Chapter 9
Me, weird? Bitch--I'm limited edition.
--
"Dylan, where's mommy?" Danny asked his son. Kasalukuyan itong nakalupagi sa sahig, naglalaro ng chess mag-isa habang nakaharap sa glass wall ng kwarto nito. May isa kaseng pader ng kwarto nito na mula ceiling hanggang sa floor ay salamin. Para nga naman hindi na nya kailangang magpalagay ng mirror sa kwarto nya.
Dun nya trip palagi na maglaro ng chess--kalaban ang sarili nya.
"Mom told me not to tell you." Sagot nito sa ama.
Kumunot ang noo ni Dani. "Why not?"
The kid sighed saka tumingala sa ama.
"She's been crying pa. She misses ate."
"Where is she then?"
Nag-alangan si Dylan.
"Come on son, tell me..."
"West wing pa... sa ballet room."
Tinanguan ni Dani ang anak at saka sya nagtungo sa ballet room. It's the most unused room at the house. Wala naman kaseng sumasayaw sa pamilya nila kundi si Dama. Meg wanted her daughter to be a brilliant ballerina kaya simula pagkabata ay pinagti-take nya na ito ng ballet lessons.
Nahinto lang iyon ng maging teenager ito. Mas ginusto na kase nito ang mag-shopping at mang-alipusta ng kapwa.
Meg loves dancing... kaya sa ginawa ng anak ay hindi nya naiwasan ang magtampo.
--
Naabutan ni Dani ang asawa na inaayos ang tutu na sinusuot ni Dama noong maliit pa lang ito. Nakaupo si Megan sa sahig--umiiyak. Something tugged at the heart of her husband... who rarely sees her cry. Ngayon lang ulit ito umiyak....
"Ma..." Nilapitan niya ang asawa at niyakap.
"D-Dad!" Halatang nagulat si Meg ng mapansin na nasa likuran na nya ang asawa. She brushed her tears away. "I-I was just... ano kase... na-irritate yung mata ko. Maalikabok na kase 'to." She pretended to brush the imaginary dirt off the tutu.
Dani smiled and kissed her hair. "Stop lying to me. I know you're missing her."
Naitulak ni Meg ang asawa. "No! Of course not! Why would I miss her? Mas masaya nga dito sa bahay kung wala sya eh... walang maarte!"
"Bakit defensive ka masyado?" Taas-kilay na tanong ni Dani.
"Hindi kaya!" She replied in an obviously high-pitched, defensive tone.
"Sure ka mommy?"
"I am sure! 'Wag ka ngang gumawa ng issue dad. I'm not missing her."
Dani sighed.
"So I'm sure you don't want to hear about what she's doing, right?"
"No."
"Uh--okay." He shrugged then stood up. Naglakad si Dani palabas ng ballet room but before he exits, he turned to his wife, smiled and said:
"She's doing fine Meg. Don't worry too much. She's stronger than you think."
When he was finally out of the room... saka lang nakangiti si Megan.
--
"Ouch--" Nakagat na naman ni Dama ang dila. Pangatlong beses na 'to ngayong araw ah? Ano'ng problema ng bibig nya?
"Wow... mukhang madaming nakakaalala sa 'yo wah?" Nakangiting puna ni Eli.
Nagla-lunch sila sa kubo. Kanina pa naha-high blood si Dama dahil halos magsugat na ang dila nya kakakagat.
"Tsk. May ganun-ganun ka pang nalalaman."
"Baka namimiss ka na ni Eula?"
Umirap si Dama sa kanya. Silang dalawa lang kase ni Eli ang sabay kumain. Si Zelo... nandun sa nililigawan nya. Sina Keeme at Lei naman, syempre hindi maiwan si Eula.
Pero hindi sila magkakaaway. Sadyang nahahati lang talaga ang grupo para walang naiiwang mag-isa. Syempre nga naman, ayaw nilang may nali-left out na isa sa kanila.
"Ewan ko sa kanya."
Nagtatampo pa rin si Dama dahil tatlong araw na syang hindi kinakausap ni Eula. Minsan nga nagkakabungguan na sila dahil sa pagtutulak ng mga kabarkada pero wala pa rin talaga.
Ang alam nya galit pa rin si Eula sa kanya kahit na wala naman syang ginagawang masama dito. Hindi nga nya maintindihan kung ano ba'ng problema and frankly... nagsisimula na rin syang mainis.
She continued eating.
"Dama." Eli nudged her. Natangko tuloy yung kinakain nya.
"Tss. Ano?!"
Eli motioned to her right. Tumingala s Dama sa bandang kanan niya. Nakatayo dun si Eula--hindi makatingin sa kanya ng deretso.
Dama chose to snob her.
"Una na 'ko ha?" Paalam ni Eli sa kanila.
"Whatever." She replied.
Nang makaalis ang Eli, agad na naupo si Eula sa tabi nya.
"Uy..."
Dama ignored her.
"Sorry na."
Hindi nya pa rin ito pinansin.
Eula nudged her. Nabitawan tuloy ni Dama yung kutsara na may lamang isang subo ng giniling at kanin.
"Ano ba? Masama na ba'ng kumain ng matiwasay ngayon?!"
Eula pouted. "Di ka kase namamansin eh."
Pinanlisikan nya ito ng mata. "Ako pa talaga ang hindi namamansin ha?"
Nagyuko ng ulo si Eula. "Nahihiya kase ako sa 'yo eh."
"Eh bakit nandito ka? Alis!" She pushed her. "Magsama kayo ng hiya mo!"
"Aray naman!" Reklamo ni Eula. "Pwede namang magtaray ng hindi nananakit di ba?"
"Sa naiinis ako sa 'yo eh!"
"Kaya nga humihingi ng tawad eh!" Eula rolled her eyes.
"Humihingi ka ng tawad? Try mo sa palengke."
"Grabe 'to." Naiinis na tumayo si Eula.
"Ano suko ka naman agad?" Pahabol ni Dama. Napailing na lang si Eula at muling nilingon ang kaibigan.
"Ang arte mo!" She exclaimed.
"So? May karapatan akong mag-inarte kase maganda ako."
"Ay ganun? Kaya pala ang arte ko." Eula flipped her hair. Napataas naman ng kilay si Dama sa sinabi nito.
"Ang feeling ha?"
Naupo ito sa tabi nya. "Kaya nga nagkakasundo tayo di ba? Kase pareho tayong maarte." Nakangiti nitong sabi sa kanya.
"Kaso yung arte mo--arteng pangkatulong." Nakagising sagot ni Dama.
"Ang bitch bitch mo talaga!"
"Para masaya. Anyway--" She looked at her unfinished food. Nadumihan na rin ang kutsara na ginagamit nya kaya hindi sya makapagpatuloy ng pagkain. "Bilhan mo 'ko ng pagkain."
"Ayoko nga!"
"Dali na! Ginulo mo yung pagkain ko eh!"
Napabuntong-hininga ng malalim si Eula. "Fine! half-rice lang ha!"
"Kuripot nito! One rice na! Saka bili ka rin ng dessert!" Pagpupumilit ni Dama.
"PG lang teh? 'Kay fine... basta okay na tayo ah?" Paninigurado ni Eula.
"Pagkatapos kong kumain--we'll see."
"May we'll see pa? O sya... wag na. Magkaaway na lang ulit tayo."
Dama rolled her eyes. "Joke lang... 'to naman!"
"Naks... bati na sila!"
"Buo na ulit tayo!"
"Ang aarte eh. Pinaabot pa ng 3 days tapos magbabati lang pala?"
Nagsiupo sna Keeme, Eli at Lei sa dati nilang pwesto sa kubo.
"Gusto nyo ng ice cream? Ililibre tayo ni Eula ngayon." Nakangising sabi ni Dama sa tatlo.
"Hoy! Ano'ng libre? Wala akong pera no!"
"'To naman... minsan lang eh."
"KKB. 'Wag kayong magpaka-hampaslupa." Eula said in finality saka ito tumayo at lumapit sa lalagyanan ng mga pagkain para bumili ng pinapabili ni Dama.
Naiwan ang apat sa table na nagkikwentuhan ng biglang dumating si Zelo... kasama si Tassie.
"Hi Tass." Bati nila sa dalaga. Tassie smiled and waved at them. Si Dama--being the only one na hindi pa kilala si Tassie, felt a little left out.
"Ah... Tassie.... pinsan ko nga pala, si Dama. Pinsan... si Tassie." Pakilala sa kanila ni Zelo.
Pinagtaasan ni Dama ng kilay ang binata. Ang bait-bait naman yata nito ngayon at nakuha pa talagang ngumiti? She wanted to scream fake at his face kaya lang baka awayin na naman sya nito pag-uwi.
She simply smiled at the girl na pinaupo ni Zelo sa tabi ni Lei. Si Zelo naman ay naupo sa tabi ni Dama. She guessed na ayaw nitong patabihin sa kanya yung nililigawan nito kase baka nga naman mahawa ng sama ng ugali nya.
LOL. Pwede bang i-Blutooth ang bitchiness?
"Hey Tassie... can I ask you a question?" Tanong ni Dama sa dalaga.
"Sure." Nakangiti nitog sagot.
Dama felt Zelo's silent glare boring at her right cheek. Pero keri lang... wala naman itong magagawa dahil nandito yung nililigawan nya.
"Magkakagusto ka ba sa lalaking naninigaw ng babae?"
Kumunot ang noo ni Tassie. "Ha? Uh--siguro hindi. Ayoko ng sinisigawan ako eh. I mean--hindi naman ako bingi?" Sagot nito sabay tawa.
"Eh yung lalaking nambubuhos ng tubig sa mukha ng tulog?"
"Siguro hindi."
Napamura ng mahina si Dama ng maramdaman nya ang paa ng pinsan na dumidiin sa sapatos niya.
"Ah... last--eh yung lalaking nananapak sa sapatos ng babae?"
Agad inilayo ni Zelo ang paa kay Dama.
"No." Tassie laughed. Saka ito bumaling kay Zelo. "Ang weird ng pinsan mo Zelo!"
"I'm not weird. I'm limited edition." She said to her.
"Baka extinct." Sabat naman ni Zelo.
Nagtawanan ang mga kabarkada nila... pati si Tassie nakikitawa rin. Pagdating ni Eula, kusang umisod si Tassie para paupuin ito.
While looking at her, isa lang ang naaalala ni Dama. That angelic face... that weird kindness... that happy smile...
Parang ang tita Angel niya.
--
"Achu!" Napasinghot bigla si Angel, who was currently on the plane--with her husband--on her way back to the Philippines.
"Mama what's wrong?"
She shook her head. "Nabahing lang ako papa."
Ngumiti si Enzo. "Baka naman may nakakaalala sa 'yo?"
Angel's eyebrows furrowed worriedly. "Baka naman hinahanap na 'ko ni Anzo? I told you papa... dapat isinama na natin sya pauwi."
Hinawakan ni Enzo ang kamay ni Angel. "Mama, don't worry. I'm sure nag-eenjoy yun na mag-isa sa Japan. Saka ayaw nyang sumama di ba?"
"Hmmm... sabagay. But I'll call him after we land--just to make sure that he's okay." Nakangiti nyang sagot sa asawa.
--
Somewhere in Japan...
"Achu!"
xxxxx
AN: Namiss nyo ba sila? Namimiss ko na din sila eh... pero EXTRA lang po sila sa kwentong ito at minsan lang susulpot. Hehe... Saka sa mga nagsasabing si ZELO at PIERRE ay iisa... baka naman nagkakamali kayo? Remember... walang nanay si Pierre? ^^ Saka sa bandang huli pa lalabas si Pierre... ganito kase... uh--parang sa chapter ng buhay na'to ni Dama ay hindi sya kasali. So si Zelo ang nasa kwento. Pero hindi porket bagay sila ni Dama eh sila na talaga.. may mga bagay lang na akala mo yun na pero hindi pa pala.
Magulo ba? Hehe... basta. Anyway, ang ganda kaya ni Tassie. CLICK THE EXTERNAL LINK if you are curious about her physicality. :p
Yun lang! COMMENT NAMAN KAYO OH ^^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro