GusLey Drabble: Alab
So dahil na-LSS ako bigla sa kantang 'to. Ayan XD
Support SB19 fam! <3
~~~~~
"Burning like fire." Sabay ni Lesley sa lyrics ng kantang Alab ng isang P-Pop group na SB19.
"'Di na matatanggi." Sinasabayan pa niya ito ng pagsayaw. "Got me like fire. Ikaw na'ng aking hinahanap."
Pero napahinto si Lesley nang part na ni Ken ng 'Baby I do'. Nakakapahinto naman kasi talaga ang malalim nitong boses.
Sa part naman ng 'Now, now' ay biglang nag-focus ang camera kay Justin na talagang ngumiti pa kaya napatili si Lesley.
Hindi na nakafocus si Lesley sa pagsasayaw at pagkanta dahil nanood na lang siya ng live performance ng grupo. Tunay ngang heavenly voice ng grupo si Stell, na may kasabay pang harmonization ng Pinuno o leader ng grupo na si Sejun. Alam na alam din ni Josh kung paano titingin sa camera kaya nasasabing siya ang pinaka-charismatic sa grupo.
Ang hirap pumili ng bias sa grupong ito! Kaloka!
Na-LSS na siya sa kantang ito. Noong una ay alanganin pa talaga siyang manood ng mga music video nito dahil mala-Kpop ang style ng mga ito pero taglish ang kanta. Akala niya ay magiging korni pakinggan pero nabigyan ng hustisya ng grupong ito ang ganoong style.
Iba talaga kapag dumaan sa tamang process ng training. Apat na taon ding nagtrain ang members ng grupo.
"Baliw na baliw ka na naman sa mga 'yan."
Hindi pinansin ni Lesley ang bagong dating at patuloy pa ring nanonood.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at ang pagtabi nito sa kanya sa upuan.
"Listen to me baby, you're mine." Bulong nito sa kanya na sinabayan ang part ni Stell.
Dahil sa gulat ay napapitlag si Lesley at nanlalaki ang matang napatingin sa kaibigan. Naramdaman kasi niya ang init ng hininga nito sa kanyang tenga at dagdag pa roon ang malalim na boses nito.
Nahampas tuloy niya ito sa braso, "Gus ano ba? Nanggugulat ka naman!"
"Hindi ka namamansin eh. Inuuna mo na naman 'yang grupong 'yan. Mas magaling pa ako dyan." Nakangusong sabi ni Gusion.
"Weh?" Pang-aasar niya rito habang natatawa.
"Oo nga." Anito tsaka tumayo para sabayan ang 'Now, now' na part ng kanta.
Napatulala si Lesley. Nagjojoke lang naman siya kasi alam naman talaga niyang magaling sumayaw at kumanta si Gusion.
Aba malay ba niyang papatulan nito ang pang-aasar niya.
"Now the fire in me has started, calm me down with your warm embrace." Sabay nito sa kanta, ngunit nag-improvise ito dahil hindi naman mataas ang boses nito gaya ni Stell. Ngunit maganda pa ring pakinggan, para ngang nag-harmonize ito sa mataas na boses ni Stell.
Kumindat pa ito sa kanya saka nagpatuloy sa pagsasayaw.
Nawala na ang atensyon ni Lesley sa video na pinapanood ang nagfocus na lang siya kay Gusion.
Ang gwapo talaga ng kupal na 'to.
"Ano? Mas magaling ako sa kanila 'di ba?" Tanong ni Gusion pagkatapos sumayaw.
"Akala ko ayaw mo sa kanila? Ba't inaral mo sayaw nila?" Nagtatakang tanong niya.
Nagkibit-balikat lang si Gusion, "Hindi mo ako pinapansin lagi dahil sa kanila eh. Kaya inaral ko."
Nagsalubong ang kilay ni Lesley, "Ano?"
Napahilamos si Gusion sa mukha niya dahil sa frustration, "Baka may imamanhid ka pa, Les?"
Lalo siyang nagtaka rito, "Ha?"
Napakamot na lang si Gusion sa ulo niya tsaka siya hinila at niyakap, "Now the fire in me has started, you'll be in my zone." Bulong nito sa kanya na lyrics ng kanta.
Hindi siya nagsalita dahil sa pagbilis ng tibok ng puso niya.
"Ano? Hindi pa rin gets?" Frustrated na sabi ni Gusion, "Tinurukan ka ba ng anaesthesia?"
"Hindi ko talaga gets."
Napapikit na lang si Gusion nang mariin tsaka huminga nang malalim, "Alab ang title ng kanta 'di ba?"
Napatango si Lesley.
"Alab you." Sabi ni Gusion at tumingin sa kanya.
Napasinghap si Lesley at nanlaki ang mata. Pakiramdam niya ay huminto ang tibok ng puso niya.
Napatawa naman nang mahina si Gusion, "Nagets din sa wakas."
Bumalik na rin sa huwisyo sa wakas ang kanyang utak, "Hindi nga?"
Napapantastikuhang napatingin sa kanya si Gusion na para bang sa dami ng sasabihin niya eh 'yon pa ang sinabi niya.
"Slow na nga, manhid pa. Saan ka pa?" Sabi ni Gusion.
"Eh kasi naman–"
Pero pinutol ni Gusion ang sasabihin niya dahil naputol na rin ata niya ang pisi ng pasensya nito.
He claimed her lips for a kiss.
Nahampas niya ito sa dibdib nito, "Hoy! First kiss ko 'yon! Magnanakaw ng halik ang kupal!"
"Oh? Eh 'di ibabalik ko, madali naman akong kausap." Nakangising sabi ni Gusion bago nito sinapo ang kanyang pisngi at muli siyang hinalikan sa labi.
~~~~~
Matagal ko na talagang alam 'yong tungkol sa SB19, review days pa namin. At swear, ang galing nila talaga.
Support n'yo sila fam!
Wala pa rin akong drive mag-update, jusko. Sorry na, ang tamad ko. Pero may draft na ako para sa See You in My Dreams, hindi ko lang talaga matapos-tapos. Huhu.
Extended na naman ECQ, Season 3 na 'to XD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro