Chapter 9
Good morning beautiful Belleza. Have a nice day - MJSTY 09773525963
INIS niyang binata ang cellphone niya sa side table ng kama niya. Nakakainis! Naiinis siya sa sarili niya dahil ganito ang nararamdaman niya at the same time naiinis din siya dahil hindi pangalan niya ang nakasulat doon. Gosh! Parte ba ito ng teenage life niya? Ang bilis niyang mainis sa mga simpleng bagay lang. Isa pa, ginusto niya naman na hindi sabihin kay Majesty ang totoo para malaman niya kung bakit ito may kaparehong pilat sa lalaking tinutukoy ng mga magulang niya.
Come to think of it, nasaan na nga kaya iyong lalaking sinasabi ng parents niya? Buhay pa kaya iyon? Pero sabi ng daddy niya mayamang pamilya ang kumupkop sa batang iyon. Kung sakali man na malaman nito ang nangyari sa magulang nito noon, malamang sa malamang ay babalik iyon para makamit ang hustisya.
Ang hirap talaga kapag galit at paghihiganti ang pinairal, nagkakaroon ng sanga sanga hanggang sa maging puno na.
At the end, kinuha ni Empress ang cellphone niya at sinave ang cellphone number ni Majesty, tulad ng nakasulat sa mensahe nito, hindi niya nilagyan ng vowels ang pangalan nito sa phonebook niya.
“Empress? Baba na, kakain na.” Si Thunder iyong kumatok sa pinto niya.
Nagmadali nang bumangon si Empress sa kama at inayos ang sarili para makahabol pa sa breakfast. Ganito talaga, nakasanayan na nila na sabay sabay silang kakain ng breakfast kahit na abala na rin sa trabaho ang triplets.
Bumaba na siya and as usual, siya na lang ang hinihintay sa hapag.
“Good morning.” Bati niya.
“Good morning bunso.” Ang Mommy niya.
“Late morning balyena.” Si Storm iyon at nagsisimula na naman.
“Saan ka galing kahapon at ginabi ka? Hindi ka raw umattend ng home study mo, sabi ni Daddy.” Sermon ni Thunder sa kanya. Tulad kahapon ay seryoso pa rin ang mukha nito.
“Thunder its okay, nasa T-Empire kahapon si Empress, tumawag ako sa office ni Fuerte.” Sagot ng Daddy niya.
Nilingon niya si Thunder at pabiro itong kinurot sa pisngi. “Ikaw talaga, don't be so paranoid nga! Sa lakas kong kumain, imposible namang hindi ko kayang protektahan ang sarili ko diba?”
“Kids, let's not talk about that now...” Putol ng Mommy nila. “Typhoon, may project kang nakuha sa Pangasinan?”
“Yes, Mom. Next month na ang umpisa 'non. And I'm planning to stay there until the project is done para matutukan. Renovation ng hotel iyon, Mom.”
Right, Typhoon is an Engineer by the way, si Storm naman ay patapos na sa Law habang si Thunder naman ay businessman. And of course, her Kuya Shark is a Captain, seaman. Kaya nga bihira lang nauwi sa kanila.
“Good then, good luck.”
Lahat ng kapatid niya separated ng gusto. Hindi sila umasa sa negosyo ng Pamilya nila. Thunder is managing his own company. Mayroon din itong malaking Sports Mega Center. Actually si Thunder talaga ang pinakasubsob sa trabaho, papakasalan daw kasi nito si Suzy kapag ready na ang kaibigan niya.
After breakfast nagsialisan na ang triplets habang si Empress naman ay naging abala sa pag-aaral niya. Dumating na kasi iyong hired teacher niya. Math lang naman talaga ang ayaw niya, sino bang may gusto sa Math?! Nakakahilo ang numbers.
Saglit lang naman iyon dahil natapos niya rin naman kaagad. Easy lang naman sa kanya ang ibang subjects. Isa pa, parang napaghandaan niya na rin ito. Siya ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan kaya na-adopt niya na rin ang maturity nina Queen Helena kahit na ang boring kausap ng pinsan niyang iyon!
“'Nak nandito si Fuerte.” Katok ng Mommy niya sa library.
Napatayo naman siya. Fuerte is here? Dati-rati kapag dumadalaw ito sa kanya tatakbo pa siya pababa kahit na matisod pa siya sa hagdan pero iba ang pakiramdam niya ngayon.
Alam na niya kung bakit.
“Sige, bababa na po ako.” Aniya at niligpit ang mga gamit niya sa library.
Bumaba naman kaagad si Empress, nakita niya si Fuerte na nakaupo sa may sofa sa living room nila habang umiinom ng orange juice. Nakangiti niyang nilapitan ang binata.
Tumayo naman kaagad si Fuerte ng masilayan siya, inabot nito sa kanya ang punpon ng pulang rosas.
“Did I disturb you?” Nakangiti ito sa kanya.
Tinanggap niya naman ang bulaklak. “Hindi naman, katatapos lang ng lesson ko. Upo ka,”
“Thanks.” Tugon nito. “Hindi kita naabutan kahapon sa T-Empire, I was about to ask you for dinner.”
“Ah, may pinuntahan kasi ako.”
“Pwede ka ba ngayon? I already asked Tita Haze, pumayag siya na ipasyal kita ngayon.”
Yes. Her parents knew that there is something special between them, at dahil malakas ang charm ni Fuerte at talagang mabait ang binata, open ito sa parents niya. Hindi na nga magtataka si Empress kung isang araw ay ikasal sila ng hindi tumututol ang mga magulang niya. She would be happy that way but... That was before, iba ngayon.
She tried herself to be cheerful. “Magbibihis lang ako.” Paalam niya.
SA ISANG theme park sila nagpunta ni Fuerte, actually, ito iyong matagal na niyang request sa binata tho she finds it childish now, hindi niya alam kung bakit, siguro ay dahil panay siyang nagsasasama kay Majesty.
Umupo sila sa may isang banda habang kumakain ng ice cream. Ube flavor iyong kinakain niya, mango naman ang kay Fuerte, habang kumakain siya doon niya lang napansin na nakatitig lang sa kanya si Fuerte at nakababa ang kamay nitong may hawak ng isang cup ng ice cream.
“Why?” Bigla tuloy siyang nahiya, baka ang dugyot niyang kumain.
“Nah...” Umiling ito. “You know that my favorite hobby is to look at you.”
“Fuerte...”
He smiled. “Is it bothering you? Sorry, masyado lang kitang na-miss. Hindi na kasi tayo madalas kumain ng sabay sa tuwing nasa Emperyo ka.” May himig ng pagtatampo ang boses nito.
Binaba niya ang hawak nuyang cup ng ice cream. “I'm sorry Fuerte...”
“It's okay, I understand...” Sabi nito.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa cup pero kinontrol niya pa rin na hindi masira iyon. “It's... It's not about that...”
“You mean...?” Clueless na tanong nito.
Nagbaba siya ng tingin. “I want you to stop this, I'm sorry.” Hindi na niya kayang patagalin pa ito lalo na't sigurado siya sa atraksyong nararamdaman niya para kay Majesty Wang.
Sinalubong niya ang tingin ni Fuerte, kitang kita ang pagkabigo sa mga mata ni Fuerte. It hurts seeing him like that, she adored him for very long time but then after that kiss and after she realize her attraction towards Majesty Wang, hindi na niya kayang paasahin pa si Fuerte.
“Tell me to stop everything but not this... Whalee... Mahal kita.”
And she likes you very much to the point na hindi na niya kayang suklian iyon dahil alam ni Empress kung sino ang mas matimbang.
“I'm sorry...”
Naramdaman niyang pinatong nito ang palad sa ibabaw ng kanyang kamay. “I know you're young, don't pressure yourself about this. Just let me... Let me love you until you're ready.”
“But Fuerte...”
“Shh...” He hushed her using his thumb on her lips, then he cupped her face. “I can wait, I can always wait for you...”
Hindi iyon ang punto niya, alam niyang kayang kaya siyang hintayin ni Fuerte but change of hearts, God! Hindi niya kayang saktan ng ganito si Fuerte.
“Here,” May inilabas itong kung ano. Kwintas iyon at may nakasulat na hindi niya maintindihan. “That means destiny...”
“Fuerte...”
“Wear that if you're ready.” Ngumiti ito sa kanya. “You can give it back to me if you can't give me your love. Just don't rush things, Whalee.”
Pumikit siya ng halikan siya nito sa noo. Goodness! Mas lalo lang naging kumplikado!
KANINA pa pasilip silip si Belleza sa labas ng unit niya. Hinihintay niya kasing lumabas ang tao sa katabing unit niya. Actually, magmula nang makalipat siya rito noong isang linggo, panay na niyang inaabangan ang paglabas ng lalaki sa kabilang unit. Hindi niya rin alam kung bakit ganito ang obsesyong nararamdaman niya. She wants to meet him, hindi niya na talaga makalimutan ang binata mula noong muntik na siya nitong mabangga ng sasakyan, nag aaral pa lang siya noon kahit na nakiki-sit in lang siya dahil katulad ni Empress, home study din siya.
Kanina sinubukan niyang magluto ng adobo para sana ibigay sa kapit bahay niya at kahit paano'y magkakilala na sila but in the end, epic fail talaga. Si Fuerte lang ang magaling magluto sa kanilang kambal. Nawalan na siya ng pag-asa sa ideyang iyon kaya sinusubukan niyang hintayin ang paglabas ng binata.
Honestly, Belleza didn't know how to approach him but at least kapag nalaman na niya kung ano ang pangalan nito she can research about him tho hindi naman talaga interesado si Belleza sa social media accounts.
Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang pagbukas ng pinto sa kabilang unit. Unable to think properly, lumabas din si Belleza not knowing what will happened next.
“Oh!” She looked at him but to her disappointment, hindi iyon ang lalaking gusto niyang makita kundi ang lalaking pumulot ng susi niya. “It's you again! The lady in black. Neighbors pala tayo.”
Tipid siyang ngumiti at tumango. Pasimple niyang tinignan ang loob ng nakaawang na pinto.
“M-mag-isa ka lang dyan?” Lakas loob na tanong niya.
“Yup.” Sagot nito at saka sinarado ang pinto sa likoran nito. “Royale Wang by the way.”
“Belleza... Belleza Costalles.” Agap na sagot niya at tinanggap ang nakalahad na palad nito.
“As much as I want to chit chat with you more but I have practice today. Let's have some coffee soon!” Anito bago nagmamadaling umalis.
Oh damn it! She forgot to ask about the man she was looking for!
THE NEXT morning napagdesisyunan muli ni Empress na maglibot sa T-Empire, this time sa opisina naman ni Queen Helena siya mangungulit tutal marami na siyang alam sa finance department, pwede na siguro siya sa opisina ng soon to be CEO ng emperyo hindi ba?
Hinatid siya ng driver nila papunta sa naturang building, iyong lakad nila ni Fuerte kahapon naging okay naman kahit na alam niyang tumamlay ang binata matapos ang sinabi niya. Hindi naman niya tuloyang tinanggihan ang pag ibig nito para sa kanya. In fact, hindi rin siya nakasagot sa sinabi nitong maghihintay ito para sa kanya.
Huminga siya ng malalim at papasok na sana sa loob ng building nang makasalubong niya ang isang delivery boy, may hawak itong isang bouquet ng bulaklak. Nauna itong lumapit sa guard para yata mag-inquire.
“Para kay Miss Belleza Costalles po.” Anito.
“Kanino galing?” Tanong ng guard.
“Sa Wang Airlines po.”
Mabilis siyang lumapit sa dalawa. Bumati naman kaagad sa kanya ang guard ng building nang ma-mukhaan siya.
“Good Morning Ma'am.”
“Ako ng bahala sa bulaklak.” Aniya.
“Kayo po si Miss Belleza Costalles?” Hindi niya sinagot ang tanong na iyon pero siya ang pumirma sa delivery receipt. Actually, hindi nga iyon pirma dahil sinulat niya lang ang pangalan ni Belleza.
“Thank you.” Sabi niya bago umalis ang delivery boy. Hinarap naman niya ang dalawang guard. “From now on kapag may dumating na bulaklak galing Wang Airlines, wait for my instructions, huwag niyong ipapa-diretso sa office ni Belleza, banned sila sa T-Empire, remember?”
“Opo.” Sabay na sabi ng dalawa.
Pumasok na sa loob si Empress dala dala ang isang bouquet ng lilies, sinilip niya ang nakasulat sa card niyon.
To my beautiful Belleza, can I ask you for dinner later? MJSTY.
May heart drawing pa sa tabi niyon na halos nagpayanig ng mundo niya. Goodness! Napaka-simple pero iba ang epekto sa kanya.
Right. This is for her not for Belleza, pangalan lang nito ang gamit niya pero hindi ito ang tinutukoy ng binata para sa bulaklak na ito.
Nagring ang cellphone niya kaya sinagot niya muna iyon bago nagpatuloy sa paglalakad. “Hello?”
“You received the flowers?” Baritonong boses nito sa kabilang linya.
“Yes, I like it thank you pero mas maganda siguro kapag ikaw mismo ang nagbibigay sa akin at hindi ka nagpapadeliver dito.” Aniya.
The bark of his laughter seems like music to her ears. “You like that? Okay then, sa tuwing magkikita tayo I will give you one.”
“At talagang sigurado kang magkikita tayo ha?” Mapanuyang tanong niya.
“Why? You don't like to have dinner with me?” Hindi siya sumagot sa tanong na iyon pero sa hindi ring malamang dahilan ay napapangiti siya ng pigil. “I'll fetch you later? What time... Hmm?”
“Before six pm.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro