One Shot 6.1: Burning Bridges
Favorite ko na 'tong kanta kapag mananakit ako. HAHAHAHA.
'Cause time wasn't in our favor
This isn't goodbye, this is simply see you later.
~~~~~
"Sige na nga kasi Lesley!"
Iritadong tumingin si Lesley sa kanina pa bumubuntot at nangungulit sa kanya.
"Tigilan mo nga ako, Paxley! Asan na ang yabang mo? Bakit hindi ka makapanligaw nang wala ang tulong ko?" Inis niyang sabi.
"Sige na naman Les! Mas close ka kay Guinevere kaya ikaw ang alam kong makakatulong sa akin." Pangungulit pa ni Gusion.
Tumigil si Lesley sa paglalakad at pinaningkitan ng mata si Gusion, "Hindi ko ibubugaw ang kaibigan ko sa playboy na kagaya mo."
Gusion dramatically gasped at inilagay ang kamay sa sariling dibdib nito na animo'y nasaktan sa sinabi niya, "Hindi ako playboy!"
Lesley looked flatly at him, "Really Gusion? Hindi playboy? Ilang babae na ba ang pinaasa at sinaktan mo sa school na ito? Kahit sa ibang schools sikat na sikat ka!"
Totoo naman 'yon. Halos lahat na ata ng babae rito sa eskwelahan, mapatransferee, freshmen, sophomore, junior, o senior pa 'yan napaiyak na ng gago sa harap niya!
"What? They're chatting me, texting me and calling me! It will be rude not to answer them!"
"Even when you're committed?" Pang-aakusa ni Lesley.
"What's wrong with that?" Kunot-noong tanong ni Gusion.
Mas tumaas ang lebel ng pagkainis niya rito, "Basic rule sa isang relationship na you should be faithful to her! Not unless it is school-related and not pampalipas-oras or fling!"
"I will be faithful to Guinevere if you will help me." Pangungumbinsi pa ng binata.
"Not gonna happen. Manligaw ka nang wala ang tulong ko. Ayokong ma-guilty if you'll end up hurting my friend." Ani Lesley saka nag-umpisa na muling maglakad.
"Please, Lesley?" Pangungulit pa ulit ni Gusion at hinawakan siya sa braso kaya naman napapiksi siya.
"Ano ba Paxley? Ilang beses ka bang pinanganak at hindi ka makaintindi?" Bwisit na bwisit na talaga si Lesley. Hindi na halos maipinta ang mukha nito, "Ayokong maging tulay n'yo! Pang-habangbuhay kong dadalhin ang konsensya kapag nasaktan ang kaibigan ko dahil sa'yo, gago ka!"
Akmang magsasalita pa ito pero agad niya itong pinigilan.
"Tumigil ka na, utang na loob. Lumayas ka na sa harapan ko at nandidilim ang paningin ko sa'yo." Iritadong wika ni Lesley saka iniwan ito.
"You're still mad at me because of what happened before?" Mahinang sabi nito pero hindi 'yon nakaligtas sa pandinig niya, na para bang sinadya nitong iparinig sa kanya.
Doon napahinto nang paghakbang si Lesley at huminga muna nang malalim para ikalma ang sarili bago humarap dito, "Bakit? Ano bang nagawa mo dati?" Pa-inosente niyang tanong.
Napatda ito at tila naguluhan sa kanya, "I know I've hurt you—"
"No, Paxley." Agad niyang sansala rito, "You didn't and you will never hurt me. Hindi ang isang tulad mo ang makakapagpaiyak sa akin. You're not my type." Aniya saka muling tumalikod para umalis.
Habang naglalakad palayo rito ay kusang namuo ang kanyang mga kamao sa pagpipigil ng galit.
Hinding-hindi ako papayag na gawin mo sa kaibigan ko ang ginawa mo sa akin, Paxley. Never. She thought as she walked away from him.
=====
"Les, anong masasabi mo kay Gusion?"
Napahinto si Lesley sa binabasa niyang libro nang marinig ang tanong ng kaibigan niyang si Guinevere.
"Do you like him?" Seryoso niyang tanong dito.
"I'm just asking." Ani Guinevere at nangalumbaba sa harap niya.
Napahinga nang malalim si Lesley at muling ibinalik ang mata sa libro, "He's a playboy. Don't fall for his traps."
"He seems nice."
"Seems." Diin ni Lesley, "Ang mga tipo niya ang mukhang mabait lang sa una pero hindi mo alam na maraming ibang babae pa ang kausap no'n."
"There's nothing wrong naman kung kausap lang."
Muling ibinaba ni Lesley ang libro at matamang tiningnan ang kaibigan, "He flirts every girl he gets to talk to. Nothing wrong pa rin?"
"If he is not committed?" Sansala ni Guinevere pero hindi sigurado.
"Not committed pero he is already courting you?" Salungat ni Lesley.
Napatitig ng ilang segundo sa kanya si Guinevere, "Bakit may hugot? Did he hurt you before?"
Naumid si Lesley pero mabilis siyang umiling, "No. But I've seen him how he hurt lots of girls and ayokong mapabilang ka sa kanila."
Doon napangiti si Guinevere, "Don't worry, Les. I won't. Thank you."
Napatango na lang si Lesley, "Just want to tell you na hindi ako nagkulang sa paalala sa'yo. If he ends up hurting you, tell me right away at babasagin ko ang mukha niya para sa'yo."
Bigla siyang sinugod ng yakap ni Guinevere, "Kaya love-love kita eh. You deserve to be happy, Lessie."
"I'm happy as long as my friends are happy." Nakangiti niyang sagot.
Totoo naman 'yon. Masaya na siya kapag masaya ang mga kaibigan niya. She was the silent type of friend pero sa kanilang lahat, siya ang pinaka-overprotective pagdating sa mga kaibigan. Hindi na niya mabilang kung ilang lalaki na ang nakaaway niya dahil sa mga pananakit nito sa mga kaibigan niya emotionally.
Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit intimidated sa kanya ang mga lalaki. She is very friendly though; may mga kaibigan din naman siyang lalaki. Ang mga kaibigang lalaki lang niya ang kayang mang-asar sa kanya.
Gaya na lang ngayon.
"Lesley, sino na namang inaway mo?" Bungad ni Claude at umupo pa sa tapat niya. Kasama nito ang mga kumag pa niyang kaibigan.
"Wala akong inaway." Sagot naman niya agad. Saglit na nagpaalam si Guinevere dahil may gagawin daw ito at umalis na.
"Nakasimangot si Gusion eh. Nag-away na naman ba kayo?" Dagdag ni Granger.
Napakunot ang noo niya, "Ano kami, magjowa para magka-LQ?"
Napatawa naman ang mga hunghang niyang kaibigan.
"Ay, hindi pa ba?" Natatawang tanong ni Alucard.
"Siraulo ka. Nagpapatulong kasi 'yon kay Guin. Eh ayoko nga. Dadamay pa kaibigan ko sa kalokohan niya, gago siya." Salubong ang kilay na sabi ni Lesley na lalong nagpatawa sa mga siraulong kaibigan niya.
"Kaibigan mo rin naman si Gusion." Kibit-balikat na sabi ni Zilong.
"Wala akong kaibigang playboy—" Natigilan si Lesley at mahinang natawa, "Okay, mga playboy nga pala kayo dati maliban kay Gran at Haya—"
"Granger. Huwag mo nga akong gawing matanda masyado." Putol ni Granger. Ayaw kasi nitong tinatawag siyang gran dahil pangmatanda raw.
Dumila lang si Lesley saka nagpatuloy, "Mga dating playboy na stick to one na ngayon. I'll correct myself: wala akong kaibigang walang character development, okay? Ang hayup. Lahat kayo mga under na sa jowa n'yo tapos ang gunggong, linggo-linggo pa ring nagpapalit ng babae?"
"Matagal na siyang walang girlfriend. Last year pa." Sabi ni Hayabusa.
"Okay, ano nga term niya? Fling. Maraming flings." Umikot ang mata niya at kinuha na lang ulit ang libro niya para magbasa.
Pero kinuha 'yon ni Claude, "Wala na rin. Tagal na."
Naningkit ang mata niya sa mga lalaking kaharap niya, "Alam n'yo, malapit ko na ring itakwil kayo bilang kaibigan kasi hindi n'yo lang tinotolerate, pinapagtakpan n'yo pa kagaguhan ng kaibigan n'yo."
Muling napatawa ang mga hinayupak sa harap niya.
"We're telling you the truth. Sinasabihan na namin siya matagal na, na walang patutunguhan ang pakikipag-usap niya sa maraming babae dahil hindi naman 'yong taong gusto niya ang kausap niya." Ani Alucard.
Napabuntong-hininga si Lesley, "If he told you na baguhin ang isip ko, it will never happen. Na kay Guin naman ang desisyon kung sasagutin niya o hindi si Gusion. I'm just a friend and I'm here to protect my friend pero hanggang doon lang 'yon." Tumayo na siya at binitbit ang bag, "Pero never akong magiging tulay para sa kanila." Aniya tsaka kinuha ang libro niya sa kamay ni Claude at umalis.
=====
"Oh my gosh!"
Napasigaw si Lesley nang makita ang notification sa phone niya kaya napatingin ang mga kaibigan niya sa kanya sa gulat.
"Bakla ka ng taon! Ano't bigla ka na lang sumisigaw?" Reklamo ni Irithel sa kanya.
Magkakasama silang kumakain ng ice cream sa isang ice cream shop sa loob ng mall. Puro babae lang sila kaya lang ay hindi sila kompleto. Sabado ngayon at may kanya-kanyang lakad ang iba niyang kaibigan.
Ilang linggo na rin ang nakakalipas mula noong kulitin siya ni Gusion para maging tulay at sa awa ng Diyos ay tumigil na ito sa pangungulit sa kanya. Pero nag-umpisa na ito sa panliligaw kay Guin. Madalas na ang dalawa na magkasama sa pagkain ng lunch, pagpasok at paglabas ng eskwelahan, at ngayon ay hindi nakasama si Guin sa kanila dahil may date daw ang dalawa sa amusement park.
Eh 'di sana all.
Napailing na lang si Lesley sa naisip at pilit na tinatanggal ang isang pakiramdam na hindi niya dapat maramdaman ngayon.
Huminga siya nang malalim bago nakangiting bumaling sa mga kaibigan, "Natanggap ako sa University of Cambridge!"
Nanlakiang mata ng mga kaibigan niya bago siya sinugod ng yakap ng mga ito at nagsisigaw sa tuwa. Wala man lang pakialam kahit na agaw-eksena na sila sa ice cream shop.
"Gaga ka! Hindi ka man lang nagsabi na nagtake ka ng exam doon!" Hinampas ni Layla ang braso niya.
Nag-peace sign lang siya sa mga ito at natawa.
Tuwang-tuwa ang mga ito at panay ang congrats. Pinipilit pa siyang ilibre ang mga ito dahil nakapasa siya.
Napansin naman ni Lesley si Kagura na biglang nanahimik.
"Kag?" Tawag niya rito, "May problema ba?"
Saglit na nagulat si Kagura bago muling nalungkot, "Mag-aasikaso ka na ng requirements mo 'di ba? Feeling ko hindi ka na aabot sa graduation."
"Aabot naman siguro." Hindi sigurado, pero nakangiting sagot niya.
"Kailangan mong umabot. Eh paano valedictorian speech mo ha?" Ani Irithel.
Napatawa si Lesley, "Wala pang finals! Huwag kang mapagdesisyon."
Napaismid si Irithel, "Hindi ako naniniwala. Nakapasok ka nga sa Cambridge tapos hindi ka valedictorian? Ano na lang kami? Patatas, gano'n?"
Lalo siyang napatawa, "Pero atin-atin muna ha. Isipin n'yo na lang na ito ang perks n'yo sa pagsama ngayon."
"Kailan mo sasabihin sa kanila?" Tanong naman ni Kagura.
"Kapag naasikaso ko na lahat ng requirements ko."
=====
Mabilis lumipas ang mga araw nang hindi namamalayan ni Lesley. Busy kasi siya sa pag-aasikaso ng requirements kaya hindi na siya halos makasama sa mga kaibigan niya. Nagtatampo na 'yong mga walang alam tungkol sa admission niya.
Natapos na rin ang finals, na-compute na ang final grades nila— and yes, siya ang valedictorian.
"Ate, sure ka na ba na doon ka mag-aaral?" Tanong ng bunso niyang kapatid na si Harley, "Meron din namang architecture dito sa atin, bakit doon ka pa dadayo?"
Napatawa naman si Lesley at ginulo ang buhok nito, "Mas maganda ang education system nila doon at for sure na mas marami akong matututunan. Minsan lang ang opportunity na makapasok ako sa ganoong kalaki at kagandang university, Harls."
"Pero mamimiss kita." Naiiyak na anito.
Napangiti nang malungkot si Lesley bago niya yakapin ang kapatid, "Mabilis lang naman lumipas ang taon, bunso. Uuwi rin naman ako rito."
"Matagal ang five years."
"Bale six years ako doon, actually. Pero mabilis lang 'yon. Baka nga pagbalik ko rito, girlfriend mo na crush mo eh." Pang-aasar niya rito.
"Ate!" Reklamo ni Harley habang namumula kaya napatawa siya.
=====
Ilang araw bago ang graduation ay pumasok si Lesley sa school nila para magpaalam.
Sakto kasi ang graduation day at flight niya papuntang UK.
Sa eroplano pa ata ako makakapag-valedictorian speech. Natatawang isip niya.
Pero agad naman siyang binati ng mga guro at principal niya, na kung kaya naman niyang makapagbigay ng speech kahit through video call ay okay lang.
Pagkalabas niya sa faculty ay lumiko na siya ng hallway papunta sa classroom nila. Sakto namang pagkaliko niya nang may makasalubong siya.
Nagulat pa ito nang makita siya pero nginitian lang niya ito at tinanguan.
Lalampasan na sana niya ito nang tawagin siya.
"Lesley."
Napahinto si Lesley at lumingon dito, "Bakit?"
"Galit ka ba sa akin?" Tanong ni Gusion.
Napakunot ang noo ni Lesley, confused siya, "Ha? Bakit naman ako magagalit sa'yo?"
"Iniiwasan mo ako. Hindi ka nagrereply sa chats at messages ko. Hindi ka rin sumasagot sa mga tawag ko." Himutok ng binata sa kanya, "Madalang ka na ring sumama sa amin."
Lesley bit her inner cheek. Oo nga pala, sa mga kaibigan niya ay ito na lang at si Guin ang hindi pa nakakaalam tungkol sa pag-aaral niya sa Cambridge.
"Busy lang ako kasi may inaasikaso ako. Hindi ko na rin madalas mahawakan phone ko sa sobrang busy. Pero huwag kang mag-alala, hindi ako galit sa'yo." Nakangiti niyang sagot dito, "May kailangan ka pa ba?"
Tila natigilan ito sa tanong niya. Ngayon lang niya napansin na parang gloomy ang itsura nito.
"Nag-away ba kayo ni Guinny?" Tanong niya nang hindi ito nagsalita.
Hindi pa rin ito sumagot at nakatingin lang sa kanya.
"Nasa mood ako tumulong ngayon." Dagdag niya.
Gusto niyang kahit sa huling pagkakataon man lang ay makatulong siya sa kasiyahan ng kaibigan niya.
Kahit na siya naman ang masasaktan sa bandang huli.
=====
Inaya ni Lesley ang mga kaibigan na mag-overnight outing. Despedida kumbagaman pero hindi ito alam ni Gusion at Guin dahil hindi pa rin niya sinasabi sa dalawa.
Nasa isang mesa si Guin habang kumakain. Sa katunayan ay kasama siya nito kanina sa mesa pero umalis lang siya saglit at kunwaring kukuha ng pagkain pero sa katunayan ay si Gusion na ang pababalikin niya doon.
"Punta ka na do'n." Ani Lesley kay Gusion at inabot ang pinggan na may pagkain, pati juice.
Naguguluhan ang itsura ni Gusion at kunot-noong tumingin sa kanya, "Les—"
"Sige na. Hangga't nasa mood pa akong tumulong. Once in a lifetime lang 'to." Nakangiti niyang sabi kahit sa loob-loob niya ay sinasasaksak na ang puso niya sa sobrang sakit.
"Pero hindi naman—"
"Sabi nila Iri hindi na kayo masyadong nag-uusap. Don't waste this opportunity. Huwag mong sabihing wala kang balls? Ano ba 'yan. Sige na." Kumbinsi pa niya at marahan itong itinulak.
Naguguluhan pa ring nakatingin sa kanya si Gusion at mukhang may gustong sabihin sa kanya.
Nginitian niya ito ngunit hindi umabot sa mata niya, "Be happy. And always choose your happiness."
Tumalikod na siya rito at nag-umpisang lumakad palayo habang pinipigilan ang luha.
First year high school nang una silang magkakilala, magkaklase na sila noon. Madalas silang magkausap nito about school works at paminsang-minsang about sa personal. Inaabot pa sila ng madaling araw noon pag-uusap.
Kaya hindi malabong nadevelop ang feelings niya rito. Akala naman niya ay may patutunguhan ang usapan nila pero nalaman na lang niyang may nililigawan na pala itong ibang babae sa school nila na higher year sa kanila.
Dahil doon ay hindi na niya ito masyadong kinakausap at hangga't maaari ay iniiwasan niya kaya lamang ay nagkaroon sila ng common friends kaya hindi maiiwasang makasalamuha niya ito.
Mabuti na lang at kahit papaano ay napigilan ni Lesley ang nararamdaman niya para rito.
Pero sino bang niloloko niya? Alam niyang sa sarili niya ay may nararamdaman pa rin siya sa binata.
Napailing na lang si Lesley at huminga nang malalim.
At least, makakalayo na ako. Makakalimutan din kita, Gusion.
=====
Araw ng graduation at hindi mapakali si Gusion. Kanina pa siya palinga-linga dahil may hinahanap siya. Nagsimula na ang graduation march ay wala pa rin ang dalaga. Bakante rin ang upuan nito sa unahan para sa valedictorian.
Pero napansin niya ang isang malaking screen sa unahan.
Pasimple niyang kinuha ang cellphone para magmessage rito pero hindi ito nagrereply. Tinawagan din niya pero unattended ang phone nito.
Kaya naman naisipan niyang i-chat si Claude, "Claude, si Lesley?"
Nakita naman niyang typing ang kaibigan, "Huh? Hindi mo pa ba alam?"
Napakunot ang noo niya, "Na ano?"
Nakita niyang typing ang kaibigan pero hindi na niya nakita ang reply nito dahil nagsalita ang principal nila.
"And to deliver her valedictorian speech, Lesley Vance." Ani ng principal nila.
Agad nag-on ang malaking screen sa harap at doon nila nakita ang mukha ni Lesley.
"Mr. Prinicipal, teachers, my fellow graduates, parents, and visitors- a pleasant day to all of you." Nakangiting sabi ng dalaga at inayos ang camera nito. "Maybe you are wondering my whereabouts and gusto ko lang po kayong i-inform na I'm currently here at the airport, waiting for my flight to be called. Not meant to brag this po, but I was accepted in University of Cambridge. I'm hoping you'll understand kung bakit wala po ako physically dyan ngayon."
Napanganga si Gusion. Airport? Accepted in Cambridge?
Bakit wala siyang alam?
'Yong mga panahon na wala madalas si Lesley sa school ay dahil pala nag-aasikaso ito ng requirements.
Wala sa isip na tumayo si Gusion at tumakbo palabas ng hall. Marami sa batchmates niya ang nagulat, maging ang parents niya.
Sakto namang nasa labas ng hall ang driver nila at agad na inutusan ito upang magdrive papunta sa airport.
Nasa byahe na siya nang tumawag sa kanya si Claude, "Hoy gago ka, saan ka pupunta?"
"Sa airport malamang! Saan pa ba?" Nakasigaw niyang sagot.
"Ulol! Hindi mo na aabutan si Lesley. Kaka-announce lang ng flight niya. Naglalakad na siya papasok." Ani Claude.
Nanghihinang napasandal si Gusion sa upuan at napapikit sa frustration, "Tangina. Bakit hindi ko alam na aalis siya?" Bulong niya.
"Ayaw niyang sirain ang kasiyahan n'yo ni Guin. I'm assuming na sa inyong dalawa lang hindi sinabi ni Lesley."
Napamura siya sa sinabi ni Claude, "Tangina naman."
"Ano ka ngayon? Eh 'di kinarma ka ring gago ka?" Pang-aasar sa kanya ni Claude. "Bumalik ka na rito at nag-aalala parents mo. Kasalanan mo rin naman."
"Oo na, tangina. Pinamukha pa sa'kin." Inis na sabi ni Gusion saka ibinaba ang tawag. "Manong, balik na po tayo."
"Ay, hindi na tayo abot Sir?"
"Hindi na po eh." Malungkot na sabi ni Gusion.
"Sayang naman Sir. Baka lang hindi pa ito ang tamang panahon para sa inyo." Ani driver niya at nag-U turn.
"Wala naman pong tamang panahon." Bulong niya.
"Meron Sir. Tanging Diyos lang ang makakapagsabi. Marahil ay may mga bagay pa kayong dapat pagdaanan bago kayo magsama." Nakangiting sabi nito, "At moderno naman na po ngayon. Pwede n'yo pa rin siyang makausap."
Napatango na lang at napabuntong-hininga si Gusion.
Pero hindi 'yon nangyari. Because the moment Lesley set her feet in UK, she burned the bridges with him, even ten years later.
~~~~~
Awit muna sa'yo Gusion. HAHAHAHAHA.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro