Chapter 6
Bitch please... you've got more issues than Vogue.
--
Lunch.
Nagkaayaan ang magbabarkada na kumain sa paborito nilang kainan--ang KUBO kung tawagin sa tapat ng first gate ng school nila. Maraming pagpipilian ng pagkain doon saka mura pa. Since first year, doon na sila kumakain.
Ang titibay lang... consistent sila ng 3 years.
Actually, doon nagkakila-kilala sina Zelo, Keeme at Lei.
Kasalukuyang kumakain ng lunch si Zelo ng bigla na lang naupo si Keeme sa tapat nya. Nakatingin lang noon si Zelo kay Keeme which made Keeme ask: "Ano? May angal ka?"
Simpleng umiling naman si Zelo at nagpatuloy sa pagkain.
Si Lei, hindi pa sya ka-close ni Eula dati. Masyado kaseng girly ang kapatid nya for her taste kaya palagi itong yamot sa kapatid. Eula--being the pretty and popular girl that she is--had many friends na palagi nitong nakakasabay sa pagkain.
Kaya si Lei... palaging kumakain ng mag-isa. Eh sakto noon na wala ng available na kainan. Classmate nya naman si Zelo nun pero hindi sila close. Actually, hindi nga sila nag-iimikan dati. He's too... quiet for her taste kaya hindi nya ito kinakaibigan.
Pero nung araw na yun, kinapalan ni Lei ang mukha nya at basta na lamang naupo sa tabi ni Keeme--na ikinagulat naman ng dalawang lalaki.
"Huy nerd, lumipat ka ng upuan!" Bulyaw sa kanya ni Keeme.
Napipikang lumingon sa kanya si Lei. "Ano'ng sabi mo?"
"NERD. I-spell ko pa para sa 'yo?"
Tinotopak si Lei kapag tinatawag syang nerd. Automatic na yan. Kaya naman hindi na napigilan ng dalawang lalaki ng isupalpal ni Lei ang biniling ulam na giniling sa pagmumukha ni Keeme. Maang na napanganga si Zelo sa gulat.
At ang malala? Hindi nag-walk out si Lei. kinuha pa nya ang ulam ni Keeme at yun ang kinain nya.
Ang lagay eh naging laughing stock si Keeme ng mga estudyanteng kumakain doon.
The next day, oddly enough--the three found themselves sitting on the same spot. Awkward sa umpisa pero ng di nagtagal, nakapagbiruan na sila. Nagpalibre pa si Keeme ng isang order ng giniling bilang bayad ni Lei sa pagpapahiya sa kanya.
Lumipas ang ilang linggo at nanatiling ganoon ang setup nila. Then one day, Eula joined in. May nakaaway kase syang isang barkada dahil nilalandi sya ng boyfriend nito. Hindi naman nya iyon pinatulan pero nagalit pa rin ang kaibigan nya sa kanya.
Tinawag na syang malandi at maharot--na nasa loob daw ang kulo.
Mang-aagaw. Sulotera.
At ewan ba nya kung bakit hindi man lang sya naipagtanggol ng ibang kabarkada. Siguro ay dahil na rin sa lihim silang naiinggit sa kanya dahil sya ang madalas pansinin ng ibang tao. Naglabasan na sila ng baho. Lahat ng noon ay pinag-uusapan nila behind her back--lumutang na ngayon.
Eula was so hurt that she chose to see the one that she knew would be totally honest with her--her ate. At saan nya ito nakita? Ayun--dun sa kubo, masayang kumakain kasama ang dalawang lalaki na hindi nya pa kilala. Tourism kase ang kinukuha ni Eula habang ang ate naman nya ay BS Management.
Si Keeme, Electronics ang kinukuha.
Nang maging magkakaibigan silang apat--nag-shift ng course sina Keeme at Eula. Lei, who is one year older than them--is supposed to be in her fourth year na. Kaso kinatamaran nyang pumasok nung mismong finals week.
Ayun--umulit.
But little did her sister know... na ayaw lang nyang grumaduate habang nasa college pa ang kapatid. She may not look the part but she loves her sister with her whole heart. Hindi man maipakita ng simpleng salita, naipapakita nya naman ito sa mga mumunti niyang gawa.
Pinaka-huli nilang nakilala si Eli. Nag-transfer kase ito nung second sem ng first year. Madaling kaibiganin si Eli dahil friendly sya at nakakatuwa. Kaso medyo may pagka-uto-uto at tatanga-tanga kaya they all take turns on keeping an eye on him.
--
"Ano 'to?" Mataray na tanong ni Dama ng hainan sya ng mga kasama ng giniling. Giniling ang paborito nilang bilhin sa kubo. Hindi nawawalan ng giniling sa lunch nila. Kahit magkanya-kanya man sila ng ulam, rest assured na pag-aambaganan nila ang isang order ng giniling tapos hati-hati sila dun kahit tig-dadalawang kutsara lang.
"Ulam." Sabay-sabay nilang sagot.
"Ano'ng klaseng ulam 'to?"
"Giniling yan." Sagot ni Eli.
"Ano'ng lasa?" Tanong na naman ni Dama.
Lei rolled her eyes. "Eh di tikman mo!"
"Hindi ba nakamamatay 'to?" She eyed the food with caution.
"Shunga! Kung nakakamatay yan, eh di sana 3 years ago pa kaming patay!"
"Kumain ka na lang. Ang dami mong reklamo eh."
Dama took one spoonful saka tinikman ang ulam. She shrugged. In all fairness--hindi naman nakamamatay ang lasa.
"Ano?" Tanong nila.
"Okay lang."
OKAY LANG is an understatement. Dahil naubos ni Dama ang isang plato ng kanin and had the nerve to buy an extra rice. Ikinatuwa naman nilang lahat iyon kaya bumili sila ng dessert.... minatamisang saba.
"Dama... willing ka bang maging kaibigan namin o hindi?"
"Huh? Should I be friends with you?" Takang-tanong ni Dama.
"Kung hindi mo kami kakaibiganin, makakaaway mo lang kami. If I were you, I'd avoid that... kase masama kaming kaaway." Lei stated.
"Ganun? Eh pano ba yan... masama rin akong kaaway?" She asked, smirking.
"Ha! Eh di fine! Pero times five ang hate na matatanggap mo mula sa 'min... kakayanin mo kaya?"
"Why don't you try and oppose me?" Kampante nyang sagot.
"Kapag di ka sumali, di kita bibigyan ng allowance." Sabat naman ni Zelo.
Nagtawanan ang lima sa reaction nya.
"Fine! I'll join your group thingy!" Napipilitan nyang sabi.
"Good. First thing's first, you have to pass our initiation." Eula said.
"What initiation?" Kunot-noo nyang tanong sa lima. Nagkatinginan ang mga ito at nagpalitan ng makakahulugang ngiti. Kinuha ni Lei ang kutsara nya. Saka sya pumisang sa minatamis na saba. "Kailangan mong kumain nito gamit ang kutsara na ginamit na namin."
"What?! Yuck! There's no way!" Pagtanggi niya.
"Bahala ka. Kaya mo naman sigurong tumagal ng walang allowance no?" Nangingiting tanong ni Zelo.
Dama grunted.
Ibinigay ni Lei ang kutsara kay Zelo. "Nagawa na namin 'to nung kaming tatlo pa lang nina Zelo at Keeme. Ginawa na rin 'to nina Eula at Eli kaya 'wag kang mag-inarte dyan."
Kinain ni Zelo ang saba at ibinalik kay Lei ang kutsara.
Next, she took a piece of the dessert and handed it to Keeme--who ate it readily. Naulit iyon ng tatlo pang beses.
Iniabot ni Lei yung last piece kay Dama.
"Come on, eat it." Utos nito sa kanya.
Dama looked disgustingly at the spoon while thinking of how many germs had been left lingering there.
"Tagal naman!"
She contamplated on her choices. Kay Zelo pa lang talo na sya eh... nandito kase ang allowance nya. She took a deep breath saka kinuha kay Lei ang kutsara.
Isinubo nya iyon with her eyes shut.
They cheered for her.
"Welcome to the group Dama!"
"Yey! Let's celebrate! Inom tayo mamaya?" Aya ni Keeme.
"Saka na ungas. May quiz pa tayo bukas. Sabado na lang? Ano guys?" Lei asked.
"Sabado? Nako... hindi kami pwede eh." Sagot ni Zelo. "Sasamahan ko kase 'tong pinsan ko para bumili ng damit nya."
"Damit ba kamo? Pwedeng sumama?" Eula inquired.
"Eh di sasama na rin ako." Pahabol naman ni Lei.
"Ano? Tapos hindi nyo kami isasama?" May halong tampong tanong ni Eli.
"Madaya! Pasama din kami!" Keeme added.
Nagpalipat-lipat na lang ang tingin ni Dama sa lima. Sa bilis nilang mag-usap, hindi na sya nakaangal pa.
"O sige. Pagkatapos nating mamili, saka tayo nonomo. Ayos ba yun sa inyo?" Tanong ni Lei sa kanila.
"Call ako dyan!"
"Ako din!"
"Sige game!"
"Oy Dama, ano? Okay lang ba yung plano sa 'yo?" Tanong ni Eli sa dalaga.
Inirapan nya ito. "Kung kelan nakapag-decide na kayo, saka mo ako tatanungin?"
"Okay lang yan sa kanya. Para namang makakatanggi yan eh nasa 'kin ang pera nya?" Nakangising sabi ni Zelo. Nagtawanan ulit sila.
--
Uwian. Magkakasabay sina Eli, Dama at Zelo sa pag-uwi. Si Keeme, may ibang lakad. Yung magkapatid naman--natural sabay umuwi.
Pagkadating sa bahay, agad na pumunta sa hapag kainan ang dalawa para kumain muna. Pagkatapos kumain... nagtalo na naman ang dalawa.
Ang dahilan?
Ayaw maghugas ng pinggan ni Dama. Eh mapilit si Zelo. Ayun, nagbubulyawan ang mag-pinsan sa kusina habang ang mag-ina naman ay nasa sala at nagtuturuan ng assignment.
Hindi na nila iniintindi yung dalawa kase ayaw namang magpasaway.
Dama was forced to do the dishes dahil hindi sya pinapayagang matulog ni Zelo hanggat hindi nahuhugasan lahat ng nasa lababo.
She spent half an hour washing them. Nadudulas sa kamay nya ang pinggan--salamat na nga lang at plastic yun. Tapos reklamo pa sya ng reklamo dahil hindi man lang daw sponge ang gamit nila kunsi Scotch Brite na sobrang gaspang sa kamay.
Ngali-ngali na ngang ibuhos ni Zelo yung tubig sa timba ng manahimik ang dalaga kundi lang sya nanghihinayang sa effort nya sa pag-iigib ng tubig.
After that stressful dish-washing, naglinis na ng katawan si Dama at nahiga sa matigas na papag. Her thoughts wandered on the things that happened on her first day on her new school.
Ang dami nyang firsts na naranasan.
First time maglakad papuntang school.
First time pumasok ng walang yaya o bodyguard.
First time na kinalaban at sinagot-sagot ng mga taong hindi nakakakilala sa kanya.
First time kumain ng giniling.
First time kumain ng may kasama.
First time gumamit ng kutsarang ginamit na ng iba...
Pero sa lahat ng first times na yun... isa lang ang first na nagbigay ng ngiti sa kanya.
First time nyang magkaroon ng kaibigan.
xxxxx
AN: Uh--'wag na kayong magtaka kung lalambot din si Dama on the chapters to come. Hindi naman po ako gumawa ng ganitong story para lang maipakitang magaling magtaray yung bida. Personally, I want them to soften up. I want to expose their vulnerability.
Kaya kung naghahanap ka ng all out bitchiness... then I guess this is not it.
Comment po? ^^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro