Chapter 13
IT'S BEEN a week. Isang linggo ng naghihintay si Belleza pero hindi pa rin nakakabalik ang dalawang taong hinihintay niya pero mas gusto niya munang makita si Empress kung sakali, marami siyang gustong itanong at the same time, marami siyang gustong sabihin.
Hindi siya makapagfocus sa trabahong ginagawa niya. Ilang beses na rin siyang napagalitan ni Queen Helena dahil sa mga palpak na reports niya. Hindi siya makapagfocus hangga't hindi siya naliliwanagan sa lahat.
“Papasok ka, kambal?” Si Fuerte iyon na dumalaw sa bago niyang condo unit.
Inayos niya ang kulay itom na trench coat. “Oo.”
“Bakit? Magpahinga ka muna, hindi yata maganda ang pakiramdam mo. Mas lalo lang sasama ang pakiramdam mo kapag nakatikim ka na naman ng sermon kay Queen Helena.”
Hindi na siya sumagot, dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig.
“Mas maganda sana kung nandito si Empress, for sure tutulak iyon parito para sabihing huwag ka ng pumasok.” Her twin brother said adoringly.
Now that he mention it, ano rin kaya ang mararamdaman ng kapatid niya kapag nakumpirma niya ang mga hinila niya. Paniguradong masasaktan din ito dahil pinaasa lang ito ng magaling niyang kaibigan.
“Sana bumalik na sila kaagad ni Suzy.”
Nilapag niya ang baso sa counter tops. “Sana nga...” Malamig na aniya.
Sabay na silang nagpunta ni Fuerte sa T-Empire, at dahil may sarili siyang sasakyan, convoy na lang silang dalawa. Nauna na rin itong umakyat sa building nang makarating sila. Hirap talaga sa pagpaparking si Belleza, hindi naman siya ganito dati but when she looses her focus, damn! Game over.
Minuto pa ang binilang niya at naipark niya rin ng maayos ang sasakyan niya. Sa main entrance siya pumasok.
Inayos niya ang kulay itim na shoulder bag niya bago naglakad papalapit, nakita niya ang isang delivery boy na may hawak ng isang bouquet ng bulaklak.
“For Miss Belleza Costalles po.” Sabi noong delivery boy.
“Pahatid na lang sa 27th floor, sa bagong opisina ni Miss Forteza.” Sagot noong guard.
Kunot noong lumapit siya roon. “Bakit hindi sa opisina ko ang diretso?” Tanong niya.
Natigilan naman ang dalawang guards sa pagdating niya. Mukhang takot na sagotin siya kaya hinarap niya na lang ang delivery boy.
“My name is Belleza Costalles, kanino galing?” Tanong niya pa.
“Kay Mr. Majesty Wang po.”
Inabot niya ang delivery receipt at pinirmahan iyon, nang makaalis ang delivery boy ay saka niya lang binasa ang sulat sa card na naroon.
Thank you for spending your summer with me, let's meet later my beautiful Belleza - MJSTY
Halos punitin na niya ang card na iyon, nanginginig na naman ang kamay niya pero pinilit niya pa ring ibalik ang pustura sa sarili.
Nilingon niya ang dalawang nakayukong guard. “Magsabi kayo ng totoo sa akin kung ayaw niyong masisante, kailan pa may dumarating na bulaklak sa akin at si Empress ang tumatanggap?”
“Ma-ma'am. Nagsimula po noong mga nakaraang linggo. Natigil ng isang linggo tapos ngayon lang po ulit.” Nakayukong sagot ng isa.
“Huwag niyong sabihin kay Empress na alam ko na ang tungkol sa bagay na ito. Paderetsohin niyo siya sa opisina ko kapag nakita niyo siya.”
“Opo Ma'am.” Magkapanabay na sagot ng dalawa.
Diretso ang mga matang pumasok siya sa loob. Gustohin niya mang durogin ang bulaklak na hawak niya ngayon pero hindi niya ginawa. Ngayon kumpirmado na siya sa lahat ng hinala niya. Empress is seeing her man using her name.
She's so mad. Really really mad.
PABABA na si Empress nang hagdan, malapad ang ngiti niyang sinalubong ang umaga. Nakabalik na sila ni Majesty dito sa Syudad noong isang linggo pa. Hindi man nabigyan si Empress ng pagkakataong sabihin kay Majesty ang totoo at least may nalaman siya. Ang kapatid nito ang hinahanap ng parents niya. Since, hindi naman niya iyon kilala, safe siya sa ngayon.
Nang tuloyan siyang makababa, naabutan niya si Thunder na nagbabasa ng newspaper sa may sala nila. Prente itong nakaupo sa may sofa, bahagyang nag-angat tingin sa kanya bago binalik ang tingin sa newspaper.
Nagkibit balikat na lang siya at didiretso na sana sa dining area nang tawagin siya ni Thunder.
“You missed breakfast with us, ganoon ba kapagod ang naging bakasyon mo ng mag isa?”
Natigilan siya sa sinabi nito, parang robot na bumaling ang ulo sa kapatid.
“Suzy is not with you right? Sinong kasama mo?” Patibong ang tanong na iyon sa kanya. Bumaba ang tingin ni Thunder sa kanyang pulsohan. “Yan bang nagbigay sayo ng bracelet?”
“T-thunder...”
“Ayosin mo lang Whalee, pinoprotektahan ka namin. Huwag mo naman sanang ilagay ang sarili mo sa kapahamakan.”
Biglang sumama ang pakiramdam niya sa sinabi ni Thunder, ilang segundong pagkahilo ang naramdaman niya pero nakahuma naman kaagad.
“Hindi ko naman nilalagay iyong sarili ko sa alangin, I know you are all concern about me, pero kung sino man iyong lalaking nagugustohan ko ngayon, hindi siya iyong lalaking kanakatakutan ni Mommy na ilalagay ako sa kapahamakan.”
Sinarado nito ang newspaper. “Bata ka pa, huwag kang magpaloko. Iba magalit si Mommy, mas matindi pa siya kay Aunt Aiszel.” Banta iyon, sigurado siya.
Tumayo na si Thunder at pumanhik na sa ikawalang palapag. Hindi na tumuloy si Empress sa dining area at lumabas na. Nagpahatid siya sa driver nila papuntang Emperyo, kakausapin niya si Belleza ngayon.
Doon muna siya magsisimula.
Habang nasa loob siya ng sasakyan, inaayos niya ang kanyang buhok. Her usual style, braids. Pagkatapos niyon ay tumingin siya sa labas, nadaanan niya pa nga iyong paborito niyang Chinese Restaurant, gusto niya sanang ipahinto ang sasakyan para kumain pero wala siyang gana, nanlalamig ang pakiramdam niya at dahil iyon sa maagang interrogation ni Thunder kanina sa kanya.
Nakarating siya sa T-Empire, binati siya ng dalawang guards at may sinabi pa sa kanya pero hindi niya masyadong pinagtuunan ng pansin. Iniisip niya kasi kung paano niya sisimulan ang sasabihin niya kay Belleza.
Huminga siya ng malalim at pinindot ang button kung saang floor ang opisina ni Belleza. Habang paakyat ang elevator, mas lalong kumakabog ang dibdib ni Empress sa kaba.
“Hoo!” Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga. She stepped out, dumiretso siya ng lakad papunta sa office ni Belleza.
Nagkibit balikat siya nang makita niyang wala pa roon ang secretary ng kaibigan niya. Binuksan niya ang pinto para salobingin ang kaibigan niya pero isang malutong na sampal ang sumalubong sa kanya.
Natigalgal siya doon, parang puputok nga nag ugat niya sa lakas niyon. Hindi pa man siya nakakahuma nang magsalita si Belleza.
“Ang kapal ng mukha mong gamitin ang pangalan ko para akitin ang lalaking gusto ko!” Asik nito.
Kusang bumaling ang kanyang mga mata sa mesa nito, may isang bouquet ng white lilies doon, naka-arrange tulad ng binibigay sa kanya ni Majesty. So, alam na ni Belleza.
“Hindi ka pa ba nakuntento sa kakambal ko at nakuha mo pang agawin ang lalaking gusto ko!?” Gigil na tanong ni Belleza.
Namuo ang luha sa kanyang mga mata pero kumpara kay Belleza, umiiyak na ito habang puno ng galit ang mga mata.
“G-gusto m-mo?”
“Oo! Siya iyong lalaking matagal ko ng hinahanap, Empress! Siya iyong lalaking muntik ng makabunggo sa akin noon! Ang tagal ko siyang hinanap pero inaahas na pala ng kaibigan ko iyong lalaking kinasabikan kong makitang muli!!”
“Belleza, hindi k-ko alam na siya iyon...” Kusa ng tumulo ang mga luha niya.
“Hindi mo alam?!” Nang-iinsultong ulit nito. “Hindi mo alam pero ginamit mo ang pangalan ko para landiin siya! Hindi ka pa nakuntento at talagang pinigilan mo pa ang pagtatagpo ng landas namin! How dare you ordered my secretary to ban him in my office!” Halos pumutok ang litid nito sa pagkakasigaw.
Panay ang paghikbi ni Empress. “Hindi ko alam, Belleza... Hindi ko alam...”
Umingos si Belleza sa sinabi niya. “At sumama ka pa talagang magbakasyon sa kanya! Sabihin mo nga sa akin, Empress, gaano ka ba kalandi at pumatol ka sa lalaking twelve years ang tanda sayo!?”
“I-I'm sorry, B-Belleza...” Panay ang paghikbi niya.
“Sa akin siya, Empress.” Nanginginig ang labi nito habang sinasabi iyon. “Parte siya ng pagkabata ko, parte siya ng nakaraan ko, kaya niya ako hinanap. At kaya ka lang din niya sinamahan dahil akala niyang ikaw ako, iyon lang 'yon Empress. Huwag mong bigyan ng malisya kung ano mang putanginang nangyari sa inyo dahil kahit sa bulaklak na 'yan,” Marahas nitong tinuro ang bulaklak. “...pangalan ko pa rin ang nakasulat! Gusto ka lang niya dahil sa maling akala.”
Iyak ng iyak si Empress, ang bigat sa dibdib ng mga sinasabi ni Belleza pero mas mabigat sa pakiramdam niya iyong katotohanang galit sa kanya ang isa sa pinakamalapit na tao sa kanya.
Humihikbing humakbang siya papalapit kay Belleza ngunit umatras ito para iwasan siya. Tinalikuran siya ng kaibigan niya para lapitan ang bulaklak at ihagis iyon sa harapan niya. Walang tigil pa rin ang pag-iyak niya, nakababa ang tingin niya sa bulaklak na nasa sahig.
“Hindi ako lang sinaktan mo sa ginawa mo, Empress. Pati ang kakambal ko. Now I hate you more than anyone in this world. Ayusin mo ang gulong ginawa mo at bumalik ka na sa kakambal ko.”
“Belleza...”
Hindi man lang siya nito tinitigan. “Kapag hindi mo 'yan tinama, puputolin ko na ang anomang ugnayan ko sayo, Empress. Huwag mong idahilan na ikaw ang pinakabata sa ating magkakaibigan, bata ka pa ba? Gayong marunong ka ng lumandi ng ganyan?”
Ang malalakas na paghikbi niya lamang ang naririnig sa opisina ni Belleza, ang sakiy sakit ng nararamdaman niya ngayon lalo na't pinapapili siya ni Belleza.
Hindi niya kayang bitiwan ang kaibigan niya at kahit na hindi siya nakapagpaliwanag ng maayos, alam niyang malaki rin ang pagkakamali niya.
“Leave. Makipagkita ka ngayon sa knaya gaya ng nakasulat dyan sa bulaklak, sabihin mo sa kanyang hindi ikaw ako. Baka sakaling magkasundo pa tayo.” Malamig pa sa yelong anito.
Walang nagawa si Empress kundi ang tumango, isang tangong kasabay ng pagguho ng lahat sa kanya.
TULALA si Empress habang naglalakad, hindi niya nga magawang tignan kung saang lugar na ba siya, basta tumakbo na siya palabas ng Emperyo at nang makalayo ay dahan dahan na siyang naglakad. Panay ang agos ng luha niya habang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang masasayang nangyari sa kanila ni Majesty at the same time, lahat ng masasakit na sinabi sa kanya ni Belleza.
Tinaas niya ang kanyang pulsohan at tinitigan ang bracelet na bigay sa kanya ni Majesty. Ngumiti siya ng mapait dahil na-realise niya na baka hindi rin ito para sa kanya, na may punto si Belleza.
Kung totoong parte ito ng pagkabata ni Belleza, malamang ay matagal ng magkakilala ang dalawa kahit na ilang taon na ang nakalipas. Siya lang ang naging hadlang sa dapat na pagmamahalan ng dalawa. Siya, dahil inangkin niya iyong lalaking mahal ng kaibigan niya.
Siya, iyong kontrabidang humadlang sa pagkikita ng dalawa.
Tumigil sa paghakbang si Empress nang may sasakyang tumigil sa gilid niya, nilingon niya iyon, walang plaka ang sasakyan. Nagtataka pa siya kung bakit pero lakong gulat niya ng hablotin siya papasok sa loob at takpan ang kanyang bibig at ilong hanggang sa mawalan na siya ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro