Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Don't you share your smile with anyone else but me.

--


Pagkatapos ng birthday party ng binata ay nagsibalikan na ang mga katulong sa pagtatrabaho. Una nilang ginawa ay ang mag-impis ng kalat. Hawak-hawak pa rin nya ang baboy na ibinigay ni Zelo sa kanya. 

Yes, he may not be as sweet as her dad... but she loves him just the same. Kakaiba kase itong magpakita ng pagmamahal... at minsanan lang. She feels special whenever he treats her special kase madalang lamang nito iyong gawin. 

"Halika," aya nito sa kanya. He held her hand and led her outside the mansion.

"San tayo pupunta?"

"Kay tatay," maikli nitong sagot.

Natuwa siya. He must really love her that much para ipakilala siya sa ama nito. She got excited and scared at the same time. Baka kase hindi siya magustuhan ng tatay nito dahil sa ugali nya. Naninigaw pa naman siya ng mga katulong dati.

Baka isa ito sa natarayan nya... di nya alam.

"Teka, asan ba ang tatay mo?" tanong niya sa binata. Nakita nya kaseng papalabas sila ng gate. 

"Basta," sagot nito.

"Malayo ba yan? Mag-kotse na kaya tayo?"

"Hindi. Sa likuran lang."

"Sa likod? Eh ang layo kaya nun!"

May mataas na mataas na bakod na nakapalibot sa lupain nila. At ilang ektarya rin ang lawak ng lugar kaya ang likuran na sinasabi ni Zelo ay hindi isang tumbling lang.

Binitawan nito ang kamay niya. "Kung ayaw mo, 'wag kang sumama. Dami mong arte." Nagpatuloy ito sa paglalakad. 

Agad naman siyang sumunod dito at saka niya ito kinapitan sa braso. "Eto na nga, maglalakad na."

--

Mag-iisang oras silang naglakad nang sa wakas ay makarating na rin sila sa pupuntahan. Mapuno sa likuran ng property nila. Hindi pa kase ito gaanong developed. Nakita niya ang isang malaking puno na may kulay white na lubid na nakaikot sa katawan nito.

Then she saw on it's ground... isang lapida.

Tiningnan niya ang binata. She couldn't read his expression. Hindi naman ito mukhang malungkot... pero hindi rin masaya.

"Ayan ang tatay ko," sabi nito ng nakaturo sa lapida.

"Zelo..."

Pilit itong ngumiti. "Alam mo ba... dahil sa 'kin, nagawa nyang magnakaw? Sakitin akong bata. Halos araw-araw, may sakit ako. Mahirap lang kami at walang pambili ng gamot si itay. Puro utang na kami sa tindahan na malapit sa 'min. Minsan... palapit pa lang si tatay para mangutang, minumura na sya ng tindera.

Madalas ring magkasakit si Itay dahil hindi sya kumakain. Naging basurero sya dati. Tapos kada umaga, isang pandesal lang yung kinakain nya. Sa akin yung dalawa... tapos yung kape, sa akin na lang din. Sa tanghali, ipangbibili nya ng gamot at pagkain yung kaunting pera na naitatabi nya mula sa pagbabasura. Tapos iinom sya ng tubig at bibili ng tinapay... saka sya aalis ulit para naman magtrabaho bilang barker sa mga istasyon ng jeep na malapit sa 'min.

Sa gabi... itinutulog na lang nya ang gutom. Hindi ko nga alam kung pano nya nakayanan na ganoon sya araw-araw... lalo na kapag walang nagpapautang sa 'min ng pambili ng pagkain..."

Hindi sya makapagkumento. Hindi nya kase alam kung ano'ng tamang sabihin para mapagaan ang loob nito. He doesn't look like he's on the verge of crying. In fact, mukhang okay naman ito. Pero ang lungkot lang kase ng kinikwento nito sa kanya. Natatakot syang baka kinikimkim lang nito ang sakit.

Unable to say anything, hinawakan na lamang niya ang kamay nito and gave it a little squeeze.

"Alam mo bang savior ko ang mama mo?"

Tumango siya. "Yes. Diba kinupkop kayo ni mama?"

"Mabait ang mama mo... kahit magaspang ang ugali. Siguro isa na rin yun sa dahilan kung bakit nagustuhan kita. Para ka kaseng ang mama mo. Sa una lang masama."

"Zelo nalulungkot ka ba?" nag-aalala niyang tanong dito.

"Oo naman. Ikaw ba naman ang ulila ng lubos?"

"Asan ang mama mo?" tanong niya.

"Wala. Ewan. Matagal na yatang patay. Bata pa lang ako nung iwan nya kami ni tatay. Nakakita kase sya ng mas mayaman eh. Hindi ko rin naman siguro sya masisisi. Mahirap lang kase si tatay." Parang may kung ano sa sinabi nito na nagpa-inis sa kanya.

Maybe because she's rich and he's not? Nandun kase yung feeling. Yung feeling na parang iniisip nito na may posibilidad na gawin niya rin iyon dito dahil baka magsawa siya sa buhay mahirap.

"Wag ka nang masyadong malungkot. Nandito naman ako. Nandito kami... pamilya mo na rin kami, di ba?"

Bumitaw ito sa kamay niya at inakbayan siya.

"Alam mo bang matagal ko ng sinabi kay tatay na gusto kita? Bata pa ata ako."

"Eh?!" She immediately blushed.

"Pinagtawanan nya nga lang ako eh. Pero nung inulit ko nung bago ako mag-college, sabi nya sa 'kin tigilan ko na daw ang pangangarap. Sabi nya di daw tayo bagay."

"Bagay kaya tayo! Sabi nila parehas daw tayong maarte."

Natawa ito sa sinabi niya. "Umuwi na nga tayo."

--

"Mahal mo ba ang tatay mo?" tanong niya ng makarating sila sa mansion.

"Oo naman. Mahal na mahal," sagot nito.

"Eh ang nanay mo?"

"Hindi ko alam. Kung si Nanay Pacing... oo mahal ko yun."

--

Gabi na pero hindi pa rin umuuwi ang mga kaibigan ng dalaga. Overnight kase ang mga ito sa kanila. Mag-iinom daw. Aba eh ngayon lang sila ulit nakumpleto... may bonus pa!

Nasa terrace ang magbabarkada. Nakalatag doon ang isang carpet at napapaligiran ito ng throw pillows. Nakaikot sila sa mga pulutan at inumin.

And the best part? Nakaupo sa likuran niya si Zelo at nakayakap ito sa kanya. Sukang-suka ang magbabarkada sa pwesto nila pero siya naman ay tuwang-tuwa.

"Tagay." Iniabot ni Keeme ang tagayan sa kanya. She reached out for it pero inunahan siya ni Zelo. Ito ang kumuha at tumungga ng tagay na para sa kanya.

She looked at him pero parang wala lang naman. Pero parang may kakaiba din. Hindi nya lang malaman kung ano.

Ibinalik nito ang tagayan kay Keeme at nang makita syang nakatingin dito ay ngumiti ito. Saka sya hinalikan sa pisngi.

"Luh! Pangatlong tagay pa lang Zelo... lasing ka na?" gulat na tanong ni Eula.

"Kadiri kayo! Umayos nga kayo!" saway naman sa kanila ni Lei.

Hindi naman sya makapagsalita. Para talagang may iba eh. May masama na naman bang mangyayari at ubod na naman ng keso ng boyfriend nya? O hindi lang talaga siya sanay na ganoon ito?

"Oh Eli." Iniabot ni Keeme ang tagay kay Eli. Seryoso ito... napansin nya. There's this feeling of guilt inside her na hindi niya malaman kung paano aalisin. Para kaseng responsable sya sa feelings ng kaibigan niya.

Pero ano nga naman ang magagawa nya? She can't reciprocate the love he can give because she can't give him that. Sana kase ay hindi na lamang ito nagtapat sa kanya.

Naramdaman nyang humigpit ang yakap ni Zelo sa kanya. Itinuon pa nito ang baba nito sa balikat nya.

"Happy Valentine's mahal," bulong nito sa kanya.

She shivered all over at that one word. Makailang beses na ba nyang hiniling na sana man lang ay magka-endearment ito sa kanya?

Little heart... 'wag ka ngang hyper! saway niya sa puso na kanina pa kumakabog.

"Ang korni nung dalawa, naiinis ako!" pagmamaktol ni Eula.

Kinuha naman ni Keeme ang cellphone mula sa bulsa nito. "Picturan natin. Para may remembrance kayo kapag naghiwalay na kayo," biro nito. 

She stuck her tongue out at him.

"Ulul. Sino'ng may sabing maghihiwalay kami?" tanong ni Zelo. Mukhang seryoso ito kaya wala ng nag-follow up question.

"Eh di kayo na," sabi na lamang ni Keeme.

--

Halos mag-aalas dos na ng madaling araw ng matapos silang mag-inuman. Kanina pa nakapikit at nakasandal si Dama kay Zelo para hindi sya matagayan. Hilong-hilo na kase sya.

Naramdaman nyang binuhat siya ng binata at inihiga sa kama.

--

Kinabukasan... Nagising ang dalaga sa pagtatawanan ng mga barkada. Nagmulat siya ng mata at bumangon. 

"Morning," bati ni Zelo sa kanya. Nakasandal ito sa headboard at nakaakbay sa kanya. Mukhang magkatabi na naman silang natulog. Nasa kabila naman niya si Eula na tawa rin ng tawa.

Si Eli kase... puro sulat ang mukha. Galit na ito at parang iiyak.

"Wala kaming kasalanan dyan! Sisihin mo si Chastene!" natatawang sabi ni Lei.

"Umamin na kayo! Sino pa bang wawalang-hiya sa mukha ko kundi kayo lang?" pikon nitong tanong.

"Ah? Ayaw maniwala! Si Chastene nga kase ang may gawa nyan!" pagpupumilit naman ni Keeme.

"Ah ewan!" Ginulo nito ang buhok at padabog na nag-iikot sa kwarto niya. Sakto namang pumasok si Chastene na may dalang isang tray ng kape.

Pagkakita nito kay Eli ay napangisi ito.

"Kitams! Nakangiti ang guilty oh!" Eula pointed out.

"Umamin ka na nga Chas," Lei said to her.

Nagkatingin sina Chastene at Eli. Bakas sa mukha ni Eli ang pagkabahala. Paano nga naman kase kung yung crush nya mismo ang nagwalang-hiya sa mukha nya? Makakapalag ba sya? Pentel pen pa naman ang gamit.

"Ako nga. Tinatanggi ko ba?" nakangiting tanong ng dalaga.

xxxxx

AN: Tip: Wag kang magpapakalasing sa inuman kapag barkada ang kasama mo. Trust me, naranasan ko na yan. Mga walangya kase yung mga tropa ko. Ginagawa akong freedon wall. LOL.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro