Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

MABILIS ang mga naging araw. Madalas din silang lumalabas ni Majesty, minsan pa nga'y katawagan na niya ito sa cellphone. Nakakasanayan na niyang kausap ang binata bago matulog at sa tuwing gigising siya sa umaga. Aminin man o sa hindi ni Empress unti-unti ng lumalalim ang atraksyong nararamdaman niya para kay Majesty Wang. Tila nakakalimutan na niya kung ano ba ang pakay at gusto niyang malaman.

Hanggang kailan ba siya magpapanggap na siya si Belleza kung ganitong pakiramdam niya lubog na lubog na siya.

“So tell me, kilala nung guy but hindi ka niya totoong kilala? That's so magulo naman, Empress o baka ikaw naman ang nagpagulo sa sitawsyon niyo?” Tanong ni Suzy sa kanya.

Nasa loob kasi sila ng Salon na pagmamay-ari ni Rizzi. Nag-aya siyang lumabas kasama sana ang iba pero si Suzy lang ang available, actually, hindi niya tinanong kung available ba si Belleza ngayon para kasing mas do-doble iyong guilt na nararamdaman niya kapag nakita niya si Belleza.

“Hindi ganon, Suzy. Basta! Ibang pangalan kasi ang ginamit ko.”

“Thunder will get mad at you kapag nalaman niya 'yan. You know how protective your brother is.”

She huffed. “That's why you won't tell this to him, huh? Tsaka may isa pa akong favor na i-a-ask.”

Nag-angat ng tingin si Suzy mula sa kaka-scroll nito sa IG account. “What is it?”

“Hmm. Can you tell Thunder that we're going in Bohol next Sunday? Summer naman na diba?”

Tumaas ang kilay nito. “Anong gagawin natin sa Bohol?”

“Of course you're not coming with me! May iba akong kasama! Isa pa, gusto mong magtravel Japan alone diba? Ito na yung pagkakataon mo. Sabihin mo girl bonding lang.”

“Gosh Whalee Empress! You're using me as your scapegoat to spend a lot of time with that man. Sino ba kasi iyon? Lagot ka talaga sa mga Kuya mo kapag nalaman nila ang lahat ng 'to.”

She looked at her friend with a puppy look eyes. “Promise you won't tell him, right?”

“Geez! One week then and after that promise me that you will stop that silly game of yours! Ipakilala mo sa amin iyang lalaki mo.”

Mabilis niya itong niyakap. “Thank you Suzy!!”

“Alright! Alright! Huwag kang magulo baka masira iyong nail art natin.” Natatawang sabi ni Suzy sa kanya.

Actually, noong nakaraang kumain sila sa labas ni Majesty, inaya siya nito na magbakasyon sila sa Surigao Del Sur, may malapit daw itong private resort doon and he wants to spend his summer with her. That would be a good idea but hindi alam ni Empress kung paano siya magpapaalam but now Suzy agreed to their set up, it's all right. Makakaalis siya at sa bakasyong iyon sisiguraduhin ni Empress na malalaman niya kung ano ang sikreto nito sa likod ng kaparehong pilat nito sa likod.

Para pagkatapos ng lahat hindi na siya makaramdam ng guilt na nagsisinungaling siya kay Majesty. Siguro naman at maiintindihan siya ng binata, hindi ba?

“WE MET again, the lady in black outfit.” Nakangisi sa kanya si Royale Wang nang makita niya ito sa kalapit na coffee shop sa condo na bago niyang tinutuloyan.

Sa totoo lang, maganda na ring nakita niya ang binata ngayon dahil magandang pagkakataon na ito para magkaroon siya ng ideya kung sino iyong lalaking kasama nito noong una niyang nakita ang lalaki sa La Vista Condominium.

She smiled a bit. “You owe me a coffee right? How about you treat me now and let's have some chit chat. Are you busy?”

Malapad itong ngumiti sa kanya dahilan kung bakit lumabas ang magkabilang biloy nito sa pisngi.

“Not at all. Shall we?”

Royale ordered black Americano coffee for him, frap for her. He also ordered blue berry cheese cake slice.

Ang pinili nilang upuan ay ang pinakamalapit sa glass window at ang pinaka-pribado para sa paningin nila. Pinaghila siya ni Royale ng upoan kaya sinuklian niya ito ng ngiti. Tho, ito ang unang pagkakataon na kumain siya sa labas na isang estranghero ang kasama at hindi mga malalapit na kaibigan.

“Bagong lapit ka?”

“Lapit?” Nagugulohang tanong niya.

“I mean lipat. I'm sorry, I'm still learning your language.”

“That's explain your American accent, pero nakakaintindi ka naman ng tagalog diba?” Tumango ito. “So, bago ka lang din sa La Vista?”

Sumandal ito sa backrest ng upuan. “Yeah, actually that's my brother's pad. He wants me to stay there while I am here.”

Napalunok siya. “You have a brother?” Kunwa'y tanong niya kahit na ang totoo lang naghahargumento na ang puso niya na mapag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

“Yeah, he's actually the CEO of Wang Airlines.”

Wa... Wang Airlines! Right!

“Ahh... Kasama mo siya sa unit mo?” Pasimpleng tanong niya.

Uminom muna ito ng kape bago siya nasagot. “Nah, he's staying at his mansion.”

Marami pa silang napag-usapan. Limang taon lang pala ang agwat nila ng binata. Actually, mabilis makagaanan ng loob si Royale kahit na parang dudugo na ang ilong niya sa purong Ingles nito, all in all nakuha naman niya ang loob nito kaya maging ang pagbalik nila sa condo, sabay na silang naglakad.

“So you're not really blood related?” Ulit na tanong niya ng banggitin nitong adopted lang ito at ang nakatatanda nitong kapatid.

“Yes. I was adopted first but Majesty came when I was kid and he was older than me. I actually got bullied in school because they saw my yin and yang scar at my back during my swimming class. Right then, my brother Majesty also got that burn to boosted my confidence. He's the most caring person I've ever met. He is the best brother.”

Majesty Wang... Iyon pala ang pangalan ng binata.

“He actually came from Japan before his parents died. And I think he was looking at this certain girl he took care off before. He wanted to know if she's fine after she got traumatize from abuse. I envy my brother because he knew something about his past and his real family.”

Tumigil si Belleza sa paglalakad na halos hindi na niya narinig ang mga sumunod na sinabi ni Royale Wang. Tulala siya habang pino-proseso ang ilang mga sinabi nito.

Majesty Wang is originally from Japan before he got adopted... He took care of a traumatized girl...

Could it be...

May butil ng luhang kumawala sa kanyang mga mata pero kaagad niya rin iyong pinunasan.

“Hey, are you okay?”

Wala sa sariling tumango si Belleza sa tanong ni Royale. Hanggang sa makarating siya sa loob ng unit niya, doon lamang binuhos ni Belleza iyong bigat sa dibdib na nararamdaman niya. The memory of her traumatized childhood kept flashing back and it also stops at this boy who took care of her.

Wala siyang masyadong matandaan noong bata pa siya dahil sa pait ng dinanas niya pero isa lang ang sigurado siya, malaki ang possibility na si Majesty ang ang lalaking nag-alaga sa kanya noon ay iisa.

Iyon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit sa isang tingin niya lang sa binata ay nakuha na nito ang loob niya.

“Is that... Really... Him?” Umiiyak siya habang mahigpit ang pagkakahawak sa dibdib.

She will definitely meet him no matter what.


BUONG byahe nakangiti lamang ng malapad si Empress, hindi siya makapaniwala dahil makakasama niya sa isang bakasyon si Majesty. Thanks to Suzy at pinayagan siya ng parents niya sa trip na ito. Sabay silang umalis, si Suzy dumiretso na sa airport samantalang siya naman ay nakipagkita kay Majesty sa harap ng Chinese Restaurant na kinainan nila para dumiretso sa byaheng ito.

Nakasakay siya sa kulay gray na Mercedez Benz ng binata. Naka-open ang hood nito kaya sumasabog ang mahaba niyang buhok sa hangin, nakalimutan niya kasi itong i-braid sa pagmamadali.

Nilingon niya si Majesty, cool na cool lamang ito habang nagmamaneho, nakasuot pa ito ng sunglasses kaya mas lalo itong naging cool sa paningin niya. Gosh! He is so handsome.

“Happy?”

“Of course!” Malakas na sagot niya.

Tumayo pa si Empress sa sasakyan, marinig niya ang mahinang pagtawa ni Majesty pero hindi naman siya nito pinigilan. Inabot ng binata ang isang kamay niya at pinagsaklop ang kanilang mga palad. Majesty kissed the back of her hand, naghargumento na naman ang puso niya, hindi mawala ang matamis na ngiti sa labi.

His sweet gestures are really genuine. How she wished that he could remember their real first meeting.

Nakarating sila sa pribadong resort nito. Halos hindi magkamayaw si Empress sa pagkamangha sa ganda ng structure ng beach house nito. Isama mo pa iyong tanaw niyang malawak na niyogan sa bandang likoran.

“Wow!” Namamanghang kumento niya. Binalingan niya si Majesty na kababa lang ng mga gamit nila. “Ang ganda rito!”

“Really? Gusto mo bang dito tayo tumira kapag inaya kitang pakasalan ako?”

Napanganga siya sa tanong nito.

“Kidding. Let's go inside.” Aya nito sa kanya.

“How about out luggage?”

He smiled. “Dos can handle that. He's my second bodyguard and he went here kahapon pa para sabihan ang mga helper sa pagdating natin.” Pumasok sila sa opened air sala set. Nakatayo roon ang isang babaeng nasa fifties na yata at isang matandang lalaki. “Si Mang Isko at si Aling Anny, mag-asawa sila. Matagal na silang katiwala ng pamilya namin.”

“Mabuti naman at nadalaw ka, Majesty, sana'y sinama mo si Royale sa pagbisita niyo.” Sabi ng matandang babae.

“Busy po siya dahil may competition siyang pinaghahandaan next month.” Paliwanag ng katabi niya. “By the way, this is Belleza, my girl. Dadalhin ko muna siya sa silid para makapagpahinga siya.”

“Sige hijo at mukhang mahaba ang naging byahe niyo.”

Inalalayan na siya ni Majesty, may limang palapag na hagdaan doon na dinaanan nila. Open air pa rin iyon, pahaba kasi ang bahay na iyon at sunod sunod ang kwarto sa kahabaan ng daan. Sa pinakadulo at pinakamalaking silid sila huminto.

Pinagbuksan siya nito ng pinto at inalalayan papasok sa loob. “You can stay here and rest, magluluto ako ng seafoods, any request?”

“You... You say that I'm your girl?” Wala sa sariling tanong niya.

“Why? You don't like it? We already kissed many times, Belleza. Ilang beses na rin tayong lumabas. I like you so much as much as you like me, what's wrong with that? Nadadalian ka ba? Do you want me to properly court you? I'm sorry my beautiful Belleza, I didn't know alam mo namang laki ako sa ibang bansa.”

“Na... Nagulat lang ako.”

Tinabihan siya ni Majesty sa kama at hinaplos ang mukha niya. “Kung hindi ka kumportable, hindi kita pipilitin...”

Mabilis siyang umiling na kalaunan ay pinagsisihan niya kasi natabunan na siya ng hiya. Kinagat niya ang ibabang labi. “I mean... N-nagulat lang talaga ako.”

Mas nilapit pa ni Maj ang mukha nito sa kanya, mabilis siya nitong hinalikan sa labi. “So, it's official then?”

She nodded, God! She's so whipped!

Paano niya na ngayon lulusutan ang sitwasyon niya ngayon kung mas malalim na sa atraksyon ang nararamdaman niya para sa binata?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro