bahay. Iri is pregnant and as much as possible, gusto na nilang makalipat dito bago ang kabuwanan ni Iri."

"Yes, nabanggit nga nila." Lumingon ito sa kanya, "You really did become a structural engineer." Mahina nitong sabi pero narinig niya ito.

Natigilan siya pagkatapos ay bahagyang ngumiti, "Yeah."

Ilang minuto silang nanahimik bago muling nag-resume sa pag-ikot. Nang matapos ay inalok niya itong magkape sa malapit na coffee shop at pumayag naman ito. Nagconvoy lang sila dahil may sarili itong sasakyan.

"Good afternoon Sir Gusion, the usual po?" Tanong ng barista nang makalapit sila sa counter.

"Hi Floryn, yes, the usual for me." Lumingon siya sa dalaga, "Ikaw?"

"I'll have espresso, two shots." Sagot naman ni Lesley na nakangiti kay Floryn.

Nanlaki ang mata ni Floryn tsaka pabalik-balik ang tingin sa kanya at kay Lesley, "Sir? Siya na ba 'yong—"

Nagsenyas lang siya rito na huwag maingay. Nagtatakang tumingin si Lesley sa kanya at kay Floryn kaya binigyan lang niya ito nang tipid na ngiti.

Naningkit ang mata nito sa kanya kaya lumawak ang ngiti niya.

"Ma'am, ang ganda n'yo po. Feeling ko na-love at first sight ako." Ani Floryn kay Lesley kaya napatawa ito nang mahina.

"We are all beautiful. Pero mas maganda ka kaysa sakin." Nakangiting sabi ni Lesley.

"Grabe Ma'am, walang nagbago sa itsura n'yo." Puna ni Floryn na ipinagtaka ni Lesley.

Sumangat na si Gusion bago pa siya mabuko ng dalaga, "Pa-prepare na lang ng order namin Floryn. Thanks."

Nag-peace sign lang si Floryn at agad na ginawa ang kape nila.

Nang makaupo sila sa mesa na malapit sa bintana ay huminga nang malalim si Gusion.

"Reign owns this kaya kilala ako ng staff dito." Paliwanag niya kahit hindi naman hinihingi ng dalaga.

Saglit itong naguluhan sa sinabi niya bago lumiwanag ang mukha nito, "Oh. This is a nice place. How is she, by the way?"

"Doing good. Currently nandoon siya sa panibagong branch na pinapagawa niya sa akin. She's already expanding her business in a short period of time."

"That's good to hear. She's two years younger than us, 'di ba? She's already doing well."

"Yeah, doing well kasi ang laki ng tipid niya kapag sa akin niya pinapagawa ang coffee shop niya. 50% discount ba naman kasi kapatid ko naman daw siya. Business ko naman ang lugi." Himutok niya pero nangingiting sabi niya.

"Ang cute ni Reign." Lesley chuckled.

Tila tumalon ang puso ni Gusion nang makita at marinig ang mahinang pagtawa nito.

"Maybe I can give her free design if ever maisipan niyang ipa-renovate ang coffee shop niya in the near future." Nakangiti pa nitong sabi, "What do you think?"

"She will do a happy dance once she heard the word free, believe me." Ani Gusion ay napailing, "She's a fan of yours, by the way. Pinag-iisipan na rin niya actually magpadesign sa'yo."

Namilog ang mata ng dalaga, "Really? I would like to talk to her. Can you give me her number?"

Doon napanguso si Gusion. Nagtatampo siya dahil tila mas interesado pa ang dalaga na makausap ang kapatid niya pero dagli rin siyang umiling sa isipan niya at napangiti. Really, it was also a good thing if his sister and Lesley would become closed.

He has two weeks. Engaged man ito o hindi, he will do anything to get her.

=====

May isang malaking pre-bidding conference na pinuntahan si Gusion. Kasama niya quantity surveyor at sekretarya niya.
(A/N: Ito 'yong iniimbitahan 'yong maraming contractors for a project. Kung sino 'yong pinakamababa or rather budget-wise and magandang proposal for the project, sa kanila ma-a-award ang project.)

May nakita si Gusion na ilang pamilyar na mukha galing sa malalaking construction firm.

Nang magsimula ang pre-bid ay nag-explain ang client about sa magiging project pagkatapos ay ipinamahagi nito ang blueprints ng plano. Habang ini-scan ay pinakilala na ang grupo ng designer para sa project.

"...and lastly, Arch. Lesley Vance, the head designer. She's a member of ARB and RIBA. We are glad that she made it here despite her business is based in London."

Doon nanlaki ang mata ni Gusion at napatingin sa dalaga na nasa mini stage sa harap. Nakasuot ito ng royal blue na vintage style na damit na lampas sa tuhod nito. Naka-ankle boots din ito na itim. May suot pa itong beret. British na British ang style nito.

"Omg Sir! Siya 'yong nasa malaking portrait mo sa office 'di ba? Si pinakahihintay mo?" Bulong sa kanya ng QS niya.

Hindi ito pinansin ni Gusion at nanatiling nakatingin sa dalaga.

"You can ask them if you have concerns about the design and plans."

Ilang minutong natahimik bago may nagtaas ng kamay.

Medyo may edad na lalaki ang tumayo galing sa isang malaking kompanya, "Arch. Vance, the head designer, right?"

Tumango ang dalaga habang hawak ang mic.

"Your design is fantastic, no doubt about that. However, upon scanning the soil analysis, it seems that it is not suitable for the building that you designed. I don't want to question your ability especially when you are a member of ARB and RIBA but why did you design the structure like this? Hindi mo man lang naisip kung construction-wise ang design mo?" Mapang-uyam na tanong ng matandang lalaki.

Nag-igting ang panga ni Gusion sa sinabi nito. Kilala niyang misogynistic ang matanda dahil minsan na rin niyang nakalaban ito sa biddings lalo na kung may babaeng kasama sa designer.

Pero totoo na hindi suitable ang lupa na pagtatayuan ng building, nasa soil investigation report 'yon.

Narinig niya ang pagtikhim ni Lesley bago ito nagsalita, "With all due respect Sir, we have a structural engineer in the design team and—"

"And he allowed this? The project cost will be too much—"

"I'm sorry to interrupt Sir but let me say something." Hindi na nakatiis si Gusion at sumangat na. Nagtitimpi lang siya na huwag sapakin ang matanda dahil may respeto pa rin siya rito. "First of all, as contractors, yes we are allowed to comment and suggest better options to client. Yes, the soil is not suitable for the structure but that's why we are here in the bidding because the client wants the building on that site, no matter what."

Natahimik ang mga tao sa conference.

"Second, that's why we have civil engineers or structural engineers regarding structural issues. The design is too aesthetic that it looks almost impossible to construct the same as the design pero kaya nga po tayo engineers, hindi ba? Kayang gawan ng paraan kahit mukhang imposible." Dagdag ni Gusion, nag-igting ang panga niya sa sobrang galit. "Yes, there are different settlement in the area but we have diffrent kind of foundation in case you forgot, Sir. Pile foundation can be one option but it will be too costly. However, we can do raft or mat foundation that can spread the entire load over the whole area and also very useful in controlling the settlement, which is a lesser cost than pile foundation."

Natahimik ang misogynistic na matanda at hindi makatingin sa kanya. Napangisi siya, pero kulang pa 'yon sa inis niya rito.

"Mukhang masyadong nagpalamon na po kayo sa usual na ginagawa sa construction field, Sir. Pero don't worry, I won't be like you when I get older. Stop being so traditional and misogynistic Sir. You don't know how proud I am of how far Arch. Vance has come and I won't stay silent knowing you are belittling her abilities. Please apologize to her." Mariin niyang sabi.

Akmang sasagot pa ang matanda sa kanya pero umiwas na ito ng tingin, "I apologize, Arch. Vance."

"I will be lying if I'll say that it's okay because it's not, Sir." Ani Lesley, "I'm maybe a woman, but I'm here because of my abilities. You have a mother, wife, or a daughter, or woman employees. Do not underestimate them, Sir." Tipid na ngiti na sabi ni Lesley.

=====

Natapos na ang pre-bid at dahil sa nangyari ay kina Gusion na-award ang project. Medyo lutang pa siya dahil sobrang laking project noon.

Naghihintay siya sa harap ng maliit na pasilyo papuntang comfort room dahil pumunta muna doon ang secretary at QS niya.

Nagulat na lang siya nang lumabas din galing doon si Lesley, na nagulat din nang makita siya.

"Hi." Awkward na bati nito.

"Hi." Ganting bati niya.

Mukhang may gusto itong sabihin pero mukhang nag-aalangan itong magsalita.

"Yes, Lesley? May gusto ka bang sabihin?" Untag niya sa dalaga.

Tumikhim muna ito, "I just want to say thank you dahil kanina. I really don't have that deep background about structural since hindi namin 'yon masyadong focus and—"

"Les, it's okay. You're welcome." Nakangiting putol niya rito. "And isa pa, I really don't like him. Kilala siya bilang misogynistic. Maraming may ayaw sa kanya. Kailangan din niyang matuto kahit matanda na siya."

"But still, thank you." Mahinang sabi nito sa kanya.

"Anything for you, Lesley." Nakangiting sabi niya rito, "Anything."

Nanlalaki ang mata na nakatingin ito sa kanya habang siya naman ay nakangiti rito.

"Sir, naalala ko lang. Malapit na po ang birthday n'yo, magpapabook na po ba ako ng flight n'yo to London or— Oh." Naputol ang sinasabi ng lalaking secretary niya nang makita silang dalawa. "Sorry to interrupt Sir."

"No, it's okay." Aniya at naputol ang staring contest nila ni Lesley na nakakunot ngayon ang noo sa kanya.

"Flight? London?" Tanong nito.

"Yes Ma'am, every year po pumupunta si Sir Gusion sa London, every January 9, February 20, then Christmas and New Year po." Pambubuko ng magaling niyang secretary at agad na napangiwi nang marealize nito ang ginawa nito tsaka natatakot na tumingin sa kanya.

"January 9..." Lesley trailed, "But that's my birthday..." Bulong nito at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Yes." Naisagot na lang ni Gusion.

Naguguluhang tumingin sa kanya si Lesley, "Why?"

Ngumiti nang malungkot si Gusion, "Because I want to see you, even from afar."

=====

Isang awkward atmosphere ang nakapalibot sa kanilang magkakaibigan habang nakaupo. Maingay ang buong paligid dahil nasa bar sila pero tahimik silang magkakaibigan habang palipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Lesley. Nasa magkabilang panig sila ng mesa.

Welcome slash goodbye party raw ito para sa dalaga dahil bukas na ang alis nito pabalik ng London.

At oo, nakalipas na ang dalawang linggo at wala man lang naging usad sa kanilang dalawa.

Tangina naman talaga.

Parehas silang busy ng dalaga lalo na siya dahil ilang project ang on-going ngayon. Nagkakausap lang sila dahil sa malaking project na kaka-award lang sa kanya.

Sabay kasi silang pumasok sa bar ni Lesley dahil galing naman sila pareho sa client nila.

"Akala ko naman kayo na." Komento ni Kagura.

'Yan ang lalong nagpa-awkward sa atmosphere.

Sinamaan niya ng tingin si Hayabusa at sinenyasan na patahimikin ang fiancee nito.

Napailing-iling si Hayabusa at binulungan si Kagura na katabi nito. Nanlaki ang mata nito at tumingin sa kanya na humihingi ng pasensya. Tinanguan lang niya ito.

Mabuti na lang at kinausap ni Silvanna si Lesley kaya medyo gumaan ang atmosphere.

Pero hindi 'yon nagtagal dahil dumating si Guinevere.

Hindi sila nito pinansin at dire-diretsong naglakad papunta kay Lesley para yakapin ito.

"Omg! You're really here!" Tili ni Guinevere.

Medyo napangiwi pa si Lesley dahil sa tinis ng boses nito pero natawa rin. Napansin niyang gumawi sa kanya ang tingin ni Lesley na parang nagtataka bago bumalik ang tingin kay Guinevere.

"Nagtatampo ako sa'yo ha. Hindi ka nagrereply sa akin tapos nalaman kong nakakausap ka nila Iri! Ni hindi mo man lang din ata nakita ang e-mail kong invitation no'ng engagement ko last year!" Nagtatampong sabi ni Guinevere.

Tila nabigla si Lesley at muling bumaling ang mata sa kanya saglit bago ibinalik sa kausap ang tingin, "Oh, I was kinda busy last year. Doon nagdagsaan ang projects so baka natabunan. Ang purpose na lang ng phone ko is to communicate to my clients actually." Awkward na sabi nito, "Sorry."

Napaismid naman si Guinevere, "Okay, para hindi na ako magtampo kailangan nandito ka sa kasal ko."

"When is that, by the way?"

"Next month."

"I'm leaving tomorrow, Guin. But I'll see kung makakauwi ulit ako next month."

"Ah, friendship over na talaga kapag wala ka. Kung hindi ka talaga pwede, sasabihan ko si Gusset na i-move back ang date kung kailan ka pwede. Ganyan ka ka-importante."

Naguguluhan si Lesley na napatingin kay Guinevere, "Gusset? Gusion's eldest brother?"

Masayang tumango si Guinevere, "Yes! Ten years na nga kami before namin maisipang magpakasal—" Saglit itong natigilan nang may na-realize ito, "Wait, you didn't know?"

Muling natahimik ang mesa nila. Lahat ng kaibigan niya ay nag-iwas ng tingin pero natuon ang mata ni Lesley sa kanya at hindi niya magawang magbaba ng tingin. Her eyes looked hurt, confused, relieved— sa dami ng emosyon ay hindi niya mabasa lahat.

Teary-eyed na bumaling ito muli kay Guinevere at ngumiti nang tipid, "No, I didn't know, Guin."

"We tried to tell you..." Mahinang sabi ni Irithel, "...but you always cut us whenever we mentioned Guin's or Gusion's name."

"Oh." React ni Lesley, "I'm stupid, aren't I?"

Nanlaki ang mata ni Gusion nang makitang tumulo ang luha ng dalaga. Parang sinaksak siya nang makita 'yon.

"Excuse me." Ani Lesley at pinahid ang luha bago tumayo at umalis.

Napasinghap ang mga kaibigan niya pero dali-dali siyang tumayo para sundan ito.

"Lesley!" Tawag niya pero dire-diretso ang dalaga. Huminto lang ito upang pumara ng taxi.

"Lesley, please." Sinubukan niyang hawakan ang braso nito pero pumiksi ito.

"Stop Gusion. Wala na akong mukhang ihaharap sa'yo. I feel so stupid." Ani Lesley na nagpapahid sa mukha niya. Umiiyak pa rin ito.

At sobrang sakit na makitang umiiyak ito.

He decided to hug her. Ibinaon niya ang mukha sa buhok nito kaya amoy naamoy niya ang strawberry scent na shampoo nito. Mahigpit niya itong yakap habang inaalo ito sa pag-iyak. Kada maririnig niya ang paghikbi nito ay parang dinudurog ang puso ang puso niya.

He was placing little kisses to her hair while hushing her. Hinahaplos din niya ang likod nito para mapatahan.

Nang medyo tumahan na ang dalaga ay inalalayan niya ito papunta sa kotse niya. Buti na lang ay napatianod naman ito. Mga ilang segundo pa niya itong tiningnan nang pagbuksan niya ito ng pinto para makaupo sa passenger seat ng kotse niya. Agad din siyang umikot papunta sa driver seat nang napatingin sa kanya ang dalaga, marahil ay nagtataka dahil nakatingin lang siya rito.

Nagsimula na siyang magmaneho. Hindi niya alam kung saan dadalhin ang dalaga. Hindi naman niya sigurado kung gusto na nitong umuwi. Alam naman niya ang daan papunta sa bahay ng pamilya nito rito.

Inilagay ni Gusion ang phone niya sa may phone holder na nakakabit na nasa gitna sa harapan nilang dalawa. Sobrang tahimik sa kotse kaya binuksan niya ang radio para magkaroon naman ng konting ingay sa paligid nila maliban sa makina ng kotse.

"I won't talk
I won't breathe
I won't move till you finally see
That you belong with me."

Napapikit nang mariin saglit si Gusion nang ma-realize kung ano ang kantang 'yon.

Tangina naman. Nananadya ata 'tong radio station na 'to! Aniya sa isip niya at binigyan ng mabilis na tingin ang dalaga sa tabi niya.

Tumikhim si Gusion, "Saan mo gustong pumunta? Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?"

Nakita niyang umiling ito, "Ayoko munang umuwi."

"Do you want to stop by in the nearest coffee shop?" Tanong niya.

Tumango lang ito.

Nang makakita siya ng malapit na coffee shop ay agad siyang nagpark.

"Do you want to drink the coffee inside or dito na lang sa kotse?" Tanong niya habang tinatanggal ang seatbelt niya.

"Dito na lang, please." Anito at kinuha ang wallet para magbayad sa kanya pero agad niyang tinanggihan.

"No need, Les. My treat." Sabi naman niya at hindi na hinintay na makaangal ito dahil lumabas na agad siya sa kotse.

Nangingiti siya habang nag-oorder ng kape. Nang makuha ang order nila ay naglalad na rin siya pabalik. Binuksan ni Lesley ang pinto sa driver seat mula sa kinauupuan nito kaya nag-thank you siya.

Habang tahimik na sumisimsim sila sa kape ay umilaw ang screen ng phone niya kaya sabay pa silang napatingin dito.

Nakita niyang nanlaki ang mata nito nang makita ang lockscreen picture niya.

Namatay saglit ang ilaw ng screen niya pero muli itong umilaw at sunud-sunod dumating ang chats. Mula 'yon sa mga kaibigan nila.

Ngumiti muna siya sa dalaga bago niya naisipang i-unlock ang phone niya nang hindi tinatanggal sa holder kaya tuloy ay nakita rin nito ang wallpaper niya.

"Your lockscreen picture is me when we were still high school..." Napapantastikuhang sabi ni Lesley, "And your wallpaper is my graduation picture in Cambridge. How? Why?"

Hindi pinansin ni Gusion ang chats ng kaibigan niya na nagtatanong kung nasaan na sila. Agad din niyang nilagay sa silent ito dahil ang ingay ng notification.

Bahagya siyang bumaling dito at ngumiti, "Because I love you since then."

Napanganga ito sa gulat, "W-what?"

"It started when we were first year Les, the very first time I saw you on the welcome ceremony. Hindi ko masasabing love at first sight, but you caught my attention from then. I liked you noong lagi tayong magkausap at hindi nawala 'yon kahit noong nahinto 'yong pag-uusap natin noon." Paliwanag niya.

"Because you are courting someone else, Gusion. Ayokong maging pampalipas-oras lang." Akusa ni Lesley sa kanya.

"They were just rumors, hindi totoo. Kaya pinabayaan ko lang kasi akala ko tulad lang din noong una na mawawala rin naman 'yong chismis. Pero dapat pala I cleared myself to you noon. But I didn't- I couldn't kasi kilala ko ang sarili ko. I might have liked you pero ako 'yong tipo ng tao na madaling ma-bore at hindi ko kaya masaktan ka dahil sa akin, Les."

"What kind of bullshit was that? You still hurt me, Paxley. All along, I thought that you just played my feelings lalo na at hindi naman nahinto ang pakikipagflirt mo sa ibang babae." Galit na sabi nito.

Napakagat sa dila niya si Gusion nang marinig ang mura nito. Kahit nagmumura at galit ito, sobrang ganda pa rin.

Ipinilig niyaang ulo niya para ayusin ang pag-iisip.

"I know, ang gago ng ginawa ko."

"Buti alam mo." Nakataas ang isang kilay nitong sabi.

Napapikit siya saglit para hindi ma-distract sa dalaga. "Aminado naman ako Les but that's the easiest way for me para makalimutan 'yong feelings ko sa'yo pero kabaliktaranang nangyari. It just grew bigger and deeper. You were avoiding me at desperado na ako kaya my last resort was to use Guin."

"You used my friend?" High pitch na tanong nito.

Tumango siya, "Yes, yes. I know na sobrang gago ng ginawa ko pero kinain din ako ng konsensya ko dahil kahit ano namang gawin ko eh sa'yo at sa'yo pa rin ako bumabagsak. I invited her to amusement park para pakonswelo lang sa ginawa ko pero that time pala eh sila na ni Kuya Gusset. And that my asshole brother just told her na sakyanang trip because he knew how I feel for you."

"You didn't tell me." Bulong ni Lesley.

"Because you burned the bridges with me, ten years ago Lesley." Malungkot niyang sabi. "Even so, I still took structural engineering because I was hoping— always hoping for you to come back. Gusto kong matupad ang sinabi ko na ako ang magtatayo ng mga design mo. Ten years and I'm still holding my burning torch for you."

"And you are going to London every birthday ko, your birthday, Christmas and New Year." Mahinang sabi nito.

Tumango siya, "Though it started noong nagtrabaho na ako. Then my secretary is arranging it noong nagpatayo ako ng sariling kompanya."

Napayuko si Lesley, "I'm sorry Gusion. I didn't know. I'm sorry for jumping into conclusions, for not giving you a chance to explain, for burning bridges with you. Because I thought when I did that, makakalimutan na kita pero—" Humikbi ito.

Dahan-dahan niyang kinuha ang hawak nitong kape at ipinatong sa holder na nasa pagitan nila ang kape nila. Marahan niya itong hinila para yakapin.

"Stop crying, baby. Please." Pakiusap ni Gusion dahil nasasaktan niya kada maririnig ang hikbi nito.

"Sa ating dalawa, ako 'yong makapal ang mukha na humarap pa sa'yo after cutting all my ties with you kahit na wala ka namang kasalanan—"

"Marami at nangunguna doon ay 'yong kakulangan ko ng courage to reach you." Bulong niya rito.

Naramdaman niyang umiling-iling ito, "I should have given you the chance to explain. Hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to."

Siya naman ang umiling, "No Lesley. It's not your fault please. Don't blame yourself. Let's not live with the what ifs, okay? Mas importante ay ang ngayon. You're here, I'm here, we are already here."

"I don't deserve you Gusion. After what I've done—"

"No, love. You deserve all the best and I may not be the best but I'll do anything just for you." Aniya rito at sinapo ang mukha nito.

Marahan niyang pinunasan ang luha nito habang nakatingin sa mata nito, "I love you, Lesley Vance." Full of sincerity na sabi niya rito at tila nabunutan siya ng tinik dahil sa wakas ay nasabi na niya ang matagal nang gusto niyang sabihin dito.

Lesley gave him a warm smile, "I love you, Gusion Paxley."

Napahugot nang malalim na hininga si Gusion nang marinig niya ang mga salitang 'yon at nanlalaki ang matang napatingin dito.

"Gus? Breathe, please breathe." Nag-aalalang sabi ni Lesley.

Doon niya pinakawalan ang hininga niya. Sobrang gulat pa rin siya sa sinabi nito.

"Y-you love me?" Hindi niya makapaniwalang sabi rito.

Nangunot ang noo ni Lesley, "Hindi pa ba halata? Magpapakalayo ba ako kung hindi ako nasaktan—"

Hindi na niya nahintay matapos ang sinasabi nito dahil inangkin na niya ang labi nito.

Hindi niya alam kung gaano katagal nanghinang ang kanilang labi bago sila naghiwalay. Habol-habol pa nila pareho ang hininga nila. Dinadampian pa ni Gusion ng mumunting halik ang labi nito na nagpangiti kay Lesley. It was as if he couldn't get enough of her.

He leaned his forehead to hers and reached for her hands, caressing them. Naramdaman niya ulit ang singsing na suot nito sa kanang daliri niya at pinaglaruan 'yon. Gusto niyang magtanong sa dalaga pero natatakot siya.

"Harley gave this ring as a gift for me." Paliwanag ni Lesley, "Para raw magmukha akong engaged para hindi ako malapitan ng mga lalaki."

Napahinga nang maluwag si Gusion, "I really thought you were no'ng una tayong nagkita pagkauwi mo."

Lesley chuckled, "It was effective then."

Sandali silang natahimik habang magkayakap. It was no more an awkward silence but rather, a comforting silence. Mending all the years that they were apart from each other.

"I was just curious." Basag ni Lesley sa katahimikan.

"Hmm?" Bulong niya sa buhok nito, drowning himself from her scent.

"Paano ka nagkaroon ng picture ko no'ng graduation ko sa Cambridge?" Tanong ng dalaga.

He smiled in her hair, "Nauna ko nang ligawan ang family mo, baby. Simula noong makapasa ako sa board exam."

Sa gulat ay napalayo sa kanya si Lesley at nanlalaki ang matang napatingin sa kanya, "You did?"

Natatawang tumango siya, "Yeah."

"I would understand kung paano mo napapayag si Mom and Dad but Harley? Gusion, what sorcery did you use? Over pa sa over ang pagkaprotective ni Harls!" Gulat na gulat nitong sabi.

Lalo siyang natawa sa reaction nito at hindi niya napigilang panggigilan ito. "He thoroughly investigated me. He lost it the moment he saw my gallery and yeah, my lockscreen and wallpaper. 'Yong high school graduation picture mo ang wallpaper ko dati by the way. Pero lockscreen is same pa rin, high school pa lang."

"What?" Gulat pa rin nitong sabi at kinuha ang cellphone niya sa holder.

Itinapat nito sa kanya ang phone niya para i-type niya ang password pero idinikta na lang niya rito ang password niya.

Nang mabuksan nito ang phone niya ay agad itong pumunta sa gallery niya. Nakita niyang nanlaki ang mata nito.

May folder doon na nakapangalan dito na puno ng pictures nito mula noong high school pa lang. Stolen shots. Galing pa iyon sa lumang cellphone niya at mabuti na lang ay nakaback-up lahat ng photos niya ni Lesley.

"Omg you stalker!" Natatawang akusa ni Lesley.

Napatawa na rin si Gusion at hindi itinaggi ang accusation nito.

Sa halip ay marahan niya itong kinabig ulit for a long kiss.

~~~~~

Jusko! 8.8k words! Record-breaking! HAHAHAHA.

Hanggang part 2 lang 'to. Tama na 'yan. HAHAHAHAHA. Hirap talaga kapag POV ng lalaki.

Thank you for waiting!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro