Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One Shot 4: Fiction or Reality?

Ah, naisip ko 'to no'ng naalala ko JossRei. Miss ko na JossRei!

~~~~~

"Aaaah! Pucha!" Impit na tili ni Lesley habang nagbabasa sa kanyang cellphone. Hinampas pa niya ang katabi niya sa sobrang kilig.

"Aray naman Lesley! Masakit ha!" Reklamo ni Irithel na bahagyang lumayo at hinaplos ang brasong nahampas niya. Lumipat tuloy ito ng pwesto sa harap niya dahil masakit talagang manghampas si Lesley lalo na kung kinikilig.

"Sorry, sorry." Natatawang hinging-paumanhin ni Lesley bago bumalik sa pagbabasa.

Kasalukuyan silang nakatambay nasa study area dahil vacant nila. Pampalipas oras ni Lesley ang magbasa ng stories sa isang kilalang application sa phone at website. Actually ay nagsusulat din siya kahit papaano pero sa ngayon ay mas gusto niyang magbasa.

At ngayon nga ay kilig na kilig siya sa binabasa niya. Iba pala talaga kapag point of view ng lalaki ang kwento, mas nakakakilig.

Try ko kaya magsulat sa point of view ng lalaki? Naisip ni Lesley na bigla rin niyang iwinaglit kasi alam niyang mahihirapan siya lalo na at wala naman siyang alam kung paano mag-isip ang mga lalaki.

Hindi naman niya pwedeng pagbasehan ang nakababata niyang kapatid na si Harley dahil nasa high school pa lang ito at baka kung ano pa ang isipin sa kanya sa pagka-overprotective nito sa kanya.

Napabuntong hininga na lang si Lesley. Sana all may Gossen Paxley gaya sa kwentong binabasa ko. Swerte naman ni Lexie Snipe!

"Malapit na nga pala 'yong welcome party ng org sa atin, nagpaalam ka na ba?" Tanong ni Irithel sa kanya.

Parehong Civil Engineering ang kurso nila at nasa third year college na sila. Required na sa kanilang sumali sa student chapter ng national organization for civil engineers.

"Oo, pinayagan naman ako. Mas natagalan pa ako magpaalam kay Harls kaysa kila Mama." Sagot ni Lesley na nakatutok pa rin ang tingin sa phone.

Sanay na si Irithel dito pero hindi talaga niya maiwasang pagkunutan ng noo si Lesley minsan.

"Ano na naman ba 'yang binabasa mo at kilig na kilig ka na naman?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Irithel sa kanya.

Binanggit naman ni Lesley ang story title at may dagdag information pang sinabi, "Ang ganda ng character development ng male lead. Sana marunong din ako magsulat nang ganito tapos point of view ng lalaki."

"Eh wala ka namang kaibigang lalaki." Comment ni Irithel, "Hindi mo malalaman kung paano sila mag-isip."

"Wow ha? Alam mo na ba kung paano mag-isip ang mga lalaki? Tinatanong mo ba si Claude?" She teased her best friend.

Namula naman si Irithel, "Lesley! Ang pasmado ng bunganga mo!"

Natawa naman si Lesley at nag-angat ng tingin, "Bakit? Harmless naman tanong ko."

Engineering din ang kurso ni Claude kaya lang ay Electronics ang major nito. Hindi nga alam ni Lesley kung paano nila nakilala at naka-close si Claude gayung pareho sila ni Irithel na mailap sa lalaki. Si Irithel na gustong magfocus sa pag-aaral at siya naman na may overprotective na bunsong kapatid.

Basta isang araw ay lumapit na lang ito sa kanila— kay Irithel lang pala dahil nadawit lang siya dahil lagi silang magkasama— at nakipagkilala. At hayun, hanggang sa naging ka-close na rin nila.

Pero alam ni Lesley kung ano ang pakay ni Claude. Syempre, may ideya na siya dahil sa mga nababasa niya. Sa dami na ng libro na nabasa niya, halos lahat yata ng paraan ng lalaki para makipaglapit sa babaeng gusto nila eh alam na niya.

Kaya malabo na rin siguro akong magka-boyfriend? Kikiligin din kaya ako ng ganito sa tunay na buhay? Tanong ni Lesley sa sarili.

"Natapos mo na ba 'yong papirmahan at tutok na tutok ka na sa phone mo?" Tanong ni Irithel na kumukuha ng tech pen at 'yong ginagawa nitong papirmahan.

Papirmahan ang tawag nila dahil papapirmahan nila ito sa lahat ng graduating batch ng Civil Engineering, sulat-kamay ang paggawa ng papirmahan na engineering lettering pa dapat. Parte ito ng initiation sa kanila sa pagsali nila sa organization. Pero wala namang hazing o kahit anong pananakit na magaganap. Hindi gano'n sa school nila. Tanda lang niya noong first year nila na binyagan na ginawa lang namang pancake ang ulo nila: naka-blindfold sila habang nakapila, pagkatapos ay mga naglalagay ng harina, itlog, at kung ano pa sa ulo nila.
(A/N: Ganyan initiation sa amin noong first year kami sa Engineering. Pero super saya naman. Kami ang last batch na nagkaroon ng binyagan kasi 'yong sumunod na batch sa amin eh super "sensitive".)

Kaya natitiyak niyang halos kapareho lang ng initiation sa kanila dati ang mangyayari ngayon, pero overnight. Ang alam niya, sa isang resort ang initiation kaya paniguradong may inuman 'yon.

Pero hindi siya matutulog doon at uuwi rin agad kapag simula na ng party. Baka mapatay siya ni Harley at biglang sumugod sa resort.

"Oo, tinapos ko na kagabi. May nakita nga akong ka-apelyido ng male lead dito sa binabasa ko." Ani Lesley na kinilig dahil sa apelyidong 'yon.

"Ano bang apelyido?" Tanong ni Irithel na nagsisimula nang magsulat.

"Paxley!" Kilig na kilig na sabi ni Lesley na mahahampas si Irithel pero nakita niyang nagsusulat ito gamit ang tech pen kaya pinigilan niya ang sarili.

Napalingon naman sa kanya si Irithel na nakakunot ang noo, "Paxley? Hindi mo ba kilala 'yon? First year pa lang tayo sikat na 'yon eh. Hindi nga lang dito sa Engineering, pati sa ibang colleges eh."

Siya naman ang nangunot ang noo, "Huh? Talaga? Bakit hindi ko kilala?"

Inirapan siya ng kaibigan, "Eh paano puro ka fiction... fiction! Mas nai-inlove ka pa sa mga fictional characters kaysa sa totoong lalaki. Kaya ang taas ng standard mo eh."

Siya naman ang umirap, "Why would I settle for less? Tsaka hayaan mo na nga at kailangan ko rin namang makatapos with flying colors kasi more opportunities at magkaka-discount pa ako sa review center. Kailangan maging praktikal 'no, at may papaaralin pa akong kapatid."

Consistent dean's lister si Lesley kahit na puro basa siya ng online stories. Goal niyang maka-graduate kahit Cum Laude lang para may discount sa review center at magandang tingnan ang resume niya. Pero syempre, kailangan ding mataas ang maging passing rate niya sa board exam.

"Sana all brainy." Natatawang sabi ni Irithel.

Napailing na lang si Lesley, "Masipag lang."

"Humble din." Dagdag pa ni Irithel, "Mailap nga lang sa boys pero sikat ka rin sa batch natin ha."

"Sikat?"

"Oo, pati sa ibang department ng engineering sabi ni Claude. Gawa kasi no'ng second year tayo sa Physics. Terror prof natin sa Physics 1 'di ba? Tapos ang final grade mo is 1.25, first time ulit na may naka-line of one na grade sa kanya!"

Magkakapareho ang course subjects ng buong engineering kapag first at second year. Ngayong third year pa kasi lahat papasok ang major subjects nila.

"Ulit?" Tanong ni Lesley.

"Wala ka talagang kamuwang-muwang sa paligid mo 'no? 'Yong sinasabi mong kaapelyido ng binabasa mo ang kauna-unahang naka-flat one sa prof na 'yon."

"Oh? Talaga?" Gulat na sabi niya.

"Oo nga! Maki-chismis ka naman kasi minsan. Chismis is life!"

"No! K-drama and stories are life! Mapa-online or physical book man 'yan." Salungat naman ni Lesley.

"Ewan ko sa'yo. Tatanda kang dalaga talaga n'yan."

"I've been living in the fiction world 'no?" Napabuntong-hininga si Lesley, "Sana lang kahit isa sa mga nabasa kong male lead ang magkatotoo, kahit si Gossen na lang oh."

Napailing na lang si Irithel, "Hopeless ka na."

Napanguso na lang si Lesley, "Alam mo minsan, naisip ko, binuhay lang ako ni Lord para mamatay sa inggit sa female leads na binabasa ko. Saan ba ako makakahanap ng Gossen Paxley?"

"Paxley daw, pre!"

Kunot-noong napalingon si Lesley. Nakita niya ang isang grupo ng mga lalaki na halatang higher year sa kanila. May ID lace ang mga ito na Civil Engineering.

"Uy! Si Miss Beauty and Brains! Ngayon ko lang ulit nakita 'yan! Kaibigan pala siya ng pinopormahan ni Claude?" Reaction no'ng isa sa mga lalaki.

"Gago, sumbong kita kay Ruby, Alucard." Suway naman no'ng isa na nag-react sa Paxley.

"Gago ka rin Zilong, mahal ko si Ruby." Sagot naman no'ng lalaking nagngangalang Alucard.

Napansin ni Lesley 'yong isang lalaking nakasalamin na tahimik lang at nakatingin sa kanya. Bigla tuloy siyang kinabahan sa tingin nito kaya bumaling ulit siya sa kaibigan.

"Anong beauty and brains ang pinagsasasabi ng mga 'to?" Baling niya kay Irithel.

Nag-roll eyes naman si Irithel, "Nickname mo 'yon dito sa engineering, gaga ka! Kakabasa mo 'yan kaya wala ka nang muwang sa realidad. Siguro, pati posts tungkol sa mga may crush sa'yo sa University Secret Files hindi mo nababasa."

Napaikot din ng mata si Lesley sa kaibigan, "Ewan ko sa'yo!"

Sa katunayan ay ngayon lang niya ulit nakita ang mga fifth year dahil sa pagkakaalam niya ay busy ang mga ito sa thesis. Ni hindi nga naka-uniform ang mga ito dahil kung hindi tambay sa library ay madalas ay wala ang mga ito sa school dahil sa ibang lugar pa sila nagcoconduct ng thesis or nagpapa-testing or kung ano pa.

Hindi na lang ulit lumingon si Lesley sa mga ito at nagpatuloy na lang sa pagbabasa kaya nagulat siya nang maramdaman ang mga ito na naki-share sa table nila.

Bahagya pang tumama sa braso niya ang braso nang tumabi sa kanya at nakitang 'yong lalaking nakasalamin ito. Napatingin siya rito saglit at bago pa man magtama ang mata nila ay tumingin na lang ulit si Lesley sa phone niya para magbasa.

Sinipa naman siya ni Irithel sa ilalim ng mesa kaya inis na napatingin siya rito. Nginuso ni Irithel ang katabi niya at ngiting-ngiti ang bruha sa kanya habang palipat-lipat ng tingin sa kanya at sa katabi niya.

Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin kaya naisipan niyang i-chat ito kahit nasa harapan lang niya ang kaibigan.

"Bakit ka nakangiting gaga ka? Para kang kiti-kiti." Chat ni Lesley.

Nakita pa niyang humagikgik ang kaibigan bago niya na-receive ang reply nito.

"Ang lakas ng chemistry n'yo ni Gusion! Bagay kayo!"

"Bruha ka!" Hindi napigilang sabi ni Lesley pagkatapos ay sinapok si Iri gamit ang notes niya sa Statics of Rigid Bodies.

Napatingin tuloy sa kanila ang fifth year na naki-share sa table nila na napatigil sa pagdi-discuss tungkol sa mga sari-sariling thesis.

Napangiwi naman si Lesley, "Sorry po."

At agad niyang niligpit ang gamit niya tsaka sinenyasan si Irithel na umalis na sila dahil nakakahiya.

Mukhang napansin ng katabi niya ang balak niya kaya hinawakan nito ang notes niya para pigilan siya, "It's okay, you can stay."

"Eh, nakakahiya po." Mahinang sabi ni Lesley.

Feeling din tuloy niya ay natahimik ang maingay na study area. Ayaw niyang tumingin sa paligid kasi baka makita niyang sa kanila nakatingin ang mga ito.

"Dapat nga kami ang mahiya because we sat here without even asking for permission." Insist naman ni Gusion.

"We don't own this table naman po for you to ask permission." Sagot naman ni Lesley.

Harmless naman ang sagot niya pero baka ma-misinterpret 'yon ng kausap at hihingi na sana siya ng sorry pero nakita niyang ngumiti ito.

Shet! Ang gwapo! Sigaw ni Lesley sa isip niya.

"Smart mouth." Nakangiti nitong sabi. "Just stay here. Nakikiupo lang kami while waiting for our next subject thirty minutes from now."

Wala nang nagawa si Lesley kaya napaupo siya ulit, "Ah, sige po. Thirty minutes na lang din naman po ang vacant namin."

"Ay iba! Nag-u-update agad sa isa't isa." Sangat na pang-aasar ni Irithel sa kanila.

"Iri! Bibig mo!" Pinanlakihan ni Lesley ng mata ang kaibigan.

Hindi na siya pinansin ni Irithel na humagikgik lang at muling nagsulat ng papirmahan.

Napalingon si Gusion sa ginagawang papirmahan ni Irithel bago binalik ang tingin sa kanya, "Tapos ka na sa papirmahan? Pwede naman na silang pumirma." Turo nito sa mga kaibigan, "Mahihirapan kayo makompleto 'yan kasi palagi kaming wala dahil sa thesis."

"Tapos na po pero 'di ba..." Nag-aalangang sabi ni Lesley, medyo nagtaka rin siya sa ginamit nitong words na 'pwede naman na silang pumirma'.

So hindi pa siya pipirma, ibig sabihin?

"Hmm?" Ani Gusion.

"...next week pa po start nitong pagpapapirma 'di ba?" Dagdag ni Lesley.

"Oh." Napaisip si Gusion bago napatawa nang mahina, "Oo nga pala. Alright then. I have another reason to..."

"To?" Echo ni Lesley para ituloy ng kausap ang sasabihin.

Napangiti si Gusion at umiling, "Wala. Magbasa ka na ulit."

Naguguluhan na nakatingin lang si Lesley sa katabi pero kalauna'y bumalik na lang siya sa pagbabasa.

Hindi niya namalayang kanina pa sila kinukuhan ng picture ni Irithel.

=====

Tatlong sections lang naman ang fifth year engineering students pero ang hirap hagilapin ng mga ito. Isang linggo lang ang time nila para magpapirma dahil sa Sabado na ang submission noon sa mismong araw ng welcome party nila. Busy ang mga seniors nila sa thesis.

May kaukulang bayad pa naman sa kada pirma na wala sila. Twenty pesos kapag officer at ten pesos sa members. Nasa sampu lang naman ang officers pero higit isang daan ang members. 

Namomroblema silang mga third year dahil wala pa sa kalahati ang napapapirma nila at Friday na ng umaga. Hanggang ngayong araw na lang sila pwedeng magpapirma dahil hindi na pwede bukas sa welcome party.

"Uy, compare-compare mamayang gabi ah. Para magaya na lang 'yong pirma no'ng wala pa." Suggestion ng isa nilang kaklase.

"Huwag kang maingay! Mamaya may makarinig eh." Suway ng isa pa nilang kaklase.

Napabuntong-hininga si Lesley, mukhang mamaya eh sasama na lang siya sa balak ng mga ito. Hangga't maaari eh ayaw niyang magbayad nang malaki dahil nagtitipid siya. Sobrang mahal na nga ng binayaran niyang membership fee at pati na sa welcome party na compulsory ang bayad kesyo pumunta ka o hindi. Kailangan niyang mapagkasya ang allowance niya hangga't kaya niya para hindi na siya humingi agad sa magulang niya.

Nagsa-sideline na nga rin siya sa paggawa ng plates sa subject na Engineering Drawing.

Dahil hopeless na makompleto ang pirma ay naupo na lang muli si Lesley sa study area kasama si Irithel. Halos magkasing-dami ang pirma nilang dalawa kasi humingi ng tulong si Iri kay Claude na maraming kaibigan sa mga fifth year na civil. Pinagkasya na lang ni Lesley na magbasa dahil malapit na niyang matapos ang binabasang online story.

Ngiting-ngiti siya habang nagbabasa kasi sobra-sobra ang kilig niya. She was really amazed kung gaano ka-pure and genuine ang love ng lead characters. Sobrang ganda ng character development pa nilang dalawa. Tipong madalas ay sa male lead siya nai-in love pero sa story na ito ay parang mas bet niya ang female lead dahil sa supremacy nito.
(A/N: Reniella Villondo's supremacy is no joke <3)

Napabuntong-hininga Lesley at pinagsalikop ang mga kamay tsaka pumikit, "Lord, ako po ulit 'to. When po kaya ako? Kung hindi po si Gossen Paxley ay ipagpilitan po natin."

"I'm not Gossen pero katunog naman ng name ko, but I'm a Paxley."

Napaigtad si Lesley sa gulat nang may magsalita sa likod niya. At lalong nanlaki ang kanyang mata nang makitang si Gusion ito.

Napasinghap si Lesley pagkatapos ay ngumiti nang pilit. Nahihiya kasi siya.

"Basa nang basa ka kasi, kanina pa kita tinatawag!" Bulong na suway sa kanya ni Irithel kaya sinamaan niya ito ng tingin.

Napatikhim si Lesley, "A-ano po 'yon?"

"Well, wala ka bang iaabot sa akin?" Nakangiting sabi ni Gusion at inilahad ang kamay.

Napatitig si Lesley sa mukha nito habang nag-iisip. Naloloading pa ang utak niya sa ibig nitong sabihin.

"May utang po ba ako?" Tanong ng dalaga rito.

Napatawa nang mahina si Gusion bago ituro ang bagay na nakapatong sa mesa. Sinundan niya ito ng tingin at doon lang niya napagtanong ang papirmahan ang tinutukoy nito.

Napa-facepalm pa si Lesley bago nahihiyang iabot ang papirmahan kay Gusion.

Inayos muna ng binata ang salamin nito bago pumirma, "Dami mo pang kulang ah."

"Pinagtataguan po ata kami ng fifth year eh." Pabiro niyang sabi.

Natapos nang pirmahan ni Gusion ang papirmahan niya, pati kay Irithel.

Napatawa muli si Gusion, "Hindi naman. Busy lang talaga kami sa thesis."

"Busy pero andito ka ngayon?" Ma-intrigang sabi ni Irithel kaya siniko niya ito.

Ngumiti nang makahulugan si Gusion kay Lesley, "Let me do something about it. I'll just go to library."

Nang makaalis si Gusion ay bahagyang hinila ni Irithel ang buhok niya kaya napaaray siya, "Taray! Couple goals kahit walang label!"

"Gaga ka! Manahimik ka nga." Suway ni Lesley at hinila rin nang pabiro ang buhok ni Irithel.

Doon lang sila sa study area tumambay hanggang sa may sunud-sunod na mga fifth year civil na lumapit sa kanila para pumirma sa papirmahan nila. Gulat at nagtataka naman sila dahil ang mga fifth year pa talaga ang lumalapit sa kanila.

Nang dumating ang kilala niyang mga kaibigan ni Gusion ay hindi na napigilan ni Irithel na magtanong.

"Sabi ni Gusion, busy ang fifth year? Mapupuno na papirmahan namin ni Lesley." Tanong ni Irithel na shocked din sa pagsulpot ng mga fifth year.

"May favoritism kasi si Gusion. Tanginang 'yon." Natatawang sagot ni Alucard.

"Pinagbyahe pa kami ng dalawang oras para pumirma, kupal na 'yon." Naiiling na sabi ni Zilong.

Natahimik silang dalawa ni Irithel pagkatapos ay nagulat si Lesley dahil pinaghahampas siya bigla ni Irithel sa braso at tumili nang napakalakas ang bruha!

"Aray! Masakit! Gaga ka!" Reklamo ni Lesley na lumayo sa nababaliw na kaibigan.

"Gaga ka! Haba ng buhok mo literally and figuratively! Sana all maganda!" Tawang-tawang sabi ni Irithel na akmang hahampasin na naman si Lesley pero umiwas na siya rito.

"Ewan ko sa'yo! Baliw ka na!"

"Slow mo naman! Beauty and brains pero slow!"

Napailing na lang si Lesley.

=====

Kinabukasan, nasa resort na sila kung saan gaganapin ang welcome party. Naghahanda pa ang fourth year sa mga pakulo nila sa initiation kaya pinag-stay muna sila sa isang lugar na malayo kung saan magaganap ang initiation kasama ang mga fifth year.

"Oh, fifth years! Pili na kayo ng inaanak n'yo." Sigaw ng president ng org nila.

Mga fifth year ang magsisilbing ninang or ninong nila sa initiation. Swerte kapag napili nila ay 'yong malakas sa mga fourth year kasi may chance na  i-exempt sa ganoong klaseng initiation. Nakita niya kasi kanina na may binubuhasan ng maraming tubig 'yong isang parte ng damuhan at tinapakan ng isang grupo para magputik. May pakiramdam si Lesley na papagapangin sila doon.

Maya-maya pa ay lumapit sa kanila ni Irithel ang barkada nila Gusion. Ibinilin daw kasi ni Claude sa kanila si Irithel kaya i-exempt na ito sa initiation.

"Ako ang ninong mo, kaya hindi mo na kailangan pumila sa initiation." Ani Gusion kay Lesley.

Narinig niya ang tukso sa kanila ng mga ka-batch niya at pati ng mga fifth year.

"Unfair naman po 'yon sa batchmates ko." Sagot niya.

"Luh, si Lesley. Swerte mo nga eh!" Sigaw naman no'ng isa niyang kaklase.

Umiling si Lesley, "Hindi po ako magpapa-exempt." Aniya tsaka tumingin ng diretso kay Gusion.

Gumanti rin ng tingin si Gusion at hindi alam ni Lesley kung gaano sila matagal na nagkatitigan ng binata. Sa huli ay napabuntong-hininga si Gusion.

Ngumiti ito habang naiiling, "Alright, you won."

"Boo!" Kantyaw ni Alucard, "Under!"

Sinamaan ito ng tingin ni Gusion at nag-ayos ng salamin nang bumaling ulit sa kanya. Naglakad ito papunta sa likod niya saka siya tinalian ng blindfold.

Hindi ito umalis sa tabi niya at inalalayan siya dahil wala siyang makita. Nasa tabi lang niya ito habang hawak nito ang likod niya at ang isa ay nakahawak sa kamay niya.

"Tangina, pabor din pala sa'yo. Libre tsansing." Rinig niyang pang-aasar ni Zilong.

"Manahimik ka nga. Sumbong kita kay Freya eh." Inis na sabi ng binata.

Narinig niyang tumawa ang mga kaibigan nito. Hindi na rin nagpa-exempt si Irithel dahil hindi siya nagpa-exempt at isa pa ay minsan lang naman daw nila mararanasan ang ganoong binyagan.

Nang magsimula na ang binyagan ay medyo kinakabahan si Lesley kasi nakakarinig siya ng tilian ng batchmates niyang babae at sigawan ng mga lalaki. Napapaigtad siya kapag may tumitili nang malakas.

"Do you still want to continue?" Bulong ni Gusion sa tenga niya kaya medyo kinilabutan siya dahil sa hininga nito.

Tumango siya, "Ganito rin naman po noong first year kami."

"Please drop the po. Hindi naman pa ako matanda."

"Mas matanda ka po ng two years sa akin."

"Smart mouth." Anito at sa isip niya ay nakangiti ito nang bahagya.

Natigil ang usapan nila dahil may narinig siyang ibang nagsalita.

"Yo Boss Gusion!" Boses lalaki 'yon.

"Huwag mong karamihan, malilintikan ka sa akin." Banta ni Gusion.

Natawa naman 'yong lalaki, "Favoritism talaga."

Saka naramdaman ni Lesley na may inilagay sa ulo niya. Harina na naman 'yon na may itlog. Mukhang gagawa na naman ng pancake sa mga ulo nila.

"Hi! May allergy ka ba sa rice hulls?" Narinig niyang tanong ng babae.

"Grabe, ang sosyal naman sa inyo ate. Ipa lang sa amin 'yan eh." Pagbibiro ni Lesley tsaka tumawa. "Wala naman po."
(A/N: 'Yan 'yong balat ng palay. HAHAHA.)

So far eh ganoon lang naman ang binyagan sa kanila sa org. Dapat ay papagapangin siya sa putikan pero talagang umalma si Gusion at hindi siya pinayagan. Pinaglakad na lang tuloy siya sa putikan. May alak din na pinainom sa kanila at aagawin sana ni Gusion pero nahablot naman niya 'yon kahit naka-blinfold siya. Isang shot glass lang naman 'yon at mataas ang tolerance niya sa alak.

Nang matapos ay si Gusion ang nagtanggal ng blindfold niya at hinila siya nito kung nasaan ang mga gamit nila.

Inabutan siya nito ng towel, "Clean yourself, Lesley. Makati sa balat ang ipa na 'yan kahit na hindi ka allergic."

Tumango siya at kinuha ang towel tsaka kumuha ng damit. Nahigit din niya si Irithel na tapos na rin para makapaglinis na sila ng katawan.

"Magjowa na ba kayo ni Gusion?" Rinig niyang tanong sa kanya ni Irithel sa kabilang cubicle.

"Gaga ka. Gusto mong magwala si Harley?" Natatawang sagot niya, kahit na ramdm niya ang bilis ng tibok ng puso niya sa tanong ng kabigan.

Nang matapos maligo at magbihis ay sabay silang lumabas ni Irithel sa CR habang nagsusuklay sila ng mahahaba nilang buhok.

"Pero 'di nga Les, sobrang bagay n'yo ni Gusion. Paano kapag nanligaw sa'yo?"

Napailing-iling si Lesley, "Sa fiction world lang mangyayaring may ma-in love sa aking ganoong tao."

"Eh paano kung sabihin kong hindi naman imposible dahil plano ko ngang manligaw sa'yo?"

Parehong napaigtad si Lesley at Irithel nang marinig ang boses na 'yon. Nasa harapan na pala sila ni Gusion!

Ramdam na ramdam ni Lesley ang kabog sa dibdib niya habang nanlalaki ang matang nakatingin sa nakangiting si Gusion.

"Let me ask again for formalities." Ani Gusion at dahan-dahang lumapit sa kanya. "I want to court you Lesley. Will you let me?"

Nabibingi na nga si Lesley sa lakas ng kabog ng puso niya ay dumagdag pa ang hiyawan ng mga taong nandoon na nanonood sa kanilang dalawa!

"Sana all Lesley! Prayer reveal naman dyan!" Hiyaw ng mga babaeng batchmates niya.

"I'm not pressuring you. You can always say no pero I will wait for you." Dagdag ni Gusion na puno ng sinseredad sa boses at mata nito.

Napalunok si Lesley, "Okay lang ba sa'yo kung may overprotective akong bunsong kapatid na paniguradong papahirapan ka?"

Gusion chuckled, "Lesley, courting you means I'm accepting all the challenges. Hindi ako sasabak sa bagay na hindi ako handa."

Dahil sa sagot ng binata ay nangingiting napailing na lang si Lesley.

Akala ni Lesley ay hindi na niya mararanasan ang kilig sa mga binabasa niya sa totong buhay. Akala niya ay hanggang sa pagbabasa na lang siya kikiligin.

Ngumiti si Lesley at tumango, "Okay. Good luck dahil kakailanganin mo ng maraming gano'n kay Harley."

~~~~~

Hanggang dito na lang, jusko. Ang haba na pala sobra. HAHAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro