Chapter 5
Oh darling... go buy a personality!
--
"HOY! WAG KANG TATALIKOD HANGGAT KINAKAUSAP PA KITA!" Iritadong pahabol ni Dama kay Zelo. Lumabas sya ng kwarto ng basang-basa ang mukha at blouse dahil sinabuyan sya ni Zelo ng tubig.
First day of school kase ni Dama kaya kanina pa sya ginigising ni Manang Pacing. Nakapasok na't lahat si Meera ay natutulog pa rin ang dalaga. Narinig ni Zelo na bumuntong-hininga ang ina at bumulong ito sa sarili na... Pabayaan na nga.
Magtu-tooth brush na sana si Zelo eh. Pero yung ipapangmumog nya sana ang natripan nyang gawing panggising sa dalaga. Effective naman eh--bumangon ito agad.
Zelo rolled his eyes. "Naririnig pa rin kita kahit nakatalikod ako."
"Nag-aaway na naman kayo? Umagang-umaga ah." Puna ni Manang Pacing na naghahain ng agahan nila.
"Eh eto kaseng anak mo! Walang respeto sa katawan!" Bulyaw ni Dama sa matanda.
Doon sya nilingon ni Zelo, he was glaring at her again.
"Wag mong pagtaasan ng boses ang nanay ko!"
Napapitlag si Dama sa biglang pagtataas ng boses ng binata.
"Zelo anak..." Saway sa kanya ng ina.
Hindi iyon pinansin ni Zelo. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Umayos ka ha!" Dinuro-duro nito ang noo ng dalaga. "Nasa pamamahay ka namin. Lumugar ka!"
Dama sneered. "Tss. Bahay? You call this a house? Eh kahit aso namin aayawang tumira dito eh!"
"Kahit naman sino aayawang tumira kung saan ka naron. Yang ugali mo--singbaho ng hininga mo." Zelo crinkled his nose. "Mag-toothbrush ka nga!"
Nahampas sya ni Dama sa sobrang inis. Hindi naman nasaktan si Zelo at tinawanan lang ang napahiyang dalaga.
"Tama na nga yan... mahuhuli na kayo sa pagpasok." Saway ni Manang Pacing sa kanila. "Oo nga pala... hija... yung uniform mo, naplantsa ko na. Nakalagay yun sa sala. Isuot mo na lang mamaya."
"Uniform?" Dama gave her a quizzical look. "Nag-u-uniform kayo? Yuck! How cheap! Halatang hindi makabili ng maraming damit!"
"O eh ano ngayon?" Pambabara ni Zelo sa kanya.
Inirapan lang ni Dama ang lalaki at pabagsak itong naupo sa hapag kainan. Itlog at tuyo ang ulam--na sobrang ikinadismaya ni Dama.
"Walang french toast?"
"Walang french toast?" Zelo mimicked her in her own annoying voice. "Wala. Wag kang kumain kung ayaw mo."
"Gusto mo ba ng toast? Bibili ako ng tasty bread." Manang Pacing offered.
"Wag na! Di ako nakain ng bread na hindi whole wheat."
"Arte. Pare-pareho din namang tinapay yun." Pabulong na remark ni Zelo na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Dama.
"FYI lang poor guy. Yung mga cheap na tinapay na nabibili mo lang sa tabi-tabi--hindi kasing-sustansya ng kinakain ko!"
"Bakit parang wala namang epekto sa 'yo?" He retorted.
"Ay ano ba yan... Zelo anak... maligo ka na. Sige na."
Agad na sumunod ang binata sa ina at naligo ito agad habang si Dama naman ay simangot na kumain ng agahan.
--
Pagkatapos mag-agahan, naligo na rin si Dama at hinalungkat ang mga gamit na pampasok. Sinabi sa kanya ni Manang Pacing na galing sa mommy nya ang mga gamit. May mga fresh underwears para sa kanya na laking pasasalamat naman nya at branded.
May cellphone din na nakalagay sa loob.
"Yuck. Nokia Asha? Tss." Mas mahal pa yung dati nyang Hermés belt kesa sa phone na binigay ng mommy nya. But still--it's better than nothing.
Nadismaya sya ng maisuot ang nakahandang uniform.
"Mukha akong teacher na maraming utang!" She lamented. Maluwag ang puting blouse at ang katerno nitong gray pencil skirt.
Huli nyang pinuna ang sapatos na hindi nya malaman-laman kung ano'ng tatak kase Korean.
"Isa lang ang sapatos ko?" Reklamo nya.
"Dalawa yan. Isa sa kanan, isa sa kaliwa." Sagot ni Zelo sa kanya.
She glared at him at saka muling hinalungkat ang bag.
"Ba yan! Walang makeup?!"
"Sa school ka pupunta, hindi sa party."
"Bakit ka ba nangengealam ha?" Pagtataray nya rito.
"Tama na ang away... pumasok na kayo sa school at baka ma-late pa kayo." Saway ni Manang Pacing sa kanila.
"Let's go manang." Utos ni Dama sa matanda.
"Ano ka grade 1? Ang laki-laki mo na, magsasama ka pa ng katulong sa school?" Pangongontra na naman ni Zelo sa kanya.
"Anak, hindi kase ako pwedeng sumama sa school nyo."
"And why not? You'll come with me!" Pagpupumilit nya sa matanda. Poor girl--she can't even fathom the idea of going to school without a maid or a bodyguard... baka pagkaguluhan sya ng mga tao!
Sikat pa naman sya.
Humugot ng malalim at nagtitimping hininga si Zelo saka kinaladkad ang dalaga palabas ng bahay. Dama kept on punching him pero wala lang itong epekto sa lalaki.
She was dragged halfway from the house ng tumigil si Zelo sa paglalakad. Hinarap sya ng binata.
"Ikamamatay mo ba kung aalis ka ng bahay ng mag-isa ha?"
"Hindi mo kase alam yung feeling ng pinagkakaguluhan ng mga tao! You don't understand what I need to go through everyday!"
"Tanga ka ba? Ano pa bang parte ng nobody ang hindi mo naiintindihan? Dito sa lugar namin-hindi ka kilala kaya 'wag kang mag-ilusyon dyan na pagkakaguluhan ka ng mga tao. Baka nga wala pang pumansin sa 'yo eh."
Sinimangutan nya ang lalaki. Ayaw man nyang aminin pero mukhang tama ito. Hindi sya kinukuyog ng mga tambay sa daan. Ni walang maka-recognize sa kanya. Siguro ay dahil na rin kase sa kahirapan ng mga tao sa paligid nya.
They don't look like the kind who would read a copy of a high-end magazine or the business columns of the newspaper.
Ang mga taong kagaya nila--tabloid lang ang alam basahin. They don't watch business or lifestyle television--all they watch are cheap mediocre shows and clichéd teleseryes.
"Maglalakad tayo papuntang school?" Pag-iiba nya ng topic.
"Bakit? Marunong kang lumipad?"
"Hindi ka ba marunong sumagot ng maayos ha?" Iritado nyang tanong sa binata na wala ng ginawa kundi ang barahin sya.
Zelo sighed. "Maglalakad tayo. Dalawang kanto lang naman ang school mula rito."
"Dalawang kanto?!" She looked at the road ahead. Nasaan ba ang dalawang kanto na sinasabi nito?
Never pa syang nakapaglakad ng ganun kalayo. Ang tamad-tamad nya pa namang maglakad. Palagi kase syang naka-kotse. Pagpunta nga lang sa second floor ng bahay nila, kinatatamaran na nya eh... yun pa kayang dalawang kanto ang layo?
"Pwede bang 'wag ka ng umangal? Nasasaktan ang tenga ko sa dami ng reklamo mo eh!"
She was currently in the middle of thinking for a good comeback ng biglang may isang lalaki na patakbong lumapit sa kanila. He has a wavy, brown hair and a smile that instantly irritated Dama--for she is not known to be a fan of smiling and happy faces.
"Good morning Zelo! Kamusta na pre?"
"Uy Eli..."
Nilingon naman ni Eli si Dama saka ito nginitian. "Hi!"
Dama gave him her usual response--inirapan nya ito.
"Sungit." He looked back at Zelo. "Girlfriend mo?"
Parehong kinilabutan ang dalawa.
"Eli! Umagang-umaga nagmumura ka!" Kinikilabutang sabi ni Zelo.
"Excuse me lang!" Singit ni Dama. "I'll never date a guy like this in a billion years!"
"Wow nosebleed."
"Pagpasensyahan mo na yang pinsan ko... may sayad kase yan."
Biglang nakaramdam ng awa si Eli para sa dalaga.
"Awww... sayang. Ang cute nya pa naman..."
Pinalis ni Dama ang kamay ni Eli na nag-pa-pat sa ulo nya.
"Tanga ka ba? Sinabi lang nya--naniwala ka na? FYI lang DORK... wala akong sayad! Baka yan pang lalaking yan ang meron!"
"Bakit ba galit na galit ka na agad? Parang jinu-joke ka lang namin eh." Eli replied.
"Wala kaseng sense of humor yan." Sagot naman ni Zelo.
Ngali-ngaling tapakan ni Dama ang paa ni Zelo para makaganti pero nagsimula ng maglakad ang dalawang lalaki. Nandun sya sa bandang hulihan nila habang nagkikwentuhan naman ang dalawa.
True enough, pagkalampas nila ng dalawang kanto ay agad nilang natanaw ang school. Isang public university. Maraming side vendors. Maraming nagkalat na estudyante sa labas.
Maraming mukhang dugyot na nababad sa araw.
Maraming nakakasakit sa mata ni Dama.
There is this one girl though. She looked like she could be of some use. Humiwalay si Dama sa mga kasama at nilapitan ang babaeng kasalukuyang nakaupo sa upuang semento na nakaikot sa puno ng mangga--naglilipstick ito.
"Hoy ikaw!" Bati ni Dama sa kanya.
Kunot noong tumingin ang babae sa kanya. "Yes?"
"Give me your makeup kit." Utos nya rito.
"Uh--excuse me lang miss... pero parang hindi naman yata kita kilala? Sino ka ba ha?"
"You don't know me?" Mataray nyang tanong rito. She was a bit disappointed kase akala nya ay fashionista ang babae and thought that she might recognize her--sideline kase ni Dama ang pagmomodel sa mga magazines kapag wala syang magawa at gusto nyang painitin ang ulo ng mga photographer dahil sa kaartehan nya. "Listen to what I would say carefully dahil hindi ko na 'to uulitin sa 'yo. My name is Danielle--"
"Pinsan! Nandyan ka lang pala!" Biglang umakbay sa kanya si Zelo--disabling her to continue her little speech. Saka ito tumingin at kunwari ay bahagyang nasurprise ng makita ang kausap ni Dama. "Oh? Nagkakilala na pala kayo ni Eula..."
"Hi Zelo." Bati ni Eula sa lalaki.
"Eula! I missed you!" Si Eli naman, biglang yumakap sa dalaga.
"Ano ba Eli!" Iritadong sabi ng babae dito sabay tulak.
"Ano bang meron sa araw na 'to at ang susungit nyo ha?" Takang-tanong ni Eli sa dalawang babae.
"Sina Lei at Keeme, wala pa ba?" Tanong ni Zelo ay Eula.
"Wala pa. Si ate, papasok pa lang. Si Keeme--malamang nakikipag-away na naman kung saan."
Magkapatid sina Eula at Analeigh--or Lei as she is commonly known. Tolentino pareho pero parang north and south pole sa layo ng ugali.
"Speaking of Lei..." Sinundan nila ang tingin ni Eli. From afar, nakita nilang naglalakad ang kapatid ni Eula na si Analeigh. Naka-salamin ito at nakatirintas ang buhok. Nakapamulsa rin ito at hindi tumitingin sa daan.
Dama smiled to herself. At last! She finally found someone who could be her slave! A NERD!
Nang makalapit si Lei sa kanila ay nagbatian sila ng good mornings. Lei's eyes lingered on Dama.
"Sino 'to?" Tanong nya sa mga kaibigan.
"Pinsan ni Zelo." Sagot naman ni Eli.
"Hi nerd." Dama waved at her.
Agad natigilan ang tatlo.
"What did you just call me?" Nasusuyang tanong ni Lei sa dalaga.
"Nerd. Why? Got a problem with that?" Mataray nyang sagot dito.
Lei scoffed. "Aba at talagang inulit pa!"
"Natural. Tinanong mo 'ko weh."
Nilapitan ni Lei si Dama at hinalot nito ang collar niya.
"Hoy babae. 'Wag mo akong matawag-tawag na nerd kung ayaw mong mabangasan kita ha!"
"Eh bakit ka ba nagagalit?!"
"Naririndi ako sa 'yo!"
"Kung ayaw mong tawagin kitang nerd--then don't wear glasses!" Naiinis nyang sabi kay Lei habang pilit na tinatanggal ang kamay nito sa collar ng blouse nya.
"Tanga ka ba? Malabo ang mata ko kaya ako nakasalamin!"
"Eh malay ko ba!"
"Common sense tanga! Gusto mo bigyan kita?"
"Ate, awat na. Umagang-umaga nang-aaway ka eh..." Saway ni Eula sa kapatid.
"Oo nga. Saka give her a break Lei... bagong salta lang sya." Dagdag ni Eli.
"Fine!" Napipilitang sabi ni Lei saka binitawan ang damit ni Dama. "Bakit kulang kayo?" Tanong nya sa tatlong kaibigan.
"Wala pa yung isa eh." Sagot ni Eula sa kapatid.
"Kita ko. Kaya ko nga kayo tinatanong kase napansin ko eh."
"Ayan na oh--" Tumuro si Eli sa bandang kanan nya.
Nakita nilang naglalakad ang mukhang kakagaling lang sa away na si Keeme. Nakabukas ang polo nito at may pasa ito sa kaliwang side ng lower lip nito.
"Yo." Matamlay nyang bati sa kanila.
"Yo yourself. Basag-ulero ka talaga." Puna ni Eula dito.
"Di na kayo nasanay." Naiiling na kumento ni Zelo.
Ngumuso si Keeme sa kanila. "Pucha ako na naman? Trending topic na naman ako, kakadating ko nga lang?!"
Binatukan sya ni Lei. "Tigil-tigilan mo nga yang kaka-trending topic mo na yan! Trending topic ka ng trending topic--ni wala ka ngang twitter!"
"Aray naman! Masama ng makiuso?" Iritadong tanong sa kanya ni Keeme.
Tumikhim si Dama. Keeme's attention automatically diverted to her.
"O sino 'to?" Tanong nya sa kanila.
"Pinsan ni Zelo."
"Eh? May pinsan ka?"
"Natural." Sagot ni Zelo sa kanya.
"O ano? Tutunganga na lang kayo dyan? Malapit ng mag-start ang klase!" Sita ni Eli sa kanila. Nauna na itong maglakad papunta sa department nila.
Nagsisunudan naman silang lima.
--
Classroom.
Maingay. Magulo. Madumi. Malayong-malayo ito sa kinasanayang classroom ni Dama. Sa kanila kase, parang theater style ang classroom at parang sofa ang mga upuan sa lambot. Tiled pa ang sahig na alaga sa pagsa-shine ng mga janitor at janitress.
Itong classroom na 'to... semento lang at alaga sa floorwax kaya amoy floorwax ang sahig. Mamula-mula pa!
Kanya-kanya silang hanap ng upuan.
Si Eula, sa unahan pumwesto. Syempre, para madaling mapansin ng teacher at saka para makita agad sya ng mga estudyanteng mapapadaan. Alam nyo na... nagmamaganda na naman.
Sina Analeigh at Zelo, parehong pumwesto sa tabi ng bintana. Magkasunod sila ng upuan. Tinabihan naman ni Dama si Eli na nasa bandang gitna.
Si Keeme, nasa tabi ng ikalawang pintuan sa likod--para kaunahan syang makakalabas ng classroom kapag dismissal. Pwede rin na kapag may gustong makipag-away, sisenyasan lang sya mula sa labas at madali na syang makakapuslit.
Kakaupo pa lang nila halos ng biglang pumasok ang isang teacher na sa tantya ni Dama ay nasa early 40s na nito. His hair was balding already and he has a huge belly.
"Good morning." Bati ng teacher. "Mukhang may bago tayo ah?" Ngumiti sya kay Dama. Saka nya ito pinapunta sa unahan. Nagtaas ng kilay ang dalaga saka iniikot ang tingin sa mga bagong kaklase.
Lahat sila ay nakatingin na sa kanya.
Oh how she loved the attention!
She stood up and held her head high saka naglakad papunta sa unahan. Tapos ay nilingon nya ang mga kaklase.
"What's your name hija?" Tanong sa kanya ng prof.
"Danielle--"
She stopped midway. She totally forgot about her name issue! Muntik na nyang masabi ang pangalan na pansamantala nga pala nyang hindi pwedeng gamitin.
Who would believe her anyway?
Sa katagalan ng pause nya ay hindi naiwasan ang snide remarks na mula kay Lei.
"O ano? Nakalimutan ang sariling pangalan?"
Dama pressed her lips in annoyance while trying to remember the surname that she should be using.
"Mr. Nasino, ikaw na nga ang magpakilala sa pinsan mo." Naiinip na sabi ng teacher.
Tumayo si Zelo at akmang pupunta na sa unahan when Dama raised her right hand to stop him.
"Ang pangalan ko ay Daniella Nasino..." She felt something stick inside her throat. Pride nya yata. She couldn't shallow it down. No... not just yet. "--but I insist you call me DAMA."
xxxx
AN: Hi! So what did you think of the update? ^^ If you want to see the rest of the characters... check out my teaser vid on the Prologue of this story. Yun lang... kakain muna ako. Haha...
COMMENT nama kayo. Salamat! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro