Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

"I can't burn a bridge that I'm still crossing... I can't lose the past that I'm still lost in." –Mind Over Matters of the Heart

 

--

 

"Zelo, can I ask you something?" she asked him. Nakahiga silang dalawa sa hammock na nakatali sa dalawang naglalakihang puno. Nakasandal siya sa balikat nito habang ito naman ay natatakpan ng kaliwang braso ang mga mata.

"Hmm?"

"Can you not go back to North Carolina tomorrow?"

Tinanggal nito ang tabing sa mga mata at saka tumingin sa kanya.

"Hindi pwede," sagot nito.

She pouted. "Eeeee... why?"

"May klase ako."

"Eh bakit hindi ka na lang dito mag-aral?"

"Gusto ko sa ibang bansa."

"Eh di dun na rin lang ako," she suggested.

"Ayoko."

Lalo syang napasimangot. "Bakit naman?"

"Kaya nga ako nangibang-bansa para malayo sa 'yo eh," sagot nito.

She slapped his arm. "Salbahe ka!"

Tumawa ito.

"Pero seryoso nga... dahil ba sa 'kin kaya dun ka nag-aral?" nakasimangot niyang tanong.

"Tingin mo?" pabalik nitong tanong.

"Sagutin mo na lang kase..." she demanded.

Napabuntong-hininga ang binata at sa mga dahon na nasa itaas ng puno nito itinuon ang tingin. He then placed his right arm under her nape.

"Mangako ka muna..."

"Na?"

"Na wala kang gagawin," sagot nito.

"Gagawin about what?"

"Basta. Mangako ka muna."

"Okay. Pinkie promise?" She raised her right pinkie finger. He did the same with his left. Saka nila iyon pinag-intertwine. "Ano ba kase yun?" she asked after.

"Nandun kase ang nanay ko."

Nanlaki ang mata niya sa gulat. She never thought na importante dito ang nanay nito. He doesn't like talking about his mother. For him, she's just a part of his bad past. Pero ngayon ay nag-aral pa ito sa Carolina para mapalapit sa nanay nito.

She wanted to meet his mother. Gusto nyang malaman kung paano nito nagawang iwan ang anak. She's pretty sure Zelo was a good kid. Full of animosity, yeah... pero dala na rin siguro iyon ng pag-abanduna dito ng ina.

"You knew?"

Tumango ito. "Huling habilin yun ng tatay ko. Gusto nyang makilala ko ang nanay ko. Ayoko man..." his voice trailed off. Nakatingin pa rin ito sa mga dahon sa itaas nila.

"So kaya ka lang nag-aral dun kase malapit ka sa nanay mo?" she asked.

"Oo," was his clipped answer.

"Huh..." Bahagya syang bumangon at saka sya yumuko dito. "Don't you want to see her?"

Umiling ito.

"Bakit?"

"Hindi ko naman mahal ang nanay ko eh."

Nalungkot ang dalaga sa sinabi nito. "That's not a good thing to say Zelo. Kami ni mommy, kahit halos magpatayan kami dati, I still love her. I mean, I am nothing without her. I owe her my existence..."

"Kahit naman nag-aaway kayo, alam mong may pakialam sya sa 'yo. Hindi katulad ng nanay ko," he replied.

"What will you do once you see her?"

"Ewan."

"What if she wants to have you back?" tanong niyang muli sa binata.

"Ewan ko," sagot nito.

Niyakap niya ang binata sa bewang nito. "I hope you find it in your heart to forgive her. She's your mother after all."

"Ang tanong... hihingi ba sya ng tawad?"

--

Ilang araw na mula ng makaalis ang binata. Everything went back to normal. Normal as in boring. Normal as in she's back to having no love life. Normal as in she's missing him again. Naaalala pa nya yung nakakatawang convo nila sa airport last Sunday.

"Wag ka na kase umalis!" ungot nya sa kasintahan habang nakayakap dito.

"Hindi nga pwedeng hindi. Kulit mo!" Pinitik siya nito ng mahina sa noo.

Hinatak naman siya ng kaibigang si Eula palayo kay Zelo. "Best... tigilan ang kaartehan. Magkikita pa kayo."

"Oo nga. Kung makakapit 'to kala mo katapusan na ng mundo!" sabat naman ni Lei.

"Clingy masyado. Makipag-break ka na nga Zelo," Keeme suggested.

Agad naman siyang niyakap ni Zelo, as if protecting her from being taken away by something OR someone. "Mukha mo Astel," he replied to Keeme.

Tumawa naman si Keeme. "Ano? Gwapo?"

Binatukan ito ni Lei. "Bawas-bawasan mo nga yang pagka-assumero mo!"

"Aray ko naman! Masamang mag-joke?" naiirita nitong tanong.

They all laughed.

"Kung magjo-joke ka, yung nakakatawa naman!" sabat ni Eli.

"Oo nga. Gayahin mo si Eli, wala pang ginagawa, nakakatawa na," Chastene added.

They all looked at Chastene, amused. "Ah! Hinahard ka pre! Gantihan mo!" untag ni Keeme kay Eli. Napasimangot naman itong isa at biglang nanahimik.

"Wala. Tiklop ka pala eh," naiiling na sabi ni Eula.

"Oh mabalik tayo sa dalawang bida."

 

Tumingin ang barkada sa kanilang dalawa.

"Alis na 'ko," paalam ng binata sa kanya.

"When will you come back?" she asked.

"September," maikli nitong sagot.

She stomped her foot. "Ang tagal pa!"

Tumawa ang binata. "Ganun talaga. Para mamiss mo."

"Eeee... uwi ka sa March!" she demanded.

"Ayoko. Ang mahal mahal ng pamasahe eh."

"Eh di ba mahal mo naman ako?" paglalambing niya rito.

"Oo nga. Kaso mas mahal yung pamasahe," sagot nito.

"Hala basag."

"Sa 'kin ka na lang kase."

"Hala bumabanat si Astel oh!"

 

Tiningnan ni Zelo ng masama si Keeme saka nito binalingan si Eli. "Eli, 'wag mong papalapitin si Astel dito ha," sabi nito sa kaibigan sabay turo sa kanya. "Kailangan laging 3 meters ang layo nila sa isa't isa."

Nagmukhang problemado si Eli. "Hala... susukatin ko pa?"

Napa-face palm si Lei. "Oo na lang Eli," she said in resignation.

His flight was then called. Tinanggal nito ang kamay niya mula sa pagkakayakap dito. "Kita na lang tayo sa September," sabi nito sa kanya.

Napasimangot ang dalaga.

"Wag kang sumimangot. Napangit ka lalo."

Hinampas niya ito sa braso. "Mang-iiwan ka na nga, manlalait ka pa!"

 

Tumawa ito at hinalikan sya sa pisngi. "Sige na. Bye."

 

Kinuha nito ang hand carry na nasa sahig at binitbit habang naglalakad palayo sa kanila.

"Zelo!" she called. Lumingon ito. "Mag-po-propose ka sa 'kin ah!"

"Oo! Pagbalik ko!" mabilis nitong sagot.

Saka sila pareho natigilan. Nagkatinginan silang dalawa while the gang suddenly cracked up.

 

"Ang epic!"

"Ayeee... si best kinikilig!"

"Pasintabi po kay Keeme."

She smiled at Zelo. "Sabi mo yan ah! Wala nang bawian!"

Zelo rolled his eyes at her. "Oo na lang."

 

--

--

--

 

Yung pangako na yun... no matter how informal, ang pinanghahawakan nya. That someday, he will ask her to marry him. Funny.... just last year, she would never think of marrying a guy who is way below her stratosphere. She would never imagine herself happy with the company of people she barely knew.

She would never say I love you to her mom.

She would never like her younger brother.

In a way, masaya syang napalayas sya ng bahay. Truly, mothers know best. Well... a lot of them at least. Some may have not agreed that her mom's way is right. In many ways, yes, it is wrong and kind of heartless... but nevertheless, it did them good.

Nakahanap sya ng mga kaibigan.

Nakaramdam sya ng pagmamahal.

Napalapit siya sa pamilya niya.

All is good. All is good little heart, she said to herself. Maya-maya'y isang malakas na sigaw ang narinig niyang umalingawngaw sa buong bahay.

"Yaya!" She panicked. Manganganak na yata ang mommy nya.

"Ate, what's happening?" litong-tanong ng kapatid niya.

"I think mom's about to give birth!" taranta niyang sagot. "Quick! Call dad!"

Nasa trabaho pa noon ang daddy nila. It was only passed seven in the evening. Nakaupo silang magkapatis sa sala. He was watching TV while she was staring into space... nang maghihiyaw ang mommy nila.

Dyma was already calling their dad while she ran upstairs to help her mom. Isang katulong ang kumuha ng wheelchair. Since hindi sila makakababa sa staircase ay ginamit nila ang elevator ng bahay.

When they were down on the first floor ay pilit nyang pinapakalma ang ina kahit sya mismo ay halos mawindang na dahil mukhang hirap na hirap ito.

"M-Mom... calm down, okay? Dad's on his way..."

"I-I'm fine sweetie," her mom said while panting.

"Ate! The car's ready!"

Tinanguan niya ang kapatid at sabay nilang inihatid ang ina sa sasakyan. Ipinatawag rin niya ang isa pa nilang driver at ipinasundo dito ang mga kaibigan niya.

Kailangan nya ng karamay. She feels like fainting.

--

Nang makarating sa ospital ay agad na ipinasok sa ER ang mommy nila.

"Stay with me sweetie," her mom said to her. Sobrang kapit ito sa kamay niya at ayaw siyang pakawalan.

She asked the nurse, "Can I—"

Nakangiti itong tumango. Pumasok siya sa ER kasama ang ina. Pinagbihis siya ng mga ito. They gave her a pair of gloves and mask saka pinahawakan ang kamay ng mommy nya.

--

"Push mom! Push! You can do it!" she said, trying to be encouraging.

--

"Konting push na lang Mrs. Dirham..."

--

After what seemed like indefinite minutes later...

"Congratulations ma'am... it's a girl."

Halos mangiyak-ngiyak ang dalaga ng ipahawak sa kanya ang kapatid na bagong silang.

"Mom... I might—"

"It's okay sweetie. I trust you..."

Nanginginig man ang mga kamay ay dahan-dahan niyang kinuha ang sanggol na iniaabot sa kanya. Tuluyan ng pumatak ang luha niya ng makita ang nakapikit na sanggol.

"She's so tiny!" she exclaimed.

Mahinang tumawa ang mommy nya. "Does she look like me?" tanong nito sa kanya.

"No. She looks like me," biro niya sa ina. Inilagay niya ang kapatid sa braso ng ina. "Can I call dad?" she asked the nurse.

Tumango ito.

Dali-dali naman siyang lumabas ng ER.

--

She saw her dad walking back and forth, his face etched with worry. Nakatitig lang ito sa sahig habang ang isang kamay ay nasa bewang nito. Ang isa ay nakatakip sa bibig.

"Best!" tawag sa kanya ng kaibigan. It drew her dad's attention to her. He took three large steps towards her.

"How's your mom? How's the baby? Are they both okay? Is it a boy? Girl? Can I go inside—"

She held up her hands. "DAD... calm down."

Pinahinga nya ng malalim ang ama. Sumunod naman ito. He breathed in and out a few times before he finally calmed down.

"Are you okay now?" she asked.

Tumango ito. "Yeah. Thanks."

She smiled at her dad. Pumasok naman ito sa loob ng ER.

"Can I go as well?" tanong ni Dyma sa kanya.

"Later na lang. Hayaan muna natin silang magsolo."

--

A few days later...

"Uy best! Bakit ang laki ng mata ng kapatid nyo? Kanino mana?" tanong sa kanya ni Eula.

Nakaikot sila sa kama kung saan nakahiga sa gitna ang kapatid niyang bunso. Nakatingin lang ito kay Dyma. Her sister have large, doey eyes... unlike theirs na singkitin.

Nasa tigkabilang-gilid silang magbabarkada, pinapanuod ang bawat galaw ng kapatid niya. Kanina pa nga ito nakatingin kay Dyma.

"Siguro sa kabit ni mommy," she said nonchalantly.

"Ate!"

"Joke lang! Di pwedeng mag-joke?!"

"Ssssshhhh!" saway nina Eli at Chastene.

"Sorry." She clamped her mouth and stared at her sister. Nakipagtitigan naman ito sa kanya.

"Mukhang may katapat ka na ah..." puna ni Lei.

"Di yan," she assured them.

"Ano nga daw palang ipapangalan nyo kay baby girl?" tanong ni Eula sa kanya.

"Dhar Maiel," sagot niya.

"Dhar Ma—ano?" kunot-noong tanong ni Eli.

"Basta! Basta Dharma ang nickname..."

"Weird naman."

"Ganun talaga..."

"Weird kase ang nagbigay."

"Ha. Ha. Ha. Tawa well."

"Uy quiet! Nakakatulog na si baby!" Keeme hushed.

"Grabe... inantok pa yan sa ingay natin?" natatawang tanong ni Eula.

"Alam mo naman, mana yata sa ate nyang abnormal," sabat naman ni Eli.

"So hinahard nyo 'ko?" taas-kilay nyang tanong.

"Hindi naman best. Slight lang. Anyway, matanong ko lang... bakit nasa work ang daddy mo nung manganak ang mommy mo? Di ba dapat naka-leave sya?"

She sighed. "May emergency meeting kase. Ayaw nila ng confe. Ayun, napilitang pumunta ni dad sa office for a few hours. Eh malay ba naman naming manganganak na si mommy. Sabi kase nung OB nya, next, next week pa daw."

"Doktor kase yun, hindi manghuhula," Lei said.

"Oo na Analeigh."

--

Palaging nasa bahay nila ang barkada, kinukunan sila ng video at picture. Ang daddy naman nya ay ayaw nang lubayan ang mommy nya. Todo alaga ito. He wanted to take care of the baby but she insisted that she will do it.

Ayaw na nga niyang bitawan ang kapatid kahit ngalay na ngalay na sya.

One time ay nakipag-video chat ang barkada kay Zelo.

"Bagay ba sa 'kin ang may baby?" nakangiti nyang tanong dito.

Bahagyang namula ang pisngi nito at nag-iwas ito ng tingin.

"Grabe, anak agad? Di pa nga kasal!" Eula said in exaggeration.

"Oo nga. Pasintabi naman. May nasasaktan," sabat ni Eli sabay tingin kay Keeme.

Nakisakay naman si Keeme sa biro ng barkada. Inakbayan sya nito. "Mas bagay kaya kami," nakangiti niyang sabi.

Zelo glared at them. "Humanda ka sa 'kin Eli."

"Hala! Bakit ako?" lito nitong tanong.

"Di ba may usapan tayo?"

Napakamot ito sa ulo. "Ano na nga?"

"Haaaay... maaasahan ka talaga kahit kelan," Zelo said sarcastically.

They all laughed. "Sige na. Lalayo na po. Baka umiyak ka pa," Keeme teased.

"Sweetie?"

She saw her daddy peep through the ajar door.

"Yes dad?"

"Baka naman gusto mong ipahiram sa 'kin ang kapatid mo?" tanong nito.

"Ay... sorry dad. Here... balik mo din mamaya ha."

"Kawawa naman yung tatay, hindi na mahawakan ang anak."

Natawa si daddy sa tinuran ni Eula. "True. Excited na yatang magka-baby ang panganay ko eh," tudyo ng ama sa kanya.

"Nandito po yung magiging tatay," sabi ni Lei sabay turo kay Zelo.

Daddy squinted. "Hey kid... 'wag muna ha."

"Hindi pa po muna talaga. Wala akong pambili ng gatas kung sakali," sagot nito.

"Mayaman naman kami kaya okay lang," sabat niya.

"Hey..." saway ng daddy nya.

"I'm kidding dad. Takot ko lang sa 'yo."

"Good. I'll go now. See you guys around," paalam nito sa kanila.

--

"Eto na si baby..." ngiting-ngiting sabi ni Dani sa asawa.

"Thank God!" Kinuha niya ang anak mula sa asawa. She kissed her baby girl's little forehead. Hinalikan naman siya ng asawa sa labi.

"Can I get you anything?" tanong nito sa kanya.

"I'm craving for some fruits. Can you get me a fruit platter dad?"

"Sure thing. I'll be back." He kissed her again. "I love you."

"Love you too daddy."

Hinalikan naman nito ang anak. "Love you baby."

The little girl cackled in response.

--

Nasa terrace sina Keeme at Lei, kumakain ng pizza at French fries na galing sa Greenwich. Nasa loob ng kwarto ang mga kaibigan nila, naglalaro ng Wii kasama si Dyma.

"Okay ka lang pre?" tanong ni Lei sa kaibigan.

"Basag na basag na nga eh," sagot nito habang tinatapik ang dibdib. Hindi niya malaman kung matatawa ba sya dahil puno ng pagkain yung isa nitong pisngi habang nagsasalita o maaawa dahil nakangiti ito kahit animo'y gustong umiyak.

"Ayos lang yan." Tinapik-tapik niya ang balikat nito.

"Ikaw kumusta?"

Napabuntong-hininga siya.

"Eto... umaasa pa rin. Parang tanga noh? Nakakainis kase."

"Nilagyan pa ng parang, tanga ka naman talaga," he replied.

Binigyan nya ito ng masamang tingin. "Eh kesa naman ikaw!"

Tumawa ito. "Ayos lang naman sa 'kin eh. Tanggap ko na namang wala akong pag-asa. Eh ikaw?"

"Tss. Oo na."

They both felt silent. Both were munching each slice of pepperoni pizza.

"Hoy Astel, may idea ako."

"Ano yun, Tolentino?"

Tiningnan niya ito ng mabuti. Nakakunot ang noo nito at nag-aantay ng sunod nyang sasabihin. Huminga sya ng malalim.

"Kung tayo na lang kaya?"

 

xxxx

AN: Idudugsong ko na lang yung other parts ng interview sa barkada after some time. Basta, sasabihan ko na lang kayo. Dagdag chapter pa kase kapag hinati-hati ko pa. Ayan... UD ko. Hahaha... Kthanksbye~~~

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro