Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter: Interview with the Barkada Part 1

AN: Salamat sa lahat ng nag-compile kagabi... kay Lynne, Jas, LJ at Cza. Salamat talaga sa tulong nyo at sipag nyo pagtatype. :) Eto po ay page 3 out of 21 pages sa MS Word pa lang. I still have 18 pages of questions to answer. 

Sana po magustuhan nyo. Kelangan ko na kaseng mag-UD sa kahit saang story kaya eto muna, okie? ^^v

 

-

 


"Nasan tayo?" tanong ni Eula kay Eli.

"Aba malay!" sagot ni Eli na patingin-tingin sa paligid.

Earlier that day, the four of them were escorted to a secluded place. Ang sabi sa kanila ay makikipag-meet sa kanila si Dama. Sumama naman sila agad dahil akala nila ay pakulo na naman ito ng kaibigan nila.

But we know better, right?

"Baka kinidnap tayo? Hala!"

"Sira ka ba? Bat tayo kikidnapin eh wala tayong pera?"

"Sina Eli po may tindahan! Sya na lang hingan nyo ng ransom!"

"Pero seryoso... asan ba tayo?"

"Guys, gusto nyo ng cake?" tanong ni Eli sa mga kaibigan. He took a slice for himself at saka sya prenteng kumain habang nakaupo sa malambot na sofa.

"Eli may lason yan."

Biglang iniluwa ni Eli yung kinakain nya. Nailing na lang ako sa usapan ng mga batang are. I stepped out of the secret room na nasa likuran lang ng bookshelf.

"Walang lason yan Eli."

Lahat sila ay napatingin sa akin.

"Sino ka?"

"Wala po kaming pera ate!"

"Walang lason? Ayos!"

Naupo ako sa upuan na katapat nilang apat. "I'm here to do an interview."

"Interview? Ay, hindi po kami nag-aapply ng trabaho," sagot ni Eula.

"Opo. Next year pa OJT namin," dagdag naman ni Keeme.

Napangiti na lang ako sa kanila. "Don't worry guys... simpleng interview lang 'to. Eli, please stop eating. Okay. I'll start na ha?"

(Legends: Y for EULA, L for LEI, E for ELI, K for KEEME and A for AUTHOR)

Interview Proper:

A: This is from Enjelshii, Lei... may gusto ka ba kay Keeme?

L: LOL.

Y: Ate, sagutin mo ng maayos.

E: Oo nga naman.

L: Sagutin ng maayos? Fine. Wala. Happy?

A: Weh?

L: Wala nga. Next na.

A: Okay. Eula, close na ba kayo ni Jairus?

Y: Oo naman. Sa text...

L: Lame...

Y: *irap sa ate*

A: Next na nga... Keeme, sino ba talaga crush mo? Si Eula o si Lei?

K: Eula.

Y: Adik.

K: *tawa*

A: Eli... bakit daw ang mysterious mo?

L: Mysterious? Si Eli? Hahaha!

A: Ay hindi ba? Eh Eli, sino daw crush mo?

E: Bata pa po ako. Di pa po pwede.

A: Sus. Matanda ka na. Pwede na lumandi.

E: *tawa* Wala po akong crush.

K: Eh si ano?

Y: Oo nga... si ano?

L: Yeeee... binata na si Eli. Dati uguhin pa yan eh...

E: Next na nga. *simangot*

A: Okay... so next question ay galing kay Bwahahadha.

K: Ang baho ng pangalan.

A: Wag ka magulo Keeme. Okay... Eula, bat daw ang ganda mo?

Y: I know, right? *flips hair*

E: Ewww.

Y: *pinanlisikan ng mata si Eli*

L: Syempre mana sa ate.

K: Di kaya kayo magkamukha.

L: Pareho namang maganda!

Y: Naman! *nakipag-high five sa ate nya*

A: Next na. Lei... bat ayaw mo daw mag-move on kay ex?

L: Nangingialam ka?

A: Hindi ako. Yung nagtanong.

L: Bat nangingialam sya?

A: Haynako... next na nga... from zhincogirl, Eula, may pag-asa ba si Keeme sa 'yo?

Y: *nagpangalumbaba* Wala.

E: Awww! Busted!

L: *tumawa*

A: Kay Eli naman. May gusto ka daw ba kay Chastene?

L: Meron yan!

E: Wala kaya!

K: Sus. Tatanggi pa eh...

Y: Ayeeee...

E: *blushes* Next na po.

A: Eto from somedayyouwillknow... Keeme, nanliligaw ka na ba? Sino na nga ulit gusto mo?

K: Lei.

L: *kinutusan si Keeme* Sabi mo si Eula!

K: *tawa*

Y: Ang gulo mo kausap!

K: *madami pang tawa*

A: Next na. Tama na ang sakitan. From rottenstrawberries, all this time ba alam nyo na ang buong pangalan ni Zelo?

E: Huh?

L: Oo. Zelo Nasino.

Y: Bakit? Ano'ng meron?

K: Mayaman din si Zelo?

A: Ayyy... wala wala. Next na... from cookiesmasherr, Keeme... sino ba talaga ang gusto mo? Eula o Lei?

K: Eli.

(Pinagsasapak si Keeme ng tatlo)

A: *iling* Next na, from xAxSxHx, andami nito. Kay Eula muna, Dear Eula—

Y: Akala ko ba tanong?

A: Weyt. Atat much? Eto na... Okay na ba kayo ni Jairus mo?

L: Kanya?

Y: *ngiting maganda* Syempre. Kami na nga eh... di nya lang alam.

L: Yak. Daydreaming again...

A: Close na kayo?

Y: Naman!

E: Sa text.

Y: At least di ba?

L: *facepalm*

A: Nililigawan ka na ba nya?

Y: Kami na nga di ba?

L: *rolls eyes*

A: Nag-date na ba kayo?

K: Sa panaginip.

Y: *tingin ng masama kay Keeme* Malapit na. Soon!

L: Sige... ipush mo yan.

A: Meron pa... nag-kiss na ba kayo?

E: Whatda—

L: Hindi pa nga sila, kiss agad? Agad agad? Nagmamadali?

Y: Grabe naman yung tanong.

E: Oo nga... masyadong vulgar.

K: *tingin kay Eli* Spell?

E: *tingin sakin* Next question na po.

A: Mahaba na daw ba hair mo Eula?

Y: Di naman po ako nagpagupit.

L: Ay shunga.

Y: Alam ko meaning nun ate. *ngisi*

A: Lei, ikaw naman... About moving on. Bakit di ka pa daw nagmo-move on? Gusto mo daw turuan ka niya ng 11 ways?

L: Nag-move on na 'ko... sa next question.

A: Okay. Dear Eli... ano daw meron sa Jupiter?

E: Aba malay. Astrologer ba 'ko?

K: *sinapok si Eli* Stars ang inaaral nun tanga!

E: *ngumuso* Ano ba ang Jupiter? Star di ba?

L: Planet yun tanga!

E: Ang sakit nyo namang makatanga!

(Nagtawanan yung tatlo)

A: Move on na tayo... Death treat for Keeme: Dear Keeme, ALAM KONG MAY GUSTO KA KAY LEI. KAPAG HUMINDI KA, BAKLA KA. INTENSE DAW TO KASE CAPSLOCK. Ano'ng masasabi mo?

K: Pakyu.

A: Haha.. eto naman, from anonymous_genius1222... Eli... sino daw crush mo?

E: Wala nga. Paulit-ulit?

K: Aminin na kase.

Y: Tama! Crush mo si ano eh...

E: Next question. *seryoso*

A: Keeme, di ba si Lei daw ang gusto mo? Bakit di ka magtapat sa kanya?

K: Si Lei nga.

L: *binatukan si Keeme*

K: Aray! Tangina. Sige si Eula na lang!

Y: Ang gulo mo Jace!

K: Shatap.

A: Haynako. Eula ikaw na nga lang! Talaga daw bang may gusto sayo si Keeme?

Y: Aba malay ko!

A: Paano na daw si number 5?

L: Wala naman yung pakialam sa kanya.

Y: Meron kaya. Text mates kami!

L: Sige ipush mo yan.

A: Eto pa Eula... anong fave number mo... 24 o 5?

Y: 5!

A: From purple_strawberries naman, Keeme... sikat ka eh. Sino nga daw ba sa dalawa?

K: Pakyu sa nagtanong.

L: Hoy, bad yan.

K: Eh paulit-ulit eh!

E: Di mo naman kase sinasagot.

K: Next na.

A: Eli, crush mo daw si Chastene?

E: Next.

Y: Tamo 'to! Di rin sumasagot!

E: Pak-kyot.

A: Eto kay Eula naman. Pwede daw bang kontian ang makeup para lumabas ang tunay na ganda?

Y: *taas-kilay* Bakit? Porket naka-makeup ako, fake na ang kagandahan ko?

A: Tanong mo sa kanila... *tingin kay Lei* Lei ilang taon ka na?

L: 19. Bakit?

A: Wala naman. Last question daw para sa lahat... transferee ba si Zelo sa school nyo?

Y: Transferee nung first year kami lahat? LOL.

E: Eh di transferee na rin kami?

L: Since first year, transferee?

K: *sighs* Pwede namang sabihing HINDI di ba? Pinapahaba nyo usapan.

A: Oo nga. At dahil dyan, move on tayo sa next. From sinderella, Keeme... kung pwede daw na sya na lang ang mahalin mo.

K: Magkano bayad?

(Tawanan)

A: Haynako. Puro kayo kalokohan. Next is from DanielaStark, Eli... bakit minsan engot ka tas minsan hindi. Bipolar?

E: Ano yung bipolar?

L: *rolls eyes* Next na lang Author.

A: Eli ulit... sino daw crush mo?

Y: Si ano nga!

K: Si ano!

E: WALA NGA!

A: *sighs* Eto na lang... Keeme, first impression mo sa magkapatid?

K: *turo kay Eula* Vain. *turo kay Lei* Maton.

(Binatukan sya ng dalawa... sabay pa.)

A: Huy! Bawal ang sakitan!

L: Normal na po sa 'min 'to.

K: Masakit na ang batok ko ha! *singhal sa dalawa*

A: Tama na... Eula, may pag-asa daw ba si Keeme sayo?

Y: *rolls eyes* Wala nga.

A: Okay. Lei, kung magiging si Keeme at Eula, papayag ka?

L: Hindi. Ayoko. *points at Keeme* *squints*

A: Keeme, bakit daw si Eula?

K: Ayoko kay Eula. Kay Lei ako.

A: *kamot sa ulo* Gulo mo!

K: Ganun talaga. Hashtag pogi.

E: Yak. Pre, di bagay.

A: Next na! Next na! From skyeris, Lei bat ka daw nagagalit kapag tinatawag kang nerd?

Y: Duh—gawa ni ex. Nagbabasa pa kayo?

L: *tiningnan ng masama si Eula*

Y: Sorry ate.

A: Keeme, bakit di ka na lang magtapat kay Eula?

K: Kase si Eli ang gusto ko.

L: Sasapakin na kita!

K: *tawa*

"Oy... kumain muna kayo ng cake," sabi ko sa kanila.

Agad namang kinuha ni Eli yung plato ng cake na kinakain nya kanina.

"Wala po bang juice?" tanong ni Eula.

"Meron. Saglit at kukuha ako."

I stood up and went to the kitchen na konting lakad lang mula sa sala. Naloloka ako sa sagot ng mga batang yun...

So ayun, merienda muna kami. Interview again later. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro