Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One Shot 3: Perfume Potion

Naisipan ko lang dahil sa convo namin ng isa kong Ma'am. HAHAHAHA.

Not your typical Lesley version here. HAHAHAHA.

~~~~~

"Huy!" Tawag sa kanya ni Irithel. "Ano't ngiting-ngiti ka dyan?"

"Wala!" Natatawang sabi ni Lesley habang nag-i-scroll sa kanyang phone. Nagbabasa kasi siya ng update ng paborito niyang author.
(A/N: The who? Hahahahaha.)

"Masaya ka gurl? Makikita mo na naman crush mong engineer?" Dagdag ni Irithel.

Kasalukuyan kasi silang nasa mall ngayon dahil may inspection sila sa isang on-going fit out construction dito sa client nila.

Pupunta kasi 'yong electrical engineer sa side ng client nila na si Engr. Granger.

"Gaga, hindi ko crush 'yon. Mukha lang siyang mabango pero that's it." Ani Lesley at iniharap kay Irithel ang phone niya, "Nagbabasa ako ng update loka ka. After ng isang buwan nag-update din sa wakas. Super worth it naman kasi nakakakilig 'yong update."

"Sige lang, kiligin ka lang dyan, kasunod n'yan papaiyakin ka na naman." Nang-aasar na sabi ni Irithel.

"Kontrabida ka talaga!" Naaasar na sabi ni Lesley at sumimangot dito.

"Ewan ko sa'yo Les. Adik ka sa mga fictional characters. Kaya wala kang jowa eh."

"Aray naman Iri!" React ni Lesley, "Bastos bunganga mo ha. Porque may Claude ka." Inirapan niya ito, "Mukhang mga mabango kasi 'yong male leads sa mga story eh."

"Ewan ko talaga sa'yong babae ka. Bilhan kita ng isang damakmak ng pabango ng lalaki eh."

Natawa na lang si Lesley. Mas attracted talaga siya sa mga lalaking maayos manamit at mukhang mabango. Pero hindi niya crush 'yong Engr. Granger gaya ng sabi ni Irithel kanina.

Mukha lang mabango para sa kanya pero hindi niya type 'yong style nito. Masyadong mukhang aloof at seryoso sa buhay.

Pumunta na lang sila diretso sa unit ng client nila. Nandoon na pala si Engr. Granger kaya binati nila ito.

Patapos na kasi ang project nila at so far eh goods naman kahit na may minor problems sila noon pero nagawan naman nila agad ng paraan. Mabuti na lang at madiskarte sila kaya hindi na nila pinaabot pa sa pinaka-boss nila.

Hinihintay na lang nila ang representative ng building admin para sa post construction inspection.

Mga thirty minutes siguro silang naghintay doon nang may isang lalaking dumating.

Matangkad, naka-long sleeves, gwapo, at higit sa lahat, mukhang mabango!

Napasinghap si Lesley nang makita ito at agad niyang nakurot si Irithel na napaaray naman.

Hindi naman ito 'yong first time na pumunta si Lesley sa site pero first time niyang nakita ang bagong dating.

"Good afternoon. Sorry I'm late. Si Engr. Alucard 'di ba ang naka-assign dito pero nagkaroon kasi siya ng emergency." Explain ng bagong dating, "I'm Arch. Gusion Paxley by the way, head architect."

Agad namang nakipagkamay si Granger at nagpakilala rito, maging si Irithel.
(A/N: Walang COVID-19 dine. Hahaha.)

Nang siya na ay tumikhim pa siya bago nagsalita, "Engr. Lesley Vance, architect. In-charge quantity surveyor po sa contractor's side."

"Pleased to meet you Engr. Vance." Nakangiting sabi ni Gusion at nakipagkamay sa kanya.

Pakiramdam ni Lesley ay mahihimatay siya sa mga sandaling 'yon. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya.

Kahit tama lang ang layo nilang dalawa ay naaamoy niya ang binata. Napakabango nito!

Manly scent pero hindi masakit sa ilong. Siguro ay mamahalin ang pabango nito.

"Ang landi mo gaga!" Pasigaw na bulong sa kanya ni Irithel at kinurot ang tagiliran niya.

"Gaga ka, ang bango niya dzai!" Kilig na kilig na bulong din ni Lesley.

"Heh! Mukha kang pabango." Suway ni Irithel.

Nagsimula na sila sa inspection at may minor punchlist na napansin si Gusion kaya kailangan pa nilang i-comply iyon.

Actually ay nahihiya si Lesley na lumapit dito pero napapansin niyang ito ang dumidikit sa kanya kaya naman pakiramdam niya ay mawawalan siya ng ulirat dahil sa kilig at siyempre dahil sobrang bango nito!
(Trans: Ulirat = malay)

Crush na niya si Arch. Gusion!

"Walang tags 'yong panel board." Puna ni Gusion.

Napangiwi naman si Irithel at sinamaan niya 'to ng tingin.

"Hindi mo binigyan si Alpha?" Tanong ni Lesley kay Irithel. Si Alpha ang site engineer nila sa site na ito. Hindi lang ito nakapunta ngayong araw dahil pinapunta ito sa ibang site.

Dahilan kung bakit nakasama si Lesley sa inspection. Na ipinagpapasalamat niya dahil nakilala niya si Gusion.

Nag-peace sign lang si Irithel sa kanya na lalo niyang ikinasimangot. Isa kasing electrical engineer si Irithel, ito ang in-charge sa lahat ng electrical works sa construction projects nila.

"Nawala sa isip ko. Sorry na. Marami lang gawa." Lambing ni Irithel.

"Puro sa'yo 'yong minor punchlist." Sabi ni Lesley.

Umikot ang mata ni Irithel, "Oo na. Sorry na. Libre kita mamaya."

Agad na nagningning ang mata ni Lesley nang marinig ang salitang libre, "Walang bawian ha. Sabi mo 'yan."

Napanguso si Irithel, "Nabudol mo na naman ako. Kay Claude tayo magpalibre."

Napatawa na lang si Lesley at hindi sinasadyang mapatingin sa gawi ni Gusion. Huminto sandali ang tibok ng puso niya nang makitang nakatingin ito sa kanya.

Binigyan na lang niya ito ng ngiti dahil nahihiya siya at sa harap pa nito sila nagdaldalan. Halos mahulog naman ang puso niya nang ngumiti ito pabalik sa kanya.

Dzai! Makalaglag-panty, dzai!

Nang ma-inspect lahat ay pinirmahan naman ni Gusion ang punchlist ngunit kailangan na ma-comply lahat ng minor punchlist na napansin nito.

At isa lang ibig sabihin noon, pagka-comply sa minor punchlist ay panibagong inspection ulit.

Si Arch. Gusion kaya ulit ang kasama next time?

Pagkasilip sa wristwatch ni Lesley ay nakita niyang 3:30 PM na pala. Kaya pala nagugutom na siya.

"How about some snacks po? 3:30 na po pala." Magalang na alok ni Lesley.

Umiling si Granger, "Thanks engineer pero kailangan ko pang pumunta sa isang site namin."

Tumango si Lesley dito at bumaling kay Gusion, "How about you po, architect?"

Napatingin din ang binata sa wristwatch nito bago ngumiti sa kanya, "Sure. Lead the way."

Agad na napalingon si Lesley kay Irithel at impit na tumili. Kaya nahampas siya ni Irithel.

Nauna si Irithel maglakad kaya tuloy ay magkatabi silang naglakad ni Gusion.

"Saan n'yo po gustong kumain, arki?" Tanong ni Lesley.

"Drop the po, hindi pa naman ako matanda, engineer." Natatawang sabi ni Gusion.

"Sorry Sir, hindi lang sanay. Bilang respect na rin kasi." Natatawa ring sabi ni Lesley, "I'll try my best po— I mean, I'll try my best. So, saan po? Si Iri po kasi ang manlilibre eh."

"Hoy, narinig ko 'yon. Teka tinatawagan ko na si Claude. Binubudol mo na naman ako." Sabat ni Irithel habang nakadikit sa tenga ang cellphone nito.

"Kayo na ang pumili. I'm not that picky naman." Sagot ni Gusion.

Gusto sana ni Lesley sa isang pastry shop pero nakakahiya naman dahil baka hindi mahilig sa sweets ang binata. Mabuti sana kung silang dalawa lang ni Irithel.

Nagawi ang paningin niya sa isang kainan, "Pizza, Sir?"

"Sure, Ma'am." Nakangiting sabi ni Gusion.

Agad silang dumiretso sa isang pizza house. Si Irithel na ang nagpresentang um-order na ipinagpapasalamat niya dahil isang tunay na kaibigan ito.

Agad silang naghanap ni Gusion ng pwesto at nakakita naman sila ng table na may apat na upuan. Umupo na sila pero hindi siya tumabi rito o kahit sa harap nito naupo. Nahihiya kasi siya.

"Why don't you sit here beside me?" Takang tanong ni Gusion.

"Ah." Bigla ay nahihiyang tumawa siya rito bago lumipat sa tabi nito.

Ramdam na ramdam niya ang kabog ng puso niya. Lalo na at naaamoy na naman niya ang bango nito! Tapos sobrang approachable pa.

'Yong ibang building admin kasi ay sobrang taray. Paano ay sila ang batas sa sarili nilang building kaya ganoon.

"Matagal ka nang QS?" Tanong nito sa kanya pagkaupo niya.

"One year pa lang Sir." Sagot niya.

Napatango naman ito, "You handle your project really well. As far as I remember, last month lang kayo nag-start pero almost finish na kayo. Naunahan n'yo pa 'yong ibang fit-outs dito sa mall."

Nahihiyang ngumiti si Lesley dito, "Hindi lang naman po ako Sir ang may handle ng project. With the help din po 'yon ng in-charge namin at ng mga tao po."

Totoo naman 'yon. Hindi pa man marami ang work experience niya pero kaya nagiging madali ang trabaho niya ay dahil sa teamwork.

Walang laglagan. Kapag may problema ay sinusolusyunan agad nila at hindi na pinapaabot sa taas.

Napangiti si Gusion, "It's good na you have a team like that. And I told you to drop the po."

Napatawa si Lesley, "Sorry Sir. Hindi lang talaga sanay."

Marami pa silang napagkwentuhan. Ang iba ay work related, ang iba naman ay personal.

Feeling close agad tuloy siya rito dahil sobrang approachable nito.

Maya-maya ay dumating si Irithel, kasama na si Claude.

"Oh? Gusion? Himala lumabas ka sa opisina mo?" Agad na sabi ni Claude nang makita si Gusion.

"Ano naman ngayon?" Masungit na sabi ni Gusion.

Nagulat si Lesley sa pag-iiba bigla ng ugali nito. Kanina ay mukha itong friendly pero ngayon ay mukha itong masungit.

"Magkakilala kayo, C?" Tanong ni Irithel

"Yes, my tigress. Magkaibigan kami n'yan. Siya 'yong sinasabi ko sa'yo na kaibigan kong once in a blue moon lumabas sa opisina niya na adik sa trabaho." Paliwanag ni Claude.

"This is still work." Paliwanag ni Gusion, "Katatapos lang ng final inspection sa site nila kanina."

"Ang dami-dami mong building engineer at building architect na subordinates tapos ikaw mismo ang nag-inspect? Hmm..." Nanghihinalang sabi ni Claude na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Nagkibit-balikat lang si Gusion na ikinatawa ni Claude na para bang may natuklasan itong bagay na nakakatuwa.

"Les, single 'yan. No girlfriend since birth dahil adik sa trabaho at plates niya." Pambubugaw ni Claude.

"Claude! Bunganga mo!" Suway ni Lesley na namumula ang pisngi.

"Bakit? Single ka rin naman ah. Anong masama doon? NBSB ka rin naman kasi puro ka fictional characters." Panggagatong pa ni Irithel.

"Foul aba!" Natatawang suway ni Lesley sa best friend.

"Bagay naman kayo eh." Katwiran pa ni Irithel.

"Excuse me, tao kami. Stop na, nakakahiya kaya. Parang wala kami rito sa harapan n'yo ha." Seryosong saway ni Lesley saka bumaling kay Gusion, "Pagpasensyahan mo na ang dalawang 'yan, Sir. Alam mo na kung bakit nagkatuluyan sila."

Natawa naman si Gusion, "Yes, I can see it Ma'am."

"Luh, may endearment agad." Tukso ni Irithel.

"Iri!" Suway ni Lesley.

Natawa naman si Claude at Irithel sa kanya kaya inirapan na lang niya ang dalawa.

"Architect, attracted 'yan sa mukhang mabango at 'yong mabango talagang tunay. Tip lang." Sabi ni Irithel na hindi pinansin ang pag-irap niya.

Inamoy naman ni Gusion ang kwelyo niya, "Hindi naman masakit sa ilong ang perfume ko." Bumaling ito sa kanya, "Do I smell good?" Anito at inilapit pa talaga ang kwelyo nito sa kanya kaya amoy na amoy niya ang bango ng binata!

Panigurado si Lesley na pulang-pula na ang mukha niya.

Napansin niyang parang suminghot si Gusion nang lumapit sa kanya. Actually, kanina pa niya napapansin na parang inilalapit nito ang mukha sa kanya nang bahagya at mukhang inaamoy siya.

Na-conscious siya tuloy lalo. Hindi pa naman siguro siya mabaho. Gamit naman niya ang paborito niyang pabango na oil-based din naman kaya matagal ang kapit ng amoy.

Lumayo rin naman agad sa kanya si Gusion, "Sorry, I invaded your personal space." Hinging paumanhin nito.

Tumango na lang si Lesley. Nailang na tuloy siya sa sobrang hiya at hindi pa nakakatulong ang magjowa sa harapan niya.

Biglang napapalatak naman si Claude, "Les! Maalala ko pala, 'di ba mixture ng pear and melon perfume mo?"

Nagtaka naman si Lesley pero tumango siya, "Bakit?"

Ngumisi si Claude, "Favorite ni Gusion ang pear at melon. Bibihira 'yong may gumagawa at gumagamit ng mixture ng amoy na ganyan eh."

Nanlaki ang mata niya at napatingin sa binatang katabi niya. Nakita niyang nakaiwas ito ng tingin at namumula ang pisngi.

Kaya pala kanina pa siya nito mukhang inaamoy!

"Mukhang may meant to be sa harap natin, C." Sabi ni Irithel sa kasintahan.

"Feeling ko rin, sweetheart." Nakangising sabi ni Claude.

Muling inirapan ni Lesley ang dalawa.

=====

"Thank you sa paghatid, arki." Nakangting sabi ni Lesley habang tinatanggal ang seatbelt.

"Basta ikaw, engineer." Nakangiting sabi nito at tinulungan siya pagtatanggal ng seatbelt kaya lumapit ito sa kanya.

Napansin niyang inamoy siya nito.

"Naaadik ka na naman sa pabango ko. Sabi ko naman bibilhan na kita." Natatawang sabi ni Lesley.

Ngumisi sa kanya si Gusion bago isinuksok ang mukha sa leeg niya at inamoy, "Nah, hindi lang naman 'yon eh. It's your natural scent din kasi. Built in gayuma mo ata 'yon eh."

Lalong natawa si Lesley, "Mabango ka rin naman, arki. Don't worry. Let go na muna, malayo pa condo mo rito."

He groaned in frustration, "Sabi ko naman kasi lilipat na lang ako rito."

Natawa pa lalo si Lesley sa sinabi nito. Dalawang taon na rin ang nakakalipas simula noong una silang magkita.

At tama nga si Irithel at Claude dahil nagkatuluyan sila. Mahigit isang taon na silang magkarelasyon.

At nagulat pa si Lesley dahil hindi lang pala head architect ng naturang mall si Gusion— siya rin pala ang may-ari.

Imagine her shock when she learned that. Sa mga kaibigan pa nito niya nalaman at ilang buwan na silang magkakilala noon!

Going back sa issue nila ngayon, sa kabilang city pa kasi ang condo nito kung saan tumutuloy. At gusto nitong kumuha ng unit sa condo building kung saan siya naglalagi ngayon.

"Wala namang kaso sa akin kung lumipat ka, mayaman ka naman eh. Kaya lang ay sayang kasi 'yong nauna mong unit."

"I'll sell it if it will make you feel at ease." Bulong nito habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg niya. He was even dropping little kisses there kaya nakikiliti siya.

"Nandi-distract ka na naman, arki." Natatawang sabi ni Lesley.

"Nadi-distract ba ang engineer ko?" He whispered, "Sa condo ka na matulog? Gusto kita katabi matulog. Please?" Pagpapaawa nito at talagang nag-pout pa.

"Kakatulog ko lang doon kagabi." Paalala ni Lesley.

"And so? Kasalanan mo rin naman kung bakit adik ako sa'yo. Ginayuma mo ako eh."

"Need ko pa bang gayumahin ka?" Natatawang sabi ni Lesley.

"No, love." Nakangiting sabi ni Gusion, "With potion or not, I'm addicted to you."

Hindi na nakasagot pa si Lesley dahil Gusion claimed her lips for a long and sweet kiss.

~~~~~

Ito muna habang writer's block sa Saved. Hehe.

Sorry kung mema. HAHAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro