Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7


HINDI nakatulog ng maayos magdamag si Empress sa kanyang silid. Paano ba naman kasi'y magdamag niyang iniisip ang naganap na halikan sa pagitan nila ni Majesty sa rooftop ng Mall na iyon. Kung tatanongin niyo siya kung ano ang nangyari matapos ang halik na iyon, tumakbo siya paalis. God! Hindi niya kasi alam kung ano ba dapat ang gagawin niya.

Nagpa-palpitate ang puso niya ng mga oras na iyon at maging ngayon na iniisip niya lang ang kaganapang iyon. Normal ba ito? Hindi niya nagugustohan kasi.

The way he kissed her yesterday brings back the memory of their first night and then her confusion begins. Napaka-genuine ng halik nito sa kanya kahapon para bang wala talaga itong kahit na anong masamang intensyon tulad ng una niyang paratang.

But how about their first night? May be he completely regret sleeping with a stranger that's why he leaved her behind, pero paano nito mapapaliwanag na hindi siya nito matandaan? O baka tulad niya'y talagang lasing din ito.

Sa sobrang gulo ni Empress, wala sa sariling nilingon niya ang bracelet na binigay nito sa kanya kahapon. Now she wanted to ask if it is really for her or for Belleza. Kung talagang may hidden agenda ito kay Belleza siguro he admire her friend so much that's why he wanted to meet her pero isang malaking pagkakamali lamang na pumayag siyang tumayo sa pwesto ni Belleza nang araw na iyon.

“What will I do now? It's so confusing... Am I attracted? This is a fucking confusing attraction! I hate it!” Inis na ginulo gulo niya ang buhok. “Maybe I should tell this to Belleza? Baka kilala niya rin si Majesty but it's impossible kasi iyong meeting namin ang una nilang pagkikita.”

Gulong gulo na ang utak niya, kasing gulo na ng buhok niya. Ang mas magandang dahilan para hindi na niya makitang muli ang binata ay ang umiwas na rito. Sa laki ng Metro hindi naman siguro araw-araw silang magkakabunggo ng landas o kaya naman sa tuwing lalabas siya imposible namang makita niya ulit ang binata hindi ba?

Isa pa, he's a very busy man. For sure wala itong masyadong time tulad niya.

Tumayo na si Empress at naligo na. Inayos na niya ang sarili bago bumaba para sabayan sa hapag ang mga magulang at mga kapatid. Wala pa rin siya sa sarili kahit maraming pagkaing nakahain sa harapan niya ngayon.

“Are you okay, anak? May sakit ka ba?” Lumapit sa kanya ang ina. Mukhang nag-uumpisa na itong mag-alala sa kinililos niya. “Wala ka namang sinat. You're not too cheerful today, may nangyari ba sa shopping mo kahapon?”

“Baka nanghihinayang lang siya sa pera at imbes na pagkain ang binili niya, isang bracelet sa Queen Helena's iyong nakita kong suot niya kahapon pagbalik niya.” Si Thunder na ubod ng daldal na naman iyon.

“Wow! Sa pagkain ka lang hindi kuripot, bunso diba?” Segunda naman ni Typhoon.

“Tama!” Si Storm iyon at nakipag-apiran pa kay Typhoon.

“You bought a bracelet from Queen Helena's, anak? I thought you don't fancy wearing jewelries?” Ang Mommy niya.

Bagot niyang hinarap ang mga nasa hapag. “I didn't buy it. Someone bought it for you.”

“What?” Her mother beamed a question to her. “Queen Helena's jewelries are very expensive! May nanliligaw na sayo? May pilat ba sa likod anak?”

“Haze...” Her Dad called for her mother like he was calming her down.

Isa pa iyan, nawiwirdohan talaga siya sa sinasabi ng Mommy niya. Paano kaya kung si Majesty talaga ang tinutukoy ng Mommy niya na dapat niyang layuan? Madilim nang gabing iyon pero nakita niya pa rin ang pilat nito sa likod na yin and yang. Hindi siya pwedeng magkamali.

“Anong problema Mommy kung sakaling nakakita na ako ng lalaking may pilat na yin and yang sa likod tulad ng sinasabi mo?”

Nagulat siya ng ibagsak ni Thunder ang hawak nitong kubyertos. Napalunok si Empress nang makita niya ang nagbabaga nitong mga mata.

“W-what...?” Kinakabahang tanong niya.

“Tell who is it?! He's hitting on you? So, he finally showed up.” Ani Thunder.

Nilingon niya pa sina Typhoon at Storm na madalas nang-aasar sa kanya pero ngayo'y seryoso na ang mukha. Mas lalo tuloy siyang kinabahan.

“W-wala n-naman kilala... Why are you all acting like that?” Nagugulohang tanong niya.

Finally, her father spoke. “That's enough, nasa harapan tayo ng pagkain.”

HANGGANG sa matapos ang hapag, tahimik at naging seryoso ang pagsasalo nilang iyon, hindi siya sanay. Dapat pala hindi niya na lang tinanong ang tungkol sa bagay na iyon, hindi na tuloy siya nakakain ng maayos. Mukhang masarap pa naman iyong sausage na niluto ng kasama nila sa bahay. Hanggang lunok laway na lang siya.

Naunang tumayo si Thunder. “Papasok na ko sa office, Mom, Dad.”

“Me too po.” Si Storm at Typhoon. Huminto pa si Storm sa gilid niya at tinapik ang balikat niya. “Tell me who it is, later.” Banta iyon, hindi paalala.

Is that really serious? Hindi siya sanay na ganoon ang triplets sa kanya.

“Empress, can we talk to my office?”

Nilingon niya ang kanyang ama nang magsalita ito. “Sige po.”

Lumingon din siya sa kanyang inang mukhang nag-aalala sa kanya. Tipid rin ang mga ngiti nito at may bagabag sa mga mata.

Sinundan niya na lang ang ama sa opisina nito, nakaalalay pa nga sa kanya ang Mommy niya na para bang mamahalin siyang bagay. Iyong kabang nararamdaman niya kanina, nag uumpisa na naman ngayon.

Hanggang sa makarating sila sa loob ng opisina ng Dad niya'y hindi na siya binitiwan ng Mommy niya, tumabi pa ito sa kanya sa sofa.

“Tell me the truth, may nakilala ka na ba talagang lalaking may pilat sa likod?” Paunang tanong ng Daddy niya.

Dahil sa sobrang kuryoso siya, wala muna siyang balak na banggitin ang tungkol kay Majesty.

“Wala po.”

“Are you sure?” Nanlalamig ang kamay ng Mommy niyang nakahawak sa kanya.

Umiling siya, nagpakawala naman ng buntong hininga ang Daddy niya. “Haze baby, don't be paranoid. I think it's better if we tell her, after all she's your daughter. She will always be ready no matter what.” Nilingon siyang muli ng Dad niya. “The main reason why we chose you to took home study is to protect you from this happening.”

“What's happening po ba?”

“Hindi ba sinabi ko na sayo na may nagawang hindi maganda ang Mommy mo noon. Your brothers already knew about this and I'm afraid that the child I spared his life will get back to revenge. Takot ako na ikaw ang kunin niya sa akin kapalit ng pagkuha ko sa buhay ng Ina niya. Nagawa ko lang iyon dahil nilagay ni Bonafacia sa alangin ang buhay ng Kuya Shark mo, ang akala ko patay na siya. Good thing that your grandfather save him.”

“N-n-na-nakapatay po kayo?”

Walang atubiling tumango ang Mommy niya. “Iyon ang mundong ginagalawan namin noon.”

Yeah that's right but hindi pa rin siya makapaniwala dahil tahimik ang buhay nila ngayon.

“If you met someone with a yin and yang burn at his back, that's the child of Bonafacia Sandoval. The burn is your mother's doing. She was blinded by that time so please don't blame her from harming a child.”

“That's why I'm always paranoid na baka biglang bumalik siya at paibigin ka tapos ilayo ka sa amin para pahirapan. I know their types anak. Ayaw kong maranasan mo iyon.”

Pero siya ang unang lumapit kay Majesty. At mukhang wala itong intensyong kilalanin siya o ang pamilya niya. Kay Belleza unang lumapit si Majesty at hindi sa kanya kaya napaka-imposible naman yata ang sinasabi ng mga magulang niya?

O baka nagkataon lang na pareho ng burn sina Majesty at ang tinutukoy ng parents niya.

“He's now at the same age as your Kuya Shark. Please, kung may kakilala kang lalaking...” Halos hindi na niya narinig ang iba pang sinasabi ng Mommy niya.

Majesty is not the same age with his Kuya Shark, Majesty is way older. Then, if he is not the one they were talking about, how did he get the exact burn as they parents were talking about.

Now, it's getting more confusing.

“WHAT are you doing here, Whalee Empress?”

Nilingon niya ang malamig na boses ng pinsan niyang si Queen Helena. Hindi niya akalain na nandito rin pala ang gaga. Nasa loob sila ng abandonadong ETHQ ngayon, sa ETHQ memorials to be exact, kung saan nakalibing ang lolo at lola nila at ilang mga torturers na yumao na.

“We're forbidden to be here unless we're with our parents.” Nilapag ni Queen Helena ang dalawang bulaklak para sa grandparents nila.

“Bakit ka rin nandito?”

“Mind your own business.” Masungit na tugon nito.

Tss. Ang sungit talaga ng gaga! Niyakap niya na lang ang mga binti, she rested her face to her knees. “Everything around me is confusing, even my feelings...” Bahagya niyang hinawakan ang parte ng puso niya.

“You're in love?” Diretsahang tanong nito.

“Of course not!”

“Liar!” Mabilis na paratang ni Queen Helena sa kanya. “Young people tend to fall in love easily.”

Imposible! Saglit pa lang silang nagkakasama ni Majesty! And why the hell she was thinking of him?! What the fuck is her point?!

“Ikaw ba Queen Helena, na-in love ka na ba?”

“I told you, mind your own business.” Masungit na tugon nito.

She huffed. “Meany! Mind your own too! Nasan ba mga bodyguards mo? Papakaladkad na kita palabas.”

“I'm the Boss, Empress.”

“Yeah right.” Tumayo na siya. “Let's just pretend na hindi tayo nagkita rito at hindi tayo galing dito. Aalis na 'ko. Wala kang kwentang kausap.”

Napagpasyahan ni Empress na dumiretso na lang sa T-Empire. Hindi niya alam kung bakit doon siya dinala ng mga paa niya, kung tutuosin may home study pa siya ngayon pero hindi na naman niya dinaluhan. Para saan pa? Gamay na gamay na niya ang business and if she'll going to be a part of T-Empire, she wants her own name too, iyon nga lang puro shoes ang magiging products niya, most probably boots because that's her signature outfit.

Papasok na sana ng building si Empress nang mahagip niya ang lalaking nakatayo sa tabi ng isang kulay asul na Lamborghini. Bahagya pa siyang kumurap kurap para kumpirmahin kung si Majesty ba talaga ang nakikita niya.

Nakumpirma niya naman iyon nang malapad na ngumiti sa kanya ang binata at bahagyang kumaway. Kumabog ng malakas ang dibdib ni Empress, now, hindi niya alam kung ano ba dapat ang gagawin niya kung lalapit ba siya or she will pretend that she didn't saw him at all? Damn! That would be so lame!

Labag man sa kanyang loob ay lumapit siya sa binata. “W-what are you doing here?”

“You forgot something yesterday, Miss Costalles.” Miss Costalles, now she wants to fucking correct that word, it's Miss Forteza! Damn it!

Nginuso nito ang loob ng sasakyan at dahil nakabukas ang binata nito'y nakita niya iyong mga paper bags na pinamili niya kahapon.

“Ah...” Pagkuwa'y aniya.

Nagulat siya nang ilahad nito ang mamahalin nitong cellphone. That's one of AA Technologies product. “Can you put your number here? Your secretary banned my calls at your office.”

Oh damn! Buti na lang at sinunod ng secretary ni Belleza ang sinabi niya. She felt relief kahit na dapat ay sinasabi na niya kung sino ba talaga siya ngayon but she wants to know the origin of his scar. May tao bang magkaparehas na magkaparehas ng pilat? Gayong yin and yang pa iyon, parang napaka-imposible.

At the end, nilagay na ni Empress ang numero niya sa cellphone nito.

“Pumunta ka rito para ihatid ang mga 'yan?”

Marahan itong tumango. “Yep. Since I didn't know your number.”

“Thank you.” Sabi niya.

Pinanood niyang kinuha iyon ng binata sa loob ng sasakyan nito. Wala sa loob niyang inabot ang mga paper bags na iyon. Since nakapag-thank you naman na siya, pwede naman na siguro siyang umalis diba? Kaya tumalikod na si Empress nang hawakan ni Majesty ang braso niya.

The electricity over his touch send her shiver down to her spine. Kinakabahang humarap siyang muli sa binata.

“Is... Is there anything else?”

“Can I ask you out? At least dinner later. I'll fetch you.” His voice were full of hopes. Maybe the kissed they shared yesterday add courage to him.

She didn't know what to answer... The scar!

“O-okay.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro