Chapter 50
Just say YES.
--
"Best, mapupunit na mukha mo kakangiti. Ano'ng meron?" tanong niya sa kaibigan. Kanina pa nakangiti si Eula habang nagtetext sa cellphone nito.
Napatingin ang iba nyang barkada kay Eula sa tinuran niya.
"Katext nya na naman yata si Jairus," hula ni Eli.
"Parang may iba eh," puna ni Chastene. "She does not smile that way when it's Jairus."
Kumunot ang noo ni Lei sa kapatid nito. "May hindi ka ba sinasabi sa 'kin Yolanda?"
"Maka-Yolanda ka naman ate!" saway nito sa kapatid.
"Wag mong ibahin ang usapan," sabat ni Dama.
Tiningnan sila nito ng isa-isa. "Bakit ba ako ang nasa hot seat ngayong araw? Di ba pwedeng si Keeme naman?"
"Sawa na kami sa pangha-hard kay Keeme, ikaw naman."
"So... bakit nga mukhang ang saya-saya mo Eula?" tanong ni Chastene sa kaibigan.
Eula blushed. "Wag nga kayo! Iba na lang kase ang topic!" Lalong naintriga ang barkada. Inagaw ni Lei ang cellphone sa kapatid. "Ate!"
Hinawakan nina Keeme at Lei ang tigkabilang braso ni Eula. Nakiusyoso naman kay Lei sina Dama at Chastene.
Sabay-sabay na napangiti ang tatlong dalaga.
"Jairus daw."
"James pala..."
"Kelan pa Eula?"
"Ayeeee... sabi ko naman sa 'yo mas bagay kayo ni James eh!"
"Wala lang yan!" tanggi ni Eula.
"Wala lang? Eh bakit namumula ka?" taas-kilay na tanong ni Dama.
"Kutis artista kase ako kaya mamula-mula!" sagot naman nito sa kanya.
"Kuuu... tatanggi pa eh! Ano ba kaseng meron sa inyo?"
Nabitawan ng dalawang lalaki ang braso ni Eula nang bigla itong naupo sa upuan na nasa likuran nito. Nakatingin lang sila dito, naghihintay ng sagot.
Lalo itong namula kaya nagtakip ito ng mukha para hindi nila makita ang pagkapahiya nito.
"Nanlululugu nuhh sthuukuun shuuu Juuums."
"Ano?" Dama asked.
Tinanggal ni Eula ang kamay na nakatakip sa bibig. "Wala nang ulitan sa bingi!"
"So ganyanan?" tanong niya rito. She reached for Eula's phone saka idinial ang number ni James. "Itatanong ko na lang sa kanya," banta niya sa kaibigan.
"Walang pantawag yan."
"Ay poor!" sabi niya. She fished her iPhone from her pocket. "Buti na lang marami akong load."
Nanlaki ang mata ni Eula at pilit na inagaw sa kanya ang iPhone niya pero hinarang ito nina Eli.
"Wag! Bespren naman eh!" paghuhuramentadu nito.
She punched in James's number. Saka nya itinapat sa tenga ang cellphone.
"Wait! Teka! Sasabihin ko na!" Eula said in defeat.
"Too late best. Nagriring na eh. Eto wait—Hello?" Ini-loud speaker nya ang phone. "James!"
"Sino 'to?"
"James!" her friend's chorused.
"End mo na yung call dali!" Eula shrieked.
"Eula?"
"Kinidnap namin si Eula. You have to go here para ma-rescue mo sya," nakangiting sabi ng dalaga.
"My gosh... why so conyo?" Lei rolled her eyes.
"Joke ba 'to?" tanong ni James.
"Oo joke lang yan! Wag kang maniniwala sa mga yan!" pasigaw naman na sagot ni Eula.
"Hindi joke 'to. Hindi mo na makikita si Eula kapag hindi ka umamin sa 'min."
"Aamin? Ano namang aaminin ko?"
"Kayo na ba ni Yolanda?" tanong ni Lei.
"Ate!" Pinandilatan si Lei ng kapatid.
Narining nilang tumawa ang nasa kabilang linya.
"Hindi..."
"Weh?" takang-tanong ng magbabarkada.
"Eh ayaw akong sagutin eh..." dagdag ni James.
"Ayeeee! So nanliligaw ka?" kilig na kilig na tanong ni Eli.
"Oo. Bat di nyo alam? Akala ko ba magbabarkada kayo?"
"Eh hindi naman kase sinasabi ni Yolanda sa 'min eh. She's very shy, you know," sabat ni Chastene. Nagtakip ng mukha si Eula sa sobrang kahihiyan.
"I hate you!" sabi ng dalaga sa kanila.
"Uy Eula sorry ha..."
"Heh! Di na kita kakausapin."
"Hala naman... eh pano yung lakad natin bukas?" nag-aalala nitong tanong.
"Ayeeee... may date sila bukas!" tudyo naman ng barkada.
"Wala na! Cancelled na!"
"Wala namang ganyanan..."
Inirapan ni Eula ang phone as if it's James himself. "Mabuti pa si Jairus—"
"Jairus na naman?!"
Nanahimik ang barkada ng marinig ang bahagyang iritasyon sa boses ni James. Napatingin sila kay Eula na napakagat-labi naman atg parang sising-sisi sa binitawang mga salita...
"Sige cancelled na lang. Galit ka nga yata. Sorry," pagkasabi nito ay biglang nag-disconnect yung call.
"Nakakainis!" padabog na sabi ng dalaga. "Kayo kase!" sisi nito sa kanila.
"Aba sino ba'ng tumatanggi?"
"Saka ano namang masama kung natauhan ka na?" tanong ni Lei sa kapatid.
"Nagtampo na tuloy..."
Nakonsensya naman si Dama sa ginawa nila sa kaibigan. She dialed James's number again. Nang sagutin nito ay iniabot niya ang phone kay Eula.
Kinuha ito ng dalaga at saka ito lumayo sa barkada.
--
"So pano nga nangyari na nililigawan ka ng poste na yun? Di ba alam nyang si Jairus ang gusto mo?" tanong niya sa kaibigan.
"Eeee...." medyo kinikilig na usal ni Eula.
"Ano nga? Spill it."
Palibhasa ay bakasyon at walang summer class ang magbabarkada ay nakatambay na naman sila sa mansion nina Dama. Wala ng inuwian. Uuwi lang sila kapag namimiss na nila ang kanya-kanyang pamilya tapos after two days ay babalik ulit sila kina Dama.
"Eh kase... nung last day. Papirmahan ng clearance... nilapitan nya 'ko. Tapos sabi nya, libre daw nya ako ng ramen dun sa food stall sa tabi ng kubo. Eh di sumama naman ako—"
"Kase libre," dugtong ni Lei.
Eula giddily nodded her head. "Eh tapos, tinanong nya 'ko kung saan ako magbabakasyon. Sabi ko dito lang."
"Tapos?"
"Tapos tinanong nya 'ko kung kapag daw ba may nanligaw sa 'kin na hindi Jairus ang pangalan eh kung may pag-asa daw..."
"Ano'ng sabi mo?" tanong ni Keeme.
"Sabi ko, depende kung sino'ng manliligaw na hindi Jairus ang pangalan. Tapos ano..." She giggled.
"Landi nito. Tapusin mo muna ang kwento bago ka mangisay," asiwang sabi ni Lei.
"Tapos... tapos..." tumawa ito. "Shet. Kinikilig ako!"
Kinutusan ni Lei ang kapatid.
"Aray ko naman ate!"
"Tapusin mo na kase yung kwento mo," Lei replied blandly.
"Oo nga. Tapos ano?" curious na tanong ni Eli.
"Tapos pano daw kung James yung pangalan ng manliligaw sa 'kin. Mwahaha!" Tuluyan ng kinilig ang dalaga. Hinampas-hampas pa nito ang mga barkada sa sobrang katuwaan.
Panay ang reklamo ng mga nahampas. Tawa naman ng tawa si Dyma na noo'y nakikinig lang sa isang sulok. Nakasanayan na kase nitong nandoon sa bahay ang barkada ng ate nito.
"Ano sagot mo?" tanong naman ni Dama sa kaibigan.
"Wala. Speechless," nakangiti nitong sagot. "Hindi na nga yata ako nakakain after eh..."
Si Chastene naman ang nagtanong. "So, pano na si Jairus?"
Nagkibit-balikat si Eula. "Bahala sya."
"Wow... samantalang dati halos maglupasay ka dyan mapansin lang ni Jairus."
"Wala na akong pakialam sa bansot na yun. Bahala sya."
Natawa ang barkada. "Bansot? Akala ko ba cute yun?"
"Cute nga! Bansot lang. Buti pa si James matangkad."
"Grabe Eula... para kang tinanggalan ng tabing sa mata. Ngayon mo lang narealize yan?"
"Sorry naman. May cuteness goggles kase si Jai eh," paliwanag nito.
"Eh pano yan? Mas madalas na kayong magkatext ni James?" tanong ni Keeme.
"Hindi noh. Mas madalas pa rin kami ni Jairus," sagot nito.
Kumunot ang noo ni Eli. "Ngek. Bakit ganun? Di ba dapat mas madalas kayong magka-text ni James?"
Bigla na namang kinilig itong si Eula. "Eh kase madalas kaming magkatawagan!" sagot nito sabay tawa. Nailing na lamang sila sa kahibangan nito. Minsan lang kase ito magkaganun sa ibang lalaki. Dati puro Jairus na lang.... pagbigyan na.
--
"Dad?" Meg hushed as she entered their room. Nakita niya ang asawa na nakaupo sa kama. Nakasandal ito sa headboard habang hinehele ang anak na kalong nito.
Nakita niyang natutulog na ang anak nila. Dani gently laid the baby on his side saka sya nito tiningnan at nginitian.
"Yes?" tanong nito.
Naupo siya sa gilid ng kama. "Wala naman." Yumakap siya sa asawa. "I love you daddy."
She heard him chuckle. "Is it 'I Love You' day today?"
"No," she said. Hinarap niya ang asawa. "Masamang magsabi ng 'I Love You' out of the blue?" tanong niya.
"Hindi naman. Hindi lang ako sanay."
Naiintindihan nya ang asawa. Madalas kase ay ito ang nag-iinitiate. Madalas rin na hindi niya nari-reciprocate iyon.
She pinched her husband's cheeks. "Ang gwapo mo daddy."
Bahagya itong namula. "Ano ba'ng nakain mo at nagkakaganyan ka?" tanong nito ng nakaiwas ang tingin sa kanya.
She pouted. "Ayaw mo ba dad?"
"Gusto," sagot agad nito. "I'm just not used to it."
She smiled at him saka nya iyo niyakap muli. "I love you dad."
Tumawa ito ng mahina at hinalikan sya sa noo. "I love you more."
"Ang gwapo-gwapo mo talaga today," pangungulit niya sa asawa.
Muli itong tumawa saka siya hinalikan sa pisngi. "At ang kulit-kulit mo naman mommy."
Ikinawit niya ang mga braso niya sa leeg nito. "Aalis ka na naman kase. I'll miss you."
"You know I'd bring you if I could pero kawawa naman ang baby natin kapag isinama kita," sabi nito. He kissed her forehead and continued, "So I guess I'll have to do without you for a week."
"Hindi mo naman siguro ikakamatay yun noh?" she teased.
"Hmmm... hindi naman siguro. But I'll miss you for sure... kaya pagsasawain ko na ang sarili ko sa 'yo ngayon before leaving tomorrow," he said with a laugh and began nibbling her neck.
"Daddy baka magising si baby!" she hissed.
"Di yan," sabi naman nito at nagpatuloy sa ginagawa. Hinampas-hampas nya ito sa dibdib para tumigil but he only stopped when the baby stirred.
Natigilan silang dalawa at nag-anticipate sa pag-iyak ng bata... but the baby was still fast asleep.
"Sabi ko sa 'yo eh... tulog mantika kaya yan," sabi nito sa kanya.
"Hmp. Ang kulit mo. Sa kabila na nga lang tayo, magising pa yan," she suggested.
Tinawagan nila ang isang katulong mula sa intercom ng kwarto. Pero nang bumukas ang pinto ay ang dalawa nilang anak ang pumasok sa kwarto.
"Sige na, maglandian na kayo. Kami na muna ang magbabantay," their eldest said.
"Thanks sweetie," nakangiting sabi ni Dani dito. They both kissed their children on each cheeks and then they headed out of the room for their alone time.
--
Later that night, Dama received an international call from North Carolina...
"Hello?" she greeted as she wondered why he suddenly called.
"Hi," he replied.
She smiled widely. "Bakit ka napatawag? Namiss mo 'ko?"
"Uuwi na 'ko bukas," he answered curtly.
"Eeeee? Sure ka?!" Excitement was evident on her voice. Paano kase, instead of September ay uuwi ito ng katapusan ng May. Abot pa ito sa birthday niya. And then he'd propose to her on her birthday. Birthday turned to engagement ang mangyayari and everyone will know that they're official.
Saka na lamang siguro niya poproblemahin ang apelyido nito.
She heard him sigh on the other line. "Oo nga. Sige."
"Uy teka! What time?"
"Basta maghintay ka bukas," sagot nito before hanging up. Not letting his sour mood get into the way of her excitement, tinawagan ng dalaga ang mga kaibigan para sabihin ang magandang balita. Well, good news for her.
--
Kinabukasan, she called the airport to know the time of Zelo's arrival. Nang malaman niyang gabi pa ay isinama niya ang magkapatid na kabarkada para mag-shopping ng bagong damit. Malay ba naman nya kung sa airport pala ito magpo-propose.
Dapat ay maganda siya.
She spent the whole day pampering herself. Nagpa-spa sya, mani and pedi at nagpa-treatment ng buhok. Kulang na nga lang ay magsuot sya ng gown para deretso kasal na.
Naiiling na lamang ang mga kaibigan sa sobrang ka-OA-yan niya.
They arrived at the airport by 9pm dahil mga bandang alas dyes pa raw ang dating ng binata. They all waited patiently for him and then a little while later, his plane arrived.
She ran excitedly to him upon seeing him walking towards them. Isang back pack lamang at isang carry on ang dala nito.
She smiled at him... but he didn't smile back.
Napatigil siya pagtakbo nang mapansin na parang may kakaiba rito. His aura and expression were different. Like something's off...
Hindi na sya nakakibo hanggang sa tumigil ito sa tapat nya... his eyes never leaving hers.
"W-Welco—" She didn't finish what she was about to say because he suddenly grabbed her and trapped her inside his arms.
"Kadiri kayo!"
"Sa airport na naman nag-PDA!"
"Walangya!"
She felt Zelo pulled her closer. Then after a while, his shoulders began to shake. Natigil ang panunudyo sa kanila ng barkada ng mapansin nilang lahat na umiiyak na ito.
"Z-Zelo? What's wrong?"
He didn't say anything. Tahimik lang itong umiyak...
--
They all sat quietly on her bed. Nakapaikot sila sa binata habang ito naman ay nakatungo lamang, malungkot na malungkot.
"Okay ka lang pre?" tanong ni Keeme dito habang tinatapik-tapik ang balikat nito.
Umiling ito bilang sagot saka ito tumingin sa kanya. "Patay na ang nanay ko," he said coldly.
Nagulat silang lahat sa sinabi nito. Lalo na ang mga barkada nito na hindi naman alam na hinanap nito ang nanay nito. They told them the whole story and bit by bit, they understood. Dalawang buwan na palang patay ang nanay nito.
With no private investigator to help him find his mother, he resulted into relying to hearsay and directions from people who were supposed to know where she is.
Nang mahanap nito ang huling address ng ina ay nalaman nito na dalawang buwan ng patay ang nanay nito.
"Nandito naman kami eh..." sabi ni Eli na tinabihan ito para akbayan.
"Oo nga pre. Ayos lang yan. Hindi ka naman nauubusan ng pamilya," dagdag ni Keeme.
"Saka ikakasal rin naman kayo ni best friend. Magkakatatay at nanay ka na ulit."
Pinilit nitong ngumiti. "Ayaw naman nyan sa apelyido ko eh," sagot nito habang nakatingin sa kanya.
Nilapitan nya ito at hinawakan ang tigkabilang pisngi. "Your first name was given by your mother. Your last was from your father. Pangalan mo na lang ang alaalang naiwan nila sa 'yo... matatanggihan ko pa ba yun? Okay lang kahit Zonrox ang last name mo noh..."
She was glad that made him laugh.
"Sira," nakangiti nitong sabi sabay gulo sa buhok nya.
"Ano ka... sabi mo magpo-propose ka pagbalik mo!" paalala niya rito.
"Oo na." Dumukot ito sa bulsa nito. "Pag-iipunan ko pa yung engagement ring. Siguro mga five years pa. Sa ngayon ito muna." Isinuot nito sa palasingsingan niya ang isang aluminum wire na ginawang singsing.
"Ang tagal naman nung five years!" reklamo niya.
"Sige, gawin nating 10."
"Luh!"
Tumawa ito. "Pag-ipunin mo nga muna ako."
"Hmp. Sige na. Sige na..."
"Kulit mo." Hinila siya nito at niyakap. May narinig siyang umaray mula sa paligid. Malamang ay si Keeme na naman iyon, nagdadrama.
"Group hug!" someone exclaimed. Maya-maya pa'y nasu-suffocate na sya sa patong-patong na yakap ng mga kaibigan.
--
Tulog na ang magbabarkada na nakahiga sa sahig ng kwarto ni Dama nang biglang bumangon si Astel para magpahangin sa labas. Medyo nagulat siya ng maabutan ang kaibigang si Lei na nakaupo sa mismong railings. Malapad naman ito at nauupuan, kaya lang ay nakakalula dahil mataas ang pwesto.
"Hoy," bati niya rito.
"Hoy ka rin," sagot nito.
"Bat di ka pa natutulog?" tanong niya rito. He tried getting to the spot next to her kaso ay medyo nanginginig ang braso niya sa takot. Takot kase sya sa matataas na lugar.
"Mag-uumaga na kase," sagot nito.
Inaninag niya ang suot na relo. "Tae ka. Alas tres pa lang kaya."
"Oh? Ano ba yun? Di ba umaga?" taas-kilay nitong tanong.
Nailing na lamang siya sa sagot nito. Hindi kase siya maka-retaliate. Sa lahat ng kaibigan niya bukod kay Dama at Zelo, si Lei ang pinaka-magaling sa come back.
Humahabol na nga rin si Chastene.
"Lei."
"Ano?"
Huminga muna siya ng malalim bago sya nagsalita. "Wala. Nawala sa isip ko."
Binatukan sya nito. "Gagi."
He laughed. "Matutulog na 'ko. Wag kang tatalon ha? Wala akong pang-abuloy."
Tiningnan sya nito ng masama. "Eh kung ikaw kaya ang naihuhulog ko?"
"Sus... di magawa."
"Halika dito!" paghahamon nito.
"Ayoko nga!"
"Takot ka pala eh!"
"Hoy 'wag maingay aba!" sigaw ni Eula mula sa loob. Natahimik ang dalawa. Nagkatinginan... saka mahinang tumawa.
"Hoy Lei," tawag niya rito.
"Ano na naman?"
"Liligawan kita ha?"
Nanlaki ang mga mata nito. "A-Ano?!"
"Wala ng ulitan," sagot niya sabay pasok ng kwarto. Hindi rin niya alam kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig niya yun.
Siguro dahil masaya sya kapag kasama si Lei? O dahil kahit palagi silang magkaaway ay dikit pa rin sila. Hindi niya alam... pero para kaseng... tama.
--
Kinabukasan...
Halo-halo ang atmosphere... Medyo malungkot si Meg dahil wala si Dani. Medyo nagkakailangan sina Astel at Lei dahil sa nangyari kaninang madaling araw. Medyo close na sina Chastene at Eli dahil ang hilig nilang magkulitan. Medyo sweet sina Dama at Zelo dahil hindi na ulit aalis si Zelo ng bansa.
Medyo kinikilig si Eula dahil inaya ulit syang mag-date ni James.
At medyo kulang dahil wala si Dyma sa hapag-kainan.
"Sweetie, can you call your brother?" Meg asked her daughter.
"Sure mom," sagot naman ng dalaga. Agad itong tumayo at pinnuntahan ang kapatid na nakakulong na naman sa kwarto nito.
"Hey noob—" Natigilan ang dalaga sa nakita. She immediately locked the door at saka sumigaw. Sound-proofed naman ang kwarto nito kaya okay lang. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro