Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

"I'm bad and that's not good. I'll never be good but that's not bad. There's no one else I'd rather be than me." --Wreck-It Ralph


--



Tiningnan ni Eli ang sarili sa salamin. Nagmumukha syang panda dahil sa dalawang bilog na naka-drawing sa mga mata niya. Meron din syang mustache at balbas. Tapos yung patilya na parang kay Elvis Presley.

Gusto nyang mainis. Makailang beses na silang nag-inom ng barkada pero ni minsan ay hindi sya naganito.

Tapos si Chastene na ke bago-bago sa barkada ay nagaganito sya? Porket crush nya ito. Hindi nga niya alam kung halata ba nitong may gusto sya rito.

"Eli?"

He saw her through the mirror. Nakatayo ito sa may pintuan, nagpipigil ng tawa sa itsura nya. Napanguso siya. "Ano?" tanong niya rito ng may halong pagtatampo.

Ngumiti ito sa kanya at saka lumapit.

"Sorry. Ang mantika mo kaseng matulog kagabi," she said. Kumuha ito ng wet tissue na nakapatong sa may lababo.

She held his chin so that he won't move at saka nito pinahid ng basang tissue ang mukha niya.

Being this close to her, he got a chance to see her face up close. Maganda si Chastene. She has this pleasant face na kahit badtrip ka, kapag nakita mo ay mapapangiti ka talaga.

For a second ay nagkatinginan sila. He quickly looked at something else. Eh napatungo sya. Ayun... his gaze landed on her breasts.

"Eli!" saway nito sabay sampal sa kanya.

"Sorry naman nataranta lang!" Napahawak siya sa pisngi niya. "Aray ko naman..."

Tumawa ito. "Sorry. Reflexes."

He fell silent again as she continues to clean his face.

--

Nang makapaligo na silang lahat ay nagpunta na sila sa kusina para kumain ng late breakfast. Dama's parents and Dylan already ate. So sila lamang magkakaibigan ang magkakasabay kumain.

Ginisang sugpo ang ulam. Nakalagay ito sa dalawang malalaking cooking pots. Halos wala ng kaning mailagay sa pinggan ang magkakaibigan dahil puro sugpo ang laman ng plato nila.

She was busily de-shelling her prawns nang agawin ni Zelo ang plato niya. Then he gave her his na puro balat na ang sugpo na nakalagay.

"Thank you!" she said with a smile. Nilagyan niya ng kanin ang pinggan at saka sya nagsimulang kumain habang ang mga kaibigan ay nakatingin lamang sa kanya na naiinggit.

"Zelo ako rin!" reklamo ni Eula.

Inilapit naman nina Chastene at Lei ang mga plato nila na may lamang hipon na may shells pa.

Zelo looked blandly at them. "Wala kayong kamay?"

Sumimangot ang mga ito. "Eh bakit si Dama?"

Sumabat ang dalaga, "Girlfriend kayo?" taas-kilay nyang tanong.

"Oo na best. Ikaw na!"

She laughed. "Ako na nga. Kumain na lang kayo..." Binalingan naman niya si Zelo. "Hoy kumain ka na rin," sabi nya rito. Nagbabalat pa kase ito ng sugpo nito.

"Kumain ka na lang. Wag mo 'kong intindihin," sagot nito.

Kumuha sya ng sugpo at iniumang sa bibig nito.

"Eat," she commanded.

Tumingin ito sa kanya. "Kulit mo."

"Dali na... nangangalay ako," she pointed out. Tiningnan muna siya nito ng masama bago nito isinubo ang sugpo na hawak niya.

"Kadiri kayo," Eula muttered.

"Inggit ka lang," sagot naman niya.

"Oh..." It was Zelo's turn this time. Sinusubuan sya ng pagkain. Nakangiti naman niyang tinanggap iyon.

"Yuck! Makalipat nga. Nasusuka ako," deklara ni Lei. Tumayo ito at dinala ang plato. "Hoy Keeme, dun tayo sa balcony dali!" untag niya sa kaibigan nilang kanina pa tahimik.

Walang anu-ano'y tumayo na rin ito at lumabas ng kusina kasama ni Lei.

--

Naupo sina Lei at Keeme sa sahig ng balkunahe. Tiled naman iyon at palaging malinis. Inilapag nila ang mga plato sa sahig saka sila sumandal sa pader at pumwesto ng naka-Indian sit.

"Musta pre?" panimulang tanong ni Lei.

"Sarap ng sugpo," sagot nito sabay kagat sa sugpo na hawak.

"Gago. Sagutin mo yung tanong ko."

"Mas gago ka. Nagtatanong ka ng obvious. Hashtag—"

Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil binatukan nya na ito.

"Punyeta naman! Marumi yang kamay mo!" singhal nito sa kanya.

Imbes na tumigil ay inihilamos pa niya ang kamay sa mukha ng kaibigan.

"Arrrgh!" tumayo ito at nagdabog. Tapos ay hinubad ang t-shirt na suot para linisin ang mukha at batok.

"Gago ka talaga!" naiinis nitong sabi sa kanya.

Tinawanan naman niya ito.

Keeme resigned on the spot next to her. Napabuntong-hininga na lamang ito habang nakatitig sa malawak na lupain na nasa harapan nila.

"Nasasaktan ka dude?" tanong niya.

"Hashtag keri lang," sagot nito.

"Shunga mo noh? Di mapakali sa hashtag?"

Keeme chuckled. "Ganun talaga."

"Seryoso... nasasaktan ka nga?"

He rolled his eyes at her. "Kung ikaw, makita mo si Jeric na may kasamang iba, di ka masasaktan?" tanong nito sa kanya.

"Syempre masasaktan," sagot naman niya.

"Oh... ganun din ako."

They fell silent for a while. Kumuha siya ng isang sugpo, binalatan iyon at kinain.

"So wala kang balak makipag-agawan?" curious niyang tanong.

Nagkibit-balikat ito.

"Ano yan? Sumagot ka ng maayos!" she demanded.

"Wala," he said flatly.

"Wala? Seryoso ka?"

"Ano namang mahihita ko? Gusto nila isa't isa. Parang tanga naman kung sisingit pa 'ko, di ba?"

"Hmmm... sabagay nga." She patted his shoulder. "Ayos lang yan pre. Part ng life..."

Pinalis naman nito ang kamay niya.

"Ang dumi sabi ng kamay mo!"

--

Saturday. Nasa mansion pa rin ang magbabarkada. Wala silang ginawa maghapon kundi maglaro ng Wii, PS2, Xbox... Nang manakit ang mga mata ay lumabas naman sila at gumala sa lupain nina Dama. They were even taught to ride horses.

Nag-swimming na rin sila. Nag-Frisbee. Nakipaghabulan sa mga aso. At kumain ng kumain ng kumain. When night came, lahat sila ay pagod na pagod na.

Kaya nanuod na lang sila ng movie... habang nag-iinom.

Tumayo si Keeme mula sa pwesto nito at lumipat sa terrace. Tinatamad daw kase itong manuod.

Sa kalagitnaan ng movie ay nagpunta rin sa terrace ang dalaga para magpahangin. Hindi naman kase kagaya ng dati na 24 hours na naka-aircon ang kwarto niya kapag nasa bahay lamang siya.

Holding a beer at hand, the two of them stood a meter apart from each other. Parehong nakatitig sa kawalan. They were like that for the whole 20 minutes until she felt like it was getting colder.

Papasok na sana ulit siya sa kwarto ng maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

She immediately blushed when she felt Zelo's arms wrapped around her... his face on her shoulder. Kumakabog ka na naman little heart, turan niya sa puso na biglang nag-accelerate ang pagpintig.

"Z-Zelo..."

"Nilalamig ka. Halata," he whispered.

"Oo na. Kayo na."

Parehas silang napatingin kay Keeme na nakatingin sa kanila pareho. Hawak nito ang isang bote ng beer sa isang kamay. Ang isa naman ay nakapamay-awang. Nakapatong ang siko nito sa railings.

"Inggit ka pare?" tanong ni Zelo dito.

"Gago," sagot ni Keeme.

Hindi malaman ng dalaga kung magka-away ba o ano ang dalawa. Kalmado naman sila pareho. Mga nakangiti pa nga.

"Pakayap din!" biro nito kay Zelo.

Agad naman siyang inilayo ng binata. "Yakapin mo sarili mo," sabi nito kay Keeme.

"Ano ba kayo! 'Wag nyo nga akong pag-agawan!" saway nya sa mga ito.

Nilingon sya ni Zelo at tinapik ng malakas sa noo. "Wag ka ngang feeling dyan."

"Oo nga. Hashtag feeler Dama?" nakangiting tanong ni Keeme sa kanya.

Sinimangutan nya ang dalawa. "Ang labo nyo, alam nyo yun?"

Tumawa ang dalawang lalaki. Somehow, it put her at ease. Nakakaloka man ang relationships nilang magbabarkada, at least naman, one has sense enough to back off when he knows he doesn't stand a chance.

Sana nga lang ay makahanap na si Keeme ng ipapalit sa kanya. She likes Keeme... but not to an extent na kaya nyang ipagpalit si Zelo.

Para nya na kase itong kuya. Alaskador pero maalaga...

--

"Ma, aren't you cold?"

Ibinalabal ni Dani ang cashmere sweater na hawak sa asawa.

"Five minutes pa lang naman ako sa labas dad," sagot nito sa kanya.

Nakatayo si Meg sa terrace ng kwarto nila, nagpapahangin. Niyakap niya ang asawa at hinalikan sa pisngi.

"What are you thinking?" he asked. Naging habit na nya ang tanungin ang asawa ng ganun. Madalas kase ay hindi nya ito maintindihan. And he would sometimes be confused by her actions, lalo na kapag bigla itong nagagalit sa kanya.

By him asking her what's on her mind, nagiging aware siya sa bawat saloobin ng asawa at any time of the day.

"I'm thinking about Dyma. Di sya naghapunan eh. Do you think he's okay?"

"Don't worry about him ma. He'll eat when he's hungry."

"Eh dad... kanina pa sya nagkukulong. Ano kayang ginagawa nya?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Hmm... maybe guy stuffs?"

Isang malakas na hampas sa braso ang naisagot sa kanya ng asawa. He laughed.

"No way!" reklamo nito.

"Ma... he's fourteen. It's normal," he assured her.

"No! Stop it dad! Ugh..." Napasapo si Meg. "I don't want him to think of those things yet. Bata pa ang baby ko."

"I'm just kidding ma. Sorry," he said then kissed her again. "I'll go check out if he's okay," paalam niya rito.

"Okay... sabihin mo kumain na sya ha?"

"I will."

--

Dani through the slightly opened door of Dyma's room. Bukas lahat ng ilaw pero wala sa kama ang anak niya. Nakaupo ito opposite the mirror wall with a chess board on his front. Nakapangalumbaba ito.

"Son?"

Tumunghay ito sa kanya. "Yes dad?"

"Hindi ka ba nagugutom? Your mom wants you to eat dinner first. It's past eight already," he said to him.

"I'll just finish this game," sagot nito sa kanya.

Nilapitan niya ang anak at tinabihan. Kunot na kunot ang noo nito habang nagku-concentrate sa paglalaro ng chess.

"Dad? Why can't I beat myself? No matter how hard I try, natatalo pa rin ako," turan nito.

Natawa sya sa sinabi ng anak. Dyma is reserved and quiet. Nakakausap lang ito ng matino kapag may chess na involved. Kaya naman sobrang na-depress ito ng mamatay ang lolo nito.

Ito lang kase yung madalas kumausap sa kanya.

He admits that he's not trying his hardest to reach out to his son. Busy kase sa trabaho and his focus is on his wife na ilang buwan na lamang ay manganganak na.

"Can we play?" he asked.

"Really dad?" gulat nitong tanong. He saw in his eyes the excitement. Isang simpleng tanong lang pero mukhang massayang-masaya na ito.

"Yes. Really."

Iniharap ni Dyma ang board sa kanya at saka nito inayos ang chess pieces.

"Dad, I'll tell you a secret if you beat me."

He was taken aback with his son's change of aura. Naging competitive ito bigla.

"Really? Okay," pagsang-ayon na lamang niya.

Una niyang move ay ang horse na nasa kanan. Dyma countered with the bishop. He drew a pawn. Dyma retaliated. Hanggang sa...

"Checkmate."

"What? Wait! How—"

"This dad..." Itinumba ni Dyma ang horse niya. It was eaten by Dyma's horse and trapped the king.

"How did you even do that?!"

Ngumiti ang anak niya sa kanya. "I know a lot of variations of the four moves," sagot nito.

"Teach me! Maglalaro kami ng mommy mo minsan."

"Mom won't play with you. She hates chess," Dyma pointed out.

"All the more na makipaglaro dapat ako sa kanya so I could beat her."

Tumawa ito. "Mom won't like that."

"How good is your ate?"

Napaisip ito sa tanong nya. "Hmmm... let's just say that you won't last five minutes with her dad," sagot nito.

"You're exaggerating..."

"No. I swear she can beat you with her eyes closed."

Sinimangutan niya ang anak. "Sige na. Kayo na ang magaling sa chess." Ginulo nya ang buhok nito. Saka sya tumayo. "Eat first before going to bed, okay?"

"Yes dad," sagot nito.

Nasa may pintuan na siya ng lingunin nya itong muli. "Son... about that secret. Ano yun?"

"Kaya nga secret dad eh..."

"Clue?" tanong niya.

Ngiti lang ang isinagot nito. Nagkibit-balikat na lamang siya saka lumabas ng kwarto.

--

"Dad, what's he doing?" alalang tanong ni Meg nang makabalik siya sa master's bedroom.

"Playing with himself," sagot niya.

Napasinghap si Meg. "Oh God..."

Realizing that she thought of something else, napatawa siya. "No. I meant he's playing chess with himself."

Nakita niya ang relief sa mukha ng asawa.

"Akala ko naman..."

Niyakap niya ito at hinalikan sa noo.

"Ma... may nalaman ako tungkol kay Dyma."

"What?"

"He already has a girlfriend. But it's a secret. Don't tell him I told you."


xxxx

AN: Sabaw ang utak ko. Sarreh. Demand more... maloka kayo kakahintay. Hahaha...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro