GusLey Drabble: Paubaya
Walangyang kanta 'yan, kahit hindi ako brokenhearted, makalaslas-pulso eh. HAHAHAHA.
Sakto pa kasi sa Episode 24 no'ng video ni Hectorius. Natagilid na doon sa isang barko eh. Hahaha. Bwisit.
~~~~~
"Saan papunta 'yon?" Bulong ni Lesley nang makita si Gusion na umalis sakay sa isang kabayo.
Naalimpungatan kasi siya dahil narinig niya ang pag-aayos nito ng gamit at kumalansing din ang mga dagger nito.
Hindi alam ni Lesley kung bakit pero kusang kumilos ang katawan niya para sundan ang binata.
Tanga Lesley, bakit mo siya susundan? Kaano-ano ka ba niya? Suway niya sa sarili saka ginamit ang camouflage upang hindi siya mahalata ni Gusion at para mabilis din siyang makatakbo.
Magkatulong lang naman sila sa isang misyon dahil kailangan nilang patayin ang ilang pinuno ng Dark Abyss.
Sa katunayan ay alam niyang kaya naman ni Gusion na mag-isa ang misyon pero ewan ba niya at inirekomenda pa nitong isama siya. Sa pagkakaalam niya ay ayaw na ayaw nito na may kasama sa misyon kaya hindi niya alam kung bakit isinama siya nito.
Nagkibit-balikat na lang si Lesley habang patuloy na sinusundan ang binata.
Nang huminto si Gusion sa isang bahagi ng gubat ay huminto rin siya sa hindi kalayuan at sinubaybayan ang kilos nito.
Minabuti na lang ni Lesley na hindi na lumapit pa at tiningnan na lang ang binata gamit ang scope ng kanyang rifle.
Na hindi niya dapat ginawa.
Dahil nakita niyang lumabas ang isang dalaga na nakasuot ng kulay lilang damit at kulot ang buhok. May malaking ribbon din itong kulay lila sa buhok nito.
"Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?" Ani Lesley sa sarili saka ibinaba ang rifle, "Ako ang kailangan..."
Tumayo na siya tsaka nag-umpisang lumakad palayo.
"...pero 'di ang mahal."
~~~~~
Tama na 'yan. Sabay-sabay tayong umiyak. HAHAHAHAHAHA.
'Yon 'yong pinakamasakit na linya sa kanta eh. HAHAHAHA.
Wala lang, nandadamay lang ako. Damay-damay na 'to. HAHAHAHA.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro