One Shot 2.1: String of Fate
You see the one shot number? HAHAHA.
~~~~~
"Hindi dapat nangyayari 'to." Umiiyak na bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mga pangyayari sa harap niya.
"Kasalanan ko. Hindi na dapat ako nakialam pa." Dagdag niya habang patuloy pa ring lumuluha.
=====
"Gusion, pansinin mo naman kasi ako."
Walang lingon-lingon at nagpanggap siyang wala siyang naririnig habang nakasunod sa kanya ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang pestehin siya.
Ilang beses na niyang sinabi rito na hindi siya interesado sa kanya pero sobrang kulit nito at habol pa rin nang habol.
"Guin! Tama na 'yan, please." Rinig niyang may pumigil sa babaeng humahabol sa kanya, boses lalaki ito.
Napahinga siya nang maluwag. Ngayon ay mapayapa na siyang makakapaglakad, walang asungot na nakasunod.
Dire-diretso siya sa paglalakad. Huminto lang siya nang makita niyang hindi pa naka-go na senyales na pwede nang tumawid sa kalsada.
Abala siya sa cellphone niya nang maramdaman niyang may babaeng tumabi sa kanya.
"Ang dali para sa'yo na huwag mamansin ng taong nagpapahalaga sa'yo 'no?" Rinig niyang sabi ng babaeng hindi naman niya kilala.
Napalingon siya sa babae at nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ito.
Mayroon itong mahabang buhok na tantiya niya ay hanggang tuhod nito, halos natatakpan ang kalahati ng mukha nito dahil sa buhok nito pero hindi mapagkakailang maganda ang dalagang nasa tabi niya. Nakatingin lang ito sa signal na hindi pa rin naka-green.
"Paano kaya kung maranasan mong ikaw naman ang maghintay gaya ng paghihintay mong makatawid ngayon?" Dahan-dahan itong lumingon, "Paano kung maranasan mo rin na tumatakbo papalayo sa'yo ang taong hinahabol mo..." She trailed, "...kakayanin mo ba?"
Nakatingin lang sila sa isa't isa, tila may magnet ang kanilang mga mata dahil hindi niya maialis ang tingin dito.
Kahit nagtataka si Gusion sa nga pinagsasasabi nito ay nanatili siyang nakatingin dito. Ni hindi niya alam kung bakit nagsasabi ito sa kanya ng mga ganoong bagay gayong hindi naman nila kilala ang isa't isa.
Nag-green na ang ilaw, hudyat na maaari nang tumawid ang mga tao. Bahagyang ngumiti ang dalaga sa kanya at pagkatapos ay nauna nang tumawid. Naiwan naman si Gusion na nakasunod lang ng tingin sa dalaga.
Muli itong lumingon sa kanya nang makatawid ito sa kalsada at kumaway pa. Nakatayo lang ito, tila hinihintay siya na makatawid. Naging pula na ulit ang signal kaya maraming sasakyan na ulit ang dumaan.
Ngunit nang huminto na ulit ang mga sasakyan para nakatawid ang mga tao, wala na ang babae sa kabilang bahagi ng kalsada.
=====
"Lesley! Saan ka na naman nanggaling?" Bungad sa kanya ni Miya pagkarating niya.
Painosente siyang ngumiti ang nag-peace sign pa.
Napailing na lang si Miya at napabuntong-hininga, "Kanina ka pa hinahanap ni Head. Lagot ka na naman."
"Wala namang bago roon." Kibit-balikat niyang sagot saka dumiretso sa silid kung nasaan ang head nila.
Kumatok siya nang tatlong beses pagkatapos ay pumasok na siya. Nakita niyang nandoon din sa silid si Chang'e at Angela.
Mataman lang siyang tiningnan ng head niyang si Esmeralda at pinaupo pansamantala sa isang upuan sa sulok.
Sa katunayan ay medyo kinakabahan siya ngayon. Paparusahan kaya ako?
"Ito po 'yong nakolekta ko ngayon, Head Esmeralda." Sabi ni Chang'e habang iniaabot ang isang cute na lalagyan sa head nila na naglalaman ng maliliit na stars.
Ang maliliit na stars na 'yon ay ang mga wish ng mga tao kapag may shooting stars. Iyon kasi ang trabaho ni Chang'e, namimili lang siya ng mga karapat-dapat na wish na sasaluhin pagkatapos ay ibibigay niya ito kay Head Esmeralda at iisa-isahin. 'Yong mga napili ni Head ay siyang ibibigay nito kay Superior upang ito ang magbigay katuparan sa mga hiling.
"Maraming salamat Chang'e. Pwede ka nang bumalik sa iyong trabaho." Sabi ni Esmeralda pagkatanggap ng lalagyan.
Nagbow lang si Chang'e sa head nila, nagpaalam kay Angela at sa kanya, kumaway pa ito.
"Lumapit ka rito Lesley." Mahinahong sabi ni Esmeralda.
Kahit kinakabahan ay lumapit at umupo si Lesley sa harap nito at ni Angela.
"Tumapak ka na naman sa lupa ano?" Bungad ni Esmeralda.
"Sorry po Head." Hinging paumanhin ni Lesley, "Pero hindi naman po ako nakialam. Nagbigay lang naman po ako ng advice eh."
"Kahit na. Nakita ka niya. Alam mo ba ang ginawa mo?" Bumaling si Esmeralda kay Angela, "Ipakita mo kay Lesley, Angie."
Tumango si Angela at iminuwestra ang kamay nito. Naramdaman niyang parang may kakaiba sa kanyang hinliliit na daliri, parang may nakatali rito.
Nanlaki ang mata ni Lesley. Alam niya kung ano iyon, kahit pa transparent pa lang ang kulay nito sa ngayon.
"Sa katunayan ay nasa kritikal na kondisyon ang taong nakalaan para kay Gusion at hindi pa sila nagkikita." Sabi ni Angela, "Kaya nabigla kami ni Head Esmeralda nang magkaroon ng string sa inyong dalawa. Transparent pa lang ito sa ngayon. Maaari pang magbago ang kulay nito."
Nakatitig lang si Lesley sa string na nakatali sa kanyang daliri. Kapag transparent pa lang ang kulay ay ibig sabihin ay nagsisimula pa lang ang ugnayan nila. Kapag dilaw ang string, ibig sabihin ay hanggang pagkakaibigan lang ang pwedeng mabuo, kapag itim ay matinding galit sa isa't isa, kapag asul ay one-sided love, at kapag pula ay pagmamahalan.
Nag-iiba-iba ang kulay ng strings depende kung ano ang nararamdaman ng tao sa kapwa niya.
Alam ni Lesley na kulay asul ang strings na nagdudugtong kay Gusion, Guinevere at Granger. Si Guinevere na pilit hinahabol si Gusion na walang pakialam sa kanya, at si Granger na hindi makaamin sa best friend niyang si Guinevere dahil alam niyang si Gusion ang mahal nito.
At ngayon ay may transparent na string nang nagdudugtong sa kanya kay Gusion.
"'Di ba Head, bawal 'yon? 'Yong connection between heaven beings at human beings?" Nagtatakang tanong ni Lesley.
Tumango si Esmeralda, "Pero hindi ko alam ang gustong mangyari ni Superior. Kahit kami ay nagulat ni Angela."
Iniabot ni Angela sa kanya ang isang maliit na gunting. Alam na alam ni Lesley kung ano 'yon, marami na siyang pinagbigyan noon na taga-lupa.
"Kaya hangga't maaga pa, kumbinsihin mo si Gusion na putulin na ang string na nagkokonekta sa inyong dalawa bago pa mahuli ang lahat." Sabi ni Angela.
=====
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lesley habang pinagmamasdan ang mundo mula sa taas.
Ang ibang mortal ay masaya kasama ang mga mahal nito sa buhay, ang iba naman ay nag-iisa at malungkot, mayroong abala sa trabaho at wala nang oras para sa sarili at pamilya, mayroon ding mga taong bitter at punung-puno ng kasamaan sa kanilang mga puso.
Itinaas niya ang listahang hawak-hawak niya at pinakatitigan 'yon. Nandoon ang listahan ng mga taong nakatadhana sa bawat isa. Ang tungkulin niya ay asintahin ang puso ng mga ito gamit ang love bullet niya pagkatapos ay susubaybayan niya ang progress ng magiging relationship ng mga ito. Kailangan niyang masiguro na magkakasama ang mga ito hanggang sa huli.
Magkapareho sila ng trabaho ni Miya, lamang ay love arrow ang gamit nito.
Si Head Esmeralda naman ay ang head ng Destiny department. Bukod kay Superior, si Head Esmeralda lang ang nakakaalam ng mga mangyayari sa hinaharap pero nakadepende pa rin ito kay Superior kung papayagan nitong mangyari ang mga 'yon.
Si Angela naman ang nagsisilbing assistant ni Head Esmeralda dahil ito ang nangangasiwa sa strings of fate ng mga tao.
Sila ay instrumento lang ni Superior pagdating sa pag-ibig at tadhana. Si Eros o mas kilala ng mga mortal na si Cupid ay pawang kathang-isip lamang dahil hindi naman sila lalaki.
(A/N: Charot lang 'yan okay? Hahaha. Pero para sa akin parang representation lang naman talaga ang Gods and Goddesses ng Greek at Roman Mythology. Hindi ko binabash ha? XD)
"Nakikialam ka na naman sa time flow ng fate ng mga mortal." Rinig niyang sabi ni Miya.
"Ang sakit kasi sa pusong makitang naghahabulan pa sila kahit na si Guinevere at Granger naman para sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Head o ni Superior eh." Pangangatwiran ni Lesley habang pinagmamasdan na magkasama si Granger at Guinevere.
Patuloy na nagkwekwento si Granger kay Guinevere ngunit abala ang dalaga sa pagtulala kay Gusion.
Hinampas ni Miya ang braso niya, "Ano ka ba? Hindi naman ito ang unang pagkakataon na maka-handle ka ng ganyan, bakit affected na affected ka?"
Napaisip bigla si Lesley. Bakit nga ba?
Hindi naman nga ito ang unang pagkakataon dahil naka-handle na rin siya ng ganitong sitwasyon kay Hanzo, Hanabi, Hayabusa at Kagura. Medyo nangialam lang siya noon pero hindi naman siya ganoon affected gaya ngayon.
Nagkibit-balikat si Lesley, "Ewan ko ba. Parang may nagsasabi sa akin na makialam ako nang tuluyan sa kanila. Lalo pa ngayon na nalaman kong hindi pa nami-meet ni Gusion ang taong nakalaan sa kanya kasi nasa isang kritikal na kondisyon pa raw ito."
Napasinghap si Miya at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya, "Kanino mo nalaman 'yan?"
"Kay Head Esmeralda at Angela. Bakit? May nalalaman ka ba tungkol doon?" Nagtatakang tanong ni Lesley sa kaibigan.
Napailing nang maraming beses si Miya pagkatapos ay umiwas ng tingin sa kanya, "Wala."
Nagtaka si Lesley sa inakto ng kaibigan pero hindi na lang niya ito inusisa pa.
=====
Palabas na si Gusion ng ospital, tapos na kasi ang shift niya. Ilang araw na siyang graveyard shift sa kanyang on-the-job training kaya naman gustung-gusto na niyang mahiga sa kama niya.
Habang naglalakad ay naisip na naman niya ang babaeng basta kumausap sa kanya last week. Pagkatapos kasi noon ay hindi na niya ito nakita pa.
Hindi naman ito mukhang multo dahil ang ganda naman ng dalaga masyado para maging multo.
Napakunot-noo si Gusion sa naisip at napailing-iling. Antok na nga siguro siya dahil kung anu-ano ang naiisip niya.
Huminto siya sa gilid ng kalsada dahil hindi pa naka-go signal para makatawid siya. Kahit na madaling araw na ay may mangilan-ngilan pa rin kasing sasakyang dumadaan.
Naka-earphones lang si Gusion at nakikinig ng music nang biglang may tumapik sa balikat niya.
Napalingon siya at nakita ang babaeng nasa isip niya lang kanina. Nakangiti ito sa kanya at kumakaway pa nang bahagya bilang pagbati sa kanya.
Tumingin siya sa relo at pasado alas dos na ng madaling araw kaya kunot-noo siyang napatingin dito, "Bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras? Delikado para sa isang babae ang maggala mag-isa kapag ganitong disoras na."
Napatawa naman ng kaunti ang dalagang may buhok na na tantiya niya ay hanggang tuhod ang haba, "Katatapos lang ng shift ko. Salamat sa pagiging concern citizen–" Hinablot nito ang coat niya kung nasaan ang name tag niya, "–Gusion Paxley. Ako nga pala si Lesley Vance." Nakangiti nitong sabi pagkatapos ay inilahad ang kamay sa kanya.
Wala sa sariling tinanggap ito ni Gusion at tila nagising ang mga patulog na niyang cells sa katawan dahil nakaramdam siya ng kuryente nang maghawak ang kamay nila.
"Pareho pa lang pala tayong OJT." Komento ng dalaga, "Balak ko kasing magpediatrician. Ikaw? Ano ipupursue mo?"
"Ikaw–" Napailing bigla si Gusion at parang nahimasmasan, "I mean, surgeon dahil ayaw ko nang may makaranas na mawalan ng taong mahal sa buhay."
Nagtaka ang dalaga, "Pero wala naman na tayong magagawa kung kaorasan na ng isang tao eh. Tanging si Su– si Lord lang ang nakakaalam no'n. Kumbagaman, ang mga doktor ay instrumento lang ni Lord–"
"Hindi ako naniniwala sa kanya." Putol ni Gusion sa sinasabi ng dalaga pagkatapos ay iniwan na ito upang nakatawid sa kalsada.
Napabuntong-hininga na lang si Lesley habang pinagmamasdan ang papalayong pigura ni Gusion.
"Siguro kaya nagkaroon tayo ng string ay para ipagbalik-loob kita kay Superior." Bulong ni Lesley sa sarili.
May ideya siya kung bakit lumayo ang loob nito kay Superior pero hindi niya alam ang buong dahilan kung bakit.
Itinaas niya ang kamay kung saan nakataling string na nagdudugtong sa kanilang dalawa at hinaplos ang string, "Ano ba talaga ang purpose mo at bigla kang lumitaw?"
=====
Kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha ni Gusion nang makita siya nito sa loob ng classroom.
"Ngayon ko lang nalaman na dito ka pala nag-aaral." Komento ng binata at pagkatapos ay naupo sa tabi niya.
"Matagal na akong nag-aaral dito. Syempre hindi mo ako napapansin kasi wala ka namang pakialam sa tao sa paligid mo." Kibit-balikat na sabi ni Lesley.
Pero hindi naman talaga siya rito nag-aaral. Sabihin na nating medyo gumamit siya ng powers niya para hindi magtaka ang mga mortal sa biglang pagsulpot niya sa paaralan.
"Mukha man akong walang pakialam sa paligid ko pero hindi naman ako gano'n ka-ignorante. Wala akong matandaan na kaklase kita." Ayaw talagang paawat ng taong bato na 'to.
Napaikot na lang ng mata si Lesley, "Siguro coincidence lang na magkaklase tayo ngayon sa subject na ito. Okay na ba? Okay na? Happy?"
Hindi nagsalita ang binata bagkus ay pinakatitigan lang siya. Nakaramdam tuloy siya ng kakaiba. Pakiramdam ni Lesley ay tumatagos ang titig nito sa buong pagkatao– buong pagka-imortal pala niya. Nalimutan niyang hindi nga pala siya tao.
"Who are you really, Lesley Vance?" Tanong ni Gusion sa kanya kapagkuwan na nagpatigil sa kanyang hininga.
=====
Hindi namalayan ni Lesley na palagi na silang nagkakasama at nagkakausap ni Gusion kahit na madalas ay pabalang siyang sumagot dito. Magkaiba kasi ang paniniwala nila kaya laging nauuwi sa sagutan at palitan ng malalalim na salita at ideya ang pag-uusap nila.
(Trans: Pabalang = sarcastic)
Napabuntong-hininga si Lesley habang tinititigan ang maliit na gunting na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naibibigay kay Gusion. Dapat ay binigay na niya ito sa simula pa lang pero sa tuwing magkasama sila ng binata ay nawawala sa isip niya ang pakay niya.
Para bang may pumipigil talaga sa kanya na huwag niyang hayaang maputol ang koneksyon nila.
Nagpapasalamat na lang si Lesley dahil hanggang ngayon ay transparent pa rin ang kulay ng string nila ni Gusion. May oras pa siya para maibigay dito ang gunting.
Hindi kasi pwedeng siya ang pumutol sa string. Bukod sa mapaparusahan siya ng pinakamabigat na punishment, mamamatay si Gusion.
Ang tanong ay paano ko siya macoconvince na putulin ang string?
Nasa malalim na pag-iisip si Lesley nang makita niyang may nakatayo sa harapan niya.
Isang babaeng nakasimangot at masama ang tingin sa kanya. Si Guinevere.
"Sino ka ba ha? Akala mo ba hindi ko napapansin ang pagiging close n'yo ni Gusion? Layuan mo siya!" Mataray nitong sabi sa kanya.
Alam ni Lesley na may pagka-brat talaga ito pero nagiging mabait ito kapag kaharap si Gusion. Kahit si Granger na nakatadhana sa dalaga eh ina-under nito.
Hindi talaga niya lubos-maisip kung paano nakakatiyaga si Granger kay Guinevere pero nagkibit-balikat na lang siya. OTP naman niya ang dalawa eh kaya ayos lang. Cute ngang tingnan ng dalawa. Isang pasaway at madaldal tapos isang tahimik at tagasuway sa pasaway.
Hindi tuloy namalayan na nakangiti na pala siya dahil kinikilig siya kay Granger at Guinevere.
"May gana ka pang ngumiti?" Naka-high pitch voice na tanong nito sa kanya kaya naman napangiwi siya.
Napakamot na lang tuloy si Lesley sa pisngi niya, "Magkaklase lang kami sa ilang subjects pero walang ibig sabihin 'yon. At ikaw, huwag ka na kasing maghanap ng iba dahil hindi mo namamalayang lumalayo ka na rin sa taong humahabol sa'yo." Inginuso ni Lesley ang papalapit sa kanilang si Granger na may dalang pagkain para kay Guinevere, "Huwag mong i-take for granted 'yong taong laging andyan para sa'yo. Sige ka, baka mawala na lang siya bigla nang hindi mo namamalayan." Pananakot pa niya rito.
Napa-crossed arms naman si Guinevere, "Sino ka ba para pagsabihan ako?"
Napangiti na lang si Lesley, "I'm Lesley by the way, and I'm the president of GranVere fans' club!" Kinuha niya ang mga libro saka muling bumaling sa dalaga na nakatanga lang sa kanya, "may klase pa pala ako, so ciao!"
Napahagikgik na lang si Lesley habang naglalakad palayo sa dalawa. Nakita pa niyang inalalayan ni Granger si Guinevere na makaupo bago ipinaghain ng pagkain. Hindi nakaligtas sa malinaw niyang mata ang pagba-blush ni Guinevere.
Improving na OTP ko!
Pasasaan ba at magkakatuluyan din ang dalawang 'yon.
=====
"Les, hanggang kailan mo balak manatili rito sa lupa?" Tanong ni Miya na binisita siya sa mundo ng mga tao, "Kailangan mo nang makumbinsi si Gusion na putulin ang koneksyon n'yo bago pa mahuli ang lahat."
Napabuntong-hininga na lang si Lesley, "Hindi ko alam Miya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang sabihin sa kanya. Para akong hinihila papalapit lalo kay Gusion."
"Mahal mo na ba siya Lesley?" Hindi nakapaniwalang tanong ni Miya sa kanya.
Nagulat si Lesley sa tanong nito. Mahal na nga ba niya si Gusion? Nakakatawang isipin na isa siyang instrumento ng pag-ibig ngunit hindi niya matukoy sa sarili niya kung nagmamahal na nga ba siya kay Gusion o hindi.
"Lesley, alam mong hindi pwedeng magkatuluyan ang isang heaven being at human being. Isa 'yong malaking kasalanan." Nag-aalalang sabi ni Miya, "Hindi lang ikaw ang mapaparusahan kundi pati si Gusion. Habangbuhay siyang mamumuhay sa kamalasan."
"Alam ko naman 'yon Miya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko talaga alam." Nafru-frustrate na sagot ni Lesley, "Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Gusion–"
"Anong sasabihin mo sa akin?"
Sabay na napalingon si Miya at Lesley sa nagsalita. Parehas na nanlaki ang mga nila nang makitang si Gusion ito!
"May dapat ba akong malaman, Lesley?" Nakatitig na tanong sa kanya ni Gusion.
~~~~~
So ayun, hindi ko talaga kung paano at saan siya puputulin. HAHAHAHA.
Gawin ko kayang sad ending 'to ano? HAHAHAHA.
Anyway, I'm thinking if I should make an English version for this so what do you think? On the other hand ay huwag na pala, baka tamarin lang ako. HAHAHAHA. Sorry na kasi.
Keep on loving our Dangerous Couple, GusLey! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro